NANG sumapit ang kaarawan ni Mr. President ay hindi ko maiwasan'g makaramdam ng kaba. Sa mismong araw din kasi na 'yon ay plano ko ng magtapat sa kanya ng tungkol kay Sammuel. Nakokonsensiya na kasi ako sa kabaitan'g ipinapakita niya saamin'g mag-ina at ayoko rin'g dumating sa puntong masira ng tuluyan ang tiwala niya saakin.Medyo late na kami'ng dumating ng anak ko sa bahay nila. Sinalubong kami ni Iñigo at abot hanggang tainga ang kanyang ngiti pagkakita niya sa presensiya namin."Wow, hindi ko inaasahan'g darating kayo ah." Ani Iñigo na agad kong inirapan."Tsk...hindi ka umaasa kasi nga hindi mo naman kami inimbita." May himig ng pagtatampo sa aking tinig."Sorry na. Sinabi kasi sa'kin ni dad na inimbita ka na niya. Kaya hindi na kita sinabihan ulit."Hindi na ako kumibo. Sa halip ay nagkibit balikat na lamang ako."Nak, say hi to ninong." utos ko kay Sammuel."Hi." Ngumiti pa ito kay Iñigo at nagkukumahog pa para lang kunin siya.Agad naman itong kinuha ni Iñigo. Kaya't sinundan
TILA pinagbagsakan ako ng langit at lupa matapos sumagi sa isip ko ang mga katagang binitawan kanina ni Iñigo. Hindi ko lubos maisip na masyado pa 'lang makitid ang kanyang utak pagdating sa usapin'g pag-ibig at pamilya. Ni-minsan ay hindi man lang pala siya nagkaroon ng ideya kung sino nga ba ang totoong ama ni Sammuel gayo'ng kahit sinong Poncio Pilato ang tumingin ay pare-pareho lamang ang mga sinasabi.''Hoy frenny ayos ka lang ba?''sita sa'kin ni Nicole nang maabutan niya akong tulala sa sala.''Huh? Ah-Oo, ayos lang ako.''''Naku, magsisinungaling ka na naman. Ano na naman ba ang nangyari sa mansiyon ng mga Bartolome?''''Wa-wala.'' muli kong pagsisinungaling.''Wala? Eh bakit mukha ka na naman'g nautangan diyan ng isang milyon?''''Napagod lang ako.''''Okay. Sabi mo eh.'' Nakairap nito'ng sambit bago ako tinalikuran. Ngunit agad ko rin itong tinawag dahil bigla kong naisip na baka sumama na naman ang loob niya kapag naglihim ulit ako.''Uhm...Nicz, sandali!''''Oh?'' pabalang
KANINA pa akong lutang. Ni-hindi ko man lang nga nagawang pansinin ang ibang empleyado na bumati sa'kin sa hallway. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kahapon."Frenny oh, magkape ka muna. Kanina ka pang wala sa sarili mo eh. Nagkape ka naman sa bahay pero parang wala pa rin'g epekto." Anang kaibigan ko matapos ilapag sa harap ko ang tinimpla niyang black coffee. Umuusok pa ito at talagang nanghahalimuyak ang aroma. Kaya naman walang pagdadalawang-isip na kinuha ko agad 'yon at ninamnam ko muna ang masarap na amoy."Gaga! Inumin mo, huwag puro langhap lang!" Giit pa nito habang pinagmamasdan ang ginagawa ko sa kape."Hayaan mo na nga muna ako. Ang init pa eh, pa'no ko hihigupin 'yan?" reklamo ko."Tss..kaya nga hot coffee eh." Bubulong-bulong na wika nito. Inirapan niya pa ako bago tuluyan'g bumalik sa kanyang opisina.Maya-maya lang ay bumalik ulit ito."Oh, ano na naman?" pinandilatan ko pa si Nicole ngunit tinawanan niya lamang ako. "Ba't bumalik k
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunud-sunod na pagtunog ng aking cellphone. Kaya naman nakasimangot na bumaba ako ng kama at agad kong dinampot iyon."He-hello." walang buhay na sambit ko."Good morning iha!"masiglang bati ng nasa kabilang linya.Kaagad na nawala ang antok ko matapos kong marinig ang boses ni Mr. President."Uhm, ikaw pala 'yan tito. Ano po bang maipaglilingkod ko?"bigla ay naging mahinahon na ang pagtatanong ko rito."Iha, tutal naman ay linggo ngayon, maaari ko bang mahiram si Sammuel?""Ah, eh si-sige po." pagsang-ayon ko sa matanda."Salamat iha.""Walang anuman po. Maya-maya po ay dadalhin ko siya diyan, tito.""Sige, maghihintay ako, Sam." Aniya.Kaagad kong pinatay ang tawag ni Mr. President at nagmamadaling pinuntahan ko si Diane."Diane!" tawag ko sa yaya ni Sammuel na kasalukuyan pa 'lang nagpapakain sa anak ko."Ay, ano po 'yon Ate Sam?" Anang dalaga.Nilapitan ko sila at ako na rin ang nagtuloy sa pagpapakain sa anak ko."Pakihanda mo na 'yong mga gam
MATAPOS kong tulungan sa pagluluto si Aling Flor ay tumulong na rin ako sa paghahain.Muntik ko pa nga sana'ng mabitawan ang bandehado'ng may laman na kanin dahil sa labis kong pagkaasiwa sa presensiya ni Iñigo. Hindi ko inaasahan'g naroon na pala ito at prenteng nakaupo na sa hapag."Nervous, huh?" mahinang usal ni Inigo ngunit sapat na iyon para malinaw kong marinig at maintindihan ang kanyang sinabi.Matindi rin pala ang pakiramdam nito. Hindi ko lubos akalain na nahalata niya agad iyon.Hindi ako sumagot. Sa halip ay lihim ko na lang na naikuyom ang aking kamay. Nagmamadali na rin akong bumalik sa kusina para kunin pa ang ibang pagkain.Nang matapos kaming maghain ay nagpresinta na rin akong tawagin sina Ellie at Mr. President.Ngunit bago pa man ako makarating sa silid na kinaroroonan ng mag lolo ay agad ko ng nasalubong si Ellie."Ikaw na naman!" bulalas nito pagkakita saakin."Uhm...Ellie, kakain na." pormal kong alok sa kanya."And why are you here again Miss Samantha?" mata
SA biyahe pa' lang ay tulog na ang anak ko. Kaya naman pagdating sa bahay ay inutusan ko agad si Diane na dalhin sa kuwarto si Sammuel.''Ikaw na muna ang bahala kay Sammuel, huh. May aasikasuhin lang ako.'' habilin ko kay Diane na agad naman'g tumango.''Opo ate.'' Maagap na sagot nito.Muli akong lumabas ng bahay at bumalik ako sa loob ng aking kotse. Naisipan kong puntahan na lang si Francis do'n sa bar na tambayan namin ni Nicole nang sa gayo'n ay may mapagkuwentuhan man lang ako ng sama ng loob na dinadala ko ngayon.Pinaharurot ko ang aking kotse kaya't ilang minuto lang ang lumipas ay narating ko agad ang bar.''Hi Francis!'' napaigtad pa ang malanding bakla matapos ko itong batiin.''Hoy bruha ka! Ginulat mo naman ang beauty ko! Diyos ko, pakiramdam ko ay umalog ang aking dede!'' maarteng wika nito habang nakahawak sa dibdib ang dalawa niyang kamay.''Gaga! Huwag ka nga'ng feelingera diyan!'' saway ko sa kanya na sinabayan ko ng pag-upo sa may counter.''Mag-isa k
PAGDATING ko sa bahay ay si Nicole agad ang sumalubong sa'kin. Kaya animo'y isang imbestigador na naman ito dahil sa sangkaterbang tanong na ibinato agad saakin."Naku, umuwi ka na pala. Oh, akala ko sa mansiyon ng mga Bartolome ka na titira? Eh bakit nandito ka? Pinalayas ka ba nila? Sinaktan ka ba ni Iñigo?" sunud-sunod niyang tanong dahilan upang mas lalo lamang sumakit ang aking ulo."Hoy! Kumalma ka nga! Puwede bang mamahinga muna ako bago ko sagutin ang mga tanong mo?'' puno ng iritasyon sa aking tinig.''Hindi!'' singhal nito sa'kin.''Tsk...'' wala akong nagawa kundi ang umupo na lang sa couch na naroon sa sala at sinimulan ko ang pagkukuwento sa mga nangyari kahapon.''Sorry Nicz!'' Panimula ko dahilan upang tapunan niya ako ng isang nagtatanong na tingin.Lumapit ito at umupo sa tabi ko. Kaya naman muli ko ng itinuloy ang pagsasalita.''Kahapon kasi ay hindi naging maayos ang pakikitungo sa'kin ng mga tao sa mansiyon.'' malungkot na sambit ko.''Huh? Bakit?'' muli
NAGULAT ako nang bigla na naman'g sumulpot si Jordan sa office ko habang mag-isa akong kumakain ng pananghalian.''Hi Sam!''''Oh, ikaw pala 'yan Jordan! Nanggugulat ka naman. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot eh!'' bahagya ko itong inirapan, dahilan upang panggigilan niya ang aking pisngi.''Kumusta ka Sam?'' tanong nito saakin.''Okay lang naman. Saan ka ba galing at ilang araw kang hindi nagpakita?''''Bakit? Na-miss mo ba ako?'' nakangising wika nito.''Hoy! Hindi no'h! Nagtataka lang ako at hindi ka napapadpad dito.''''Sus, palusot ka pa diyan eh! Okay lang naman na sabihin mong nami-miss mo 'ko eh. Kasi sa totoo lang ay nami-miss na rin kita kaya dinalaw na kita rito.''''Hmm...ang dami mong alam! Bumalik ka na nga lang sa kompanya mo at marami pa akong kailangan'g gawin dito sa opisina.'' Pagtataboy ko sa kanya ngunit hindi man lang ito natinag sa kanyang kinatatayuan.''Ayoko nga! Gusto pa kita'ng makasama eh.''''Jordan! Ano na naman ba 'tong drama mo? Wala ako sa mo
BUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga
PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na
KINABUKASAN ay tinotoo nga ni Iñigo ang galit niy saakin.Maaga daw itong umalis sabi ni Ellie. Dadaan daw ito sa school niya para kausapin mismo ang kanyang teacher. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko maiwasan'g kausapin ang aking sarili. "Napagod na ba si Iñigo sa ugali ko?"Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad at muli akong bumalik sa tabi ni Ellie."Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay na ako tita mommy. Pwede na nga po akong pumasok sa school eh." nakangiti niyang sagot saakin."Masaya ako na okay ka na. Pero, kailangan muna natin na kausapin nag dad mo kung papayag na ba siyang pumasok ka sa school.""Okay po.""Iwanan na muna kita ah. Puntahan ko lang si Sammuel.""Sige po tita mommy."Nang makalabas ako ng silid ay bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Kaya naman dahan-dahan akong nangapa ng pwede kong makapitan at gayo'n na lamang ang pagkagulat ko nang mismong ang balikat ng presidente ang nahawakan ko."Hey, are you okay, Sam?" Aniya na puno ng pag-
LINGGO ngayon kaya't sinadya kong gumising ng maaga. Araw ng pamamalengke ni Aling Flor kaya naman, sasamahan ko na lang siya nang sa gayo'n ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Iñigo." Nay!" tawag ko sa matanda nang hindi gad ito nakita sa kusina."Oh, bakit? May problema ba?" aniya na galing pala sa silid niya."Punta ka na ba ng palengke 'nay?""Oo.""Tara na po, sasamahan na kita.""Huh? Eh, wala ba kayong lakad ngayon ni Iñigo?""Wala po." determinadong sagot ko."Who told you that?"Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Iñigo 'yon. Nakasuot pa ng pantulog at halatang kakagising lang."Uhm, ako. Narinig mo naman di'ba?" pamimilosopo ko rito."Naku, mukhang iba na naman ang ihip ng hangin dito. Mabuti pa siguro ay mag-isa na lang akong magtungo sa palengke." Anang matanda."Sasama ako 'nay!" patuloy na pagpupumilit ko."Just stay here, Sam." maawtoridad na pahayag ni Iñigo.Nakasimangot na tinalikuran ko si Iñigo. Pumunta ako sa sala at walang imik na naupo
NANG makalabas na ng silid si Iñigo ay dahan-dahan rin akong lumabas at maingat akong lumipat sa silid ni Ellie.Nakabenda pa rin ang kanan nitong paa. Kaya naman naroon lang ito sa kanyang kama. Nakaupo at doon na rin mismo kumakain."Tita mommy!" sigaw niya na agad ko rin'g sinenyasan na tumahimik.Nilapitan ko ito at umupo ako sa tabi niya. "How are you, baby?""I'm not okay tita mommy." malungkot niyang tugon. "Gusto ko ng alisin 'tong benda ng paa ko."Ba't ikaw lang mag-isa ang kumakain. Bakit hindi ka man lang inalalayan ng dad mong kumain?"Nakagat pa nito ang pang-ibabang labi bago sinagot ang katanungan ko."As I told you before, tita mommy...my dad is so damn strict. He won't tolerate you to -""Nasobrahan naman siya ng pagka-strict. Dapat man lang sama sinubuan ka niya o kaya naman inalalayan kang lumabas patungo sa hapag kainan.""That's impossible! Sabihin pa no'n sa'yo...you're not a disable person. So you better do it with your own.""Ang harsh naman ng da
PAGDATING sa hospital ay nakita ko agad si Iñigo. Patakbong nilapitan ko ito at mahigpit kong niyakap."How's Ellie?" nag-aalalang tanong ko sa kanya."She's okay now. Sorry hindi na ako akapagpaalam sa'yo kanina.""It's okay. Ang mahalaga okay na si Ellie. Uhm, hindi pa ba siya pwedeng dalawin?""Makakalabas na siya ngayon. Hintayin na lang natin 'yong doctor." Aniya ngayon ay nakangiti na."Mabuti naman. Halika, maupo na muna tayo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko papunta sa may waiting area. Nagpatianod naman ito at maya-maya lang ay bigla na naman'g naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha."Hey, what's wrong?""Wala. May naisip lang ako." aniya na sinundan ng isang malalim na buntonghininga."Hmm, ano 'yon? Magkuwento ka. Makikinig ako.""Uhm, actually...tungkol 'to sa'yo eh. Naisip agad kita kanina habang dinadala si Ellie sa emergency room.""Huh? But why?" gulat kong tanong sa kanya."Sam, alam ko na ngayong kung ano ang pakiramdam na makitang nakahi
KINABUKASAN ay sinadya kong huwag sumabay sa kanila ng pag-aalmusal. Ayokong makasabay si Iñigo lalo pa't naaalala ko ang nangyari kagabi.Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatakip ng unan ang aking mukha. Kapagkuwa'y may kumatok. Ngabingi-bingihan ako. Ngunit hindi ko inaasahan na si Iñigo pala iyon.Naramdaman kong binuksan niya ang pinto at naglakad palapit sa'kin."Baby, mag-aalmusal na." Aniya habang pilit na hinihila ang unan na naroon sa aking mukha."Ano ba, Iñigo! Mauna na kayong kumain." reklamo ko."Tss, galit ka pa rin ba?""Lumabas ka na nga lang!""Hmm...galit ka pa rin nga. Akala ko pa naman okay na tayo. Tumugon ka na sa halik ko kagabi, kaya't inakala ko na okay na tayo." naging malungkot na naman ang tinig nito.Ibinato ko sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Nakakainis ka! Ba't pinaalala mo pa ang halik na 'yon? Kaya nga ayaw ko lumabas dahil do'n eh."Nakangisi na lumapit ito saakin."Kaya pala eh. Gusto mo bang ulitin natin 'yon at-""S
BIGLA na naman akong nakaramdam ng inis, matapos magtago nina Iñigo at Ellie. Kaya naman nakasimangot na umupo ako at walang pakundangan na sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. At batid kong si Iñigo ang may kagagawan no'n.Malapit na akong matapos ng magsilabasan sila. At tama nga ang hinala ko,nagtago nga sila at kasabwat pa nila si Nicole."Baby, ba't nauna ka ng kumain?" sita saakin ni Iñigo. "That was supposed to be a surprise for-""Surprise niyo 'yang mukha niyo!" naiinis na singhal ko sa kanya.Naiinis na binalingan ko si Ellie. Kanina pa ito ngumingisi habang pinagmamasdan niya ang pag-irap na ginagawa ko."Ellie, sabayan mo 'yang ama mo at 'yang Tita Nicole mo! Nawalan na ako ng gana'ng kumain.""Hala, tita mommy naman! Makikipagbati na nga sa'yo si dad ngayon eh." reklamo nito."Mag-aayos na ako ng gamit. Kailangan ko ng makahanap ng malilipatan." giit ko pa dahilan upang mawindang sina Nicole at Iñigo."Frenny, umayos ka nga! Nandito si Iñig
KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan ng manuot sa ilong ko ang mabango'ng amoy ng pagkain. Kaya naman bumangon ako at sinundan kung saan nagmumula ang amoy na 'yon.Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. At halos himatayin ako sa tumambad saakin.Napatakip ako sa aking bibig. Pakiwari ko ay nakadikit na rin ang aking mga paa sa pinto ng kusina pagkakita ko sa hubad na likuran ng lalaking abala sa pagluluto.Kahit nakatalikod ito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga bang Poncio Pilato iyon."Hindi ka pa rin ba tapos na titigan ang aking likuran? Halika, pwede kang lumipat sa harapan para mas lalo mong maaninag ang maganda kong katawan." Puno ng sarkasmo ang kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ilang segundo rin na hindi ako nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Kaya't napilitan itong humarap at lapitan ako."I-Iñigo?" sa wakas ay garalgal ang tinig na naibulalas ko."Mmm...ba't gulat na gulat ka yata? Ayaw mo bang ipagluto