CHAPTER THIRTY: POPPY'S FIRST BUFFET EXPERIENCE✧FAITH ZEICAN LEE✧LINGGO ngayon at maaga akong nagising dahil church day namin. Pero dahil masyado pang maaga, nanatili muna ako sa kama ko nang ilang sandali, habang nag-s-scroll sa phone ko. May mga messages sa akin si Chloe kagabi pa at ngayon ko lang ‘yon nabasa dahil hindi ko hawak ang phone ko kagabi. Iniwan ko ‘yon sa kuwarto kagabi habang nasa sala kaming lahat, nagkukuwentuhan, kasama si Poppy. At hanggang sa pumasok ako sa kuwarto kagabi para matulog ay hindi ko man lang naisipang buklatin ang phone ko para i-check dahil masyado akong nalibang.Nangungumusta si Chloe kaya ni-reply-an ko siya. Kinumusta niya rin si Poppy. Mukhang alam na niyang narito sa amin si Poppy, siguro ay ipinaalam sa kaniya ng parents niya. At ang bukambibig niya sa mga message niya sa akin ay siya raw ang fiancé ko. Lagi niyang ipinaaalala ‘yon, halatang matindi na ang selos niya kay Poppy.Dahil ayoko siyang bigyan ng alalahanin, at ayoko rin na magin
CHAPTER THIRTY-ONE: EVERYONE LOVES POPPY✧FAITH ZEICAN LEE✧“Hi, My Popsieeee!”Popsie? Malapad agad ang ngiti ni Mommyla, nakabuka pa ang mga braso niya habang sinasalubong si Poppy papasok sa loob ng bahay nila. Nasa bandang likuran kami ni Poppy, at kararating namin dito dahil inimbita ulit kami ni Mommyla for barbeque dinner. Kami-kami lang ngayon. Hindi namin kasama ang pamilya ni Poppy.“Hi po, Mommyla,” malapad ang ngiting bati ni Poppy sa kaniya, kasabay ang pagyakap nila sa isa’t-isa.Ikalawang linggo na sa amin ni Poppy, at itong nakaraang linggo, tatlong beses kaming dito nag-dinner kina Mommyla. Tuesday, Thursday, Friday, at ikaapat ngayong Saturday. Pero sa tatlong gabi na ‘yon, napakadali lang din nakuha ni Poppy ang loob ni Mommyla kaya close na rin sila ngayon. Kung paanong naging close agad sa amin si Poppy noon, gano’n din sila ni Mommyla.May mga pagkakataon pa nga na nagseselos na si Summer kay Poppy, dahil noon ay siya ang favorite na apo ni Mommyla. Ngayon ay na
CHAPTER THIRTY-TWO: GAME OVER✧FAITH ZEICAN LEE✧NAGMAMANEHO na ako pauwi sa bahay. Madilim na sa daan dahil pasado alas siete na. Hindi katulad dati na alas sais pa lang nasa bahay na ako. Pero okay lang kahit late akong umuwi. Ang mahalaga, nabili ko ‘yong gusto ni Poppy na regalo para sa birthday niya.Noong nakaraang linggo kasi na tinanong siya ni Summer noong naroon kami kina Mommyla, tumanggi siya. She said she didn't need a gift; it was enough for her to be with us on her birthday. That was so touching. Muntikan na akong maiyak. Lalo na at sa aming magkakapatid, ako ang may pinakamababaw ang luha.Ganunpaman, hindi pumayag si Summer na hindi siya magsabi ng gusto niya because she said Poppy deserved a gift. At noong nagsalita na si Poppy, sinabi niya na gusto niya raw ng aso. Nami-miss niya raw kasi ‘yong aso niya dati noong bata pa siya—si Juana. ‘Yong aso raw na ‘yon ang naging palagi niyang kasama noon sa tuwing iniiwanan siyang mag-isa sa mansyon. Ito rin daw ang nakakatab
CHAPTER THIRTY-THREE: FAVORITE GIRL✧FAITH ZEICAN LEE✧NASA cottage ako, si Hope, Love, Mom at Dad. Hapon na kaya nag-p-prepare na sila ng dinner naming Samgyup sa mesa. Idea 'yon ni Love dahil nalaman namin na hindi pa rin na-experience ni Poppy ang mag-samgyeopsal.Halos katapat lang ng cottage namin ang dagat. ‘Yong hotel naman kung saan kami naka-check in ay malapit lang din at nilalakad lang namin mula rito. Kaming triplets ang magkakasama sa kuwarto. Si Summer at Poppy. Then, si Mom at Dad.Habang busy ang parents namin at si Love sa paghahanda ng mga kailangan, busy naman si Hopia sa pagbubuklat sa song book dahil kakanta raw siya. May videoke kasi sa cottage namin dahil si Hope mismo ang nag-request no’n kanina pang umaga pagdating namin dito. Talagang namana niya rin ang pagkahilig ni Tito Betlog sa musika. Ang totoo, kaninang umaga pa siya kumakanta. Hihinto lang kapag napagod. Huminto rin siya noong lumusong siya sa dagat kaninang bandang alas dies.“I always knew you were
CHAPTER THIRTY-FOUR: POPPY @18✧FAITH ZEICAN LEE✧“SIGURADO ka?” may pagdududang tanong sa ‘kin ni Chloe habang pinagmamasdan ako. Nasa isang restaurant kami ngayon, kaharap ko siya. Kahapon pa siya nakabalik sa bansa pero hindi niya ako nagawang puntahan dahil kinailangan niyang magpahinga.Si Poppy naman ay naro'n na rin sa kanila. I called her last night to ask how her sister's arrival went. She said it was fine. Her sister didn't confront her, thankfully. Pero ngayon, kinukuwestyon ako ni Chloe kung may relasyon daw ba kami ng kapatid niyang si Poppy.“Chloe, sa chat pa lang sinagot ko na ‘yang tanong mo. Hindi ka naniwala. Ngayong sinagot kita sa personal, bakit duda ka pa rin? Wala ka bang tiwala sa ‘kin?”“Because I saw the way you looked at her, Faith. Even before I left for Singapore, I noticed that you looked at Poppy differently. It's something you never did when you looked at me.”Napalunok ako. “Chloe, I don't know what you mean. You're the only one thinking that way. Popp
CHAPTER THIRTY-FIVE: POPPY'S LETTER✧FAITH ZEICAN LEE✧I WOKE up with the faint sound of rain tapping against the windowpane. My eyes flicked to the clock: 2:00 AM. Hanggang ngayon pala umuulan. Nagsimula ‘yon kagabi pa habang nagkakasiyahan kami sa pagdiriwang ng advance birthday ni Poppy. Rinig ko rin ang pagpito ng hangin sa nakasara kong bintana dahil medyo malakas ang hangin sa labas.So far, kahit bumabagyo naging sobrang saya pa rin ng birthday niya. Kahit walang videoke, nagawan pa rin ng paraan na makapagkantahan kami dahil may Smart TV naman at internet. Si Hope ang nag-set up ng mic, pinangunahan nila ‘yon ni Tito Betlog at sila ang nag-s-showdown sa pagkanta.Kapag kumakanta si Hope, sumasayaw si Tito Betlog. Kapag si Tito Betlog naman ang kumakanta, si Hope ang nagpapakitang gilas, na akala mo bulateng inasinan. Pero ayos lang dahil nakadagdag ‘yon sa saya ni Poppy. Ang totoo nga, pinapalakpakan niya pa ‘yong dalawa kagabi.Wala sana akong planong bumangon, but the drynes
POPPY Five years old.“Ito pa. Para sa ‘yo lahat ‘to, Chloe.”Isa-isang inilalabas ni Daddy ang mga bagong laruan sa malaking shopping bag at lahat ‘yon inaabot niya kay Ate Chloe. Habang ako, nakasalampak ako sa malamig na tiles sa sala, nililibang ko ang sarili ko sa lumang puzzle na laruan ko.“At itong ipad, sa ‘yo rin ‘to.”“Wow!”Nakikiramdam ko at umaasa na mayro’n din binili si Daddy para sa ‘kin. Pero wala. Naubos ang lahat ng laman ng shopping bag na wala man lang siyang inabot sa ‘kin. Nang makita niyang nakalingon ako at nakatingin sa kaniya, sinamaan niya pa ako ng tingin kaya agad akong napayuko at muling itinuon ang atensyon ko sa puzzle ko.Simula nang dumating si Ate Chloe rito sa bahay, siya na lang palagi ang pinapansin at kinakausap ni Daddy. Ako naman, laging pinagagalitan kahit wala akong ginagawa. Pati rin si Mommy Jody lagi akong sinisigawan.Sobrang laki ng pagbabago sa ‘kin ni Daddy. Hindi ko alam kung may nagawa ba ‘kong mali para hindi niya na ako pansinin
CHAPTER THIRTY-SEVEN: FINDING POPPY✧FAITH ZEICAN LEE✧ILANG minuto na ‘kong nagmamaneho at tinatahak ang malabong daan dahil sa malakas na ulan. Parang namamanhid na katawan ko sa pag-aalala kay Poppy dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Nakailang beses na rin akong tumawag sa number niya, pero hindi pa siya sumasagot. Sa voicemail pa rin pumapasok, at hindi ko alam kung narinig na niya mga pinadala kong voicemail.‘Where are you, Poppy?’ I whispered to myself.I turned down the road that led to the park, hoping against hope that she might have sought shelter there. The trees swayed wildly in the wind, branches snapping and crashing to the ground. I had to swerve to avoid debris, my knuckles white on the steering wheel.Finally, I reached the small parking lot by the park. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng isip ko. Pero gusto kong magbaka sakali. I pulled in and turned off the engine, the silence inside the car suddenly deafening against the roar of the stor