Chapter 1
Kahit Hindi Na Ako
#KHNA
Carleigh Quintos
"Eh kasi naman po DJ Leigh, binasted ko siya noong nanligaw siya sa akin. Hindi ko naman kasi inaasahang magugustuhan ko din naman pala siya eh. Ano pong gagawin ko para mapansin niya ulit? I need your advice for this," ani Den na siyang caller sa 'My Sad Leigh Story' ngayong araw. Isa na akong DJ sa DHK, isang sikat na radio station at itong bahaging ito ang pinaka-inabangan ng listeners sa programa kong 'Leigh-sen To Me'.
"Ay naku Den, mukhang ang hirap nga niyan. Binasted mo na kasi iyong tao eh, siyempre kung ako ang nasa sitwasyon ng lalaki ay matatakot na ulit akong sumubok. Hindi kasi madaling ma-reject ng taong gusto natin, diba? May communication pa naman kayo?"
"Yes po. Nagkaka-chat or text naman po kami pero hindi na ganoon kadalas. Something's change, nararamdaman ko 'yon."
"At may nililigawan na siyang iba?"
"Iyon po ang nabalitaan ko pero hindi ko pa po alam kung totoo. May nagsasabi naman po kasing friends lang sila. Ewan."
"Okay. Ganito na lang, first huwag kang po nang po at masyadong nakakatanda."
Sabay pa kaming tumawa.
"Siguro ay dapat mo munang alamin kung totoo bang may nililigawan na siya, after that ay siguraduhin mo rin munang gusto mo talaga siya dahil baka masaktan mo na naman lang siya in case na may pagtingin pa siya sayo. Humanap ka ng pagkakataong masabi mo sa kanya ang totoong nararamdaman mo. Wala namang masama kung maging tapat o magtapat tayo ng nararamdaman sa mga lalaki. Uso naman nga ngayon ang babae na ang nanliligaw sa mga lalaki eh." Tumawa pa ako kasabay ang clapping effect para pagaanin ang usapan. Parang napupuruhan ako ngayon sa mga salitang lumalabas sa bibig ko mismo.
"Den nandiyan ka pa ba?" tanong ko.
"Opo, nakikinig po ako."
"Mukhang hindi eh, pino-po mo pa rin ako."
Natawa na naman ito.
"So 'yun na nga, pero kapag sa tingin mo ay wala na talagang pag-asa pa. Eh di move-on na lang tayo, Den 'no? Huwag nating ipilit ang mga bagay na hindi pwede. Kasi kung kayo talaga para sa isa't-isa ay mangyayari iyon ng kusa. Kahit gaano niyo pa nasaktan ang isa't-isa, kung kayo talaga ay kayo talaga."
"Maraming salamat DJ Leigh, gagawin ko ang sinabi niyo."
"Wala ka namang choice kundi gawin ang advice ko, ano pa't tumawag ka rito?"
Tumawa na naman ako para magmukhang biro ang sinabi ko. Mukhang pati itong caller ay nahahawa na lang din sa kabaliwan ko. Araw-araw ba naman akong ganito.
"Maraming salamat sa pakikinig DJ Leigh. Sobrang idol ko po kayo at ang ganda-ganda niyo po sa personal."
"Ay enebe nemen. Huwag kang maingay dahil maraming nakikinig. Salamat din at isa ka sa naging callers sa programang ito. Sana ay may naitulong ako."
"Meron po. Maraming salamat ulit."
"Walang anuman, Den. God bless."
"God bless din po." At namatay na ang linya hudyat na dapat ko na ring isara ang programa.
"Isa na namang sad leigh story ang nabigyan natin ng pansin at oras para pagnilayan ito. Huwaw! Pinagnilayan ko ba talaga 'yon?" Tumawa ako sa sarili kong linya at kasabay din naman niyon ay ang laughing effect. Ganito talaga kapag DJ on air, para kang baliw. Kailangan mong magkaroon ng split personality.
"Maraming salamat sa mga walang sawang nakikinig sa boses at kabaliwan ko. Sa mga nagmamahal sa programang ito. Oras na para magsara ulit tayo! This is your DJ Carleigh saying please Leigh-sen To Me, every day! God bless everyone!"
At doon na natapos ang programa ko. Tumayo na ako at lumabas ng room. Nagbatian pa kami ni Pazz na siyang susunod na sa akin.
"Great job Carleigh, the prettiest dj on eart," malapad ang ngiting saad ni Calix. Isa rin itong DJ.
"Thank you Cal." Lumabas na ako ng station at dumiretso sa La Conchita Coffee Shop. Ito talaga ang favorite CS ko. Madalas ako ritong nakatambay pero nitong mga nakaraan ay napapadalang na ang punta ko dito. Ngayon naman lang ulit matapos ang mahigit isang buwan na hindi pagpunta rito.
Bago kasi ako sumalang kanina ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Hazel na magkita kami rito. Kasama raw nito sina Kyra at Ryza. Apat kasi talaga kaming magkakaibigan. Nagkahiwalay lang kami dahil magkaibang school na ang aming pinasukan noong mag-college kami.
Si Hazel lang ang nakasama ko rito sa Manila dahil pareho kaming Mass Communication ang kinuhang kurso samantalang sina Kyra at Ryza ay naiwan sa Masbate dahil mas gusto nilang doon tapusin ang pag-aaral. Sa ngayon ay pareho na itong Public Accountant.
Masaya ako na maayos ang takbo ng career naming magkakaibigan at mas masaya ako dahil nalaman kong nasa iisang lugar na pala kaming apat ngayon. Sa wakas ay naisipan din nilang lumuwas ng Manila.
"Oh my God, Leigh!" impit na tili nina Kyra at Ryza nang makita ako. Dali-dali ko naman silang nilapitan at niyakap.
"It's been 2 years na hindi tayo nagkita, tama ba?" masiglang tanong ko pa. Sabay naman silang napatango. Gano'n na katagal na hindi ako nakauwi ng probinsiya.
"Ang ganda-ganda mo na lalo, in fairness naman ah?" puri pa sa akin ni Kyra. Sila rin naman, mas lalo silang gumanda. Well, wala namang pangit sa aming magkakaibigan eh.
"Duh? Matagal na akong maganda 'no?" Nagtawanan pa kami. Sobrang na miss ko talaga ang dalawang ito.
"In fairness naman Carleigh ha? Nakinig kami sa Sadleigh special mo ha? Lakas maka-advice, halatang may pinanghuhugutan ah?" patutsada ni Hazel. Natawa naman ako sabay iling.
"Pa-issue ka lagi ha? Walang ganon. Wala akong love life para may panggagalingan yong mga linyahan ko 'no?" depensa ko sa aking sarili.
"Magjowa ka na kasi," suhestiyon ni Kyra.
"Wow ha? Para namang ako lang ang walang jowa sa ating apat?" bwelta ko na ikinatawa namin. Puro kwentuhan at tawanan lang kami. Hindi na nga namin namalayan ang oras eh.
Hapon na rin ng mapagpasayahan naming maghiwa-hiwalay na. Nasa B's Condo Units pala ang dalawa, samantalang kami naman ni Hazel ay nasa LC Condo Units naman. Pero magkakaibang location nga lang.
Dumaan pa muna ako sa LC Mall para bumili ng damit. Marami naman na akong damit pero hindi ko alam kung bakit mas gusto kong araw-araw akong may bagong collection ng LD garments. Favorite ko talaga si Lilah Daza na siyang head designer and owner ng Lala Boutique. Batch mate and schoolmate ko rin ito.
Naalala ko pa ngang kami lagi ang ikinukumpara ng mga stupident eh. Pero hindi ko rin naman matindihan kung bakit. Yeah, pareho kaming maganda, sexy at matalino pero magkaiba naman ang personality namin. It's like serious type si Lilah samantalang ako ay parang ipinanganak sa palengke sa sobrang kadaldalan. Kaya nga naging DJ ako eh.
Kababayan ko rin pala si Lilah Daza. At ang rinig ko nga ay ikakasal na ito kay Alester Hernandez na isa sa Hernandez boys at siyang naging CEO ng La Conchita Company. Ang swerte nila isa isa't-isa. Bagay sila. Sana all na lang talaga.
Pumasok na ako sa Lala Boutique at agad na namili ng damit. Isang crop top, hanging blouse at pantulog na damit ang napili ko. Agad din na pumanhik ako sa counter. Napataas-kilay pa ako nang may biglang sumingit sa unahan.
Kung ang ibang mga babaeng nasa pila ay halos mangisay dahil sa lakas ng dating ng lalaking singitero ay ako naman ay hindi mapigilang mairita. Kapag lalaking gwapo talaga ay palaging nakakakuha ng special treatment. Ang ganda pa ng ngiti ng cashier.
"Gwapo nga, singitero naman," wala sa hulog kong sambit. Lahat naman ay napalingon sa akin maliban sa lalaking nasa unahan.
"Bakit? May problema ba?" tanong ko pa sa kanila. May nanlaki pa ang mata na para bang nakakita ng multo sa katauhan ko.
"Oh my gosh, DJ Carleigh! OMG!" tili ng teenager na nasa pila.
Doon na ako naalarma ng lahat ng nasa loob ng boutique, babae o lalaki ay napatingin na sa akin at hudyat na magsisimula na ang commotion. Bigla na lang din akong nawala sa aking sarili. Tiyak na pagkakaguluhan ako rito. Ang bilis ko namang na karma. Minsan na nga lang magmaldita eh.
"Shit," mahinang usal ko. Mas nagulat pa ako ng may mga kamay na humawak sa pulso-pulsohan ko at basta na lang akong hinila palabas ng boutique. Meron pang nagtangkang habulin ako pero mabilis ang kilos ng lalaking nanghihila sa akin. Mabilis kaming nakakubli sa bandang game zone.
Sobrang lakas ng tibok ng aking puso dahil sa pinaghalong kaba dahil sa nangyayari at sa pagod na rin.
"Thank..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mapagtantong ang singiterong lalaki pala ang kasama ko ngayon. Naka-mask pa ito. Nanliit na lang bigla ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Magsasalita na sana ako nang mapagtanto kong nasa kamay ko pa pala ang damit na dapat ay babayaran ko na.
Gusto kong magpadyak dahil sa inis pero hindi ko ginawa. Mariin na napapikit na lang ako saglit. Ito talaga ang isa sa pinakaayaw ko sa trabahong meron ako eh. Nawawalan ako ng kalayaang maglagalag kung saan dahil kapag may nakakakilala sa akin ay hindi pwedeng walang lumapit sa akin.
Okay lang naman kung isa o dalawa pero iyong marami ay baka nasu-suffocate lang ako. I mean, ayokong pinagkakaguluhan dahil pakiramdam ko ay literal na mawawalan ako ng oxygen sa katawan. At higit sa lahat ayoko ng sobra-sobrang atensiyon at kasikatan. Pero sadyang kasabay na nga siguro iyon sa trabahong pinasok ko. Dinaig ko pa ang isang celebrity, nakakainis!
Napatingin ulit ako sa lalaking kasama ko pa rin. Hindi man lang ito nagsasalita. Bitbit na nito ang paper bag na galing sa LB. Kung hindi lang ito sumingit ay baka hindi ako nakapagsalita at hindi rin ako napansin ng mga tao doon.
"Hoy Mister! Kasalanan mo ito eh! Next time kasi huwag kang sumingit na lang nang basta. Ayoko sa mga singitero o singitera, kaya nga may tinatawag na pila eh. It means, first come, first serve. Hindi porke't malakas ang dating mo ay kailangan ikaw ang nauuna palagi. Matuto ka ring gumalang sa kapwa mo. Hindi mo ba alam ang good manners and right conduct? Wala ba kayong GMRC subject nong elementary? Values nong high school at P.E nong college?" asik ko pa at inirapan ito.
Anong connect ng P.E? Eh di para matutunan niya ang tamang kilos o galaw, hindi iyong singitero siya!
Wala akong pakialam kung anong sasabihin niya sa akin. Partida at alam kong kilala niya na ako dahil sa kakatili kanina ng mga nakasama namin sa boutique.
Naalala kong once kaming nagkita noon ni Lilah sa boutique at nagpalitan pa kami ng calling card. Last year pa iyon at sana naman ay hindi siya nagpalit ng number. Hindi man halata pero magkakilala talaga kami ni Lilah noong college palang kami.
Paano ba namang hindi eh siya ang Suma at ako ang Magna niya? Tanggap ko naman na mas matalino talaga siya sa akin. Hindi naman ako iyong taong nuknukan ng insecure sa katawan eh. Ang mahalaga sa akin ay pareho kaming matalino at maganda.
Napangiti na lang ako nang makita kong naka-save sa contact ko ang number nito. I need her help right now. Bahala na ito, kakapalan ko na talaga ang mukha ko.
"Hello? Who's this, please?" pormal pa nitong tanong nang sagutin na ang linya. Bahagya akong napasandal sa wall. Ginaya ko lang naman itong mukhang teroristang singiterong ginoong medyo bastos eh. Ang haba niyon, wala man lang punctuation.
"Uhm... Is this Lilah Daza?"
"Yeah, speaking. May I know who is this?"
Napatikhim pa ako at napatingin sa kay Mr. Singitero. Bahagya itong nakayuko at para bang walang balak na iwan ako. Nagmumukha tuloy siyang body guard ko. Okay na rin at baka pagkaguluhan na naman ako.
Iba na talaga ang sikat, nakakawindang ng sistema at the same time ay nakakaasar din.
"This is Carleigh Quintos, remember me? Iyong kambal mo raw?" biro ko pa sabay tawa. Yong hiyang nararamdaman ko ay itinatawa ko na lang. Saglit pa itong natahimik.
"Yeah, Miss Magna, right?"
"Ahuh! You got it Miss Suma." Gano'n talaga ang tawagan namin mula ng grumaduate kami.
"What's up?" usisa niya na. Nagtataka rin siguro ito sa biglaang pagtawag ko.
"Baka may trabaho ka pa, nakaisturbo ba ako?"
"Ah nope, actually nasa LC Mall lang kami ni Alester, nag-iikot. Why?"
"OMG! Talaga ba? Sakto!" halos patili ko pang saad. Naramdaman kong siniringan naman ako ng tingin ng lalaking nasa tabi ko na hindi ko pa rin kilala. Pero iyong pabangong gamit niya ay parang ang pamilyar sa akin eh.
"Bakit? Anong meron?" Walang alinlangang ikinuwento ko rito ang nangyaring kamalasan sa akin. Hindi naman kami gano'n kalapit sa isa't-isa pero sa pagkakataong ito ay para bang isa siya sa kaibigan ko. Komportable naman ako sa kanya, siguro ay dahil baka wala talaga akong hiya. O sadyang ganon lang kabait para sa akin si Lilah.
"Oh. So where are you? Puntahan ka namin. Wala naman sa aking problema kahit hindi mo bayaran 'yan pero you know, you need the receipt for that or else mapagkakamalan kang magnanakaw ng security guard doon sa exit." Napakamot naman ako sa noo. Direkta talaga itong magsalita eh. Tama naman ito, mahigpit pa naman ang seguridad dito sa LC. Kahit magnanakaw na langgam ay walang lusot.
"Kaya nga eh, I need your help. Ayokong bumalik sa boutique mo."
"Okay. Nasaan ka ba?"
"Nasa bandang game zone eh."
"Really? Kugtong ka, nasa game zone na kami eh. Wait... Babe, hanapin ko muna si Carleigh, dito ka lang ah?" saad pa nito. Sigurado akong si Alester ang kausap nito.
"Sama na ako." Napapalatak naman ang babae na mukhang walang magagawa kundi ang isama ito.
"Nasaan ka ba nagtatago?" tanong ulit nito. Nagpalinga-linga naman ako.
"Ah, nasa may left side ng game zone, sa may computer shop."
"Okay, nakita na kita." Hinanap ko naman ito. Napangiti ako ng papalapit na ito sa gawi ko.
"Thank you Lilah, you're my angel talaga. Tingnan mo nga ito at nasa mga kamay ko pa." Ipinakita ko pa sa kanya ang damit. Natawa lang ito. Nginitian ko lang din si Alester. Tipid naman itong ngumiti.
Alien din talaga, buti at nagkakasundo naman sila.
"Zei?" tanong pa ni Alester sa kasama ko. Halos mawala na sa isip kong may kasama pala akong alien din.
Sabay kaming napatingin ni Lilah sa lalaking tinawag na Zei ni Alester.
Zei? Wait...
Pinakatitigan ko ang lalaki. Unti-unting kinikilala ng paningin ko ang kanyang mga mata at ang klase ng tingin na ibinibigay nito sa akin ngayon. Napahawak pa ako sa braso ni Lilah nang mapagtantong si Zeiroh Hernandez pala ang kasama ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na naman lang bumilis ang tibok ng aking puso ng direktang magtama ang paningin namin sa isa't-isa.
"Zei? Iyong pinsan mo?" bantulot na tanong ni Lilah sa kanyang soon-to-be husband samantalang ako ay tila ba nalunok ko na ang dila ko.
"Yes. What's up? Nakauwi ka na pala from Paris?" tanong pa ulit ni Alester sa pinsan nito. Hindi man lang ito nag-abalang tanggalin ang kanyang mask.
"Yeah. Nag-iikot ikot lang ako," tipid niya pang sagot.
"Magkasama kayo?" usisa ni Lilah. Sunod-sunod na iling naman ang isinagot ko. Hindi pwedeng malaman nila na magkasama kami at baka kung ano pa ang isipin ng mga ito.
"Ah no. Nagkataon lang na nandito siya nong tumago ako rito," palusot ko pa.
"Galing ka ding LB, Zei?" usisa pa sa kanya ni Alester sabay tingin sa paper bag na hawak niya. Gusto ko namang mapasapo sa noo. Mukhang mali pa ang palusot ko ah.
"Yeah but hindi nga kami magkasabay," tanggi niya rin. Nakahinga naman ako nang maluwag.
"Do me a favor Zeiroh. Pwede bang ilagay mo na lang diyan sa paper bag mo itong damit ni Carleigh? Para naman hindi na siya mag-abalang makipila ulit doon. Baka kasi hindi siya palabasin dito kapag bitbit niya lang 'yan."
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabing iyon ni Lilah. Saglit pa akong natahimik. I thought tutulungan ako nito, bakit tila ipinahamak lang ulit ako nito sa lalaking ito?
"No, hindi na bale. Babayaran ko na lang ito doon. Baka wala naman na ring customers doon eh," tanggi ko pa. Ramdam ko ang titig niya sa akin kaya mas naaasiwa pa ako.
"Hindi nawawalan ng customers sa LB unless pasara na ito," natatawa pang sambit ni Lilah. Sinimangutan ko siya.
"I thought tutulungan mo ako?" maktol ko. Mas lalo pa itong natawa.
"Yeah, tinutulungan na nga kita. Tutal naman nandito si Zeiroh. Pwede kang makilagay sa paper bag niya. Libre ko na 'yan sayo. Lagi kitang ililibre, just text me up lang kapag napagawi ka sa LB. Kakausapin ko na ang staffs doon."
Natuwa naman ako dahil sa sinabi niya. I really love LD garments but kakayanin naman kaya ng bituka kong makisama sa isang alien?
Oh well Leigh, hanggang exit lang naman. Biyaya na ito from Lilah Daza, your favorite designer, patusin mo na.
"Okay, fine." Basta ko na lang kinuha kay Zeiroh ang paper bag niya at iniligay ang damit. Wala man lang itong naging reaction.
"Ayan, problem solve. Mauna na kami sa inyo. Bahala na kayong magdiskusyon," paalam nito at hinila na paalis si Alester. Naiwan naman kaming walang imikan.
Bakit ba hindi ko agad ito nakilala? Tatlong taon din na hindi ko ito nakita. Tatlong taon na rin ang nakaraan mula noong bastedin ko ito. Graduating na kasi siya noon samantalang ako ay nasa 3rd year palang. Siguro naman ay hindi na ako nito gusto. Baka nga ay may girlfriend na ito ngayon eh.
Napasinghap naman ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Ako na magdadala nito," saad ko. Akmang maglalakad na ako pero agad na nahawakan niya ang kamay ko. Wala sa sariling napadako ang tingin ko doon. Agad naman siyang napabitaw. May dinukot siya sa bulsa ng kanyang hood. Mask din iyon at kulay peach pa. My favorite color.
"Wear this. Don't be so reckless Miss Quintos. You're not kid anymore," aniya saka kinuha ang paper bag na hawak ko at nauna ng naglakad. Napatingin na lang ako sa mask na hawak ko na pala at isinuot na lang ito. Sinundan ko na lang siya. Akala ko ay mag iikot pa siya pero hindi. Direktang exit door ang lakad niya.
Hindi na daw ako bata? Eh bakit noon ba ay bata ako sa paningin niya? Wow. Just wow.
Huminto lang siya sa paglalakad nqng nasa parking lot na kami. Pumanhik siya sa harap ng sasakyan na katabi din ng sasakyan ko. Pagkakataon nga naman.
Walang imik na binuksan niya ang paper bag at kinuha ang damit na binili niya tsaka iniabot sa akin ang paper bag. Gentleman naman pala. Wow, just wow.
"Thank you Mr. Singitero," saad ko. Kahit magpakabait siya sa akin ay hindi niya maiwawaglit sa isip ko na naningit lang siya sa pila kanina kaya nakapagbayad agad siya.
Tinanggal naman niya ang kanyang mask at lumantad ang gwapo niyang pagmumukha. Napatulala naman ako sa kanya. Hindi hamak na mas naging gwapo pa siya.
"Stop calling me singitero dahil hindi ako naningit. Nauna naman talaga ako, umalis lang ako saglit sa pila dahil may tumawag sa akin," walang emosyong paliwanag niya.
Napamaang naman ako. Ang suplado pa rin pala pero mukha namang may improvement siya. Mahaba na rin siya kung magsalita. Hindi tulad ng huli naming pag-uusap. Napakaboring at halos bilhin ko na ang salitang lumalabas sa kanyang bibig.
"Okay? Galit agad? Nagpapaliwanag ka ba sa lagay na yan? Anyway, thank you ulit and nice meeting you here again," nkangiti ko pang saad. Siyempre, kailangan nating maging mabait sa taong tumulong sa atin kahit na halfhearted lang iyon. Tsaka, nakakatakot makarma no?
"Walang 'nice' sa pagkikita natin ulit," asik niya pa saka pumasok na sa sasakyan. Napatulala naman ako at pilit na ipinoproseso sa utak ko ang kanyang huling sinabi.
"Walang 'nice' sa pagkikita natin ulit."
Nagpaulit-ulit pa iyon sa aking kukuti. Nagulat pa ako ng bumusina siya. Nagising ang diwa kong malayo ang lipad dahil sa sinabi niya.
Kung ang iba nga ay hinahabol pa ako kapag nakikita pero siya ay hindi natuwa na nagkita kami?
Wow, just wow! Kugtong siya, kugtong!
Tinanaw ko na lang ang kanyang sasakyan na paalis na habang nanliliit ang mga mata. Kung makaasta ay para bang hindi siya nagtapat sa akin noon na gusto niya ako? Psss! People change, so as the feelings Carleigh.
______
Vote★ Comment★
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotNakabusangot na bumangon na ako. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng gising ko. Halos mapatili pa ako nang matapat ako sa salamin ng banyo. Akala ko zombie, iyon pala ay sarili ko mismo, tsk.Hindi ako masyadong nakatulog kagabi eh at hindi ko alam kung bakit puro mukha ni Zeiroh ang nasa isipan ko. Tsaka nagpapaulit-ulit din sa aking kukuti ang sinabi niyang wala daw 'nice' sa pagkikita namin.Eh di wow. Just wow. Di man siya gwapo ba, batig nawong!Naiinis ko na dinuro ang sarili sa salamin. "Please naman Carleigh, maawa ka sa kaluluwa mo, huwag mong iisipin ang kugtong na iyon, okay? Maligno ang lalaking iyon! Maligno!" Sinampal-sampal ko pa ang aking sarili at bigla na lang binuksan ang shower. Napatili na naman ako dahil sa lamig."Sus, ginoo! Katugnaw ba!" Sina
LC Series #2Kahit Hindi Na Ako“Oh shit!” Mahinang pagmumura ang tanging nagawa ko dahil sa pakiramdam ko ay may nakasunod talaga sa akin eh. Kanina ko pa nararamdaman iyon mula ng lumabas ako ng Mall hanggang dito sa Coffee Shop.Dali-dali akong pumasok ng CS at agad na naghanap ng makukublian. May taong nagbabasa ng libro sa isang sulok kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, agad na pinuntahan ko ito at basta na lang na inagaw ang librong hawak niya at nagkunwari rin na nagbabasa. Ginawa kong pantakip sa mukha ko ang libro pero nakikiramdam pa rin ako. Pasimple akong sumisilip sa entrance door ng coffee shop.Mula sa kinauupuan ko ay nakita kong pumasok ang lalaking nakacap at sunglass. Para akong nakakita ng gangster in real life sa katauhan nito. Bumilis ang tibok ng aking puso. Huli na ng namalayan kong napahilig na pala ako sa katabi ko na siyang may-ari ng librong na hawak ko.
Kahit Hindi Na Ako“What?! Nagkita ulit kayo ni Zeiroh? Tapos? Anong nangyari? Excited ako sa ganap niyo, ‘langya! Kwento ka na dali!” masiglang saad ni Hazel. Nasa La Conchita CS kami ngayon sa loob mismo ng LC Mall, hindi doon sa CS na palagi kong pinupuntahan. After ng programa ko kanina ay dito na agad ang diretso ko.“Wait lang, sinong Zeiroh?” naguguluhang usisa ni Kyra. Napakamot na lang ako sa noo, wala nga pala silang alam ni Ryza tungkol sa bagay na ito. Hindi ko naman na kasi pinagtuonan pa ng pansin ang pangbabasted ko noon kay Zeiroh Hernandez eh. Hindi big deal iyon sa akin. Ang gusto ko lang naman kasi noon ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang pamilya ko sa hirap. That’s it and I’m happy that I did it already.Pakiram
Kahit Hindi Na AKoLC Series #2“Ah yes Joeyce? I’m sorry, what’s your question again?” usisa ko sa caller. Kanina pa talaga ako wala sa hulog at alam kong nahahalata na ako ng mga kasamahan kong nasa labas lang. Paano ba naman eh wala akong tulog. Binagabag ako ng konsensiya ng apakan ko ang paa ni Zeiroh dahil sa inis at tumatakbong tinalikuran siya kagabi.“Masakit? Sa tingin mo sino ang mas nasasaktan? Iyong taong laging tinatalikuran o iyong taong tumatalikod na lang ng basta?” Whatever. Itinuon ko na lang ulit ang atensiyon ko sa caller.“Nararamdaman ko pong hindi na talaga ako ang gusto niya, na parang lumalamig na siya sa akin. Tama pa po b
"Concern lang ako sa mga taong pabaya sa sarili nila. Tingnan mo nga 'yang katawan mo, buto't-balat ka na lang," dagdag niya pa. Pumasok kami sa kitchen at sapilitan niya pa akong pinaupo.Bwiset talaga! Hindi ko alam kung saan ako aangal, sa sinabi niya bang hindi niya na ako gusto o sa panlalait niya sa katawan ko."I-m sexy, duh? Makalait ka naman ay wagas. Mas kalansay pa nga ang katawan ni Marie kaysa sa akin eh.""What's kalansay?"Skeletal, kugtong ka!Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang bigat ng pakiramdam ko, gusto kong umiyak pero paano? Eh nandito ako sa lungga niya eh."What's kalansay nga?" pangungulit niya. Nagsuot siya ng apron habang naghihintay ng sagot sa kanyang katanungan.Sinong hindi magkakagusto sa taong ito? Eh kahit yata basahan ang ipasuot sa kanya ay litaw pa rin ang kagwapohan.Sa sobrang gwapo niya, ang sarap niyang isako at iuwi ng Masbate. Nakakairita nga lang ang ugali niya. Insensitive! Sarap papakin ng buhay eh."Tumutulo na 'yang laway mo," aniya pa,
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"Saan ang punta mo Leigh?" tanong sa akin ni Hazel sa lasing na na tono. Apat na bote pa nga lang ng soju ang aming naubos ay hindi na maipagkakailang may mga tama na. Kung sabagay, ako nga rin ay tila ba umiikot na ang mga planeta sa paligid ng ulo ko eh."Sa kwarto, babalik ako.""Bilisan mo at uubusin natin itong tatlo pa dito," saad nito sabay turo ng hindi pa nabuksan na inumin. Nailing na lang ako. Kakayanin pa ba namin? Ni halos hindi na nga makagalaw si Kyra. Hindi kasi talaga kami sanay sa inuman eh. Mahihina ang tolerance namin sa alak. "Oo, saglit lang ako.""Kaya natin 'yan, cheers!" sigaw ni Kyra na siyang lango na talaga sa alak. Lasing na din talaga ang tono nito at pikit-mata na."We can do it, girls! Tiwala lang sa sarili," segunda naman ni Ryza."Cheers!" sigaw naman ni Hazel.Natatawa na iniwanan ko na sila. Pagiwang-giwang naman na pumasok ako sa kwarto. Hinihilot ko pa ang kumikirot kong sentido. Hindi ako pwedeng malasing ng t
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"Natahimik ka diyan?" asik niya na naman ng hindi na ako nakasagot pa. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Ang tanga ko sa part na inakala kong panaginip lamang iyon. Totoo pala ang nasa ala-ala ko. Nagtapat ako sa kanya kagabi. Baka noong nakatulog na ako ay dinala niya na lang ulit ako sa unit ko. Napayuko na lang ako tinampal ang sarili kong noo. Shit, Carleigh! Ano na? Bahala na ito, tutal nasimulan ko na rin naman ito eh."Pagdating sa pag-ibig, anuman ang sinasabi ng puso mo 'nak ay iyon dapat ang sundin mo. Mas maganda kung hindi mo ito sasalungatin, kapag kasi sinusuway natin ang ating damdamin ay mas lalo lang tayong mahihirapan.""Eh Ma, hindi po ba na malaki ang chance na masaktan tayo kapag lagi nating sinusunod ang gusto ng ating puso?""Natural lang naman na masaktan ka kapag nagmahal ka Carleigh. But trust me, kapag true love ang natagpuan mo, worth it lahat ng sakit o hirap na
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotMatamlay ang katawan na naglakad-lakad ako sa park malapit sa La Conchita Condo Units. Madilim na ang paligid at malamig na din ang simoy ng hangin. Napatingala ako sa kalangitan. Mukhang uulan pa. Naupo ako sa isang bench at napayuko. Sinipa ko ang may kalakihang batong nasa paanan ko. Nasaktan ako sa ginawa kaya aking na kumpirma na hindi ako nananaginip lang. Totoo ang lahat ng ito. He fell in love first and I fell in love with him so hard at the end. Biglaan lang at hindi ko man lang napaghandaan kaya heto ako, durog na durog at hindi alam kung paano pa ba bubuuin ang sarili ko. "Totoo ngang magpapakasal na si Zeiroh Hernandez at iyong anak ni Mayor Lapid 'no?" rinig kong saad ng babaeng dumaan sa may gawi ko. "Oo nga, iyon ang napapabalita eh. Saka meron pa akong nakitang post sa Facebook eh. Confirm, ikakasal na nga sila."Tila nabato naman ako sa aking kinauupuan ng marinig iyon. Ang puso kong durog na durog ay tila tuluyang natunaw.Marii
La Conchita Series 2Kahit Hindi Na Ako"Welcome to Masbate City, baby," bulong ko kanya. Ngumiti lang siya at inalalayan na akong makababa ng eroplano. "This place is quite nice, baby.""No, this place is amazing, baby."Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Naglakad na kami papalabas ng port. Siya na rin ang may dala ng bagahe namin.Mas nauna kasi kaming umuwi kaysa sa kina Lilah at buong angkan ng Hernandez. Bukas pa ang flight ng mga iyon papunta rito. Sa totoo lang din ay kinakabahan talaga ako. Hindi ko sinabi sa pamilya ko na kasama ko ang boyfriend ko."Tito Leandro!" tawag ko sa kapatid ni Papa na siyang sumundo sa amin. "Leigh! Aba'y ang ganda mo na lalo, ah? Sinong kasama mo?""Ahh, si Zeiroh Hernandez po Tito, boyfriend ko.""Hello po Tito Leandro. I'm Zeiroh, nice meeting you po." Pinakatitigan naman siya ng tiyuhin ko. Tila ba kinikilatis. Napakagat labi na lang ako."Ang gandang lalaki mo naman hijo tsaka mukhang mayaman din. Mukhang magkakaproblema ka sa kapatid k
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"Oh? Kanina ka pa?" nakangiti kong tanong kay Zeiroh na prenteng nakasandal sa kotse na nakaparke sa harap ng radio station. "Uhm... About 10 minutes. Let's go?""I have my own car. Where are you going, by the way?' "It's Alester and Lilah's engagement party, remember?" Napakamot naman ako sa noo. Nakalimutan ko pala. Tinawagan pa naman ako ng isang iyon kagabi. Buti na lang at ipinaalala niya."Oo nga pala. Pwedeng dumaan muna ako sa condo? Maaga pa naman eh. Just want to take a nap." Tumango naman siya at inakbayan ako. "Pasabay na lang ako, nakisakay lang din ako papunta rito kanina kay Enzou.""Eh kaninong kotse 'yan?" usisa ko sabay turo ng sinandalan niya. Nagkibit-balikat lang siya. "Ayaw mo akong pasabayin...""Ang drama mong kugtong ka, let's go."Naglakad na ako papuntang sasakyan ko at agad na sumampa sa driver seat. Walang imik na pumasok din siya."Bakit naka-hood ka? Hindi ka ba naiinitan?" puna ko pa."Hindi tsaka mukhang uulan nam
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotNakahinga ako ng maluwag nang makalapat ang likuran ko sa kama ng sarili kong kwarto. Sa wakas ay nasa unit ko na ulit ako. Dalawang araw din akong namalagi sa unit ni Zeiroh at kanina nga ay nagulat na lang ako nang kausapin niya ako na maayos na ulit itong unit ko.Bumangon na ako at pumasok sa shower room para maligo. Nagbihis at nag-ayos na rin naman agad dahil gusto ko pa munang dumaan sa La Conchita CS eh. Namiss ko ring tumambay doon.Tahimik na lumabas ako ng building. Siguro nga ay totoong hiwalay na talaga si Zeiroh at Marie dahil sa hindi ko naman na nakikita ang babae na napapadalaw dito. Napailing na lang ako at sumakay na ng kotse. Pinaharurot ko na iyon papuntang CS. Pagkarating ko ay agad akong pumanhik sa loob. "Uy, 'day! It's nice to see you here!" Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng matinis na boses iyon. Napakurap-kurap pa muna ako. "Vernitt? Is that you?" masiglang usal ko. Classmate at naging barkada ko rin ito
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"T-eka," angil ko sabay hinto sa paglalakad nong nasa harapan na kami ng main door nila.Sobrang ganda at laki ng bahay nila. Iyong mga halaman na nakikita ko ay halatang mamahalin at hindi pankaraniwang ang mga ito."Bakit?""Kinakabahan ako Zeiroh, bakit kasi pabigla-bigla ka naman? Tingnan mo nga't ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko," walang alinlangang kong saad.Bahagya naman siyang tumungo at inilapat sa dibdib ko ang kanyang isang tenga. Talagang pinakinggan niya nga ang kalabog aking puso."I can hear it, baby."Napaatras naman ako, muntik pa akong sumubsob sa halaman na nasa likuran ko, buti na lang at nahapit niya agad ang aking bewang papalapit sa kanya. "Relax, okay? Nandito naman ako eh. Ako ang bahala sayo, trust me, mababait naman ang parents ko," bulong niya pa sa akin at sakto namang pagbukas ng pinto. Bumungad ang nakataas-kilay at nakapamewang na agad na babae. Sa hula ko ay mas bata ito sa akin ng isa o dalawang taon. Maganda
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotDahan-dahan akong lumabas ng kwarto habang bihis na bihis na. Napakagat ako sa labi nang makitang tulog pa rin si Zeiroh sa sofa. Marahan akong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Nakatulog kaya siya ng maayos? Napasinghap na lang ako. Kailangan kong makalabas dahil inaya ako ng mga kaibigan ko kagabi na magsimba. Baka kasi hindi ako payagan nito na lumabas kaya tatakasan ko na lang siya. Safe naman na siguro ako sa labas dahil naipakulong niya na iyong nagtangkang pumatay sa akin kasama na iyong dalawang adik sa bar.Akmang maglalakad na ako papuntang pinto ng bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko. Halos mapatalon pa ako dahil sa gulat. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapakuyom na lang."Good morning," bati niya pa sabay siring ng tingin sa suot ko. Bahagya na agad na nakakunot ang kanyang noo."Good morning.""Where are you going, huh? Ang aga pa," aniya sabay hikab. Napatitig tuloy ako sa kanya. Gwapo pa rin kahit na medyo magulo ang kanyang
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"If you need something, sabihan mo lang ako Leigh."Masamang titig ang ibinigay ko sa mga paper bags na nasa harapan ko ngayon. Mga bagong biling damit at kung ano-ano na binili niya para sa akin. Mukhang wala man lang siyang balak na pauwiin ako sa sarili kong unit. Na-appreciate ko naman pero bakit kailangan ay bilihan niya pa ako ng mga gamit eh nasa harapan lang naman ang tinitirahan ko? Pwede ko namang kunin ang anumang gamit na kailangan ko."Don't worry, ang mga undergarment diyan ay si Jazh ang bumili, hindi ko rin 'yan tiningnan o hinawakan."Pakiramdam ko naman ay nanginit ang mukha ko. Napapikit ako dahil sa frustration na nararamdaman dahil sa sitwasyong ito."Sa kwarto ka na lang din matulog, dito na lang ako sa sala.""No, ako na lang ang dito, ikaw na lang sa kwarto mo," tanggi ko. Nakakahiya naman kasi, siya itong may-ari ng unit na ito pero mukhang siya pa ang kailangang mag-adjust."Doon ka nga sa kwarto ko.""Dito lang ako.""Leigh
Nagising ako na masama ang pakiramdam. Siguro ay dahil na rin sa pagpapaulan na ginawa ko. Pinilit kong bumangon at pumasok sa CR. Naligo ako kahit pa alam kong meron akong lagnat. Lumabas ako at dumiretso sa kitchen. Kinuha ko ang heater at nilagyan ng tubig. Napapalatak ako ng hindi na gumana iyon. No choice ako kundi sa rice cooker mag-init ng tubig. Hindi advisable pero since hindi naman malalaman ng lahat na ginagamit ko din ang rice cooker para mag-init ng tubig ay ayos lang. Kanya-kanyang trip lamang 'yan. Kumuha ako ng cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig. Habang hinihintay na maluto ito ay pumunta ako sa sala at binuksan ang music player ko.Napatawa ako ng pagak dahil sa kantang una-unang pumaimbabaw. Kinuha ko ang gitara na nasa wall at umupo sa sofa. Sinabayan ko ng pagkaskas ang kantang 'Tear drops on my guitar' ni Taylor Swift. Drew looks at me, I fake a smile so he won't see...Napailing na lang ako. Ngayon mas nadama ko na ang mensahe ng kantang ito. Tunay nga
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotMatamlay ang katawan na naglakad-lakad ako sa park malapit sa La Conchita Condo Units. Madilim na ang paligid at malamig na din ang simoy ng hangin. Napatingala ako sa kalangitan. Mukhang uulan pa. Naupo ako sa isang bench at napayuko. Sinipa ko ang may kalakihang batong nasa paanan ko. Nasaktan ako sa ginawa kaya aking na kumpirma na hindi ako nananaginip lang. Totoo ang lahat ng ito. He fell in love first and I fell in love with him so hard at the end. Biglaan lang at hindi ko man lang napaghandaan kaya heto ako, durog na durog at hindi alam kung paano pa ba bubuuin ang sarili ko. "Totoo ngang magpapakasal na si Zeiroh Hernandez at iyong anak ni Mayor Lapid 'no?" rinig kong saad ng babaeng dumaan sa may gawi ko. "Oo nga, iyon ang napapabalita eh. Saka meron pa akong nakitang post sa Facebook eh. Confirm, ikakasal na nga sila."Tila nabato naman ako sa aking kinauupuan ng marinig iyon. Ang puso kong durog na durog ay tila tuluyang natunaw.Marii
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"Natahimik ka diyan?" asik niya na naman ng hindi na ako nakasagot pa. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Ang tanga ko sa part na inakala kong panaginip lamang iyon. Totoo pala ang nasa ala-ala ko. Nagtapat ako sa kanya kagabi. Baka noong nakatulog na ako ay dinala niya na lang ulit ako sa unit ko. Napayuko na lang ako tinampal ang sarili kong noo. Shit, Carleigh! Ano na? Bahala na ito, tutal nasimulan ko na rin naman ito eh."Pagdating sa pag-ibig, anuman ang sinasabi ng puso mo 'nak ay iyon dapat ang sundin mo. Mas maganda kung hindi mo ito sasalungatin, kapag kasi sinusuway natin ang ating damdamin ay mas lalo lang tayong mahihirapan.""Eh Ma, hindi po ba na malaki ang chance na masaktan tayo kapag lagi nating sinusunod ang gusto ng ating puso?""Natural lang naman na masaktan ka kapag nagmahal ka Carleigh. But trust me, kapag true love ang natagpuan mo, worth it lahat ng sakit o hirap na