Share

CHAPTER 076 - The Jealous Boyfriend

"THANK YOU SA PAGHATID, JEROME. Nakakahiyang naabala pa kita. Would you like to come in for a cup of coffee?"

Ngumiti si Jerome na bumaba rin upang pagbuksan siya ng pinto. "Thank you, pero hindi na ako magtatagal. Isa pa... baka hindi rin magustuhan ni Gene na makita ako."

"Come on, it's been fifteen years. At magpapasalamat pa 'yong si Gene kapag nalamang hinatid mo ako."

Napangiwi siya sa sinabi. She doubted it. And she knew Gene wouldn't like this. Noong kay Deewee nga ay matindi na ang selos nito, ano pa kaya kay Jerome Sison na naging crush niya noon at siyang natatanging lalaking buong-tapang niyang hinarap upang ipaalam ang tunay niyang damdamin?

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status