"Ate payakap naman po", paglalambing na wika ni Aises kinaumagahan nang magising sila. Lumipat naman si Bela at tumabi rin ito sa kanyang ate kaya napapagitnaan si Valerie ng dalawa niyang kapatid. Nakahiga pa rin silang tatlo sa katre at sinusulit ang mga oras na nakakasama pa nila ang isa't isa. Ngayon kasi ang balik ni Valerie sa Maynila kaya't nilalambing muna siya nina Aises at Bela."Ate, kailan ka uli uuwi dito?", tanong ni Aises."Baka sa susunod na buwan, pero hindi ako mangangako ha. Alam niyo naman na ayaw kong umabsent sa trabaho", sagot ni Valerie at saka nito kiniliti ang kanyang kapatid. Sumasabay din si Bela sa pangingiliti kay Aises kaya malakas itong napatili habang tawa ng tawa ito.Ito ang isa sa mga bagay na mami-miss ni Valerie sa kanyang mga kapatid. Malambing kasi at palabiro ang mga ito lalo na si Aises. Saglit siyang nakaramdam ng lungkot dahil ilang oras na lang ay babalik na siya ng Maynila at hindi niya alam kung kailan siya muling makakauwi.Maya'y maya'y
Mabilis na nakasakay ng taxi si Valerie at hindi na ito naabutan pa ni Lester. Masyado na ring ma traffic sa daan kaya imposible ng masundan pa niya ito."Shit!!! Shit!!! Shit!!!", buong lakas na hinampas ng lalaki ang manibela kaya nakalikha ito ng malaking ingay. Nag-istambay muna siya saglit sa gilid ng kalsada dahil ayaw niyang magpatakbo ng sasakyan gayong bad trip siya at baka mamaya'y madisgrasya siya sa daan. Isinandal niya ang kanyang ulo habang hinihimas-himas ang kanyang noo.Hindi talaga niya akalaing magagalit siya ng sobra-sobra sa mismong araw na umuwi si Valerie mula sa probinsya. Ang saya pa naman niya kanina at sobrang excited habang papunta sa airport. 'Yon pala'y masisira lang din dahil sa isang Ivan Castillo na hanggang ngayo'y mahal na mahal pa rin ng kanyang contract wife. Ngunit bakit nga ba siya nagagalit? Isang bahagi ng kanyang utak ang nagtatanong. Maya't maya'y tumunog ang kanyang cellphone. Ayaw sana niya itong sagutin ngunit nang makita niyang ang kaibi
Marahang hinaplos ni Lester ang mukha ng nahihimbing na dalaga. Hindi niya akalaing umiyak ito ng ganoon dahil sa sinabi niyang matutulog siyang katabi nito sa kama. Inasar lang naman niya ito pero hindi naman niya talaga totohanin. Hindi naman siya nagti-take advantage kay Valerie kahit alam niyang makakaya naman niyang gawin iyon dahil nasa poder niya ito. Buti na lang at nagawa niyang aluin ang dalaga, ngunit ano iyong nasabi niya kanina? Tinawag niya itong 'babe' habang niyakap niya ito. Bigla na lang kasing dumulas iyon sa bibig niya at huli na nang ma realize niya na mali ang kanyang nasabi. Bukod pa rito'y hinalikan niya ito at akala niya'y magagalit sa kanya ang dalaga ngunit hinayaan lang siya nito. Kaya tuloy napaisip siya kung may pagtingin din ba si Valerie sa kanya.Nang tumahan na ang dalaga sa pag-iyak kanina ay lumabas si Lester ng kwarto at hinayaan niya itong makapagpahinga. At nang bumalik siya sa loob, ay mahimbing na itong natutulog. Muli niyang hinaplos ang pisng
“Valerie, nandyan na iyong asawa mo at sinundo ka na”, nakangiting sabi ng isa sa mga teller ng bangko.Napabuntung-hininga na lamang ang dalaga dahil mapilit talaga si Lester at nais nitong isama siya sa birthday celebration ng kaibigan nito. Sa isip niya, ganito pala talaga ang mga mayayaman halos araw-araw may dinadaluhang party. Hindi pa naman siya sanay sa ganoon ngunit nandito na siya kaya kailangan na lang panindigan. Sa kabilang dako naman, ay nakaramdam siya ng di maipaliwanag na saya dahil isasama siya ng binata sa ganoong mga sosyalan.“You may go now Val. Ipinagpaalam ka na sa akin ng asawa mo”, wika ng kanilang manager.“Mars? Mauna na ako ha?”, paalam niya kay Faye.Ngumiti lang ang kanyang kaibigan at nag thumbs up ito.Lumabas na siya ng bangko at nakita niyang nakatayo habang nakasandal sa kotse si Lester. Nang makita siya nito ay agad na pinagbuksan siya nito ng pintuan.Ayaw niyang magbukas ng usapan kaya tumahimik na lang siya habang ginagala ang kanyang paningin
Valerie woke up in the morning with a heavy heart. Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog kagabi dahil ang huli niyang maalala ay umiyak lang siya ng umiyak habang nakadapa sa kama. Hindi nga niya nagawa pang makapagpalit ng damit dahil diretso na siyang sumalampak sa higaan. Mabigat ang loob niya at parang wala siyang ganang pumasok sa trabaho. Pero kailangan niyang bumangon at nang makaalis na rin siya sa pamamahay ni Lester. Bumalikwas siya sa higaan at kinuha ang tuwalya saka pumasok ng banyo. Habang sinasabon niya ang kanyang katawan, ay bigla na namang sumagi sa isipan niya ang nangyari kagabi. Masamang-masama talaga ang loob niya sa lalaki, dahil hindi niya akalaing pagsabihan siya nitong desperada. Muli na namang nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Napaka emosyonal na talaga niya. Bakit nga ba labis siyang nasasaktan sa pagtatalo nilang dalawa ni Lester? Pagkatapos niyang maligo ay nagmamadali siyang nagbihis dahil ayaw niyang maabutan siya ng lalaki. Ayaw niy
Nagmamadali si Valerie na sumakay ng kotse papuntang Loyola Heights. Halos sabihin na niya sa driver na bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan para makarating kaagad siya sa mansyon ni Lester. Hindi niya alam kung bakit siya nag-alala rito gayong masama naman ang kanyang loob. Usal niya sa sarili sana hindi siya abutin ng traffic sa daan at nang makasapit kaagad siya sa bahay ng lalaki.Pagkatapos ng dalawampung minuto ay nakarating na rin siya sa Loyola. Agad siyang bumaba ng taxi at tinungo ang malaking gate ng mansyon. Binuksan siya ni Aling Martha at bakas na bakas sa mukha nito ang labis na pag-alala. "Ma'am good evening po. Buti at dumating na po kayo ma'am", magalang na bati ng mayordoma."Magandang gabi din po manang. Nasaan ho si Lester?", tanong niya."Nasa kwarto pa rin po ma'am. Kahi ano pong tawag namin hindi po sumasagot eh. Hindi rin namin mahanap ang master key", nanginginig na sabi ng katulong.Nagmamadaling umakyat si Valerie sa ikalawang palapag at binaybay nito ang
ATTENTION!!! THIS CHAPTER CONTAINS MATURE CONTENT. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. Biglang nagising si Valerie dahil naririnig niyang parang nagsasalita si Lester. Bumangon siya mula sa kama na kanyang hinihigaan. Naalala niya na dito pala siya natulog sa karugtong na silid ng kwarto ng binata. Nais niyang maging komportable ito sa pagtulog kaya nagpalit muna sila ng higaan. Pinihit niya ang doorknob at pumasok sa kwarto. Nilapitan niya ang natutulog na lalaki at sinalat niya ang noo nito. Hindi naman ito mainit ngunit bakit narinig niyang parang nagdidileryo ito. Sa isip niya baka naalimpungatan lang siya. Kaya nang matiyak niyang okay naman ang binata ay tumalikod na siya at pabalik na sa karugtong na silid. Ngunit, biglang hinawakan ni Lester ang kamay niya. Hinila siya nito kaya napaupo siyang bigla sa kama. "Lerie, please...h'wag mo akong iwan!!!", halos pabulong na sabi nito. Tiningnan niya ang lalaki sa pag-aakalang natutulog pa rin ito at baka nananaginip lang. Ngunit nagula
Hindi maiwasan ni Valerie ang mapangiti habang ang mga mata niya ay nakatutok sa computer na nasa kanyang teller desk. Wala naman dito ang isip niya, kundi kay Lester. Hindi kasi mawaglit sa kanyang gunita ang mga intimate moments nila kagabi. Magkatabi silang natulog sa kama at magkayakap habang pareho silang hubo't hubad. "Hoy, ba't pangiti-ngiti ka dyan!", puna ni Faye na kanina pa pala nakatingin sa kanya."Ang saya-saya mo yata mare!!! Parang may ibig sabihin 'yang pangiti-ngiti mong yan mars ha!""Sssh. H'wag kang maingay dyan at nasa trabaho tayo", saway niya sa kanyang kaibigan."Uhm, parang may naaamoy ako!!!", pabulong na sabi ni Faye, sabay sundot nito sa kanyang tagiliran, at saka humahagikgik ito. Kaya tuloy pinagtitinginan sila ng mga kasamahan nila sa trabaho. Pinandilatan niya ang kanyang kaibigan dahil sa panunukso nito. Buti na lang at tumigil na rin ito at kung hindi baka makikiusyoso na rin ang iba. Ayaw pa naman niyang magkwento tungkol sa mga personal na bagay.
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah