"SLUTTY, CONSERVATIVE, O NEUTRAL?"
Bagot na nilingon ni Gene ang kaibigan nang bigla na lang itong sumulpot sa entry ng workshop. Pagkalingon ay nakita niya ang hawak-hawak na tatlong magkakaibang damit ni Trini.
"I need to finish some work, Trini. Pwede bang ikaw na ang magpasiya kung ano ang damit na isusuot mo?" He growled in annoyance as he swifted his attention back to the car. May inaayos siyang piyesa sa engine at malapit na niyang matapos iyon. Kukunin ng may-ari ang sports car mamayang gabi at kailangan mahabol niya ang deadline.
"Anim na damit ang pinagpilian ko, Heneroso. Nauwi ako sa tatlo, pero hindi ako makapili kaya kailangan ko ang opinyon mo."
"Just choose the one you like most." Tutok na tutok siya sa ginagawa kaya hindi niya namalayan ang paglapit nito.
"This one's the conservative style. Turtle neck sleeveless na hanggang talampakan ang haba. Do you want to see me try?"
"I think you'd look like a conservative teacher in that. Choose something sexy pero kagalang-galang pa rin," aniya nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang damit. Sa paraan pa lang ng pagkaka-larawan ni Trini ay alam na niya ang itsura niyon. And he could see the color of the dress through his peripheral vision.
"So... how about this neutral style? Off shoulder at lampas tuhod ang haba. Hapit nang bahagya sa katawan ko pero hindi naman mahalay tingnan. Do you want me to fit it for you to see?"
"No need to fit, Trini. Kung gusto mo'y 'yan ang isuot mo."
Sa sinabi niya'y inis na napa-padyak si Trini sa sahig bago nito ni-hampas sa kaniya ang mga bitbit na damit. Mangha niya itong binalingan, at doon ay nakita niya ang iritasyon sa mukha nito.
"May dalaw ka na naman ba? Ano ba ang problema mo?"
"Ikaw ang nag-set up ng date na ito, at kahit ayaw kong kitain si Deewee ay pumayag ako dahil sinabi mo. Ang gusto ko lang ay tulungan mo akong pumili ng maisu-suot tapos heto ka't walang pakialam!" Napabuga ito ng hangin at inis na sumandal sa kotseng inaayos niya. Bahagya iyong umuga na sandali niyang ikina-bahala.
"Geez, lumayo ka r'yan sa ginagawa ko't baka lalong masira ang kotse." Banayad niya itong hinila sa isang braso upang paalisin sa pagkakasandal sa kotse.
"Gusto kong magsuot ng pangit na damit para ma-turn off si Deewee, pero ayaw ko namang magmukhang tanga sa ibang guests ng restaurant kaya gusto kong maging maganda kahit papaano. So, just help me choose the better-looking dress. You know what looks good on women, so I really need your opinion."
"Fine." Sandali niyang itinigil ang ginagawa saka sinulyapan ito. "Isukat mo at titingnan ko. And as you put the dress on, I'll continue working. Happy?"
Malapad na ngumiti si Trini.
"Do it quickly. Go."
Mabilis na kumilos si Trini at umalis sa kinatatayuan bitbit ang mga damit. Napa-iling siya at ibinalik ang pansin sa ginagawa. Makalipas ang ilang minuto ay napa-igtad siya nang muling marinig ang tinig ni Trini hindi kalayuan sa kaniyang likuran.
"Okay, game. Suot ko na ang neutral style."
Salubong ang mga kilay na lumingon siya. "Bakit ang bilis mong—" Then, he stopped when he realized something.
Trini never left the workshop!
She changed her outfit in front of the widely-opened entrance, not caring if somebody would see her!
Manghang nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa hinubad nitong tattered maong shorts at oversized t-shirt sa sahig ng workshop, at sa suot nitong off-shoulder dress.
"What do you think you're doing, Trinidad?!"
"Susme naman, walang tao sa labas nang maghubad ako! Besides, private subdivision ito at wala pang nakatira sa katapat na bahay; sino ang makakakita sa akin?"
Mangha siyang napatitig dito, at bago pa niya napigilan ang sarili ay lumapit siya sa kaibigan, inilapag ang hawak na wrench sa portable table na nadaanan niya, saka hinila sa braso si Trini at initabi sa gilid ng roll up door upang ikubli ito roon.
"Kung gusto mong magbihis ay h'wag sa harap ng nakabukas na pinto—dito ka sa hindi ka makikita!"
Ahh, damn this woman. Minsan ay hindi na talaga niya alam kung ano ang initatakbo ng utak nito.
"Naka-cycling shorts naman ako at tube top, kaya kumalma ka."
"Kahit na." Itinaas niya ang index finger na puno ng grasa at ini-dikit sa labi ng kaibigan nang akma itong magdadahilan. "Shush-- alam mong mali ang ginawa mo."
Inis nitong tinabig ang kamay niya. "Ano ba, 'yang daliri mo naman!"
He gave her a warning look, pointing his index finger to her face. "Sundin mo ang sinabi ko. No buts."
Trini said nothing and just made a face.
Binalikan niya ang kotse saka inis na hinablot ang wrench mula sa portable table na pinag-iwanan niya. Imbes na balikan ang inaayos na piyesa ay yumuko siya sa sahig at humiga sa roller creeper at pumailalim sa sasakyan. Kailangan niyang madaliin ang pag-aayos ng engine ng kotse, pero uminit bigla ang ulo niya kay Trini kaya minabuti niyang sandaling umiwas dito sa ganoong paraan. He needed a minute or two to calm his nerves. Kadalasan ay lumalamig ang ulo niya kapag inilalayo niya ang sarili ng ilang minuto.
"Ano ba 'yan, Heneroso! Hindi mo man lang tiningnan itong suot ko!"
Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago napilitang irolyo palabas ang creeper at sumilip mula sa ilalim ng kotse. Doon ay nagawa niyang makita ang kabuoan ng katawan ni Trini. He silently studied her dress.
Tama ito, hapit iyon sa katawan at nakikita nang malinaw ang hubog ng bewang at balakang nito sa suot. Trini was only five feet and three inches tall and she had nice curves. The dress looked alright, pero sa tingin niya'y masyadong nakaaagaw ng pansin.
"Change it," aniya bago pa niya napigilan ang sarili. "Try the conservative one for me."
"Okay." Mabilis na nahubad ni Trini ang unang damit. May inabot ito mula sa likuran ng damit hanggang sa humulagpos iyon sa katawan nito. Bumagsak ang off-shoulder dress sa sahig at doon niya nakita na totoong may suot itong cycling shorts na hanggang kalahati ng hita ang haba at padded tubed top. Kahit maghubad ito sa harap ng roll up door ay walang problema, pero kahit na. She was still a woman and she needed to act like one. Walang matinong babae ang naghuhubad at nagbibihis sa harap ng nakabukas na pinto!
Sunod na ini-suot ni Trini ang turtle neck sleeveless dress, at hindi niya napigilang lihim na matawa. Buti na lang at nasa ilalim siya ng kotse at nakasilip lang, dahil kung nasa harapan siya ni Trini ay baka sinikmuraan na siya nito.
"That looks awful—para kang pupunta sa binyag."
"See? Sabi ko na't kailangan ko ng opinyon mo." Muli nitong hinubad ang suot at nagpalit.
The next thing Trini put on was a red silky dress that sparkled in his eyes. He didn't know why, but the color attacted him. Sinundan niya ng tingin ang bawat pag-galaw ng manipis na tela habang inisusuot iyon ng kaibigan. The fabric moved as Trini did, and it looked lovely on her.
There was always something in red that makes men crazy. It was the sexiest color amongst all others. Either red or black. At dahil maputi si Trini ay bagay sa balat nito ang ganoong mga kulay. Nalipat ang kaniyang tingin mula sa damit patungo sa katawan ng kaibigan. How many times did he see here change clothes in front of him? Countless. Wala itong hiya pagdating sa kaniya. Saulado na rin niya ang mga peklat nito sa katawan, ang mga balat, ang mga nunal. Not all of them, but he could place a number for each kind. He knew she had a two inches scar just below her rib cage that she got from playing badminton back in gradeschool. She also had a scar as big as a centavo coin just behind her left knee; she burnt herself when they were camping back when they were in college. May peklat din itong kasing laki ng squash seed sa kanang binti sanhi ng bulutong, and there were more others on the rest of her body he lost count.
Trini would always complain about how flawed her skin was, pero hindi rin ito maawat sa pagsusuot ng maiiksing shorts at skirts, showing her skin off. She was confident with her body despite her complaints.
Trini was always like that, and that was one of many things he loved about her.
"Gah! I need to take these off."
Natigil siya sa pagsuri nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Nakita niyang hinubad nito ang suot na pulang dress at ibinagsak sa sahig. At bago pa niya nahulaan ang sunod nitong gagawin ay nag-umpisa nang ibaba ni Trini ang suot na cycling shorts, leaving her black lacey panty on. Then, she turned her back on him and took off her tubed top.
Damn this woman; hindi na ginapangan ng hiya sa katawan!
Inilipat niya ang tingin sa labas ng roll up door upang siguraduhing walang darating na kliyente at abutan si Trini sa ganoong kondisyon.
"This one is a little slutty..." bulong ni Trini. Ibinalik niya ang tingin dito at nakita ang pag-dampot nito ng pulang dress sa sahig at ang muli nitong pagsuot niyon. Katulad ng ginawa niya kanina'y napamaang siya sa damit— it was a beautiful sexy dress, at kung hindi si Trini ang may suot niyon ay baka ginapangan na siya ng kilabot sa buo niyang katawan.
If a beautiful stranger would walk into the room wearing that red dress, he would probably get sweep off his feet. But this was Trini, and he couldn't look at his bestfriend the same way as—
Nahinto ang pagdaloy ng isip niya nang dahan-dahang humarap sa kaniyang direksyon si Trini. At nang makita niya ang kabuoan nito, suot-suot ang magandang damit na iyon, ay napahugot na lang siya nang malalim na paghinga.
He was... stunned.
And he couldn't find a word to describe how perfect she looked.
"This one is my fave, pero nag-aalala ako na baka masyadong OA at baka isipin ni Deewee na nilalandi ko siya."
Wala sa loob na ini-usog niya palabas ang roller creeper saka siya naupo at tinitigan ito nang diretso sa mga mata. Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago nagsalita. "You look great in it."
"Talaga?"
He nodded and gave his best friend a gentle smile. "With the right amount of make-up and a pair of high-heel shoes, you would surely look incredible in that dress."
Satisfaction crossed Trini's face; mukhang nagustuhan nito ang sinabi niya. Yumuko ito at isa-isang dinampot ang mga damit na unang sinukat saka kinipkip ang mga iyon sa dibdib. "Okay, that settles it. Ito ang isusuot ko. Makikiligo na rin ako sa banyo mo, ha?"
"I'm surprised you even asked," tuya niya bago tumayo at hinarap ang inaayos na piyesa sa makina ng kotse.
"Remember, Heneroso, alas siete tayo aalis kaya dapat ay tapos ka na sa ginagawa mo pagdating ng alasei y media. Kailangan mo pang maligo pagkatapos no'n, so hurry up, okay?"
"Tapos ko na sana 'to kung hindi mo ako inabala, Trinidad."
He heard her giggle. "I'm leaving you alone na; ibabalik ko lang itong ibang damit sa kotse ko. Catch yah later, luv!"
He looked over his shoulder and saw Trini jumping off as she walked out of the roll up door. Napa-iling siya saka ibinalik ang pansin sa ginagawa.
"I just hope this one works out. Kung hindi na naman niya magustuhan si Deewee ay bahala na siya sa buhay niya."
Knowinng Trini, siguradong hahanapan na naman nito ng butas ang ka-date. Pupunta na naman sa kaniya at magre-reklamo.
He could see it happening already.
He could see this date turning as badly as the previous ones.
Napapailing na nagpakawala siya nang malalim na paghinga saka sinulyapan ang dalawang picture frames na nakapatong sa pinakatuktok ng shelf ng mga tools sa kanang bahagi ng workshop. Sa isang frame ay naroon ang larawan ng buo nilang pamilya kuha noong nabubuhay pa ang ama nila at kompleto pa silang magkakapatid na nakatira sa Asteria, sa isang frame naman ay noong nagtapos sila ni Trini sa high school; kasama nilang dalawa sa larawan ang mga magulang nito.
"Sorry, Uncle Tony and Tita Lanie, but your daughter is gonna end up an oldmaid."
H'wag mo na akong sunduin—si Deewee na ang maghahatid sa akin pauwi.Paulit-ulit na binasa ni Gene ang text message na pinadala ni Trini nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang binasa dahil hindi siya makapaniwalang sasabihin iyon ng kaibigan. Kahit kailan ay hindi pa nagpahatid si Trini sa kahit kaninong lalaking nakaka-date sa bahay nito. Madalas siya nitong tawagan para sabihing sunduin na, o 'di kaya'y magti-text sa kaniya upang sabihing tumawag siya at magkunwaring may emergency para makatakas ito sa ka-date.But this time, it was different.And he couldn't believe his eyes.Muli niyang binasa ang mensahe bago ibinalik ang cellphone sa backpocket. Hindi siya mapalagay—kaya nan
"AALIS KA?" tanong ni Trini nang sa pag-dating dito sa bahay ni Gene ay nakita ang kaibigang ini-lalagay ang mga tool box sa likuran ng truck. Sa harap ng workshop ini-parada ni Trini ang kotse kaya nakita kaagad nito ang ginagawa ng kaibigan sa loob. "May pupuntahang kliyente," tipid na sagot ni Gene. "I won't be back until 9PM." Sinulyapan ni Trini ang relos. "It's only 5PM. Ilang sasakyan ang aayusin mo at ganoon ka ka-tagal mawawala?" "Masyadong mahirap ayusin ang nasirang makina kaya nagbigay ako ng ganoon ka-habang time frame." Natapos na nito ang pagkarga ng mga gamit
"OH, GENE.... OH! YESSS... YOU'RE DOING IT RIGHT, BABY. YESSSS!!!!" Sinundan iyon ng malakas na pag-ungol na ikina-ngiwi ni Trini. Dire-diretso siya sa pagpasok sa kusina at kunwari ay napa-duwal na tila ba may mapaklang pagkain siyang ini-lagay sa bibig. Abot hanggang sa ibaba ang ingay na nililikha ng babaeng kasama ni Gene sa silid nito sa itaas. Na kung hindi marahil nakasara ang front door ay baka umabot din iyon hanggang sa kalsada. It was Thursday afternoon and Gene didn't know she was coming early. Kinailangan niyang magtrabaho overtime dahil na
"SINO-SINO NGA ULIT SA MGA KUYA MO ANG MAY TATTOO?"tanong ni Trini nang nasa daan na sila patungong Asteria. Tatlong oras mahigit ang biyahe patungo roon at kalalabas pa lang nila sa boundary ng Ramirez patungo sa kasunod na bayan. Gamit ni Gene ang truck nito at nasa front seat siya like usual. "Lance has the most numbers," Gene answered. His eyes focused on the road. "Gusto nga yatang punuin ang katawan, eh." Napalabi siya. "Bagay naman kay Lance, ah? Pero noong huling kita ko sa kaniya ay sa kaliwang braso pa lang siya may tattoo. Dinagdagan ba niya?"  
"DEEWEE!" "Trini!" Manghang lumapit si Trini sa nakangiting si Deewee. Saktong pababa siya sa hagdan ng malaking bahay ng pamilya Zodiac nang makitang binuksan ni Phillian ang front door at bumungad si Deewee. Free Phillian Zodiac was the second eldest, at isa rin ito sa dalawang mga kapatid ni Gene na may asawa na. He was living in a town three hours away from Asteria; malapit sa dagat. Ito ang best friend noon ni Deewee, at kaya marahil naroon ito ay dahil naimbitahan ni Phill."I didn't know you're here!" bulalas ni D
WALA SA LOOB NA NAPASULYAP si Gene sa wallclock na nakasabit sa pader ng workshop upang alamin kung anong oras na. Madilim na sa labas subalit ang ingay na madalas niyang inaasahang marinig pagdating ng ganoong oras ay hindi pa rin niya naririnig.Buong maghapon siyang abala sa inaayos na sports car at hindi niya namalayan ang oras.Sabagay, hindi na rin bago iyon. Palaging ganoon ang sistema sa tuwing may minamadali siyang trabaho. Kahit sino naman, kapag may tinatapos na deadline ay tutok na tutok sa ginagawa at ang oras ay mabilis na tumatakbo.In his case, he woke up at six in the morning, did his usual routine starting with an hour jog around the subdivision, having his coffee the minute he was back, and normally, while he had his coffee, Trinity wo
MALUHA-LUHANG sinulyapan niTriniang cellphone upang tingnan kung tumawag na si Gene. Ang huling sabi nito'y nasa sasakyan na ito papunta sa kinaroroonan niya, at muli na lang tatawag kapag nakarating na. The restaurant was full and there were customers coming in and out of the restroom. Sa loob ng unisex restroom ay may apat na cubicle, at nasa pinakadulo siya. Ilang beses nang may kumatok doon; sometimes a man, sometimes a woman. At gusto niyang humingi ng assistance sa mga ito, pero nag-aalala siya at nahihiya. Bumabalik sa isip niya ang nangyari noong araw na una siyang dinatnan. She asked for the he
"TINGNAN MO 'TONG TIYAN KO, lumo-lobo." Humagikhik si Trini matapos yukuin ang namumukol na tiyan. Katatapos lang nilang kumain matapos bumili ng sari-saring pagkain sa halos lahat ng madaanang kanto.They grabbed two large chicken burgers and fries from a fastfood restaurant, 2 servings of lugaw as discussed, and two fried tofu with sawsawan from the next kiosk. After which, they drove to the nearest concrete bridge connecting the towns of San Nicolas and Ramirez. Sa ilalim ng tulay ay may malawak na kalsada na ginagawang jogging lane ng mga taga-Ramirez tuwing umaga. Mababaw lang ang ilog at may barandilyang naka-harang sa gilid ng jogging and biking lane. Katulad iyon ng baywalk sa Roxas Boulivard; minus the bridge, that is.Alas dies na ng gab
"ARE YOU MOVING TO MINDORO FOR GOOD?" tanong ni Dra. Hernandez habang nakatutok ang tingin sa ultrasound monitor. Nasa kamay nito ang transducer na pinaiikot sa tiyan niya."Not for good, but I'm keeping the place for our future family. Binili ko na ang property mula sa kompanya ni Jerome, at balak namin ni Gene na gawin iyong bahay-bakasyonan pagdating ng araw. It's a really nice place, pero malayo sa kabihasnan," sagot niya habang ang tingin ay nasa tiyan. She was in her second trimester, and her tummy was exceptionally bigger than normal. At dahil nasa ika-apat na buwan na ang tiyan niya'y madalas na siyang makaramdam ng malakas na pagtibok mula sa loob. Sunud-sunod, walang pahinga.Makulit; mukhang may pinagmanahan talaga..."Naku,
"GENE?" ani Trini makalipas ang ilang sandali. Hindi makapaniwala. Hindi niya alam kung totoo itong nakikita niya at nararamdaman. She was injected with pain-killer, at kung ano-ano pang gamot para sa mga sugat niya. Ano'ng malay niya, baka imahinasyon lang niya ang nakikita niya ngayon? Pero bakit ang higpit ng yakap ni Gene? Bakit parang hindi siya makahinga? If this was just a dream, why did it feel so real? "Gene...?" she called out again.
"NAKAUSAP KO NA SI ARTHUR, at sinabi niyang nakahanap siya ng lead kung saan maaaring dinala ni Jerome Sison si Trini."Mula sa pagtanaw sa malawak na garden sa tapat ng bahay/shop ni Aris ay lumingon si Gene. Nakita niya si Aris na nakatayo sa gitna ng sala hawak-hawak sa isang kamay ang cellphone nito.Naroon siya sa bahay ng nakatatandang kapatid upang kausapin ito tungkol sa paghahanap kay Trini. May kaibigan si Aris na nakasama nito sa Karate club noong kolehiyo. Arthur was a retired cop. Limang taon ang tanda nito kay Aris at nagretiro na sa pagpupulis upang magtayo ng security agency katuwang ang father in law nito na dating chief of police sa bayan ng Cartagena– limang oras ang layo mula roon sa bayan na kinaroroonan ni Aris.
SINAKOP NG LAMIG ANG BUONG KATAWAN NI TRINI; hindi nito alam kung ano ang iisip at mararamdaman.Napatitig siya sa mukha ng doktora; hindi niya magawang sulyapan ang monitor dahil malibang hindi rin niya maintindihan kung ano ang makikita roon ay natatakot siyang umasa.Kahit si Dra. Hernandez ay hindi siguro; para saan ang umasa?Masaya na siyang kahit papaano ay nagkaroon siya ng pagkakataong takasan ang sumpa ng pamilya ng mommy niya. Kung paanong nangyari iyon ay hindi niya alam. Basta ang alam niya'y mas maganda ang bukas na naghihintay sa kaniya. At kahit hindi pa nag-uumpisa ang pangalawang pagsusuri ay buo na ang pag-asa niyang patuloy na mabubuhay.Milagro nang maituturing
DALAWANG LINGGO MUNA ANG LUMIPAS bago nagawang lumuwas ni Trini papuntang Asteria. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay nakapatay ang cellphone ng dalaga upang umiwas sa lahat, maliban kay Jerome na pinadadalhan niya ng email tuwing gabi upang hindi ito mag-alala at magpadala ng tao sa bahay niya.Sa loob ng dalawang linggong iyon ay pinag-isipan niya nang mabuti kung makikipagkita kay Dra. Hernandez. Una, nasabi na nito kay Felicia ang bagay na dapat ay ito lang at siya ang may alam. She hated the fact that her doctor disclosed that sensitive information to someone else, especially to one of the Zodiacs. At ngayong alam na ni Felicia, siguradong alam na rin ni Gene.Pangalawa, kung ang importanteng bagay na nais nitong ipakipag-usap sa kaniya ay tungkol sa sakit niya, ano'ng silbi? She didn
TWENTY ONE DAYS LATER. Asteria."Mrs. Felicia Zodiac?" Malapad na ngumiti si Dra. Hernandez nang makita ang pumasok sa private clinic nito. Umalis ang doktora mula sa harap ng mesa at humakbang patungo sa bagong pasok. Pagkalapit ay yumuko ito at humalik sa pisngi ni Felicia.Malibang naging pasyente din nito si Felicia noong araw ay dati na rin silang magkakilala. They went to the same university. Hindi sila naging malapit na magkaibigan, pero noong kadalagahan nila ay nagkasama ang dalawa sa isang sports team. Matanda lang ng dalawang taon si Dra. Hernandez."Dra. Hernandez," ani Felicia, masuyong nakangiti. "How have you been?""Oh, still the same, Feli. I'm so glad to see you again."
Trini's mind was fuzy with desire, yet she couldn't just ignore how Gene pleaded for an answer. Napakurap ang dalaga, sandaling namangha. Hanggang sa naramdaman nito ang paghigpit ng mga kamay ni Gene sa baywang nito. At doon pa lang tila natauhan si Trini."I wantyou, Gene," she answered emotionally. "I want all of you."Her answer satisfied him. And that's when he began to shove into her-- over and over, in a slow yet strong motion. He called out to her, enticing her through the smoke of consuming pleasure until Trini let out a long, pleasurable moan that drove him even wilder.Binilisan ni Gene ang pagkilos nang maramdaman ang pagtugon ni Trini sa ibabang bahagi ng katawan nito. She was tightening up for him, and her tightness was pushi
GUMAPANG ANG KILABOT sa buong katawan ni Trini nang maramdaman ang mga kamay ni Gene sa baywang nito.Hindi alam ng dalaga kung bakit dito nauwi ang plano nitong paghingi ng tawad. Ang plano nitong malapit na sanang magtagumpay ay mukhang muling babagsak. And she didn't even give a damn.As for Gene... There was a little hesitation. Yet he couldn't say no to this. He couldn't pull his mouth off her. He couldn't stop himself from responding. Because deep within him, he knew he wanted this. He needed this. He needed her.At this point, Trini was leading the kiss. Ito ang nag-umpisa, ito ang gumigiya. Si Gene ay tumutugon nang may bahagyang kontrol. He didn't want Trini to notice how much he lon
SA SINABI NIYA'Y SAKA PA LANG NAGBAWI NG TINGIN SI GENE. Muling umangat ang mga mata nito at sinalubong ang kaniya. Napalunok pa. Hindi niya alam kung dahil sa kalasingan, o sa dilim, o sa kung ano pa man, pero hindi niya mabigyan ng pangalan ang damdaming nakapaloob sa mga mata nito. She just knew... deep in her heart, there was something there. Something that Gene was trying so hard to keep. Hanggang sa bumitiw ito nang dahan-dahan, umatras, at muling naupo nang tuwid sa couch. Doon pa lang siya nakahinga nang maluwag. At doon ay sinamantala niya ang pagkakataon. Mabilis siyang tumayo at lumayo rito. Si Gene ay nakasunod ang tingin sa kaniya.