Share

chapter 4 -plan

someone pov's

Macy pov's

This is it.Sa wakas may nahanap na rin Akong babae babayaran sa aking plano.At sana ay tanggapin nito aKing alok. This is my plan with my cousin's fiance.Alam Kong kakagat sa aking pain si Alejandro upang Hindi matuloy Ang kanilang kasal.Tingnan lang natin Kong Hindi Ako magwawagi sa aking Plano Before their wedding.

I know her plan with Alejandro. Kaya niya gustong magpakasal Kay Alejandro,para sa pansarili. It's because her money and wealth with.

I also know that she is obsessed with another man.I saw them in hotel na kasama ang lalaking iyon.Alam kong Hindi sila magkaibigan dahil iba kong makayapos sa kanya ang lalaki. Kahit pinsan ko ito ay hindi ko kakampihan Ang kalokohan nito.Hindi ko hahayaan na magwagi Ang Plano ni Tyrese Kay Alejandro. It will be a big mistake if my cousin's plan wins. Because,Alejandro is my oldest friend when I'm child.Hindi lang isang kaibigan Ang tingin ko sa kanya dahil parang Kapatid ko na ito.deep sigh.

Muli Kong tinuon aking pansin sa mga files na nasa aking harapan. But I stopped what I was doing again when my phone rang. Speaking of Alejandro.

"yes!" I asked.

"where are you macy?"he ask

"I'm here in my office Alejandro,why?"I said.

"hmm! tanong ko lang Kong totoong nagpunta ka ng province.My manager told me."he ask me.

"yes Alejandro,how about it?"I answered.

"just nothing,okay see you tonight."he said.Nang mawala sa kabilang linya si Alejandro ay agad ko naman binalik sa aking bag aking celpon. Muli Kong pinagpatuloy aking ginagawa.

Lea pov's

Abala ako sa aking ginagawang pag-aayos Ng mga display.Pero aking isip ay lumilipad sa aking ama. Mabuti na Lang walang nangyaring masama sa kanya. Kaya lang siya nawalan ng Malay dahil sa puyat at pagod. Dumagdag pa Ang Hindi nito pagkakain ng maayos. Napahinga ako ng malalim.Ang problema ko lang ngayon ay Kong saan ako kukuha ng ganung kalaking Pera. Upang mabayaran Ang pagkakasanla ng lupa namin.

"hey friend!ayos ka lang ba.Ang layo ng narating nang isip mo ha.Kamusta na Pala Ang itay mo.?tanong ng aking kasama. Muli Akong Napahinga ng malalim.

"maayos na siya ngayon. Ang Sabi ng doctor pwede na daw siyang lumabas bukas."sagot ko.

"mabuti Naman Kong ganun.Sana lang ay Hindi na muling ulitin ni Tito Ang ginagawa niya sa kanyang sarili."anas ng aking kaibigan.Tumango ako rito.

Hanggang lumipas Ang maghapon naming trabaho. Ngayon ay oras na ng uwian. Kailangan Kong magpunta ng hospital upang bantayan si itay. Nakakahiya na Kay aling cora dahil naabala na namin ito.

"sabay na tayong umuwi bes,"Ani ni Tyrone sa'kin dahil iisang way lang Ang daan pauwi sa amin.Tumango ako rito.Hanggang sa lumabas na kami Ng mall.Ilang minuto lang Naman Ang lalakarin namin pauwi sa bahay namin. Sayang din Kasi Ang pamasahe Kong sasakay pa kami Ng tricycle.Pwera na lang Kong late na kami sa pagpasok talagang kailangan.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa tapat ng aming bahay.Natigil ako ng may maalala ako. Kapag ganitong hapon... Tuwing hapon pagdating ko galing sa paaralan! Masayang mukha ni inay Ang agad Kong makikita habang may hawak itong timba na may laman na tubig. At dinidiligan Ang mga halaman sa harap ng bahay namin.Kaya kapag ganitong hapon galing ako sa trabaho parang nakikita ko pa rin ito habang may ngiti sa kanyang labi. Kaya Hindi ko pwedeng hayaan na mawala sa Amin Ang lupang ito na kinatitirikan ng aming bahay. Napabuntong hininga ako sa labis na pagkamis sa aking ina.

Hanggang sa mapagdesisyonan ko ng pumasok sa loob ng bahay namin.Dumiretso ako sa aking silid upang magpalit ng damit.Isang simpleng t-shirt at maong short aking napiling isuot.Kaya kitang-kita Ang mapuputi Kong binti na bilugan.

Saka ako lumabas upang magluto ng dadalhin ko sa hospital.Ang mahal pa Naman ng bilihin duon.Kaya kahit pagod sa trabaho ay magluluto ako ng paborito namin ni itay na ulam.Duon na rin ako kakain upang may kasabay si itay na Kumain.Alam Kong sobrang lungkot nito.Kaya iparamdam ko rito na nasa tabi lang ako nito kahit Hindi na namin kasama si inay.

Hindi nagtagal ay natapos na rin Akong magluto.Kaya inayos ko na ito at ganun din Ang mga ginamit Kong pinaglutuan.Bago ako umalis ay kailangan ko pang maglinis rito sa loob ng bahay namin.

Ilang minuto lang ay natapos na rin ako.Muli Akong bumalik sa aking silid upang Kunin Aking sumbrero at bag.Saka tuluyan na akong lumabas sa aming bahay.

Paglabas ko ng bahay namin.Saktong may dumaan na tricycle kaya agad Akong sumakay upang magpahatid sa hospital.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako. Nagbayad muna ako ng aking pamasahe. At Tuloy -tuloy akong pumasok sa loob ng hospital. Sa ikalawang palapag Ang room ni itay. Kaya imbis na elevator aking gagamitin sa hagdan ako dumaan.Hindi ko Kasi alam Kong paano gamitin ito. Baka Sabihin pa ng makakakita sa akin na ignorante ako.At baka lumagpas pa ako sa aking pupuntahan. Kaya naghagdan na lamang ako.

Agad Naman Akong narating sa room nila itay.May mga kasama rin ito sa silid. Mabuti na lang din at mababait Ang mga kasama niya.

Nakita Kong natutulog pa aking ama.Sinusulit talaga niya Ang mga araw na hindi nakakatulog. Dahil kulang na kulang siya sa tulog. Kaya hinayaan ko muna itong matulog.Naupo ako sa tabi ng kama ni itay at pinagmasdan ito.Nakita ko Ang lungkot sa kanyang mukha.Ang dating masayahin na mukha ng aking ama ay napalitan iyon ng lungkot.

Sana Kong buhay pa aking ina,siguro masayahin pa rin si itay. Napabuntong hininga ako.

Lumipas Ang isang oras, nagising na rin aking ama. Kaya niyaya ko na itong Kumain.Nagulat pa nga ito ng makita

ako.Ngunit agad din iyon nawala.Pero nahuhuli ko itong pasulyap-sulyap sa akin. Parang may gustong Sabihin o itanong Sakin. Kaya naman nagsalita ako upang itanong rito Kong ano Ang kanyang itatanong.

"may sasabihin ka ba itay?"tanong ko rito. Hindi agad sumagot aking ama.

"Wala naman anak.Kumain kana lang,"tipid niyang wika.

Kaya pinagpatuloy ko aking pagkakain. Ilang minuto lang ay natapos na rin kaming Kumain.Inayos ko na rin Ang mga ginamit namin.Muling bumalik sa pagkakahiga si itay kaya inayos ko na rin aking tutulogan.Mabuti na lang may extra bed rito kaya may mahihigaan ako. Nang malagyan ko na Ng kumot ay nahiga na rin ako. Ilang sandali lang ay agad Akong nakatulog.

Nagising ako sa tawanan Ng mga kasama namin rito sa silid na ito.At kasama na ruon aking ama.Napangiti ako ng marinig Kong muli Ang tawa Ng aking ama. Sana laging ganyan aking ama ,sana ay bumalik na Ang dating masayahin Kong itay. Bumangon na rin ako upang ayosin aking ginamit.Nakita Kong nakaayos na rin Pala Ang mga kumot at unan ni itay.Talagang handa na itong umuwi. Pero Ang masakit lang ay baka hindi na Naman tantanan Ng mga taong iyon si itay.Sana lang ay makahanap na Ako ng paraan upang mabayaran na namin Ang Perang iyon. Pero saan!saan kami kukuha.!"napahinga ako ng malalim.

Nang matapos Kong ayosin aking pinaghigaan ay pumasok ako sa banyo upang magbawas.Naririnig ko pa rin Ang tawanan nila sa labas ng banyo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status