Hello, Guys! This is the step to rate and feedback.👇 Step 1: Search ‘LANCE JAVIER’ and click the book. Step 2: Scroll until the end. You can see ‘Ano sa iyong palagay?’ Click and you can start type your comments. Step 3: Click ‘I-post’. You can successfully rate the story.
Kinuha ni Lance ang panyo sa kaniyang bulsa, ginawa niya itong mask. Hinila niya ang tela sa ibabaw ng mesa upang gawin itong pangtaboy ng usok sa kaniyang dadaanan. May naapakan siyang lata, dinampot niya 'yon at ibinato sa labas. Tinungo niya ang ladies room, mas makapal ang usok dahil mas kulob ang paligid. Isa-isa niyang binuksan ang cubicles, natagpuan niya ang walang malay na dalaga. Agad niya itong nilapitan, sinapo niya ang mukha nito. “Hey! Girl, do you hear me?” Bubuhatin na sana ni Lance ang dalaga nang makita niya ang lata sa tabihan nito kaya agad niya 'yong sinipa. Lingid sa kaalaman ni Lance, sumunod sa kaniya si Mason nang makita siyang bumalik sa yate. Sa paghahanap sa boss may latang tumama sa kaniyang likod, pinulot niya iyon at pinuntahan ang pinanggagalingan nito. “Boss! Boss!” “What the fuck, Mason?” Bulaslas ni Lance nang makita ang bata niyang tulala habang hawak-hawak ang tirgas. Inagaw ni Lance ang hawak, kung hindi ba naman ito tanga na papasok dito
Kinabukasan, sa hospital, Nagising si Miscy na nakahiga siya sa sofa, kumunot ang noo niya na makita ang coat na nakapatong sa katawan niya. It was her ex-husband's coat. Oo nga pala, kasama niya ito buong gabi hangang sa makatulog siya. Inilibot niya ang paningin sa buong silid ngunit hindi niya ito matagpuan. Sa hindi malamang dahilan nakaramdam siya ng lungkot na hindi ito makita. Ngunit nang maisip niya na bakit nga ba siya umaasa na makikita niya pa ito ngayong umaga na may pamilya itong uuwian? “M-Miscy . . .” Nilingon ni Miscy ang kama ng kapatid, nabigla siya nang makita itong gising na. Mabilis niya itong nilapitan at niyakap sa sobrang tuwa na makita itong gising na. “Givana, thank god. You're awake,” Hinalikan ito ni Miscy sa noo. “How are you feeling?” Nakangiting tumango si Givana. “I'm okay, did I make you worried? I'm sorry.” “Oh god, don't be. I'm happy that you are finally awake.” Hinalikan ni Miscy ang kamay nitong hawak niya. “Anong nangyari?” Miscy tell
Sa mansion ng pamilya Montenegro, Tahimik na nakaupo si Hailey sa sofa, binigyan siya nang laruan ng Tita Amary niya pero hindi niya ito nilaro, niyaya siya ng pinsan niya sa may pool pero tumangi siya. Kahit gustong-gusto niyang makalaro ang pinsan niya, ayaw niyang sumuway sa utos ng Lola Kayatana niya; huwag siyang malikot at hahawak ng kahit anong bagay sa loob ng mansion. Ayaw niya na muling magalit ito sa kaniya. Nakangiting nagtungo si Amary sa sala, dala ang tray na may dalawang tasa ng ice cream. “Baby, dinalhan kita ng Ice cream.” Inilagay ni Amary ang tray sa center table. “Zarchx Jr, come here! Dessert, baby!” Namilog ang mata ni Hailey nang makita ang nakakatakam ice cream sa kaniyang harapan. Kung nasa bahay lang siya paniguradong naglupasay na siya sa kilig. May kasama pang drama! “Mom, it just two. Give mine to Baby Hailey.” Ibinigay ni Zarchx Jr ang isa sa pinsan. “Go, eat your ice cream before it melt, Baby Hailey.” Ginulo ni Zarchx Jr ang buhok nito. “Thank you
“Daddy!” Tumalon-talon si Hailey nang makababa si Lance. Sobrang saya niya na dumating na ang Daddy niya, hindi na siya natatakot na mapagalitan ng Lola. “Hello, my princess. How's your day, huh?” “I miss you, Daddy! I'm so happy now because you're here.” Kinarga ni Lance ang anak, niyakap at hinalikan ito. Sinapo ni Lance ang mukha ng anak, agad niyang napansin ang namamaga nitong mata. “What happened?” Humalukipkip si Hailey, ayaw niyang mag-away ang Daddy at Lola nang dahil sa kaniya kaya umiling siya upang hindi ito mag-alala. “Toddy!” “Hey, young man.” Lance chuckle. “Give me a hug little beast.” Nakangiting lumapit si Zarchx Jr kay Lance, yumakap ito at hinalikan ni Lance sa ulo. Samantalang napa-irap naman si Amary, ayaw niyang tinatawag ito ni Lance nang ganu'n. “Stop calling him that, his not like his father.” Saway ni Amary bago lumapit kay Lance at nagbeso. “Momma, I'm like Daddy. I'm his junior.” Protesta ni Zarchx Jr. Nagkibit-balikat si Lance. “Very well
Bumungad sa umaga ni Lance balita mula kay Sid na nahuli nito ang salarin na naghagis ng tirgas sa yate. Hiningi ito sa kaniya ni Mason; ito na ang bahala na magbigay ng parusa. Napagkaalaman ni Lance na nagsasabi ng totoo si Kayatana; wala itong kinalaman sa nangyari sa HP Sailor. Kung nagkataon na si Kayatana talaga ang gumawa nang bagay na 'yon, wala na siyang mukhang ihaharap sa dating asawa. Baka isipin pa nito na palabas nilang mag-ina ang mga nangyayari. Mahal niya ang kaniyang Ina kahit na gaano pa ito kalupit, pinoprotektahan niya ito dahil ayaw niya itong mapahamak sa mga ginagawa nito. Tinawagan niya ang Ina, pinagsabihan niya ito na huwag gagawa nang mga bagay na labag sa kaniyang patakaran lalo pa't ginugulo nito ang isip niya. Palaging nagbibigay ng motibo kaya palagi itong napag-iisipan niya ng masama. [“I won't do anything to drag our name in shamed, Lance. Listen to me, Son, please. . . Ayoko nang maulit pa ang ginawa mo kagabi dahil kung hindi makakarating kay Pa
Nakaupo si Miscy sa silya kaharap ang dating byanan na si Kayatana na animo'y inuuboserbahan ang bawat galaw niya. Walang emosyon nakatitig si Miscy kay Kayatana, naghahabulan sa kaniyang isipan ang mga imahe ng nakaraan kung paano siya naghirap sa loob ng dalawang taon sa puder nito. Hindi makapaniwala si Kayatana na ibang-iba na ang walang hiyang babae na nangloko sa anak niya. Kung hindi lamang dahil sa Papa ni Alejandro hindi siya papayag na ikasal ito sa anak nila! Sa una pa lamang hindi niya ito nais para kay Lance at hinding-hindi siya papayag na hindi maikasal si Lance at Amber sa lalong madaling panahon. “Katulad ng sinabi ko, gusto kong makilala ang ipinagmamalaki mong mysterious chef. Sa iaalok ko sa kaniya baka mawalan ka nang pinagmamalaking chef.” Gagawin ni Kayatana ang lahat makuha lamang ang mysterious chef ng MM Resto upang maputol ang koneksyon ni Lance sa dating asawa. Kung makukuha niya ang mysterious chef, hindi na kailangan ni Lance ang partnership sa baba
Kinabukasan, sa condo, Maagang-maagang nagising si Miscy, naghanda siya ng almusal para sa kaniyang anak. Pagkatapos nitong kumain ay tinapos ni Miscy ang ilang paperwork at ipinadala niya ito sa email ni Richard. “Mama, Mama.” Yumakap si Kitty sa hita ni Miscy. “Mama, can I come with Tita Vana?” Naglalambing si Kitty sa kaniyang Mama, gusto niyang mamasyal sa mall kasama ang Tita Givana at palihim niya ring kikitain ang kakambal. Miss na miss niya na ito at pakiramdam niya ay malungkot si Hailey dahil hindi ito masyadong bibo nang huli silang mag-usap. Kinarga ni Miscy ang anak, hinalikan sa pisngi bago niyakap. “Where did Tita Givana going? Aalis si Mama tonight, I have to meet someone tonight.” Bumukas ang pinto ng silid ni Miscy at bumungad sa kaniya si Givana na nakabihis na. “Sa mall, ipapasyal ko ang maganda kong Kitty. Saka, gusto ko siyang ipag-shopping.” Halatang gustong-gusto ni Kitty na pumunta sa mall kaya pumayag na siya. Gusto niyang sumama dito si Yaya Niña pero
“Tito Mason, I want to play in the arcade!” Patalon-talon si Hailey na naglalakad habang nakahawak sa kamay ni Mason. Excited siyang makita si Kitty ang sabi nito ay nakarating na sila sa mall at sa arcade sila magkita. “Arcade? Hindi ka naman mahilig maglaro sa madaming tao ah? Saka, hindi ba sabi mo gusto mo mag-shopping? Sabi ng Daddy mo dalhin kita sa favorite shop mo, after no'n uuwi na tayo.” “I change my mind. I just want to play,” She smile sweetly. Nalukot ang mukha ni Mason pero wala siyang nagawa kundi ang dalhin sa arcade. Utos ng Boss niya na sundin niya ang gusto nitong gawin na mage-enjoy. “Tito Mason, can I ask you a question?” Huminto si Hailey. Kumunot ang noo ni Mason bago nag-squat upang magkapantay ang magandang bata. “Hm, let me see if I know the answer.” Hailey tap Mason's shoulder. “I'm pretty sure you know the answers Tito Mason. You have to answers me honestly if not . . . Thunder will take care of you.” Bumuntong hininga si Mason at napakamot sa u
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°• 𝐉 𝐀 𝐘 𝐏 𝐄 𝐈 ' 𝐒 M E S S A G E Hello, dearest readers!🙋♂️ Marhay na aldaw, kaninyo ngamin!🤍 I am happy to announce and proudly said that LANCE JAVIER (Pendilton Heir Series 3) officially reached the unending forever!🔥✨ While writing this story their so many struggles happened to my life and one of the most painful is that I lost one of my biggest supporter, a person who make me feel special and be proud of. — My dear grandfather!😥 That's why I dedicated LANCE JAVIER to my Lolo Pablo in heaven.🤍 It his 25th days in heaven today. (November 21.)🙏✨ Of course, I want to express my gratitude for your unending support and loved for LANCE JAVIER.♡ No perfect words can explain how thankful I am.🙏✨ Thank you for giving time and read my LANCE JAVIER. Silent readers or not. Thank you for the gems, comments, reviews, and recommending LANCE JAVIER to others. And; Thank you for being part of this journey of mine. I kno
It's a grandiose garden wedding of the year in Paraiso De Pendilton! Ang ilang hektarya at malawak na magandang harden ay nagmistulang tahanan ng mga diwata. Ang mga landscape, puno at bulaklak ay mas nabigyan ng buhay dahil sa napakagandang disenyong pangkasal. Nakahanda na ang lahat ang ikakasal na lamang ang hinihintay. Ang mga bisita ay isa-isa nangsidatingan at ang kanilang mga suot na para bang may kumpetisyon sa palakihan ng milyong ginastos para sa araw na 'to. Naka-puwesto na ang mga bisita sa kani-kanilang assigned table at pinag-uusapan ang pinaka-engrandeng kasal na hindi nila papalampasin. Mapapanuod rin ito live sa telebesyon. Don Leon look young at his white two-piece suit. Napatingin siya sa kaniyang mamahaling pambisig na relo dahil limang minuto na ang lumipas ay wala pa rin si Lance. Sininyasan niya si Nelson. Nang makalapit ito ay nagtanong siya. “Where's Ailancer? He's supposed to be here before the bride walk in the aisle.” “Parating na siya, Don Leon.” “S
Sa kasalukuyan, kakalapag pa lamang ng eroplanong sinakyan ni Lance. Nakangiting nilapitan niya ang apat niyang tauhan na nakatayo sa tabi ng limousine. “Hello boys!” Bati niya. Nakangiting sinalubong siya ni Rigor at kinuha ang luggage niya, kinamayan niya si Sid at yumakap naman si Mason. “Welcome boss!” “Welcome!” “Boss, na miss kita!” Nabaling ang atensyon niya kay Rob na nakayuko at nakatayo lamang sa gilid. Hindi maiwasang malungkot ni Rob dahil hindi buo ang tiwala sa kaniya ng boss dahil sa nangyari dito, isa sa siya sa pinagdudahan. Tinap ni Lance ang balikat ni Mason bago nilapitan si Rob. “Hello, son!” Nag-agat ng tingin si Rob sa boss at tipid na ngumiti. “Welcome boss.” Binuksan niya ang backseat ng sasakyan. Suminyas si Lance na lumapit sa kaniya si Rob at hinawakan niya ito sa balikat. “I know you are upset and there is nothing to blame but me, I am the one who give the idea. Pardon... Pardon me son! Look, you believe me or not, I doubt that you would do that
Seven Months Ago... Unang araw... Sa fire exit ng hospital, kinausap ni Scott ang mga tauhan ni Lance. Gusto niyang malaman ang lahat ng detalye ng lahat ng pangyayari. “Who's this fucking Rob?” Tanong ni Scott habang nakatingin sa larawan ni Rob sa phone niya. Gusto niyang mahuli ang salarin sa lalong madaling panahon. “King, bago naming kasamahan. Anak ni Semon na dating kanang-kamay ni Arthuro Quisora.” Tugon ni Sid. Knowing that Lance killed Arthuro's right-hand, the father of that fucking Rob, he has a motive. And one more thing, Lance suspect Rob about the death threat. “I want this fucking bastard dead!” Scott ordered. “Teka! King, hindi mo pwedeng gawin 'yan. Si Boss nga ang pumatay sa tatay niya pero alam kong hindi magagawang traydorin ni Rob si Boss! Malaki ang tiwala ko sa kaniya na hindi siya babaliktad!” Mason defended Rob. Masamang tingin ang itinapon ni Sid at Rigor kay Mason. May tiwala sila kay Mason pero kay Rob? Una pa lang, duda na sila dito! “Pwede ba, M
Pitong buwan ang nakalipas... Sakay nang black lamborghini si Miscy, nang makarating sa kaniyang destinasyon binuksan niya ang driver seat. Pagtapak niya sa semento, tumunog ang takon ng boots niya, na may limang pulgada. Isinuot niya rin ang purong itim na mamahaling shades bago binuksan ang backseat at kinuha ang dalawang maliit na basket na may lamang lavender flowers. Nakalugay ang tuwid, mahaba at itim na itim niyang buhok. She's wearing a black sports bra, pinatungan niya iyon ng itim na blazer na kapares ng suot na itim na slacks. At sinamahan niya pa ng itim na mataas na boots. Miscy savagely hot and classy in black! Napakaganda at mataas ang kumpiyansa sa sarili na tinahak niya ang mahabang pathway ng sementeryo. Sa likod ng maamong mukha, sakit at pangungulila ang kaniyang nararamdaman. Huminga siya ng malalim at tipid na ngumiti ng ilang metro na lang ang layo sa pakay niyang mga puntod. Hangang ngayon nasasaktan pa rin siya sa iisipin na wala na ito. Sa tuwing dumada
Sa Paraiso De Pendilton, Natambak ang mga guwardiya sa labas na malapad na gate nang dumating ang isang funeral homes service na may kulay gintong hearse, may gintong kabaong sa loob nito. Kinatok ni Mason ang bintana ng driver, “Boss, anong problema?” Nakangising sumulyap ang driver, “Boss, ang problema 'yang mga bantay niyo! Ayaw kaming papasukin!” “Ako ba ginagago mo? Walang patay dito! Umalis na kayo bago pa ako mawalan ng pasensya!” Singhal ni Mason. Nabu-bwesit siya dahil naiisturbo ang trabaho niya dahil hindi mapalayas-layas ng mga tauhan niya at mga guwardiya ang mga ito na kanina pa nagpupumilit na pumasok. Isa pa si Rob sa kinakaasar niya dahil sabi nito ay pabalik na pero ilang oras na ang lumipas hindi pa rin dumarating! Samantala, naglakad-lakad sa hardin si Don Leon nang marinig ang kagulogan sa labas ng gate. “Anong kagulogan 'yon?” Tanong niya kay Nelson. “Titingnan ko, Don Leon.” Tinanguan niya si Nelson, “Tara, samahan mo ako!” Nagsitabihan ang mga tauh
Pagdating ni Lance sa ikalawang palapag, nag-aabang sa kaniya si Rigor at Sid. Kumunot ang noo niya ng hindi makita si Rob. “Where's Rob?” Umiling si Sid, “Hindi namin alam boss, ang sabi ni Mason nagpaalam sa kaniya na may pupuntahan.” Natigilan siya. Pinakatitigan niya ang dalawang nasa harapan. Napakurap-kurap naman ang dalawa nang maisip rin ang iniisip ni Lance. May pagdududa sa kaniyang dibdib. Isa na ngayon si Rob sa tauhan niya, itinuring niyang kapatid at pinagkakatiwalaan. Ngunit alam naman nila na siya ang pumatay sa ama nitong si Semon. Si Rob ba ang nagbabanta sa buhay ng anak niya? “Am I raising a traitor?” Ibinilin niya kay Rigor na mas pahigpitin ang segurida sa Pendilton El Dorado. Inutusan niya rin si Sid na magpadala ng ilang tauhan sa Paraiso De Pendilton upang mas masiguro ang kaligtasan ng mga anak. Bumaling siya kay Rigor, “Don't let your Madame leave the building without me.” “Yes, boss, magdadagdag ako ng tao. Magpapaikot para i-doble check ang lahat.”
Sa Pendilton El Dorado, Sa loob ng opisina ni Lance, nakaupo si Xyriel sa couch habang nakamasid kay Miscy na nakaupo sa katapat niyang black leader sofa. Marami itong dapat ipaliwanag sa kaniya dahil nawala lang siya saglit, marami na siyang hindi nalalaman! Inabutan ni Lance ang asawa ng cocktail glass na may lamang berding inumin at may green berry sa gilid. “Hindi ako pwedeng uminom ng alak,” Tanggi ni Miscy sa basong inaabot ni Lance, “This drink will make you relax, no harm... It's not liquor.” Sinapo ni Lance ang namumutlang mukha ni Miscy, “Are you really okay?” Inilapag sa center table ang baso at yumukod upang makapantay ang mukha ni Miscy, “You look pale, are you sure you're okay?” “I'm okay. Ikaw? Ikaw ang inaalala ko, kamusta na ang pakiramdam mo?” Sinapo ni Miscy ang pisngi ni Lance bago bumaba ang kamay niya sa dibdib at hinaplos, “Ayos ka na ba talaga?” “I already took my medicine, I'm perfectly fine. You shouldn't worry,” Dumukwang si Lance at pinatakan ng ilan
Mariing napapikit si Lance. Huminga ng malalim bago naglakad pababa ng hagdan. “Everyone out!” Umalingangaw ang boses niya dahilan para magkabundol-bundol ang mga empleado upang sundin ang utos niya. Itinuro niya ang ina, “Except Mom!” at masamang tingin si Amber, “And you!” Mapanuksong ngumisi si Kayatana at sumilay rin ang ngiti sa labi ni Amber. Kita mo nga naman, sila ang kinakampihan ni Lance! “Hijo! How are you?” Nakangiting sinalubong ni Kayatana ang anak at humalik sa pisngi bago sinulyapan ng mapangmaliit na tingin si Miscy. Napayuko si Miscy nang daanan lamang siya ni Lance, at nakaramdam siya ng kirot sa pus dahil kasama siya sa ipinagtabuyan nito! “Hi, Lance! Gusto ka raw bisitahin ni Tita, kaya sumama na rin ako dahil hindi na tayo ulit nagkita pagkatapos ng party ng anak mo, at gusto ko lang mag-sorry...” Mahinhing sabi ni Amber. “Don't be, Hija! You don't have to!” Bumaling siya sa anak. “See? This girl you should marry! What a lovely woman she is right?” Mas lal