Lonely
"Are you sure? Baka naman iniiwasan niya lang sila ano ha?" ramdam ko ang panunuya ni ate Reyna sa sinabi niya.
"Hindi po talaga ako sure, ate Reyna. Wala naman pong sinabi sa 'kin si ate. Sorry po," pagpapaumanhin ko.
Galing akong trabaho nang bigla nalang sumulpot si ate Reyna at tinatanong na naman ako tungkol sa ate Dasha ko na mukhang gusto na 'atang mamuhay sa tabi ng dagat sa tagal na hindi na umuuwi rito sa siyudad. Pero ang sabi ni ate Reyna ay nandito na raw sa s’yudad si ate.
"Basta ha, call your ate and tell her na pabalik-balik na ako rito sa unit niyo pero wala pa rin siya. 'Tsaka could you tell her na answer my calls? Kasi whenever I tried calling her biglang out of reach kahit kakareply niya lang sa message ko! I’m pretty sure iniiwasan niya talaga kami. Her alibis are so cliché na!" mahabang utas ni ate Reyna.
"Opo, ate. Sasabihin ko po kay ate Dasha," tugon ko.
Wala naman akong ibang maisasabi pa kay ate gayong 'gaya niya rin ay walang masiyadong sinasabi sa 'kin si ate Dasha. Nagulat nga ako nang sinabi niya na narito na raw si ate eh ni hindi pa nga si ate Dasha na uwi rito sa unit.
"Don’t try to left out a detail about what I said ha? And tell her na hinahanap na siya ng mga inaanak niya. Gosh, anong klaseng tita siya?" Hinilot ni ate Reyna ang kaniyang sintido sa maarteng paraan.
Napakagat nalang ako sa pang-ibabang labi.
Malalim na bumuntong hininga ang pinakawalan ko nang masara ang pinto. Narinig ko pang may sinasabi si ate Reyna habang papaalis.
Kumain muna ako bago tinawagan si ate Dasha. Pagkatapos kasi nang pagbisita ni ate Reyna ay kumulo na ang tiyan ko sa gutom.
Hindi na rin kasi ako nakahanap ng tiyempo na kumain habang nasa trabaho kanina. Ang kulit kasi noong inaalagaan ko.
"Hello, ate?" ako nang sa ikatlong ring ay sinagot ni ate Dasha ang tawag ko. Hindi sumagot si ate pero nakarinig ako ng mga kaluskos at d***g sa kabilang linya.
"Sino 'to?"Muntik ko nang 'di ma-gets ang sinabi ni ate dahil parang inaantok pa ang boses niya.
Mukhang kakagising niya lang 'ata. Hapon na ah?
"Si Jiana po 'to, ate," banayad kong sagot. Hinintay ko si ate na makasagot pero d***g lang ang nakuha ko sa kaniya. Ilang kaluskos pa ang nadinig ko. Mukhang nakahiga pa yata si ate.
Nangunot ang noo ko nang may na bosesang lalake. "Sino po 'yon, ate?"
"H-ha? Ano? Sino?" may pagkaantok pa na tanong ni ate. Narinig ko pa ang pagtikhim niya at mga kaluskos ulit. At parang may nagbubulungan pa?
"Hello? Nandiyan ka pa po ba, ate?"
"Jia? Ba’t... ba’t ka napatawag? May problema ba?" nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni ate.
"Ah.. wala naman po, ate. Pumunta po kasi rito si ate Reyna sa condo at hinanap ka po niya. Ang sabi kasi ni ate Reyna sa 'kin nandito ka na raw sa siyudad. Totoo ba, ate?" na-e-excite na ani ko.
Halos mag-iisang buwan ko nang 'di nakikita si ate. Ang lungkot-lungkot nga rito sa condo namin lalo na at si kuya ay madalas pa namang wala rin dahil sa racing commitments no’n.
"Mmm... Totoo nga. Sorry, Ji’, kung hindi ako diretsong umuwi d’yan. Bawi nalang ako sa 'yo."
"Nako, okay lang, ate! Kauuwi ko lang kaninang 6 ng umaga mula sa pag-babysit kila ate Alice. Medyo maselan po kasi 'yong pregnancy niya tapos sumama pa pakiramdam ni ate kaya kinailangan kong mag-stay kagabi para kila Giselle," ako. Although, may tampo ako ng slight pero sinusubukan ko namang intindihin si ate.
Alam ko naman na kahit pilit itago ni ate ang totoong nararamdaman niya ay nakikita pa rin ito sa kaniya at ramdam ko 'yon. Alam na alam ko dahil noong patago niyang iniyakan ang lahat nando’n ako.
"Ahh...kumusta naman? Okay ka lang ba sa trabaho mo? 'Wag ka magpalipas ng gutom ah. Si Rino nga pala 'asa'n?"
"Okay naman po, ate. 'Tsaka I love doing my job kahit sa iba 'yong tingin nila sa 'min yaya, well, maybe they’re right," itinawa ko ang kunting lungkot. "Ang laki na po ng inaanak niyo, ate. Muntik na ngang malampasan ang laki ni baby Thi—" mariin akong napapikit at hindi pinagpatuloy ang salita.
Natahimik naman si ate sa kabilang linya. Ano ba 'yan, Jira! Ang makakalimutin ko talaga sa mga sore topic! Sorry, ate Dasha!
"Ah, si kuya nga po pala noong isang araw ko pa huling nakita pero nag-te-text naman po siya sa 'kin. Mukhang busy pa rin po sa racing-racing chu-chu niya."
Marami pa akong naikuwento kay ate tungkol sa mga nakalipas na buwan. Hindi man maayos ang simula ng convo namin pero halos mga nakakatuwang pangyayari ang pinag-usapan namin. At sabi niya rin uuwi raw siya bukas kaso baka nasa kila ate Alice ako no’n.
* * *
"Play, 'te Ji’!" Kumiwag-kiwag ang alaga ko mula pagkakabuhat ko sa kaniya. Hindi na makapaghintay na makalaro kasama ang mga kalaro niya.
Natatawa ko siyang ibinaba at hinayaang tumakbo palapit sa iba pang kaedaran niya sa children’s park dito sa village kung saan nakatira sila ate Alice.
"Careful, baby. Baka madapa ka," marahan kong paalala dahil ang bilis niyang tumakbo!
Mabilis kong hinawakan ang leegan ng damit nito sa likuran at baka matumba pa siya.
"Watch your steps, baby," paalala ko rito at i-gi-nuide ito.
Nako! Magiging future runner pa yata 'tong alaga ko!
Umupo ako sa kalapit na metal bench. Nilapag ko 'yong tote bag na dala ko kung saan ay may lamang gamit ni baby Giselle.
"Jira!" Nakita kong papalapit ang isa ring babysitter na si Amy na naging ka-close ko lang nitong taon.
Dala niya sa bisig ang alaga niya na pinaka-chubby’ng baby girl ng village! At pinaka-cute!
"Ang siopao talaga ng pisngi mo, Thisbe!" Nakanguso ako habang pinisil-pisil ang mukha ni baby Thisbe.
For me, babies are the cutest in the world!
I lovingly said, "Aww," when she just laughed and blabber nonsensical words. Cuteness overload!
"Ang bigat-bigat ni baby Thisbe! Parang araw-araw siyang bumibigat! Diyos ko!" sabi ni Amy at maya’t mayang minamasahe ang braso niya.
Kahit halos buwan lang ang agwat ng edad ni Thisbe kay Giselle ay mas malaki talaga ito kesa sa alaga ko. Kumpara kasi kay Giselle ay napakatakaw ni Thisbe. Nagmana siguro 'yon sa Mommy niya. Hindi naman kasi matakaw si kuya Py na kaibahan sa chubby niyang anak.
"Sleep tight, baby G," mahina kong ani at pinatakan siya ng isang magaang h***k sa noo.
Inabot ko ang light pink na comforter at iniayos iyon sa katawan ni Giselle; Making sure to keep her warm through the night.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni baby G nang masiguradong mahimbing na ang kaniyang tulog.
Hinaplos ko ang nanlalamig kong mga braso. Lumapit ako sa may air-con at tinaasan ng kaonti ang temperature dahil mas’yadong malamig para sa gabing 'yon.
"Jira." Napalingon ako sa tawag na 'yon. Nakita ko si ate Alice sa may bukana ng room.
"Ate... hindi pa po ba kayo matutulog? It’s almost nine p.m. na po," nag-aalala kong pahayag.
Buntis si ate kaya dapat lang ay matulog na ng maaga lalo na at medyo maselan siya.
"I’m not sleepy yet and I’m also here to say thank you. Thank you for staying yesternight and the early morning para lang ma-monitor si Jito at lalo na si Giselle kahit na alam kong you don’t like sleeping at someone else’s house," malumanay na aniya. Hinaplos ko pabalik ang ngayo’y nakahawak na kamay niya sa 'kin.
"Wala po 'yon, ate. Parang isang gabi lang. 'Tsaka, pamilya po ang turing ko sa inyo. Lalo na kay baby Giselle na si ate ang nagdala and this is what I wanna do, also, trabaho ko po 'yon, ate. Kaya 'wag na po kayong mag-worry." I gave her a reassuring smile.
Binalik naman ni ate ang ngiti ko at marahan niya akong hinila para mayakap. Yinakap ko rin pabalik si ate Alice. "Theus is outside," mahinang aniya.
Napabitaw ako sa yakapan namin ni ate. Hindi ko na pigilang ipakita ang pagkagulat sa sinabi niya.
Nakauwi na pala si Theus?!
"Puntahan mo na at kanina ka pa niya hinihintay." Nag-ngiting aso si ate sa 'kin. Ngumuso naman ako ngunit tumalima naman.
Nakita ko ang napakapamilyar na sasakyan sa labas ng gate ng bahay nila ate Alice. Nakayuko si Theus habang nakasandal sa nakasaradong pinto ng kotse niya.
Nakasuot siya ng isang statement long sleeve shirt at naka-dark jeans. Napansin niya yatang may nakatingin sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin sa direksiyon ko.
"Jira," masiglang aniya.
Nahihiyang ngumiti naman ako sa kaniya. Nahuli ba naman akong nakatitig.
Naku, Jira, napaghahalataan ka.
Nagulat ako nang ibuka niya ang kaniyang mga bisig at parang... uh... iniimbitahan niya akong yakapin siya?
Ilang hakbang lang ang layo namin sa isa’t isa. Kung tutuusin ay puwede niya nga lang akong hilahin at yakapin na. Natuod na lamang ako sa kinatatayuan.
"Won’t you give me a hug?" sabi niya at mapaglarong ngumisi. Labas dimples pa!
Na-miss ko 'yong ngiting playful niya! Walang hanggan ba ang pagka-charming mo, ha, Theus?
"Uhm..." Nag-alangan pa akong lumapit sa kaniya ngunit pinagbigyan naman siya. I inhaled his scent. The familiarity struck me. Bigla parang okay na 'ko dahil sa yakap niya.
I miss him, his scent and everything about him. I don’t want to let go but I have to. Mukhang masiyadong mahigpit ang yakap ko sa kaniya!
Hindi halatang miss na miss, Jia?
Kakalas na sana ako sa yakap ko sa kaniya pero mas hinigpitan niya pa ang pagyapos sa 'kin. Napamulagat naman ako sa ginawa niya.
Ganito ba talaga 'yong mga galawang 'kaibigan'?
Ano ba 'to! Stop overthinking, Jia!
Tumingala ako sa kaniya. Masiyado akong maliit para sa height niya. Tumama pa nga ang tuktok ng ulo ko sa panga niyang napakadepina.
"I miss you," he breathed just on my hair.
Sa sinabi niya ay parang binalot ng init ang buong katawan ko. Ni hindi ko na nga maramdaman ang malamig na simoy ng hangin ng gabi.
Tapos bumalik na naman 'yong mga 'di kilalang nilalang sa loob ng tiyan ko. Palagi talaga silang present kapag nao-overwhelm o 'di kaya’y napapasaya ako ni Theus sa maliliit o malalaki mang bagay na ginagawa niya.
"Ako rin," sa mahinang tinig ay tugon ko. Napakagat-labi ako at pinigilang mangisay sa kilig na nadarama.
"Have you been eating right?"
Naalis ko ang tingin sa repleksiyon namin sa nakasarang elevator nang magsalita sa gilid ko si Theus.
Nasa condominium tower kami kung saan ako nakatira pati na rin siya. At same floor ng unit kami. Magkatapat lang din.
"Ha? Ah... oo naman, bakit?" Tinapunan ko siya ng tingin. Napanguso ako nang makitang magkasalubong ang kilay niya. Bumaling ulit ako sa repleksyon namin.
"You look thinner than the last time I saw you," aniya at mas naglapit ang mga kilay niya at halos mapag-isa na.
"Ha? 'Di kaya 'no," saad ko at itinaas ang aking mga braso. Pinapakitang hindi naman ako namayat.
"You felt like a pillow when I hugged you," namula ako nang maalala ang mainit niyang yakap.
Gano’n ba talaga ako kapayat sa kaniya?
"Grabe naman. Nga pala. Kailan ka pa nakarating?" ako. Mukha kasing may jet lag pa siya.
"7 p.m.,"
"7? Nako, naghapunan ka na ba?"
Umiling lang siya. Tumunog ang elevator at nagbukas ito. Hinila ko naman siya palabas niyon.
Nawala ang hiya kong hawakan siya dahil sa kaalamang hindi pa siya nag-di-dinner!
Ibig bang sabihin niyon ay dumiretso siya sa kina ate Alice galing airport?
"Bakit 'di ka nagsabi? Sana man lang nakapag-drive-thru tayo. Masamang magpalipas ng gutom, Theus," puna ko.
Siya pa 'tong may ganang magtanong kung kumakain ba ako ng maayos eh siya nga ay hindi pa!
Huminto kami sa paglalakad nang pareho na kaming nasa tapat ng mga unit namin.
"It’s fine. I’ll just cook my dinner. Wanna join me?" Tumango naman ako sa paanyaya niya.
"Sige. Tulungan din kitang gumawa ng dinner mo."
Mabilis akong nagbihis sa unit ko at pumunta sa kaniya.
"Chicken curry ba 'to?" Tanong ko nang makita iyong curry mixture sa gilid niya.
Syempre, curry 'yan, Jia. Ang obvious naman. I mentally hushed the annoying intrusive thoughts.
Tinulungan ko siyang maghiwa ng mga sangkap at inagaw ko 'yong sandok sa kaniya dahil dapat nakaupo nalang siya at pinagsisilbihan.
Marami-rami rin 'tong ulam eh. Inaya ba naman akong kumain ulit. Syempre, umoo nalang ako, nahiya akong tanggihan siya. Malungkot kayang kumain ng mag-isa.
Kung naririto ba ngayon 'yong kaibigan kong si Vanessa ay sasabihan niya ba akong bida-bida at pakealamera?
"Sit down. Let me do the cooking." Sapilitan niyang inagaw ang sandok sa kamay ko.
"Pero pagod ka. Ako nalang diyan," pagpupumilit ko pa pero hindi siya nakinig.
Makikipagtalo pa sana ako kaso nang maisip na mas lalo ko lang na pinapahaba ang ginagawa niya ay pumunta nalang ako sa dining table at sinet-up 'yong mesa.
Pumailanlan ang bango ng curry sa loob ng unit ni Theus. Bigla ko tuloy naalala si Mama. Paborito ko kasi ang chicken curry at madalas akong ipagluto ni mama noon kaso ngayong halos isang taon nang pumanaw si mama ay malabong matikman ko pa ulit 'yong luto niya.
No’ng naghain na ay nagdasal muna kaming dalawa bago kumain. Sa unang subo palang ay hindi ko na napigilang maging emosyonal nang matikman 'yong luto ni Theus. Parang 'yong luto lang ni mama!
Ano ba yan! Parang naalala ko 'yong huling luto ni mama sa 'kin. Pero ang sakit namang balikan ang mga alaalang 'yon.
"Hey, hey, why are you crying?" Nag-angat ako ng tingin at nakita ang pag-aalala sa mukha ni Theus.
I felt the tears streaming down my face. I miss my family, my whole family. I miss this. This kind of familiarity that he was giving me.
Parang... parang pakiramdam ko buhay pa rin si mama.
"N-na... nami-miss ko na kasi si Mama tapos si Papa.... si kuya 'tsaka si ate. I feel so lonely, Theus." Itinakip ko sa aking mukha ang dalawang palad nang hindi ko na napigilang mapahagulgol.
Nakakahiya! Umiiyak ako sa harapan ni Theus! At naabala ko pa siya sa pagkain niya!
Sobrang sensitive mo naman, Jia!
Narinig ko ang tunog nang silya niya at naramdaman ko ang paglapit niya sa tabi ko upang aluin ako.
"Shh...it’s gonna be fine, Jia. Maybe not now, but it’ll be. And don’t feel too lonely now that I’m here with you. I’m here, Jia. I’m just here for you. I promise that."
Sana nga. Sana nga.
Piccola Walong taong gulang lang ako noon nang makilala ko si Theus. Sa labas ng simbahan ko siya no’n nakilala. I think pasko 'yon o magpapasko pa lang. Hindi ko na masiyadong tanda dahil ang tagal na rin pala. Hindi kami agarang naging magkaibigan no’n dahil unang una, it was just a brief meetup; nila ate Dasha at Kuya Py' pa 'yon. And that time, panay english siya kaya hindi ko nakapalagayan ng loob. No’ng time rin na 'yon ay hindi pa sila permamenteng nakatira sa Pinas. Si Theus kasi ay half Italian, one-fourth Pilipino and one-fourth Spanish. Ang pamilya niya ay nakatira sa Tuscany, Italy kung saan sa pinanganak at lumaki. Two years ang tanda niya sa 'kin. Noong nag-aaral pa si ate Dasha, madalas ko siyang nakikita pero kadalasan nga lang kung bakasyon lang 'gaya ng kapag summer at Christmas season. Pero hindi naman kami close ng mga panahon na 'yon eh. Masiyado kasing madaming ganap no’n. At minsan
Means Nabitin ang pagtulak ko sa doorknob para tuluyang mabuksan ang pintuan ng condo dahil sa ungol na naririnig ko mula sa loob. Bakit may mga ungol? Anong nangyayari? Minumulto ba ang unit ko?! O lutang lang talaga ako? Kakatapos ko lang sa trabaho at medyo pagod kahit maaga akong umuwi kaysa sa nakasanayan nitong nakaraang linggo. Si ate Dasha, simula nang umuwi siya last week, ay halos sa boyfriend niya naman natutulog kaya minsan ako lang talaga ang tao sa condo 'pag gabi. Hindi pa rin kasi nabisita si kuya sa unit hanggang ngayon. Kahit nahintatakutan na ay naglakas-loob akong silipin man lang ang loob ng unit. Kahit sa sala lang. Maingat kong itinulak ang pintuan gamit ang doorknob, iniiwasang gumawa ng kung ano mang ingay maliban sa mga ungol na palakas ng palakas. Nakita ko ang isang pamilyar na pigura ng isang lalakeng naka-topless
"Anong dadaanan natin?" tanong ko kay Theus na nag-da-drive. Bumaling siya sa akin at kumurap-kurap na para bang nag-iisip kung ano nga bang dadaanan namin. Kay kuya sana ako sasabay kaso may pinuntahan pa si kuya kaya isinabay ako ni Theus (na 'yon naman talaga ang plano niya raw) patungong cemtery. Kagabi, naitanong ko ulit kay kuya iyong about sa itinext ko sa kaniya at sa nasaksihan ko. Grabe ang pamumula ng mukha, leeg at tenga ni kuya. Umingos lang nga siya at ginulo lang ang buhok ko. Nang maitanong ko kung si Hani, cousin ni ate Resa, iyon ay nabilaukan si kuya sa sariling laway niya. Sigurado akong si Hani iyon, alangan namang iba, mag-jowa kaya sila ni kuya. Ano ba iyan. Feeling ko kapag nakita ko si Hani, iyong ginawa nila ni kuya sa condo namin ang naiisip ko! "I bought a bouquet of peonies for tita. I’m just gonna get it from the shop," aniya. Lumabi naman ako at napatango-tango nalang. Naalala niya pa rin pala iyong favorite flower ni mama. Napa
Family "Hmm," ungot ko at gumalaw ng 'unti mula sa pagkakahiga. Huh? Nakiramdam ako habang pikit pa ang mga mata. Feeling ko ang bigat ng ulo ko pati ang mga mata. Oo nga pala— "Are you feeling better now?" tanong ni Theus sa 'kin. Napakurap-kurap ako at natulala saglit. Just then, I realized that he was spooning me! Ramdam ko 'yong init ng katawan niya pati 'yong pagkapulupot ng braso niya sa 'kin! Natarantang umusog ako na halos ikahulog ko na sa kama. Kama? Anong ginagawa na— Mahalay ang utak mo, Jia! Umiyak ka lang naman. Kung ano-ano ng pinag-iisip mo! Kasalanan 'to ni Vanessa. Suminghot ako at natulala ulit. Trying to process everything. Ilang oras akong nakatulog?
SA PAGPASOK namin ay ingay kaagad sa living room ang bumungad. Nagulat ako sa malakas na kaguluhan na iyon. Naalala ko tuloy iyong ingay na naririnig ko noon sa mga sabungan, ganoʼn din iyon ngayon. Nabungaran namin ang magulong living room at ang mga cousin nila Theus na parang malayo sa isaʼt isa dahil sa mga sigawan nito. Nanonood 'ata sila ng isang soccer game base sa nasa screen ng tv. Puro mga lalaki na pinsan ni Theus ang nanonood at sobrang gulo nila. May kaniya-kaniyang team na pinapanigan. Nagsasalita yata sila sa Italian na medyo hinahaluan nila ng english. Mukhang minumura nila ang isaʼt isa base sa lutong at gaspang ng mga pinagsasabi ng kung sino. Pabiro pa ngang nagsusuntukan sa mga braso. Hindi nalang ako makapagsalita at napakurap-kurap nalang sa siste ng mga ito. "Iʼm sorry you have to see thes
Grip "Any plans for a summer getaway, Ji? Perhaps with your ate Dasha?" Pasok ni ate Alice sa kitchen kung saan nadatnan niya akong umiinom ng tubig. Mag-aalas otso na ng gabi at natapos na ako sa pag-aalaga sa anak ni ate Alice dahil buong araw nag-laro 'yong alaga ko kaya ayon at tulog kaagad pagkahiga sa kama. Nasobrahan yata 'yon sa ice cream kanina kaya sobrang hyper. Naalala ko iyong paanyaya ng mama ni Theus na sinang-ayunan ko noong mga ilang nakaraang araw lang. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-get-over sa tagpong iyon. Lapat ang labi ko nang ngumiti ako kay ate Alice. "Meron naman po kaso 'di yata si ate kasi nasa boyfriend niya at naggagala po 'ata kung saan-saan." Ewan ko ba ‘tong si ate Dasha. Kapag uuwi, hindi nagtatagal tapos minsan pa hindi na nauwi! Nagigising na nga ako minsan na may laman na ‘yong traveling bag noʼn tapos magpapaalam na mawawala raw siya ng mga i
Confession? Si Theus kailan mag-ko-confess? Confess? Ano? Kanino? Saan? Sa 'kin? Bakit? "Are you fine? You look flushed. What did Nica say to you?" Hindi ko na namalayang nakalapit na pala sa tabi ko si Theus habang sandali akong napatulala nalang pagkatapos kong makuha ang maleta kong tapos na sa checking. Kumurap-kurap akong bumaling sa kaniya. "Huh? A-ah.... wala naman," alanganin kong ani, hindi alam ang sasabihin dahil siya pa naman-- or rather, kami pa namang dalawa ang topic namin ni Nica na ngayon ay kahit kausap nito si Massimo ay pasulyap-sulyap pa sa gawi ko na parang tinutuya ako. Napapasulyap din tuloy si Massimo sa gawi namin ni Theus. Kiniling ni Theus ang ulo palapit sa akin at parang mariing sinusuri ang mukha ko. "Are you sure?" Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko at isang beses na humaplos d
"Hello, picture muna tayo, guys! Dali! Smile!"Nanlaki ang mga mata ko nang umusog si Nica papalapit sa akin dahilan para magkagitgitan kami ni Theus. Buti nalang at malakas ang body stance niya kaya hindi kami napaatras. Naramdaman kong umalalay ang isang kamay niya sa bewang ko dahil muntik na akong mapasubsob sa dibdib niya. Nahihiyang nag-sorry ako sa kaniya.Kakapasok nga lang namin sa eroplano nang nanghila na kaagad si Nica para mag-picture raw, pang-myday niya lang daw sa Facebook.Lumapit din si ate Ophelia sa gilid ni Theus at naki-picture. Umusog pa si ate dahil hindi yata kaysa sa frame kaming apat kaya muntik na akong mapapiksi nang maramdaman nalang bigla ang kamay ni Theus sa balikat ko. Nakaakbay siya sa akin at nakatagilid siya paharap sa akin para lang kumasya kami sa picture."Cheese!"Hindi ko alam kung maayos ba ako roon sa mga kuha ni Nica dahil kinakabahan talaga ako; sa eroplano at sa mga pa-t
After all the hardships, this is where I'll end up. Walking down the aisle, I can't help but to feel emotional. I didn't expect this day to come much this soon. Neither did I imagined something like this... I looked at my father beside me. Naiiyak si papa pero pinipigilan niya ito. Inangkla ko ang kamay ko sa nakalahad niyang braso. We continued walking slowly. Hindi maka-focus ang mata ko sa lahat ng mga matang nakatingin sa akin. Kinakabahan ako. I guess ganito talaga. Wedding jitters. Three years had passed. Nagkaayos naman kami ni papa. Sinabi ko sa kaniya iyong problema ko tungkol sa bagong pamilya niya. Naging maayos naman kami ni tita Dina. Masakit mang aminin pero nakikita ko iyong sulyap at tingin ni papa kay tita Dina na katulad kung paano siya tumingin kay mama noon. My father is really in love with her. At alam kong wala na akong magagaw
"Huh? Buntis na ulit si Nica? Lagot sila. Tatlong buwan pa raw bago ang kasal, 'di ba? Grabe talaga si Massimo," bulong ko sa huling pangungusap. Hindi ko nanguya ng maayos ang kinakain na fishcakes dahil sa nalaman.Kausap ko si Monique sa kabilang linya na nasa ospital ngayon dahil kay Nica na hinimatay raw kanina habang nasa isang gym sila.Mas nauna niya pa akong tinawagan kaysa kay Massimo. Ewan ko ba rito sa kanila. Suki kasi si Monique sa pag-ji-gym kaya noong malaman iyon ni Nica noong nakaraang buwan ay nagpa-member ito sa gym na member si Monique kasi gusto raw nito mag-loss ng kaunting weight kasi raw tumataba na raw siya, iyon naman pala buntis na ulit!Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa baby sa tiyan niya. Tinatawagan na ngayon ni Nica si Massimo para ibalita rito ang nalaman. Nako, lagot talaga sila kay tita Masi. Sabi nang kasal muna bago bigyan ng kapatid si Winon
With all of the things that are happening in my life right now, I thought of my loving mother.Ang mama ko na palaging nandiyan para sa akin. Na sinusubaybayan ako. Na palagi akong gina-guide sa lahat ng ginagawa ko. Nakakapanghinayang. Ni hindi man lang naabutan ni mama na magkaroon ako ng boyfriend.Noong nalaman kong namatay si mama.. naisip ko na, masaya ba siya? Maayos ba ang ikinahantungan niya? Hindi.. hindi na ba siya malungkot kung nasaan man siya? Hindi na ba siya nasasaktan? Pa'no na kami ngayong wala na siya?Nakakapanibago kapag hindi ko nakikita ang mukha ni mama sa umaga, kapag tinatawag niya kami nila kuya Rino para kumain, tuwing sinisermunan kami ni mama kapag naaabutan niya kaming nagpupuyat, iyong luto ni mama, ang amoy ni mama na palagi kong hanap-hanap, ang palaging pagpapaalala sa amin ni mama na huwag walain iyong mga payong namin, at ang lahat pa ng ibang bagay na kinalakihan
Hindi ako mapakali sa passenger seat ng sasakyan ni Theus. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa kaba. Nababagot ako sa kinauupuan ko sa tagal ng usad ng traffic, na ikinapapasalamat ko pa pero ang isipin kung saan kami pupunta ay 'di ako magawang maperme.Napatingin ako kay Theus na nag-da-drive. Ngayong araw kasi namin sasabihin sa pamilya niya na kami na. Syempre, nakakakaba iyon lalo na na hindi lang pamilya lang talaga ni Theus. Pati iyong iba pang kamag-anak ni Theus. Sa mansion kasi kami patungo kung saan nandoon nagtitipon-tipon iyong mga relative niya.Panigurado 'ando'n din sila Nica. Nandoon din kaya sila kuya Pyramus?Simpleng plain bodycon dress at flat pointed shoes lang ang suot ko. Theus' fam surely wouldn't mind my outfit pero syempre, dahil gusto kong maging presentable, nag-ayos na rin sa mukha ng kaunti. I even took my time ironing my hair. Mabuti nalang at maayos ang kinal
"Good morning, girlfriend," ngiting-ngiting bati ni Theus pagkabukas ko ng pinto."Tigilan mo nga ako sa pagtawag ng ganiyan!" apila ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. Ang aga-aga niya talaga!Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko. Nasamyo ko ang bango niyang kakaligo lang. Nahiya naman ako sa kaniya! Hindi pa ako nakakaligo! Naghilamos lang ako kanina kasi mamayang 10 A.M. pa naman ako pupunta kila ate Alice.Simula nang sinagot ko siya noong isang araw ay panay tawag siya sa akin ng “girlfriend”, hindi lang daw kasi siya makapaniwala na kami na raw, pa'no pa kaya ako?It's like a wildest dream coming true and it really did came true."I still can't believe it, girlfriend. Nag-breakfast ka na ba?"Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok na siya.
Napakabobo ko talaga. Napakabobo mo, Jianna Ranne Abrantes. Noong nagpaulan siguro si Lord ng kabobohan, sinaulo ko siguro lahat, nagbabad yata ako.Nasaktan ko na naman si ate. Ano bang problema sa akin at halos lahat ng iniisip ko ay mali? Masiyado na talaga ako. Sobra nga talaga akong mag-isip.. pero bakit hindi ko mapigilan? Nagkamali na naman ako. Nainsulto ko na naman si ate Dasha. I jumped into the conclusion kahit naman hindi ako sure... well, akala ko talaga...All this time, mali pala ako nang akala?Ang tanga ko. Grabeng katangahan naman 'yon, Jia.I was so dense. Ni hindi ko man lang kinuhang hint iyong mga hirit ni ate na akala ko ay sarcastic. Diyos ko, ang tanga, Jia. Ni hindi ko man lang naisip ang ibang dahilan, puro nalang hindi kaaya-aya ang naiisip ko pero syempre, it was too good to be true. Sa panahon ngayon, ang hirap nang magtiwala kaaga
"Hoy, girl! Kailan mo sasagutin si Theus? Lagpas isang buwan na rin kayong naglalandian- ay, este, nagliligawan. Ano ba 'yan! Ang saya-saya ko talaga! Iyong shini-ship ko lang noon, nagliligawan na ngayon. Sana naman, Lord, matauhan na iyong isa rito at sagutin na iyong nag-iisang manok ko, Diyos ko."Natawa ako kay Nica nang mag-sign of the cross pa siya.Ang ingay-ingay talaga ng babaeng ito. Halos kapag nagkikita kami, puro iyon ang litanya niya. Nagrereklamo na nga si Massimo dahil sobrang nag-focus si Nica sa amin ni Theus kaysa sa kaniya na parati yatang kulang sa pansin.Linggo-linggo, nag-de-date kami ni Theus. Kadalasan ay night dates dahil minsan nataon kasi na hindi pa ako makaalis sa kina ate Alice kasi ang tagal matulog ni baby Giselle. Noong una dalawang beses sa isang linggo naman kami nag-de-date kaso wala lang, mas better mag-date kapag gabi. Minsan nga dinala ako
Permission"Theus.. papayagan na kitang manligaw.."Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil para yatang mawawalan ako ng hininga sa bilis ng pagkakasabi ko no'n. Abot-abot sa mga tenga ko ang tibok ng puso ko. Parang na-drain na talaga ang lahat ng energy ko sa katawan dahil lang sa maikli kong pahayag.Habang kaming dalawa lang sa elevator, marami-rami rin akong naisip.Dahil kay Theus naman ako sumabay kanina papunta sa birthday party ni France at Nico, ay siya rin ang naghatid sa akin dito sa condo. Hindi naman na kami sumali sa inuman nila Nico. Grabe, mukha ngang matira, matibay ang siste nila. After party lang din naman na iyon. Kaya nauna na kami ni Theus. Ewan ko nga lang if sa unit niya ba rin ba siya mamamalagi ngayong gabi.I've been thinking a lot of things for the past weeks. At hindi ko na itatangi na halos si Theus l
Status "Hi, Jia! It's very, very nice to see you here again! I'm glad you are here," saad ni ate Minerva, isa rin sa mga cousin ni Theus na isang dekada yata ang tanda sa kaniya. Si ate Minerva ang mama ni France, ang isa sa birthday celebrant. Tumingin siya kay Theus na nasa tabi ko lang. Ngumiting aso si ate Minerva at umirit. "Kaya pala, ha, Theus." Bumaling sa akin si ate Minerva. "Kayo na?" ngiting-ngiting tanong niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Hindi po, ate. Hindi po." Iiling-iling ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa sinabi ni ate. Diyos ko, mukhang kami na naman ang target nilang pag-usapan. Ngumuso si ate. "What? Ang hina mo talaga, Theus! Mabuti pa si Massimo, may girlfriend na, may instant baby pa talaga!" "Mahal." Big