Piccola
Walong taong gulang lang ako noon nang makilala ko si Theus. Sa labas ng simbahan ko siya no’n nakilala. I think pasko 'yon o magpapasko pa lang. Hindi ko na masiyadong tanda dahil ang tagal na rin pala.
Hindi kami agarang naging magkaibigan no’n dahil unang una, it was just a brief meetup; nila ate Dasha at Kuya Py' pa 'yon. And that time, panay english siya kaya hindi ko nakapalagayan ng loob. No’ng time rin na 'yon ay hindi pa sila permamenteng nakatira sa Pinas.
Si Theus kasi ay half Italian, one-fourth Pilipino and one-fourth Spanish. Ang pamilya niya ay nakatira sa Tuscany, Italy kung saan sa pinanganak at lumaki. Two years ang tanda niya sa 'kin.
Noong nag-aaral pa si ate Dasha, madalas ko siyang nakikita pero kadalasan nga lang kung bakasyon lang 'gaya ng kapag summer at Christmas season. Pero hindi naman kami close ng mga panahon na 'yon eh. Masiyado kasing madaming ganap no’n. At minsan, may away pa ang mga magulang ko kaya kapag nagkikita kami ay wala akong mood makipaghalubilo.
Bale siya 'yong taong ilang beses mo nang nakikita pero minsan lang makausap, well, ng mahaba-haba. Introduction lang kasi 'yong nangyari no’ng unang beses ko siyang nakausap no’n. Pero no’ng nasa SH na ako nalaman kong nag-migrate na sila rito. Nalaman ko 'yon dahil meron akong friend na naging friend ng cousin niya na nag-aaral sa Univ' din namin. Madalas ko siyang makasalamuha kapag naaaya ako ng mga ka-close kong schoolmate sa Greenbelt kung saan siya laging nalalagi.
First-ever proper conversation namin ay noong nag-18 ako. First time ko 'yong mag-night out kasama ang mga kaibigan ko. Sa isang high-end pa talaga kami no’n. High Society 'ata iyong name ng lugar na ‘yon. Tama pala talaga 'yong sabi nila na magaang kasama si Theus kasi napaka-friendly niya sa 'kin no’n. Nagkasama kasi kami sa isang booth with his first cousins and mga common friends din namin. And for that whole night, he entertained me.
Hindi pa naman kami agarang naging close talaga pagkatapos ng interaction na 'yon. Lalo na at sa isang international school pa siya nag-college. At that time, busy ako sa nursing school at hospital para sa clinical rotations namin no’n. We became casual to each other, kapag nagkikita ay nagkakamustahan lang and that’s that, no deeper conversation and he often asks me about ate Dasha.
Casually, in bars, nightclubs, parties, restaurants, malls, or even in cheap food stalls, we often saw each other and sometimes, met with, of course, our common friends. Getting invited in the same getaways, same birthday celebrations and occasional get-together. We were technically around each other but never personally. That goes on through my college life. Later on, before I failed to graduate (yes, I failed, I’m undergrad, actually), I realized that I had developed feelings for him.
There was these moments where I anticipate to be with him, even though with friends. I anticipate those times in our usual, favorite samgyupsal place where he used to sat beside me jokingly trying to avoid our nasty friends and his idiotic cousins. I anticipate those moments where he tends to give me some of the porks he grilled and I always wish that that those moments could repeat and I wasn’t disappointed.
That eating sessions with him somehow made me be close to him, at least. He’s really friendly and too thoughtful in some reason but I really tried my best not to overthink those little things.
No’ng nag trabaho na ako, matapos kong makuha ang NC II ko para sa Caregiving, ay mas nagka-close pa kami dahil isang family friend pala nila Theus 'yong sa una kong pinasukan na trabaho sa same exclusive village rin kung saan sila Theus nakatira. Tapos after a year no’n, grandfather naman nila Theus at kuya Py 'yong naging amo ko.
"Ikaw kasi eh! Ba’t ba parang luto ni mama 'yong gawa mong chicken curry?" ingos ko kay Theus nang matapos kaming kumain.
Nakakahiya 'yong drama ko kanina sa dining table!
"You silly, Piccola. Your mom taught me how to cook one. Don’t you remember?" aniya at patuya akong tinaasan ng kilay.
Oo nga pala.
Sinimangutan ko siya at mas lalo pang lumubog sa sofa’ng kinauupuan.
Tumawa naman siya sa inasta ko at nakuha pang guluhin ang buhok ko.
I tried to hide my up-rising smile.
Ano 'yan, Jia? Kapag nahawakan ka lang wala na ang inis mo? Dapat nga mainis ka sa paggulo niya sa buhok mo, Jia! Hindi ko na pinansin ang mga iniisip.
I had never imagined us to be this close. Not in my wildest dreams.
Pero ano pa ngang ibig sabihin ng Ikola? O... Ikola ba 'yong sinabi niya? O baka si Piccolo ng Dragon Ball 'yong sinabi niya. Ewan. Baka isa na naman 'yon sa mga Italian gibberish niya. Or baka Spanish.
Kinabukasan ay nagising ako sa mga kaluskos na nagmumula sa kitchen.
Wala akong pasok ngayon kila ate Alice kasi mag-ba-bonding daw sila ng pamilya niya for the day.
Ibinaling ko ang tingin sa kinalalagyan ng orasan. Malapit nang mag alas otso ng umaga.
"Ate?" utas ko nang mabungaran sa kitchen si ate Dasha na kakatapos lang magluto ng almusal!
Kailan pa nakauwi si ate?
Una kong napansin ang bago na namang look ni ate. Itim pa rin naman ang buhok niya kaya lang may bangs na siya!
Ang weird. I mean, ang tagal na simula no’ng nagpa-bangs si ate, I think hindi pa ako nag-aaral no’n. Pero mas bumata yata si ate dahil sa new look niya. Naging mas dark din ang skin ni ate, dahil siguro sa dagat siya namalagi nitong nakaraang buwan.
"Oh, Jira! Gising ka na pala. Kain tayo," aniya nang mapansin na ako.
Tumalima naman ako at pinagsandok ang sarili. Nakita ko ang pagngiti ni ate sa akin at sinaluhan din ako.
Sa kalagitnaan nang umagahan ay tumunog ang cellphone ni ate. May tumatawag. Sinagot iyon ni ate at hindi na nag-abalang lisanin ang dining table para sa kausap.
"What? I’m eating, you horny mammal. And I’m with my sister," sabi ni ate sa kausap niya.
Nakayuko lang ako at tahimik na kumakain. Sinulyapan ko pa si ate at nahuli naman niya ang pagtingin ko.
"Oo nga, 'di ka naman makapaghintay! See ya later, boy," aniya sa kausap at tinapos na ang tawag.
"Boyfriend mo 'yon, ate?"
Hindi ko na mapigilang magtanong. Feeling ko kasi ay 'di magsasalita si ate kung hindi ko uunahan.
Maganang tumango-tango si ate bilang sagot habang nginunguya ang pagkain niya. May kinalikot siya sa cellphone niya at nilahad iyon sa akin. Kuryoso ko namang tinanggap at tiningnan ang screen.
Nakabukas ang Gallery ni ate at nasa album na may pangalang 'boy, w/ me'. Maraming pictures 'yon.
Sa unang photo na pinindot ko ay bumungad sa 'kin ang half-body picture nila ng jowa niya. Background nila ay isang bahagi ng dalampasigan, nasa ilalim sila ng isang puno ng niyog. Zinoom-in ko ng kaunti sa banda ng jowa ni ate.
Ang una kaagad na pumasok sa isipan ko ay mukha itong bad boy. Mula sa man bun nito, sa klase ng ngisi at sa tindig. Banyaga yata ito at grey-eyed pa!
"Ano? Hot ba? Galing kong pumili 'no?" Pilyang ngumisi si ate sa akin at tinaas-baba pa ang kaniyang kilay. Tipid naman akong tumango.
"Anong lahi niya, ate?" tanong ko at ibinigay na sa kaniya pabalik ang phone.
"He’s half Ukrainian. I met him at the accounting firm where I worked. He’s kinda related to the owner so I always saw him in my workplace, lurking around..." napuno ng boses ni ate ang kitchen.
"Sa’n ka pupunta, ate?" tanong ko nang mabungaran ko siya sa vanity table na nag-aayos ng buhok niya at bihis na bihis.
Ang condo unit namin ay may dalawang kwarto, kay kuya (na minsan lang umuwi) at sa amin ni ate (mas pinili kasi naming dalawa na mag-share nalang) tutal ay malaki naman ang kama at ayos lang naman ang lawak. At.... this past few years, nasanay akong nagtatabi kami ni ate kapag no’ng nag-aaway sila Mama at Papa, na halos araw-araw.
"Greenbelt. Gonna have lunch with my friends," may tonong aniya.
"Ah..." I trailed off.
"Ikaw? No plans for today?"
Umiling lang ako sa tanong ni ate at nagpatuloy sa pagva-vacuum.
"Ugh. Your social life is getting rusty or do you even have a social life?"
"Meron kaya," apila ko.
"Oh, right, Theus; With Prometheus Monosillo," may bahid na kakaiba sa tono ni ate.
Huh? Ano namang ibig sabihin ni ate ro’n?
"Sa 'yo 'to, ate?" Lapit ko sa mga paper bags sa cushion. May mga pamilyar na tatak ang mga iyon, iba-iba.
"No, that’s for you. Galing kay Theus. Pasalubong niya raw sa 'yo," saad niya.
Nalaglag naman ang panga ko. Grabe! Sobra naman yatang dami!
Nakaka-speechless din talaga 'tong si Theus. At bakit ba sobrang thoughtful niya?!
Kaya ang hirap-hirap na hindi ma-fall sa kaniya.
"Kayo na ba no’n ha?"
Napakurap-kurap naman ako ng ilang beses sa tanong ni ate.
Sino ang tinutukoy niya?
"Ano?" pinagtaasan niya ako ng kilay mula sa vanity mirror.
"Sino po?"
"Duh, si Theus, Jia." Nakita ko pang nag-roll eyes si ate.
"Hindi kami, ate. Friends lang po kami," alma ko.
"Sus, ano 'yon? Friends with benefits?" mahalay na tumawa si ate.
Namula ang buong mukha ko. Ano ba 'tong mga pinagsasabi ni ate!
Namuhay nga lang sa tabi ng dagat naging ano na siya. Baka naman naimpluwensiyahan ng jowa niya.
"Ano ka ba, ate! Hindi ako gano’n 'no," pagtatanggi ko.
Saglit kong nakita ang mapait na tingin ni ate pero kaagad din namang nawala.
"I thought you two were together."
"Hindi po talaga, promise," sambit ko nang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa.
"You sure? He looks like he got it bad on you," tonong kakaiba na naman ni ate.
Napatigil naman ako sa ginagawa. Sinasabi ba ni ate na may gusto si Theus sa 'kin? Sa 'kin?
Keyword: Looks. Based on observation lang ng ate mo, Jia.
"Well, how about you? Do you like him?"
Hindi ako sumagot. Less word, less mistake.
Nagtaas ulit ng kilay si ate sa akin. "Tss, obviously, you like him. Don’t you?"
Palihim kong kinagat ang looban ng aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako nangingiti.
Narinig ko ang may kaartehang pag-ungot ni ate sa pananahimik ko. At sigurado ako inirapan na naman niya ako pero 'di ko na siya binalingan pa.
* * *
"Ang kadiri mo talaga, Stanley! Ba’t 'di ka natulad kay Theus na ibang iba sa 'yo 'no?" singhal ni Vanessa sa katapat na si Stan.
Nandito ako ngayon sa isang Korean grill bar and restau' kasama ang iilang kaibigan para sa isang celebration.
Nagulat nga ako kanina sa pagsulpot ni Theus sa unit ko habang nag-iisip ako kung anong iluluto para sa tanghalian. Nag-chat daw kasi si Syd, isa sa mga kaibigan namin, sa group chat namin sa Messenger na magkita-kita raw.
At heto nga, as usual, magulo ng kaunti pero masaya.
"Tss, you’re just jealous of my past-backseat girls." Pilyong ngumisi si Stan kay Vanessa at mahalay pang kinain ang grilled beef niya.
Eksaherada namang inapila iyon ni Vanessa. Vanessa is one of my longtime friend simula freshman year in college. At simula’t sapul, magkaaway na talaga sila ni Stan.
"Stop talking about your backseat girls here, cugino," Theus said. Matalim ang pinukol niyang tingin sa pinsan.
Sinigundahan ng ilan naming kaibigan ang sinabi ni Thues, ang iba naman ay nailing nalang. Ako naman ay nakitulong sa pag-gi-grilled.
Napababa naman ako ng tingin sa galaw ng kamay ni Theus. Nilagyan niya ng ginrilled niyang beef ang bowl na may kanin sa harapan ko kahit na may dalawa pa ngang beef do’n na hindi ko pa nagagalaw!
Unconsciously niya 'yong ginagawa.
Pinalobo ko ang pisngi para pigilan ang pag-alpas ng nagbabadya kong ngiting kilig.
"Eat," aniya. Hindi naman na ako umapila.
Sus. Masiyado lang talaga akong marupok!
"Basta, guys, ha? Walang a-absent sa pa-Despedida de soltera ko! Kun’di nako!" banta ni Syd habang winawagayway sa ere ang chopsticks niya.
"Oo ba. Basta ha, hanapan mo ako ng Kano roon, Syd!"
Biro ni Vanessa iyon na tinawanan namin pero ikinasama ng timpla ni Stan.
At nagsimula na naman ang dalawa na mag-away. Nasali na naman ulit ang mga backseat girls ni Stan.
Aalis kasi si Syd pa Canada, three weeks from now. May malaki kasing offer sa kaniya mula sa malaking hospital do’n. Nurse kasi siya rito at naging classmate ko rin siya noon. Kaso nga lang 'di ako natuloy sa pag-na-nurse.
"Grabe naman si Jia! Alagang-alaga ni Theus ah!"
Namula ako nang mabaling ang tingin nila sa puwesto namin dahil sa inusal ni Vanessa.
Kahit kailan talaga ang ingay niya!
Napansin niya yata iyong panay na paglalagay ng niluluto ni Theus sa puwesto ko. Si Theus naman parang walang pake sa mga paminsan minsang tingin nila sa ginagawa niya.
Stop thinking otherwise, Jia
"Stop your loud mouth, Vanessa! Ang ingay mo! Just eat! Oh!"
Natahimik si Vanessa dahil napuno ang bibig niya sa isinilampak na beef na nakabalot sa lettuce ni Stan.
Pinabayaan na namin ang dalawa na mag-away nalang ulit.
"Tama na, Theus. Ang dami na nito, oh, busog na 'ko," sabi ko sa kaniya at ibinalik sa bowl niya ang pagkaing inilagay sa akin.
"Just eat so you could gain more weight, such a piccola."
"Akin nalang, Jia, kung ayaw mo," singit ni Rod, isa sa friends namin na kanina pa tawang-tawa kila Vanessa at Stan.
Hindi na ako nakapagsalita dahil kumuha na siya sa bowl ko. Napasinghap naman ako dahil tinampal ni Theus, gamit ang chopsticks niya, ang chopsticks ni Rod.
"Cook your own," marahas ang pagkasabi niya no’n na para bang galit!
Nagkantiyawan sila at tawanan. Hindi naman sila pinatulan pa ni Theus at naging abala na sa naunang ginawa.
"Damot mo naman, cugino," sambit ni Nico, cousin din ni Theus, na kanina pa nakamasid sa 'min.
"Fatti gli affari tuoi," utas ni Theus sa wikang Italian. Bahagya akong napanguso.
Ang daya! 'Di ko alam ang meaning no’n.
"Eat, Jia," sabi niya ulit sa akin at nilagyan na naman ng panibagong beef ang bowl ko kahit meron pa naman!
Maingay sila Syd dahil may nakitang kakilala nila sa katabi naming 'mesa. Maingay ang mga itong nagkamustahan.
"Eat ka na kasi, Ji'. Nag-aalala na 'tong si Mr Ever-Thoughtful-Friend," saad ni Nico at tinawanan din iyon ng mga nakarinig sa 'mesa namin.
"Chiudi il culo, Nico," singhal ni Theus sa kaniya.
"Anong sabi, p’re?" tanong ni Rod.
Mukha namang alam nito ang meaning pero mas gusto yatang inisin si Theus dahil nanunuya ang tingin nito sa 'min o kay Theus.
Feeling ko bad word 'yong sinabi ni Theus. Ang lutong lang kasi ng pagkakasabi niya.
Tapos.... mas gumagwapo yata si Theus kapag nag-i-Italyano siya. At ang husky talaga ng boses niya!
Tahimik na lamang akong kumain at yumukod para itago ang namumula kong pisngi. Nakakainis din 'tong pisngi ko minsan. Ba’t ba hindi ko mapigilang mamula?
Hulog na hulog ka na talaga, Jianna Ranne.
Means Nabitin ang pagtulak ko sa doorknob para tuluyang mabuksan ang pintuan ng condo dahil sa ungol na naririnig ko mula sa loob. Bakit may mga ungol? Anong nangyayari? Minumulto ba ang unit ko?! O lutang lang talaga ako? Kakatapos ko lang sa trabaho at medyo pagod kahit maaga akong umuwi kaysa sa nakasanayan nitong nakaraang linggo. Si ate Dasha, simula nang umuwi siya last week, ay halos sa boyfriend niya naman natutulog kaya minsan ako lang talaga ang tao sa condo 'pag gabi. Hindi pa rin kasi nabisita si kuya sa unit hanggang ngayon. Kahit nahintatakutan na ay naglakas-loob akong silipin man lang ang loob ng unit. Kahit sa sala lang. Maingat kong itinulak ang pintuan gamit ang doorknob, iniiwasang gumawa ng kung ano mang ingay maliban sa mga ungol na palakas ng palakas. Nakita ko ang isang pamilyar na pigura ng isang lalakeng naka-topless
"Anong dadaanan natin?" tanong ko kay Theus na nag-da-drive. Bumaling siya sa akin at kumurap-kurap na para bang nag-iisip kung ano nga bang dadaanan namin. Kay kuya sana ako sasabay kaso may pinuntahan pa si kuya kaya isinabay ako ni Theus (na 'yon naman talaga ang plano niya raw) patungong cemtery. Kagabi, naitanong ko ulit kay kuya iyong about sa itinext ko sa kaniya at sa nasaksihan ko. Grabe ang pamumula ng mukha, leeg at tenga ni kuya. Umingos lang nga siya at ginulo lang ang buhok ko. Nang maitanong ko kung si Hani, cousin ni ate Resa, iyon ay nabilaukan si kuya sa sariling laway niya. Sigurado akong si Hani iyon, alangan namang iba, mag-jowa kaya sila ni kuya. Ano ba iyan. Feeling ko kapag nakita ko si Hani, iyong ginawa nila ni kuya sa condo namin ang naiisip ko! "I bought a bouquet of peonies for tita. I’m just gonna get it from the shop," aniya. Lumabi naman ako at napatango-tango nalang. Naalala niya pa rin pala iyong favorite flower ni mama. Napa
Family "Hmm," ungot ko at gumalaw ng 'unti mula sa pagkakahiga. Huh? Nakiramdam ako habang pikit pa ang mga mata. Feeling ko ang bigat ng ulo ko pati ang mga mata. Oo nga pala— "Are you feeling better now?" tanong ni Theus sa 'kin. Napakurap-kurap ako at natulala saglit. Just then, I realized that he was spooning me! Ramdam ko 'yong init ng katawan niya pati 'yong pagkapulupot ng braso niya sa 'kin! Natarantang umusog ako na halos ikahulog ko na sa kama. Kama? Anong ginagawa na— Mahalay ang utak mo, Jia! Umiyak ka lang naman. Kung ano-ano ng pinag-iisip mo! Kasalanan 'to ni Vanessa. Suminghot ako at natulala ulit. Trying to process everything. Ilang oras akong nakatulog?
SA PAGPASOK namin ay ingay kaagad sa living room ang bumungad. Nagulat ako sa malakas na kaguluhan na iyon. Naalala ko tuloy iyong ingay na naririnig ko noon sa mga sabungan, ganoʼn din iyon ngayon. Nabungaran namin ang magulong living room at ang mga cousin nila Theus na parang malayo sa isaʼt isa dahil sa mga sigawan nito. Nanonood 'ata sila ng isang soccer game base sa nasa screen ng tv. Puro mga lalaki na pinsan ni Theus ang nanonood at sobrang gulo nila. May kaniya-kaniyang team na pinapanigan. Nagsasalita yata sila sa Italian na medyo hinahaluan nila ng english. Mukhang minumura nila ang isaʼt isa base sa lutong at gaspang ng mga pinagsasabi ng kung sino. Pabiro pa ngang nagsusuntukan sa mga braso. Hindi nalang ako makapagsalita at napakurap-kurap nalang sa siste ng mga ito. "Iʼm sorry you have to see thes
Grip "Any plans for a summer getaway, Ji? Perhaps with your ate Dasha?" Pasok ni ate Alice sa kitchen kung saan nadatnan niya akong umiinom ng tubig. Mag-aalas otso na ng gabi at natapos na ako sa pag-aalaga sa anak ni ate Alice dahil buong araw nag-laro 'yong alaga ko kaya ayon at tulog kaagad pagkahiga sa kama. Nasobrahan yata 'yon sa ice cream kanina kaya sobrang hyper. Naalala ko iyong paanyaya ng mama ni Theus na sinang-ayunan ko noong mga ilang nakaraang araw lang. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-get-over sa tagpong iyon. Lapat ang labi ko nang ngumiti ako kay ate Alice. "Meron naman po kaso 'di yata si ate kasi nasa boyfriend niya at naggagala po 'ata kung saan-saan." Ewan ko ba ‘tong si ate Dasha. Kapag uuwi, hindi nagtatagal tapos minsan pa hindi na nauwi! Nagigising na nga ako minsan na may laman na ‘yong traveling bag noʼn tapos magpapaalam na mawawala raw siya ng mga i
Confession? Si Theus kailan mag-ko-confess? Confess? Ano? Kanino? Saan? Sa 'kin? Bakit? "Are you fine? You look flushed. What did Nica say to you?" Hindi ko na namalayang nakalapit na pala sa tabi ko si Theus habang sandali akong napatulala nalang pagkatapos kong makuha ang maleta kong tapos na sa checking. Kumurap-kurap akong bumaling sa kaniya. "Huh? A-ah.... wala naman," alanganin kong ani, hindi alam ang sasabihin dahil siya pa naman-- or rather, kami pa namang dalawa ang topic namin ni Nica na ngayon ay kahit kausap nito si Massimo ay pasulyap-sulyap pa sa gawi ko na parang tinutuya ako. Napapasulyap din tuloy si Massimo sa gawi namin ni Theus. Kiniling ni Theus ang ulo palapit sa akin at parang mariing sinusuri ang mukha ko. "Are you sure?" Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko at isang beses na humaplos d
"Hello, picture muna tayo, guys! Dali! Smile!"Nanlaki ang mga mata ko nang umusog si Nica papalapit sa akin dahilan para magkagitgitan kami ni Theus. Buti nalang at malakas ang body stance niya kaya hindi kami napaatras. Naramdaman kong umalalay ang isang kamay niya sa bewang ko dahil muntik na akong mapasubsob sa dibdib niya. Nahihiyang nag-sorry ako sa kaniya.Kakapasok nga lang namin sa eroplano nang nanghila na kaagad si Nica para mag-picture raw, pang-myday niya lang daw sa Facebook.Lumapit din si ate Ophelia sa gilid ni Theus at naki-picture. Umusog pa si ate dahil hindi yata kaysa sa frame kaming apat kaya muntik na akong mapapiksi nang maramdaman nalang bigla ang kamay ni Theus sa balikat ko. Nakaakbay siya sa akin at nakatagilid siya paharap sa akin para lang kumasya kami sa picture."Cheese!"Hindi ko alam kung maayos ba ako roon sa mga kuha ni Nica dahil kinakabahan talaga ako; sa eroplano at sa mga pa-t
"Did you know why few people never dare to visit this place? Because of its scary stories or some believed that may mga witches daw dito at mga human monster na nangangain ng tao!" animated na kuwento ni Nica na nakadungaw sa amin dahil sa pinakalikurang bahagi siya nakapuwesto."I also heard about black magic and such. Uhm, kulam? Yes, it's kulam yata. Tapos halos supernatural things," saad ni Monique.Habang nakasakay sa isang private van patungong CoCo Grove ay naisipan naming pag-usapan itong tungkol sa naririnig o na-research namin about sa Siquijor island. First time kasi naming lahat na makapunta sa Siquijor island.Dahil patok ang usapang nakakatakot at halos 'yon lang 'ata ang pag-uusapan namin, ay parang halloween na ang tema kung bakit kami nagpunta rito at 'di ang mga ibang atraksiyon. Halos minsan nga lang nila masingit ang beaches o iyong mga falls sa Siquijor island.
After all the hardships, this is where I'll end up. Walking down the aisle, I can't help but to feel emotional. I didn't expect this day to come much this soon. Neither did I imagined something like this... I looked at my father beside me. Naiiyak si papa pero pinipigilan niya ito. Inangkla ko ang kamay ko sa nakalahad niyang braso. We continued walking slowly. Hindi maka-focus ang mata ko sa lahat ng mga matang nakatingin sa akin. Kinakabahan ako. I guess ganito talaga. Wedding jitters. Three years had passed. Nagkaayos naman kami ni papa. Sinabi ko sa kaniya iyong problema ko tungkol sa bagong pamilya niya. Naging maayos naman kami ni tita Dina. Masakit mang aminin pero nakikita ko iyong sulyap at tingin ni papa kay tita Dina na katulad kung paano siya tumingin kay mama noon. My father is really in love with her. At alam kong wala na akong magagaw
"Huh? Buntis na ulit si Nica? Lagot sila. Tatlong buwan pa raw bago ang kasal, 'di ba? Grabe talaga si Massimo," bulong ko sa huling pangungusap. Hindi ko nanguya ng maayos ang kinakain na fishcakes dahil sa nalaman.Kausap ko si Monique sa kabilang linya na nasa ospital ngayon dahil kay Nica na hinimatay raw kanina habang nasa isang gym sila.Mas nauna niya pa akong tinawagan kaysa kay Massimo. Ewan ko ba rito sa kanila. Suki kasi si Monique sa pag-ji-gym kaya noong malaman iyon ni Nica noong nakaraang buwan ay nagpa-member ito sa gym na member si Monique kasi gusto raw nito mag-loss ng kaunting weight kasi raw tumataba na raw siya, iyon naman pala buntis na ulit!Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa baby sa tiyan niya. Tinatawagan na ngayon ni Nica si Massimo para ibalita rito ang nalaman. Nako, lagot talaga sila kay tita Masi. Sabi nang kasal muna bago bigyan ng kapatid si Winon
With all of the things that are happening in my life right now, I thought of my loving mother.Ang mama ko na palaging nandiyan para sa akin. Na sinusubaybayan ako. Na palagi akong gina-guide sa lahat ng ginagawa ko. Nakakapanghinayang. Ni hindi man lang naabutan ni mama na magkaroon ako ng boyfriend.Noong nalaman kong namatay si mama.. naisip ko na, masaya ba siya? Maayos ba ang ikinahantungan niya? Hindi.. hindi na ba siya malungkot kung nasaan man siya? Hindi na ba siya nasasaktan? Pa'no na kami ngayong wala na siya?Nakakapanibago kapag hindi ko nakikita ang mukha ni mama sa umaga, kapag tinatawag niya kami nila kuya Rino para kumain, tuwing sinisermunan kami ni mama kapag naaabutan niya kaming nagpupuyat, iyong luto ni mama, ang amoy ni mama na palagi kong hanap-hanap, ang palaging pagpapaalala sa amin ni mama na huwag walain iyong mga payong namin, at ang lahat pa ng ibang bagay na kinalakihan
Hindi ako mapakali sa passenger seat ng sasakyan ni Theus. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa kaba. Nababagot ako sa kinauupuan ko sa tagal ng usad ng traffic, na ikinapapasalamat ko pa pero ang isipin kung saan kami pupunta ay 'di ako magawang maperme.Napatingin ako kay Theus na nag-da-drive. Ngayong araw kasi namin sasabihin sa pamilya niya na kami na. Syempre, nakakakaba iyon lalo na na hindi lang pamilya lang talaga ni Theus. Pati iyong iba pang kamag-anak ni Theus. Sa mansion kasi kami patungo kung saan nandoon nagtitipon-tipon iyong mga relative niya.Panigurado 'ando'n din sila Nica. Nandoon din kaya sila kuya Pyramus?Simpleng plain bodycon dress at flat pointed shoes lang ang suot ko. Theus' fam surely wouldn't mind my outfit pero syempre, dahil gusto kong maging presentable, nag-ayos na rin sa mukha ng kaunti. I even took my time ironing my hair. Mabuti nalang at maayos ang kinal
"Good morning, girlfriend," ngiting-ngiting bati ni Theus pagkabukas ko ng pinto."Tigilan mo nga ako sa pagtawag ng ganiyan!" apila ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. Ang aga-aga niya talaga!Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko. Nasamyo ko ang bango niyang kakaligo lang. Nahiya naman ako sa kaniya! Hindi pa ako nakakaligo! Naghilamos lang ako kanina kasi mamayang 10 A.M. pa naman ako pupunta kila ate Alice.Simula nang sinagot ko siya noong isang araw ay panay tawag siya sa akin ng “girlfriend”, hindi lang daw kasi siya makapaniwala na kami na raw, pa'no pa kaya ako?It's like a wildest dream coming true and it really did came true."I still can't believe it, girlfriend. Nag-breakfast ka na ba?"Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok na siya.
Napakabobo ko talaga. Napakabobo mo, Jianna Ranne Abrantes. Noong nagpaulan siguro si Lord ng kabobohan, sinaulo ko siguro lahat, nagbabad yata ako.Nasaktan ko na naman si ate. Ano bang problema sa akin at halos lahat ng iniisip ko ay mali? Masiyado na talaga ako. Sobra nga talaga akong mag-isip.. pero bakit hindi ko mapigilan? Nagkamali na naman ako. Nainsulto ko na naman si ate Dasha. I jumped into the conclusion kahit naman hindi ako sure... well, akala ko talaga...All this time, mali pala ako nang akala?Ang tanga ko. Grabeng katangahan naman 'yon, Jia.I was so dense. Ni hindi ko man lang kinuhang hint iyong mga hirit ni ate na akala ko ay sarcastic. Diyos ko, ang tanga, Jia. Ni hindi ko man lang naisip ang ibang dahilan, puro nalang hindi kaaya-aya ang naiisip ko pero syempre, it was too good to be true. Sa panahon ngayon, ang hirap nang magtiwala kaaga
"Hoy, girl! Kailan mo sasagutin si Theus? Lagpas isang buwan na rin kayong naglalandian- ay, este, nagliligawan. Ano ba 'yan! Ang saya-saya ko talaga! Iyong shini-ship ko lang noon, nagliligawan na ngayon. Sana naman, Lord, matauhan na iyong isa rito at sagutin na iyong nag-iisang manok ko, Diyos ko."Natawa ako kay Nica nang mag-sign of the cross pa siya.Ang ingay-ingay talaga ng babaeng ito. Halos kapag nagkikita kami, puro iyon ang litanya niya. Nagrereklamo na nga si Massimo dahil sobrang nag-focus si Nica sa amin ni Theus kaysa sa kaniya na parati yatang kulang sa pansin.Linggo-linggo, nag-de-date kami ni Theus. Kadalasan ay night dates dahil minsan nataon kasi na hindi pa ako makaalis sa kina ate Alice kasi ang tagal matulog ni baby Giselle. Noong una dalawang beses sa isang linggo naman kami nag-de-date kaso wala lang, mas better mag-date kapag gabi. Minsan nga dinala ako
Permission"Theus.. papayagan na kitang manligaw.."Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil para yatang mawawalan ako ng hininga sa bilis ng pagkakasabi ko no'n. Abot-abot sa mga tenga ko ang tibok ng puso ko. Parang na-drain na talaga ang lahat ng energy ko sa katawan dahil lang sa maikli kong pahayag.Habang kaming dalawa lang sa elevator, marami-rami rin akong naisip.Dahil kay Theus naman ako sumabay kanina papunta sa birthday party ni France at Nico, ay siya rin ang naghatid sa akin dito sa condo. Hindi naman na kami sumali sa inuman nila Nico. Grabe, mukha ngang matira, matibay ang siste nila. After party lang din naman na iyon. Kaya nauna na kami ni Theus. Ewan ko nga lang if sa unit niya ba rin ba siya mamamalagi ngayong gabi.I've been thinking a lot of things for the past weeks. At hindi ko na itatangi na halos si Theus l
Status "Hi, Jia! It's very, very nice to see you here again! I'm glad you are here," saad ni ate Minerva, isa rin sa mga cousin ni Theus na isang dekada yata ang tanda sa kaniya. Si ate Minerva ang mama ni France, ang isa sa birthday celebrant. Tumingin siya kay Theus na nasa tabi ko lang. Ngumiting aso si ate Minerva at umirit. "Kaya pala, ha, Theus." Bumaling sa akin si ate Minerva. "Kayo na?" ngiting-ngiting tanong niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Hindi po, ate. Hindi po." Iiling-iling ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa sinabi ni ate. Diyos ko, mukhang kami na naman ang target nilang pag-usapan. Ngumuso si ate. "What? Ang hina mo talaga, Theus! Mabuti pa si Massimo, may girlfriend na, may instant baby pa talaga!" "Mahal." Big