Nang makabalik na ako ng hotel, ay hindi ko pa rin maiwasang mag-isip tungkol kay Bea. Naging emosyonal tuloy ako at hindi ko napigilang umiyak. Alam ko kung gaano ito kasakit para sa kanya. Nararamdaman ko naman kahit ayaw niyang sabihin sa akin. Buti na nga lang at tapos na ang exam niya at kung nangyari pa 'to before her exam, sigurado akong hindi talaga siya makakapag-concentrate. Nasa kalaliman ako ng pag-iisip nang muli akong makatanggap ng tawag mula kay Chris. It's a video call, kaya saglit muna akong nag-ayos at baka mahalata pa niyang umiiyak ako. "Hi buds, kumain ka na ba?", tanong nito. "Yes buds, tapos na. Ikaw?" "Tapos na rin buds." "Wait---", sabi nito, kaya tuloy kinabahan ako. "Are you crying? Namumula ang mga mata mo eh!" Sabi ko na nga ba't mahahalata niya. Hays. Sana hindi ko na lang binuksan ang cam ko at nakikipag-voice call na lang sana ako. "Buds?" "Ha, ah eh...hindi naman buds. Napuwing lang ako kanina", pagsisinungaling ko. "Nope. I am not convinced
Medyo napasarap ang tulog ko, at kung hindi pa ako nakatanggap ng tawag mula kay Chris, hindi pa yata ako magigising until this time. It's almost seven in the morning at hindi naman ako sanay gumising ng ganitong oras, may pasok man sa school o wala. "Hello buds!", sabi ko."Good morning buds. I guess, kagigising mo lang. Halata naman sa boses mo.""Yes buds. Napasarap tulog ko eh!", sagot ko naman."Uhm, ba't napatawag ka buds? May problema ba?""Wala naman buds. Gusto ko lang na ako mismo ang magsasabi sa iyo", sabi nito saka huminga ng malalim. Bigla tuloy akong kinabahan kung ano ang sasabihin niya sa akin."Buds---I--p-passed the exam!", natutuwang sabi ni Chris."Oh really? Wow---That's great! Congratulations buds! I'm happy for you!""Thank you so much buds!", aniya."Uhm, this calls for a celebration! Galing naman ng idol ko! Hand salute sir!", I softly chuckled."Yep, and I want to celebrate this success with you."Parang may kung anong bagay na naman ang humaplos sa puso ko
Habang nakahiga ako sa kama ay hindi ko maiwasang isipin si Chris. Hindi ko naman kasi inaasahan na pupuntahan niya ako dito sa Cebu. Nagyaya nga 'yon na sabay kaming mag dinner, eh kaso, nakapag-oo na ako kay Ace. Kaya sabi niya bukas na lang daw kami mag-celebrate pagkatapos ng seminar ko, kasi last day na namin bukas at half-day lang kami. Actually, niyaya ko naman siyang sumama sa aming mag dinner. Eh, ayaw naman niya. Baka makaabala pa raw siya sa amin. Hay, gago talaga. Hindi naman siguro siya nagseselos kay Ace kasi alam naman niya na kaibigan lang ang turing ko du'n. Napasulyap ako sa aking relo at alas sais na pala. Maya't maya pupunta na rito si Ace at ayain na akong kumain gaya ng napagkasunduan namin. Tumayo ako at kinuha ang towel. I need to take a quick shower kasi parang ang lagkit-lagkit na ng aking pakiramdam. Ngunit tumunog bigla ang telepono ko, kaya dali-dali ko itong kinuha sa loob ng bag upang tingnan kung sino ang tumatawag."Hello, Pres!", boses ni Ace sa kab
Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko napigil ang nararamdaman ko at tinugon ko ang halik ni Chris. Ilang minuto din akong nadarang sa matinding sensasyon dulot ng paglapat ng aming mga labi. Ngunit agad naman akong lumayo nang magbalik ako sa katinuan."I-I'm s-sorry b-buds", mahinang wika ni Chris."Uhm, wala 'yon buds. Pareho lang tayong nabigla", sagot ko naman na parang walang nangyari.Pagkatapos ay nagpokus na kami sa panonood ng palabas. Wala na kaming imikan. Ayaw ko rin namang mag-open ng topic, parang naumid 'yong dila ko. Nakapokus na nga ang mga mata ko sa screen, ngunit hindi ko na naiintidihan pa ang flow ng story. Patuloy na bumabalik-balik sa aking isipan ang halikan namin ni Chris kani-kanila lang. Dios mio! Ang lakas ng epekto nito sa akin.Ang tanga-tanga ko talaga! I said at the back of my mind.Hanggang sa natapos na 'yong palabas, walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi 'yong kiss na 'yon. At kahit na nu'ng makalabas na kami ng sinehan, lumilipad pa rin ang
"Buds, sana hindi mo iisipin na nag-take advantage ako sa iyo. But I don't want to hide my feelings anymore. I've been keeping this for a long time already. More than five years na buds. I had been in a relationship but never kang nawala sa isipan ko. Now, I don't want you to be just my best friend but my woman", sabi ni Chris habang ang kanyang mga mata'y nakatitig sa akin."Buds, hin-hindi mo alam ang pinagsasabi mo", saad ko habang iniiwas ang tingin sa kanya. Kaya umusog siya sa pagkakaupo upang makalapit sa akin. "Look at me buds", he said as he gently held my hand. "I love you and I know you feel the same. Naramdaman ko 'yon nang tinugon mo ang halik nu'ng nasa loob tayo ng sinehan.""Buds, I am already 42 years old---""I know.""May anak na ako!""Matagal ko ng alam 'yan buds. But it doesn't matter to me", giit na sabi niya,"Hindi mo ako naiintidihan buds, anong sasabihin ng ibang tao? Do you think, matatanggap ako ng pamilya mo?""Mas importante pa ba sa 'yo ang sasabihin
Nagising ako ng exactly eight in the morning. Kinusot ko ang aking mata at kinurap-kurap. Ako lang ang mag-isang nakahiga sa kama kaya natitiyak kong nasa kabilang kwarto si Chris. Hindi ko alam kung anong oras siya lumabas ng kwarto kasi nakatulog na ako. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang nangyari seven hours ago. Parang isang panaginip lang ang lahat. Ang bilis ng maga pangyayari at naging kami na ni Chris. I never expected this to happen kasi kuntento naman ako na mag bestfriends lang kaming dalawa kahit ang totoo, deep inside I was craving for more. Kaya lang I set the boundaries na hanggang doon lang kami kasi ayokong mahirapan siya kaya inisip ko, it's better to suppress whatever romantic feelings I have for him and be his bestfriend nalang for life.Pero iba ang nangyari. We kissed each other. I told him I love him and there's no way I could take back what had been said. Hindi ko na talaga napigilan pa ang nararamdaman ko kasi mahal ko naman talaga siya eh. Lik
Nag-enjoy lang kami ni Chris sa panonood ng movies sa Netflix hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras at tanghali na pala. "Nagugutom ka na ba buds?", tanong niya sa akin."Uhm, medyo. Sige kain na tayo.""Wait lang ha, at magpapadeliver ako ng pagkain", sabi niya, sabay abot ng kanyang phone."Nope. bababa nalang tayo. I think magaling na 'tong paa ko", sagot ko naman saka dahan-dahang tumayo habang nakatingin lang sa akin si Chris. "Okay na ako buds!", natutuwa kong sabi at saka naglakad ako ng pabalik-balik sa kwarto. "Are you sure you're okay buds? Baka hindi pa 'yan magaling ha at pinipilit mo lang. P'wede namang magpapadeliver nalang tayo ng pagkain dito", paninigurado ni Chris."Okay na talaga ako buds. Sige, sa restaurant na tayo kakain. Saglit lang ha and I'll take a quick shower", I said and grabbed my bath towel."Maliligo ka? Hinilot ko pa naman yang paa mo kanina?", pag-aalala ni Chris."Okay lang buds. Hindi na naman masakit eh. Don't worry. At saka hot shower l
Back to my usual routine after a few days of setting aside all the pressures and stress at work. Kailangan ko na namang harapin ang reyalidad sa pagiging isang public school teacher. Kung p'wede nga lang sanang mag resign na lang, eh kaso iniisip ko may anak pa akong pinapag-aral sa kolehiyo.Habang nasa loob ako ng classroom at naghihintay sa susunod kong klase, muling bumabalik sa aking alaala ang mga nangyari noong nasa Cebu ako. At kapag naiisip ko ang tungkol sa amin ni Chris, hindi ko mapigilang mapangiti. Kaya tuloy napansin ito ng aking mga estudyante."Oy, si ma'am, kinikilig!", sabay-sabay na sabi ng mga mag-aaral. Kanina pa pala sila nakatingin sa akin. Hay, nakakaloka talaga 'tong mga estudyante ko. Kahit naman pasaway sila pero, nakakatuwa din naman."Nope, hindi naman ako kinikilig mga anak. Bigla ko lang naisip 'yong korean drama na pinapanood ko nu'ng nakaraan", pagsisinungaling ko.Mukhang naniwala naman sila sa sinabi ko kaya hindi na nila ako kinulit pa. Alam din ka
Mag-aalas singko na lamang ng hapon ngunit hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Loraine. Siguro nga nakalimutan na nga niya ang birthday ko o di kaya'y masyado lang talagang busy sa pag-aaral. Anyway, hanggang mamayang hating gabi pa naman ang kaarawan ko kaya kahit na bumati siya sa akin ng 11:59, accepted pa rin 'yon."Mars, p'wede bang pumasok?" tawag sa akin ni Tess habang kumakatok ito sa may pintuan."Halika ka mars, pumasok ka," sagot ko.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang nakangiti kong kaibigan habang hawak-hawak nito ang isang medium-sized na box."Mars, please accept my simple birthday gift to you," wika nito."Naku, nag-abala ka pa mars. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinigay mo sa akin, iniisip mo pa talaga ang magbigay ng regalo.""Hay naku, wala 'yon mars. Para ka namang others eh," sagot naman nito, at nagtawanan kaming dalawa."Oh ba't naman parang malungkot ka mars?""Naisip ko lang si Loraine at si mama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa ak
Dalawang buwan ang nakalipas at unti-unti ko na ring nakasanayan ang buhay ko sa Maynila. Dahil may kaliitan lang naman ang tiyan ko, parang hindi pa rin nahahalata na buntis ako kahit sabi ng doktor posibleng kambal daw 'yong anak ko.Hindi naman ako nagkakaproblema sa bahay ni Tess kasi maayos naman ang pakikitungo ng mga katulong sa akin. Naging maalaga din sila, lalo na si Manang Auring. Para na nga rin akong amo nila kasi, hindi nila ako pinapagawa sa mga gawaing bahay, pero paminsan-minsan naman nag-iinsist talaga ako kahit maghuhugas lang ng mga plato.Wala na akong balita tungkol sa school namin kasi nag-deactivate na ako sa aking mga social media accounts. Nagchange na rin ako ng number kaya tanging pamilya ko nalang at si Tess ang nakakausap ko. Nalulungkot pa rin naman ako dahil sobra kong nami-miss si Chris. Wala na akong balita sa kanya dahil hindi na rin siya binabanggit sa akin ni Loraine kapag nagkakausap kami sa telepono. Hindi rin ako nagtanong pa at baka mas lalo la
Nakapagdesisyon na ako na sabihin kay Loraine ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin basta't kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Naghalf-day lang ako sa school kasi bigla namang sumama ang aking pakiramdam. Ayaw kong doon pa ako magsusuka sa paaralan at baka malaman pa ng mga co-teachers ko ang aking kalagayan."Nak, I'm sorry," umiiyak kong sabi. "Sadyang mahal ko lang talaga si Chris." Seryoso lang na nakatingin sa akin si Loraine, at hindi man lang nagbigay ng komento. Alam ko nabigla siya sa kanyang nalaman. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Hindi ako nakapagpigil sa aking nararamdaman. "Nak, okay lang sa akin na magalit ka. But please, kausapin mo ako," emosyonal kong sabi.Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ng anak ko. "Ma, hindi naman ako nagagalit sa iyo eh. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, kasi alam naman nating ikakasal n
Pagkatapos ng outing namin ay back to normal routine na naman ako. Malamig pa rin ang trato sa akin ng aking mga katrabaho, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutal at sanay naman akong nag-iisa lang sa school, hindi ko na kailangan pa na may makakausap kung hindi rin lang naman totohanan ang pakikitungo sa akin. Nag-eenjoy din naman ako kahit papano sa aking klase, kaya sapat na sa akin 'yon. Alam ko na ako lang ang pinagtsi-tsismisan nila kapag nasa faculty room silang lahat, pero hindi ko na proproblemahin pa 'yon. Basta't magtrabaho lang ako ng maayos.Hindi na rin kami nag-uusap pa ni Chris kahit sa messenger man lang. Sinabi ko na mas mabuting mag focus muna siya sa nalalapit na niyang kasal. "Alam mo ma, billib talaga ako sa katatagan mo. Kasi kung sa akin nangyari 'yan, hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Baka na depress na ako," wika ni Loraine habang kumakain kami."Kailangan talaga akong magpakatatag anak, dahil nand'yan ka at kailangan mo pa ako. Saka sanay na rin nam
"Here we are!" bulalas ni Bea nang makarating na kami sa resort. Nauna silang bumaba ni CJ kasama ng mga partners nila, habang nasa loob pa kami ng sasakyan ni Chris. Medyo nagkaalanganin pa kaming dalawa kung sinong maunang magsalita. "Uhm, buti naman nakasama ka buds," I decided to break the silence."Yup. Gusto ko rin talagang mag-unwind eh," tugon nito. "Oo nga pala ba't hindi ang kotse mo ang ginamit?""Nasa talyer kasi buds, may konting sira," sagot naman nito."Oh, I see. Shall we go?" yaya ko sa kanya.Tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngunit nang akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan, pinigil niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinapit."I missed you so much buds," wika niya. Nagkatitigan kaming dalawa. And the next thing happened so fast, at nararamdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako habang tinutugon ang mainit na halik na 'yon. "I missed you too buds.""Happy anniversary, babe," wika niya saka humalik sa akin sa noo. Naki
Kumalat na sa buong lugar ang balita na ikakasal na talaga si Chris at Leslie. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng lahat ng mga estudyante pati na rin ng mga co-teachers ko. 'Yong iba halatang natutuwa sa kasawian ko sa pag-ibig, pero may iilan din naman na nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Habang nakatuon ang aking atensyon sa aking ginagawang PPT slides sa laptop, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito nang makarehistro ang number ni Bea."Hi, mimi," bati nito sa kabilang linya."Hello nak. Kumusta, napatawag ka?" tanong ko."Nagworry lang ako sa 'yo mimi eh. Okay ka lang ba?""No choice nak kundi magiging okay na lang," mahina kong sagot."Masama ang loob namin ni CJ kay Chris mimi. Ba't ang bilis naman niyang nagdesisyon na i-give up ang relasyon ninyo.""Nak, h'wag kayong magalit kay Chris. Nahihirapan din naman siya eh. Kahit kayo naman siguro sa sitwasyon niya, mapipilitan na lang talaga kayong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ninyo lalo na't k
Sa hangarin kong makatulong kay Chris, nangutang ako ng pera kay Tess. Pero konti lang din ang napahiram sa akin kasi nagkasakit din daw ang asawa niya. Umutang na rin ako kay kuya Roger kaya napilitan akong sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Chris. I am just glad na hindi naman siya tumututol sa amin.Nagdaan pa ang maraming mga araw, nagtaka naman ako sa mga pagbabago ni Chris. Hindi na siya laging tumatawag sa akin. Dati naman, hindi matatapos ang araw nang hindi niya ako nakakausap. Mapa-tawag o mapa-chat man. Pero ngayon hindi na siya araw-araw nag-uupdate sa akin. I find it very unusual kasi hindi naman siya ganito. Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga posibleng dahilan ng lahat. Hindi ko rin mapigilan na maging negatibo ngunit pilit kong nilalabanan 'yon at iniisip na lang na baka busy lang talaga siya sa trabaho dahil sa babayarang mga utang."Balita ko ikakasal na raw talaga ang kuya Chris mo doon kay Leslie, kasi buntis raw eh." Narinig kong usapan ng mga grade
Panibagong araw na naman sa eskwela. Kahit hindi ko na gusto ang mga tao sa paligid ko, pero wala akong magawa kundi deadma na lang kasi alangan namang tumigil ako sa pagtuturo. Ano na lang ang kakainin namin ng anak ko. Kahit hindi naman ako ang mag-isang bumibili ng mga kakailanganin sa bahay kasi nagpapadala naman ng alote kay mama ang mga kapatid ko, pero ayaw ko rin namang umasa lang sa kanila. Kahit sabihin namang malaki ang sinasahod nila sa ibang bansa pero may kanya-kanya rin naman silang mga pamilya na bubuhayin.Hindi ko sinasadyang mapadaan sa classroom ng grade 8 at narinig ko ang mga pag-uusap ng isang grupo ng mga kababaihan. Dahil recess time pa naman kaya wala pa roon ang iba nilang kaklase."Talaga ba? Ipapakasal na ang kuya mo sa ibang babae? Ay kawawa naman si Ma'am Precious," wika ng isang estudyante.Naintriga akong pakinggan kung ano pa ang sasabihin nila kaya huminto muna ako saglit at nakinig sa kanila. Hindi naman nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sa ak
Nang makauwi ako ng bahay, naabutan ko si Loraine sa kusina na nagluluto ng pagkain. Napaisip tuloy ako kung anong okasyon, kasi sa tingin ko abalang-abala naman siya."Hi ma, nandito ka na pala," bati nito saka humalik sa pisngi ko."Kanina ka pa ba umuwi nak?" tanong ko."Wala naman kaming klase ma. May seminar 'yong professor namin sa major subject kaya libre ako ngayon.""Ganu'n ba? Ano palang okasyon nak at parang abala ka sa ginagawa mo?""Wala naman ma. Gusto ko lang matikman niyo ni Lola ang mga bago kong resipe," magiliw na sagot nito."Kumusta pala sa school niyo ma?""Uhm, may nakaaway ako nak.""Ano po? Sino at bakit?" curious na tanong nito. Tumigil ito saglit sa paghiwa ng mga rekados at tumingin sa akin.Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, pati na rin ang malamig na pakikitungo ng mga kasamahan ko sa akin. Gusto ko namang mag open sa anak ko. Pagkatapos ng hindi namin pagkakaunawaan noong nakaraan,napag-isip-isip ko na wala na akong dapat na ilihim pa sa kanya.