Hello sayooo! Gigil ka ba kay Kayatana? I-rate and feedback na sa story!🤗 Busy ang Author niyo this week sa acads kaya ito lang muna ang update. Please bear with me po, thank you so much!🫶
Pagbaba na pagbaba ni Lance ng kaniyang sasakyan, sumalubong sa kaniya ang boses ng anak na umiiyak at paulit-ulit na sinisigaw ang salitang: ‘Daddy’ “Good afternoon, Mr. Javier,” Bati kay Lance ng driver ng Ina. Tinanguan niya ito. Malalaki ang hakbang na tinahak niya ang sala, nakakuyom ang kamao niya dahil sa galit na namumuo sa kaniyang dibdib sa iisipin na naroon sa loob ang kaniyang Ina. Nadatnan ni Lance na nakadapa sa sofa ang kaniyang kawawang anak habang ang Ina niya'y hawak ang meter stick. Umigting ang panga ni Lance ng makitang tatama iyon sa katawan ng anak. Kumuyom ang kamao niya at awtomatikong sinuntok ang kalapit na drawer kung saan napatong ang kanilang larawan na mag-ina. Nabutas ang picture frame at napunit ang larawan nila. “What are you doing to my daughter, Kayatana Montenegro?!” Galit na galit na nilapitan ni Lance ang kaniyang Ina at inagaw ang hawak nitong meter stick. Pinutol niya iyon sa ilang piraso bago itinapon at tinabig ang kalapit na vase. Gul
Maghapon na abala si Miscy sa pagreview ng reports na ipinadala sa kaniya ni Richard sa kaniyang email. It's about the main branch restaurant in Thailand. So far, everything is great. Nang sumapit ang alas kwatro ay tumunog ang cellphone niya tanda na kailangan niya ng iwan ang trabaho para dumalo sa piging na inihanda ng ama. Iniligpit niya ang kaniyang gamit, nang madaan si Aliya ay nagpaalam na siya dito at ibilin ang restaurant. “Ikaw na ang bahala dito, Aliya. Tawagan mo ako kapag may problema.” “Yes, Ma'am, huwag na po kayong mag-alala. Mag-enjoy na lang po kayo sa banquet.” Nakangiting sambit ni Aliya. Tumango at ngumiti si Miscy. “Thank you.” Nilisan ni Miscy ang restaurant, mabuti na lang at maluwag pa ang kalsada kaya agad siyang nakarating sa condo. Bumungad kay Miscy ang anak na bagong ligo at anaayusan ito ng buhok ni Givana. Ngumiti siya ng makitang sweet ng mag-tita. “Mama.” Nanlaki ang mata ni Kitty, sumalubong ito sa kaniya at yumakap sa binti. “Mama, I miss
Mag-isang naiwan sa sulok si Miscy, hawak ang isang baso na may lamang champagne. Kaliwa't kanan ang kakilala ni Givana, katulad ng ama ay pareho itong pinag-aagawan na kausapin ng mga bisita. Nakamasid lang siya sa paligid, nang magawi ang mata niya sa kinaruruonan ni Lance. Sakto na nakatingin sa kaniya si Renzi, ngumiti ito sa kaniya at itinaas ang hawak na baso. Nakangiting tumango siya sa binata bago umiwas ng tingin dito nang mapatingin rin sa gawi niya ang kasama nito sa table. “Oh, god.” Napasinghap si Miscy nang makitang lumapit sa kaniya ang tatlo na pinangungunahan ni Renzi. “Hey. Beautiful lady shouldn't hide here.” Kuha ni Renzi nang atensyon ni Miscy. Nakangiting humarap si Miscy sa binata. “Hi, Welcome.” “Thank you.” Lumapit sa kaniya si Renzi, hinalikan siya sa magkabilaang pisngi. Nagulat siya sa ginawa nito pero hindi niya ipinahalata, nginitian niya ito ng malapad bago dumapo ang mata sa dalawang kasama nito. Ngiti-ngiting sumulyap si Renzi kay Lance
Kinuha ni Lance ang panyo sa kaniyang bulsa, ginawa niya itong mask. Hinila niya ang tela sa ibabaw ng mesa upang gawin itong pangtaboy ng usok sa kaniyang dadaanan. May naapakan siyang lata, dinampot niya 'yon at ibinato sa labas. Tinungo niya ang ladies room, mas makapal ang usok dahil mas kulob ang paligid. Isa-isa niyang binuksan ang cubicles, natagpuan niya ang walang malay na dalaga. Agad niya itong nilapitan, sinapo niya ang mukha nito. “Hey! Girl, do you hear me?” Bubuhatin na sana ni Lance ang dalaga nang makita niya ang lata sa tabihan nito kaya agad niya 'yong sinipa. Lingid sa kaalaman ni Lance, sumunod sa kaniya si Mason nang makita siyang bumalik sa yate. Sa paghahanap sa boss may latang tumama sa kaniyang likod, pinulot niya iyon at pinuntahan ang pinanggagalingan nito. “Boss! Boss!” “What the fuck, Mason?” Bulaslas ni Lance nang makita ang bata niyang tulala habang hawak-hawak ang tirgas. Inagaw ni Lance ang hawak, kung hindi ba naman ito tanga na papasok dito
Kinabukasan, sa hospital, Nagising si Miscy na nakahiga siya sa sofa, kumunot ang noo niya na makita ang coat na nakapatong sa katawan niya. It was her ex-husband's coat. Oo nga pala, kasama niya ito buong gabi hangang sa makatulog siya. Inilibot niya ang paningin sa buong silid ngunit hindi niya ito matagpuan. Sa hindi malamang dahilan nakaramdam siya ng lungkot na hindi ito makita. Ngunit nang maisip niya na bakit nga ba siya umaasa na makikita niya pa ito ngayong umaga na may pamilya itong uuwian? “M-Miscy . . .” Nilingon ni Miscy ang kama ng kapatid, nabigla siya nang makita itong gising na. Mabilis niya itong nilapitan at niyakap sa sobrang tuwa na makita itong gising na. “Givana, thank god. You're awake,” Hinalikan ito ni Miscy sa noo. “How are you feeling?” Nakangiting tumango si Givana. “I'm okay, did I make you worried? I'm sorry.” “Oh god, don't be. I'm happy that you are finally awake.” Hinalikan ni Miscy ang kamay nitong hawak niya. “Anong nangyari?” Miscy tell
Sa mansion ng pamilya Montenegro, Tahimik na nakaupo si Hailey sa sofa, binigyan siya nang laruan ng Tita Amary niya pero hindi niya ito nilaro, niyaya siya ng pinsan niya sa may pool pero tumangi siya. Kahit gustong-gusto niyang makalaro ang pinsan niya, ayaw niyang sumuway sa utos ng Lola Kayatana niya; huwag siyang malikot at hahawak ng kahit anong bagay sa loob ng mansion. Ayaw niya na muling magalit ito sa kaniya. Nakangiting nagtungo si Amary sa sala, dala ang tray na may dalawang tasa ng ice cream. “Baby, dinalhan kita ng Ice cream.” Inilagay ni Amary ang tray sa center table. “Zarchx Jr, come here! Dessert, baby!” Namilog ang mata ni Hailey nang makita ang nakakatakam ice cream sa kaniyang harapan. Kung nasa bahay lang siya paniguradong naglupasay na siya sa kilig. May kasama pang drama! “Mom, it just two. Give mine to Baby Hailey.” Ibinigay ni Zarchx Jr ang isa sa pinsan. “Go, eat your ice cream before it melt, Baby Hailey.” Ginulo ni Zarchx Jr ang buhok nito. “Thank you
“Daddy!” Tumalon-talon si Hailey nang makababa si Lance. Sobrang saya niya na dumating na ang Daddy niya, hindi na siya natatakot na mapagalitan ng Lola. “Hello, my princess. How's your day, huh?” “I miss you, Daddy! I'm so happy now because you're here.” Kinarga ni Lance ang anak, niyakap at hinalikan ito. Sinapo ni Lance ang mukha ng anak, agad niyang napansin ang namamaga nitong mata. “What happened?” Humalukipkip si Hailey, ayaw niyang mag-away ang Daddy at Lola nang dahil sa kaniya kaya umiling siya upang hindi ito mag-alala. “Toddy!” “Hey, young man.” Lance chuckle. “Give me a hug little beast.” Nakangiting lumapit si Zarchx Jr kay Lance, yumakap ito at hinalikan ni Lance sa ulo. Samantalang napa-irap naman si Amary, ayaw niyang tinatawag ito ni Lance nang ganu'n. “Stop calling him that, his not like his father.” Saway ni Amary bago lumapit kay Lance at nagbeso. “Momma, I'm like Daddy. I'm his junior.” Protesta ni Zarchx Jr. Nagkibit-balikat si Lance. “Very well
Bumungad sa umaga ni Lance balita mula kay Sid na nahuli nito ang salarin na naghagis ng tirgas sa yate. Hiningi ito sa kaniya ni Mason; ito na ang bahala na magbigay ng parusa. Napagkaalaman ni Lance na nagsasabi ng totoo si Kayatana; wala itong kinalaman sa nangyari sa HP Sailor. Kung nagkataon na si Kayatana talaga ang gumawa nang bagay na 'yon, wala na siyang mukhang ihaharap sa dating asawa. Baka isipin pa nito na palabas nilang mag-ina ang mga nangyayari. Mahal niya ang kaniyang Ina kahit na gaano pa ito kalupit, pinoprotektahan niya ito dahil ayaw niya itong mapahamak sa mga ginagawa nito. Tinawagan niya ang Ina, pinagsabihan niya ito na huwag gagawa nang mga bagay na labag sa kaniyang patakaran lalo pa't ginugulo nito ang isip niya. Palaging nagbibigay ng motibo kaya palagi itong napag-iisipan niya ng masama. [“I won't do anything to drag our name in shamed, Lance. Listen to me, Son, please. . . Ayoko nang maulit pa ang ginawa mo kagabi dahil kung hindi makakarating kay Pa