Share

Chapter 41

Author: NovelistLove
last update Last Updated: 2022-01-31 19:09:47
Agad sumalubong ang mga kilay ni Melisa sa naging surpresa sa kanya ni Anthony. At saglit pa'y hindi na niya din napigilan ang pag guhit ng matamis na ngiti sa labi nito. Nanatili lang siyang tahimik habang iniikot ang mga mata sa mga palamuti sa kanyang dingding at sa kesame. Mga makukulay na lobo at ibat-ibang kulay ng mga bulaklak ang talagang nagpasaya sa mukha ng dalaga.

Agad tumikhim si Anthony. "Nagustuhan mo ba?" Masayang tanong niya.

"O-oo, mukhang ngayon ko lang kasi 'to naranasan sa buhay ko." Sagot ni Melisa habang abalang hinahawakan ang mga bulaklak.

"You deserve it, because I just want you to be happy. Happy birthday again my. . .M-Melisa."

Agad niyang kinabig ang dalaga upang mayakap ito.

Tulala lamang si Melisa sa mga naging aksyon
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 42

    NAGPAIWAN nalang si Devina sa loob ng sasakyan. Tinatamad kasi itong lumabas. Hindi na din siya napilit ni aling Belen baka nga ay mapagod lang. Pipikit na sana siya ngunit biglang tumawag ang kanyang ama na si Fernando. Doon niya din napansin na may ilang missed calls na ang kanyang lola. Sinilip muna ni Devina sina Albert kung papasok na ang mga ito sa Mall. Para matiyak na hindi nila makitang may kausap ito sa cellphone."Pa, bakit po?" Agad na sagot niya."Nandito ang lola mo. Hindi ka daw ba uuwi muna dito sa Manila?" Muling tanong ng ama."Huh? Ehh. . .Bakit naman po?" Litong tanong ni Devina na agad napakamot sa kilay nito."Gusto ka lang niya makita. Kamustahin. Kung ayaw mo daw pumunta ay siya ang pupunta diyan. Kilala mo naman ang lola mong 'yun."

    Last Updated : 2022-01-31
  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 43

    HINDI na inaksaya pa ni Melisa ang isang oras nilang break time. Agad itong lumabas ng pinto pag katapos ng kanilang meeting. Alam niyang naka subaybay sa kanya si Anthony ngunit hindi na niya muna ito pinansin.Ilang sandali pa ay nasa tapat na ito ng Hotel. Agad itong tumungo sa elevator upang makapasok na sa kanyang room.At nang naka pasok na ay agad niyang hinanap ang kahon upang hanapin kung sinong pangalan ang nagpadala. Ngunit walang naka lagay!"Ano 'to? Pagaganahin ko na naman ba ang pagiging manghuhula ko?" Reklamo ng dalaga habang dahan-dahang binubuksan ang regalo.At lumantad nga kay Melisa ang mga sari-saring laman sa loob ng box. Mga assorted iyon. Mukhang mga mamahalin lahat. May mga set na jewelries. Mga perfume. Mamahaling bag at sapatos. At may isang handmade na isang maliit na bahay-bahayan may naka upo na isang lalaki at isang

    Last Updated : 2022-01-31
  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 44

    Mistulang parang istatwa sa pagkaka-upo si Anthony sa kanyang lamesa habang nakatitig lamang sa computer nito. Napansin iyon ni Melisa dahil gusto sana niyang tanungin ang binata about sa panibagong project ng company nila sa Pinas. "Well, baka inaantok lang." Isip ni Melisa.Ilang oras nalang din naman at magsisiuwian na sila. Hindi niyacdin maiwasang ma-excite dahil ilang linggo nalang at uuwi na siya. Namiss na niya kasi ang kanyang mga magulang, ang kanyang pinsan na si Roxan na talagang sandamakmak ang kanyang iku-kwento dito. At syempre lalo na si Albert. Ewan ba niya pero sa tuwing pinipikit ni Melisa ang kanyang mga mata ay si Albert ang kanyang nakikita. Lalo na ang napakagandang ngiti nito sa kanya. Doon at bigla siyang napadilat sa pagkakapikit niya nu'ng sinitsitan siya ni Anthony.Mukhang napahiya yata siya rito dahil kitang-kita niya na nakangiti ito habang nakapikit. Ganu'n nalamang

    Last Updated : 2022-01-31
  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 45

    "What do you mean ma?" Takang tanong ulit ni Albert."Makakaranas kasi ang mga bagong panganak na tinatawag na postpartum depression. Tandaan mo dapat lagi kang naka antabay kay Devina nu'n para maiwasan niya ang malungkot para hindi umabot sa stress." Paliwanag ng matanda.Mukhang yumukot ang mukha ni Albert sa sinabi ng ina. "So magiging yayo niya pala ako niyan kung dapat laging nasa tabi niya ako. Bakit ganyan ka ba ma nu'ng nanganak ka sa amin ni kuya?" Sunod na tanong nito."Oo naman anak. Kaya alam ko kung papaano."Kibit-balikat ang naging tugon ni Albert dahil nga sa wala itong kaalam-alam sa mga ganu'n.Kaya bigla nalang niyang naalala ang malapit na pag balik ni Melisa. Dalawang bagay na nag bibigay saya at kaba sa puso niya dahil masaya

    Last Updated : 2022-01-31
  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 46

    Hindi na nag aksaya pa si Albert, kaya dali-dali niyang hinawakan ang tiyan ni Devina."Ohh see sabi sayo." Walang pagsidlan ang tuwa ni Devina ng oras na 'yun habang katabi niya si Albert. Ito na ang simula ng ating samahan. Ani pa ng isip niya."Ganito pala ang pakiramdam." Tanging naisagot lang ni Albert. Pero alam niya sa kanyang sarili ang subrang pag-uumapaw na tuwa sa puso niya.At nang hindi na muling gumalaw ang bata, agad din namang tumayo sa gilid ng kama si Albert. Alam naman niya ang kanyang ginagawa hindi iyon para kay Devina kundi para sa bata. Kung pwede lang niya sanang sabihin iyon dito para hindi siya masyadong umasa na papakasalan siya ni Albert. Kaya naisip niyang ikimkim nalang muna kesa masaktan muli ito at ma-stress ang bata."Naku mas gust

    Last Updated : 2022-01-31
  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 47

    "Ngeh, akala ko ba'y tulong mo na 'yun sa akin. Dahil sabi mo nga isasanla mo muna sa akin lahat mga secrets mo. At ang pagkatanda ko bes huh na kusang loob mo 'yun sakin binigay." Ganti naman nito na hindi pa din humihinto katatawa."Ah ganu'n ba eh 'di sige, basta sumama ka bukas ako nalang magpapamasahe sayo. Medyo kahit papaano may kaunting barya naman sigurong matitira sa pera ng lola ko." Sagot ni Devina. "At syempre dapat sumama ka

    Last Updated : 2022-01-31
  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 48

    1.6 million ang lumabas na result kada isa sa kanila. Kaya walang duda na ganu'n talaga kalaki ang babayaran ni Devina. Kaya inilabas na ni Albert ang cheque upang bilangin ito."Naku bruha talaga 'yung besy ko. Parang kay liit-liit lang sa kanya ang ganyang halaga jusmeyo." Hindi napigilang nasabi ni Dona.At nang maiabot na kay Mr. Ong ang ganu'ng halaga ay agad nila iyon itinago. Manglilibre pa sana sila ng para sa lunch ngunit masaya naman itong tinanggihan ni Albert. Kaya naisipan nalang ng mag-asawa na bumalik nalang agad sa Manila. Sumang-ayon naman ang binata dito. "Ihatid ko nalang kayo sa airport." Habol pa niya."Hindi na, sakay nalang kami van. At para 'di kami isturbo sayo." Sagot ni Mr. Ong."Albert, tumawag nga pala kanina si Devina nu'ng pumunta ako sa c

    Last Updated : 2022-01-31
  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 49

    "Wala 'yun anak. Hanggat hindi mo naman sa kanya pinapakita na nagdududa ka eh hindi 'yun mag-iisip. Pero alam mo anak mukhang naaamoy ko na talaga ang tunay na kulay niya. Biruin mo huh ako nakaya na niyang sagut-sagutin. Naku exis na siya sa akin." Agad napamewang na tuloy sa inis si aling Belen."Sige lang ma, kalma lang muna tayo ngayon hanggat wala pa tayong patunay. Huwag mo na munang patulan baka ma-stress ulit." Sabay yakap sa ina nito. "Sige na ma baka mag-isip na doon si Dona, remember kaibigan 'yun ni Devina." Ani pa nito.Agad din namang lumabas si aling Belen. At binalikan si Dona."Tara na at kakain na tayo maya-maya pag labas ni Albert." Masayang bati kay Dona."Si Devina po ba lalabas na din?" Agad na tanong nito."Pwede mo namang p

    Last Updated : 2022-01-31

Latest chapter

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 70

    Hindi din nakatanggi si Melisa nang lagyan ang kanyang baso ng kuya ni Anthony. Sabay nilang itinaas ito at sabay sigaw ng "Cheers!" Sabay inum nila.Pinilit na lamang na lunukin iyon ni Melisa ngunit imbes na mapaitan ay mas lalo pa siyang nasarapan sa lasa nito.Naka masid lang ang mga mata ni Albert kay Melisa dahil ang alam ni Albert ay hindi umiinum ng alak ang kaibigan. Pero dahil isa itong Reunion ay isinantabi muna iyon ni Albert. Hindi nalang niya wawalain sa kanyang paningin si Melisa at baka kung ano ang gawin ni Anthony sa kanya kapag ito'y malasing. Makakatikim talaga ng magkabilaang suntok si Anthony kung ano ang gawin sa kaibigan! "Don't you ever Boy!" Ani pa niya.Ilang sandali pa'y bumulong si Fernando kay Albert. Tumango lang ang binata sa mga sinasabi nito. Gusto na yatang matulog dahil hindi naman kasi siya pwede sa inuman. Agad naman niyang inalalayan ito palabas. Ngunit bigla niyang sininyasan si Paulo na tutukan muna si Melisa. Agad namang sumang-ayon ang kaibi

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 69

    Hindi malaman ni Melisa kung saan na siya lulugar. Para na kasi siyang hinahati sa dalawa. Naninimbang sa dalawang lalaki. "Masyado naman yata akong gumanda kaya't nagkandarapa ang mga 'to sa'kin." Nakuha nalang niyang biruin ang sarili. At upang hindi na mainis si Anthony inaya na niya itong kumain. Bahala nalang din kung ano ang sasabihin ni Albert sa kanyang binigay sa kanya. Dahil nga sa paborito niya itong pagkain kaya't kinain nalang niya kahit bigay iyon ni Albert.Kumain ng bahagya si Anthony habang kinakausap siya ng kanyang kuya about mamaya sa pag announced ng kanilang project. Mas nawindang pa nga siya nung siya pala ang mag-eescort kay Anthony sa stage. Pilit siyang ngumiti kahit gusto niyang tumanggi rito. Hindi niya kaya! Pero paano?Matapos ang ilang sandali ay hinanda na muli nina Melisa at Anthony ang kanilang sarili. Nag paalam saglit si Melisa kay Anthony upang mag tungo sa comfort room upang mag make over na. "Wait sasamahan kita." Habol pa ni Anthony."Uy 'wag n

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 68

    Doon at napanatag na ang utak ni Anthony dahil napaniwala niya agad si Melisa. Sa wakas ay hindi na ito lumilingon sa kaliwa't kanan. Dahil maging siya ay hindi rin mapakali dahil baka makita na naman ni Albert si Melisa at tuluyan nang maagaw ito sa kanya.Nag simula na ang awardings kaya't ang bawat taong naroroon ay pawang mga excited. Naging maingay ang buong area na iyon dahil sa hiyawan at palakpakan. Ngunit si Melisa ay nakikimatyag pa rin. Aminin man niya sa hindi ay talagang physically present, mentally absent talaga ang pakiramdam niya. Napapansin niya ring panay ang sulyap sa kanya ni Anthony. Upang hindi mahalata na kinakabahan, inayos niya muna sandali ang kanyang pagkakaupo at bahagyang itinaas ang noo upang kunwari'y kampante na siya.Hanggang sa tinawag ang pangalan ni Albert.Laking gulat niya nang sa kabilang lamesa lang pala ang grupo nila Albert. Halos magka dikit lang. Pero bakit hindi niya iyon napansin? Taka ng isip niya.Naghiyawan ang halos karamihan na nando

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 67

    NAGPAALAM na muna saglit si Fernando kay Devina. Nagmamadali na nga ito at baka mahuli na siya sa meeting. Total ay nauna na si Albert doon kaya may sasalo sa kanya sakaling ma-late ito ng kaunti."Paki subaybayan mo nalang si Albert doon pa, baka kung sino na naman ang pumulupot doon." Pahabol pa ni Devina.Tumango nalang si Fernando upang wala nang maraming satsat pa ang anak. Nang makasakay na sa kanyang sasakyan muli siyang sumenyas sa anak na aalis na ito.Ngunit tinitigan lang siya nito ni Devina."Maiba lang ako sir, bakit parang mas lalong umiiba ang trato sa'yo ni ma'am Devina kesa nung una?" Agad na naitanong ng driver ni Fernando."Buntis kasi siya Jun, gan'yan kapag mga buntis, masyadong mainisin. Kaya iniintindi ko nalang kesa patulan." Mabagal na sagot ni Fernando sa kanya."Ahh kaya po pala. Pati nga sa asawa niyang pogi inaaway din niya." Patawang dugtong ni Jun."Hindi niya 'yun asawa. Ama lang siya ng mga magiging apo ko." Pagko-korek lang nito.Tumango-tango lang si

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 66

    Natapos ang kanilang pananghalian, ngunit nanatili pa ding naka upo sa lamesa si Melisa. Mukhang bitin na bitin kasi ang kanyang pamamalagi sa bahay nila kasama ang mga magulang. Pero sabi naman ni Anthony after ng Reunion ay pwede ulit siyang bumalik dito."Anak, iwan muna kita huh, may ililigpit lang ako sa taas, si itay mo sa hapon pa yata 'yun uuwi baka busy sa poultry niya." Singit ni aling Marta sa anak."Sige 'nay, papasok na din naman ako maya-maya sa kwarto." Magalang na sagot ni Melisa.At nang mapag-isa muli, agad niyang binalikan ang kanyang topic kanina. Iniisip niya kung saan na naman niya pwedeng mamasyal kapag bumalik ulit siya dito. Biglang nakaramdam na naman si Melisa ng pinong kurot sa kanyang dibdib. Bakit kasi hindi niya kayang iwasan ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung sino dapat ang sisisihin sa mga nangyari. Kung ang sarili ba niya dahil bakit pumunta pa kasi siya sa ibang bansa 'di sana walang namagitan kina Albert at Devina noon. O kung si Albert ang

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 65

    "So aalis ka nu'n pa? Sino ang makakasama ko dito." Agad natanong ni Devina."Baka pwede mong pakiusapan si Dona anak. Mga tatlong araw lang naman ako doon." Ani ni Fernando.Biglang napa ngiti si Devina sa kanyang naisip. "Bakit si Dona, eh pwede namang si Albert.""Kasama din siya sa Reunion, siya ang representative ng mga Architect sa America branch. Hindi pwedeng hindi siya kasama." Diretsyong sabi ng ama.Napaismid ng tuluyan si Devina. "Naku malamang maraming mga babae din doon, at baka maka kita na naman siya. Malalagot talaga sila kapag landiin nila si Albert." Paniningkit ng mga mata nito."Trabaho ang punta namin doon, at iba si Albert sa lahat ng lalaki na nakilala mo. Marami na siyang naipundar na mga gamit at lupa dahil seryoso siya sa kanyang trabaho." Ani lang ni Fernando baka sakaling matamaan si Devina. Dahil kung tutuusin ay marami na sanang naipundar si Devina sa dati niyang trabaho noon paman maging sa kanyang business. Ngunit sa hindi siya marunong humawak ng pera

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 64

    MABILIS lumipas ang isang linggo.Bagot na bagot na si Devina sa daily routine niya kapag nagigising sa umaga. Naglalakad-lakad lang sya sa kanilang harden at kapag napapagod agad bumabalik sa kanyang kwarto. Mas lalo siyang naiinis sa tuwing pumupunta si Albert sa kanilang bahay ay parang ayaw din tumagal. Laging may pinupuntahan. Kaya bigla na naman siyang napapaisip na baka nagkikita na sila ni Melisa. Kaya agad niyang tinawagan si Dona."Yes madam?" Sagot ni Dona."Kung hindi ka busy, puntahan mo ako dito sa bahay. Grabi nakaka baliw pala kapag wala akong maka usap. Si papa kasi may tinatapos sa kwarto niya. Lumalabas lang ng kwarto kung saan tulog na ako. Mabuti nga at wala na dito ang lola ko. Hindi ko naman kasi 'yun close. Tanging ang nurse lang ni papa at dalawang kasambahay lang ang lagi kong nakikita dito."Tanging napabuntong hininga muna ang kaibigan. "Sandali lang, may tinatapos kasi akong report. Baka bukas or sa susunod na araw pa ako matatapos." Sagot ni Dona."Hindi

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 63

    At dahil tulala si aling Marta. Si Melisa nalang ang pumasok sa gate palapit sa kanyang ina."Nay, ako na po ito, ang maganda niyong anak." Sabay yakap niya.Ilang minuto lang ay nakapag salita na si aling Marta pagkatapos nilang magyakapan. "Akala ko ba'y sa susunod ka pang linggo uuwi anak." Ani ng ina na maluha-luha pa ang mga mata nito."Sana nga dapat sa susunod pang linggo nay, eh kaso maaga po natapos ang project. Kaya heto na ako. Mananatili muna ako dito hanggat hindi pa ako pinapabalik ni Anthony." Ngumiti ng subra si Melisa upang hindi mahalata ng kanyang ina ang kanyang dinadamdam na sakit. Umaasa siya na sana huwag na munang maitanong sa kanya ang tungkol kay Albert. Ayaw na ayaw na niyang mapag-usapan ang lalaki na 'yun, dahil baka umiyak na ito ng tuluyan.Pumasok na sila sa kanilang bahay upang doon mag kwentuhan. Atat na sanang buksan nina Melisa at ni aling Marta ang mga pasalubong na galing kay Anthony ngunit pinagpasya nalang na mamaya nalang kapag maka-uwi na ang

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 62

    Bigla niyang napansing natutulog din sa kanyang tabi si Paulo. Napapikit pa ito dahil sa subrang kirot ng kanyaang ulo. Bumangon ito saglit upang sumilip sa bintana. Doon niya lang nalaman na nasa isang Hotel sila. Alam niyang nalasing siya. Alam niya ang mga dahilan kung bakit. Kaya ang tanong sa kanyang isip kung saan na ngayon si Melisa. Bigla niya din naala-ala sina Devina kung ano na ang naging update ng kambal. Kahit wala sa plano ni Albert na bumalik doon kina Devina ay pinilit nalang niyang puntahan iyon. "Magkikita pa din tayo Melisa. Hindi pa dito matatapos ang ating Love story." Sabi nito sa kanyang sarili. Agad niyang tinapik sa balikat si Paulo upang magpaalam muna. Pero dahil tulog na tulog pa ito ay hinayaan nalang niya muna ito.NANG makarating na sa Saint Gabriel Hospital si Albert. Agad ito tumungo sa elevator upang maka rating na sa room nina Devina.At sa pag bukas ng pinto, isang mukha ang hindi niya inaasahang makita. Hindi naman siya kinabahan o natakot dahil w

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status