Nanggagalaiti si Levi. Makita pa lang ang itsura ni Miggy ay naasar na siya. Ganitong lalaki ba talaga ang nagustuhan ni Bea? Mukhang palamunin. Kung nagkakilala na sila noong nag-aaral pa lang si Bea, malamang na siya ang magugustuhan nito."Tingin mo pipirmahan ko iyan?" may diing tanong nito."Miggy! Nagkausap na tayo, di ba?" dinig niyang mariing bulong ni Crystal.Tumikwas ang kilay niya. Mukhang hindi na siya mahihirapan pa."Desisyon ko pa rin kung hihiwalayan ko si Bea o hindi," pabalang na sagot nito na kinairap ni Crystal."Ano pa bang hahabulin mo sa kanya? Ayaw na niya sa'yo! Ako na lang ang nagtitiyaga sa ugali mo at pagiging tambay—""Manahimik ka!"Akmang sasampalin nito ang babae ngunit mabilis na napigilan ni Levi ang braso ni Miggy. Madiin niyang hinawakan iyon at matalim itong tiningnan lalo pa't nakita niya ang takot sa mga mata ng pinsan ni Bea."Never hurt a woman, and that is a golden rule," mabagsik niyang bigkas, "Lalo mo lang pinatunayan na hindi ka bagay kay
Naalimpungatan si Bea matapos marinig ang cellphone niyang tumutunog. Pikit pa ang mga mata niyang kinuha iyon sa katabing mesa. Sakto namang pagsilip niya ay saka naman namatay ang tawag.Kunot ang noo niyang binasa ang kung sino ang caller ngunit halos mapabalikwas siya ng bangon matapos makitang si Levi iyon. Nakarami na ito ng tawag sa kanya. Higit isang daan na missed calls ang rumehistro sa cellphone niya.Kumalampag ang kaba sa kanya. Natatakot na baka kung ano na ang nangyari dito. Napalunok siya at siya na sana ang tatawag ngunit pumasok ang tawag nito. Walang pagdadalawang isip na sinagot niya iyon."Levi, bakit? May nangyari bang masama?" tarantang tanong niya.Mabibigat na paghinga nito ang narinig niya."I'm outside," mahinang sagot nito."Ano—Nasa labas ka?!" Nanlaki ang mga mata niya matapos maintindihan ang sagot nito.Agad na dumapo ang tingin niya sa oras sa kanyang cellphone. Alas kwatro i-medya na iyon ng madaling araw.Paanong nasa labas ito gayong ikakasal dapat
Hindi alam ni Bea kung bakit siya pa rin ang pipiliin ni Levi sa kabila ng lahat. Pwedeng-pwede naman itong maghanap ng ibang babae kung ayaw nito kay Divine.Napakalinaw na ng plano niya na mabuhay kasama lang ang kambal. Hidni na siya umasang magkakasama pa sila ni Levi. Ang plano niya ay pagkatapos ng annulment niya kay Miggy, ang pokus niya ay sa kumpanya at mga anak niya."I didn't love this much, Bea. Five years ago, I missed the chance to tell you that you were my dream," nahihirapang bigkas nito.Mas lalo siyang nagulantang sa rebelasyon nito. Nanlabo na ang mga mata niya sa nagbabadyang luha."F*ck! Hindi ako nagpunta rito para paiyakin ka," medyo frustrated nitong bigkas bago umiwas ng tingin at halos sabunutan ang sariling buhok.Maliit siyang nangiti sa reaksyon nitong medyo nagagalit at naiinis. Parang teenager na hindi natanggap na basted ito kahit hindi naman. Linapag niya muli sa dashboard ang envelope."Levi," mahinang tawag niya sa atensyon nito at saktong pagharap n
Napangisi si Bea. Akala niya ay kaya nga nitong magpigil ngunit mukhang hindi.Agad siya nitong binuhat at tila ayaw ng pakawalan ang mga labi niya. Mahigpit siyang nangunyapit sa leeg at batok nito noong maglakad ito. Hindi sila magkamayaw sa pagh*halikan na tila ba hindi mataas ang sikat ng araw sa labas bahay.Napamulat ang mga mata niya matapos marinig ang pagsara ng pinto. Doon niya napagtantong nasa loob na sila ng banyo. Naramdaman niya ang lamig ng sahig sa kanyang talampakan noong ibaba siya nito at isandal sa pinto. Nahiya siya bigla noong lumipat ang halik nito sa kanyang leeg. Paanong hindi siya mahihiya kung bagong ligo ito habang siya ay kagigising lang."L-evi, maghihilamos muna ako—hmm."Hindi naman niya natapos ang request noong muli siya nitong halikan na tila walang pakialam sa concern niya. Halos idiin siya nito sa pinto. Ang kamay nito ay nagsimulang maglakbay sa kanyang katawan hanggang sa matunton ang kanyang pang-ibaba."D*mn! You shouldn't have teased me. Now
Mabigat na huminga si Bea pero mas pinili niyang humakbang paatras. Lumayo siya kay Levi upang bigyan ito ng pribadong oras. Alam niyang wala siyang karapatan sakaling magdemand si Divine na pauwiin si Levi. Oo nga't sa kanya ito pumunta pero baka kasi hindi naman alam ni Divine na single pa rin si Levi. Pupwedeng iniisip pa rin nitong kasal pa rin sa lalaki.Tumayo lang siya roon at kunwaring namimili kung saan bibili ng pagkain. Bahagya pa siyang nakangiti pero sa totoo lang, parang tinutusok ng karayom ang puso niya. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip kung uuwi ba talaga si Levi at pagbibigyan ang honeymoon na hiling ni Divine. Rerespetuhin niya kung gagawin nito iyon pero hindi na siya kailan man babalik pa rito sakali man. May tiwala naman siya kay Levi, ang kinakatakot niya lang ay baka maipit ito sa sitwasyon lalo na't demanding ang Lolo nito.Bumuntong hininga siya at saktong paglingon niya kay Levi ay ang pagharap nito kaya't nagmadali siyang lumakad sa malapit na stall upa
Hindi sumagot si Bea sa tanong nito pero lumayo siya upang bigyan ito ng privacy.Dinig niyang napabuntong hininga ito bago sinagot ang tawag pero umalis naman sa balkonahe. Humigpit ang hawak niya sa baso ng gatas dahil doon. Naninikip na naman ang d*bdib niya. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Bakit parang naiinis siya na sinagot pa rin nito ang tawag?Pumikit siya nang mariin upang mawala ang nararamdaman niyang selos. Hindi naman niya pag-aari si Levi pero hindi pa ba niya ito boyfriend? Wala pa rin ba silang label?"I'm sorry about that."Napakurap siya noong bumulong ito sa tainga niya. Nakabalik na ito sa tabi niya at kinulong pa ang katawan niya sa pagitan ng barandilya at katawan nito."Huh? Ayos lang," napipilitang bigkas niya.Sumimsim siya sa gatas upang mawala ang bara sa lalamunan niya. Hindi niya nga ito nilingon sa takot na baka mapansin nito ang pangingilid ng luha niya."Why do I feel like you're not okay with it?" may diing tanong nito.Huminga siya nang malalim.
Napasinghap si Bea at hindi alam kung saan tatakbo o magtatago. Paniguradong giyera ang aabutin niya kapag nakita siya ni Divine. Tumalikod siya upang hindi siya nito makilala agad ngunit tumunog ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Levi."What do you need?" dinig niyang malamig na tanong ni Levi kay Divine."What do you need?" hindi makapaniwalang ulit nito, "Seriously, Levi? Ganyan ang bungad mo sa asawa mo?" hindi makapaniwalang tanong nito."Sa loob tayo mag-usap," madiing bigkas nito.Noong marinig na sumara muli ang pinto ay agad siyang humarap. Naabutan niya si Minerva na kinakagat-kagat ang daliri nito at nangingiwi pero noong muli siyang makita ay umayos ito ng tayo."Ma'am Bea!" masiglang bati nito.Muli niyang nilagay ang hintuturo sa kanyang mga labi upang manahimik ito. Tinikom naman nito ang bibig na kinahinga niya nang maluwag. Tahimik siyang lumapit at agad na dinikit ang tainga niya sa pinto. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa."Ma'am, marites na naman ba tayo
"S-top, Levi. Nasa opisina tayo," mariing bulong ni Bea.Kinabahan siya bigla. Nasa labas lang si Minerva at baka marinig sila.Mahina itong tumawa, "What's new, Baby? We've done this before," pilyong bulong nito.Gumuhit sa isipan niya ang kaparehong pangyayari noon sa opisina nito. Nag-init ang pakiramdam niya at tila linipad ang kaninang pagpipigil niya."Ah!" hindi niya mapigilang daing noong maramdamang natagpuan na nito ang nasa pagitan ng kanyang hita at binibigyan ng atensyon ng daliri nito."Shhh, Baby," bulong nito ngunit patuloy naman sa ginagawa. Ginilid nga lang ata nito ang underwear niya upang magtagumpay."D*mn, Levi," mabigat niyang bigkas kasabay ng mabigat niyang paghinga.Literal na namaluktot ang mga paa niya noong magsimulang gumalaw ang d*liri nito. Hindi nito pinansin ang pagmumura niya. Pinaulanan nito ng h*lik ang kanyang leeg at punong tainga.Wala sa loob na napagalaw siya, sinasalubong ang galaw ng d*liri nito."Oh!" mahinang daing niya."Shhh," muling pag
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan