Chapter: Epilogue After all the hardships, this is where I'll end up. Walking down the aisle, I can't help but to feel emotional. I didn't expect this day to come much this soon. Neither did I imagined something like this... I looked at my father beside me. Naiiyak si papa pero pinipigilan niya ito. Inangkla ko ang kamay ko sa nakalahad niyang braso. We continued walking slowly. Hindi maka-focus ang mata ko sa lahat ng mga matang nakatingin sa akin. Kinakabahan ako. I guess ganito talaga. Wedding jitters. Three years had passed. Nagkaayos naman kami ni papa. Sinabi ko sa kaniya iyong problema ko tungkol sa bagong pamilya niya. Naging maayos naman kami ni tita Dina. Masakit mang aminin pero nakikita ko iyong sulyap at tingin ni papa kay tita Dina na katulad kung paano siya tumingin kay mama noon. My father is really in love with her. At alam kong wala na akong magagaw
Last Updated: 2021-12-02
Chapter: Chapter Twenty-Four"Huh? Buntis na ulit si Nica? Lagot sila. Tatlong buwan pa raw bago ang kasal, 'di ba? Grabe talaga si Massimo," bulong ko sa huling pangungusap. Hindi ko nanguya ng maayos ang kinakain na fishcakes dahil sa nalaman.Kausap ko si Monique sa kabilang linya na nasa ospital ngayon dahil kay Nica na hinimatay raw kanina habang nasa isang gym sila.Mas nauna niya pa akong tinawagan kaysa kay Massimo. Ewan ko ba rito sa kanila. Suki kasi si Monique sa pag-ji-gym kaya noong malaman iyon ni Nica noong nakaraang buwan ay nagpa-member ito sa gym na member si Monique kasi gusto raw nito mag-loss ng kaunting weight kasi raw tumataba na raw siya, iyon naman pala buntis na ulit!Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa baby sa tiyan niya. Tinatawagan na ngayon ni Nica si Massimo para ibalita rito ang nalaman. Nako, lagot talaga sila kay tita Masi. Sabi nang kasal muna bago bigyan ng kapatid si Winon
Last Updated: 2021-11-29
Chapter: Chapter Twenty-ThreeWith all of the things that are happening in my life right now, I thought of my loving mother.Ang mama ko na palaging nandiyan para sa akin. Na sinusubaybayan ako. Na palagi akong gina-guide sa lahat ng ginagawa ko. Nakakapanghinayang. Ni hindi man lang naabutan ni mama na magkaroon ako ng boyfriend.Noong nalaman kong namatay si mama.. naisip ko na, masaya ba siya? Maayos ba ang ikinahantungan niya? Hindi.. hindi na ba siya malungkot kung nasaan man siya? Hindi na ba siya nasasaktan? Pa'no na kami ngayong wala na siya?Nakakapanibago kapag hindi ko nakikita ang mukha ni mama sa umaga, kapag tinatawag niya kami nila kuya Rino para kumain, tuwing sinisermunan kami ni mama kapag naaabutan niya kaming nagpupuyat, iyong luto ni mama, ang amoy ni mama na palagi kong hanap-hanap, ang palaging pagpapaalala sa amin ni mama na huwag walain iyong mga payong namin, at ang lahat pa ng ibang bagay na kinalakihan
Last Updated: 2021-11-28
Chapter: Chapter Twenty-TwoHindi ako mapakali sa passenger seat ng sasakyan ni Theus. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa kaba. Nababagot ako sa kinauupuan ko sa tagal ng usad ng traffic, na ikinapapasalamat ko pa pero ang isipin kung saan kami pupunta ay 'di ako magawang maperme.Napatingin ako kay Theus na nag-da-drive. Ngayong araw kasi namin sasabihin sa pamilya niya na kami na. Syempre, nakakakaba iyon lalo na na hindi lang pamilya lang talaga ni Theus. Pati iyong iba pang kamag-anak ni Theus. Sa mansion kasi kami patungo kung saan nandoon nagtitipon-tipon iyong mga relative niya.Panigurado 'ando'n din sila Nica. Nandoon din kaya sila kuya Pyramus?Simpleng plain bodycon dress at flat pointed shoes lang ang suot ko. Theus' fam surely wouldn't mind my outfit pero syempre, dahil gusto kong maging presentable, nag-ayos na rin sa mukha ng kaunti. I even took my time ironing my hair. Mabuti nalang at maayos ang kinal
Last Updated: 2021-11-27
Chapter: Chapter Twenty-One"Good morning, girlfriend," ngiting-ngiting bati ni Theus pagkabukas ko ng pinto."Tigilan mo nga ako sa pagtawag ng ganiyan!" apila ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. Ang aga-aga niya talaga!Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko. Nasamyo ko ang bango niyang kakaligo lang. Nahiya naman ako sa kaniya! Hindi pa ako nakakaligo! Naghilamos lang ako kanina kasi mamayang 10 A.M. pa naman ako pupunta kila ate Alice.Simula nang sinagot ko siya noong isang araw ay panay tawag siya sa akin ng “girlfriend”, hindi lang daw kasi siya makapaniwala na kami na raw, pa'no pa kaya ako?It's like a wildest dream coming true and it really did came true."I still can't believe it, girlfriend. Nag-breakfast ka na ba?"Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok na siya.
Last Updated: 2021-11-26
Chapter: Chapter TwentyNapakabobo ko talaga. Napakabobo mo, Jianna Ranne Abrantes. Noong nagpaulan siguro si Lord ng kabobohan, sinaulo ko siguro lahat, nagbabad yata ako.Nasaktan ko na naman si ate. Ano bang problema sa akin at halos lahat ng iniisip ko ay mali? Masiyado na talaga ako. Sobra nga talaga akong mag-isip.. pero bakit hindi ko mapigilan? Nagkamali na naman ako. Nainsulto ko na naman si ate Dasha. I jumped into the conclusion kahit naman hindi ako sure... well, akala ko talaga...All this time, mali pala ako nang akala?Ang tanga ko. Grabeng katangahan naman 'yon, Jia.I was so dense. Ni hindi ko man lang kinuhang hint iyong mga hirit ni ate na akala ko ay sarcastic. Diyos ko, ang tanga, Jia. Ni hindi ko man lang naisip ang ibang dahilan, puro nalang hindi kaaya-aya ang naiisip ko pero syempre, it was too good to be true. Sa panahon ngayon, ang hirap nang magtiwala kaaga
Last Updated: 2021-11-25