Share

Unang kabanata

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2023-10-11 22:02:23

Salot (lyrics by Siakol)

“…Pagkagising ko sa umaga…

Balita sa dyaryo ang nakita

Wala pa ring pinag iba

Karahasan ang makikita…

Anong klaseng pamumuhay

Kaguluha’y wala na bang humpay…

Ako’y napadaan sa isang kanto…

“AaaaMarami ang nag kakagulo…

Tsimis pala ang kanilang punto

Paninira sa kapwa tao…”

Habang patuloy ako sa pag-awit ay abala ang aking mga daliri sa pagtipâ sa string ng gitara, sumasabay sa pagkanta ang aking mga kaibigan kaya ibayong saya ang dulot nito sa pakiramdam.

Ang ilan sa mga kaibigan ko ay mukhang may tama na ng alak ngunit patuloy pa rin sa pagtagay ang mga ito habang ako ay huminto na sa pag-inom dahil hanggang limang tagay lang ang kaya kong inumin. Mahina kasi ang tolerance ko sa alak at mabilis akong malasing.

Araw ng Linggo ngayon kaya nandito kami sa harap ng bahay nina Josh na halos nasa gilid lang din ng kalsada.

“Hanggang ngayon ay wala pa ring sinaing? B****t na buhay ‘to!”

“Oh! Bakit umuwi ka pang h***p ka!”

“Hoy! Lumayas kayo dito kung wala kayong pambayad ng upa!” Ilan lamang ‘yan sa mga naririnig ko sa aking paligid habang nagkalat sa kalye ang mga batang mukhang malnourished. Masasalamin ang matinding kahirapan sa hitsura ng mga batang ito. Sa bawat sulok naman ng aming barangay ay naroon nagkukubli ang mga magsusugal na kasalukuyang naglalaro ng binggo.

Kung bagong salta ka sa lugar na ito ay siguradong hindi mo kakayanin ang mabahong amoy ng paligid, bukod pa run ay kasing init ng matarik na sikat ng araw ang maalinsangan na lugar na aming kinaroroonan dahil sa dikit-dikit na maliliit na bahay na pawang gawa lang sa mga light materials at pinagtagpi-tagping trapal. Ang mga bahay dito ay katumbas lang ng isang palito ng posporo at sigurado ako na sa isang iglap lang ay tupôk kaagad ang mga ito.

Patuloy lang kami sa kasiyahan at hindi alintana ang magulong paligid. Ilang sandali pa ay naghubad ng t-shirt niya ang kaibigan kong si Josh at ipinatong pa ang isang paa nito sa bangkong kahoy na kanyang inuupuan. Siya ang matalik kong kaibigan at sa aming grupo ay siya ang taga-tagay, kapag alam niya na nakalimang tagay na ako ay nilalaktawan na ako nito at hindi na pinapainom.

Kumilos si Vincent, ang kaibigan kong tirador ng pulutan at si Carlo naman na nakaupo sa aking harapan na walang humpay ang pagkumpas ng katawan dahil feeling dancer ang gago.

Ako si Vernice Zhōu o mas kilala sa tawag na Vern ang singer at guitarrista ng grupo. Bukod tanging ako lang ang babae sa aming magkakaibigan ngunit mas astig kumpara sa kanila. Tuwing Linggo ay lagi kaming may reunion ng mga kaibigan ko at maaga pa lang ay nakalatag na ang lamesa. Kanyanan ng ambag ang bawat isa sa amin para sa pambili ng alak, pero kapag wala pang sahod ay nandyan si aling Chona na laging maaasahan sa oras ng kagipitan kaya ang ending wala pang katapusan ay ubos na ang sahod.

“… Ang mundo ay umiikot

Huwag, ka sanang malikot

Baka ikaw ay mahulog

Hindi ka ba natatakot…

At ikaw… ay matawag na salot…”

“Woohhh!” Malakas na hiyawan namin ng matapos ang kanta, malakas na sumipol naman si Carlo na halatang lasing na dahil hindi na ito mapakali sa kanyang kinauupuan.

Sa aming magkakaibigan ay tanging ako lang ang may tinapos, dala ng kahirapan ay hindi na nila nagawa pang makapag-aral at ang ilan pa sa kanila ay may asawa na. Nakatapos lang ako ng kursong accountant dahil sa pagiging working student ko kaya sa ngayon ay may maayos naman akong trabaho di katulad ng mga kaibigan ko na puro mga jobless. Simula ng magkaisip ako ay sila na ang laging kasama ko kaya halos kilala na namin ang isa’t-isa.

“Babe, napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang tinig ng aking nobya, abot hanggang tainga ang ngiti ko ng masilayan ko ang magandang mukha nito. Napakasexy nito sa suot niyang pang office attire at halos litaw ang bilugan at maputi niyang mga hita. Mabilis kong ipinasa kay Josh ang gitara. Nang makalapit sa akin si Marjorie ay kaagad na umupo ito sa aking kandungan at sabik na hinalikan nito ang aking mga labi.

“Hoy! Get a room!” Bulyaw sa amin ni Carlo habang nagtatawanan ang mga ito.

“Putcha, pare english ‘yun, Ah!” Di makapaniwala na sabat naman ni Vincent habang hawak na nito ang pinggan na may lamang pulutan.

“Abha, isang taon ko yatang pinag-aralan ‘yun.” Halos walang tigil kami sa katatawa dahil sa kakulitan ng mga ito habang si Marjorie ay nanatili sa kandungan ko at nakaakap ang isang braso nito sa aking leeg. Napakalambing ng girlfriend kong ito at halos limang taon na kaming magjowa.

Si Marjorie ay kababata ko at kaklase ko rin simula high school until college, noon pa man ay malapit na kami sa isa’t-isa. Hanggang isang araw ay natuklasan ko na lang na mahal ko na ang kaibigan ko. Napag-alaman namin na pareho lang pala kami ng nararamdaman at bago pa kami grumaduate ay naging kami na. Wala namang pakialam ang mga magulang niya sa relasyon namin basta abutan ko lang sila ng pera siguradong mabango na ako sa kanila.

Batid ko na hindi tanggap sa lipunan ang mga tulad kong lesbian, eh, kahit magpakababae naman ako ay wala pa ring magbabago, hindi pa rin ako tanggap ng lahat. Kung ituring ako ng pamilya ko ay parang isang salot sa lipunan kaya mas mabuti pang magpakatotoo na lang ako.

Masyadong mapusok si Marjorie dahil wala itong pinipiling lugar, kahit nasa public place kami ay hindi ito nahihiya na halikan ako sa labi.

“Hindi n’yo ako masisisi dahil lamang ng sampung paligo sa inyo ang babe ko.” Malandi niyang saad at nang-inis pa itong lalo dahil dinilaan pa niya ang mapula kong mga labi bago nang-aasar na ngumisi sa aking mga kaibigan.

“Stop it, Marjorie.” Saway ko sa kanya dahil halatang napipikon na ang mga kaibigan ko sa ugaling ipinapakita ng aking girlfriend. Ngunit ang magaling na babae naglalambing pa na yumakap sa akin kaya pinulupot ko ang aking mga braso baywang nito.

“Par, ano bang nakita mo sa babaeng ‘yan? Hindi na nga kagandahan masama pa ang ugali.” Diretsahang sabi ni Carlo na may bahid inis ang boses nito, halatang napikôn na ‘to, maging si Josh at Vincent ay hindi na rin maipinta ang mga mukha.

“Anong sabi mo?” Galit na tanong ni Marjorie.

“Enough, Babe, bakit ba hindi kayo magkasundo ng mga kaibigan ko?” Malumanay na tanong ko kay Marjorie.

“Bakit ba kasi hindi na lang tayo lumipat? Maganda naman ang trabaho mo, may trabaho rin naman ako pero bakit mas gusto mo pa ang patuloy na manirahan sa ganitong klaseng lugar?” Irritable niyang tanong sa akin na siyang ikinatahimik ko, ito ang madalas naming pag-awayan at hindi ko akalain na hanggang sa harap ng mga kaibigan ko ay sasabihin pa niya ang mga bagay na ‘yun. Pakiramdam ko ay napahiya ako ng husto.

“Sa bahay na lang tayo mag-usap, Marjorie.” Ani ko sa seryosong tono, tumahimik naman ito bago nagdadabog na umalis mula sa kandungan ko.

Hindi naman masyadong matangkad si Marjorie at hanggang baba ko lang ang taas nito. Hindi rin siya masyadong maputi, marahil ay gumanda lang ang kutis niya simula ng gumagamit na siya ng mga pampaganda na binibili ko sa kanya at isa rin sa dahilan ay ang pananatili nito sa de aircon nitong opisina sa kanyang trabaho bilang secretary. Sa katunayan nga ay higit na makinis ang balat ko sa kanya at parang labanos sa puti ang kulay ng balat ko na kapag nasinagan ng araw ay namumula ng husto ngunit hindi naman nangingitim. Dahil ang dugong nananalaytay sa akin ay purong Chinese. Lumaki lang ako dito sa Tondo, Manila, kaya matatas akong magsalita ng tagalog.

Hindi naman ako maarte at hindi ako tumitingin sa panlabas na aspeto, at iyon ang malaking pagkakaiba namin ng girlfriend ko. Aminado ako na medyo masama ang ugali nito at mahilig manlait pero kahit ganun ito ay minahal ko pa rin siya. Siya lang ang kasiyahan ko at buong buhay ko ay halos nakalaan na sa kanya para na nga kaming mag-asawa dahil kalahati ng sahod ko ay napupunta sa kanya at ang kalahati naman ay sa aking ama.

“Par, alam mo kung ako sayo huwag mong seryosohin ang babaeng ‘yan, napakalayo ng ugali sa ugali mo, hindi talaga kayo compatible.” Si Josh na dinampot ang bote ng beer, hindi na ito gumamit ng baso at basta na lang tinungga.

Halatang masama ang loob nito sa girlfriend ko, maging si Vincent at Carlo ay biglang nanahimik.

“Pasensya na kayo kay Marjorie, hayaan n’yo at pagsasabihan ko.” Hinging dispensa ko bago inangat ang itim na sumbrero na suot ko saka hinawi patalikod ang maikli kong buhok. Natigilan ako ng makita kong nakatitig sa mukha ko ang tatlo kong kaibigan.

“P**cha, Pare, iba yang mga tinginan n’yo na ‘yan, ah!” Matigas kong saad na siyang nagpabalik sa kanilang kamalayan.

“Sa totoo lang, Par, nanghihinayang talaga ako sayo, alam mo bang sa oras na mabihisan ka lang ng damit pambabae siguradong pagka-kaguluhan ka ng mga kalalakihan. Siguradong tatalunin ng ganda mo ang mga contestant sa Miss. Universe sayang lang at laging nakatago ang gandang ‘yan sa likod ng kupasin na maong at t-shirt .” Ani ni Josh.

“Ughhh!” Pagkatapos sabihin iyon ay isang malakas na d***g ang ginawa nito ng dibdibân ko ito kaya naudalot ang sana’y sasabihin pa ng dalawa at mas pinili na lang ng mga ito na manahimik.

“Mas manghinayang kayo sa mga buhay ninyo huwag sa akin.” Ani ko sa seryosong tinig kaya naghari ang katahimikan sa pagitan naming lahat.

“Kuya Vern! Kuya Vern!” Halos sabay kaming napalingon sa aking likuran ng marinig namin ang natatarantang sigaw ni Chito, ang sampung taong gulang na kapatid ko sa ama.

“Oh, Chito bakit? May problema ba?” Kinakabahan kong tanong sa kanya, hinihingal naman itong huminto sa aking harapan halatang takot na takot ito at bahagya pang namummutla ang mukha nito.

“Si Papa, napaaway at pinagtutulungan doon ngayon ng tatlong lalaki.” Natatakot na saad nito sabay turo sa ibang direksyon, kinabahan akong bigla kaya mabilis akong tumayo at kulang na lang ay liparin ko ang kinaroroonan ng aking ama. Mabait ang papa ko at madalas ay ito ang laging inaaway dahil hindi siya marunong lumaban.

Naramdaman ko ang presensya ng aking mga kaibigan na nakasunod sa aking likuran maging ang mga ito ay labis na nag-aalala.

Ganun na lang ang galit na naramdaman ko ng makita kong suntukin ng isang lalaki ang aking ama kaya hindi na ako nag-isip pa ng matino at mabilis na lumapit dito saka pwersahan itong ipinaharap sa akin. Isang malakas na suntok ang pinatama ko sa pangâ nito kaya napaupo ito sa semento. Halos magkasing tangkad lang kami ng lalaki kaya hindi mahirap sa akin ang makipag-laban ng harapan.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay kita ko kung paano na pagtulungan ng mga kaibigan ko ang dalawang lalaki. Pagharäp ko sa direksyon ng lalaking sinuntok ko kanina ay isang suntok ang sumalubong sa aking mukha kaya kamuntikan na akong sumubsub sa lapag. Mabuti na lang ay mabilis kong naibalanse ang aking katawan.

Lalong naningkit ang singkit kong mga mata dahil sa galit kaya walang takot na hinarap ko ang lalaking sumuntok sa akin na ngayon ay nakangising aso sa akin.

Umangat ang kaliwang kamao ko upang suntukin ito mabilis naman siyang nakaiwas ngunit hindi na nito naiwasan pa ang kanang kamay ko na tumama sa kanyang tagiliran bago sinundan ko pa ito ng isa pang malakas na suntok na tumama sa sikmura nito.

Ramdam ko ang pagtalsik ng mga laway nito sa akin kaya naiinis na tinulak ko ito, kikilos pa sana ako upang sugurin siya ngunit nagulat ako ng bigla na lang may humawak sa braso ko. Buong pwersa na nilagay ang mga braso ko sa likuran kasunod ang paglalagay ng malamig na bagay sa palapulsuhan ko.

Paglingon ko ay tumambad sa aking paningin ang mga kaibigan ko na hawak ng mga pulis maging ang aking ama. Wala na kaming nagawa ng kaladkarin kami ng mga Police papunta sa police station”.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Richard Sabiron
hayss parang related akits
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Pangalawang kabanata

    Hainan, Province of China "Years have passed, mr. Zhōu, and you got almost a million dollars from me, I think it's time for you to pay what you’ve owed me.” Ani ng isang lalaki sa seryosong tono na may matigas na expression sa mukha. Nakasuot ito ng isang mamahaling suit habang naka de kwarto na nakaupo sa single sofa. kasalukuyan silang nasa loob ng opisina ni mr. Zhōu, hindi maikakaila ang labis na karangyaan sa hitsurá nito dahil sa matikās at puno ng dignidad na pangangatawan ng lalaki na naglalaro sa edad sixty. Makikita mula sa asul niyang mga mata na tila nauubusan na ito ng pasensya sa kanyang kausap. “Please, Mr. Hilton, I beg you, just a little more time to pay you.” Nagsusumamo na wika ni Mr. Zhōu ang ama ni Aiguo. Labis siyang nagulat sa biglaang pagdating sa kanilang bansa ng business tycoon na si Mr. Cedric Hilton. Inaasahan naman talaga niya ang pagsulpot nito sa kanyang opisina, ngunit hindi niya sukat akalain na mapapaaga ang pagbisita nito. “It’s been years, since

    Last Updated : 2023-10-15
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ikatlong kabanata

    “Pre, kumusta ang pag-apply mo, natanggap ka ba?” Tanong ni Vincent sa kaibigan niyang si Josh, kasalukuyan silang naglalakad sa isang makipot na eskinita, ito ang kanilang shortcut pauwi sa kanilang mga bahay. "Wala, Pre, puro waiting, kaya pati ang bulsa ko ay butas na sa kakawaiting. Wala na ba silang ibang alam sabihin kundi wait for the call's company, tsk, gasgas ng eardrum ko sa mga linyahan na 'yan." Naiinis na sagot ni Josh, sinubukan nilang maghanap ng trabaho ngunit dahil sa kakulangan sa edukasyon ay hindi sila pinalad na matanggap sa lahat ng kumpanya na kanilang inapplayan. Parehong bagsak ang kanilang mga balikat at uuwi ng bahay na wala man lang napala. Malungkot na nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa habang bitbit ang isang plastic envelope na naglalaman ng kanilang mga requirements. Maya-maya ay biglang hinatak ni Josh si Vincent upang magkubli sa gilid ng pader. "T- hmp!" Hindi na naituloy ni Vincent ang sana'y sasabihin nito ng mabilis na takpan ni Josh ang bi

    Last Updated : 2023-10-17
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ikaapat na kabanata

    Nang tuluyang makaalis si Vernice ay kaagad na isinarado ni Marjorie ang pintuan. "Woah! Ang ganda naman ng boyfriend mo?" tila nang-aasar na saad ni Alex kaya naiinis na hinarap ito ng dalaga. "Huwag mong pakialaman si Vernice ko, kung hindi ay hihiwalayan kita." Galit na banta niya kay Alex, natatawa namang lumapit ito sa dalaga at mahigpit itong niyakap. “Bakit ko naman gagawin ‘yon alam mo naman kung gaano kita kamahal.” Si Alex bago naglalambing na hinalikan sa leeg si Marjorie habang ang kamay nito ay naglalandas paakyat sa kanyang hita. Huminto ang kamay ng binata sa pagitan ng mga hita ni Marjorie at hinaplos ang kaselanan nito.“Ano ba Alex baka biglang bumalik si Vern.” Saway ng dalaga ngunit ang binata ay ayaw paawat dahil masyado itong mapusok. Nagmamadali na ibinaba nito ang stocking ng dalaga kasama ang panty, isinunod nito ang kanyang pantalon na bahagya lang ibinaba at mabilis na pinadapa ang dalaga sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanila.Kita sa mukha ni Marjorie

    Last Updated : 2023-10-18
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika limang kabanata

    Vernice Point of view “… Tagaktak na ang pawis ko at halos kapusin na ako ng hininga ngunit hindi pa rin ako nangahas na huminto sa pagtakbo. Nang mga sandaling ito ay nababalot ng matinding takot ang puso ko wala akong ibang ni nais kung hindi ang makalayo at matakasan ang higanteng ahas na humahabol sa akin mula sa likuran. Patuloy akong tumatakbo kahit na hindi alam ang aking patutunguhan, gusto ko ng umiyak ngunit pinilit kong maging matapang upang makaalis sa sitwasyong kinakaharap. Habol ko na ang aking hininga at pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na rin ang aking katawan. Hindi ko alam kung paano akong napunta dito sa Parāng at kahit isang tao ay wala kang makikita. Ang tanging natatanaw ko lang ay ang madilim na paligid at isang mahabang daan na napapaligiran ng mga kakahuyan. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo upang hindi ako abutan ng dambuhalang ahas na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Nakakapangilabôt ang mga pangyayari at halos magkulay suka na ang aking

    Last Updated : 2023-10-20
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ikaanim na kabanata

    Pagbukas ko ng pintuan nang aking kwarto ay mabilis na nasalo ng kanang kamay ko ang isang bagay na paparating sa aking mukha. “Nice one kuya!” Malakas na sigaw ni Xavien ang isa sa makulit na triplets. Sa tabi nito ay si Xavi at Xion na patuloy na nag-aasaran habang bumababa ang mga ito ng hagdan. “How many times do I need to tell you, Xavien, don’t turn the house into a playground!” Naiinis kong sermon sa makulit kong kapatid bago binato pabalik sa kanya ang bola nito na kaagad naman niyang sinalo. Sa kanilang triplets ay ito ang pinaka makulit, at ayon kay daddy si Xavien daw ang nagmana kay Mommy pagdating sa kalokohan na mahigpit namang tinutulan ni Mommy.“Could you please stay away from me? Nakakairita ang mukha mo at ayokong makita ‘yan!” Naiinis na sabi ni Xavi kay Xion, kaya nang-aasar na tumawa si Xion bago sinagot ang kakambal.“Stupid, Iisa lang ang mukha natin, so kung may problema ka sa sarili mo ay huwag mo akong idamay.” Nang-aasar na saad ni Xion kaya halos hindi na

    Last Updated : 2023-10-21
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitong kabanata

    Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung way ng pananalita.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugôn. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at taas noo na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig

    Last Updated : 2023-10-22
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walong kabanata

    Zac Point of view “Kababakasan ng takot ang mukha ng aking Sekretarya habang palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa mukha ng babae. Halatang natataranta siya na wari mo ay hindi maintindihan kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras na ito.Muli siyang lumingon sa akin at tumitig sa akin ang mga mata niyang nanlilisik sa galit. Halatang matindi ang pagkamuhi nito sa akin na wari mo ay isang lalaki na inagawan ng nobya.Akmang lalapit sana ang babae sa akin upang muli akong suntukin ngunit mabilis itong nahawakan ng aking mga tauhan sa magkabilang braso. Makikita sa mukha nito na wala siyang sinasanto kahit na mas matangkad ako kaysa sa kanya at higit na malaki ang katawan ko kumpara sa katawan nito. Dahil may kapayatan ang katawan ng babae, ika nga slim.“V-Vernice!” Nag-aalala na tawag ni Marjorie sa pangalan nito, ngunit ang babae na tinawag nitong Vernice ay hindi man lang natakot, mukhang wala itong ideya kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin sa kanya.“Bitawan nyo

    Last Updated : 2023-10-24
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika siyam na kabanata

    Bagsak ang mga balikat na pumasok ako sa loob ng bahay, gusto kong magwala at mag-sisigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na niloko ako ng babaeng minahal ko ng buong buhay ko. Halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya ng pumatak.Natigilan ako ng mabungaran ko ang aking ama na nakatayo sa maliit naming sala’s halatang may hinihintay ito.“Panahon na para bumawi ka sa ating angkan, kung gusto mong makamit ang kanilang kapatawaran at lubusan kang tanggapin ng ating pamilya ay kailangan mong sundin ang nais nila.Tumawag ang lola mo, maghanda ka dahil nalalapit na ang kasal mo. Sa susunod na linggo ay susunduin ka nila dito.” Walang ganang saad ni Papa, kahit na balikot pa rin ang tagalog nito ay malinaw kong naunawaan ang lahat ng kanyang sinabi. Pagpasok ko pa lang ng bahay ay ito na kaagad ang bumungad sa akin. Hindi maikakaila ang pagkadisgusto nito sa akin dahil kasing lamig ng ye

    Last Updated : 2023-10-24

Latest chapter

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Special chapter- Book 3 (Pasilip)

    Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpu’t dalawang kabanata

    Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpu’t isang kabanata

    Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging ang malakas na tibok ng kanilang mga puso ang naririnig ng isa’t-isa. Nang mga oras na ito ay tila si Mr. Yuay at Vernice lang ang tao sa paligid. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa at walang nangahas na magbaba ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyang nakalapit ang matanda at huminto ito mismo sa harap ng kanyang Apo. Nanatiling tahimik ang lahat ngunit hindi maikakaila ang matinding kabâ na kanilang nararamdaman dahil sa muling paghaharap ng mag-Lolo. Malakas na itinuktôk ng matanda ang tungkod nito sa sahig na marmol kaya napaigtad ang ilan sa kanila. Dahil bukod sa kinakabahan sila sa mga nangyayari ay hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng matanda sapagkat nanatiling seryoso ang awra nito.Hindi nagpa-sindak si Vernice at matapang na sinalubong ang mga mata ng kanyang Abuelo. Di maikakaila kung kanino nagmana si Vernice dahil kahit na mukha ng kanyang ina ang nasa harapan ng matanda ay nakikita nito ang

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpung kabanata

    “Ughhh…” isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ko ng naalimpungatan ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata bago sinuri ang paligid upang malaman ko kung nasaan ako. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tumambad sa aking paningin ang isang malaking salamin na nasa harapan ko. At ang labis na ikinagulat ko ay ang itsura ng mukha ko na halos hindi ko na nakilala dahil sa magandang pagkaka-ayos nito. Mukha itong isang diyosa na bumaba sa lupa pakiramdam ko ay nagmukha akong eighteen years old. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang magarang silid habang sa likuran ko ay dalawang babae na may seryosong mukha. Marahil ay sila ang nag-ayos sa akin dahil hawak pa ng isa sa kanila ang isang foundation kit.Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kaya mabilis na lumingon sa direksyon nito. Natigilan ako ng pumasok ang dalawang lalaki hanggang sa bumalik sa aking isipan ang mukha ng mga

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t siyam na kabanata

    Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t walong kabanata

    “Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t pitong kabanata

    “Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ila pitumpu’t anim na kabanata

    Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ila pitumpu’t limang kabanata

    Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol

DMCA.com Protection Status