I decided na sa labas ko nalang hihintayin si Chris, kasi baka maiyak pa ako sa loob ng faculty room at magtaka pa sa akin ang mga co-teachers ko. After fifteen minutes of waiting, dumating na rin si Chris. Dali-dali itong bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan. As soon as I had gotten inside the car, he turned to the driver seat and got inside. Tahimik lang ako, habang ang mga mata koy nakatuon sa kalsada. "Buds, I know you're not okay. Pero h'wag mo nalang pansinin ang post na 'yon", panimulang sabi niya. "Bakit kasi kayo naghiwalay ni Jackie buds? Ako ba ang dahilan?" Bigla akong napaingos kasi naramdaman ko na ang pagtulo ng aking mga luha. "Hey, please don't cry!", sabi nito and then he hit the car's brake. "Buds, alam mo naman na ayaw kong umiyak ka 'di ba? Nasasaktan ako." "Okay, tell me now. Anong dahilan ng break up ninyo ni Jackie?", tanong ko ulit. "Buds, wala ka namang kasalanan eh! It's just that---" he said, clearing his throat. "You remember the ba
Isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Chris kasi kailangan niyang pumunta ng Davao dahil doon siya kukuha ng board exam. Kasama niya si Bea doon at si CJ. Bukas na ang kanilang exam, sana nga lang makapasa silang tatlo para maging regular na sila sa trabaho.Araw ng Sabado at walang pasok, so I just stayed in my room at nanood lang ng mga movies sa N*****x. Hindi muna kami gagala ngayon ni Loraine kasi busy daw siya sa maraming performance task na gagawin. BS-Bio kasi ang kinukuha niyang kurso kaya more on researach and experiments. Ang bilis nga ng panahon, next year second year college na ang anak ko. Plano sana niya noon na sa Cebu mag-aaral kaya lang hindi pumayag si mama lalo na't wala kaming kamag-anak doon. Sa akin naman, okay lang na malayo sa akin si Loraine, kung 'yon talaga ang gusto niya, eh kaso si mama ang talagang ayaw. Mabuti nalang at nakumbinsi niya ang anak ko na dito nalang sa State University mag-aral kasi may BS-Biology naman dito. Pangarap ni Loraine na ma
Pagkatapos ng tatlumpung minuto naming pag-uusap ni Jackie, nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumaan muna ako sa pharmacy para bumili ng gamot. Wala na kasing laman ang medicine cabinet namin. Halos kalahating oras bago ako nakalabas ng Mercury Drug kasi madami talagang customers lalo pag gumagabi na. Umaambon pa naman at hindi ako nakapagdala ng payong kaya nagmamadali akong nagtungo sa sakayan ng tricycle. Ngunit limang minuto na akong nag-aantay, pero hindi pa rin ako nakakasakay kasi laging puno ang mga dumadaan. Hanggang sa may biglang humintong kotse sa tapat ko. The car window was rolled down and a familiar face caught my eyes. "Hi, Precious!", bati ng isang lalaking nakasakay sa passenger seat. Meron din itong kasamang isang lalaki na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi agad ako nakasagot kasi inaalala ko pa kung saan ko siya nakita o nakilala. "Hey, it's me, Teddie! Do you remember me now?", nakangiti nitong sabi. Yes, tama ito pala 'yong ipinakilala sa akin ni Chris
Alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na ang diwa ko bagama't nakapikit pa rin ang mga mata. Gustuhin ko pa mang matulog ngunit ayaw na talagang mag cooperate ng aking utak. Maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan. Unang-una na tungkol du'n sa post ni Mitch Salazar pati na rin 'yong chat niya kay Loraine. Pangalawa, 'yong tungkol sa sinabi ng anak ko, na mahal ko si Chris higit pa sa isang kaibigan at ang pagsabi niya sa akin na sana hindi na raw ako nakikipag-close dito para hindi na ako napagsalitaan ng masama sa Facebook. At ang pangatlo ay 'yong panaginip ko tungkol kay Alex.Inabot ko ang salamin na nakapatong sa bedside table at tiningnan ko ang mga mata ko. Halatang namumugto ito sanhi ng pag-iyak ko kagabi. Alam ko kung bakit na naman ako nanaginip kay Alex. Kapag may problema ako, o kaya'y nasasaktan ako, agad siyang nagpaparamdam sa akin sa panaginip. He keeps on reminding me that he is just right here for me and that he wanted me to be happy.Twenty two years na nga an
Araw ng Lunes at maaga akong dumating sa school. Wala pa namang flag ceremony, so nag iskrol² muna ako sa cp ko. I checked again my messenger at baka nagreply na si Chris.Nagchat na nga siya around six in the morning kaya lang naka off kasi ang mobile data ko kaya ngayon ko lang nareceived.Ngunit nakapagtataka naman na just 'okay lang' ang message niya. Wala ng kasunod. Hindi man lang nagtanong kung okay lang ba ako. Wala man lang 'good morning.'Hays, ano kayang nangyari du'n? Ba't ang cold ng reply? Tanong ko sa aking sarili. Nakakapanibago naman. Tsk.Bigla tuloy akong kinabahan at baka maulit na naman ang nangyari five years ago, na bigla nalang niya akong iniwan sa ere. Hindi ko yata kakayanin kapag nangyari ulit 'yong ganu'n ngayon.I set aside this kind of thought. Ayokong mag-overthink at mas gusto ko na lang isipin na baka na stress lang siya sa exam kahapon kaya wala sa mood na magchat sa akin.Nag-focus muna ako sa aking klase and I kept myself busy kasi ayokong mag-isip
Hindi agad ako nakatulog nang gabing 'yon. Walang ibang laman ng isip ko kundi si Chris at ang pagyakap nito sa akin kanina nang sunduin niya ako sa school. Kaya tuloy naitanong ko sa aking sarili kung ano ba talaga kaming dalawa? Oo nga't bestfriend ko siya pero bakit iba ang nararamdaman ko kanina sa mga titig niya? Lalo na nu'ng sabihin niyang hahalikan niya ako kapag di ako tumigil sa pagsasabi sa kanyang seloso siya. I guessed, he was not joking when he said it. Tumagilid ako sa higaan, maya't maya'y tumihaya na naman. Ayaw talaga akong dalawin ng antok kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko.No! Hindi maaari ito. Magkaibigan lang talaga kami at ayaw kong may mamagitan pa sa aming kakaiba. Nangako kami sa isa't isa na maging mag bestfriends kami forever at ayaw kong sirain 'yon.Kaya naisip kong mag lie-low muna ako sa kanya. Hindi makakabuti na palagi kaming magkasama at baka hindi ko na mapigil ang damdamin ko. I'm just only human being and I am a woman. Mas lalo akon
Lumipas ang dalawang buwan at naging kampante na ako kasi hindi na nanggugulo si Mitch sa social media. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Chris at tumigil na 'yon. Buti naman, kasi in the first place, ayoko ng gulo. Gusto ko ng tahimik na buhay.Araw ng Sabado at nasa bahay lang ako, ngunit hindi ko inaasahan na bisitahin ako ni Bea. Nasa kwarto ako nu'n at nanood ng movies sa Netflix nang tawagin ako ni Loraine dahil 'yon nga nasa bahay si Bea. Hindi ko alam kung bakit naman ako kinakabahan sa biglang pagbisita niya.Matapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas na ako ng kwarto. Pagkakita pa lang nito sa akin, ay agad na akong sinalubong nito ng yakap at halatang masayang-masaya."O anong balita nak? You look so happy!", tanong ko sa kanya."Mimi---I passed the exam!", she exclaimed joyfully.Pero bakit parang may halong lungkot ang mga mata niya? I asked at the back of my mind. But I set aside this thought at baka nagkamali lang ako."Wow! Really nak?""Congrats ate Bea!", bati ni Lo
Kasalukuyan akong nasa faculty room at nagpapahinga kasi kagagaling ko lang sa aking klase. Dahil medyo bored ako, nag-iskrol muna ako sa F******k at tumitingin sa mga bagong posts. Hanggang dumaan sa Newsfeed ko ang isang announcement tungkol sa International Training on Pedagogy na gaganapin sa Cebu City in three days. I was thinking of participating, for Continuing Professional Development (CPD) units. Kailangan kasi ito kapag nagre-renew ng lisensya and I remember na mag-e-expire na pala 'yong PRC license ko next year kaya kailangang makakuha ng CPD units. I told Kate about it, pero ayaw daw muna niya kasi malayo pa naman daw ang expiry date ng PRC i.d. niya. So no choice, kahit mag-isa lang ako, I need to take the opportunity kasi sayang din naman ang 18 units. Nag-register ako at nag inquire kung saan ipapadala ang registration fee, pero may option naman na pwede, sa first day na magbabayad pag nandu'n na sa venue. It is a five-day seminar at magsisimula ito sa Friday kaya da
Mag-aalas singko na lamang ng hapon ngunit hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Loraine. Siguro nga nakalimutan na nga niya ang birthday ko o di kaya'y masyado lang talagang busy sa pag-aaral. Anyway, hanggang mamayang hating gabi pa naman ang kaarawan ko kaya kahit na bumati siya sa akin ng 11:59, accepted pa rin 'yon."Mars, p'wede bang pumasok?" tawag sa akin ni Tess habang kumakatok ito sa may pintuan."Halika ka mars, pumasok ka," sagot ko.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang nakangiti kong kaibigan habang hawak-hawak nito ang isang medium-sized na box."Mars, please accept my simple birthday gift to you," wika nito."Naku, nag-abala ka pa mars. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinigay mo sa akin, iniisip mo pa talaga ang magbigay ng regalo.""Hay naku, wala 'yon mars. Para ka namang others eh," sagot naman nito, at nagtawanan kaming dalawa."Oh ba't naman parang malungkot ka mars?""Naisip ko lang si Loraine at si mama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa ak
Dalawang buwan ang nakalipas at unti-unti ko na ring nakasanayan ang buhay ko sa Maynila. Dahil may kaliitan lang naman ang tiyan ko, parang hindi pa rin nahahalata na buntis ako kahit sabi ng doktor posibleng kambal daw 'yong anak ko.Hindi naman ako nagkakaproblema sa bahay ni Tess kasi maayos naman ang pakikitungo ng mga katulong sa akin. Naging maalaga din sila, lalo na si Manang Auring. Para na nga rin akong amo nila kasi, hindi nila ako pinapagawa sa mga gawaing bahay, pero paminsan-minsan naman nag-iinsist talaga ako kahit maghuhugas lang ng mga plato.Wala na akong balita tungkol sa school namin kasi nag-deactivate na ako sa aking mga social media accounts. Nagchange na rin ako ng number kaya tanging pamilya ko nalang at si Tess ang nakakausap ko. Nalulungkot pa rin naman ako dahil sobra kong nami-miss si Chris. Wala na akong balita sa kanya dahil hindi na rin siya binabanggit sa akin ni Loraine kapag nagkakausap kami sa telepono. Hindi rin ako nagtanong pa at baka mas lalo la
Nakapagdesisyon na ako na sabihin kay Loraine ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin basta't kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Naghalf-day lang ako sa school kasi bigla namang sumama ang aking pakiramdam. Ayaw kong doon pa ako magsusuka sa paaralan at baka malaman pa ng mga co-teachers ko ang aking kalagayan."Nak, I'm sorry," umiiyak kong sabi. "Sadyang mahal ko lang talaga si Chris." Seryoso lang na nakatingin sa akin si Loraine, at hindi man lang nagbigay ng komento. Alam ko nabigla siya sa kanyang nalaman. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Hindi ako nakapagpigil sa aking nararamdaman. "Nak, okay lang sa akin na magalit ka. But please, kausapin mo ako," emosyonal kong sabi.Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ng anak ko. "Ma, hindi naman ako nagagalit sa iyo eh. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, kasi alam naman nating ikakasal n
Pagkatapos ng outing namin ay back to normal routine na naman ako. Malamig pa rin ang trato sa akin ng aking mga katrabaho, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutal at sanay naman akong nag-iisa lang sa school, hindi ko na kailangan pa na may makakausap kung hindi rin lang naman totohanan ang pakikitungo sa akin. Nag-eenjoy din naman ako kahit papano sa aking klase, kaya sapat na sa akin 'yon. Alam ko na ako lang ang pinagtsi-tsismisan nila kapag nasa faculty room silang lahat, pero hindi ko na proproblemahin pa 'yon. Basta't magtrabaho lang ako ng maayos.Hindi na rin kami nag-uusap pa ni Chris kahit sa messenger man lang. Sinabi ko na mas mabuting mag focus muna siya sa nalalapit na niyang kasal. "Alam mo ma, billib talaga ako sa katatagan mo. Kasi kung sa akin nangyari 'yan, hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Baka na depress na ako," wika ni Loraine habang kumakain kami."Kailangan talaga akong magpakatatag anak, dahil nand'yan ka at kailangan mo pa ako. Saka sanay na rin nam
"Here we are!" bulalas ni Bea nang makarating na kami sa resort. Nauna silang bumaba ni CJ kasama ng mga partners nila, habang nasa loob pa kami ng sasakyan ni Chris. Medyo nagkaalanganin pa kaming dalawa kung sinong maunang magsalita. "Uhm, buti naman nakasama ka buds," I decided to break the silence."Yup. Gusto ko rin talagang mag-unwind eh," tugon nito. "Oo nga pala ba't hindi ang kotse mo ang ginamit?""Nasa talyer kasi buds, may konting sira," sagot naman nito."Oh, I see. Shall we go?" yaya ko sa kanya.Tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngunit nang akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan, pinigil niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinapit."I missed you so much buds," wika niya. Nagkatitigan kaming dalawa. And the next thing happened so fast, at nararamdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako habang tinutugon ang mainit na halik na 'yon. "I missed you too buds.""Happy anniversary, babe," wika niya saka humalik sa akin sa noo. Naki
Kumalat na sa buong lugar ang balita na ikakasal na talaga si Chris at Leslie. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng lahat ng mga estudyante pati na rin ng mga co-teachers ko. 'Yong iba halatang natutuwa sa kasawian ko sa pag-ibig, pero may iilan din naman na nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Habang nakatuon ang aking atensyon sa aking ginagawang PPT slides sa laptop, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito nang makarehistro ang number ni Bea."Hi, mimi," bati nito sa kabilang linya."Hello nak. Kumusta, napatawag ka?" tanong ko."Nagworry lang ako sa 'yo mimi eh. Okay ka lang ba?""No choice nak kundi magiging okay na lang," mahina kong sagot."Masama ang loob namin ni CJ kay Chris mimi. Ba't ang bilis naman niyang nagdesisyon na i-give up ang relasyon ninyo.""Nak, h'wag kayong magalit kay Chris. Nahihirapan din naman siya eh. Kahit kayo naman siguro sa sitwasyon niya, mapipilitan na lang talaga kayong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ninyo lalo na't k
Sa hangarin kong makatulong kay Chris, nangutang ako ng pera kay Tess. Pero konti lang din ang napahiram sa akin kasi nagkasakit din daw ang asawa niya. Umutang na rin ako kay kuya Roger kaya napilitan akong sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Chris. I am just glad na hindi naman siya tumututol sa amin.Nagdaan pa ang maraming mga araw, nagtaka naman ako sa mga pagbabago ni Chris. Hindi na siya laging tumatawag sa akin. Dati naman, hindi matatapos ang araw nang hindi niya ako nakakausap. Mapa-tawag o mapa-chat man. Pero ngayon hindi na siya araw-araw nag-uupdate sa akin. I find it very unusual kasi hindi naman siya ganito. Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga posibleng dahilan ng lahat. Hindi ko rin mapigilan na maging negatibo ngunit pilit kong nilalabanan 'yon at iniisip na lang na baka busy lang talaga siya sa trabaho dahil sa babayarang mga utang."Balita ko ikakasal na raw talaga ang kuya Chris mo doon kay Leslie, kasi buntis raw eh." Narinig kong usapan ng mga grade
Panibagong araw na naman sa eskwela. Kahit hindi ko na gusto ang mga tao sa paligid ko, pero wala akong magawa kundi deadma na lang kasi alangan namang tumigil ako sa pagtuturo. Ano na lang ang kakainin namin ng anak ko. Kahit hindi naman ako ang mag-isang bumibili ng mga kakailanganin sa bahay kasi nagpapadala naman ng alote kay mama ang mga kapatid ko, pero ayaw ko rin namang umasa lang sa kanila. Kahit sabihin namang malaki ang sinasahod nila sa ibang bansa pero may kanya-kanya rin naman silang mga pamilya na bubuhayin.Hindi ko sinasadyang mapadaan sa classroom ng grade 8 at narinig ko ang mga pag-uusap ng isang grupo ng mga kababaihan. Dahil recess time pa naman kaya wala pa roon ang iba nilang kaklase."Talaga ba? Ipapakasal na ang kuya mo sa ibang babae? Ay kawawa naman si Ma'am Precious," wika ng isang estudyante.Naintriga akong pakinggan kung ano pa ang sasabihin nila kaya huminto muna ako saglit at nakinig sa kanila. Hindi naman nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sa ak
Nang makauwi ako ng bahay, naabutan ko si Loraine sa kusina na nagluluto ng pagkain. Napaisip tuloy ako kung anong okasyon, kasi sa tingin ko abalang-abala naman siya."Hi ma, nandito ka na pala," bati nito saka humalik sa pisngi ko."Kanina ka pa ba umuwi nak?" tanong ko."Wala naman kaming klase ma. May seminar 'yong professor namin sa major subject kaya libre ako ngayon.""Ganu'n ba? Ano palang okasyon nak at parang abala ka sa ginagawa mo?""Wala naman ma. Gusto ko lang matikman niyo ni Lola ang mga bago kong resipe," magiliw na sagot nito."Kumusta pala sa school niyo ma?""Uhm, may nakaaway ako nak.""Ano po? Sino at bakit?" curious na tanong nito. Tumigil ito saglit sa paghiwa ng mga rekados at tumingin sa akin.Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, pati na rin ang malamig na pakikitungo ng mga kasamahan ko sa akin. Gusto ko namang mag open sa anak ko. Pagkatapos ng hindi namin pagkakaunawaan noong nakaraan,napag-isip-isip ko na wala na akong dapat na ilihim pa sa kanya.