Third Person's POV
Tulala lamang ang binata habang nakatingin sa mga papeles na kailangan niyang asikasuhin ngayong araw. Kahit na sinabi niyang ayaw niyang pumasok ay wala siyang nagawa dahil pinilit siya ng ama. Napaka tahimik ng opisina niya, hindi siya sanay.
Maya-maya pa'y tumunog ang telepono niya sa lamesa kaya mabilis niya itong sinagot.
"Hello, Trixie?"
Natigilan ang nasa kabilang linya. Bumagsak ang balikat ng binata, nakalimutan niyang hindi na pala si Trixie ang sekretarya niya.
"Ahh… Sir, si Maggie po ito," wika ng babae.
"I'm sorry, what's the matter?"
"Pinapatanong po ni Sir Lucas kung kailan niyo po gustong magpahanap ng bagong secretary? Madami po kayong meeting na na-postponed dahil walang mag-aasikaso."
"No need, I don't want a new secretary. Pwede ba ikaw na muna ang gum
Third Person's POV"Mommy, ano pong ulam?" Pupungas-pungas na lumabas ng kwarto niya si Marga. Kakagising lamang nito, Sabado kasi at walang pasok sa eskwela.Nang mapansin siya ni Trixie ay nagpunas siya ng pawis habang nagluluto."Ahh… anak, itlog at saka hotdog," tugon naman niya at saka naghain. Nagtanggal siya ng apron at saka sinaluhan ang anak.Nawala ang ngiti niya nang makita ang nakasimangot na mukha ni Marga."Oh, ang aga-aga gan'yan ang mukha mo, anak. May problema ba?"Tiningnan siya ng bata."Eh, Mommy, itlog at hotdog na po ang ulam natin kagabi, eh. Wala po bang iba?"Bumaba ang tingin ni Trixie. Pakiramdam niya'y naaawa na siya sa sarili niya dahil hindi man lang niya mabigyan ng masarap na pagkain ang anak kagaya noon. Kung hindi naman siya napaalis sa trabaho ay hindi san
Third Person's POV"Tita…" bulong ni Trixie habang nakatingin pa din sa babae.Naglakad ito patungo kay Fernando at tumingin kay Marga."Martha, this is Marga, Trixie's daughter. And Marga, this is your Lola Martha," pakilala sa kanya ni Fernando.Ngumiti naman ang matandang babae at saka kinurot ang pisnge ng bata."Hello, sweetie. You're so pretty," wika nito na may halo pang panggigigil sa bata.Kaagad na lumapit sa kanila si Trixie at kinuha ang anak. Para kasing hindi siya palagay kapag nakikitang si Fernando at ang bruha niyang madrasta ang may hawak dito."I'm glad that you're back, Trixie. Ang tagal mong nawala, saan ka ba nagpunta? Alam mo bang nag-alala kami sayo ng papa mo?" Hinawakan pa ni Martha ang braso ng asawa. Napaka lambing ng boses nito at aakalain mo talagang totoo ang concern n
Third Person's POV"Mommy, bakit po si Lolo mabait pero si Lola mabait lang kapag nandito si Lolo? Bakit po siya gano'n?" tanong ni Marga.Sinusuklayan siya ni Trixie at kasalukuyan na silang nakaupo sa kama. Tapos na silang maghapunan, wala silang sinabi kay Fernando tungkol sa nangyari. Alam niyang si Martha ang paniniwalaan ng ama dahil asawa niya ito."Hayaan mo na, anak. Mag-iingat ka na lang siguro sa susunod, ha. Para hindi ka na niya saktan, magsumbong ka lang kay Mommy kapag inulit pa niya ang ginawa niya sayo kanina," tugon naman ni Trixie at iniharap si Marga sa kanya."Pero, Mommy, natatakot na po ako kay Lola."Hinaplos ni Trixie ang pisnge ng anak."'Wag kang matatakot sa kanya, nandito ako para protektahan ka. Basta alam mong wala kang ginagawang masama, wala kang dapat ikatakot."Dahan-dahang tumango si Marga at s
Third Person's POV"Gusto mo daw po akong makausap?" tanong ni Trixie.Lumapit siya kay Fernando na nakaupo sa isang upuan sa bakuran. Nagbabasa ito ng diyaryo habang humihigop ng mainit na kape. Napatingin siya sa anak at saka ngumiti."Sit down, hija." Sinenyasan pa niya itong maupo sa kaharap niyang upuan at 'yon nga ang ginawa ng babae."How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?""Opo, medyo naninibago pa ulit sa tagal ng panahon na nanirahan ako dito."Tumango ang matanda at saka muling humigop ng kape."Good to know. Ang sabi kasi ng mga tauhan ko, parang may nakapasok kagabi sa mansyon. But it looks like they're just hallucinating."Napalunok si Trixie. Mukhang siya ang tinutukoy ng mga tauhan ng ama. Alas dose na din kasi siya nakauwi kagabi at hindi alam ni Fernando na nagkita sila ni
Third Person's POV"Martha? Care to explain this sh*t to me?" mahinahong wika ni Fernando at dahan-dahang naglakad.Binitawan ni Martha ang buhok ng babae. Pagharap niya sa asawa ay kaagad siyang yumakap dito at nagkunwaring umiiyak. Heto na naman siya at nag-aastang siya ang biktima."Fernando, binastos nila 'ko. Gusto ko lang naman silang pagsabihan pero sinigawan nila 'ko."Nanlaki ang mga mata ni Trixie at hindi makapaniwalang napatingin sa ama na nagkataong nakatingin din sa kanya."At ngayon nagsisinungaling ka pa? Pa, paniniwalaan mo ba ang sinungaling na 'yan? Noon pa lang na buntis ako, kulang na lang ay pakainin niya 'ko ng lupa sa mga ginagawa niya sa 'kin. At si Marga, alam niyo bang kinulong niya 'yong bata sa bodega? Tao pa bang matatawag niyo ang babae na 'yan?!" bulyaw ni Trixie at dinuro ang madrasta.Napatingin si Fernando kay Marga na um
Third Person's POVNapaigtad si Derrick nang malakas na hinampas ni Lucas ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa niya. Kita niya ang galit sa nag-aapoy nitong mga mata simula nang pumasok ito sa pinto ng opisina niya."Sales, bagsak. Clients, bagsak. May mga files na hindi mo napirmahan, may mga meeting na hindi ka um-attend and some contracts are terminated. What's happening to you, Derrick?" galit na usal nito at napasintido.Aligagang kinuha ni Derrick ang mga papeles sa lamesa at isa-isang binasa. Nagpamewang si Lucas at nagpakawala ng buntong-hininga."You know what, you need a break."Natigilan si Derrick at nag-angat ng tingin sa ama. Mukhang nauubusan na ito ng pasensya."I-I'm sorry, Dad. Gagawin ko 'to lahat ngayon and I will—""No, you need a break. Let Maggie manage that papers," putol niya sa sasabihin ng binata.
(Continuation of chapter 30)Naramdaman ni Trixie ang paghigpit ng kapit sa kamay niya ng binata. Dahan-dahang naglakad si Fernando papalapit sa kanilang dalawa. Sa likod nito ay ang mga armadong lalaking nakaitim."Saan mo balak dalhin ang anak ko?""She's not your daughter!" sigaw ni Derrick."Yes she is. I protect her, love her, and take care of her since she was little. I am her father.""Papa, tama na po. Pabayaan niyo na po kaming maging masaya parang-awa niyo na." Tigmak na ang luha ni Trixie sa mga mata nang tingnan ang ama.Tila walang narinig si Fernando at nanatiling nakatutok ang baril sa direksyon ng lalaki."Bitiwan mo siya," maawtoridad niyang banggit."I won't!" pagmamatigas ni Derrick."Okay, it's either you let go of my daughter or I will kill you. Your choice."
Third Person's POV"Palabasin niyo 'ko dito!" Patuloy sa paghampas ng pinto si Trixie habang umiiyak.Ikinulong kasi siya ni Fernando sa kwarto niya matapos ng nangyari kagabi. Alam niyang may nagbabantay ding mga tauhan mula sa labas.Tuluyan na siyang napasalampak sa sahig nang maramdaman ang pagod at uhaw. Mayroong tubig na iniwan sa side table niya ang mga katulong ngunit ayaw niya itong galawin.Kaagad siyang bumangon at tinakbo ang mga bintana. Ngunit bumagsak ang balikat niya nang makitang nakakandado din ito. Nahagip ng mata niya ang isang upuan sa gilid. Kinuha niya iyon at sinubukang ihampas sa bubog ng bintana ngunit napaka tibay niyon.Napasandal na lang siya sa pader dahil sa pagod. Hindi siya pwedeng sumuko, kailangan siya ng anak niya kaya hindi siya pwedeng panghinaan ng loob.Sa kabilang dako ay naroroon si Marga kasama si Fern
Third Person's POVKinabukasan, pagkatapos makapagpasukat ng gown na susuotin ni Trixie para sa kasal nila ni Derrick ay sabay sila ni Lucas na umalis patungo sa sementeryo. May dala silang basket ng bulaklak at saka kandila. Tinungo nila ang puntod ni Trina.Naupo sila sa damo at saka tinanggal ang mga tuyong dahon at bulaklak na nakatabon sa lapida nito. Inilagay ni Trixie ang bulaklak sa tabi ng lapida at saka naman sinindihan ni Lucas ang kandila at saka pinatong dito."Mama, kasama ko na si Daddy, oh." Bakas sa boses niya ang galak nang banggitin iyon."Inah, itong anak mo, ikakasal na sa susunod na linggo. Dumalo ka doon, ha," wika ni Lucas.Hinaplos ni Trixie ang lapida ng ina habang inaalala ang mga panahong kasama pa ang yumaong babae. Noon ay isa lamang siyang batang babaeng nais laging mamasyal sa parke ngunit ngayon ay may asawa na siya at gumagawa na ng sariling p
Third Person's POVTumigil ang sasakyan nila Trixie at Derrick sa harap ng mental hospital sa siyudad. Parehas pa silang napatingala doon ng ilang segundo bago na mapagpasyahang bumaba.Matapos ma-discharge ni Trixie ay napagkasunduan nilang mag-asawa na bisitahin si Martha. Kahit na ayaw ni Derrick ay wala siyang nagawa dahil mapilit ang babae.Pagpasok nila sa bulwagan ay nagkalat sa paligid ang mga taong nakasuot ng puting damit at ang mga nurse na kasama nila. Mukha lamang itong isang simpleng gusali na tinitipon ang mga taong kailangan ng kalinga."Good morning, mister and misis Gomez." Sinalubong sila ng doktor na lalaki. Ito marahil ang may-ari ng ospital."Good morning, Doc. Can we talk to Martha Sandoval?" nakangiting wika ni Trixie."Of course, follow me. She's on the second floor."Sinundan nga nila ang dok
Third Person's POV-Flashback-"Nasaan ang asawa ko?!"Hindi napigilan ni Martha na pagtaasan ng boses ang babae sa morge. Mabilis na pumasok sa loob si Martha nang ituro ng babae ang daan. Nanlumo siya nang makita ang katawan ni Fernando na nakabalot na sa puting kumot."Fernando," wika niya sa mahinang tinig at halos pabulong na. Kaagad siyang lumapit sa katawan nito at nagsimulang bumagsak ang mga luha habang hinahaplos ang mukha ng asawa."Fernando!" Basag na ang kanyang tinig nang isigaw iyon. Nagpatuloy siya sa paghikbi at paghagulgol habang niyayakap ang katawan ng asawang wala ng buhay.Hindi niya matanggap na namatay ang asawa niya na may samaan pa sila ng loob. Kung alam lamang n'yang huling kita na niya sa asawa noong gabing iyon ay sana pinaramdam niya dito kung gaano niya ito k
Third Person's POV(2 months later)"Hi, Trixie. I don't know if why I'm doing this but maybe I feel guilty and I can't tell you this directly. Noong mga bata pa kami ng mama mo, nagpunta kami sa isang malawak na parang tapos may bangin sa dulo na matatanaw mo ang napaka lawak na karagatan at kalangitan. Pinangalanan ko 'yong Trixie, tapos napagkasunduan namin ng mama mo na ipangalan din 'yon sayo. We were happy back then, but everything fall down when you gave birth to Marga. Doon ko nalamang… hindi kita kadugo.""But before that, I just want to tell you something at sana pagkatapos mong mapanood 'to, hindi pa din magbago ang tingin mo sa papa. Peter, your boyfriend, hindi siya naduwag na panagutan ka. Ang totoo n'yan, pinapatay ko siya dahil ayaw niyang lumayo sayo. I'm sorry kung naging hadlang ako sa pagmamahalan niyong dalawa and believe me, pinagsisisihan ko na 'yon."&nb
Third Person's POVNagpatuloy sila sa pagtakbo at ngayon ay pinaghahabol na sila ng mga tauhan ni Fernando. Napakarami nila at mukhang hindi sila makakaligtas ng buhay kung hindi sila magmamadaling tumakbo. Kahit na masakit na ang katawan ni Derrick dahil pangko niya si Trixie ay hindi siya tumitigil. Kailangan niyang maging matatag para sa asawa."Lucas!" sigaw ni Fernando na ngayon ay nakikipagpalitan na din ng putok."Hayop ka! Alam kong ikaw ang nakabuntis sa asawa ko!"Nagtago sa likod ng puno si Lucas habang pinapakiramdaman ang paligid. Mahigpit ang kapit niya sa baril. Tagaktak na din ang pawis niya dahil sa pagtakbo."We did it because we love each other, Fernando. Kailanman, hindi mo madidiktahan ang puso ni Trina!" tugon naman ni Lucas.Sila lamang dalawa ang nasa kalagitnaan ng gubat. Ang mga kasama ni Lucas ay nauna nang tumakbo sa kanya
Third Person's POV(Earlier that day)Tahimik na kumakain ng hapunan nila si Fernando at Martha. Walang nagtangkang magsalita o magbukas ng usapan at tila nagpapakiramdaman silang dalawa. Maging ang mga katulong ay hindi din alam kung bakit gano'n ang mag-asawa."Martha, about kanina—""I'm finished." Bago pa man makapagsalita si Martha ay tumayo na ito at lumabas na ng dining. Dumiretso siya papunta sa kwarto nila.Nagpakawala ng buntong-hininga ang matanda at napatigil sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa."Give me a good news," panimula niya sa usapan."Sir, natunton na po ng mga tauhan natin kung saan nagtatago sila Ms. Trixie at ang anak nito."Napangisi si Fernando nang marinig ang balita. Mabuti na lamang ay magandang balita ang dumating sa kanya, kahit papaano'y mababawasa
Third Person's POV"Y-yes!"Nagpalakpakan ang lahat nang isigaw iyon ni Trixie. Tuwang-tuwa namang isinuot ni Derrick ang kumikinang na singsing sa daliri ng babae. Matapos no'n ay niyakap nila ang isa't-isa. Isa na siguro ito sa pinaka masayang araw ni Trixie. Hindi niya akalaing sa gitna ng lahat ng kanilang pinagdaanan ay may pag-asa pa din pala silang maikasal."I can't wait to marry you tomorrow." Kumalas sa yakap si Derrick at saka hinaplos ang pisnge ni Trixie."Sira, bukas agad? May hinahabol ka ba?" Bahagyang natawa ang babae."No, I'm serious. We will get married tomorrow."Natigilan si Trixie dahil sa sinabi nito. Napatingin siya sa kaibigan at sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang sila."A-anong ibig mong sabihin?""Everything was ready. 'Yong oo mo na lang talaga ang kulang pero ngayon, tul
Third Person's POVNapabalikwas ng bangon si Marga at mabilis na lumabas ng kwarto niya upang puntahan ang silid ng ina. Naabutan niya doon sila Derrick at Trixie na mahimbing na ang tulog.Nagising sila pareho nang sumampa ang bata sa kama at niyakap si Trixie. Nagkatinginan silang dalawa. Tila ba kinabahan sila pareho nang magsimulang humikbi si Marga."Oh, Marga. Gabi na, ah. Anong nangyari?" tanong ng ina at saka hinaplos ang likod ng anak."Mommy, napanaginipan ko po sila Lolo at Lola, pinatay daw po nila kayo ni Daddy." Halos magkandabara-bara na ang sipon nito dahil sa pag-iyak.Iniharap niya si Marga sa kanya at saka pinunas ang mga luha nito habang sinusubukan siyang pakalmahin."Shh… tahan na. Buhay pa kami ng daddy, oh. It's just a dream, sweetie, no need to worry." Tipid na ngumiti ang babae upang pagaanin ang loob ng bata.
Third Person's POV"Tito!"Nabuhayan ng loob ang mag-asawa at si Joel nang makita si Lucas at ang mga tauhan nitong sunod-sunod na pinaputukan ang mga kalaban. Nang mapansin ni Herman si Fernando na tumakbo sa ibang direksyon ay kaagad niya itong sinundan.Pinaputukan niya ang direksyon nito ngunit huli na siya dahil nakasakay na ito sa kotse at mabilis na umalis sa lugar na iyon."Lucas!" natutuwang wika ni Josefa at saka lumapit sa matanda."Mabuti na lang po dumating kayo," saad ni Joel na may bahid pa din ng takot ang mukha.Napalingon silang lahat sa isang direksyon at nakita nila si Herman na kapit-kapit ang braso na naglalabas ng pulang likido. Mabilis siyang nilapitan ng anak at saka inalalayan sa paglalakad."He needs to take to the hospital, may tama siya," saad ng binata."I'm okay, it's not