Keilani POVPagkatapos naming mag-almusal ni Braxton, gumayak na ako. Wala siyang pasok ngayon, pero ako ay may lakad kaya gumayak ako. Nung paalis na ako, bigla siyang nagsabi na sasama siya sa akin kasi gusto niyang masilip ang pinapagawa kong coffee shop. Nagulat pa ako kasi hindi naman siya concern sa business ko, tapos ngayon, sasama siya sa akin.Pagdating namin doon, narinig ko ang tunog ng martilyo at lagari, ang ingay ng mga taong abala sa kanilang trabaho. Nakita ko ang istruktura ng shop—halos buo na ito. Napakalapit na ng katuparan ng pangarap ko.“Ang ganda na ng itsura, ‘di ba?” tanong ko kay Braxton habang binuksan ko ang pintuan ng shop.“Yeah, it’s coming together,” sagot niya, pero hindi ko naramdaman ang enthusiasm sa boses niya.Habang naglalakad kami sa loob, tiningnan ko ang bawat sulok ng shop. Pinagmamasdan ni Braxton ang mga manggagawa, na abala sa kani-kanilang gawain. Napansin kong tahimik lang siya, tila malalim ang iniisip.Isa-isa na ring dumating kahapon
Keilani POVPagpasok ko ng bahay, ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Nauna siyang umuwi kasi dumaan pa ako sa isang coffee shop para magpalipas ng ilang oras. Tawag siya nang tawag sa akin pero hindi ko sinasagot. Sa dami nang iniisip ko, halos nakadalawang kape na nga ako. Nung medyo kumalma ako, saka lang ako umuwi rito sa bahay.Nakita ko si Braxton na nakaupo sa sofa, tahimik na nakatungo, parang nag-aabang ng parusa sa akin. Pero para sa akin, wala nang puwang ang awa. Ang galit ko ay parang apoy na hindi mapapawi kahit anong paliwanag niya.Tiningnan ko siya, diretso sa mata niya. “How could you, Braxton?” tanong ko na halos pabulong pero puno ng emosyon.Hindi siya agad sumagot. Tumayo siya, lumapit sa akin, pero umatras ako.“Wala ka bang sasabihin? Wala kang paliwanag? O baka naman wala ka talagang konsensya?” dagdag ko habang hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita nang masakit.“Keilani, let me explain. Please,” sagot niya habang hawak ang noo na para bang siya pa
Sylas' POVTumatawa ako nang mag-isa habang naka-upo sa swivel chair ng opisina ko. Sa ibabaw ng mesa, may nakabukas na laptop, at sa screen ay ang email na ipinadala ko kaninang umaga. Alam kong nasa inbox na iyon nina Keilani at Braxton—isang video na magko-cause ng away nilang dalawa. Base kasi sa nabalitaan ko, panay ang pigil ni Braxton sa mga gustong gawin ni Keilani sa buhay. Nag-e-enjoy sa buhay pangangabit si Braxton, habang si Keilani na simpleng pagpapatayo lang ng coffee shop ay hindi pa niya mapayagan. Kaya naisip kong ireveal na kay Braxton ang tungkol sa kanila ni Davina, nang sa ganoon, maging matapang si Keilani, ‘yung tipong hindi na niya ito kayang control-in.Habang iniikot-ikot ko ang baso ng whiskey sa kamay ko, iniisip ko kung ano na ang lagay nila ngayon. Naglalandian sina Braxton at Davina sa video na iyon, walang takot at parang mga walang asawa. Pero ngayon, tiyak kong hindi na ganoon ang mga ngiti ni Braxton. At si Keilani? Sigurado akong galit na galit iyo
Keilani’s POVHindi ko inakala na magtatagal pa kami ni Sylas ngayong gabi. Matapos ang usapan namin tungkol sa condo at sa lahat ng mga hiling ko, akala ko’y diretso na kaming uuwi sa kanya-kanyang bahay. Tumatawag na kasi si Braxton, gabi na raw wala pa ako sa bahay kaya naninikis ako, hindi ko sinasagot para maramdaman niyang binabalewala ko na siya.Ramdam ata ni Sylas na ayoko pang umuwi kaya imbes na tapusin ang gabi, bigla niya akong inalok na maglakad-lakad sa park.“Let’s take a walk,” alok niya habang nakangiti, weird lang kasi ang mga mata niya ay tila may sinasabi. “You look like you could use some fresh air.”Wala akong dahilan para tumanggi. Tumango ako at sinundan siya palabas ng restaurant. Malamig ang hangin nang gabi na iyon at tahimik ang paligid. Sa park, kakaunti lang ang mga tao, karamihan ay magkasintahan o pamilyang nag-e-enjoy sa malamig na simoy ng hangin.Habang naglalakad, pansin kong mas relaxed si Sylas ngayon. Hindi siya yung usual na seryosong businessm
Keilani’s POVLinggo ng umaga at tahimik ang coffee shop na pinapagawa ko. Wala ang mga tauhan ko dahil day off nila, at iniwan nila ang shop na hindi pa masyadong ayos. Ako na lang mag-isa ang naglilinis sa loob. Sa totoo lang, hindi ko na namalayan ang oras; kahit paano, gusto kong makita ang shop na malapit nang magbukas sa maayos na kalagayan.Bitbit ko ang walis, sinusuyod ang sahig para tanggalin ang alikabok at kalat. Amoy pintura pa ang lugar, halatang bagong gawa. Maya maya, pinunasan ko ang ilang mesa, habang napangiti. Konti na lang at magiging ganap na realidad na ang shop na ito, ang pangarap kong lugar kung saan makakatakas ako kahit papaano sa gulo ng buhay ko.Maya maya ay habang busy na busy ako ay nakatanggap ako ng email sa kalagitnaan ng paglilinis ko. Tumunog ang cellphone ko at nang makita kong si Sylas ang nagpadala, bahagyang lumalim ang hininga ko. Pagbukas ko ng email, litrato agad ang sumalubong sa akin. Nakita ko sina Braxton, Davina, at ang mga kapatid ni
Keilani’s POVPagdating ko sa bahay, alam kong wala si Braxton. Narinig ko pa sa kapitbahay namin kanina na maaga raw itong umalis para pumasok sa trabaho. Sa totoo lang, wala akong balak umuwi dito kung nandito siya. Mas gugustuhin kong tahimik ang paligid kaysa magulo ang utak ko dahil sa presensya niya.Pagpasok ko, dumiretso ako sa kuwarto para kumuha ng malilinis na damit. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng bahay. Sa kabila ng magagarang muwebles at malinis na espasyo, parang nakakulong pa rin ako.Pero tila parang napakabait ni Braxton ngayon kasi malinis ang bahay. Kahit wala ako rito ng madalas ay tila siya ang naglilinis ng lahat.Matapos kong maligo, nagbihis ako at tumuloy sa kusina para kumain ng tanghalian. Simple lang ang inihanda ko—isang sandwich at juice. Habang kumakain, naiisip ko pa rin ang mga nangyari sa shop kahapon. Tahimik na sana ang buhay ko kung hindi lang sumulpot si Braxton kahapon na pilit akong pinapauwi. Ilang beses niya akong pinupuntahan doon.
Keilani’s POVTatlong araw akong abala sa pag-aayos ng coffee shop ko. Halos wala akong tulog, pero sulit ang lahat ng hirap. Ngayong araw na ang grand opening, at habang tinitingnan ko ang maayos na dekorasyon, ang malinis na counter, at ang maaliwalas na ambiance ng shop, napangiti ako. Ito ang bunga ng lahat ng pinaghirapan ko.Halos one hundred thousand pesos na lang ang natira sa perang binigay sa akin ni Sylas. Hindi ko inaasahan na ganito na pala kamahal ang magtayo ng business.“Perfect na ‘to, Keilani,” sabi ni Celestia, habang naglalagay ng final touches sa centerpiece. Nilingon ko siya at kahit pagod na rin, kitang-kita sa mukha niya ang excitement.“Thanks, Celestia. Hindi ko ‘to magagawa kung wala ka,” sagot ko habang tinitingnan ang buong paligid.Nakaayos na rin ang stage para sa live band, at ilang minuto na lang, magsisimula na ang programa. Inimbitahan ko ang ilan sa mga sikat na vloggers dito sa town namin. Gusto kong maging memorable at maingay ang pagbubukas ng sh
Keilani’s POVHindi ko akalain na sa gitna ng abalang araw ko sa coffee shop ay magkakaroon ng eksena na ikakahiya ko. Kanina pa puno ang shop; maraming customers ang nagpapalipas ng oras habang ini-enjoy ang mga drinks at pastries namin. Tahimik ang paligid, hanggang sa biglang bumukas nang malakas ang pinto at bumungad ang galit na galit na mama ni Braxton.Unang tingin ko pa lang sa mukha at tingin niya, alam kong gulo ito. Siya pa naman ‘yung taong parang walang pinag-aralan.“Keilani! Ano bang ginawa mo kay Beatrice?!” Malakas ang boses niya, rinig hanggang sa dulo ng shop kaya nahiya talaga agad ako.Napatingin ang lahat ng customers. Ang ilan, halatang naguguluhan; ang iba naman ay nagbubulungan na. Napansin kong pati ang mga staff ko ay nagkatinginan. Kinailangan kong kumalma kahit ramdam ko ang init ng dugo ko.Lumapit ako sa kaniya habang pilit ang mga ngiti ko. “Ma, puwede po ba tayong mag-usap sa office?”Padabog siyang sumama sa akin, tapos tinitignan pa niya ang mga cus
Keilani POVNasa kusina ako ngayon, naghahanda ng hapunan. Tahimik ang paligid ng bahay, pero ang isip ko ay abala sa mga plano namin ni Sylas. Naririnig ko ang mahinang tunog ng telebisyon mula sa sala kung nasaan si Braxton. Palagi siyang ganito, komportable sa sofa habang ako naman ang gumagawa ng lahat.Akala niya ay okay ako, pero ang totoo ay hindi pa. Pero pinipilit kong maging malakas, nakainom naman na kasi ako ng gamot kaya medyo kinakaya ko nang kumilos.Habang hinihiwa ko ang mga gulay, tumunog ang telepono ko na nakapatong sa lamesa. Tumigil ako sa ginagawa ko, kinuha ito at nakita ang pangalan ni Sylas na nagpa-flash sa screen.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo, ini-lock ang pinto at sinagot ang tawag."Hello," mahinang sabi ko."Keilani," bulong ni Sylas mula sa kabilang linya. "Did you finish the documents I asked you to prepare?""Not yet," sagot ko habang bumubulong din. "I can’t let Braxton see them. He might get suspicious.""He won’t," sagot ni Sylas nan
Sylas POVNakatayo ako sa harap ng malawak na bintana ng aking opisina, tanaw ang abalang lungsod sa ibaba. Gabi na, pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga ilaw ng mga gusali. Isang basong whiskey ang hawak ko at tahimik akong nag-iisip habang hinihintay si Braxton na dumating. Ang tahimik na paligid ng opisina ay nagbigay-daan sa mga plano ko na unti-unting nabubuo sa isip ko.Hindi ko kailanman inakala na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon—na gagawin ko ang lahat para protektahan si Keilani at ang anak namin, habang sinisiguro na mabibigyan ng leksyon ang mga taong nanloko at nagkasala sa kanya, pati na rin sa akin.Pagkatapos ng ilang minuto, may kumatok sa pintuan."Come in," malamig kong sabi.Pumasok si Braxton, nakasuot ng kanyang usual na corporate attire. Mukha siyang kampante, walang kaalam-alam sa mga plano ko."You called for me, sir?" tanong niya habang umupo sa upuang nasa harap ng aking desk."Yes," sagot ko habang inilalapag ang baso ko sa mesa at tumingin nan
Keilani’s POVNung hapon ay umalis na ako sa coffee shop kasi nag-message si Sylas na sasamahan na ulit niya ako sa clinic. Sa park na ulit kami nagkita. Doon ako nag-park ng sasakyan ko para lumipat sa magara niyang kotse.Hindi na rin kasi maitatanggi ang nararamdaman ko—ang pagsusuka, ang pagkahilo at ang pagod na tila hindi matapos-tapos. Ayoko sanang sumama kay Sylas noong una, pero pinilit niya ako. At sa totoo lang, mas okay din na may kasama ako. Natatakot kasi ako na baka mahimatay ako.Pagpasok namin sa clinic ng private doctor ni Sylas, ramdam ko agad ang pagiging eksklusibo ng lugar gaya nung unang punta namin dito. Napaka-elegante at tila wala kang makikitang ibang pasyente. Pumasok kami sa consultation room ng ob-gyne, isang babaeng nasa edad singkwenta na may mahinahong boses. Iba iba pala ang naka-assign na doctor dito."Good morning, Miss Keilani. I’ve reviewed your previous test results," sabi niya habang binubuksan ang folder na hawak. "You’re about five to six week
Keilani’s POV Pagod man ang katawan, mas magaan na ang pakiramdam ko habang hinahanda ang hapunan sa kusina. Alam ko na ang dapat kong gawin. Kahit nakakalokang tanggapin na kailangan kong lumayo para itago ang pagbubuntis ko, hindi ko na puwedeng balewalain ang sitwasyon ko ngayon. Iniisip ko si Braxton, ang mga tanong niya kung sakaling malaman niya ang totoo. Pero hindi puwedeng mangyari iyon. Hindi siya puwedeng mapunta sa iba dahil paninindigan ko ang karma na gusto kong mangyari sa kaniya. Tatlong taon akong naging tanga, ginawa niyang tanga, pinaniwala na wagas ang pagmamahal niya sa akin bilang asawa niya pero may mga baho talaga na kusang aalingasaw. Dahil sa mga kasalanang ginawa niya, hindi ko siya hahayaang makawala. Ako, gagalingan ko ang pagtatago ng baho ko, at sa tulong ni Sylas, sure akong magagawa ko ‘yun nang maayos. "Keilani, kaya mo ‘to," bulong ko sa sarili habang hinahalo ang sabaw sa kawali. Hindi ko alintana ang latang nararamdaman ko. Kailangan kong magpakat
Keilani’s POVTahimik kaming dalawa ni Sylas sa loob ng kotse. Nasa passenger seat ako, nakatingin sa labas ng bintana habang unti-unting umiikot ang mundo ko. Para akong lumulutang sa hangin, hindi ko alam kung saan pupunta o kung anong mangyayari sa mga susunod na oras.Nasa dibdib ko pa rin ang bigat ng sinabi ng doktor kanina. Isang buwan akong buntis. Ang dami kong tanong sa isip na hindi ko alam kung paano sisimulan. Naririnig ko ang malalim na buntong-hininga ni Sylas habang nagmamaneho. Halata sa kilos niya na iniisip niya rin ang mga nangyari.Nagbunga na ang mga kabayuhang ginagawa namin ni Sylas. Ito ‘yung pangarap namin noon ni Braxton, pero hindi natupad kasi talagang baog siya. Ngayon, natupad na ang parehong pangarap namin pero hindi na siya kasama. Dahil si Sylas ang nakabuntis sa akin. Nabuntis ako ng mayamang lalaki na ‘to na kung single lang ako, tiyak na sobrang saya ko na. Kaya lang, ngayong buntis na ako, parang naduwag ako bigla. Parang natatakot ako na mabalikt
Keilani’s POVMadaling-araw nun nang magising akong bigla, pinagpapawisan kahit malamig ang gabi. Ilang segundo pa lang akong nakaupo sa gilid ng kama, ramdam ko na agad ang kiliti sa lalamunan na parang may gustong kumawala. Tumakbo ako papunta sa banyo, halos hindi ko na magawang isara ang pinto sa sobrang pagmamadali.Pagkadikit ng tuhod ko sa tiles, nauna nang sumuka ang lahat ng laman ng sikmura ko. Ang bigat sa dibdib, ang init sa loob ng katawan ko, lahat iyon parang gustong sabay-sabay lumabas. Humawak ako sa gilid ng toilet bowl, hinihingal at halos hindi na alam kung paano ko pa kakayanin."Keilani?" boses ni Braxton mula sa pinto. Mukhang nagising siya dahil sa mga tunog na ginagawa ko. Maya maya, naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, marahang tinatapik-tapik habang patuloy akong sumusuka."Are you okay? What’s happening?" nag-aalala niyang tanong habang nakaluhod sa tabi ko.Hindi agad ako nakasagot. Pinilit kong huminga nang malalim matapos ang ilang minuto ng pagsusu
Keilani’s POVPagkaupo ko sa sofa, parang lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip kung paano ko haharapin ang susunod na araw sa dami ng kailangang gawin. Pero kahit pilit kong pakalmahin ang sarili, napansin kong parang mas mabilis ang tibok ng puso ko kaysa dati.Pumikit ako at huminga nang malalim. Baka dahil lang sa pagod. Kailangan ko sigurong magpahinga nang maaga.Narinig kong umupo si Braxton sa kabilang dulo ng sofa matapos niyang tumawag para mag-order ng pagkain. "Dinner will be here in thirty minutes. Are you sure you’re okay, Keilani?" tanong niya habang nakatingin sa akin.Tumango ako, pero hindi na ako nagsalita pa.Habang naghihintay kami ng pagkain, bigla akong nakaramdam ng init sa loob ng katawan ko. Parang ang bigat-bigat ng hangin sa paligid. Tumayo ako at tinungo ang bintana para magbukas ng sariwang hangin, pero kahit na malamig ang simoy ng gabi, parang hindi pa rin ito sapat para maibsan ang init na nararamdaman ko."K
Keilani’s POVPagkatapos ng mahabang trip namin, bumalik na rin ang lahat sa normal. Si Braxton, maaga pang pumasok sa trabaho. Nagpaalam siya sa akin kaninang umaga habang inaayos ko pa lang ang unan sa kama. Mabuti nga at namamansin na siya, kinabukasan kasi matapos ang pagsapak sa kaniya ni Sylas dahil sa kakulitan niya, nagtanong siya kung anong nangyari at sa ibaba siya ng kama nakatulog. Wala siyang kaalam-alam na pagkatapos siyang makatulog dahil sa sapak ni Sylas sa mukha niya ay nag-sëx pa kami ni Sylas. Tuwang-tuwa ako ng gabing ‘yun kasi hindi lang isa, kundi two round ang nangyari sa amin. Lahat ng round sa loob niya pinutok ang tamöd. Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw ay mabuntis na ako ni Sylas."I’ll see you later, Keilani. Don’t overwork yourself, okay?" sabi niya habang hinahalikan ang noo ko. Ngumiti ako nang tipid at tumango. Nasa mood siya kasi nangako ako sa kaniya na hindi na aalis ng gabi at doon na matutulog palagi sa bahay namin. "Take care," sago
Keilani POVPagpasok ni Braxton sa kuwarto namin, agad akong nakaramdam ng pagod na hindi lang pisikal kundi emosyonal din. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya kahit nasa may pintuan pa lang siya. Pasuray-suray siyang lumapit habang hawak ang isang baso ng kung anuman ang iniinom niya sa dagat kanina."Keilani, love," tawag niya habang pilit na inaabot ang aking kamay. "You’re still awake! That’s good. Come on... let’s spend some time together. Nasa mood akong makipag-iyutän ngayon sa ‘yo. Nami-miss na kitang bayuhïn."Napatingin lang ako sa kaniya, pilit na iniintindi ang sitwasyon. Alam kong lasing na siya, kitang-kita sa mga mata niyang namumula at sa ngiting tila walang problema sa mundo. Pero ako? Pagod na pagod na ako sa buong araw na ito. Kailangan ko ng pahinga. Isa pa, kakabayö lang sa akin kanina ni Sylas, kaya wala talaga ako sa mood ngayon, lalo na’t paumaga na."Braxton, lasing ka na. Please, matulog ka na lang. I need to rest," sabi ko nang mahina habang pilit na pinakalm