Keilani POVPagkauwi ko sa bahay, hindi ko na pinaabot pa ang kuwento ko kay Sylas sa hapunan. Pagkasara ko pa lang ng pinto, hinanap ko na agad siya.Nadatnan ko siya sa living room, nakaupo sa malaki naming sofa habang hawak ang isang baso ng whiskey. Tila may binabasa siya sa phone niya pero agad siyang lumingon nang makita ako.“You’re home,” aniya saka ibinaba ang phone niya sa lamesa. “You’re late.”Naglakad ako palapit sa kaniya at diretsong umupo sa tabi niya. Hinalikan ko siya sa labi bago ako nagsalita. “Something happened.”Dumaan ang ilang segundo ng katahimikan. Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. “What is it?”Huminga ako nang malalim bago ngumiti. “My car got hit.”Mabilis na nawala ang relaxed expression niya. Nag-iba ang itsura ni Sylas nang sabihin ko ‘yon.“Who? Sinong tanga ang nakabanggan ng ganiyang kamahal na sasakyan. Aba, hindi mo dapat pinalagpas ‘yan, Keilani.” Medyo tipsy na siya kaya mainit agad ang ulo.Nilaro ko ang dulo ng buhok ko na tila
Keilani POVHindi ako kailanman umaatras sa laban. Lalo na kung ang kalaban ko ay ang mama ni Braxton na dati na akong inaapak-apakan. At tumatak na sa akin ang surname na Villafuerte—surname na minsang nadikit sa pangalan ko pero sinusuka ko naman. Pero ngayong araw, titiyakin kong hindi sila makakalusot. Hindi ko palalagpasin ang ginawang ito ni Brenda Villafuerte.Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan habang si Sylas ang nagmamaneho. Sa likuran namin, kasama ang dalawang pulis at ang legal consultant na kinontak namin kagabi. Ramdam kong nakatingin sa akin si Sylas, pero hindi na niya ako tinanong kung ayos lang ako. Kilala niya ako. Kapag tahimik ako sa ganitong sitwasyon, ibig sabihin, handa akong lumaban.Dumiretso ang tingin ko sa labas ng bintana. Papalapit na kami sa bahay ng pamilyang Villafuerte, sa isang villa na napapalibutan ng matataas na pader. Hindi ko na pinag-aksayahan ng tingin ang karangyaan ng lugar. Wala akong pakialam kung gaano kayaman ang p
Keilani POVHindi ko na talaga alam kung matatawa o maiinis ako sa sunod-sunod na invitations na natatanggap ko. Hindi pa nga natatapos ang isang grand event, heto na naman ang panibago, at hindi lang basta event, kundi isang exclusive luxury runway na inorganisa ng isang sikat na CEO ng Jélo Royale, isang high-end luxury helmet brand na sinusuot ng pinakamayayamang motorsports enthusiasts at celebrities sa buong mundo.At siyempre, isa ako sa big guests. If I’m going to attend, I need to make a statement. Hindi puwedeng basta simpleng gown o minimalistic look lang. Kailangan agaw-pansin, kailangan isa ako sa magiging usap-usapan, kailangan isa ako sa pinakabongga sa gabing iyon. Nang makita ulit nila Davina at Braxton na ibang level na talaga ako ngayon.Alas-diyes pa lang ng umaga, gising na ako. Pagkabukas ko pa lang ng mga mata, nagpaalala na ang assistant ko, na darating na ang glam team ko sa loob ng isang oras. Kaya naman habang nagkakape ako sa terrace ng penthouse namin ni Sy
Keilani POVToday, free ang schedule ko kaya nasa mood akong mambuwisit. Kung dati, ako ang palaging nabubuwisit nila, puwes ngayon, ako naman ang mambu-buwisit.Pagdating ko sa high-end coffee shop na madalas naming tambayan ni Celestia para magliwaliw dito sa city. Dito siya minsan nagkakaroon ng idea para magkaroon ng mga bagong flavor ng frappe o coffee, kaya pabor sa kaniya sa tuwing aayain ko siyang mag-coffee dito sa city.Pagkapasok ko, sumalubong sa akin ang amoy ng freshly brewed coffee at ang tunog ng mellow jazz music na tumutugtog sa loob. Nasa corner table siya, nakasandal sa upuan, nagbabasa ng magazine habang hawak ang isang caramel macchiato.Nang makita niya ako, bumungad agad ang matamis niyang ngiti. Masaya siya sa tuwing magkikita kami kasi para sa kaniya, goodnews ang palagi kong dala sa kaniya.“Finally! You’re here. I was about to text you.”Ngumiti ako at umupo sa tapat niya, inilapag ko ang clutch bag ko sa table. Lumapit ang waiter at um-order ako ng gusto k
Keilani POVSa buong buhay ko, hindi ko inisip na darating ang araw na kasama ko ang asawa kong si Sylas sa isang modeling training session. Mas sanay akong makita siyang seryoso, dominante at matikas sa business meetings, pero ngayon? Nakatayo siya sa harap ng model instructor naming si Sab Mendez, nakataas ang kilay at mukhang pinagsisisihan kung bakit niya naisipang sumabak sa ganitong kahibangan.Ang Merritt Luxury Motor Company ko ay hindi lang basta-basta brand. Isa ito sa pinakasikat na luxury motorcycle companies sa bansa at ngayon, gusto ni Sylas na kaming dalawa mismo ang maging modelo para sa susunod na high-end ad campaign. Kaming dalawa ang kukumpleto sa sampung model na masasama sa ads na gagawin sa company ko. In short, lalabas ang mga mukha namin sa billboard, commercial sa tv at pati na rin sa mga ads sa social media, kaya naman kailangan naming paghandaan ito para iwas bash nila Davina, Beatrice at Braxton.At dahil gusto niyang gawing legit ang pagiging brand models
Keilani POVSanay na akong humarap sa camera at alam ko na ang anggulo ko.Pero si Sylas, nahirapan na naman ata.“You want me to pose?” tanong niya na parang hindi makapaniwala.“Yes,” seryosong sagot ni Sab. “And do it without looking like you’re plotting to murder someone.”Napatawa na lang ako. Subukan niyang mag-smoldering look, pero parang galit siya sa camera. Sinubukan niyang ngumiti, pero mukhang pilit. Sinubukan niyang maglagay ng kamay sa bulsa, pero parang nahihirapan siyang kumilos nang natural.“Keilani, can you help your husband? He looks like he’s being forced to do this against his will.” Lumapit ako sa kanya at hinila ko siya palapit sa motorsiklo.“Think of it like business, love. You have to own the product. Parang ini-intimidate mo ang competitor mo,” bulong ko sa kanya.Tumango siya at naka-focus na siya sa camera. At sa wakas, nakahanap siya ng pose na bagay sa kanya, isang sleek, controlled stance, naka-half smirk at mukhang boss na may-ari ng buong mundo.“Now
Keilani POVAng buong Merritt Luxury Motor Company building ko ay sobrang busy ngayong araw. Wala pa man ang mismong shooting, pero ramdam ko na ang tension sa buong paligid.Abala na kaming lahat sa event area ng kumpanya ko. May mga lalaking nagbubuhat na ng mga bakal para sa runway stage, may mga technician na nagtatayo ng malalaking LED screens at ang iba naman ay abala sa pagsasaayos ng ilaw at sound system.Pati ako, walang tigil sa paglalakad, pakikipag-usap at pagsagot sa bawat tanong ng mga staff ko.“Ma’am Keilani, we’re finalizing the measurements for the stage. Would you like to check?” tanong ng isa sa mga event coordinators na si Miko, habang nakatingin sa blueprint na hawak niya.Lumapit ako at tiningnan ang layout. Nakita kong medyo masyadong makitid ang gitnang bahagi ng runway.“This part needs to be at least a meter wider,” sabi ko habang itinuturo ang isang section sa plano. “I want the models to have enough space to move confidently, especially when they’re walkin
Keilani POVAng tunog ng wine glass na inilapag ni Sylas sa lamesa ang siyang pumukaw sa akin mula sa malalim na pag-iisip ko. Tahimik akong nakatitig sa gourmet meal sa harapan ko, perfectly cooked steak, truffle mashed potatoes at asparagus. Pero kahit gaano kasarap, parang wala akong ganang kumain ngayon.“You’re overthinking again,” ani Sylas bago siya sumandal sa upuan niya, hawak pa rin ang wine glass niya.Napanguso ako at pinulot ang phone ko mula sa tabi ng pinggan ko. Oo na, guilty na ako. Hindi ko maiwasang mag-worry kapag may malaking project na nangyayari. Lalo na’t ito ang pinakaunang commercial ng Merritt Luxury Motor Company na ako mismo ang nagmamando. Lahat kailangang perfect ito dahil ayokong ma-bash, ayokong makarinig ng negative sa mga tao, kaya pinagtutuunan ko talaga ito ng pansin.Bumuntong-hininga ako at tumawag sa executive assistant ko.“So, anong update?” diretsong tanong ko pagkasagot niya sa tawag ko.Narinig ko ang mahinang tunog ng mga papel sa kabilang
Sylas POVNasa terrace ako ng mansiyon habang hawak ang isang basong whiskey. Sa harapan ko, tanaw ko ang maliwanag na buwan. Maliwanag ito, tila ba nanonood din sa akin. Tahimik ang paligid. Tahimik ang gabi. Pero ang isipan ko, kanina pa talaga hindi mapakali.“They crossed the line,” bulong ko sa sarili. “Now, I’ll have to remind them who I am.”Matagal ko nang isinara ang madilim na bahagi ng buhay ko dati. Nang pakasalan ko si Keilani, nang isilang si Keilys, pinili kong iwan ang lahat. Ang mga kasunduan sa dilim, ang mga utos na may kasamang dugo, ang mga gabi ng pag-aabang at pagtugis sa mga kumakalaban sa akin. Inilihim ko ang lahat sa kaniya. Sa kanila. Hindi dahil sa takot kundi dahil ayokong madungisan ang katahimikang pinili ko para sa amin.Pero hindi lahat ng katahimikan ay panghabambuhay pala. At hindi lahat ng tao, marunong rumespeto.Nang marinig ko ang banta ni Beatrice, una kong inisip na baka dala lang ng galit. Pero mukhang hindi kasi kadugo niya si Braxton, kung
Keilani POVSabi ni Sylas, huwag na raw akong pumunta sa lamay ng mama ni Braxton, gulo lang daw tiyak ang mangyayari. Tama naman siya, sure na ‘yon, pero kung hindi ako pupunta at magpapakita, baka mas maniwala ang mga taong malapit kina Beatrice na ako ang naging dahilan ng pagkamatay nito. Gusto kong ipakita sa kanila na malinis ang loob ko. Na hindi ko kasalanan kung bakit namatay ang mama nila. Gusto kong ipamukha sa kanila na sila ang dahilan ng mga hindi magandang nangyayari sa buhay nila.Ilang beses ko pang pinilit na payagan ako ni Sylas, hanggang sa magbigay siya gn kundisyon, payag siya basta may kasama akong bodyguard at kasama ko rin daw si Celestia. Para na lang payagan ako, pumayag na rin ako.“Are you ready?” tanong ni Celestia habang nasa tabi ko. Suot niya ang isang simpleng itim na bestida, gaya ko. Nandito na kami ngayon sa gilid ng simbahan kung saan may burulan.“Let’s just get this over with.” Bahala na, alam kong may mangyayari talaga pero tutuloy ako. Magpapa
Keilani POVNamuo ang tawa ng anak kong si Keilys sa sala habang pinapalabas sa TV ang commercial ng Merritt Luxury Motor Company ko. Kitang-kita ang saya sa mukha niya, litaw na litaw ang maliliit na dimples niya sa magkabilang pisngi habang sabay niyang itinuro ang screen kung saan naka-feature ako at ang asawa kong si Sylas.“Mama!” sigaw niya habang palakpak nang palakpak.Ramdam ko ang gigil niya sa tuwa. Nakaupo siya sa tabi ko habang kinakain ang ice cream niya.“Yes, baby. That’s Mama,” sabi ko habang kinikiliti siya sa tagiliran. “And that’s Daddy Sylas, too. We’re both in the commercial. Cool, right?”Tumawa lang si Keilys at yumakap sa akin. Hinalikan ko siya sa ulo habang ginulo ang buhok niya. Wala akong ibang plano sa araw na ito kundi ang magpahinga at makipag-bonding sa anak ko. Si Sylas ay nasa opisina, busy sa meetings para sa expansion ng company na hawak niya, pero ako, wala akong dapat intindihin. Lahat ng kailangan ay maayos na. Panatag na ako sa lahat ng kailang
Keilani POVWala naman talaga kaming dapat na puntahan at gawin ngayon ni Sylas, pero dahil nabanggit sa akin ng staff ko, na ngayon na lalabas ang lahat ng ads ko, heto, nagpunta kami sa highway kahit wala naman kaming dapat na lakarin ngayon.Mula sa loob ng sasakyan, tumigil muna ako saglit sa gilid ng highway. Tiningala ko ang malalaking billboard na halos tatlong magkakahiwalay na poste, pero iisang tema. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang kinalabasan. Nakakahiya lang makita na kami ni Sylas na magkasama na bihis na bihis sa all-black attire habang nakasandal sa isa sa mga pinakamahal na motor ng company ko.“Babe, ang laki pala talaga,” sabi ni Sylas habang binababa ang shades niya. Nakatitig siya sa billboard na para bang art exhibit ito. Ang guwapo ni Sylas sa mga kuha niya, parang binatang sobrang hot pa rin. Tapos ako, parang hindi pa nagkakaanak, ang galing nang kinalabasan. Akala mo ay mga professional na kaming mga model, kahit hindi naman talaga.“We rea
Keilani POVHalos isang linggo na ang nakalipas mula nang dukutin ako ni Braxton. Ngayon, maayos na ako, magaling na ang mga gasgas o sugat na natamo ko. Kalmado na rin si Sylas dahil nagawa na niya ang dapat niyang gawin.Sinampa na namin sa kaniya ang lahat ng kaso na puwedeng isampa sa kaniya, isama pa ang lahat ng mga taong ginawan nila ng kasalanan.Si Davina, nakakulong na, pero si Braxton ay nasa ospital pa nitong mga nagdaang araw dahil nagpapagaling pa dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero sure na raw na hindi na ito makakalakad pa dahil sa ginawa kong pagbaril sa kaniyang mga tuhod. Deserve naman niya iyon.Ngayon, napakasarap sa pakiramdam na alam kong nanalo na kami ni Sylas, na nabigay ko na sa mga kontrabida sa buhay namin ang nararapat na mangyari sa kanila.Nasa veranda ako ngayon ng bahay namin ni Sylas, habang may mainit na tsaa sa aking mga kamay. Habang umiinom, isang good news ang natanggap ko. Narinig ko mismo mula sa abogado namin ang napakasayang balita na sinabi n
Keilani POVNang sa wakas ay matanggal na ang tali sa kamay ko, doon na lumitaw ang nakakalokong ngiti ko. Oras na para ako naman ang maghasik ng gulo sa lugar na kung saan nila ako dinala. Sa totoo lang, ngayon ko lang gagawin ito, pero wala na akong pakelam. Ginawan nila ako ng mali kaya magsisisi sila.Nang alam kong tanggal na ang tali, mabilis akong kumilos gaya nang mga napag-aralan ko sa training ko.“Hey—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Tumalon ako mula sa pagkakaupo at mabilis na sinunggaban ang baril mula sa gilid ng pantalon ni Braxton. Nagulat siya. Nag-panic. Pero mas mabilis ako.sa isip-isip ni Braxton ay para siyang nasa action movie. Sa ilang sandali lang kasi ay sunod-sunod kong pinatamaan ng baril ang mga ugok niyang tauhan, pero hindi ako mamamatay-tao, pinatamaan ko sila sa mga katawan nila na alam kong mabubuhay pa sila pero ‘yung hindi na rin sila makakakilos para matulungan si Braxton na mahuli ulit ako.Napaatras si Braxton habang nanlilisik ang mga
Keilani POVNakatali ako sa isang upuang kahoy, kanina pa mahapdi ang kamay ko dahil sa pagkakakiskis ko ng lubid na nakatali sa akin. Ngunit kahit sa ganitong kalagayan, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Sa dami na nang nagyari sa buhay ko, ngayon pa ba ako matatakot. Handa na ako sa mga ganitong pangyayari dahil oo, inaasahan kong may mga ganitong gagawin ang mga kalaban sa buhay ko. Pero this time, handa ako, marami na akong napag-aralan at kung sa pakikipag-away lang ng pisikilan, handang-handa na rin ako.Pero kahit na ganoon, alam kong hindi ako pababayaan ni Sylas, may gagawin pa rin siya para puntahan ako pero habang wala siya, dapat din na may gawin ako.Tatlong lalaking mukhang tambay lang sa kanto ang kasama ni Braxton ngayon. Armado, oo, pero halatang hindi naman mga bihasa. Ang mga kilos kasi nila na nakita ko ay parang mga batang naglalaro ng baril-barilan, hindi mga sanay sa tunay na laban. Ang pagkakatali sa akin, bagamat mukhang mahigpit sa paningin ay may lu
Sylas POVNakaupo lang ako sa harap ng laptop ko para sana i-review ang mga contracts na kailangang pirmahan sa board meeting bukas, pero may naabutan akong maliit na package sa ibabaw ng desk ko. Wala itong label, walang pangalan, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit sa loob nito ay may nakita akong isang itim na USB.Napakunot ang noo ko. “What the hell is this?” tanong ko sa sarili ko habang inikot-ikot sa daliri ang USB. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-curious. Pero sa huli, sinubukan ko pa ring tignan kung anong laman ng USB.Sinaksak ko ang USB sa gilid ng laptop ko. Pagbukas ng folder na lumitaw, iisang video lang ang laman. May label itong “CONFIDENTIAL - PLAY THIS FIRST.”“Alright... Let’s see what this is about,” bulong ko.Pag-click ko ng play, agad lumitaw sa screen ang isang madilim na kuwarto. Nasa loob si Braxton, nakaupo sa isang leather armchair, nakasigarilyo at kaharap ang isang lalaking hindi ko kilala. Malinaw ang audio, ka
Keilani POVTahimik akong nakaupo sa loob ng aking sasakyan habang pinagmamasdan ang labas ng bahay ni Maria Cruz. Isa siya sa mga nabuntis ng hayop na si Braxton na natagpuang patay kamakailan, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay niya. Ilang buwan pa lang ang lumilipas mula nang mangyari ito, ngunit wala pa ring konkretong sagot kung sino ang may kagagawan.“Wala pa rin ba kayong nakuha?” tanong ko sa aking tauhan sa kabilang linya ng phone ko.“Wala po, Ma’am Keilani. Ayon sa mga kapitbahay, wala silang narinig na putok ng baril noong gabing iyon. At wala rin silang napansin na kakaibang kilos maliban sa isang itim na sasakyang ilang beses nilang nakitang dumaan sa kalsada.”Napabuntong-hininga ako. “Itim na sasakyan? May plaka ba?” Baka kahit manlang sa sasakyan ay may makuha kaming ebidensya. Gustong-gusto kong malaman kung si Braxton ba ang dahilan ng pagkamatay nila para dumami pa nang dumami ang kasong maisampa sa kaniya.“Wala po kaming nakuhang malinaw na impormasyon tungkol d