Share

CHAPTER TEN

last update Last Updated: 2022-11-13 17:14:30
SA LOBBY ng ospital, nag-usap pa muna uli sina Markus at Helena bago nagpas’yang umuwi ang una.

“Maraming salamat, Markus.” ani Helena na hinawakan pa sa braso ang binata. “I promise, you won’t regret it.”

Napangiti ang binata. "Hindi na ako natahimik matapos ang pag-uusap natin, Mam…”

“Helena, Markus. Helena na lang. Kahit sa papel lang tayo magiging mag-asawa, binibigyan kita ng karapatan na maging kaswal na lang sa akin.” Nakangiti si Helena. Halata ang labis na kasiyahan.

“Kahapon pa, nakabuo na ako ng desisyon, H-helena. Pero kanina, nang makita ko kung paano ka nahihirapan sa pagbubuntis mo, at lalo na nang makita ko rin kung gaano kahalaga sa ‘yo ang lola mo, idagdag pang may sakit pala siya at hindi puwedeng bigyan ng mga alalahanin, mas tumindi ang hangarin ko na matulungan ka sa problema mo…”

“Naaawa ka sa akin, ‘di ba?” Malungkot na napailing ang dalaga. “Ayoko sana ng kinaaawaan, Markus. But then, salamat sa simpatiya. And yes, tama ka. Napakalaking tulong ang gagawin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
un tlga ang malungkot na katotohanan kpag mahirap pero since mahal nman ni Markus c Helena who knows later on matutunan ding mahalin ni Helena c Markus
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER ELEVEN

    SA DATING restaurant na una nilang pinagtagpuan, doon uli humantong sina Markus at Helena kinabukasan matapos ang appointment ng huli na may kinalaman sa kan’yang kompanya ng araw na iyon.Nauna si Markus sa tagpuan nila. Medya ora na siyang nandoon nang dumating ang dalaga.“I’m sorry, Markus. I’m late. Kanina ka pa ba?” ani Helena na agad naupo sa harap ng binata.Nasa isang sulok uli sila ng restaurant na iyon. Doon sa hindi gaanong pansin ng iba pang mga kustomer.“Sobrang traffic din kasi at saka may dinaanan din kasi ako.” paliwanag ng dalaga.“Hindi mo kailangang magpaliwanag, M-ma --- ah, H-helena...!" Parang mahirap sanayin ni Markus ang sarili na tawagin ang mayamang amo sa pangalan lamang nito. "Okay lang ‘yon. ‘Di pa naman ako gaanong katagalan dito.”“Yes, but then, nakakahiya din na naghihintay ka sa akin. Teka, ba’t ‘di ka pa nag-order?” sinenyasan ni Helena ang waiter.“Okay lang ako. Busog pa naman ako, eh.”“Hmmnn…ayoko ng laging ‘okay’ lang, ha? Soon, hindi na tayo

    Last Updated : 2022-11-14
  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER TWELVE

    GUMAWI sa tabing bintana si Markus. Tahimik na nanungaw doon. Waring nag-iisip nang malalim. Maya-maya ay humarap uli ito sa pamilya.“Gusto ko sanang umalis tayo rito.” anito. Seryoso.Napamaang ang dalawang matanda.“Alam kong pag-uusapan lang tayo sa lugar na ito kapag nagpakasal na kami ni Helena. Ayaw kong pati kayo ay malagay sa kahihiyan ng dahil sa akin.”Nagkatinginan sina Mang Berting at Aling Lora.“Matagal na tayo sa lugar na ito, anak.” Naisatinig ni Aling Lora.Tahimik lang si Mang Berting.Tumango-tango si Markus. “Pero ang bahay na ito ay hindi sa atin ‘Nay. Nangungupahan lang tayo rito at nakatirik ito sa lupang pag-aari ng gobyerno. Isang araw, babawiin ito ng gobyerno sa kasera natin at paaalisin din tayo rito.“Tutal, binigyan tayo ng pera ni Helena, at galing man iyon sa maling paraan, gamitin na lang natin ito sa tama. Upang sa ganoon, kahit sa pamamagitan lang noon, maging tama ang sitwasyon ng pamilya natin.“Si Elsa, college na sana kung ‘di nahinto sa pag-aa

    Last Updated : 2022-11-16
  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER THIRTEEN

    NAKITA ni Markus ang labis na pagtutol sa anyo ni Helena nang sabihin niya rito kanina ang mga ‘kondisyones’ niya hinggil sa pagpapakasal nila.“Ayoko sana ng engrandeng kasal, Helena. Ang gusto ko’y sa civil lang tayo magpakasal. Sa harap ng Mayor o ng Judge. At pagkatapos ng kasal, ayaw ko rin na sa mans’yon ninyo tayo tutuloy. Hahanap ako ng maliit na bahay na titirhan nating dalawa at ng magiging anak mo…n-natin.”Napamaang si Helena. “B-baka hindi pumayag ang lola, Markus. Pinapangarap niya na makita akong naglalakad patungo sa altar. Na siya ang maghahatid sa akin. At --- gusto niya rin na kahit may asawa na ako, mananatili ako sa piling niya at hindi ko siya iiwan.”Napabuntong-hininga siya. Paano niya ba ipaliliwanag kay Helena na gusto niyang magreserba ng kahit kaunting respeto na lang sa pagkalalaki niya?“P-pero, once na nagkausap na kayo ni Lola, I’m sure, maiintindihan niya ang gusto mong mangyari, Markus.” bawi naman ni Helena pagdaka.Napatango siya. Tumawa pagkuwan. “

    Last Updated : 2022-11-17
  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER FOURTEEN

    AYON kay Mang Boy, napansin na raw niya ang pananamlay ni Mang Berting nang magsadya ito sa kanila matapos igarahe sa may-ari ang tricycle nitong ipinapasada. May bitbit pa raw itong isang bote ng gin at niyaya siyang magpainit ng kaunti habang naghu-huntahan sila. Pinagbigyan naman daw niya ang kumpare.Bumili pa raw ito ng balot at chicharon sa naglalako at iyon ang pinulutan nila.Kung ano-ano lang naman daw ang napagkuwentuhan nilang magkumpare. Nabanggit pa nga raw nito na mag-aasawa na si Markus at baka umalis na sila sa lugar na iyon. Maya-maya raw ay sumandal ito sa silya na inuupuan. Pumikit. Sabi pa raw ay medyo tinatalaban na siya ng iniinom nila. Aniya, ihahatid na niya ang kumpare at medyo lasing na nga. Tumanggi raw ito at sabi pa ay iidlip lang ng kaunti. Hinayaan naman daw niya. Nagbanyo siya saglit pero pagbalik niya, napansin niyang tila ba hindi na ito humihinga. Kinutuban siya, at iyon nga, nataranta na rin siya. Iyong asawa niya ang agad na tumawag ng saklolo sa k

    Last Updated : 2022-11-18
  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER FIFTEEN

    NAKALABAS na si Doña Amanda ng ospital matapos ang mga huling laboratory tests pang ginawa sa matanda at matiyak ng Doktor na wala nang anumang problema rito.Nasa kotse na ito pauwi nang mag-usisa ito kay Helena ng tungkol kay Markus. “Kailan ang libing ng ama ni Markus, apo?” anito. Alam na nito ang nangyari at nakikisimpatiya ito sa ‘nobyo’ ng apo.“Three days from now, lola. May mga inaasikaso pa kasi sila.” Turan ng dalaga.“Gusto ko sanang makiramay, Helena. Gusto ko nang makilala ang pamilya ni Markus kahit sa mga sandaling ito ng kanilang pagluluksa. Sayang nga lamang at wala na ang kan’yang ama. Hindi ko na ito makikilala.”Tumango-tango ang dalaga. “Sa araw na lamang po ng libing, lola. Sa memorial park. Maraming tao sa lugar nina Markus. Mainit at masikip. Baka makasama pa sa kalusugan ninyo ang atmosphere doon dahil kalalabas n’yo lamang sa ospital.”“B’weno, sige. Basta ang mahalaga ay magkaroon ako ng pagkakataon na makiramay sa kanila.”Tumango na lang sa abuela si Hel

    Last Updated : 2022-11-19
  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER SIXTEEN

    “ANONG MERON, Makoy?” May pagka-sarcastic na sita ni Clarisa sa binata nang ma-korner niya ito.Kumunot ang noo ni Markus sa narinig. “Ano kamo?”“Mayro’n ba akong hindi nalalaman?” Hindi ngumingiti ang dalaga.“Tumbukin mo na Clarisa, puwede ba? Alam mo namang busy ako sa pag-aasikaso kay tatay. Bukas na ang libing niya.” Inis si Markus.“Mula nang mamatay si Ka Berting, hindi na tayo nakapag-usap. Busy ka ba talaga o bisi-bisihan lang? Ang hirap, pag ‘yong amo mong maganda at mayaman ang dumarating, natataranta ka. To the rescue ka agad, eh. Samantalang ako na kaibigan mo, nandito lang ako sa tabi-tabi at bisi-bisihan din sa pagtulong sa lamay ng tatay mo, pero ni hoy ni hay ‘di mo ako pinapansin.”Natawa si Markus. “Para ka talagang bata. Iba ang sitwasyon ngayon, Risa. May nangyari na ipinagluluksa namin. Ngarag kaming lahat lalo na ako.”“Huuu, ngarag? Pero pag dumarating si Miss Helena, pumapalakpak ‘yang puwet mo!”“Tigilan mo ako, Risa. Wala akong panahong makipagbiruan sa ‘yo

    Last Updated : 2022-11-20
  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER SEVENTEEN

    “OO NGA. Bakit siya ang pinili mo? Ano ang nakita mo sa kan’ya na wala sa ibang lalaki sa paligid mo?” ani Raquel nang pag-usapan nila ang tungkol kay Markus.“Hindi ko rin alam, Raquel. Maybe, I just trusted my intuition that I didn't make a mistake when I chose him.”“How did you convince yourself that he is a good person? I know you, Helena. You don't easily trust someone unless, na lagi mong nakakahalubilo. But this man – Markus Angeles…? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. That means, wala siyang mataas na posisyon sa kompanya mo para makilala siya at makahalubilo mo.”“Isa lang siyang pangkaraniwang empleyado sa isang departamento ng kompanya, Raquel.”“And you only met him based on his brief account qualification, am I right?”Tumango si Helena.“How about, hindi pala siya ganoon? I mean, paano kung mapagsamantala pala siya? That everything he said was all lies and he just wanted to gain your trust?”“I’m smart enough to fooled by anyone again. Not this time, Raquel. Iba

    Last Updated : 2022-11-22
  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER EIGHTEEN

    MATAPOS ang pakikipagharap kay Doña Amanda ng pamilya ni Markus, nang gabing iyon ay nag-usap ng masinsinan ang mag-anak.“Wala nang atrasan ‘to, anak. Bukas, ikakasal ka na kay Helena.” ani Aling Lora na hindi alam kung anong emosyon ang paiiralin ng mga sandaling iyon.Matutuwa ba siya sa pinasok na buhay ni Markus na ang kapalit ay kaginhawahan nila, o malulungkot siya dahil matatali ang anak sa sitwasyong pare-pareho nilang hindi alam kung ang hatid noon ay suwerte sa binata.“Wala nang atrasan, ‘nay. Tuloy-tuloy na ‘to.”“Paano kung isang araw, matuklasan ni Doña Amanda ang totoo? Baka, makasama iyon sa matanda…!”Inakbayan ni Markus ang ina. “Nay, huwag na muna tayong mag-isip ng negatibo. Ang mahalaga lang ngayon, tinanggap ako ng buong-buo ni Doña Amanda. Kung ano lang ako. Kung sino lang ako. At gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat ako sa paningin niya. Dumating man ang oras na matuklasan niya ang totoo, siguro, hindi magiging dahilan iyon para mangyari ang kinatat

    Last Updated : 2022-11-24

Latest chapter

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER SIXTY FIVE

    EPILOGUE and LAST CHAPTERAng kuwento ng buhay pag-ibig nina Markus at Helena, para sa akin bilang manunulat na lumikha sa mga karakter nila ay hindi nabibilang sa pangkaraniwang kuwento ng pagmamahalan.Maaaring sa iba, imposibleng mangyari ito. Na may isang mayaman, matalino at magandang babae na magagawang bumili ng isang lalaki upang pakasalan siya at isalba sa kahihiyan. Ngunit dahil ako nga ang author ng kuwentong ito, ginawa ko itong posible. Sa palagay ko ay nagawa ko namang palawakin ang imahinasyon ko upang mailarawan ko ang lahat ng naging mga kaganapan sa buhay ng dalawang bida na kalauna’y nadiskubre ang tunay na pag-ibig nila sa bawat isa.Sa isang bahagi ng mga kabanata nila, minsan ay sinabi ni Helena kay Markus, na ang gusto niya, KUNG SIYA AY IIBIGIN ni Markus, sana, huwag nitong tingnan kung paano sila nag-umpisa. Kung paano niya pinapasok si Markus sa buhay niya kasi insulto iyon sa kan’yang pagkatao. Bagkus, sana ang tingnan nito ay ang magaganda niyang mga katang

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER SIXTY FOUR

    “TUMAWAG ang abogado ni Helena.” Imporma ni Markus sa asawa nang sila na lamang dalawa ang nasa hospital room nito. “Ipina-kansel na nang tuluyan ni Efraim ang hearing.” Nakaupo ito sa kama katabi ni Helena.Napamaang si Helena. Tinitigan ang asawa. Parang hindi makapaniwala. “A-anong dahilan?”“Walang sinabi. But I hope, may magandang dahilan. O, maaaring nakunsensiya na dahil sa nangyari sa inyo ng lola.”“Knowing Efraim…” malungkot na saad ni Helena.“Ganoon mo siya kakilala? Parang gusto kong magselos, ah?” Biro ni Markus.Mahinang tumawa si Helena. Humilig ito sa dibdib ng asawa. “Totoo ang sinabi ng lola. Matigas ang puso ni Efraim. Even when we were in college. Every time I try to get close to him to end the gap between the two of us and make our competition healthy, he avoids me as if he doesn't know me.”Tumango-tango si Markus.“Until I found out why he was so angry with our family and he only used me for his revenge.”Pinisil ni Markus ang palad ng kabiyak. “At buong akala

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER SIXTY THREE

    “BAKIT ka umiiyak? Para saan ang mga luhang ‘yan, Clarisa?” Sarkastiko ang tono ni Aling Lora sa kaharap na dalaga nang mga sandaling iyon.Makaraan ang ilang araw, nagpakita uli sa kanila si Clarisa. Nasa anyo ang pagsisisi sa pagkakamali nitong ginawa.Sinugod ng yakap ni Clarisa ang may edad na babae. “Patawarin ninyo ako, ‘Nay!” humagulgol ito. “Tulungan ninyo akong humingi ng tawad kina Makoy at Helena. At kay lola Amanda…! Hindi ko kayang humarap sa kanila nang nag-iisa, ‘Nay. Hindi ko po kaya…!”Napahinga nang malalim si Aling Lora. "Nakapag-isip-isip ka na bang mabuti, Clarisa? Natanto mo na ba ang ginawa mo sa mga taong naging mabuti sa 'yo?"Tumango si Clarisa. Sunod-sunod. Habang walang humpay ang pagsigok."Kung taos sa puso ang pagsisisi mo, haharap ka sa kanila kahit nag-iisa ka lang, Clarisa.”Umiling ang dalaga. “Hiyang-hiya ako sa ginawa ko, ‘Nay Lora. At pinagsisisihan ko na nakipagsabwatan ako kay Efraim at tumanggap ng pera mula sa kan’ya.”Iniharap ni Aling Lora a

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER SIXTY TWO

    ISANG MALAKAS NA SUNTOK ang pinawalan ng kanang kamao ni Markus na ang nahagip ay ang bibig ni Efraim. Pumutok iyon at tumalsik ang dugo mula doon.Nagkaroon ng komosyon sa loob ng pribadong opisina ng huli na pwersahang pinasok ni Markus sa kabila ng pagpigil sa kan’ya ng private secretary nito.“P***ng-i*a mo!!!” Galit na galit na sigaw ni Markus at inundayan pa uli ng malakas na suntok si Efraim na ang nahagip naman ay ang kaliwang mata nito.Gumanti si Efraim pero hindi sapat ang lakas ng kamao niya sa bagsik ng kamao ng katunggaling galit na galit sa mga sandaling iyon.Isa pa uling suntok ang pinawalan ni Markus na nagpabalandra kay Efraim sa sahig. Doon na napigilan ng mga guwardiya si Markus na pilit kumakawala sa mga bisig na pumipigil sa kan’ya.“Nabingit sa kamatayan ang lola ni Helena! Maging siya at ang mga anak namin dahil sa kahayupan mo! Papatayin kita!!!” tungayaw ni Markus. Buong lakas na nag-uumalpas sa mga nakahawak sa kan’ya.Pilit bumangon si Efraim mula sa pagka

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER SIXTY ONE

    BUONG kalungkutang lumapit si Markus kay Doña Amanda kasunod ang kapatid nitong si JR matapos itong talikuran ni Efraim.Hindi man niya narinig ang usapan ng dalawa, batid niyang negatibo ang naging kaganapan noon.Matalim ang mga matang nasundan na lamang niya ng tingin ang ama ni Mandy na kaybilis ng mga hakbang paalis sa kubling lugar na iyon kasunod ang asawa nitong si Glenda.“Matigas ang puso niya…” parang sa hangin nagsalita si Doña Amanda. Malungkot pa itong napangiti.“L-lola…” ani Markus na naaawang tinitigan lang ang matanda.Kumapit ito sa braso niya. “T-tena, hijo. Umuwi na tayo…” Kumapit din ito sa braso ni JR. Napagitnaan siya ng magkapatid na iginiya siya patungo sa parking lot kung saan naroroon ang kanilang kotse.Walang kibo at nanatiling tahimik lamang ang matanda habang binabagtas nila ang daan pauwi.Maya’t-maya ay pinagmamasdan ito ni Markus sa rear view mirror. Hindi niya maiwasan ang labis na pag-aalala rito.Nakatanaw lang ang mga mata ni Doña Amanda sa labas

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER SIXTY

    NAGTAGIS ang bagang ni Markus matapos mapanood ang video na ipinadala ni Efraim sa social media account ng kapatid na si JR.“A-ano ang gagawin natin, anak? Hindi ‘yan dapat mapanood ni Mama Amanda.” ani Aling Lora na agad napaluha. “Baka, kung ano pa ang mangyari sa matanda…!”“Hindi talaga titigil si Efraim…!” Naniningkit sa galit ang mga matang wika ni Markus.“K-kuya, bakit hindi na lang ninyo ibigay sa tunay na tatay ni Mandy ang karapatan sa anak niya? Para hindi na lumala ang problema?” Alanganin man sa sinabi ay lakas-loob na nulas ng labi ni JR.Tiningnan ng masama ni Markus ang kapatid. “Hindi iyan ang solusyon, JR! Kapag ibinigay namin ang gusto ni Efraim, tiyak na ilalayo niya si Mandy sa amin. Sa ating lahat! Aangkinin niya na ang bata dahil wala silang anak ng kan'yang asawa! Malabo na siyang magkaroon ng anak dahil malalagay sa peligro ang buhay ng asawa niya kapag nagbuntis uli ito kaya ganoon siya kapursige na makuha sa amin ang custody ni Mandy!”Napapikit si JR saba

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER FIFTY NINE

    “INAASAHAN KO NA ‘TO…” wika ni Clarisa kay Helena sa loob ng pribadong opisina nito. “Alam kong magri-report ka uli rito para harapin ako. Kahit kung tutuusin, hindi na dapat sa gan’yang kalagayan mo.” Sa matigas na anyo’y pinagmasdan ng dalaga ang kabuntisan ni Helena habang sinasabi iyon. At para bang nasa kan’ya ang lahat ng karapatan na magalit gayong siya itong nakagawa ng lisya.“Maupo ka, Risa. Para makapag-usap tayo ng maayos.” Matigas din ang anyo pero hangga’t maaari, gustong manatili ni Helena sa pagiging kalmado, kahit na nga ba, nag-uumigting ang ugat niya dahil sa nag-umpisa nang galit na nadarama niya sa kaharap.Oo, nag-umpisa na. Dahil noon, ni bahagya’y wala naman siyang nadamang galit dito. Bagkus ay simpatya pa nga dahil hindi nagkaroon ng katuparan ang pagmamahal nito kay Markus. Naawa siya rito. Totoong awa. At itinuring niya pa nga ang sarili na naging hadlang sa damdamin nito sa lalaking mahal nito na asawa niya na ngayon.Ngayon pa lang siya nakadarama ng gal

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER FIFTY EIGHT

    “WALA siyang utang na loob…!” Nagpupuyos ang kalooban ni Aling Lora patungkol kay Clarisa. “Sa kabila ng lahat nang ginawa sa kan’ya ni Helena, ito pa ba ang igaganti niya?” Inakbayan ni Markus ang ina. “Mag-uusap kami, ‘Nay…” “Hindi. Huwag ka nang makalapit-lapit sa babaeng ‘yun, Makoy! Ako ang makikipag-usap sa kan’ya!” “Nay…?” “Ipaubaya mo sa akin ‘to, anak…” madilim ang anyo ni Aling Lora. “Huwag n’yo naman sanang sasabunutan, ‘Nay. Ha?” Nagbiro na lang si Markus. Ni hindi man lang napangiti si Aling Lora. “Higit pa sa pagsabunot ang dapat niyang matikman, Makoy…!” “Nay?” “Kung bakit kasi sobrang gandang lalaki mo, kuya. Kaya patay na patay sa ‘yo si Ate Risa. Sobra ring nainlab sa ‘yo si Ate Helena. Sana all!” biro rin ni JR. Gustong palamigin ang init sa paligid. Pinandilatan ni Aling Lora ng mata ang anak. “Hindi ito ang tamang oras sa pagbibiro, JR!” labyaw nito. Napakamot sa ulo si JR. “S-sorry, ‘Nay. Kuya…” Tinanguan na lang ni Markus ang kapatid. “Puntahan na nat

  • KUNG AKO AY IIBIGIN MO   CHAPTER FIFTY SEVEN

    NAPAHAGULGOL si Helena matapos marinig ang lahat ng sinabi ng asawa.Limang taon…Halos limang taon na ang nakalipas buhat ng mangyari ang pagpapakasal nila ni Markus at sa loob mga taon na iyon, buong akala nila, walang nalalaman ni anuman ang kan’yang lola, pero hindi pala ito naging ignorante sa totoong naging ugnayan nila ni Markus noong una.At sa kabila na niloko niya at pinaglihiman ang abuela, ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit kaunting galit o hinanakit sa kan’ya. Pakiramdam niya nga, mas lalo pa siyang minahal ng lola Amanda niya.Ang iyak niyang iyon ay hindi lamang sa pasasalamat na hindi siya sinumbatan ng abuela. Iyak din iyon ng pasasalamat na sa loob ng mga panahong iyon, sa kabila ng nalaman nito, hindi iyon nakaapekto sa kalusugan ng matanda, lalo na nang dumating si Mandy sa buhay nila, tila ba mas ninais pa nitong humaba ang buhay.“P-puntahan na natin ang lola, Mac. I will ask for her forgiveness…!” ani Helena na tigmak sa luha ang mga mata.“Tayong dal

DMCA.com Protection Status