Share

Kiss in the Shadows(Filipino)
Kiss in the Shadows(Filipino)
Author: Mar Mojica

Chapter 1

Deceived

Nakayupyop ako sa aking dalawang palad. Hindi ko alam at wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko. I know it will sound so desperate, but damn it! Hindi rito magtatapos lang ang lahat sa amin.

"Pakinggan mo 'ko, please Fiore. I didn't know that it wasn't you!" I knelt down on my knees hoping that he would listen.

"Ginago mo 'ko, Miranda! Do you think I’m that fool to forgive you after all this?"

Muli akong tumayo at halos yakapin ko na siya. Ngunit para lamang akong isang alikabok na binugaw niya. While the assh*le who planted all this things was there standing, looking outside the window. Nagawa pa niyang mag-sight-seeing pagkatapos ng ginawa niya.

Sinugod ko si Xylon. Pinagsusuntok ko ang likod niyang walang saplot. "This is all your fault, Xylon! You took advantage of me. I hate you!"

Nakita ko ang pagsara ng kanyang mga mata ngunit walang palatandaan na nasaktan man lang siya. Like he was getting all the pain and it's fine with him. Like he doesn't care at all kahit magkasira kami ng kababata niya. Na sinadya niya na mangyari ang lahat ng ito.

Mas lalo akong napahagulgol. Dahil kitang-kita ko na wala siyang balak na magpaliwanag kay Fiore. Muli akong napaluhod. This time, sa paanan ni Xylon.

"W-What are you doing?" he asked, na parang nagulat sa bigla kong pagluhod naman sa harapan niya.

Damn it, Miranda! Pati ba naman sa harap ng isang gago ay luluhod ka? Ganyan ka na ba kababa?

"P-Parang awa mo na, Xyle... Sabihin mo kay Fiore na wala akong kasalanan. Na hindi ko alam na... ikaw ang lalaking nakasama ko... na ikaw ang kumuha ng..."

Natakpan ko ang bibig. I couldn't even say it. I couldn't admit that this assh*le took my virginity instead of Fiore, my fiance!

Tears kept on flowing down my cheeks. They were like rivers without end. Like rain without rainbow. Like the ocean without hope.

"Tumayo ka, Miranda," mariin niyang utos.

"X-Xyle, nagmamakaawa ako..."

"Tumigil ka na, Miranda." Nabingi ako kahit mahina lamang iyon na utos ni Fiore. "Kahit ano pa ang paliwanag ninyo ni Xylon, hinding-hindi na kita mapapatawad. You cheated on me. You and my best friend. You're such a wh*re, Miranda!"

"Fiore!" I heard Xylon scolded him. Pero walang epekto iyon kay Fiore.

"I decided to not marry you anymore." Sumabog ang mga salitang iyon sa mukha ko. After saying that, he took a bag from a nearby cabinet. Like it was ready to be taken away and just waiting for somebody to get it.

"F-Fiore..." I pleaded. Mabilis akong tumayo upang pigilan siya. Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "D-Don't leave me. P-Please, Fiore, mahal kita. Wala akong minahal na ibang lalaki bukod sa ‘yo. Mali ang lahat ng ito. What you saw weren't true. It was you I was making love with. It was your face I saw when I closed my eyes. It's always you, Fiore..."

He just removed my hands from his body. Subalit parang bata pa rin akong sumunod sa kanya. "F-Fiore, maawa ka. Huwag mo 'kong iiwan."

Hinarap ako ni Fiore. I saw his handsome face, his eyes intently looking at me, those eyes I loved the very first time I met him. Those were the same, I know. Yet, there was no spark, no colours. The love that was for me was no longer there. I'm no longer the apple in his eyes. I'm no longer the most precious thing in his life. It was all gone.

"Miranda, I forgive you. You and Xylon. You have the option to remain with him. You should have told me. If you like him, I'll be happy to let you go..."

"I-I don't like him. Ikaw ang gusto ko, Fiore." Inilagay niya ang kumalat na buhok sa likod ng tainga ko. He's still tender and incredibly kind. Fiore's characteristics that I admired.

"But then, you still cheated on me. You didn't really love me, Mir." Panay ang iling ko kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. "You can stay here as long as you want. Ako na ang magpapaliwanag sa parents ko at sa tita mo kung bakit hindi na matutuloy ang kasal." Naninikip ang dibdib ko. Gusto nang sumabog sa sobrang sakit nito. Hinawakan niya ang pisngi kong basang-basa ng luha. "They will understand. They will not judge you. Ako na ang lalayo para sa inyo." Sumulyap siya kay Xylon na naroon lamang at nakatayo. Nakaigting ang panga at kuyom ang mga kamao. Para siyang galit. Pigil na pigil ang galit. Damn him! Wala siyang karapatang magalit dahil siya ang demonyong may gawa ng lahat ng ito. Bakit hindi siya magsalita? Bakit hindi niya sabihin ang totoo? Bakit nananahimik siya? He’s a beast!

"F-Fiore..."                  

"Goodbye, Mir." Naglakad siya palayo sa akin. Palayo nang palayo. My feet were shaking when I took a step. Pero hindi ko na kayang kumilos pa.

Kasabay ng pagpinid ng pintuan ang pagkahulog ng nakataping kumot sa katawan ko. I saw from that white blanket the proof that I did cheat on him. The red blood scattered like it colored the white background of an artistic painting. At sa tabi ng kumot na iyon ay ang pulang panyong itinakip ko sa aking mga mata kanina.

I was ready to give my virginity to Fiore. He told me if he will take me, he wanted it steamy, hot, wild and sexy. Kaya naisip kong maghubad sa aming kuwarto. Piringan ang sariling mga mata. Sorpresahin siya sa pagnanais na maibigay ko ang sarili sa pinakamamahal ko. But then...

Muling umagos ang mga luha sa mga mata ko. Wala na si Fiore. Wala na siya.

"M-Miranda..."

My fiery eyes looked at Xylon. Tanging boxers lang niya ang natirang suot niya. Gulo-gulo ang buhok, pulang-pula ang labi. Kung alam ko lang na siya ang kaulayaw ko kanina, sana mas pinadugo ko pa ang labi niya. Sana kinagat ko nang kinagat hanggang mamaga at nang hindi na siya makapagsalita.

"Masahol ka pa sa hayop, Xylon. Ang sama-sama mo. Mamatay ka na sana!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status