Share

Chapter 2

Remorseless

Tumingin ako sa labas ng bintana. Woods. All woods. That's all I could see everywhere. There isn't even a single house to be found. All I could see —since Fiore brought me here— are those tall trees.

I stopped looking outside and became aware of a sound approaching me.

"Kumain ka na. Kahapon pa walang laman ang tiyan mo."

Hindi ako kumibo. Kausapin niya ang sarili niya!

Inilapag ni Xylon ang pagkain sa ibabaw ng lamesitang malapit sa kinauupuan ko. I could smell the aroma of the food he cooked. Amoy na amoy ang bawang sa niluto niyang arroz caldo. The reason Fiore took this smug with us was because aside from being Fiore's best friend of course, he could cook well. He could clean very well, and he could drive very, very well. Lahat na yata ng gawain ay alam ng kumag na ito. Kaya masyadong umaasa si Fiore sa kanya. He always says, yes when he needed him to. Minsan nga, nakakadama na ako ng selos. Like they are into each other and I'm just a flower display between them. Ngunit inintindi ko dahil magkaibigan nga sila.

"Sige na, Softy. Kumain ka na habang mainit."

Bigla akong napatingin sa kanya. Softy. Matagal na rin na hindi niya ako tinatawag sa pangalang iyan. I don't know where he got that name. Basta kapag dalawa lang kami at hindi kaharap si Fiore, ganyan ang tawag niya sa akin.

"Stop calling me that. I'm not, Softy," I retorted and clenched my jaw.

"You're still my Softy."

"I'm not yours!" I immediately shouted at him. Biglang uminit ang ulo ko. Umalon ang dibdib ko.

"Alam ko naman. You're not mine," seryoso niyang sabi, habang titig na titig sa mga mata ko.

Nilabanan ko ng mas matatalim na titig ang tingin ko sa kanya. "Mabuti at alam mo. You should know where you stand, Xylon."

Umupo siya sa couch na katabi ng sopa kung nasaan ako. "Kung papatayin mo ang sarili mo sa gutom, sabihin mo lang. Para hindi na ako magsayang ng oras para ipagluto pa kita."

Nagpanting lalo ang tainga ko sa sinabi niya. "Bakit? Sinabi ko bang ipagluto mo 'ko? Ikaw ang may gustong pagsilbihan ako. Besides, why are you still here anyway? Kay Fiore ang bahay na 'to at hindi sa ‘yo!" mataray kong sabi.

"Remember what he said? We can stay here as long as we want? Besides, we're in the middle of a forest. Kailangan nating maghintay sa pagbalik niya, so... Sorry."

Gusto kong tumayo at iwan siya rito. O kaya ay ibuhos sa kanya ang kumukulong lugaw para matunaw naman ang mga muscles niya sa katawan. Kaso, sayang ang pagkain. Maraming nagugutom sa mundo.

"Sorry?" I sounded mocking him. "Kapal naman ng mukha mong sabihin iyan."

"I'm sorry because Fiore has to leave you. But I won't say sorry dahil sa nagawa ko sa ‘yo." His eyes were dark. Hindi naaalis ang titig niya sa akin.

Kumulo lalo ang dugo ko. Sorry dahil umalis si Fiore. Subalit hindi sorry dahil sa ginawa niya sa akin? The hell with him!

Tumayo ako para pigilin ang damdamin. Kung hindi pa ako lalayo sa kanya, baka makalimutan kong kaibigan siya ng pinakamamahal kong tao. Baka makalimot ako at mamura ko siya mula bumbunan hanggang talampakan niya. At baka kung ano pa ang magawa ko nang dahil sa galit sa kanya!

"Where are you going?" he asked when I started walking away.

"Sa lugar kung saan wala ka!"

Nagmartsa ako palayo. Lumabas ako ng bahay. I want to get out from here. I want to leave and follow where Fiore is. Pero magsasayang lang ulit ako ng pagod. Gaya ng ginawa ko kagabi.

Nang marinig ko ang ugong ng makina, I ran out and followed Fiore. Ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Kaya bumalik ako para subukang paandarin ang nakatambak na kotse na kahit nangangalawang na at sinasapot sa sobrang kalumaan ay sinubukan ko pa rin. I wanted to explain. I wanted him to listen. To follow him anywhere he would go. But that junk didn't even start. So I tried hard again to chase Fiore. Then I realized, I wasn't covered with anything. I was naked, damn it!

Umiiyak akong bumalik ng bahay. Daig ko pa ang basang sisiw na nawala sa gitna ng ulan. Sinalubong ako ni Xylon ng hawak niyang kumot. At ang walanghiya, hindi man lang ako pinigilan noong nagtatakbo na ako palabas ng nakahubad. At ang tingin pa niya sa akin kagabi ay parang sinasabing, sige-tumakbo-ka-ng-hubad-dahil-babalik-ka-rin! Damn him!

Sinisipa ko ang mga nararaanan kong putol na mga sanga ng kahoy. Hindi ko alam kung ano ang lugar na ito na pinagdalhan sa akin ni Fiore. May tiwala naman kasi ako sa kanya. Na kahit saan niya ako dalhin basta kasama ko siya ay masaya na 'ko.

Makaalis lang ako sa lugar na ito, magpapaliwanag ako kay Fiore. Kahit lumuhod ulit ako sa harap niya, gagawin ko patawarin lamang niya ako. At tanggapin muli.

All because of Xylon! Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Dahil alam kong kaibigan niya si Fiore, kahit madalas niya akong asarin ay pinakisamahan ko siya. Kahit noon pa man na nag-aaral kami at hindi ko na siya gusto dahil sa mga pambubuwisit niya sa akin ay tiniis ko para kay Fiore.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ganitong oras kahapon nang dumating kami ritong tatlo. Ilang beses akong binulungan ni Fiore.

"Your body will be mine, tonight. Akin ka na mamayang gabi, Mir."

Ilang beses na kahit kaharap si Xylon ay sinasabi niya iyon. Para raw handa na ang isip ko. Para raw hindi mabigla ang katawan ko. Sabi ko nga, why not next week? After our wedding? But he said, he couldn't wait. He said he wanted me so much to experience a sexy, hot, bold sex of the century. Kaya nang makahanap ako ng tiyempo, nang papatulog na kami, I prepared something for him. I decided to accomplish his wish. Mahal ko siya at gusto kong mangyari ang kahilingan niya.

But last night was the biggest mistake of my life. A nightmare... the most terrible, horrific, disgusting nightmare I have ever had.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status