Nang tuluyang makaalis si Vernice ay kaagad na isinarado ni Marjorie ang pintuan.
"Woah! Ang ganda naman ng boyfriend mo?" tila nang-aasar na saad ni Alex kaya naiinis na hinarap ito ng dalaga."Huwag mong pakialaman si Vernice ko, kung hindi ay hihiwalayan kita." Galit na banta niya kay Alex, natatawa namang lumapit ito sa dalaga at mahigpit itong niyakap.“Bakit ko naman gagawin ‘yon alam mo naman kung gaano kita kamahal.” Si Alex bago naglalambing na hinalikan sa leeg si Marjorie habang ang kamay nito ay naglalandas paakyat sa kanyang hita. Huminto ang kamay ng binata sa pagitan ng mga hita ni Marjorie at hinaplos ang kaselanan nito.“Ano ba Alex baka biglang bumalik si Vern.” Saway ng dalaga ngunit ang binata ay ayaw paawat dahil masyado itong mapusok. Nagmamadali na ibinaba nito ang stocking ng dalaga kasama ang panty, isinunod nito ang kanyang pantalon na bahagya lang ibinaba at mabilis na pinadapa ang dalaga sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanila.Kita sa mukha ni Marjorie ang matinding pananabik para sa binata kaya ng maramdaman niya ito sa kanyang loob ay naipikit niya ang mga mata, pakiramdam nito ay para siyang nakalutang sa alapaap.Mula sa likod ay malayang inangkin ng binata ang kanyang kasintahan habang si Marjorie ay tila nasisiyahan pa sa kanilang sitwasyon. Hindi man lang ito nakunsensya sa panloloko niya kay Vernice dahil mahal na niya si Alex ngunit mahal din niya si Vernice. Kaya pinag-sasabay niya ang dalawa, sadyang salawahan ang puso ng dalaga.Vernice Point of view“May pagkain pa d’yan sa lamesa baka hindi ka pa kumakain.” Si Nanay Elsa na abala sa pagtutupi ng mga pininaw nitong damit, lumapit ako sa kanya upang magmano.“Si Papa po?” Tanong ko sa malumanay na tinig bago lumapit sa lamesa kung saan nakahain ang pagkain na adobong manok. Tinanggal ko ang takip nito saka kumuha ng pinggan at sumandok ng kanin sa kaldero.“Naku, hindi ko alam kung saan na naman nasuot ang mag-ama na ‘yon, kanina pa wala at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.” Naiinis na sagot sa akin ni Nanay Elsa, nakadama ako ng lungkot nang marinig ko ang sinabi nito.Sa totoo lang ay naiinggit ako kay Chito dahil sa atensyon na natatanggap nito mula sa aming ama. Samantalang ako ay parang hangin lang sa bahay na ‘to na tila hindi nakikita i nararamdaman ng aking Ama.Pero kahit ganun ang trato sa akin ni Papa ay never akong nagtanim ng galit sa aking kapatid o maging sa aking ama, tanggap ko na kailanman ay hindi ako nito matatanggap dahil sa isa akong babae. Nanatili akong tahimik habang kumakain mag-isa sa lamesa. Nang matapos ay hinugasan ko ang aking pinagkainan bago pumasok sa loob ng maliit kong kwarto. Kinuha ko ang aking laptop na nasa ibabaw ng kama, nakalimutan ko kasi ito kahapon ng kumuha ako ng ilang pirasong damit dito."Nay, Alis na po ako." Paalam ko kay nanay Elsa na katatapos lang magtupi ng damit at kasalukuyan na itong isinasalansan sa loob ng kabinet. Bago lumabas ng bahay ay lumapit muna ako sa kanya at inabot ang ten thousand pesos para may panggastos ito at pambayad na rin ng aming monthly bill."Salamat anak, mag-iingat ka." ani nito pagkatapos tanggapin ang halangang inabot ko, isang tipid na ngiti ang naging tugon ko bago tuluyang lumabas ng bahay.Pagdating sa apartment na inuukupa namin ni Marjorie ay hindi na ako kumatok at basta ko na lang binuksan ang pintuan. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay tumambad sa aking harapan ang pinsan ni Marjorie na kalalabas lang ng banyo. N*******d ito habang nakatoppies ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito kaya litaw ang maskulado niyang katawan.Nakadama ako ng inis dahil pakiramdam ko ay parang nananadya ata ito. Hindi ko siya pinansin at walang pakialam na nilampasan ko na lang ang lalaking 'to bago diretsong pumasok sa loob ng kwarto namin ni MarjorieSaglit akong natigilan ng maabutan kong n*******d sa aking harapan si Marjorie at kasalukuyan itong nagbibihis dahil bagong ligo ito.Pakiramdam ko ay parang may sumipa sa dibdib ko at binalot ng kabâ ang puso ko. Pagkatapos niyang maisuot ang damit pang itaas ay mabilis na humarap siya sa akin, ni hindi na ito nag-abalang magsuot ng kanyang pang-ibabang damit kaya tanging panty na lang ang suot nito.Isang nang-aakit na ngiti ang ibinigay niya sa akin at saka maingat na lumapit ito sa aking kinatatayuan."Babe, kumusta sina tita?" Malambing niyang tanong ngunit ang mga kamay nito ay mabilis na naipinasok sa loob ng suot kong polo at nagsimula na itong maglumikot sa aking katawan."O-okay lang sila, Babe, amoy pawis ako," nauutal kong sagot at bahagyang inilayo ang sarili mula sa kanya."kailan ka ba naman naging mabaho? minsan nga naiinggit na ako sayo kasi maghapon ka sa arawan ay amoy baby ka pa rin samantalang ako konting pawis lang hindi na ako kaagad kumportable." Nakasimangot na sagot nito sa akin bago nagdadabog na tinalikuran ako. Mabilis kong ibinaba ang hawak kong laptop sa ibabaw ng kama bago ko niyakap ang maliit niyang baywang .Ibinaon ko ang aking mukha sa pagitan ng kanyang leeg saka sinamyo ang mabango nitong amoy.“Para sa akin ikaw lang ang baby ko at ikaw lang ang pinakamabangong babae sa buong mundo, kaya please huwag ka ng magtampo. Nahihiya kasi ako biruin mo ang fresh mo tapos ako amoy araw. Maliligo muna ako babe.” Anya sa malambing na tinig, napangiti ako ng makita ko na siyang ngumiti. Bumitaw na ako bago kumuha ng isang pares na damit pantulog at saka lumabas ng kwarto upang maligo.Nadaanan ko sa sala’s si Alex ngunit hindi ko na ito tinapunan ng tingin at diretso na akong pumasok sa loob ng banyo. Inabot din ako ng kwarenta minuto bago matapos sa pagliligo. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko pa rin si Alex na nakaupo sa maliit na sofa. Lumingon siya sa akin at kita ko kung paano ito natigilan bago sinipat ng tingin ang aking kabuuan mula ulo hanggang paa.Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay at matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ko para lang huwag itong upakan. Kaagad akong pumasok sa loob ng kwarto habang nagpupuyos ang aking kalooban.“Oh, bakit nakasimangot ka?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Marjorie pagkatapos kong isarado ang pintuan.“Iyang pinsan mo, hindi ko gusto ang paraan ng mga tingin niya sa akin, pagsabihan mo ‘yan at baka makalimutan ko na kamag-anak mo ‘yan.” Nagtitimpi kong sagot bago padabog na naupo sa gilid ng kama. Sumandal ako sa headboard at dinampot ang aking laptop na nakapatong sa ibabaw ng maliit na table na nasa gilid ng kama. May kailangan kasi akong tapusing report para sa inventory ng Audit department.Nagtatrabaho ako sa isang private company at nakaassign ako sa Audit department, habang ang aking girlfriend ay isang Secretary sa isang kilalang kumpanya. Sumampa na sa kama si Marjorie at nahiga ito sa aking tabi habang ako ay abala sa aking laptop.“Pagpasensyahan mo na si Alex, hayaan mo at bukas ay pagsasabihan ko.” Hinging paumanhin nito sa akin, nilingon ko siya bago matamis na ngumiti sa kanya kaya halos nag-isang linya ang aking mga mata. Nanggigigil naman nitong pinisî ang aking pisngi kaya biglang nalukot ang mukha ko dahil nakaramdam ako ng sakit.Natatawa naman siyang bumangon at pinatakan ako ng halik sa labi.“You know babe, hindi ako magsasawang halikan ka, talagang nakakaadik ang mga labi mo, ang cute mo kasi.” Malambing niyang saad bago muling humiga sa tabi ko at yumakap sa aking baywang ang isang braso nito. Masuyo kong hinaplos ang kanyang buhok para mabilis itong makatulog, ito kasi ang kadalasan kong ginagawa sa kanya habang abala ang isang kamay ko sa pagtipâ sa keyboard ng laptop.Halos isang oras ang lumipas ng makaramdam na ako ng antok, kaya isinara ko na ang laptop at pinatay ang lampshade bago maingat na humiga. Inangat ko ang ulo ni Marjorie at iniunan ito sa aking braso saka ito niyakap ng mahigpit.Isang mabining halik sa labi ang iginawad ko sa kanya bago ko ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong igupo ng matinding antok…”Makalipas ang higit trenta minuto ay nagmulat ng kanyang mga mata si Marjorie bago maingat na bumangon, sinisigurado nito na hindi magigising si Vernice. Dahil sa matinding pagod at antok ay hindi na naramdaman ni Vernice ang paglabas ng kwarto ni Marjorie maging ang maingat na pagsara nito ng pintuan.Pagdating sa labas ay sumalubong sa dalaga ang nakasimangot na mukha ni Alex at makikita ang labis na inis sa mukha nito.“Bakit ba ang tagal mo?” Irritable na tanong nito sa dalaga.“Sorry na Babe, ang tagal kasi makatulog ni Vern,” malambing na sagot nito bago umupo sa kandungan ng nobyo. Nang mga sumunod na sandali ay naging mapusok na ang dalawa at may pagmamadali na inangkin ang isa’t-isa habang si Vernice ay mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang kwarto. Walang kamalay-malay sa pagtataksil na ginagawa ng kanyang nobya…Vernice Point of view “… Tagaktak na ang pawis ko at halos kapusin na ako ng hininga ngunit hindi pa rin ako nangahas na huminto sa pagtakbo. Nang mga sandaling ito ay nababalot ng matinding takot ang puso ko wala akong ibang ni nais kung hindi ang makalayo at matakasan ang higanteng ahas na humahabol sa akin mula sa likuran. Patuloy akong tumatakbo kahit na hindi alam ang aking patutunguhan, gusto ko ng umiyak ngunit pinilit kong maging matapang upang makaalis sa sitwasyong kinakaharap. Habol ko na ang aking hininga at pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na rin ang aking katawan. Hindi ko alam kung paano akong napunta dito sa Parāng at kahit isang tao ay wala kang makikita. Ang tanging natatanaw ko lang ay ang madilim na paligid at isang mahabang daan na napapaligiran ng mga kakahuyan. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo upang hindi ako abutan ng dambuhalang ahas na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Nakakapangilabôt ang mga pangyayari at halos magkulay suka na ang aking
Pagbukas ko ng pintuan nang aking kwarto ay mabilis na nasalo ng kanang kamay ko ang isang bagay na paparating sa aking mukha. “Nice one kuya!” Malakas na sigaw ni Xavien ang isa sa makulit na triplets. Sa tabi nito ay si Xavi at Xion na patuloy na nag-aasaran habang bumababa ang mga ito ng hagdan. “How many times do I need to tell you, Xavien, don’t turn the house into a playground!” Naiinis kong sermon sa makulit kong kapatid bago binato pabalik sa kanya ang bola nito na kaagad naman niyang sinalo. Sa kanilang triplets ay ito ang pinaka makulit, at ayon kay daddy si Xavien daw ang nagmana kay Mommy pagdating sa kalokohan na mahigpit namang tinutulan ni Mommy.“Could you please stay away from me? Nakakairita ang mukha mo at ayokong makita ‘yan!” Naiinis na sabi ni Xavi kay Xion, kaya nang-aasar na tumawa si Xion bago sinagot ang kakambal.“Stupid, Iisa lang ang mukha natin, so kung may problema ka sa sarili mo ay huwag mo akong idamay.” Nang-aasar na saad ni Xion kaya halos hindi na
Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung way ng pananalita.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugôn. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at taas noo na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig
Zac Point of view “Kababakasan ng takot ang mukha ng aking Sekretarya habang palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa mukha ng babae. Halatang natataranta siya na wari mo ay hindi maintindihan kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras na ito.Muli siyang lumingon sa akin at tumitig sa akin ang mga mata niyang nanlilisik sa galit. Halatang matindi ang pagkamuhi nito sa akin na wari mo ay isang lalaki na inagawan ng nobya.Akmang lalapit sana ang babae sa akin upang muli akong suntukin ngunit mabilis itong nahawakan ng aking mga tauhan sa magkabilang braso. Makikita sa mukha nito na wala siyang sinasanto kahit na mas matangkad ako kaysa sa kanya at higit na malaki ang katawan ko kumpara sa katawan nito. Dahil may kapayatan ang katawan ng babae, ika nga slim.“V-Vernice!” Nag-aalala na tawag ni Marjorie sa pangalan nito, ngunit ang babae na tinawag nitong Vernice ay hindi man lang natakot, mukhang wala itong ideya kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin sa kanya.“Bitawan nyo
Bagsak ang mga balikat na pumasok ako sa loob ng bahay, gusto kong magwala at mag-sisigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na niloko ako ng babaeng minahal ko ng buong buhay ko. Halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya ng pumatak.Natigilan ako ng mabungaran ko ang aking ama na nakatayo sa maliit naming sala’s halatang may hinihintay ito.“Panahon na para bumawi ka sa ating angkan, kung gusto mong makamit ang kanilang kapatawaran at lubusan kang tanggapin ng ating pamilya ay kailangan mong sundin ang nais nila.Tumawag ang lola mo, maghanda ka dahil nalalapit na ang kasal mo. Sa susunod na linggo ay susunduin ka nila dito.” Walang ganang saad ni Papa, kahit na balikot pa rin ang tagalog nito ay malinaw kong naunawaan ang lahat ng kanyang sinabi. Pagpasok ko pa lang ng bahay ay ito na kaagad ang bumungad sa akin. Hindi maikakaila ang pagkadisgusto nito sa akin dahil kasing lamig ng ye
“Wow, Par! Tibâ-tibâ ka ngayon ah, anong nakain mo at naisipan mong gumimik? At sa mamahaling bar pa!” Hindi makapaniwala sa tanong ni Josh habang nakaakbay sa akin, abot hanggang tainga ang ngiti nito at makikita ang matinding kasiyahan sa kanyang mukha. Habang si Vincent ar Carlo ay tila sabik na makapasok sa loob ng bar.“Don’t tell me mayaman ka na ngayon? Huh.” Si Carlo na panay ang ikot ng mata nito at hindi magkamayaw sa pagtanaw sa mga naggagandahang babae sa paligid. Halos walang tulak kabigin sa kanilang lahat at talagang tutulo ang laway mo dahil sa magandang hubog ng kanilang mga katawan. Lalo na ang mga dibdib nito na parang puwît ng bata dahil litaw ang malusog na pisngi nito kaya maging ako ay napapalunôk ng wala sa oras. “Hoy’ napaghahalatang manyakis kayo, kulang na lang ay hubaran ninyo ang mga babaeng dumadaan sa inyong harapan.” Sermon sa amin ni Josh at ang gago na feeling inosente pa na akala mo’y santo ngunit ang mata naman nito ay hindi mapakali sa kakatingin m
“Lalong magagalit sayo ang papa mo sa oras na malaman niya ang kinasangkutan mong gulo. Vernice, kababae mong tao naki-kipagsuntukan ka sa mga lalaki? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin na mali ako ng pagpapalaki sayo?” Nanggigigil na sermon sa akin ni Nanay Elsa habang sinisikap nito na huwag magtaas ng boses. “Eh, Nay Elsa hindi naman po kasalanan ni Vernice ang lahat, nadamay lang s’ya sa away nung mayabang na lalaki.” Sabat naman ni Josh na pilit akong pinagtatanggol upang tigilan na ako ni Nay Elsa.“Isa ka pa! Pareho kayong matigas ang ulo at walang pinaniniwalaan, eh kung ‘yung panahon na inaaksaya n’yo sa pagba-bar at pag-iinom ng alak ay naghahanap kayo ng trabaho di sana may pakinabang ang bansa sa inyo.” Pati tuloy sila ay nadamay sa misa ni Nanay Elsa kaya mas pinili nina Josh, Vincent at Carlo ang manahimik na lamang.“Ikaw naman Vernice naturingan kang may pinag-aralan pero kung kumilos ka ay tinalo mo pa ang mga tambay na ‘to! Ewan ko ba sa inyong mga kabataan
(Saan Man Patungo song by Parokya ni Edgar.)“Magdamag naggigitara, ang bagal ng gabiAng daming iniisip ngunit wala namang masabi…Nagsawa ka na ba? Subukan mong tumawaTigilan ang pag-iisip, ipagpatuloy ang pananaginip….Hindi ko maalala ang lyrics ng kantaKahit ako ang gumawa, iba naman ang nagsalitaMahirap talaga kapag inaasahan kaAwitin ang mga tula na nagmumula sa pera…”“Kasalukuyan kaming nakatambay ngayon sa harap ng bahay ni Josh. Habang naggigitara si Vincent ay kumakanta naman kaming tatlo, wala munang inuman dahil sa gulong kinasangkutan namin noong isang araw. “Vernice…” natigil ang aming kasiyahan ng tawagin ako ni Marjorie mula sa aking likuran. Kita ko kung paanong natigilan ang aking mga kaibigan, maging ang pagbabago ng expression ng kanilang mga mukha. “Par, alis na ako, may aasikasuhin pa kasi ako.” Anya bago mabilis na tumayo at walang lingon-likod na humakbang palayo sa kanila.“Vernice, Please, kausapin mo naman ako…” naiiyak sa pakiusap sa akin ni Marjori
Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa
Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi
Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging ang malakas na tibok ng kanilang mga puso ang naririnig ng isa’t-isa. Nang mga oras na ito ay tila si Mr. Yuay at Vernice lang ang tao sa paligid. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa at walang nangahas na magbaba ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyang nakalapit ang matanda at huminto ito mismo sa harap ng kanyang Apo. Nanatiling tahimik ang lahat ngunit hindi maikakaila ang matinding kabâ na kanilang nararamdaman dahil sa muling paghaharap ng mag-Lolo. Malakas na itinuktôk ng matanda ang tungkod nito sa sahig na marmol kaya napaigtad ang ilan sa kanila. Dahil bukod sa kinakabahan sila sa mga nangyayari ay hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng matanda sapagkat nanatiling seryoso ang awra nito.Hindi nagpa-sindak si Vernice at matapang na sinalubong ang mga mata ng kanyang Abuelo. Di maikakaila kung kanino nagmana si Vernice dahil kahit na mukha ng kanyang ina ang nasa harapan ng matanda ay nakikita nito ang
“Ughhh…” isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ko ng naalimpungatan ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata bago sinuri ang paligid upang malaman ko kung nasaan ako. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tumambad sa aking paningin ang isang malaking salamin na nasa harapan ko. At ang labis na ikinagulat ko ay ang itsura ng mukha ko na halos hindi ko na nakilala dahil sa magandang pagkaka-ayos nito. Mukha itong isang diyosa na bumaba sa lupa pakiramdam ko ay nagmukha akong eighteen years old. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang magarang silid habang sa likuran ko ay dalawang babae na may seryosong mukha. Marahil ay sila ang nag-ayos sa akin dahil hawak pa ng isa sa kanila ang isang foundation kit.Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kaya mabilis na lumingon sa direksyon nito. Natigilan ako ng pumasok ang dalawang lalaki hanggang sa bumalik sa aking isipan ang mukha ng mga
Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi
“Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u
“Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a
Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u
Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol