H'wag mo na akong sunduin—si Deewee na ang maghahatid sa akin pauwi.
Paulit-ulit na binasa ni Gene ang text message na pinadala ni Trini nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang binasa dahil hindi siya makapaniwalang sasabihin iyon ng kaibigan. Kahit kailan ay hindi pa nagpahatid si Trini sa kahit kaninong lalaking nakaka-date sa bahay nito. Madalas siya nitong tawagan para sabihing sunduin na, o 'di kaya'y magti-text sa kaniya upang sabihing tumawag siya at magkunwaring may emergency para makatakas ito sa ka-date.
But this time, it was different.
And he couldn't believe his eyes.
Muli niyang binasa ang mensahe bago ibinalik ang cellphone sa backpocket. Hindi siya mapalagay—kaya nang matanggap niya ang text na iyon ay kaagad niyang hinablot ang susi ng truck niya at nagmaneho patungo sa apartment ng kaibigan.
He had a duplicate key, so he was able to get in freely. Pagpasok ay sinalubong siya ng mga alagang pusa ng kaibigan, at habang hinihintay ang pag-uwi ni Trini ay nilaro niya ang mga iyon. Nang manawa ay naupo siya sa sala at binuksan ang TV; pumwesto siya sa single sofa na malapit sa bintana upang silipin maya't maya kung dumating na ang kaibigan.
Trini sent him that message more than an hour now, and he was starting to get real worried.
Hindi niya alam kung bakit—iyon ang unang beses na lumampas sa alas-dies si Trini kasama ang date.
Totoong kilala niya si Deewee, kilala niya ang pamilya nito. Pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Trini's routine had changed and he wanted to know why.
At nang may mapagtanto ay natigilan siya.
Hindi kaya...
Nahinto siya bago pa man tuluyang mamuo ang ideya sa kaniyang isip nang may marinig na makina ng sasakyan na huminto sa harap ng gate ng apartment ng kaibigan. Lumingon siya at sumilip sa bintana at nakita ang isang itim na Ford Ranger na pumarada sa likuran ng pick-up truck niya.
Nakita niya ang pagbaba ni Deewee at ang pag-ikot nito sa front seat upang pagbuksan si Trini na nakangiting lumabas. They talked for a while before Deewee bent his head and kissed Trini on the cheek.
He couldn't help but smirk.
Matangkad lang nang kaunti si Deewee kay Trini kaya nagawa nitong yumuko upang hagkan ang kaibigan niya.
He didn't want to see what they were about to do more so he turned his back on them and stared at the TV screen.
He was watching an old horror movie with cats sitting on the couch beside him. Kahit papaano ay nakakasundo rin niya ang mga pusa ng kaibigan. They were cute and furry; ang pinaka-matanda ay limang taong gulang na at ang pangalan ay si Bulingling. There were four female cats and one male named Alarcon. At si Alarcon ang pinaka-malambing sa lima dahil laging nakasunod at naka-kandong. Tulad ngayon. He squeezed his flexible and furry body into his arm and found his place onto his lap. Niyuko niya si Alarcon at hinimas-himas.
Ilang sandali pa'y narinig niya ang paghakbang ni Trini palapit sa pinto; naririnig niya ang tunog ng takong nito. Dahil nakaparada sa harap ang truck niya, at makikita sa labas ng bintana ang nakabukas na TV screen, ay siguradong alam na ni Trini na naroon siya sa loob.
Later on, the door opened and the lights turned on. Doon nagsitayuan ang mga pusa at sunud-sunod na tumalon mula sa couch upang salubungin ang amo.
Lumingon siya at akmang itatanong sa kaibigan kung ano ang nangyari nang makita ang ekspresyon sa mukha nito.
At doon pa lang ay alam na niya ang sagot.
"Oh my gosh, Gene! Hindi ako makapaniwalang iyon na si Deewee!" Trini said excitedly before kicking off her shoes and closing the door behind her. Binuhat nito ang dalawang pusa at hinayaan ang tatlo pang sumunod. Lumapit ito at huminto sa harapan niya. "He lost his excess weight and he changed a lot! Mukha na siyang artista ngayon and he's got stable job. Alam mo bang maliban sa pagiging nurse sa Canada ay businessman din siya? He owns a Filipino restaurant in Vancouver!"
Well, hindi na niya kailangan pang magtanong. It was evident on Trini's face. She liked Deewee. His matchmaking succeeded.
"So, I would assume you finally found your match, huh?"
Pasalampak na naupo si Trini sa katabing sofa at tila nangangarap na ini-sandal ang sarili roon. "He is also nice and very charming. Hindi siya kasing pogi at kasing-sexy ninyong magkakapatid pero pwede na. He is funny, too. And oh! He's searching for a long-term relationship. Siya na yata ang sagot sa mga panalangin ko."
Hindi niya napigilang mapa-ngiti. "Well, then I guess malapit na akong humigop ng mainit na sabaw?"
Trini giggled, cringing him out.
"Hindi niya ako maalala," umpisang-kwento ni Trini. "Ang sabi niya, dati raw sa tuwing susunduin niya sa bahay ninyo si Phill ay madalas na sa gate lang siya, at hindi raw niya ako noon napapansin. Sinabi ko sa kaniyang magkaibigan na tayo noon pa, at tinanong niya ako kung bakit hindi daw tayo nagkatuluyan." Trini stopped and chuckled merrily. "I told him na nandidiri ka sa akin kaya imposibleng patulan mo ako."
"That's something you shouldn't really have to tell people, Trinidad."
"Eh sa totoo naman? At least alam niyang wala siyang dapat ipag-alala kahit na magkaibigan tayo. Ayaw kong mangyari sa amin ang nangyari sa una mong girlfriend. Lagi kayong nag-aaway dahil sa pagkakaroon mo ng best friend na babae. Gusto ko lang linawin kay Deewee na wala siyang dapat ikabahala sa'yo dahil kahit ano'ng mangyari ay hindi mo ako papatusin." Tumayo si Trini at pinakawalan ang dalawang pusang hawak-hawak nito. Then, she stood in front of him, facing the opposite direction. "Could you please pull the zipper down? Nasira ko kanina nang isuot ko at hirap na akong hilahin pababa ngayon."
Napatitig siya sa likod ni Trini at hindi niya alam kung bakit sandali siyang natigilan. He didn't know that the red dress had a low V-shaped design at the back. At kung maganda sa paningin niya ang pulang dress na iyon kanina ay hindi na ngayong nakita niya ang likurang parte. Masyadong mapanukso.
"You're right when you said this dress was slutty," aniya bago inabot ang zipper at hinila pababa. Pero tulad ng sinabi ni Trini ay sira iyon at naka-stock.
"You said it was alright."
"Dahil hindi ko nakita na ganito ang estilo sa likod."
"Ano pa ang silbi ng sermon mo kung naisuot ko na at tapos na ang date? Don't tell me na hindi mo nakita ang likurang parte nitong dress noong bumaba ako sa truck matapos mo akong ihatid kanina?"
"No, I didn't see it. Hindi kita sinundan ng tingin." Muli niyang sinubukang ibaba ang zipper, subalit ayaw niyong sumunod. Kung pu-puwersahan pa niya'y siguradong masisira ang damit, and he didn't want to ruin it.
"O, eh 'di kasalanan mo. Dapat sinusundan mo ako ng tingin para nakikita mo ang suot ko hanggang likod. Ang problema kasi sa'yo ay ang mga type mo lang na tsiks ang binibigyan mo ng pansin kapag nakatalikod—"
"You didn't expect me to look at your butt?"
"Eh ano naman kung tingnan mo ang puwet ko? Mag-bestfriend naman tayo, ah? Did you know na ang mga mag-bestfriend, nagtatanongan dapat ng 'Bes, may tagos ba ako'?"
"Are you hearing yourself, Trinidad? Our friendship isn't the same as others—I am not a woman. You didn't expect me to ask you kung may tagos ako sa puwet?"
Trini chuckled and looked over her shoulder. "Pwede mong subukan, at titingnan ko talaga ang puwet mo. Maumbok kaya at mukhang matigas..."
Sa pagkagulat ni Trini ay hinampas niya ang pang-upo nito. "I would never get used to your cringeworthy flirtations, Trinidad. Kahit sanay na ako ay nakadidiri pa ring pakinggan itong mga ginagawa mo."
Napa-hagikhik ito. "Pagbibigyan kita ngayong gabi sa pagtawag sa akin ng Trinidad. Pasalamat ka't masaya ako ngayon." Ini-usog pa nito palapit ang katawan sa kaniya. Trini's butt was just a few inches away from his face. "Come on—ibaba mo na ang zipper at gusto ko nang maghugas ng katawan. Naghapunan ka na ba? And why are you here, anyway?"
He tried to pull the zipper once more, but it was really stuck and he couldn't do anything anymore but use force. "I came to check on you."
Muling lumingon si Trini at ningisihan siya. "Ang sabihin mo, nag-alala ka na baka papasukin ko si Deewee sa bahay at may mangyari."
"May mangyaring ano?" patay-malisya niyang tanong habang patuloy sa pagpipilit na ibaba ang zipper nito sa likod.
"Alam mo na..."
"That was just your first date, pero iyon na kaagad ang iniisip mo?"
"Nakalimutan mo bang pa-expire na ang eggcells ko?"
"Gusto mo bang isipin ni Deewee na mabilis kang bumigay?"
"Papaano niyang iisip 'yon kung siya rin ang makakauna sa akin?"
Nagsalubong ang mga kilay niya, at bago pa niya napigilan ang sarili ay hinawakan niya ito sa magkabilang bewang at ini-harap. Trini's perfume assaulted his nose, but he disregard that. Mas nangibabaw ang irita niya sa mga sagot nito sa kaniya.
"Are you really this desperate to get laid, Trinity?"
Natawa ito nang makita ang seryoso niyang anyo at pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. Ini-patong nito ang kaliwang braso sa kaniyang balikat bago ito naupo sa kandungan niya.
"Hinog na hinog na ako, Gene. At ilang beses ko nang sinabi sa'yo na gusto ko nang lumagay sa tahimik. Nasa punto na ako ng buhay ko na kapag may nakilala akong magugustuhan ko talaga ay sisiguraduhin kong iyon na. Tapos na ako sa trial and error stage. The fact na hindi ko nga naranasan 'yon ay nakakalungkot nang isipin, 'di ba? I want my first boyfriend to be the last. Kaya hayaan mo na ako."
"Hindi pwedeng hayaan na lang kita. I am your best friend—your only family. Nang lumipat ako rito sa Ramirez ay sumunod ka. Responsibilidad na rin kita. I want the best for you and I will make sure that you will get the happiness you deserve. Kaya kita pinaaalalahanan. Get to know him first. Give it a month or two. Hindi mag-e-expire ang mga egg cells mo sa dalawang buwan na dadagdag sa edad mo."
Napasinghap si Trini nang may maisip. "You know what? Tama ka. Nagsabi si Deewee na hindi na muna siya babalik sa Canada at nagpa-plano siyang mag-invest sa negosyo ng Kuya Phillian mo. Narito siya hanggang sa birthday ko, at kung magtutuloy-tuloy ang maganda namin samahan hanggang sa kaarawan ko ay doon na ako magpapasya." Muli itong ngumisi, yumuko, at hinalikan siya sa pisngi—which wasn't new to him anymore. "Thanks for the advice, my babybubu."
"Babybubu..." ulit niya sabay iling. He couldn't help but smile at that. "When was the last time you called me that?"
"Long time. College days yata? Noong may tsiks kang gustong dispatsahin at pinag-panggap mo akong syota mo."
Lumapad ang ngiti niya at hindi na dinugtungan pa ang sinabi nito. He then took her arm off his shoulder and gently pushed her away. "Get off me now, ang asim ng kilikili mo."
Pero lalong nang-asar si Trini at ini-dikit pa ang kilikili sa mukha niya na ikina-tawa nilang pareho. Umiwas siya at itinulak itong muli, pero kumapit pa ito lalo sa leeg niya kaya hindi siya nakawala. Oh well, kung gugustuhin niya ay makakawala siya. He was stronger and bigger than her. But deep inside him... he just wanted to stay in the warmth of her embrace.
In the warmth of his best friend's embrace...
"I can't breathe, Trinity!" kunwari ay reklamo niya makaraan ang ilang sandali.
"Bawiin mo muna ang sinabi mong maasim ang kilikili ko."
Natawa siya, at dahil patuloy nitong ini-kikiskis ang kilikili sa mukha niya ay tumayo siya at karga-karga ito na ikina-tili ni Trini. Bigla nitong ikinapit ang mga kamay sa balikat niya.
"Heneroso!" tili nito habang nakatawa. "Ibaba mo ako, loko ka!"
He faked a grunt. "Maliban sa maasim ang kilikili mo ay bumibigat ka na rin. Dahan-dahan sa paglamon, Trinidad. You don't want to struggle in your wedding dress, do you?"
Ngumisi si Trini. "Do you think Deewee is the marrying type?"
"We'll see in two months." Humakbang siya patungo sa banyo na katabi ng silid nito.
"I really think he's the one, Gene. Match na match kaming pareho."
"Finally, huh?"
Malapad na ngisi lang ang sagot ni Trini. Ito na rin mismo ang nagbukas ng pinto ng banyo nang marating nila iyon. She then tapped the light switch and he continued to walk towards the shower, carrying her still. Pagkarating doon ay ibinaba na niya ang kaibigan. "There. Maligo ka na."
"Paano ang damit ko?"
Napa-ungol siya at hinawakan ito sa magkabilang braso upang italikod. "Sorry, but I can't unzip it. Kung pipilitin ko'y baka mapunit ang damit."
"Tear it open then."
"Are you sure? This dress looks expensive."
"Who cares? This type of dress is supposed to be torn anyway. Hindi ka ba nanonood ng mga sexy movies?"
"I don't watch, but I know what you mean and it's a NO for me. Tigilan mo ako, Trinidad, at naiirita ako kapag gumaganyan ka."
"Ang init lagi ng dugo mo, parang niloloko ka lang, eh."
"Ramdam kong may iba kang gustong ipahiwatig, hindi ako istupido." Muli niyang niyuko ang zipper ng damit nito at muling sinubukang ibaba. Pero kahit ano ang gawin niya'y ayaw nang makisama ng zipper. Wala na siyang napagpilian pa. Ginamitan na niya ng lakas nang subukan niyang muli, at doon ay nasira ang zipper at bumuka, tulad na rin ng kaniyang inasahan. "There. I broke your pretty dress."
"Lubusin mo na. Punitin mo hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa tiled floor."
"Like in the movies?"
She chuckled. "Yes. Like in the movies where the man would forcibly tear his lover's sexy dress."
He shook his head in amusement. "You and your dirty thoughts, Trinidad."
Akmang sasagot si Trini nang ibaba niya ang mga kamay sa damit nito at walang kung ano-anong pinunit ayon na rin sa gusto nitong mangyari. Pinunit niya ang damit hanggang sa laylayan, at hanggang sa tuluyan iyong bumagsak sa tiles.
Trini's bare back and black lacey underwear emerged in his sight; something he had already gotten used to.
"There. Makakaligo ka na." Bago pa makasagot si Trini ay pinihit na niya pabukas ang shower valve kasunod ng pagbagsak ng malamig na tubig na ikina-tili nito. Mabilis siyang lumayo bago pa man siya mabasa. Nilingon siya ni Trini na nanlaki ang mga mata. At sa paglingon nito'y mabilis siyang umiwas ng tingin dahil noon pa lang niya naalalang wala itong suot na bra.
"It's freezing fucking cold! Mamaya ka sa akin, Heneroso!"
Nakangisi siyang lumabas at ini-sara ang pinto ng banyo. Nang nasa labas na siya'y muli siyang nagsalita. "Paki-kialaman ko ang kitchen mo; I'm starved. Do you still have ramen?"
"In the cabinets!"
"Do you want some?"
"Of course! Subukan mong magluto nang para sa'yo lang at itataob ko ang kaldero sa ulo mo!"
He chuckled and walked his way to the kitchen.
*
*
*
"AALIS KA?" tanong ni Trini nang sa pag-dating dito sa bahay ni Gene ay nakita ang kaibigang ini-lalagay ang mga tool box sa likuran ng truck. Sa harap ng workshop ini-parada ni Trini ang kotse kaya nakita kaagad nito ang ginagawa ng kaibigan sa loob. "May pupuntahang kliyente," tipid na sagot ni Gene. "I won't be back until 9PM." Sinulyapan ni Trini ang relos. "It's only 5PM. Ilang sasakyan ang aayusin mo at ganoon ka ka-tagal mawawala?" "Masyadong mahirap ayusin ang nasirang makina kaya nagbigay ako ng ganoon ka-habang time frame." Natapos na nito ang pagkarga ng mga gamit
"OH, GENE.... OH! YESSS... YOU'RE DOING IT RIGHT, BABY. YESSSS!!!!" Sinundan iyon ng malakas na pag-ungol na ikina-ngiwi ni Trini. Dire-diretso siya sa pagpasok sa kusina at kunwari ay napa-duwal na tila ba may mapaklang pagkain siyang ini-lagay sa bibig. Abot hanggang sa ibaba ang ingay na nililikha ng babaeng kasama ni Gene sa silid nito sa itaas. Na kung hindi marahil nakasara ang front door ay baka umabot din iyon hanggang sa kalsada. It was Thursday afternoon and Gene didn't know she was coming early. Kinailangan niyang magtrabaho overtime dahil na
"SINO-SINO NGA ULIT SA MGA KUYA MO ANG MAY TATTOO?"tanong ni Trini nang nasa daan na sila patungong Asteria. Tatlong oras mahigit ang biyahe patungo roon at kalalabas pa lang nila sa boundary ng Ramirez patungo sa kasunod na bayan. Gamit ni Gene ang truck nito at nasa front seat siya like usual. "Lance has the most numbers," Gene answered. His eyes focused on the road. "Gusto nga yatang punuin ang katawan, eh." Napalabi siya. "Bagay naman kay Lance, ah? Pero noong huling kita ko sa kaniya ay sa kaliwang braso pa lang siya may tattoo. Dinagdagan ba niya?"  
"DEEWEE!" "Trini!" Manghang lumapit si Trini sa nakangiting si Deewee. Saktong pababa siya sa hagdan ng malaking bahay ng pamilya Zodiac nang makitang binuksan ni Phillian ang front door at bumungad si Deewee. Free Phillian Zodiac was the second eldest, at isa rin ito sa dalawang mga kapatid ni Gene na may asawa na. He was living in a town three hours away from Asteria; malapit sa dagat. Ito ang best friend noon ni Deewee, at kaya marahil naroon ito ay dahil naimbitahan ni Phill."I didn't know you're here!" bulalas ni D
WALA SA LOOB NA NAPASULYAP si Gene sa wallclock na nakasabit sa pader ng workshop upang alamin kung anong oras na. Madilim na sa labas subalit ang ingay na madalas niyang inaasahang marinig pagdating ng ganoong oras ay hindi pa rin niya naririnig.Buong maghapon siyang abala sa inaayos na sports car at hindi niya namalayan ang oras.Sabagay, hindi na rin bago iyon. Palaging ganoon ang sistema sa tuwing may minamadali siyang trabaho. Kahit sino naman, kapag may tinatapos na deadline ay tutok na tutok sa ginagawa at ang oras ay mabilis na tumatakbo.In his case, he woke up at six in the morning, did his usual routine starting with an hour jog around the subdivision, having his coffee the minute he was back, and normally, while he had his coffee, Trinity wo
MALUHA-LUHANG sinulyapan niTriniang cellphone upang tingnan kung tumawag na si Gene. Ang huling sabi nito'y nasa sasakyan na ito papunta sa kinaroroonan niya, at muli na lang tatawag kapag nakarating na. The restaurant was full and there were customers coming in and out of the restroom. Sa loob ng unisex restroom ay may apat na cubicle, at nasa pinakadulo siya. Ilang beses nang may kumatok doon; sometimes a man, sometimes a woman. At gusto niyang humingi ng assistance sa mga ito, pero nag-aalala siya at nahihiya. Bumabalik sa isip niya ang nangyari noong araw na una siyang dinatnan. She asked for the he
"TINGNAN MO 'TONG TIYAN KO, lumo-lobo." Humagikhik si Trini matapos yukuin ang namumukol na tiyan. Katatapos lang nilang kumain matapos bumili ng sari-saring pagkain sa halos lahat ng madaanang kanto.They grabbed two large chicken burgers and fries from a fastfood restaurant, 2 servings of lugaw as discussed, and two fried tofu with sawsawan from the next kiosk. After which, they drove to the nearest concrete bridge connecting the towns of San Nicolas and Ramirez. Sa ilalim ng tulay ay may malawak na kalsada na ginagawang jogging lane ng mga taga-Ramirez tuwing umaga. Mababaw lang ang ilog at may barandilyang naka-harang sa gilid ng jogging and biking lane. Katulad iyon ng baywalk sa Roxas Boulivard; minus the bridge, that is.Alas dies na ng gab
"JUST EMAIL THE INVOICE to my secretary and she'll wire the payment, Gene.""No problemo, Sky. Drive safe." Si Gene na mismo ang nagsara ng pinto ng mamahaling Mercedes-AMG ni Sky O'Hana – isang kilalang race car driver at masugid niyang kliyente. Ni-pick-up nito ang sasakyan mula sa workshop niya sakay ng isa pa nitong sasakyan na minamaneho ng assistant nang gabing iyon."Thanks, man," ani Sky saka ini-muwestra ang index at middle finger sa noo bilang pagsaludo. Ilang sandali pa'y pinaharurot na nito ang sasakyan paalis kasunod ang BMW na minamaneho ng assistant.Nang mawala sa kaniyang paningin ang dalawang mamahaling sasakyan ay sinulyapan niya ang oras sa relos—9:30PM. Tulad
"ARE YOU MOVING TO MINDORO FOR GOOD?" tanong ni Dra. Hernandez habang nakatutok ang tingin sa ultrasound monitor. Nasa kamay nito ang transducer na pinaiikot sa tiyan niya."Not for good, but I'm keeping the place for our future family. Binili ko na ang property mula sa kompanya ni Jerome, at balak namin ni Gene na gawin iyong bahay-bakasyonan pagdating ng araw. It's a really nice place, pero malayo sa kabihasnan," sagot niya habang ang tingin ay nasa tiyan. She was in her second trimester, and her tummy was exceptionally bigger than normal. At dahil nasa ika-apat na buwan na ang tiyan niya'y madalas na siyang makaramdam ng malakas na pagtibok mula sa loob. Sunud-sunod, walang pahinga.Makulit; mukhang may pinagmanahan talaga..."Naku,
"GENE?" ani Trini makalipas ang ilang sandali. Hindi makapaniwala. Hindi niya alam kung totoo itong nakikita niya at nararamdaman. She was injected with pain-killer, at kung ano-ano pang gamot para sa mga sugat niya. Ano'ng malay niya, baka imahinasyon lang niya ang nakikita niya ngayon? Pero bakit ang higpit ng yakap ni Gene? Bakit parang hindi siya makahinga? If this was just a dream, why did it feel so real? "Gene...?" she called out again.
"NAKAUSAP KO NA SI ARTHUR, at sinabi niyang nakahanap siya ng lead kung saan maaaring dinala ni Jerome Sison si Trini."Mula sa pagtanaw sa malawak na garden sa tapat ng bahay/shop ni Aris ay lumingon si Gene. Nakita niya si Aris na nakatayo sa gitna ng sala hawak-hawak sa isang kamay ang cellphone nito.Naroon siya sa bahay ng nakatatandang kapatid upang kausapin ito tungkol sa paghahanap kay Trini. May kaibigan si Aris na nakasama nito sa Karate club noong kolehiyo. Arthur was a retired cop. Limang taon ang tanda nito kay Aris at nagretiro na sa pagpupulis upang magtayo ng security agency katuwang ang father in law nito na dating chief of police sa bayan ng Cartagena– limang oras ang layo mula roon sa bayan na kinaroroonan ni Aris.
SINAKOP NG LAMIG ANG BUONG KATAWAN NI TRINI; hindi nito alam kung ano ang iisip at mararamdaman.Napatitig siya sa mukha ng doktora; hindi niya magawang sulyapan ang monitor dahil malibang hindi rin niya maintindihan kung ano ang makikita roon ay natatakot siyang umasa.Kahit si Dra. Hernandez ay hindi siguro; para saan ang umasa?Masaya na siyang kahit papaano ay nagkaroon siya ng pagkakataong takasan ang sumpa ng pamilya ng mommy niya. Kung paanong nangyari iyon ay hindi niya alam. Basta ang alam niya'y mas maganda ang bukas na naghihintay sa kaniya. At kahit hindi pa nag-uumpisa ang pangalawang pagsusuri ay buo na ang pag-asa niyang patuloy na mabubuhay.Milagro nang maituturing
DALAWANG LINGGO MUNA ANG LUMIPAS bago nagawang lumuwas ni Trini papuntang Asteria. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay nakapatay ang cellphone ng dalaga upang umiwas sa lahat, maliban kay Jerome na pinadadalhan niya ng email tuwing gabi upang hindi ito mag-alala at magpadala ng tao sa bahay niya.Sa loob ng dalawang linggong iyon ay pinag-isipan niya nang mabuti kung makikipagkita kay Dra. Hernandez. Una, nasabi na nito kay Felicia ang bagay na dapat ay ito lang at siya ang may alam. She hated the fact that her doctor disclosed that sensitive information to someone else, especially to one of the Zodiacs. At ngayong alam na ni Felicia, siguradong alam na rin ni Gene.Pangalawa, kung ang importanteng bagay na nais nitong ipakipag-usap sa kaniya ay tungkol sa sakit niya, ano'ng silbi? She didn
TWENTY ONE DAYS LATER. Asteria."Mrs. Felicia Zodiac?" Malapad na ngumiti si Dra. Hernandez nang makita ang pumasok sa private clinic nito. Umalis ang doktora mula sa harap ng mesa at humakbang patungo sa bagong pasok. Pagkalapit ay yumuko ito at humalik sa pisngi ni Felicia.Malibang naging pasyente din nito si Felicia noong araw ay dati na rin silang magkakilala. They went to the same university. Hindi sila naging malapit na magkaibigan, pero noong kadalagahan nila ay nagkasama ang dalawa sa isang sports team. Matanda lang ng dalawang taon si Dra. Hernandez."Dra. Hernandez," ani Felicia, masuyong nakangiti. "How have you been?""Oh, still the same, Feli. I'm so glad to see you again."
Trini's mind was fuzy with desire, yet she couldn't just ignore how Gene pleaded for an answer. Napakurap ang dalaga, sandaling namangha. Hanggang sa naramdaman nito ang paghigpit ng mga kamay ni Gene sa baywang nito. At doon pa lang tila natauhan si Trini."I wantyou, Gene," she answered emotionally. "I want all of you."Her answer satisfied him. And that's when he began to shove into her-- over and over, in a slow yet strong motion. He called out to her, enticing her through the smoke of consuming pleasure until Trini let out a long, pleasurable moan that drove him even wilder.Binilisan ni Gene ang pagkilos nang maramdaman ang pagtugon ni Trini sa ibabang bahagi ng katawan nito. She was tightening up for him, and her tightness was pushi
GUMAPANG ANG KILABOT sa buong katawan ni Trini nang maramdaman ang mga kamay ni Gene sa baywang nito.Hindi alam ng dalaga kung bakit dito nauwi ang plano nitong paghingi ng tawad. Ang plano nitong malapit na sanang magtagumpay ay mukhang muling babagsak. And she didn't even give a damn.As for Gene... There was a little hesitation. Yet he couldn't say no to this. He couldn't pull his mouth off her. He couldn't stop himself from responding. Because deep within him, he knew he wanted this. He needed this. He needed her.At this point, Trini was leading the kiss. Ito ang nag-umpisa, ito ang gumigiya. Si Gene ay tumutugon nang may bahagyang kontrol. He didn't want Trini to notice how much he lon
SA SINABI NIYA'Y SAKA PA LANG NAGBAWI NG TINGIN SI GENE. Muling umangat ang mga mata nito at sinalubong ang kaniya. Napalunok pa. Hindi niya alam kung dahil sa kalasingan, o sa dilim, o sa kung ano pa man, pero hindi niya mabigyan ng pangalan ang damdaming nakapaloob sa mga mata nito. She just knew... deep in her heart, there was something there. Something that Gene was trying so hard to keep. Hanggang sa bumitiw ito nang dahan-dahan, umatras, at muling naupo nang tuwid sa couch. Doon pa lang siya nakahinga nang maluwag. At doon ay sinamantala niya ang pagkakataon. Mabilis siyang tumayo at lumayo rito. Si Gene ay nakasunod ang tingin sa kaniya.