Share

Chapter 5

Lumipas Ang ilang sandali. Dumating na rin ang doctor na aming hinihintay upang idis-charge aking ama.Alam Kong atat na itong umuwi sa bahay namin. Nang Sabihin ng doctor na makalabas na ngayong Umaga.

May binigay sa'kin na dis-charge paper Ang nurse ,agad Ko naman inasikaso ito Upang makauwi na kami. Mabuti na lang din may tulong mula sa gobyerno.Wala kaming binayaran kahit ni piso rito sa loob ng hospital. Lalo at wala pa Naman kaming Pera. Ang laman lang ng wallet Ko ay dalawang libo lang. Sakto lang sa gastusin namin sa araw-araw.Sa susunod na lingo pa Ang sahuran namin.

Nang maayos ko na Ang lahat ay Saka ko niyayang umuwi na aking ama.Ako na rin Ang nagbitbit sa mga nagamit namin sa hospital.At baka pa mabinat ito.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa harap ng tahanan namin.Nagbayad muna ako ng pamasahe namin ng makababa kami . Nakita Kong naunang naglakad si itay ngunit sa likod bahay namin ito dumiretso. Araw -araw niya 'yon ginagawa.Kasi noong nabubuhay pa si inay,diyan Ang tambayan Nila.Hindi ko mapigilan aking sarili na malungkot kapag ganitong nakikita Ko si itay na nalulungkot.Napabuntomg hininga ako. Pinasok Ko muna Ang mga bitibit ko sa loob ng bahay namin Saka sumunod Kay itay sa likod upang kausapin ito.Sana lang ay maging maayos Ang pag-uusap namin.

"iniisip mo ba si inay,itay?"tanong ko rito.Hindi agad ito sumagot.Narinig ko Ang paghinga nito ng malalim.

"ang inay mo lang Ang naging una at huling babae sa buhay ko anak. Kaya sobrang sakit sa akin Ang pagkawala niya."malungkot niyang wika.

"itay ,Wala na tayong magagawA pa , nangyari na Ang nangyari.Alam Kong masaya na si inay Kong saan man siya ngayon. Kaya tanggapin na natin na Wala na sa buhay natin si inay.Sige ka itay kapag ganyan ka ng ganyan eh , magagalit si inay sayo."Ani ko.

"narinig kong mahina itong tumawa,nasasabik Akong marinig muli Ang tawa Ng aking ama. Hanggang sa tumayo na ito at inakbay sa akin Ang isang braso nito.

"Tama Ang sinabe mo anak. Baka pagalitan na Naman ako ng inay mo kapag binigyan kita ng sakit sa ulo . Pasensiya kana anak ha Kong may pagkukulang ako ng mga lumipas na buwan.Sobra Akong nahirapan na tanggapin na Wala na talaga Ang inay mo sa buhay natin.Ngayon ay babawi ako sayo sa pagkukulang ko sayo."

"sos !Ang itay ko talaga,basta Makita lang kitang muling Masaya ayos na 'yon Sakin itay.At Saka Ang pogi mo kaya Kong nakangiti."Wika ko.Naramdaman ko Ang kamay ni itay sa aking ulo Saka ito ginulo na parang paslit lang.

"matagal ko ng alam 'yan anak. Binola mo pa ako."mahinang tawa nito.

Sabay kaming pumasok ni itay sa loob ng bahay namin na may ngiti sa aming labi.Pinagpahinga ko muna si itay sa silid nito. Ako Naman ay dumiretso sa kusina upang magluto ng pananghalian namin.

Niluto ko Ang laging nilulutong ulam ni inay na paborito ni itay.Hindi ko man makukuha Ang tamang lasa ng luto ni inay pero Sisikapin Kong maluto ito ng maayos.

Nang matapos na Akong magluto.Lumabas ako ng kusina upang yayain ng Kumain si itay.Saktong pagkatok ko sa pinto Ang siyang Pagbukas nito.

"itay kain na po."pagyaya ko rito.

"Sige anak,ano ba Ang niluto mong ulam.?

"secret po itay, tingnan niyo na lang po Kong ano Ang hinanda ko."nakangiti Kong wika.Sabay kaming pumasok sa kusina upang Kumain.

Tinanggal ko Ang takip ng niluto Kong paksiw. Nakita Kong napangiti si itay sa ulam na nakahain.

"tikman mo itay Kong masarap ba."inabot nito Ang kutsura sa Plato nito at tinikman nito.

"hhhmm!!!ayos lang Ang lasa anak ,pwede kanang mag-asawa."pabirong wika ng itay ko.

"ang itay ko talaga,Wala pa sa isip ko Ang ganyan. Mas priority ko muna Ang enjoyin Ang pagkadalaga ko."sagot ko.

Hanggang sa magsimula na kaming Kumain.

........

Hapon na Ng maisipan Kong maglinis sa aking silid.Hindi Naman magulo o madumi kundi talagang naging habit ko na talaga ang ganito kapag Wala Akong ginagawa.Kung ano -ano na lang Ang naiisip Kong gawin.Nagwalis at nagpunaspunas sa mga sulok. Tinanggal ko rin Ang laman ng aking bag na ginagamit ko sa trabaho. At Saka pinagpag ito.Nakita Kong may nalaglag na maliit na papel sa sahig at galing sa aking bag.Pinulot ko ito at tiningnan.Ito Pala Ang binigay sa'kin nang babaeng maganda noong nakaraan.Hindi ko alam Kong asawa ba o anak o Kapatid ng may-ari ng mall Ang babae.

Ang sabe niya tatawagan ko raw ito kapag tinatanggap ko na Ang alok nitong trabaho.At kung handa na ako.Pero ano kaya Ang trabahong inaalok niya sa akin. At Ang Sabi niya malaki raw Ang makukuha Kong Pera sa Isang gabi lang.Hhmm!!

Muli Kong binalik Ang calling card sa aking bag at pinagpatuloy ko aking ginagawa.Nang tapos na Akong maglinis sa aking silid ay sa labas Naman ng bahay namin Ang nilinisan ko.

Abala ako sa aking pagluluto ng tinawag ako ng itay ko. Agad Naman Akong tumayo upang puntahan ito.Nadatnan Kong hawak-hawak Ang litrato ni inay.

"bakit po itay?"tanong ko rito ng makaupo ako sa harap nito.

"diba Ang ganda ng inay,kamukhang-kamukha mo talaga siya."panimulang anas ni itay.Tumango ako rito.

"walang araw at gabi na hindi ko piramdam Kong gaano ko kamahal Ang inay mo. Kaya kahit Ang natitirang lupa natin na minana ko pa sa mga Lola at Lolo ay sinanla ko para lang may magastos sa kanyang operation. Pero hindi ko akalain na ganun Ang mangyayari. Iniwan din Tayo ng inay mo."maluha-luhang wika ng aking ama.Pinahid ko rin Ang luhang tumulo sa aking mukha dahil Hindi ko mapigilan na maalala 'yon.Ang araw na nawala sa Amin si inay.

"naisanla ko Ang lupang kinatitirakan ng bahay natin pati Ang maliit na sinasaka ko anak. Kaya patawarin mo si itay. Kailangan na natin umuwi sa Cagayan sa bahay ng tiyahin mo."umiiyak pa rin na wika ni itay.

"itay Naman.Halos dito na kayo tumanda ,dito rin ako nabuo at pinanganak.Nandito rin Ang mga alaala ni inay. Tapos bibitawan niyo na lang ng basta."umiiyak ko ring wika.

"Wala na tayong magagawA anak.Wala tayong pambayad sa Perang 'yon."wika ng itay ko . Tumingin ako rito ng deretso kahit nanlalabo aking paningin.At umiling ako.

"Ako po Ang gagawa ng paraan itay,wag lang mawala Ang lupang ito satin.Kahit Wala na si inay, pakiramdam ko kasama pa rin natin siya kahit alaala na lang niya Ang kasama natin."sagot ko sa aking ama.Pinunas ko rin Ang luha sa aking mata dahil nanlalabo ito.Tumayo na ako upang tingnan aking niluluto sa kusina.

Napahilamos ako sa aking mukha.Saan ako kukuha ng ganung kalaking Pera. Pero susubukan Kong manghiram sa mga kakilala ko baka Meron Akong mahiram sa kanila.

Pinahid ko Ang luhang lumandas sa aking mukha... Pagkatapos ay pinagpatuloy ko Ang niluluto Kong ulam Hindi nagtagal ay natapos na rin Akong magluto.Pagkatapos ay niyaya ko na aking ama upang Kumain. Upang makainom na rin ito ng gamot. Wala kaming imikan ni itay habang kumakain.Hanggang sa matapos kami.

Niligpit ko na rin Ang mga ginamit namin.At Saka pumasok sa aking silid upang magpahinga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status