Share

Chapter 5

Alone with Him

Malinis na ang katawan ko and I told myself to just go to sleep instead of pampering my hunger. Nangawit na ako sa paghiga. Nangalay na ang panga ko sa pagdapa. Sumakit na ang balakang ko sa pagtagilid pero ang tiyan ko, tunog pa rin nang tunog. Gutom na talaga ako. Sumasagi sa isip ko ‘yong mainit na arroz caldo na niluto ni Xylon. Tapos umuusok pa iyon sa init at amoy na amoy ang sahog na manok. Samahan mo pa ng nilagang itlog na may konting asin.

"Ah! Damn it!"

Bumalikwas ako. Gutom na 'ko. Naaawa akong napahawak sa tiyan. Kung nandito lang si Fiore, pagsisilbihan niya ako. Hindi niya ako hahayaan na malipasan man lang ng gutom. Nasaan na kaya siya ngayon? Ano na ang ginagawa niya? Baka hindi rin siya kumakain na gaya ko dahil siya ang mas nasaktan sa nangyari. Makita mo ba naman ang mahal mo, ang babaeng pakakasalan mo sa kandungan ng ibang lalaki at best friend mo pa, hindi ka ba magagalit?

In a time like this, he will be telling me to get up and eat. To always take care of myself, even if he's not beside me. He was the kind of person that will protect you in every way he could. He was there to tell me that everything will be okay.

May kumurot sa puso ko. Nagbabadya na naman ang mga luha mula sa aking mga mata. Gusto na naman nilang umagos at punuin ang mukha ko hanggang hindi na naman ako makahinga.

God, I miss Fiore. I closed my eyes and his handsome face appeared. Napakabait ni Fiore para ganoon lang ang ginawa sa akin. Kung ibang lalaki lang, baka sinampal ako, binugbog or napatay ako. Pati kay Xylon. Dahil ganoon na lang ang pagpapahalaga niya sa pagkakaibigan nila, hindi man lang niya pinagbuhatan ng kamay. He didn't do anything that would lower down his patience and kindness. He's a man of honor. Kung bakit napakasama ko para magawa ito sa kanya.

I realized that I was crying again when I opened my eyes. Paano na ang kasal namin? Ano ang sasabihin ko kay Tita Pat? Sa pamilya niya? Sa mga kaibigan ko? Kasi, nahuli ako ni Fiore na nakikipag-sex sa ibang lalaki kaya ayaw na niya akong pakasalan? Sinong tangang lalaki pa ang magseseryoso sa akin kapag nalaman iyon? At hindi tanga si Fiore. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang ginawa namin ni Xylon. Kahit naman hindi ko alam na si Xylon iyon, the way I acted said it all. There was no force. No screams. No refusal. My own body betrayed me.

I wiped the tears from my eyes. Baka may pag-asa pa. Baka mapatawad pa niya ako. Kahit imposible, I will ask Xylon to explain everything. Kahit alam kong wala namang konsensiya ang buwisit na iyon, baka maawa siya sa akin. O sa matalik niyang kaibigang si Fiore.

Tumayo ako at lumabas mula sa silid. Hinanap ng mga mata ko si Xylon. May narinig akong ingay mula sa kusina. When I get there, he was sitting in front of a smoking bowl of soup. He looked at me when he felt my presence.

"Sayang ang pagkain kung hindi mo kakainin," sabi niya at sinimulang sumalok ang kutsara niya. "Ayaw mo namang kumain, 'di ba? So I'll finish this by myself." He blew the food before he opens his mouth and eat. He even closed his eyes while slowly chewing. "Hmm, this is nice. Masarap talaga lalo na at may kasamang nilagang itlog. May sesame oil at fried garlic pa." Muli na naman siyang sumubo at mabilis na nilunok.

Naiinis akong tinungo ang fridge para kumuha ng tubig. Magtitiyaga na lang ako sa malamig na tubig. It might help me ease my hot, blooded head because I want to kill a man this very moment.

"Ah... ang sarap talaga..."

Damn him! Bakit ba siya umaakto ng ganoon? Nang-iinggit ba talaga siya? Nilagok ko ang tubig. Dinala ang baso sa isang bakanteng silya katabi ng inuupuan ni Xylon.

Right, Miranda. You're a masochistic hungry animal! At talagang tumabi ka pa sa kanya para mapanood siya?

Umangat ang kutsarang hawak niya malapit sa akin. Kakasubo lang niya ulit at papikit-pikit pang ngumunguya.

Sarap batukan ng walanghiya! Sarap salaksakin ng kutsara ang bibig niya!

Bago pa niya muling maisalok ang kutsara sa mainit na pagkain ay naagaw ko agad iyon sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkabigla niya ngunit wala na akong pakialam. Damn it! Gutom na talaga ako. Hindi ko ugali ang mag-senti. Kahit may napakalaki akong problema, kahit pa umiiyak ang kaibuturan ng puso ko, hindi ko naman hahayaan na maapektuhan ang tiyan ko.

Hinila ko ang bowl mula sa kanya at ako na ang sumalok sa kutsara para isubo sa sarili. Sh*t! Ang saraaaap! Gutom na talaga 'ko.

"Hey! Akin iyan!" bulyaw niya sa akin na nanlalaki pa rin ang mata sa gulat. Hindi ko siya pinansin. Diniretso ko ang pagkain. Uubusin ko 'to. 'La na 'kong pakialam sa paligid ko.

"Hindi ka ba natatakot? Galing sa bibig ko ang kutsarang iyan. Tapos gagamitin mo rin at ipapasok sa bibig mo? Paano kung marumi iyan?"

Nabuwisit ako sa kanya. Nakakawala siya ng ganang hayop siya!

"Halos higupin mo nga ang bibig ko kagabi. Tapos ngayon magsasalita ka ng ganyan?" singhal ko sa kanya kahit punong-puno ang bibig ko.

His face reddened. Natigilan sa sinabi ko. Mabuti nga sa kanya. Kitang gutom ang tao, pati kutsara ipagdadamot niya? Assh*le!

Ilang subo na lang at mauubos ko na ang pagkain. Narinig kong tumikhim siya.

"Softy," he called me.

"Ano?" Asar na 'ko habang ngumunguya.

"Masarap talaga ang sabaw na mainit. Lalo na kapag inuunti-unti ang paglunok. Sana sinabi mo agad na gusto mo palang humigop ng sabaw. 'Di sana ginawa natin iyon kagabi."

"Ano!" Napatingin na ako sa kanya. Nakadikit pa sa bibig ko ang kutsara.

"Sabi ko, bagay tayo. Ikaw si Softy ako naman si Soupy. Then maybe... I have given you the privilege to swallow my hot, sticky soup last night. I'm sure you'll enjoy it." He even winked at me.

Beast! He is a beast! I wanted to pour this broth on his handsome face! Jeeerk! This Xylon is pissing me off!

"Bastos!" sigaw ko sa kanya pagtayo ko. Umikot ako para iwan siya.

"Hoy, sandali," pigil niya sa akin kaya lumingon ako.

"Ano na naman?" nakapamaywang na tanong ko.

Inginuso niya ang walang lamang mangkok. Kumunot ang noo ko. Ano? Gusto ba niyang ipukpok ko nga sa kanya ang mangkok na iyon? I'm more than happy to do so.

"Kuwan... Iiwan mo na lang diyan ang pinagkainan mo? Ako na nga ang nagluto, ako pa rin maghuhugas? Hugasan mo iyan!" Sabay tumayo rin siya at saka ako tinalikuran.

I was dumbfounded!

Naiiyak akong binalikan ang pinagkainan ko. For the first time in my life, naghugas ako ng isang pirasong mangkok na umiiyak dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kahaba ang galit ko kay Xylon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status