Share

Ikatlong kabanata

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Pre, kumusta ang pag-apply mo, natanggap ka ba?” Tanong ni Vincent sa kaibigan niyang si Josh, kasalukuyan silang naglalakad sa isang makipot na eskinita, ito ang kanilang shortcut pauwi sa kanilang mga bahay.

"Wala, Pre, puro waiting, kaya pati ang bulsa ko ay butas na sa kakawaiting. Wala na ba silang ibang alam sabihin kundi wait for the call's company, tsk, gasgas ng eardrum ko sa mga linyahan na 'yan." Naiinis na sagot ni Josh, sinubukan nilang maghanap ng trabaho ngunit dahil sa kakulangan sa edukasyon ay hindi sila pinalad na matanggap sa lahat ng kumpanya na kanilang inapplayan.

Parehong bagsak ang kanilang mga balikat at uuwi ng bahay na wala man lang napala. Malungkot na nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa habang bitbit ang isang plastic envelope na naglalaman ng kanilang mga requirements.

Maya-maya ay biglang hinatak ni Josh si Vincent upang magkubli sa gilid ng pader.

"T- hmp!" Hindi na naituloy ni Vincent ang sana'y sasabihin nito ng mabilis na takpan ni Josh ang bibig ng kaibigan gamit ang kanang kamay nito upang hindi na ito makagawa ng anumang ingay.

"Ssshhh..." si Josh habang ang hintuturo nitong daliri ay nasa bibig, sumesenyas na huwag siyang maingay. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Vincent ng makita nito ang tinitingnan ng kaibigan kaya naunawaan na niya kung ano ang nais mangyari ng kanyang kaibigan.

Inalis na ni Josh ang kamay sa bibig ni Vincent at kapwa pinanood kung paano makipaghalikan si Marjorie sa isang lalaki na nakatalikod sa kanila kaya hindi nila makilala kung sino ito.

"Bro, kawawa naman ang kaibigan natin harap-harapang niloloko ng malanding babae na 'yan!" Nanggigil na pahayag ni Vincent sa mahinang tinig habang matalim na tingin ang ipinupukol sa dalawang tao na walang humpay sa paghahalikan kahit na may ilang tao na dumadaan sa paligid, walang pakialam ang mga ito kahit pinagtitinginan na sila.

Matinding galit ang makikita sa mukha ni Josh dahil sa panloloko ni Marjorie sa bestfriend niyang si Vernice.

"Oh, mga bro, kumusta ang lakad n'yo?" tanong ni Carlo habang nakaupo ito sa isang bangkong plastic. Kasalukuyan itong nakatambay sa harap ng tindahan ni Aling Chona.

"Sa hilatsa ng mga mukha n'yo parang alam ko na ang sagot, ah!" Nakangising sabi ni Carlo na tila may planong mang-asar. Kaagad na dinampot nito ang gitara at sinimulang kantahin ang “Alaws Arep” by siakol.

“..Maghahanap ng trabaho

Kahit ano papasukin ko...

Di matanggap kahit waiter

Mukha raw akong holdaper...

Alaws arep lagi sa araw araw

Dehins tuloy ako makapanligaw

Uuwi na lang ako sa amin

Magdadasal na lang ng ama namin yeah...”

Nang-aasar na kanta ni Carlo kaya lalong hindi na maipinta ang mukha ng dalawa, mabilis na nilock ni Josh ang ulo ng malokong kaibigan sabay batok naman dito ni Vincent habang si Carlo ay tawa ng tawa.

“Gago! Atleast kami may pangarap, eh ikaw? Wala ng pag-asa ang ekonomiya sayo!” Bulyaw ni Vincent bago umupo sa tabi ni Carlo.

"Yun! buo na naman ang barkada." Nakangiting pahayag ni Vernice na kararating lang galing trabaho. Nang makalapit ito ay hindi makapaniwala na tumitig sa mukha ni Vincent at Josh.

"P**cha, bro, tinalo n'yo pa ang namatayan, Ah!" Nang-aasar na sabi ni Vern bago sumandal sa isang poste na nasa gilid ng tindahan saka pinagsalikop ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.

"Talagang magmumukha kang namatayan sa oras na malaman mo ang mga nakita namin, huh!" Si Vincent na nanatiling seryoso ang expression ng kanyang mukha. Ngunit bigla itong natigil sa pagsasalita ng sikuhin ito ni Josh.

"Babe!" Narinig nilang sigaw ni Marjorie, naglalakad ito palapit sa kanilang kinatatayuan at halos iisang tao na lumingon ang lahat sa dalaga. Biglang lumapad ang ngiti ni Vern ng makita ang kanyang nobya, nang makalapit ito ay pumulupot kaagad ang mga braso nito sa katawan ni Vernice saka mapusok na hinalikan ito sa mga labi. Mula sa gilid ay nagpupuyos sa matinding galit sina Vincent at Josh dahil alam na nila ang tinatago nitong baho, habang si Carlo ay walang muwang sa mga nangyayari.

"Aling Chona, isang bilog nga d'yan." anya sa tindera ng tindahan, kaagad namang dumampot ng isang alak ng Gin ang may edad na babae at inabot ito kay Josh bago nagsulat sa kanyang mahabang listahan.

"Babe, maiwan na muna kita dito, pero sumunod ka kaagad sa bahay ha, kasi may bisita tayo." Malambing na saad ni Marjorie habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito. Isang magaan na halik ang ginawa nito bago tuluyang umalis sa kanilang harapan, ni hindi man lang nagawang batiin ang kanyang mga kaibigan.

"Pare, mukhang malaki yata ang problema mo, ah?" natatawa na sabi ni Vern na ang tinutukoy ay ang hawak ni Josh na alak. Binuksan ito ni Josh gamit ang kanyang matibay na ngipin at ng mabuksan ito ay kaagad na inabot ito sa dalaga.

Nagkatinginan naman sina Carlo at Vern na parehong nagtataka dahil sa kakaibang ikinikilos ng kanilang mga kaibigan.

"Para sayo talaga 'yan bro, oh, kunin mo at magmumog ka para matanggal ang bacteria d'yan sa bibig mo." Si Josh na nanatiling seryoso ang mukha kaya batid nila na hindi na ito nagbibiro..

" Vern, may kailangan kang malaman, kanina, nakita namin si Marjorie na nakikipaghalikan sa isang lalaki, Bro, niloloko ka ng girlfriend mo." Si Vincent habang nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito ay batid ni Vernice na seryosong usapan na ito dahil nakikita niya sa mga mata ng kaibigan ang determinasyon at walang balak na bawiin ng mga ito ang kanilang mga binitiwang salita. Ramdam din ng dalaga ang labis na pag-aalala ng mga kaibigan para sa kanya.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat at halos walang naglakas loob na magsalita sa kanila na kapwa nagpapakiramdaman. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Vernice bago ito ngumiti sa mga kaibigan ngunit ang ngiti na 'yun ay hindi umabot sa kanyang mga mata at kapansin-pansin ang biglang pagtamlay nito.

"Kumusta na nga pala ang paghahanap ninyo ng trabaho?" maya-maya ay tanong ni Vernice, batid nila na nais nitong ibahin ang usapan kaya hinayaan na lang siya ng kanyang mga kaibigan.

Napa Kamot sa ulo si Vincent habang si Josh ay wala sa sarili na tinungga ang hawak na alak, umiiling na dumukot sa kanyang bulsa si Vernice at naglabas ng dalawang libuhing papel at inabot sa dalawa.

"Don't worry, makakahanap din kayo ng trabaho." Anya sa mga ito habang nakalahad ang perang hawak nito sa kanilang harapan. Tinanggap naman ng dalawa ang pera at isinilid iyon sa kani-kanilang mga bulsa, sanay na sila sa isa't-isa kaya hindi na uso sa kanila ang salitang hiya.

Vernice Point of view

"So, paano bro, uwi na ako, maiwan ko na muna kayo dito." Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran ko na sila, habang naglalakad ay nahulog ako sa isang malalim na pag-iisip. Magagawa kaya ni Marjorie ang iwan ako?

For almost five years na relasyon namin ay ni minsan hindi ako nakaramdam ng anumang kakaiba sa girlfriend ko, until now. Kaya hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ng mga kaibigan ko. At kung sakaling totoo man 'yun ay hindi ko yata kakayanin na mawala sa akin si Marjorie dahil buong buhay ko ay sa kanya lang umiikot.

"Babe!' Pagdating ko sa pintuan ng apartment namin ni Marjorie ay sumalubong sa akin ang magandang ngiti nito, lumapit siya at naglalambing na yumakap sa akin. Mahigpit ko naman itong niyakap ngunit natigilan ako ng makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa single sofa na may dalawang dipa ang layo mula sa aking kinatatayuan. Iba ang pakiramdam ko sa isang ito at parang kay bigat ng loob ko sa lalaking 'to.

"Oh, Babe, si Alex nga pala pinsan ko, Alex si Vernice boyfriend ko." Masayang pakilala ni Marjorie sa aming dalawa, kaagad namang tumayo ang pinsan ni Marjorie saka naglahad ng palad sa aking harapan. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na magpinsan ang dalawa. Bakit ba napapadalas na yata ang pagiging nerbyoso ko? anya sa aking isipan parang gusto kong batukan ang aking sarili.

"Kumusta, pare." Bati ko sa kanya bago tinanggap ang kamay nito, matamis siyang ngumiti sa akin at masasabi ko na napakafriendly ng dating nito ngunit ang hindi ko nagustuhan ay ang pagpisil niya sa aking palad at hindi maganda ang dating nito sa akin.

"Babe, okay lang ba kung makituloy muna dito pansamantala ang pinsan ko? wala kasi siyang matutuluyan dito sa Manila, isang buwan lang naman, kasi seaman si Alex at next month ay sasakay na siya sa barko." Nakikiusap na tanong sa akin ni Marjorie, ayoko sanang pumayag ngunit hindi ko naman matanggihan si Marjorie.

"Yun lang ba? sure, no problem." Ani ko bago hinalikan sa labi ang aking nobya na kaagad naman nitong tinugon. "Ehemm.." narinig kong tumikhim ng malakas si Alex na tila inaagaw ang aming atensyon. Ito ang ayoko kapag may kasama sa bahay may asungot kaya nakadama ako ng inis pero hindi ko ipinahalata sa kanila.

"Babe, sasaglit muna ako sa bahay namin kukunin ko lang yung laptop na naiwan ko doon." Paalam ko sa kanya at tinalikuran na ito. Sa tingin ko ay dito na ako laging matutulog dahil kahit na magpinsan pa rin ang dalawa ay wala akong tiwala sa lalaking ito..."

Related chapters

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ikaapat na kabanata

    Nang tuluyang makaalis si Vernice ay kaagad na isinarado ni Marjorie ang pintuan. "Woah! Ang ganda naman ng boyfriend mo?" tila nang-aasar na saad ni Alex kaya naiinis na hinarap ito ng dalaga. "Huwag mong pakialaman si Vernice ko, kung hindi ay hihiwalayan kita." Galit na banta niya kay Alex, natatawa namang lumapit ito sa dalaga at mahigpit itong niyakap. “Bakit ko naman gagawin ‘yon alam mo naman kung gaano kita kamahal.” Si Alex bago naglalambing na hinalikan sa leeg si Marjorie habang ang kamay nito ay naglalandas paakyat sa kanyang hita. Huminto ang kamay ng binata sa pagitan ng mga hita ni Marjorie at hinaplos ang kaselanan nito.“Ano ba Alex baka biglang bumalik si Vern.” Saway ng dalaga ngunit ang binata ay ayaw paawat dahil masyado itong mapusok. Nagmamadali na ibinaba nito ang stocking ng dalaga kasama ang panty, isinunod nito ang kanyang pantalon na bahagya lang ibinaba at mabilis na pinadapa ang dalaga sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanila.Kita sa mukha ni Marjorie

    Last Updated : 2024-10-29
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika limang kabanata

    Vernice Point of view “… Tagaktak na ang pawis ko at halos kapusin na ako ng hininga ngunit hindi pa rin ako nangahas na huminto sa pagtakbo. Nang mga sandaling ito ay nababalot ng matinding takot ang puso ko wala akong ibang ni nais kung hindi ang makalayo at matakasan ang higanteng ahas na humahabol sa akin mula sa likuran. Patuloy akong tumatakbo kahit na hindi alam ang aking patutunguhan, gusto ko ng umiyak ngunit pinilit kong maging matapang upang makaalis sa sitwasyong kinakaharap. Habol ko na ang aking hininga at pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na rin ang aking katawan. Hindi ko alam kung paano akong napunta dito sa Parāng at kahit isang tao ay wala kang makikita. Ang tanging natatanaw ko lang ay ang madilim na paligid at isang mahabang daan na napapaligiran ng mga kakahuyan. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo upang hindi ako abutan ng dambuhalang ahas na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Nakakapangilabôt ang mga pangyayari at halos magkulay suka na ang aking

    Last Updated : 2024-10-29
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ikaanim na kabanata

    Pagbukas ko ng pintuan nang aking kwarto ay mabilis na nasalo ng kanang kamay ko ang isang bagay na paparating sa aking mukha. “Nice one kuya!” Malakas na sigaw ni Xavien ang isa sa makulit na triplets. Sa tabi nito ay si Xavi at Xion na patuloy na nag-aasaran habang bumababa ang mga ito ng hagdan. “How many times do I need to tell you, Xavien, don’t turn the house into a playground!” Naiinis kong sermon sa makulit kong kapatid bago binato pabalik sa kanya ang bola nito na kaagad naman niyang sinalo. Sa kanilang triplets ay ito ang pinaka makulit, at ayon kay daddy si Xavien daw ang nagmana kay Mommy pagdating sa kalokohan na mahigpit namang tinutulan ni Mommy.“Could you please stay away from me? Nakakairita ang mukha mo at ayokong makita ‘yan!” Naiinis na sabi ni Xavi kay Xion, kaya nang-aasar na tumawa si Xion bago sinagot ang kakambal.“Stupid, Iisa lang ang mukha natin, so kung may problema ka sa sarili mo ay huwag mo akong idamay.” Nang-aasar na saad ni Xion kaya halos hindi na

    Last Updated : 2024-10-29
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitong kabanata

    Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung way ng pananalita.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugôn. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at taas noo na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig

    Last Updated : 2024-10-29
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walong kabanata

    Zac Point of view “Kababakasan ng takot ang mukha ng aking Sekretarya habang palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa mukha ng babae. Halatang natataranta siya na wari mo ay hindi maintindihan kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras na ito.Muli siyang lumingon sa akin at tumitig sa akin ang mga mata niyang nanlilisik sa galit. Halatang matindi ang pagkamuhi nito sa akin na wari mo ay isang lalaki na inagawan ng nobya.Akmang lalapit sana ang babae sa akin upang muli akong suntukin ngunit mabilis itong nahawakan ng aking mga tauhan sa magkabilang braso. Makikita sa mukha nito na wala siyang sinasanto kahit na mas matangkad ako kaysa sa kanya at higit na malaki ang katawan ko kumpara sa katawan nito. Dahil may kapayatan ang katawan ng babae, ika nga slim.“V-Vernice!” Nag-aalala na tawag ni Marjorie sa pangalan nito, ngunit ang babae na tinawag nitong Vernice ay hindi man lang natakot, mukhang wala itong ideya kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin sa kanya.“Bitawan nyo

    Last Updated : 2024-10-29
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika siyam na kabanata

    Bagsak ang mga balikat na pumasok ako sa loob ng bahay, gusto kong magwala at mag-sisigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na niloko ako ng babaeng minahal ko ng buong buhay ko. Halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya ng pumatak.Natigilan ako ng mabungaran ko ang aking ama na nakatayo sa maliit naming sala’s halatang may hinihintay ito.“Panahon na para bumawi ka sa ating angkan, kung gusto mong makamit ang kanilang kapatawaran at lubusan kang tanggapin ng ating pamilya ay kailangan mong sundin ang nais nila.Tumawag ang lola mo, maghanda ka dahil nalalapit na ang kasal mo. Sa susunod na linggo ay susunduin ka nila dito.” Walang ganang saad ni Papa, kahit na balikot pa rin ang tagalog nito ay malinaw kong naunawaan ang lahat ng kanyang sinabi. Pagpasok ko pa lang ng bahay ay ito na kaagad ang bumungad sa akin. Hindi maikakaila ang pagkadisgusto nito sa akin dahil kasing lamig ng ye

    Last Updated : 2024-10-29
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika sampung kabanata

    “Wow, Par! Tibâ-tibâ ka ngayon ah, anong nakain mo at naisipan mong gumimik? At sa mamahaling bar pa!” Hindi makapaniwala sa tanong ni Josh habang nakaakbay sa akin, abot hanggang tainga ang ngiti nito at makikita ang matinding kasiyahan sa kanyang mukha. Habang si Vincent ar Carlo ay tila sabik na makapasok sa loob ng bar.“Don’t tell me mayaman ka na ngayon? Huh.” Si Carlo na panay ang ikot ng mata nito at hindi magkamayaw sa pagtanaw sa mga naggagandahang babae sa paligid. Halos walang tulak kabigin sa kanilang lahat at talagang tutulo ang laway mo dahil sa magandang hubog ng kanilang mga katawan. Lalo na ang mga dibdib nito na parang puwît ng bata dahil litaw ang malusog na pisngi nito kaya maging ako ay napapalunôk ng wala sa oras. “Hoy’ napaghahalatang manyakis kayo, kulang na lang ay hubaran ninyo ang mga babaeng dumadaan sa inyong harapan.” Sermon sa amin ni Josh at ang gago na feeling inosente pa na akala mo’y santo ngunit ang mata naman nito ay hindi mapakali sa kakatingin m

    Last Updated : 2024-10-29
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika labing isang kabanata

    “Lalong magagalit sayo ang papa mo sa oras na malaman niya ang kinasangkutan mong gulo. Vernice, kababae mong tao naki-kipagsuntukan ka sa mga lalaki? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin na mali ako ng pagpapalaki sayo?” Nanggigigil na sermon sa akin ni Nanay Elsa habang sinisikap nito na huwag magtaas ng boses. “Eh, Nay Elsa hindi naman po kasalanan ni Vernice ang lahat, nadamay lang s’ya sa away nung mayabang na lalaki.” Sabat naman ni Josh na pilit akong pinagtatanggol upang tigilan na ako ni Nay Elsa.“Isa ka pa! Pareho kayong matigas ang ulo at walang pinaniniwalaan, eh kung ‘yung panahon na inaaksaya n’yo sa pagba-bar at pag-iinom ng alak ay naghahanap kayo ng trabaho di sana may pakinabang ang bansa sa inyo.” Pati tuloy sila ay nadamay sa misa ni Nanay Elsa kaya mas pinili nina Josh, Vincent at Carlo ang manahimik na lamang.“Ikaw naman Vernice naturingan kang may pinag-aralan pero kung kumilos ka ay tinalo mo pa ang mga tambay na ‘to! Ewan ko ba sa inyong mga kabataan

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Special chapter- Book 3 (Pasilip)

    Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpu’t dalawang kabanata

    Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpu’t isang kabanata

    Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging ang malakas na tibok ng kanilang mga puso ang naririnig ng isa’t-isa. Nang mga oras na ito ay tila si Mr. Yuay at Vernice lang ang tao sa paligid. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa at walang nangahas na magbaba ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyang nakalapit ang matanda at huminto ito mismo sa harap ng kanyang Apo. Nanatiling tahimik ang lahat ngunit hindi maikakaila ang matinding kabâ na kanilang nararamdaman dahil sa muling paghaharap ng mag-Lolo. Malakas na itinuktôk ng matanda ang tungkod nito sa sahig na marmol kaya napaigtad ang ilan sa kanila. Dahil bukod sa kinakabahan sila sa mga nangyayari ay hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng matanda sapagkat nanatiling seryoso ang awra nito.Hindi nagpa-sindak si Vernice at matapang na sinalubong ang mga mata ng kanyang Abuelo. Di maikakaila kung kanino nagmana si Vernice dahil kahit na mukha ng kanyang ina ang nasa harapan ng matanda ay nakikita nito ang

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpung kabanata

    “Ughhh…” isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ko ng naalimpungatan ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata bago sinuri ang paligid upang malaman ko kung nasaan ako. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tumambad sa aking paningin ang isang malaking salamin na nasa harapan ko. At ang labis na ikinagulat ko ay ang itsura ng mukha ko na halos hindi ko na nakilala dahil sa magandang pagkaka-ayos nito. Mukha itong isang diyosa na bumaba sa lupa pakiramdam ko ay nagmukha akong eighteen years old. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang magarang silid habang sa likuran ko ay dalawang babae na may seryosong mukha. Marahil ay sila ang nag-ayos sa akin dahil hawak pa ng isa sa kanila ang isang foundation kit.Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kaya mabilis na lumingon sa direksyon nito. Natigilan ako ng pumasok ang dalawang lalaki hanggang sa bumalik sa aking isipan ang mukha ng mga

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t siyam na kabanata

    Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t walong kabanata

    “Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t pitong kabanata

    “Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ila pitumpu’t anim na kabanata

    Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ila pitumpu’t limang kabanata

    Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol

DMCA.com Protection Status