Kalma! si Sonya at Arthuro Quisora lang 'yan!🚩
Sa mansion ng pamilya Montenegro, Tahimik na nakaupo si Hailey sa sofa, binigyan siya nang laruan ng Tita Amary niya pero hindi niya ito nilaro, niyaya siya ng pinsan niya sa may pool pero tumangi siya. Kahit gustong-gusto niyang makalaro ang pinsan niya, ayaw niyang sumuway sa utos ng Lola Kayatana niya; huwag siyang malikot at hahawak ng kahit anong bagay sa loob ng mansion. Ayaw niya na muling magalit ito sa kaniya. Nakangiting nagtungo si Amary sa sala, dala ang tray na may dalawang tasa ng ice cream. “Baby, dinalhan kita ng Ice cream.” Inilagay ni Amary ang tray sa center table. “Zarchx Jr, come here! Dessert, baby!” Namilog ang mata ni Hailey nang makita ang nakakatakam ice cream sa kaniyang harapan. Kung nasa bahay lang siya paniguradong naglupasay na siya sa kilig. May kasama pang drama! “Mom, it just two. Give mine to Baby Hailey.” Ibinigay ni Zarchx Jr ang isa sa pinsan. “Go, eat your ice cream before it melt, Baby Hailey.” Ginulo ni Zarchx Jr ang buhok nito. “Thank you
“Daddy!” Tumalon-talon si Hailey nang makababa si Lance. Sobrang saya niya na dumating na ang Daddy niya, hindi na siya natatakot na mapagalitan ng Lola. “Hello, my princess. How's your day, huh?” “I miss you, Daddy! I'm so happy now because you're here.” Kinarga ni Lance ang anak, niyakap at hinalikan ito. Sinapo ni Lance ang mukha ng anak, agad niyang napansin ang namamaga nitong mata. “What happened?” Humalukipkip si Hailey, ayaw niyang mag-away ang Daddy at Lola nang dahil sa kaniya kaya umiling siya upang hindi ito mag-alala. “Toddy!” “Hey, young man.” Lance chuckle. “Give me a hug little beast.” Nakangiting lumapit si Zarchx Jr kay Lance, yumakap ito at hinalikan ni Lance sa ulo. Samantalang napa-irap naman si Amary, ayaw niyang tinatawag ito ni Lance nang ganu'n. “Stop calling him that, his not like his father.” Saway ni Amary bago lumapit kay Lance at nagbeso. “Momma, I'm like Daddy. I'm his junior.” Protesta ni Zarchx Jr. Nagkibit-balikat si Lance. “Very well
Bumungad sa umaga ni Lance balita mula kay Sid na nahuli nito ang salarin na naghagis ng tirgas sa yate. Hiningi ito sa kaniya ni Mason; ito na ang bahala na magbigay ng parusa. Napagkaalaman ni Lance na nagsasabi ng totoo si Kayatana; wala itong kinalaman sa nangyari sa HP Sailor. Kung nagkataon na si Kayatana talaga ang gumawa nang bagay na 'yon, wala na siyang mukhang ihaharap sa dating asawa. Baka isipin pa nito na palabas nilang mag-ina ang mga nangyayari. Mahal niya ang kaniyang Ina kahit na gaano pa ito kalupit, pinoprotektahan niya ito dahil ayaw niya itong mapahamak sa mga ginagawa nito. Tinawagan niya ang Ina, pinagsabihan niya ito na huwag gagawa nang mga bagay na labag sa kaniyang patakaran lalo pa't ginugulo nito ang isip niya. Palaging nagbibigay ng motibo kaya palagi itong napag-iisipan niya ng masama. [“I won't do anything to drag our name in shamed, Lance. Listen to me, Son, please. . . Ayoko nang maulit pa ang ginawa mo kagabi dahil kung hindi makakarating kay Pa
Nakaupo si Miscy sa silya kaharap ang dating byanan na si Kayatana na animo'y inuuboserbahan ang bawat galaw niya. Walang emosyon nakatitig si Miscy kay Kayatana, naghahabulan sa kaniyang isipan ang mga imahe ng nakaraan kung paano siya naghirap sa loob ng dalawang taon sa puder nito. Hindi makapaniwala si Kayatana na ibang-iba na ang walang hiyang babae na nangloko sa anak niya. Kung hindi lamang dahil sa Papa ni Alejandro hindi siya papayag na ikasal ito sa anak nila! Sa una pa lamang hindi niya ito nais para kay Lance at hinding-hindi siya papayag na hindi maikasal si Lance at Amber sa lalong madaling panahon. “Katulad ng sinabi ko, gusto kong makilala ang ipinagmamalaki mong mysterious chef. Sa iaalok ko sa kaniya baka mawalan ka nang pinagmamalaking chef.” Gagawin ni Kayatana ang lahat makuha lamang ang mysterious chef ng MM Resto upang maputol ang koneksyon ni Lance sa dating asawa. Kung makukuha niya ang mysterious chef, hindi na kailangan ni Lance ang partnership sa baba
Kinabukasan, sa condo, Maagang-maagang nagising si Miscy, naghanda siya ng almusal para sa kaniyang anak. Pagkatapos nitong kumain ay tinapos ni Miscy ang ilang paperwork at ipinadala niya ito sa email ni Richard. “Mama, Mama.” Yumakap si Kitty sa hita ni Miscy. “Mama, can I come with Tita Vana?” Naglalambing si Kitty sa kaniyang Mama, gusto niyang mamasyal sa mall kasama ang Tita Givana at palihim niya ring kikitain ang kakambal. Miss na miss niya na ito at pakiramdam niya ay malungkot si Hailey dahil hindi ito masyadong bibo nang huli silang mag-usap. Kinarga ni Miscy ang anak, hinalikan sa pisngi bago niyakap. “Where did Tita Givana going? Aalis si Mama tonight, I have to meet someone tonight.” Bumukas ang pinto ng silid ni Miscy at bumungad sa kaniya si Givana na nakabihis na. “Sa mall, ipapasyal ko ang maganda kong Kitty. Saka, gusto ko siyang ipag-shopping.” Halatang gustong-gusto ni Kitty na pumunta sa mall kaya pumayag na siya. Gusto niyang sumama dito si Yaya Niña pero
“Tito Mason, I want to play in the arcade!” Patalon-talon si Hailey na naglalakad habang nakahawak sa kamay ni Mason. Excited siyang makita si Kitty ang sabi nito ay nakarating na sila sa mall at sa arcade sila magkita. “Arcade? Hindi ka naman mahilig maglaro sa madaming tao ah? Saka, hindi ba sabi mo gusto mo mag-shopping? Sabi ng Daddy mo dalhin kita sa favorite shop mo, after no'n uuwi na tayo.” “I change my mind. I just want to play,” She smile sweetly. Nalukot ang mukha ni Mason pero wala siyang nagawa kundi ang dalhin sa arcade. Utos ng Boss niya na sundin niya ang gusto nitong gawin na mage-enjoy. “Tito Mason, can I ask you a question?” Huminto si Hailey. Kumunot ang noo ni Mason bago nag-squat upang magkapantay ang magandang bata. “Hm, let me see if I know the answer.” Hailey tap Mason's shoulder. “I'm pretty sure you know the answers Tito Mason. You have to answers me honestly if not . . . Thunder will take care of you.” Bumuntong hininga si Mason at napakamot sa u
Niyakap ni Miscy ang Don, ganu'n rin ito sa kaniya at hinalikan pa siya sa ulo. Iginaya ni Don Alejandro ang dalaga patungo sa sofa at inalalayan itong umupo.“I brought something for you Don Alejandro, I hope you'll like it.” Inabot niya ang paper bag. Nakangiting tinanggap ng Don ang regalo.“Aha! A gift? What a sweet daughter you are, Hija. Thank you, I'd love it specially it's from you.” Excited na binuksan nang Don ang regalo, isang silver expensive watch ngunit hindi nito nakuha ang atensyon ng Don kundi sa kasama nitong gold pocket mirror. “Wow, this is so beautiful Hija! I can see myself still young and handsome. Hindi na magdadala si Chago nang malaking salamin.” Binuntunan nito ng tawa.Inayos nito ang buhok at nag-pogi pose na animo'y isang teenager na sobrang nagpapa-pogi.Samantalang napa-iling naman si Lance. Hindi lamang sa inakto ng kaniyang ama kundi kay Miscy. Bakit kailangan nitong gumastos ng malaking halaga para sa kaniyang ama? She smile. “Sa inyo ko lang nam
Nadatnan ni Lance si Mason na aligaga sa paghahanap kay Hailey. Gusto niya itong kastiguhin sa kapabayaan pero hindi ito ang oras para doon. Naghiwalay sila ni Mason, pinuntahan niya ang arcade kung saan huling nakita. Hinalughog niya ang bawat sulok pero wala sa mga batang naglalaro doon ang anak niya. Natigilan siya nang marinig ang hikbi, tinungo niya slides. Umuklo siya upang makita ang nasa ilalim nito. Nabigla si Lance, napaawang ang kaniyang labi nang makita ang dalawang Hailey ang nagtatago sa ilalim, magkayakap na umiiyak. Takot na takot ang kambal. Nasaksihan nila kung paano kinaladkad ng mga kalalakihan si Givana at isinakay sa puting van. Hihingi sana sila ng tulong nang makasalubong nila ang dalawang lalaki na animo'y may hinahanap. Nang makita sila ay nasiyahan ang mga ito bago pa man makalapit ang mga lalaki ay magkahawak kamay na tumakbo ang kambal. Sobrang haba ng tinakbo nila, walang sense of direction hangang sa makabalik sila sa arcade. Maraming bata na nag