"I'm asking you, Bea," may diin na ang tanong nito.Nagmulat siya ng mga mata at pakiramdam niya ay nalunok niya ang sariling dila matapos makita ang kaseryosohan sa mga mata ni Levi."H-indi sa g-anoon. A-yaw ko lang m-agmadali—""Clearly, you don't want to marry me," hinanakit nito.Napabuntong hininga siya noong tumalikod ito at iniwan siya sa walk-in closet. Nakagat niya ang labi dahil ramdam niyang galit ito o nagtatampo. Paglabas pa niya sa walk-in closet ay nakaharap na ito sa working table nito at mukhang nagsisimula ng magtrabaho sa laptop nito."Levi," mahinang tawag niya rito ngunit kinunot lang nito ang noo.Napamewang siya. Aakto pa itong bata? Na-stress yata siya bigla sa silent treatment nito. Agad niyang hinila ang upuan sa vanity mirror at pinwesto iyon sa harap ng mesa nito. Umupo roon at tinitigan itong seryosong nakatitig lang sa laptop at nagtitipa."You know that I love you, right?" maingat niyang tanong rito ngunit hindi ito sumagot. Napipirmi lang ang mga labi
"Ngayong gabi na? H-indi ba padalos-dalos iyon?" may kabang tanong ni Bea kay Levi.Masayado naman itong nagmamadali gayong wala naman siyang takas rito.Kumibot ang labi nito at tila nag-isip pa kung itutuloy nga ngayong gabi o ililipat nito ng petsa."Pagkatapos na lang ng check-up ko. I mean kinabukasan pagkatapos ng check-up ko doon tayo magpakasal," agad niyang bigkas dahil baka mag-iba na naman ang isip nito at bigla ay ora mismo sila ikasal.Pumungay ang mga mata nito sa kanya at mukhang pinag-iisipan pa talaga ang sinabi niya.Humalukipkip siya. Kailangan niya itong makumbinsi para naman handa siya sa mismong kasal niya."Gusto ko pang magpa-bridal shower—""Is there a need for that? Hindi ako magpapa-bachelor party kaya't hindi kailangan ng bridal shower," nakasimangot na singit nito.Pati siya ay napasimangot. Sa kasal nga nila ni Miggy ay hindi siya nagbridal shower, tapos pati sa kasal niya kay Levi ay ganoon din?"Pero gusto ko. Ito na ang huling beses na ikakasal ako, Le
Tikom ni Bea ang bibig lalo na noong kumatok si Levi sa kwartong nirentahan nila. Ilang beses na siyang nagdasal na sana ay hindi nito masilip ang mga macho dancer na kinuha ni Blaze. Kukurutin niya talaga ang kaibigan mamaya!"Pumunta ka na sa kabila. Pwede na ko rito," pagtataboy niya rito.Pero hindi ito kumilos bagkus muli pang kumatok habang napipirmi ang mga labi.Napapikit tuloy siya nang mariin noong magbukas ang pinto."Welcom—eheh."Narinig niya ang masiglang boses ni Blaze na naging awkward matapos nitong mabungaran si Levi."Can I check the room?" pormal na tanong ni Levi rito.Doon na siya nagmulat ng mga mata at humarang agad sa pinto. Hindi nito pwedeng makita ang loob!"Wala ka namang makikita sa loob. Lumipat ka na roon," pagtataboy niya muli rito.Nanliit ang tingin nito sa kanya pero hindi siya natinag, "I just want to make sure—""Come on, Archie. Let the girls enjoy. Ava is there so you don't have to worry too much," ani Joselito na kalalabas lang sa kabilang kwar
Gusto talagang sumabog sa galit ni Levi sa oras iyon. Gusto na niyang hatakin paalis si Bea sa kwarto na iyon at pagalitan pero pinigil niya ang sarili. Mabuti na nga lang at naglagay ng CCTV si Vin sa kwarto na nirentahan ni Blaze at nahuli ang mga ito."Nagsinungaling? Macho dancer lang—"Pumirmi ang mga labi niya, "It's still a f*cking man!"Kita niyang napapikit si Bea kaya't pinirmi niya na lang ang mga labi. Ayaw niyang mas magalit dito. Nasapo niya ang noo, namewang, at hinarap ang lalaking sinuntok ngunit nangunot ang noo niya matapos makitang si Hunter iyon. Wala na itong mascara pero nakangiwi, dinaramdam ang pisngi nitong sinuntok niya."F*ck you, Alcantara!" sigaw nito sa kanya."What the h*ck are you doing here, Mangangaso?" mariing tanong niya.Nawala ang atensyon nila rito noong humalakhak ang lalaking nasa harap ni Ava. Mas lalong lumalim ang gitla sa noo niya matapos matunugang boses iyon ni Joselito."Sabi ko na nga ba! Ikaw 'to, G*go!" asik ni Ava bago ito nag-walk
Hindi talaga binaba ni Bea ang kilay niya hangga't hindi nakakaalis si Levi. Gusto na nga niyang mangisi matapos itong tumayo sa kama, kamot-kamot ang batok at nakasimangot."Do I really need to go?" muling tanong nito.Humalukipkip siya, "Malamang. Bukod sa naiinis pa ako sa'yo. Alam mo naman na bawal magkita ang bride at groom bago ang kasal—""Tss. That's not true," pagtutol nito.Pinaningkitan niya ito ng tingin, "Kahit pa totoo o hindi, mas magandang maniwala na lang para safe—Levi, ano ba! Bitiwan mo nga ako!"Sigaw lang ang nagawa niya noong marahan siya nitong binuhat. Gusto niyang magpumiglas ngunit natatakot siyang mahulog at baka pa mapaano ang baby niya."Don't believe in those, Baby," bulong nito bago siya marahang hiniga sa kama.Maliit niya itong kinurot sa tagiliran ngunit kinulong lang siya nito sa matigas nitong mga braso."We'll just sleep," paninigurado nito.Pinakiramdam niya kung may gagawin ito ngunit h*lik lang sa sentido niya at mahigpit na yakap sa kanya ang
Pinatigas niya ang itsura at kinuyom ang mga nanginginig na kamay."Tapos na tayo di ba? Napag-usapan na 'to. Please, palayain mo na ako at hayaan na maging masaya," pakiusap niya rito.Ngayon niya dinadasal na sana ay katukin na siya ni Ava at kunin doon. Iba ang awra ni Miggy, mas nakakaba kaysa noong umakyat ito sa balkonahe ng mansyon at guluhin siya patungkol sa kambal."Ayaw mo na talaga sa akin?" nanlulumong tanong nito.Nag-angat ito ng tingin at halos mapasinghap siya sa sobrang pula ng mga mata nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa pag-iyak, puyat, o ano."Akala ko ba okay na tayo, M-iggy? Please, huwag mo namang sirain ang espesyal na araw na ito—"Naiwang nakaawang ang mga labi niya noong maglabas ito ng baril. Nahulog yata ang puso niya noong galit siya nitong tingnan. Lumapit ito at hindi siya makakilos noong hawakan nito ang braso niya."Hindi ko mapapayagan 'to, Bea. Dapat akin ka lang!" gigil na bigkas nito.Nangilid ang luha niya. Hindi alam kung ano'ng isasagot. Hi
"Is she still not ready?" naiinip na tanong ni Don Alex.Halos mahina nang mapamura si Levi. Kanina pa sa villa si Bea at hanggang ngayon ay hindi pa dumarating. Kalat na ang dilim sa paligid, wala na ang araw ngunit wala pa rin ang bride niya. Nasira na ang plano niyang bigyan ito ng memorableng kasal."She's still preparing, maybe," hindi siguradong sagot niya.Mali yatang binigla niya basta si Bea. Dapat pala ay sinabihan niya ito kanina. Ngayon tuloy ay pati siya ay nagdadalawang isip kung sisiputin siya nito o hindi."Did she back out already?" nag-aalalang tanong ni Vin sa kanya ngunit si Joselito ang sumagot."Napagtanto na siguro ni Bea na ayaw na sa'yo. Baka biglang tumakas, nagpatulong kay Ava na magtago—""Shut up, Joselito!" mahina at gigil na sambit ni Vin.Umigting ang panga niya at akmang sasagutin ang kaibigan ngunit natigil matapos lumapit ni Blaze. Salubong ang kilay nito at tila naiinip na rin."Hayaan mo na kasi akong sunduin siya sa Villa. Hindi ko naman siya aaga
Naging sunod-sunod ang pag-iyak mula sa karagatan. Wala rin silang sinayang na oras at kumuha ng mga bangkang de motor at tumawag ng rescue.Umabot din ang pangyayari sa mga naghihintay sa venue lalo na sa kambal na ayaw sanang ipaalam ni Levi. Mabuti na lang at nandoon ang Lolo niya para pakalmahin ang kambal."I will take the lead, hurry up!" utos niya sa mga kaibigan at kasama. Ayaw niyang magsayang ng oras. Dalawang buhay ang kailangan nilang isalba. Alam niyang minuto lang masayang ay siguradong mawawala sa kanya si Bea at ang magiging baby nila."Flashlight, please," dinig niyang utos ni Vin.Nagkalat ang ilaw ng flashlight sa paligid, pilit hinahanap ang boses ng pag-iyak na bigla na lamang tumigil. Limang bangka sila at lahat ay alerto. Maging siya ay tinatalasan ang paningin at pandinig. Ayaw niyang bumalik sa dalampasigan na walang Bea na ligtas."Gusto bang lunurin ng salarin si Bea at dinala sa dagat?" litong tanong ni Joselito."Probably, not. Baka gusto niyang dalhin sa
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan