Home / YA/TEEN / Jeepney Love Story / Fortieth Trip: Confused

Share

Fortieth Trip: Confused

last update Last Updated: 2021-11-24 00:00:16

Dahan-dahan akong napamulat ng aking mga mata nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang aking paningin. Napahinga naman ako nang makita kong nasa sariling kwarto ako ngayon.

Napakapit ako sa kumot nang bigla akong mahilo. Mariin akong napapikit nang makitang umiikot ang buong paligid. Napahawak ako sa likod ng aking ulo nang may maramdaman akong kaunting kirot doon.

"Gising ka na pala, Almhera " wika ni Mama nang pumasok ito sa aking kwarto.

Lumapit agad ito sa akin nang makitang nakahawak ako sa aking ulo. "Ayos ka lang ba, anak?" tanong niya sa akin habang tinulungan niya akong mahiga ulit sa kama.

Naramdaman ko na naman ang marahang paghaplos niya sa pisngi ko. "Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" rinig kong tanong ulit ni Mama.

Napamulat naman ako ng aking mata at nagpasalamat na lamang ako nang hindi na umiikot ang buong paligid. "Maayos lang po ako, Mama. Nahilo lang po ako nang bumangon ako

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Jeepney Love Story   Forty-first Trip: New Part-timer

    Lumilipad ang aking isipan habang nakatingin sa propesor naming abala sa pagtatalakay sa harap. Hindi mawala-wala ang katanungan sa aking isipan dahil sa kinuwento nina Giovanni at Christine sa akin kanina. Bakit kahit isa'y wala akong maalala? Napahawak ako sa aking ulo at mariing napapikit, pinipilit inaalala ang mga sinabi ng mga kaibigan ko. Subalit natapos lang ang aming klase, kahit isa'y wala akong maalala.Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagtataka nang pumasok ako sa MHU kanina. Matinding kaba ang aking naramdaman nang malaman ko mula kay Giovanni at Christine na higit isang buwan na akong 'di nakapasok sa paaralan. Akala ko'y magagalit ang aking propesor sa una kong klase ngayong umaga dahil sa rami ng absent ko sa kanyang asignatura. Ngunit nagulat na lang ako na hindi siya galit sa akin at pinapasok na lang ako sa klase."Miss Dela Vega, can I talked to you in my office?"Bago pa man ako makalabas sa aming silid-aralan, nagitla ako nang tawagin ni Ma

    Last Updated : 2021-12-01
  • Jeepney Love Story   Forty-second Trip: Kissed To Remember

    "Ang buwan sa kontrata mo Almhera ay madagdagan ng isang buwan," panimula ni Ma'am Benie nang makapasok ako sa kaniyang opisina. "Imbes na tatlong buwan ang natitira sa pagtatrabaho mo rito sa Café of Memories, magiging apat na buwan ito. 'Yan ang naging desisyon ni Mrs. Park dahil higit isang buwan din na hindi ka nakapagtrabaho mula sa aksidenteng nangyari sa 'yo," dugtong niya. Napatango-tango naman ako bilang tugon sa sinabi ni Ma'am Benie. Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng mesa niya sa kaniyang opisina. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na dito pala nagtatrabaho si Sedrick. Kailan pa kaya siya nagtatrabaho rito? "Mabuti na lang talaga nang mag-apply dito si Sedrick no'ng unang linggo mo sa ospital dahil sa insidenteng nangyari sa 'yo. Hindi kami nahirapan dahil siya ang sumalo sa trabaho mo," wika ni Ma'am Benie na parang nabasa ang katanungan sa isip ko. Agad akong bumalik sa pagtatrabaho nang matapos akong kausapin ni Ma'am Benie. "Kum

    Last Updated : 2021-12-02
  • Jeepney Love Story   Forty-third Trip: Puzzled Feeling

    Hindi ako makagalaw sa aking tinatayuan at parang naging istatuwa ako. Patuloy pa ring nakalapat ang labi ni Clinthon sa akin habang ito'y nakapikit. Samantala ako, dilat na dilat at hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin. Gusto ko siyang itulak nang sobrang lakas dahil kinuha niya ang iniingatan kong first kiss. Ibibigay ko sana 'to sa lalaking mapapangasawa ko. Ngunit paano ko na 'yon magagawa kong kinuha na ni Clinthon 'yon? Akala ko lalayo na siya nang tuluyan ngunit napatigil ako sa paghinga nang bahagya lang itong lumayo sa mukha ko at sandali tinitigan ang mga mata ko. Nagulat ako nang biglang hinapit ng isa niyang kamay ang baywang ko papalapit sa kaniya at ang isa niya namang kamay ay hinawakan ang aking batok upang halikan ako ulit. Pilit kong tinulak ang d****b niya nang madiin ang pagkakahalik niya sa aking labi. 'Di tulad kanina, nakadampi lang ang kaniyang labi sa akin. Napatigil ako sa pagtulak nang hawakan niya ang kamay ko. Unting-unti

    Last Updated : 2021-12-04
  • Jeepney Love Story   Forty-forth Trip: Ticket

    Araw ng linggo, sinundo ako nina Giovanni at Christine sa bahay. Napagdesisyonan naming tumambay sa Tree House. Namamangha akong naglibot sa loob nang tree house dahil sobrang ganda't linis pa rin ito. Sobrang tagal din naming 'di nakapagtambay dito. Tumungo kaming tatlo sa balkonahe ng tree house at doon presko kaming umupo sa upuang gawa sa kahoy. Napaawang ang mga labi kong nakatanaw sa magandang tanawin ng lawa. Sumasalamin ang sinag ng araw sa umaalong tubig nito. Sariwang hangin naman ang dumadapo sa balat ko sanhi upang makaramdam ng kaginhawaan sa sistema ko. Matagal na ring hindi ko naranasan ito. Ang makapagpahangin at hindi muna mag-isip ng mga problema. Ilang araw na ring bumagabag sa isipan ko ang mga katanungang ba't nawalan ako ng alaala. Napalingon ako kina Giovanni at Christine nang akbayan nila ako bigla. Pareho ko silang nasa gilid at ako naman ang nasa gitna nila. Agad kong inilagay ang dalawang braso ko sa kanilang baywang. "Nakaka-miss a

    Last Updated : 2021-12-05
  • Jeepney Love Story   Forty-fifth Trip: The Mantrell's

    "What is the formal language comprising a set of strings that produce various kinds of machine code output?" pagbasa ko ng tanong sa test paper na hawak ko. Ilang araw ang ginugol ko sa pag-aaral para sa Special Exam at ngayon ay kinukuha ko na ito. Pasimple akong napasulyan sa gilid ko at nakita kong abala rin sa pagsagot ang kasama ko. No'ng una, akala ko ako lang mag-isa ang kukuha ng Special Exam. Subalit nagkakamali lamang ako at nalaman ko lang kanina na lima kaming estudyante ang kukuha ngayon ng Special Exam. "Okay, last 15 minutes," anunsyo ni Ma'am Guanzon sanhi nang paggapang ng kaba sa katawan ko. 'Di ko aakalaing ganoon kabilis lumipas ang oras. May sampung tanong pa akong hindi nasasagutan. "Bahala na si Batman sa 'kin," wika ko sa aking isipan. Ngunit 'di ko maiwasang mapangiti, nang mabasa ko ang mga tanong na natitira. Lahat 'yon ay napag-aralan ko. Agad kong binigay kay Ma'am Guanzon ang aking test paper nang matapos kong sagutan ang

    Last Updated : 2021-12-08
  • Jeepney Love Story   Forty-sixth Trip: Sweet Goodluck

    Hindi ako makapaniwala, ang nakabungguan ko sa Café of Memories, ang mabait at sinamahan pa akong dalhin sa clinic noong nakaraang linggo ay may-ari pala ng Mantrell High University. Napabaling ako ulit kay Ma'am Laura, na ngayon ay matamis ang pagkakangiti sa aming mga estudyante rito sa auditoryum. Nagitla ako nang magkasalubong ang aming paningin ni Ma'am Laura. Dumaloy ang matinding kaba at kahihiyan sa sistema ko dahil sa nagawa kong pagbunggo sa kaniya ng dalawang beses. Kaya pala ang lakas ng dating niya at kahit ang nurse no'n sa clinic ay napapabalisa. 'Yon pala, siya ang may ari ng paaralang pinapasukan ko. Napayuko ako sa nakasalikop kong mga kamay nang hindi ko kayang tagalan ang tingin ni Ma'am Laura sa akin. Sobra talaga akong nahihiya sa kaniya. Sa kabila nang kabutihang nagawa niya sa akin, 'yon pa ang nagawa ko. Wala na talaga akong mukhang ihaharap pa sa kaniya kung sakaling magkita kami ulit. "Okay students, you may now proceed to your resp

    Last Updated : 2021-12-09
  • Jeepney Love Story   Forty-seventh Trip: Haven

    "Saan ka galing, Almhera?" tanong sa akin ni Sedrick nang makabalik ako sa aming departamento. "Ahh, may pinuntahan lang," tugon ko. "Kakarating mo lang?" tanong ko sa kaniya saka umupo sa isang silya. Mabuti na lang wala ang mga kaklase namin. Kami lamang ni Sedrick ang naririto sa silid-aralan namin. "Hindi, kanina pa ako rito. Inutasan pa 'ko ni Ma'am Guanzon kanina sa kaniyang opisina," aniya saka umupo sa harap kong silya. "Ba't pawis na pawis ka Almhera? May nangyari ba?" Nagitla naman ako sa tanong 'yon ni Sedrick. Hanggang ngayon, 'di mawala-wala sa isipan ko kung gaano ka-hot at ka-sexy si Clinthon nang kagatin niya kanina ang kaniyang labi. "Okay ka lang ba? Ba't namumula ang pisngi mo? May sakit ka ba?" nag-alala niya nang tanong sa akin ngayon. "Naku, ayos lang ako Sedrick. Mainit lang kas

    Last Updated : 2021-12-10
  • Jeepney Love Story   Forty-eighth Trip: He's Mine

    Napalingon ako sa likod ni Clinthon nang may marinig akong takong na papalapit sa kinaroroonan namin. Hindi ko mapigilang mamangha sa babaeng eleganteng naglalakad patungo sa amin. Nakasuot ito ng high waist pants at knot crop top. Itim naman ang kulay ng bag na hawak niya at ganoon din ang kulay ng suot niyang high heels. Bumalik lamang ako sa aking ulirat nang yakapin niya si Clinthon at mabilis dinampian ito ng h***k sa pisngi. Napahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng aking damit, nang makaramdam ako ng kirot sa aking d****b dahil sa aking nasaksihan. "Did you miss me, baby?" wika ng babae habang nakayakap ang kanyang braso sa batok ni Clinthon. Napaiwas ako ng paningin sa kanilang dalawa. Hindi ko dapat maramdaman ito, ngunit tila'y pinipiga ang puso ko sa nakikita ko ngayon. "Anong ginagawa mo rito, Haven?" Hindi ko maiwasang mapatingin kina Clinthon nang marinig ko ang malamig niyang boses habang nagtatanong ito sa babae. Nakakunot

    Last Updated : 2021-12-12

Latest chapter

  • Jeepney Love Story   One Hundred Eleventh Trip:

    ALMHERA'S POV"Ma, baka gagabihin po ako sa pag-uwi mamaya," wika ko kinabukasan kay Mama habang sinusuot ang sapatos ko.Napatigil naman si Mama sa pagwawalis ng sahig sa sala at napatingin sa akin. "Bakit naman, Almhera anak? Pupunta ka ba muli sa bahay nila Christine pagkatapos ng klase mo mamayang hapon?" tanong ni Mama at pinagpatuloy na ang pagwawalis. "Hindi po Mama, dadaan po sana ako sa Mall mamaya pagkatapos ng klase ko. Bibili lang po ako ng regalo para kay Christine," tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at kinuha ang bag kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Ganoon ba? Sandali lang, anak." Sinundan ko ng tingin si Mama nang umalis ito sa sala at pumasok ito sa kuwarto nila ni Papa. Pagkalabas niya, hawak-hawak niya ang sariling pitaka. Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha si Mama nang pera sa kanyang pitaka at inabot sa akin. "Idagdag mo na rin ito sa pagbili ng regalo mo para kay Christine, anak. Kung hindi lang sana kami aalis ng Papa mo bukas papunta sa

  • Jeepney Love Story   One Hundred Ninth Trip:

    ALMHERA'S POV Maingay na paligid ang kumuha ng atensyon ko. Anong nangyayari? Bakit ang ingay nila? May masama bang nangyari? Bigla akong napamulat nang maalala ang nangyari sa akin mula sa mga kamay ng FoxyLuscious Group. Subalit napapikit ako muli nang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa aking mga mata. "OH MY GOSH! ALMHERA GIRL IS ALREADY AWAKE!" rinig kong sigaw ni Christine. Unting-unti kong minulat ang aking mga mata at napahinga na lang ako nang makitang wala na ang nakakasilaw na ilaw. Kulay puting kisame ang nakita ko. Nasaan ako? Ano na ang nangyari sa akin? Napangiwi ako nang pilit kong igalaw ang buong kong katawan. Masakit… salitang nasabi ko sa aking sarili dahil sa nararamdaman ko. "Almhera girl, how's your feeling? That freaking b!t*** FoxyLuscious Group! They all pay for this!" namumula ang mukha at salubong ang mga kilay na wika ni Christine. Narinig ko ang mga yabag papalapit sa hinihigaan ko. Sumalubong ang nag-alalang tingin nina Mama't Papa, Giovanni, a

  • Jeepney Love Story   One Hundred Eighth Trip:

    ALMHERA'S POVNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kusot-kusot ang mga mata kong kinuha ito mula sa ibabaw ng side table. Papikit-pikit kong sinagot ang tawag nang makitang si Christine ang tumatawag sa akin. "H-Hello?" humihikab kong sabi. ["Hello, Almhera girl!" ]Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko nang malakas na tugtog at lasing na boses ni Christine ang tumugon sa kabilang linya. "Christine?! Lasing ka ba? Nasaan ka?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama dahil sa pag-alala sa kanya. ["W-What? M-Me? L-Lasing? No way!" ]Napatampal ako sa aking noo nang marinig kong muli ang lasing niyang boses. "Nasaan ka ngayon, Christine? Pupuntahan kita," ani ko sabay kuha ng jacket mula sa cabinet ko. Alas onse ng gabi nang tingnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Mabilis kong sinuot ang kulay abo kong jacket. ["I-I'm in my condo... r-right now... A-Almhera girl. C-Can you join me?" ] sumisinghot niyang wika sa kabilang linya. "Sige, p

  • Jeepney Love Story   One Hundred Seventh Trip:

    CHRISTINE RITZ POV"What's wrong, Almhera girl? Are you okay?" I step closer to her when she's still looking at me and Giovanni."S-Siya... siya ang lalaking nasa panaginip ko," wala sa sariling wika niya. Giovanni and I looked at each other, both surprised by Almhera's act. What does she mean? Ang lalaking kasama ng crush ni Giovanni ay napanaginipan niya? Napasinghap ako at mabilis hinawakan sa magkabilang balikat si Almhera. "What do you mean, Almhera girl? May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Giovanni?" I asked.She looked at me. "Ang lalaking kamukha ng gwapong anghel sa panaginip ko. Ang lalaking nakaharap ko sa National Book Store. At ang lalaking nakatabi ko sa Jeep... iisang paaralan lang pala kami pinapasukan?" 'di makapaniwalang sabi niya."Hoy bruha, umayos ka nga. Anong pinagsasabi mo riyan? May something ba sa inyo ng Clinthon Lance Montanari na 'to ha?" Giovanni asked Almhera after he steps closer to us.Pakamot-kamot sa ulong bumuntong-hininga si Almhera. Naguguluhan

  • Jeepney Love Story   One Hundred Six Trip:

    Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan. Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kanya dahil sa pagiging maalaga niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan. Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa akin

  • Jeepney Love Story   One Hundred Five Trip:

    "Sino ang may gumawa no'n sa laptop ko?"Naninikip ang dibdib kong lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Napatigil ako nang lumingon ang babaeng kausap nina Clinthon at Sedrick."A-Aynah?" 'di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. .Isa 'to sa mga kaklase kong may galit sa akin at isa rin siya sa mga kaibigan ni Chloe. Anong alam niya sa nangyari sa laptop ko? May kinalaman din ba siya sa nangyari?"Almhera, I need to talk to you—" sandali itong napatigil at napatingin kina Sedrick at Clinthon bago tumingin ulit sa 'kin. "in private," dugtong niya."Hindi ba puwedeng dito na lang? Sabihin mo na rin kung sino ang sumira ng laptop ko."Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang galit na aking naramdaman. Gusto kong humiganti sa taong sumira ng laptop ko. Kahit sinabi pa ni Mama sa akin noon pa man na mali ang gawaing paghihiganti. "Mag-usap na muna kayong dalawa, Almhera. Alis muna kami ni Sedrick," paalam ni Clinthon sab

  • Jeepney Love Story   One Hundred Four Trip:

    May takot sa sistemang sumulyap ako kay Mama. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mga palad nang makitang walang reaksyon ang kanyang mukha habang deretso ito nakatingin sa daang tinatahak namin pauwi. Napatalon ako nang bigla itong tumigil sa paglalakad at agad itong tumingin sa akin. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may mga estudyante pa ring tulad ng Foxyluscious Group!" Napatingala sa kalangitan si Mama habang nakahawak ito sa kanyang baywang."Sana talaga, mapaalis sa Mantrell High University 'yong Chloe na 'yon. Sumusobra na ang kanyang ginawa. Porket mataas ang nakuha mong marka sa iba't ibang asignatura kaysa sa kanya, dapat ganoon agad ang gawin niya sa 'yo? Ang manira ng gamit at handa pang gumawa nang mas higit pa roon?" magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Mama.Matunog akong napabuntong-hininga nang biglang magpatuloy ito sa paglalakad, hindi man lang hinintay ang tugon ko sa sinabi niya. Napayuko't napatingin ako sa aking mga paang hum

  • Jeepney Love Story   One Hundred three Trip:

    "Lumabas ka ba kagabi, Almhera?" Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makaupo ako sa harap ng aming hapag-kainan. Kumalabog ang dibdib ko nang pumasok sa isip kong baka nakita niya kaming dalawa ni Clinthon kagabi. Napayuko ako sabay kagat ng sariling mga daliri. Huwag naman sana, siguradong pagagalitan nila ako ni Papa 'pag malaman nilang may kausap akong lalaki kagabi."Imposibleng ikaw nga 'yon, anak. Hating gabi na rin 'yon. Pero alam niyo ba?" Sabay kaming napatingin nina Papa at Brayson kay Mama nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos. "Kinilabutan ako sa nakita ko kagabi. Nagbanyo kasi ako, nang pabalik na ako sa kwarto, may anino ng tao akong nakita riyan sa kilid ng tarangkahan natin," ani Mama habang tinuturo ang labas ng bahay namin."Ano?! Baka may masamang tao sa labas kagabi, Amanda. Ba't hindi mo ako ginising?" Binitawan ni Papa ang hawak na kubyertos sabay nag-alalang tiningnan si Mama. Na

  • Jeepney Love Story   One hundred two Trip:

    "Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—""E kasi namam, KDrama na

DMCA.com Protection Status