Share

Kabanata 17

Author: Hope Castillana
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

INAYOS NIYA ang basket upang hindi madumihan ang pagkain na naroon. Madaling araw palang n'ong bumangon siya kanina, halos wala siyang tulog sa sobrang excitement. Nagluto siya ng turon, lumpia, ginataan at bumili ng slice bread. Sinamahan na rin niya ng bagong pitas na prutas. Isinilid niya iyon sa dalawang basket, dinala sa sapa upang may pagsaluhan sila ni Andrei. Gusto niya ring ipatikim dito ang mga niluto niya.

Tumingala siya sa kalangitan, nasisinagan na ng araw ang kabilang parte ng sapa, no'ng dumating siya dito ay madilim na. Wala siyang dalang relo kaya't hindi niya alam kung ilang oras na siyang naghihintay.

Hindi niya alintana iyon, si Andrei ang hinihintay niya at hindi siya mapapagod kahit gaano pa 'yon katagal.

Inilublob niya ang paa sa tubig at nilaro iyon. Preskong presko ang simoy ng hangin, nakakahalina ang paligid na halos kulay berde ang lahat.

Nakaupo lamang siya sa bato, pinagmamasdan ang bawat kaluslos. Nang magsawa sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 18

    "WHO ARE you to talk to me that way?" Kahit na ilang ulit na napalunok nilakasan niya pa rin ang loob na salubungin ito. Mula sa pagkakatayo sa harap ng kanyang mesa lumapit ito papunta sa kanya. Mabilis siyang napatayo. Mas lalo itong lumapit hanggang sa magitgit siya sa upuan. Sinubukan niya itong itulak ngunit hindi pala magandang ideya 'yon. Dumagsa ang tila kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan dahil nahawakan niya ang matigas nitong dibdib. "Hindi na ako natutuwa," asik niya. Wala siyang takot na maramdaman para sa lalaki dahil alam niyang hindi siya nito sasaktan, ang ikinakatakot niya ay ang pagbigay dito. Iyon na siguro ang pinakatangang bagay na magagawa niya. Pinipilit niyang magtiis na hindi mapalapit dito pero sa presensya palang nito natitibag na ang pader na pilit niyang binubuo sa pagitan nilang dalawa. "Ako rin e, hindi rin ako natutuwa sa mga nangyayari. May usapan tayo pero hindi mo sinabing papahirapan mo lang ako."

    Last Updated : 2024-10-29
  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 19

    AS A CELEBRATION sa naisaradong deal para sa kanyang kompanya, inimbitahan niya si Tadeo para sa isang dinner. Malaki ang naging ambag nito para makuha niya ang deal, nakahinga rin siya ng maluwag dahil mababawasan na ang mangungulit sa kanya. Hindi na niya kailangang tiising pakisamahan si Primitivo para lamang pirmahan nito ang dokumento. Hitting two birds in one stone. Ininom niya ang natitirang wine sa kanyang hawak na goblet. Inilapag ni Pulahan ang mga pagkaing pinaluto niya. Nasa garden siya habang hinihintay ang pagdating ni Tadeo. "Alam mo ba 'yong trivia tungkol sa mga lalaking magaling mangabayo?" Naagaw ang atensyon niya sa tanong nito. "No."Nakakaloko ang ngisi nitong tumingin sa kanya. "Sabi nila na kapag magaling magpatakbo ng kabayo magaling ring mangabayo ng babaye." Malakas itong tuwa. Napangiwi siya. "Ang lame ng trivia mo. It's not even true.""Totoo 'yon." Kumindat ito at tinapik ang braso niya.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 20

    TADEO is smiling from ear to ear while watching Andrei picking the fruits in the apple plantation. Niyaya niya itong mag-date at gusto niyang maranasan nito ang buhay niya para maintindihan nito lalo ang mga katulad niya. Gusto niyang unti-unti itong mamulat sa perspektibo ng mga magsasaka. Alam niyang kapag naintindihan nito ang mga magsasaka ito na mismo ang magbibigay ng mga kailangan nila para mas lalong mapalago ang ani ng hacienda. Una nilang pinuntahan ay ang apple plantation, kasama nila ang mga fruit picker ng hacienda. Halata sa mukha nito na hindi natutuwa sa ginagawa lalo at nadudumihan ang kamay nito. But he knows that when the time passes by she will love what she is doing right now. Tulad niya, may pasan itong malaking basket sa likod. May damit na nakapandong sa ulo. Naka-long camisa de chino at nakabota din. Natawa siya nang mapangiwi ito dahil nahulog ang pinitas na mansanas."My gosh, why I am doing this?" reklamo nito. "Kaya

    Last Updated : 2024-10-29
  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 21

    MAHIGPIT ANG PAGKAKAHAWAK niya sa cellphone habang paulit ulit na tinatawagan si Pulahan. Ngayon niya lamang nabasa ang text nito dahil buong hapon siyang naglinis ng maliit na apartment na inuupahan nila. "Anong sabi?" bungad niya nang sagutin nito. Hating gabi na ngunit ngayon lamang siya nagkaroon ng oras na umupo. Pinunasan niya ang mukha at leeg habang ang cellphone ay nakasiksik sa pagitan ng leeg at balikat niya. Kinabahan siya nang hindi agad ito nakasagot. Sabi nito sa text ay walang balak na bilhin ni Tadeo ang hacienda. "Hindi siya pumayag, nasa bus ako ngayon pauwi diyan."Napatayo siya. "Bakit hindi siya pumayag?"Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. Maingay din ang background kaya halos hindi sila magkarinigan. "Sabi niya hindi na daw malakas ang ani sa hacienda dahil sa mga pesteng dumating.""Anong peste? Ni minsan hindi naging matumal ang ani simula n'ong hawakan niya ang hacienda, nalalaman naman na'tin

    Last Updated : 2024-10-29
  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 22

    "INGAT HO kayo, Boss Andrei," bilin ng lalaking nagtawid sa kanya. Hindi siya nakasagot. Kanina pa ito nakikipag-usap sa kanya at palaging may paggalang iyon. Hindi na siya sanay na may taong tumatawag sa kanya ng gan'on. Isang simpleng mamamayan nalang siya ng Pilipinas at wala na siyang maipagmamalaki tulad noon. Tiningala niya ang mataas na welcome logo ng Isla De Kastilyo. Nalalanghap na niya ang preskong hangin na wala sa Maynila. Pamilyar pa rin ang pakiramdam na iyon sa kanya. Gumaan ang loob niya sa kabila ng mga iniisip. Perpekto talaga ang lugar para pagbakasyonan, kung isa siyang bakasyonista siguradong mag-eenjoy siya. Mas naaappreciate na niya ngayon ang simpleng buhay ng mga tao. Isinukbit niya sa kanyang braso ang dalawang bag, naglakad papasok sa isla. Halos lahat ng nakikita niya ay kulay berde, nagtataasang mga puno at patag na mga palayan. Walang katao tao sa entrada ng lugar. She take her time savoring the peace that welcome her. Kay tagal na n'ong huli niyang

    Last Updated : 2024-10-29
  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 23

    BINATI SIYA ng guard nang makarating siya sa harap ng munisipyo. Sa ilang minuto niyang paglalakad halos lahat bumabati parang noon. Sa hiya hindi na lamang niya pinapansin. Hindi siya donya para yukuan kaya naiilang siya. Suot ang plain blue t'shirt at loose jeans nagtungo siya doon. Sinuot rin niya ang maputik na sapatos. Agad na tumayo ang lalaking nasa loob ng isang cubicle malapit sa pintuan ng office ni Mayor. "Magandang hapon ho, Boss Andrei."Ngumiti siya. "Pwede ba akong pumasok?" Itinuro niya ang pinto. Tumingin naman ito doon. "Wala naman hong ginagawa ngayon si Mayor," imporma nito. Kumatok ito at dumungaw doon. "Mayor, nandito ho si Boss Andrei."Wala siyang narinig na sagot. Nakangiting humarap ulit sa kanya ang hinuha niya ay sekretarya ni Tadeo. "Pasok na daw ho kayo.""Salamat." Pinagbuksan siya nito ng pinto. Sa kabila ng kaba nagawa niyang iangat ang mga paa upang pumasok. Kahit

    Last Updated : 2024-10-29
  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 24

    NAKAAKBAY SA kanya si Tadeo habang naglalakad sila sa tabing dagat. Malapit na ang dapit hapon at nagpasya silang umuwi na. Makulimlim ang kalangitan at hindi pa man sila nakakalayo sa batong kanilang kinauupuan kanina ay nagsimula nang umambon. Hinubad nito ang kamesang suot, ipinandong sa kanyang ulo. Pinoprotektahan siya nito upang hindi mabasa. Natatawa nalang siya, kahit anong pagsecure na gawin nito nababasa pa rin dahil palakas ng palakas ang ulan. "Tumakbo nalang kaya tayo?" aniya. Pumayag naman ang binata. "Pagbilang ko ng tatlo sabay tayong tatakbo."Bumilang nga ito at nang marating ang pangatlo ay sabay silang tumakbo. Mas lalong lumakas ang ulan. Nagtatawanan sila habang tumatakbo patungo sa tricycle na dala nila. Dahil tago ang lugar wala silang ibang masisilungan. Pinauna siyang pumasok ni Tadeo sa tricycle. Mabilis nitong ibinaba ang mga tabing na plastik na siyang nagsisilbing protektsyon para hind

    Last Updated : 2024-10-29
  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 25

    NAGISING SI ANDREI na magaan ang pakiramdam, para siyang nakapagpahinga ng isang taon sa gaan. Kahit pahinga ay ipinagkait niya sa sarili simula n'ong nanirahan sila ng tuluyan sa Manila. Bumangon siya. Natigilan nang maamoy ang pamilyar na perfume ni Tadeo, hinanap niya iyon hanggang sa namalayan niyang nakakumot sa kanya ang coat na suot nito kanina. Napatingin din siya sa unan. Napaisip, ang huling naalala niya ay nakaupo siyang sumandal sa couch. Alam niyang hindi siya humiga. Napatingin siya sa paang nanlalamig, hindi na rin niya suot ang sapatos. Nagpalinga linga siya sa paligid, walang tao. Napangiti siya sa isiping si Tadeo ang nag-ayos ng pagkakahiga niya upang maging komportable siya."Kaya pala ang sarap ng gising ko," bulong niya. Bumukas ang pinto, pumasok doon ang binata. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin, seryoso lamang ito. Isinuksok ang magkabilang kamay sa bulsa. "Fix yourself, umuwi ka na." Tumuloy ito sa s

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Another Special Chapter

    ANDREI never thought that one day she would walk down the aisle while her future husband was waiting in front of the altar. She has never thought of marrying someone since the moment their dad left them-the first man who ever broke her heart and ruined her childhood.Before, she thought that marriage was not an assurance of a happy and contented family. But Tadeo changed her perspective, saying and proving that not all men in the world are the same. It's just that their mom loved and married the wrong man. Maybe everything is destined to happen.She's still grateful because, without her dad, she's unborn.Today, she's wearing a white long veil and trumpet wedding dress with royal trains while walking on the white carpet barefoot. She's holding a sunflower bouquet. She suppressed her tears, looking at Tadeo and their visitors. She can't believe that she's getting married. She's overwhelmed with overflowing happiness, contentment, and excitement that fill he

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Special Chapter

    Tadeo's Wedding VowHINDI siya mapakali habang hawak ang ballpen sa kaliwang kamay at nakatitig sa blangkong papel kung saan niya gustong isulat ang makahulugang wedding vow. Isang linggo na lamang ay kasal na nil ani Andrei, ang babaeng kanyang pinakamamahal at ang kanyang unang pag-ibig. Hindi niya akalain na totoo pala ang sabi nila na ang pag-ibig ay tila fairytale. Sa isiping mag-iisang dibdib sila ng babaeng pinakamamahal ay nag-uumapaw na ang kanyang kaligayahan. Handa siyang gawin at isakripisyo ang lahat para kay Andrei. Alam niya wala na siyang ibang babaeng iibigin maliban sa dalawa. Nakaupo siya sa kawayang upuan at kaharap niyon ay ang kanilang munting lamesa. Malalim na ang gabi at tulog na ang kanyang kapatid at mga magulang. Hindi pa man niya naisusulat ang mga pangakong handa siyang tuparin para sa kanyang kasintahan ay naiiyak na siya. Malalim ang buntong hininga ang pinakawalan niya upang maibsan ang nag-uumapaw na saya sa kanyang kalo

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Epilogue

    NAKATITIG LAMANG si Andrei kay Tadeo. Kabababa lamang nila at nagpahanda ito ng pool party. Hindi mawala wala ang ngiti niya dahil ang saya saya ng puso niya. Namiss niyang tunay ang mga kapatid niya at masayang masaya siya na kahit sandali ay nakauwi ang mga ito sa Pilipinas. Lumapit sa kanya si Pulahan, inabutan siya ng wine."Ngiting nadiligan," kantyaw nito. Tinanggap niya ang ibinigay nito at inirapan ang kaibigan."Napakadumi ng bunganga mo."Tumingin ito sa suot niya. "Kanina nakarobe ka pero paglabas niyo t-shirt na Tadeo boy ang suot mo."Sinamaan niya ito ng tingin. Tumabi ito ng upo sa kanya, sa lounge. "Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka sa'kin."Kumunot ang noo nito ngunit ilang sandali ay malakas na natawa. "Ay, 'yon bang tungkol sa hindi pagbili ni Tadeo boy sa shares mo?"Sinabunutan niya ito pero panay lamang ang tawa nito. "Napakasama mo talaga sa'kin.""Gaga, tinutulungan na nga kita e. I

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 30

    INABOT NI TADEO ang bote ng beer sa kanyang ama. Nasa huling palapag sila ng resort, tanaw ang malawak na karagatan mula sa kinatatayuan nila. Nasa baba ang kanyang ina at si Andrei na nagtatawanan habang lumalangoy sa infinite swimming pool na karugtong ay dagat. Gabi na, napagpasyahan nilang mag-unwind sa kanilang resort upang kahit paano ay makapagpahinga sila. Laking pasalamat niya dahil sumama si Andrei at hindi ito nagreklamo. Natutuwa siyang nababawasan na ulit ang pagiging mailap nito sa kanya. "Masaya akong nagbalik siya," pagbasag ng kanyang ama sa katahimikan. Nakatanaw din ito sa baba kung saan siya nakatingin. Tumango siya. Isinuksok ang kaliwang kamay sa bulsa ng slacks at ang isa ay may hawak ng canned beer. "Hindi ko alam kung magagalit ako o magtatampo sa inyo, 'tay. Alam ko na ang ginawa mo noon kaya siya lumayo.""Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko kahit na magalit ka sa'kin dahil alam kong para iyon sa kabutihan mo." "Ala

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 29

    "DO YOU think hahayaan kong makalabas ka pa sa Isla na 'to?" Natigilan siya sa paglapit sa guard upang pabuksan ang tarangkahan nang marinig ang malalim na boses ni Tadeo. Hindi niya akalaing susundan siya nito. "Idoble lock niyo ang gate at sabihin kay Inspector Sio Tallion na ilockdown ang buong hacienda at kapag nakita kamo ay first lady ay wag papalabasin," madiing utos nito.Agad tumalima ang mga gwardiya. "Masusunod ho, Mayor." Nagtakbuhan ang mga ito sa mga patrol na nasa labas. Nanlaki ang mga matang nilingon niyo ito. Hindi niya alam kung ano pa ang gusto nitong pag-usapan nila, lahat nasabi na niya at alam niyang narinig niya na rin lahat. Handa na siyang wakasan at tuluyang kalimutan ang nakaraan nilang hindi na maibabalik. Yumuko siya upang magbigay galang. Kailangan niyang umasta ayon sa papel niya sa lipunan. "Bakit, Mayor?"Nakapamewang itong tumitig sa kanya. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya. "Pumasok ka sa bahay."Hindi siya natinag. "Kailangan kong habulin ang b

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 28

    NAPAHILAMOS ito sa sobrang frustration. Hindi niya alam kung bakit ito sumunod, kitang kita sa mukha nito na galit na galit ito na ngayon niya lang nakita ngunit ang boses ay nasa normal pa ring lakas, mas lalo lamang dumiin ang mga salita at puno ng hinanakit. "Bakit palagi mong pinapamukha sa'kin na kailangan kong maghabol?" tanong nito. Natigilan siya. Pinili niyang hindi ito tignan. "Hindi ko sinabing maghabol ka, ikaw ang naglalagay ng sarili mo sa ganyang sitwasyon.""Napakatanga ko. Sa laki ng kasalanan sa'kin nagawa pang kumawag ng buntot ko n'ong malaman kong parating ka." Pigil ang kanyang hininga, nararamdaman mangyayarj na ang komprontasyon na matagal na niyang iniiwasan. Natatakot siya. "Umasa ako na sa pagbabalik mo maiisip mo manlang na suyuin ako, nahumingi ng tawad sa mga nagawa mo pero wala sa dalawang 'yon ang ginawa mo. Umasta kang tila walang nangyari, umalis at bumalik ka kung kelan mo gusto.""Wag na na'ting pag-usapan ang

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 27

    HALOS WALA SIYANG tulog. Magdamag na hindi nawala sa isip niya kung bakit may koleksyon ito ng dati niyang pabango na gustong gusto nitong amuyin at mas nawendang siya nang makita ang ilang piraso ng kanyang mga pambahay na maayos na nakatupi sa pinakasulok ng mga damit nito, iniwan niya iyon n'ong umalis siya. Ayaw niyang mag-assume pero iyon ang pinaniniwalaan ng puso't isip niya. Natapos niyang ligpitin lahat ng mga damit, bag at accessories na nasa paperbags. Binantayan niya sa Tadeo sa pagtulog nito. Maaga siyang bumaba at tumulong sa paghahanda ng agahan. Maaga ring nagising ang ginang. "Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos iha," nakangiting sabi nito.Napakamot siya sa batok. "Wala ho talaga akong tulog "Nanlaki ang mga mata nito. Napangiwi siya ng mapagtanto na may ibang kaguluhan ang sinabi niya. "Ibig ko hong sabihin, hindi ho ako nakatulog kasi namamahay ho ako."Inilapag nito ang nalutong sinigang. "Bakit ka mamamahay

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 26

    "MAKASALANAN," sigaw niya. Hindi niya alam kung tatalikod o tititig nalang sa grasyang nasa kanyang harapan. Bakit parang mas lumaki? Mariin niyang nakagat ang labi at tinakpan ang mga mata, ngunit ang pilyo niyang isipan ay naglaan pa rin ng siwang sa kanyang daliri kaya nakikita niya pa rin. "Takpan mo 'yan," sigaw niyang muli. "Ikaw ang magtakip ng mata mo. Kung makasigaw ka akala mo di mo 'to nahawakan noon." Tinalikuran siya nito. Nakatitig lamang siya sa matambok nitong pwet habang naglalakad patungo sa walk in closet. Kinapa niya ang pisngi niyang nag-iinit at napapadyak sa inis. "Hindi naman gan'on kalaki 'yon noon." Umiwas siya ng tingin nang makita niya ang hawakan ng lampshade na nasa bedside table. Ang likot ng imagination mo. Pinagdadampot niya ang mga paperbag at basta inilagay sa sahig upang maalis agad ang mga iyon sa kama. Hingal na hingal siya ng matapos, nakaupo siya sa sahig habang hinihintay na lumabas ulit si Tadeo.

  • Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim   Kabanata 25

    NAGISING SI ANDREI na magaan ang pakiramdam, para siyang nakapagpahinga ng isang taon sa gaan. Kahit pahinga ay ipinagkait niya sa sarili simula n'ong nanirahan sila ng tuluyan sa Manila. Bumangon siya. Natigilan nang maamoy ang pamilyar na perfume ni Tadeo, hinanap niya iyon hanggang sa namalayan niyang nakakumot sa kanya ang coat na suot nito kanina. Napatingin din siya sa unan. Napaisip, ang huling naalala niya ay nakaupo siyang sumandal sa couch. Alam niyang hindi siya humiga. Napatingin siya sa paang nanlalamig, hindi na rin niya suot ang sapatos. Nagpalinga linga siya sa paligid, walang tao. Napangiti siya sa isiping si Tadeo ang nag-ayos ng pagkakahiga niya upang maging komportable siya."Kaya pala ang sarap ng gising ko," bulong niya. Bumukas ang pinto, pumasok doon ang binata. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin, seryoso lamang ito. Isinuksok ang magkabilang kamay sa bulsa. "Fix yourself, umuwi ka na." Tumuloy ito sa s

DMCA.com Protection Status