NAPA-ILING SI TRINI NANG sa paglingon niya sa dalawang palapag na bahay ng matalik na kaibigan ay nakita ang isang babaeng lumabas ng front door; magulo ang mahabang buhok at bitbit sa isang kamay ang high-heels na sapatos. Tahimik nitong ini-sara ang pinto saka nakayapak na naglakad patungo sa gate.
"Pang-ilang babae na naman 'to ngayong buwan..." bulong niya sa sarili bago umikot patungo sa trunk ng kulay pula niyang Toyota Vios upang kunin ang mga pinamiling groceries. Alas-siete na ng gabi, at malamang na buong maghapong nagkulong si Genesis kasama ang flavor of the month nito sa kwarto. Sarado ang workshop tuwing biyernes dahil iyon ang araw na pahinga ng kaibigan kaya marahil nakakuha ito ng oras para bumiyaheng langit.
"Hi," bati ng babae nang makalabas ng gate.
Nakangiti siyang nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko sa trunk at bumati rin dito. "Good evening."
"Are you Gene's best friend?" huminto ito sa gilid ng kotse niya upang isuot ang mga sapatos.
"Yes, ako nga."
Napanguso ito. "Why are you visiting him at this hour? I was hoping to stay over night, pero dinahilan niyang darating ka kaya kinailangan kong umalis."
You are probably a nutcase—or maybe you are not that good in bed. Iyon lang ang dahilan para maagang pinapaalis ng mokong na 'yon ang mga babae niya.
But she wouldn't say that. Hindi niya ipapahamak ang kaibigan niya. "Sorry, inutusan niya akong mag-grocery, so here I am."
Muli itong napanguso saka tuwid na tumayo matapos isuot ang mga sapatos. Ang suot nitong itim na dress ay humapit sa magandang hubog na katawan. Lihim siyang napa-palatak. Kay galing talagang pumili ng babae ng kaibigan niya. And she wondered kung saan nakukuha ng mokong na iyon ang mga class A na mga tsiks na ito?
"Are you sure you're just friends with Gene?" Sinuyod siya ng tingin ng babae at hindi niya napigilang mapa-ngiti.
Hindi ito ang unang beses na may ka-landian si Gene na tinanong siya sa totoong score nila ng kaibigan. Sanay na siya, at alam na niya kung ano ang isasagot.
"Don't worry; magkaibigan lang talaga kami. I've known him since we were five, at kung gugustuhin namin ang isa't isa ay sana noon pa. Ang closeness namin ay umabot sa puntong sinamahan ko siya noong nagpa-tuli siya, at siya naman ang inutusan kong bumili ng napkin noong unang beses akong dinatnan. We are that close, and we would never cross the line, kaya kalma lang." Nailabas na niya ang dalawang plastic bags na may lamang mga gulay, prutas, at karne saka inisara ang trunk bago muling nagsalita. "Do you need a ride?"
Nagkibit-balikat ito; ang tingin ay lumampas sa kaniyang balikat.
Lumingon siya at sinundan ng tingin ang umagaw sa pansin nito at nakita ang papalapit na kotse.
"I called an Uber," the lady said.
Nang ibalik niya ang tingin dito'y nakita niya ang paghakbang nito palapit, ang tingin ay bumaba sa kaniyang suot na long sleeve poloshirt at maong na pantalon, hanggang sa two-inches wedge sandals niya bago siya nilampasan.
Napa-iling na lang siya bago ito nilingon at sinundan ng tingin hanggang sa marating nito ang sasakyang huminto hindi kalayuan sa likod ng kotse niya. Binuksan nito ang passenger's seat, at bago pumasok ay nagsabing, "Please tell Gene that I'll wait for his call."
Hanggang sa makaalis ang kotseng sinasakyan ng babae ay hindi siya umalis sa kinatatayuan. Hindi niya mapigilang maawa rito at sa iba pang naging babae ng kaibigan. Knowing Gene, that lady would surely just dream to have a taste of him again. Because Gene never slept with the same woman twice.
Simula nang magtapos sila sa kolehiyo at makabili ng sariling bahay ni Gene ay madalas na itong magdala ng babae roon. He once had a girlfriend, pero dahil sa dami ng demands ng naging unang kasintahan nito'y na-trauma ang loko. She couldn't blame him; talagang nutcase ang unang naging girlfriend ng kaibigan. There was a time na pinagbawalan nito si Gene na makipagkita sa kaniya, at nagtampo siya. It was her 23rd birthday, at kasabay niyon ay natanggap siya sa ni-apply-an niyang trabaho. She wanted to celebrate that day with Gene, at um-oo na ito sa kaniya. Subalit nagwala ang syota nito at hindi ito pinayagang umalis nang gabing iyon. She waited until 12 midnight, at nang walang Gene na dumating sa restaurant kung saan siya nagbook ng dinner ay umuwi na lang siya. Dalawang araw niyang hindi pinansin ang mga text messages at tawag ng kaibigan dahil sa tampo, at sa ikatlong araw ay hinintay siya nito sa labas ng pinagta-trabahuan niyang accounting firm upang humingi ng dispensa.
They reconciled, and Gene broke up with his girlfriend. Ang sabi nito'y toxic daw ang babae at gusto itong hawakan sa leeg. Then, Gene realized that it wasn't easy to be in a serious/committed relationship while being friends with another woman. Komplikado raw, kaya hindi na ito muling nakipag-relasyon pa. He seemed to be happy with his current set-up, though. Iba-ibang babae kada dalawang linggo; mukhang mas prefer iyon ng kumag.
At nasanay na rin siya.
Ilang taon na bang gawain iyon ng mokong? Nagtataka pa nga siya kung bakit wala pa rin itong nabubuntis.
Habang siya nama'y heto... NBSB pa rin.
Wala pa siyang naging ka-relasyon dahil malibang hindi makalapit ang mga lalaki sa kaniya sa pag-aakalang syota niya si Genesis, ay masyado ring mataas ang standard niya.
She was looking for someone... handsome. Kasing pogi—o higit pa ni Genesis. Syempre, may mga kapatid si Gene na puro mga pogi, pero parang mga kapatid na rin niya ang mga iyon kaya inalis niya sa listahan ang magkakapatid na mga Zodiac.
She was also looking for someone passionate with their job. Tulad ni Gene na kahit simple lang ang trabaho ay ipinagmamalaki nito.
She was looking for someone kind and thoughtful. Like Gene who always cared for her.
She was looking for someone who has a sense of humor. Like her best friend who would always make her smile or laugh whenever she was feeling down.
In short—she was looking for someone who has the same looks and personality as Genesis.
Someone like him.
But never him.
*
*
*
"I'M HOME!" sigaw niya nang makapasok sa bahay ni Gene. Nakalimutan ng babaeng i-lock ang pinto kaya nakabukas iyon nang itulak niya. She had a duplicate key, anyway, kaya kahit naka-lock ay makakapasok pa rin siya.
She kicked off her sandals and walked barefoot to the kitchen. Ipinatong niya ang mga plastic bags sa ibabaw ng island table saka naghugas ng mga kamay sa sink.
Ang totoo't hindi naman talaga siya sinabihan ni Gene na mag-grocery—siya mismo ang gumagawa niyon dahil alam niyang hindi ito mag-sa-stock ng pagkain sa fridge. And since doon siya nag-a-almusal at naghahapunan, tama lang na siya ang mamili ng mga pagkain.
Habang nagsasabon ng mga kamay ay narinig niya ang mga yapak ng kaibigan na pababa ng hagdan. At dahil tanaw mula sa kinatatayuan niya ang hagdan ay napalingon siya upang makita ito.
Si Gene ay ini-su-suot ang puting T-shirt habang bumababa; nagawa niyang masulyapan ang namumukol nitong abs bago nito tuluyang maibaba ang damit. Sandali itong nawala sa kaniyang paningin at nang sumulpot sa entry ng kusina ay muli siyang nagsalita.
"Nakasalubong ko ang flavor of the week mo sa labas."
"Yeah, I sent her off because I know you would be here any moment." Napatingin ito sa mga supot na ipinatong niya sa mesa habang itinataas ang zipper ng pants. "What do you have there?"
"Dalawang kilong drumstick, dalawang kilong stirloin, at isang kilong pork belly. May mga gulay at prutas din akong dala sa isang plastic. Anong uulamin natin ngayong gabi? Gusto mo bang mag-luto ako ng sinigang?"
"I really don't feel like eating meat tonight."
Napa-ismid siya saka binanlawan ang kamay. "Por que may nilantakan kang raw meat buong maghapon ay ayaw mag-karne ngayong gabi. Iba rin."
"Shut up, Trinity. H'wag ka sa akin maghimutok." Binalingan ni Gene ang laman ng mga plastic bags saka isa-isang inilabas. "Should we just order pizza?"
Humarap siya at pinahid ang basang mga kamay sa suot na damit. "With a bucket of spicy chicken and canned beer?"
"Geez. H'wag na h'wag kong maririnig ang reklamo mong tumataba ka na naman, Trinidad, at sasapakin talaga kita."
"Come on, tuwing Biyernes lang naman ako nagbi-beer, eh."
"I'll order cans of beer if you promised to jog at least three times a week."
Napanguso siya. "Fine." Sumandal siya sa sink at sinundan ng tingin si Genesis habang isa-isa nitong inisisilid ang mga karne sa loob ng freezer. At habang abala ang kaibigan ay may naisipan siyang itanong.
"Nakakapayat ba ang sex, Gene?"
Balewala siyang nilingon nito at tinapunan ng tingin. "Depende."
"Saan?"
"Sa posisyon." Ibinalik nito ang pansin sa ginagawa.
"What do you mean?"
"If you were in a missionary position, you won't break a sweat. Hihiga ka lang at walang gagawin. But if you were on top of your man in a cowgirl position, you will be the one in control. Pagpapawisan ka dahil ikaw ang kikilos para sa inyong dalawa. So, if you want to lose weight while having sex, choose the latter."
"Such an informative but useless advise, lalo at wala naman akong syota," tuya niya bago humakbang palapit sa mesa at kinuha ang isa pang supot na may lamang mga gulay at prutas.
"You asked, I answered." Ini-sara ni Gene ang freezer at kinuha ang plastic mula sa kaniya. Sunod nitong ipinasok ang mga gulay at prutas sa chiller.
"Hindi ko sinabing para sa akin ang tanong na iyon. I was asking kasi naman, malakas kang kumain pero hindi ka tumataba. May abs ka pa nga eh, hindi ka naman nagwo-work out."
"I jog whenever I can, Trinity. At nagbubuhat ako ng malalaking piyesa ng sasakyan. Walang kinalaman ang sex sa nangyari sa katawan ko." Inisara na ni Gene ang fridge matapos ipasok ang mga gulay. Itinuwid nito ang saraili saka nilampasan siya. "Do me a favor and order the pizza. Maliligo muna ako."
"Ibaba mo ang matress sa sala, ha?"
Nahinto si Gene at nilingon siya. Ang mga kilay ay magkasalubong. "H'wag mo sabihing dito ka na naman matutulog?"
"That's right, kaya bilisan mo at ako ang sunod na maliligo. Pahiram na rin ng pants at T-shirt." She grinned and blew him a kiss. "Love you."
Gene grimaced and shook his head. "Nauubos na ang mga pants ko, Trinidad. You better buy me new pants because I ain't washing them. Tinatapon ko ang lahat ng mga sleeping pants kong inisusuot mo."
"Ang arte nito... Wala naman akong sakit, wala ring putok. Bakit kailangang itapon?"
"Because you're not wearing underwear whenever you use my pants."
"So? When you give your women oral sex, nandidiri ka rin ba?"
Sandali itong natigilan sa huling sinabi niya; nagulat sa diretsahang tanong. Hanggang sa napangisi ito, at ang ngisi ay nauwi sa pagtawa.
"Do you really want me to answer that?"
"Not really. Pero ang point ko, ay kung kaya mong gawin iyon sa mga babae mo, bakit hindi mo--"
"Gawin sa'yo?"
"Gago, hindi 'no! I was pertaining about your pants!"
Lalong natawa si Gene. "I will never wash and wear the pants you used without underwear, Trinidad. It's cringe. At h'wag mong ikompara ang oral sex sa pagsuot mo sa mga pants ko."
"Pfft." Umikot paitaas ang mga eyeballs niya. "What's the difference?"
"One is tasty and the other is dirty."
Napasinghap siya. What he said was an outright insult! "Hoy, hindi marumi ang keps ko, ulol! I have a big bottle of feminine wash in my bathroom and I visit my OB-BYN twice a year to ensure my vagina is clean and healthy!"
Ngumisi si Gene. "You are so defensive."
"Kainis ka kasi!"
Hindi na ito sumagot pa at ngingisi-ngising itinuloy ang paglabas sa kusina.
Naiinis siyang humalukipkip; ang nguso ay nanulis sa pagsimangot. "One is tasty and the other is dirty. Gago talaga." Napa-ismid siya. "Kung ang isa ay dirty, siguradong hindi ako 'yon. Kuuu, humanda ka talaga sa akin bukas ng umaga!"
*
*
*
10AM. TRINITY WAS ON HER WAY TO THE OFFICE WHEN HER PHONE RANG. Napangisi siya; alam niya kung sino iyon at kung ano ang dahilan kaya ito napatawag.
Binagalan muna niya ang pagpapatakbo ng sasakyan bago inabot ang cellphone na nakapatong sa dashboard. Sinulyapan muna niya kung sino ang caller, at nang makompirma ang hinala ay lumapad ang ngisi niya. She pressed the answer button and put the call in speaker mode.
"Yep?"
"I was looking for the shirt and pants you wore last night. Kadalasan ay iniiwan mo lang ang mga iyon sa ibabaw ng kama ko, but where are they now?"
She suppressed her chuckle. "Well, nilabhan ko na ang T-shirt at ini-sampay sa laundry area."
"How about the pants? Could you please do me a favor and throw them away after taking them off? Or better yet, leave my pants alone and just freaking bring your own next time. Ilang beses ko nang sinasabi sa'yo ito pero hindi mo pa rin ginagawa, Trinidad."
"Keep looking; nasa paligid lang 'yong sleeping pants mong ginamit ko kagabi."
"Nasa paligid? Bakit hindi mo na lang nilabhan tulad ng ginawa mo sa shirt?"
"Because I want to punish you for calling me dirty last night."
"Come on, Trinity Ann. Stop messing around. Sabihin mo na kung saan mo iniwan ang pants at isasama ko sa basurang itatapon ko sa labas."
"I put them back in your closet."
"You did what?"
Numungisngis siya. Nai-imagine niya ang biglang pag-pula ng mukha ni Gene sa inis. "I put them back in your closet—hulaan mo na lang kung alin sa sangkaterba mong pants doon ang ginamit ko kagabi."
"The hell I would! Come back here, you witch!"
"I'm late for work. Byeeee..."
"Trinidad!"
Hindi na niya napigilan ang malakas na matawa.
"Damn you, why did you even do that? How am I supposed to look for them—"
"Singhutin mo isa-isa." Then, she ended the call and burst into laughter.
Nakabawi na siya sa sinabi ni Gene kagabi. At dahil sa ginawa niya'y mukhang hindi na muna siya magpapakita sa kaibigan sa susunod na dalawamput apat na oras. Otherwise... he'd kick her ass.
NAHINTO SI TRINI SA PAGHAKBANG NANG SA PAGLABAS niya sa automatic glass door ng pinapasukang insurance company ay nakita si Gene na naghihintay sa labas. Nakasandal ito sa gilid ng kotse niya, nakahalukipkip. He was wearing his brown leather jacket, his favorite black turtle-neck cotton shirt inside, his faded blue jeans, and his boots. Poging-pogi sana, kung hindi lang pamatay ang tinging ipinu-pukol sa kaniya. Humagikhik siya at itinuloy ang paglapit. "Look who's here. Sinusundo mo ba ako, darling?" "Don't darling me, damn you. Naubos ang oras ko kahahanap sa sleeping pants na ginamit mo kagabi." &
"SLUTTY, CONSERVATIVE, O NEUTRAL?"Bagot na nilingon ni Gene ang kaibigan nang bigla na lang itong sumulpot sa entry ng workshop. Pagkalingon ay nakita niya ang hawak-hawak na tatlong magkakaibang damit ni Trini."I need to finish some work, Trini. Pwede bang ikaw na ang magpasiya kung ano ang damit na isusuot mo?" He growled in annoyance as he swifted his attention back to the car. May inaayos siyang piyesa sa engine at malapit na niyang matapos iyon. Kukunin ng may-ari ang sports car mamayang gabi at kailangan mahabol niya ang deadline."Anim na damit ang pinagpilian ko, Heneroso. Nauwi ako sa tatlo, pero hindi ako makapili kaya kailangan ko ang opinyon mo.""Just choose the one you like most." Tu
H'wag mo na akong sunduin—si Deewee na ang maghahatid sa akin pauwi.Paulit-ulit na binasa ni Gene ang text message na pinadala ni Trini nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang binasa dahil hindi siya makapaniwalang sasabihin iyon ng kaibigan. Kahit kailan ay hindi pa nagpahatid si Trini sa kahit kaninong lalaking nakaka-date sa bahay nito. Madalas siya nitong tawagan para sabihing sunduin na, o 'di kaya'y magti-text sa kaniya upang sabihing tumawag siya at magkunwaring may emergency para makatakas ito sa ka-date.But this time, it was different.And he couldn't believe his eyes.Muli niyang binasa ang mensahe bago ibinalik ang cellphone sa backpocket. Hindi siya mapalagay—kaya nan
"AALIS KA?" tanong ni Trini nang sa pag-dating dito sa bahay ni Gene ay nakita ang kaibigang ini-lalagay ang mga tool box sa likuran ng truck. Sa harap ng workshop ini-parada ni Trini ang kotse kaya nakita kaagad nito ang ginagawa ng kaibigan sa loob. "May pupuntahang kliyente," tipid na sagot ni Gene. "I won't be back until 9PM." Sinulyapan ni Trini ang relos. "It's only 5PM. Ilang sasakyan ang aayusin mo at ganoon ka ka-tagal mawawala?" "Masyadong mahirap ayusin ang nasirang makina kaya nagbigay ako ng ganoon ka-habang time frame." Natapos na nito ang pagkarga ng mga gamit
"OH, GENE.... OH! YESSS... YOU'RE DOING IT RIGHT, BABY. YESSSS!!!!" Sinundan iyon ng malakas na pag-ungol na ikina-ngiwi ni Trini. Dire-diretso siya sa pagpasok sa kusina at kunwari ay napa-duwal na tila ba may mapaklang pagkain siyang ini-lagay sa bibig. Abot hanggang sa ibaba ang ingay na nililikha ng babaeng kasama ni Gene sa silid nito sa itaas. Na kung hindi marahil nakasara ang front door ay baka umabot din iyon hanggang sa kalsada. It was Thursday afternoon and Gene didn't know she was coming early. Kinailangan niyang magtrabaho overtime dahil na
"SINO-SINO NGA ULIT SA MGA KUYA MO ANG MAY TATTOO?"tanong ni Trini nang nasa daan na sila patungong Asteria. Tatlong oras mahigit ang biyahe patungo roon at kalalabas pa lang nila sa boundary ng Ramirez patungo sa kasunod na bayan. Gamit ni Gene ang truck nito at nasa front seat siya like usual. "Lance has the most numbers," Gene answered. His eyes focused on the road. "Gusto nga yatang punuin ang katawan, eh." Napalabi siya. "Bagay naman kay Lance, ah? Pero noong huling kita ko sa kaniya ay sa kaliwang braso pa lang siya may tattoo. Dinagdagan ba niya?"  
"DEEWEE!" "Trini!" Manghang lumapit si Trini sa nakangiting si Deewee. Saktong pababa siya sa hagdan ng malaking bahay ng pamilya Zodiac nang makitang binuksan ni Phillian ang front door at bumungad si Deewee. Free Phillian Zodiac was the second eldest, at isa rin ito sa dalawang mga kapatid ni Gene na may asawa na. He was living in a town three hours away from Asteria; malapit sa dagat. Ito ang best friend noon ni Deewee, at kaya marahil naroon ito ay dahil naimbitahan ni Phill."I didn't know you're here!" bulalas ni D
WALA SA LOOB NA NAPASULYAP si Gene sa wallclock na nakasabit sa pader ng workshop upang alamin kung anong oras na. Madilim na sa labas subalit ang ingay na madalas niyang inaasahang marinig pagdating ng ganoong oras ay hindi pa rin niya naririnig.Buong maghapon siyang abala sa inaayos na sports car at hindi niya namalayan ang oras.Sabagay, hindi na rin bago iyon. Palaging ganoon ang sistema sa tuwing may minamadali siyang trabaho. Kahit sino naman, kapag may tinatapos na deadline ay tutok na tutok sa ginagawa at ang oras ay mabilis na tumatakbo.In his case, he woke up at six in the morning, did his usual routine starting with an hour jog around the subdivision, having his coffee the minute he was back, and normally, while he had his coffee, Trinity wo
"ARE YOU MOVING TO MINDORO FOR GOOD?" tanong ni Dra. Hernandez habang nakatutok ang tingin sa ultrasound monitor. Nasa kamay nito ang transducer na pinaiikot sa tiyan niya."Not for good, but I'm keeping the place for our future family. Binili ko na ang property mula sa kompanya ni Jerome, at balak namin ni Gene na gawin iyong bahay-bakasyonan pagdating ng araw. It's a really nice place, pero malayo sa kabihasnan," sagot niya habang ang tingin ay nasa tiyan. She was in her second trimester, and her tummy was exceptionally bigger than normal. At dahil nasa ika-apat na buwan na ang tiyan niya'y madalas na siyang makaramdam ng malakas na pagtibok mula sa loob. Sunud-sunod, walang pahinga.Makulit; mukhang may pinagmanahan talaga..."Naku,
"GENE?" ani Trini makalipas ang ilang sandali. Hindi makapaniwala. Hindi niya alam kung totoo itong nakikita niya at nararamdaman. She was injected with pain-killer, at kung ano-ano pang gamot para sa mga sugat niya. Ano'ng malay niya, baka imahinasyon lang niya ang nakikita niya ngayon? Pero bakit ang higpit ng yakap ni Gene? Bakit parang hindi siya makahinga? If this was just a dream, why did it feel so real? "Gene...?" she called out again.
"NAKAUSAP KO NA SI ARTHUR, at sinabi niyang nakahanap siya ng lead kung saan maaaring dinala ni Jerome Sison si Trini."Mula sa pagtanaw sa malawak na garden sa tapat ng bahay/shop ni Aris ay lumingon si Gene. Nakita niya si Aris na nakatayo sa gitna ng sala hawak-hawak sa isang kamay ang cellphone nito.Naroon siya sa bahay ng nakatatandang kapatid upang kausapin ito tungkol sa paghahanap kay Trini. May kaibigan si Aris na nakasama nito sa Karate club noong kolehiyo. Arthur was a retired cop. Limang taon ang tanda nito kay Aris at nagretiro na sa pagpupulis upang magtayo ng security agency katuwang ang father in law nito na dating chief of police sa bayan ng Cartagena– limang oras ang layo mula roon sa bayan na kinaroroonan ni Aris.
SINAKOP NG LAMIG ANG BUONG KATAWAN NI TRINI; hindi nito alam kung ano ang iisip at mararamdaman.Napatitig siya sa mukha ng doktora; hindi niya magawang sulyapan ang monitor dahil malibang hindi rin niya maintindihan kung ano ang makikita roon ay natatakot siyang umasa.Kahit si Dra. Hernandez ay hindi siguro; para saan ang umasa?Masaya na siyang kahit papaano ay nagkaroon siya ng pagkakataong takasan ang sumpa ng pamilya ng mommy niya. Kung paanong nangyari iyon ay hindi niya alam. Basta ang alam niya'y mas maganda ang bukas na naghihintay sa kaniya. At kahit hindi pa nag-uumpisa ang pangalawang pagsusuri ay buo na ang pag-asa niyang patuloy na mabubuhay.Milagro nang maituturing
DALAWANG LINGGO MUNA ANG LUMIPAS bago nagawang lumuwas ni Trini papuntang Asteria. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay nakapatay ang cellphone ng dalaga upang umiwas sa lahat, maliban kay Jerome na pinadadalhan niya ng email tuwing gabi upang hindi ito mag-alala at magpadala ng tao sa bahay niya.Sa loob ng dalawang linggong iyon ay pinag-isipan niya nang mabuti kung makikipagkita kay Dra. Hernandez. Una, nasabi na nito kay Felicia ang bagay na dapat ay ito lang at siya ang may alam. She hated the fact that her doctor disclosed that sensitive information to someone else, especially to one of the Zodiacs. At ngayong alam na ni Felicia, siguradong alam na rin ni Gene.Pangalawa, kung ang importanteng bagay na nais nitong ipakipag-usap sa kaniya ay tungkol sa sakit niya, ano'ng silbi? She didn
TWENTY ONE DAYS LATER. Asteria."Mrs. Felicia Zodiac?" Malapad na ngumiti si Dra. Hernandez nang makita ang pumasok sa private clinic nito. Umalis ang doktora mula sa harap ng mesa at humakbang patungo sa bagong pasok. Pagkalapit ay yumuko ito at humalik sa pisngi ni Felicia.Malibang naging pasyente din nito si Felicia noong araw ay dati na rin silang magkakilala. They went to the same university. Hindi sila naging malapit na magkaibigan, pero noong kadalagahan nila ay nagkasama ang dalawa sa isang sports team. Matanda lang ng dalawang taon si Dra. Hernandez."Dra. Hernandez," ani Felicia, masuyong nakangiti. "How have you been?""Oh, still the same, Feli. I'm so glad to see you again."
Trini's mind was fuzy with desire, yet she couldn't just ignore how Gene pleaded for an answer. Napakurap ang dalaga, sandaling namangha. Hanggang sa naramdaman nito ang paghigpit ng mga kamay ni Gene sa baywang nito. At doon pa lang tila natauhan si Trini."I wantyou, Gene," she answered emotionally. "I want all of you."Her answer satisfied him. And that's when he began to shove into her-- over and over, in a slow yet strong motion. He called out to her, enticing her through the smoke of consuming pleasure until Trini let out a long, pleasurable moan that drove him even wilder.Binilisan ni Gene ang pagkilos nang maramdaman ang pagtugon ni Trini sa ibabang bahagi ng katawan nito. She was tightening up for him, and her tightness was pushi
GUMAPANG ANG KILABOT sa buong katawan ni Trini nang maramdaman ang mga kamay ni Gene sa baywang nito.Hindi alam ng dalaga kung bakit dito nauwi ang plano nitong paghingi ng tawad. Ang plano nitong malapit na sanang magtagumpay ay mukhang muling babagsak. And she didn't even give a damn.As for Gene... There was a little hesitation. Yet he couldn't say no to this. He couldn't pull his mouth off her. He couldn't stop himself from responding. Because deep within him, he knew he wanted this. He needed this. He needed her.At this point, Trini was leading the kiss. Ito ang nag-umpisa, ito ang gumigiya. Si Gene ay tumutugon nang may bahagyang kontrol. He didn't want Trini to notice how much he lon
SA SINABI NIYA'Y SAKA PA LANG NAGBAWI NG TINGIN SI GENE. Muling umangat ang mga mata nito at sinalubong ang kaniya. Napalunok pa. Hindi niya alam kung dahil sa kalasingan, o sa dilim, o sa kung ano pa man, pero hindi niya mabigyan ng pangalan ang damdaming nakapaloob sa mga mata nito. She just knew... deep in her heart, there was something there. Something that Gene was trying so hard to keep. Hanggang sa bumitiw ito nang dahan-dahan, umatras, at muling naupo nang tuwid sa couch. Doon pa lang siya nakahinga nang maluwag. At doon ay sinamantala niya ang pagkakataon. Mabilis siyang tumayo at lumayo rito. Si Gene ay nakasunod ang tingin sa kaniya.