"AS THE SOLIS KISS LUA, ITS
FORETELL TO BATTLE AIMS..."
"Patayin lahat ng makikitang Fantasian na nanalig sa mga Deus at Dea! Walang ititirang buhay, mapasanggol, bata, at matatanda!" Sigaw ni Haring Akuji Arioch Equinox....
"OATH OF FALLEN WILL RISE AND BECAME THOUGH..."
"Mahal na Haring Equinox, napalaya na po namin ang lahat ng bilanggo sa
Prisao de dor ser fim." Pagbalita ng taksil...
"THE LIFE AND DEATH HOLDER'S LIFE WILL CLAIM..."
"Kali! Guia! Takbo!" ...
"AND CLIMATE WILL GO ROUGH..."
"Nagiging pula na ang kalangitan, kailangan na nating lumisan"...
"BLOOD CONTAMINATE THE WATER..."
"Protektahan ang Tears of Water Deus kahit anong mangyari!"...
"DESPAIR WILL BE THE SMELL OF WIND..."
"Bumaba na kayo sa lupa, pabagsak na ang Stados de brisa Onidos!"...
"HARVESTRY OF LIFE WILL BE IN DESTROYER..."
"Huwag hahayaang makatapak sa kaharian ng Soberania das Terras ang mga kawal ng Dark Continent! Protektahan ang ating lupain!"...
"UNKINDLED THE FLAME AND BREAK THE SINNERS BIN..."
"Pugutan ang Hari ng Reino do Fogo!"...
"DARKNESS WILL SUCKS THE LIGHTS..."
"Kami'y susmusuko sa iyo." Pagsuko ng Hari ng Casa de luz...
"AFRAID NOT, THE CHILD OF PROPECY WILL UPHEAVE..."
"Nasaan tayo Kuya Kali?"...
"ENRICH BY THE KNOWLEDGE OF ENLIGHTEN..."
"Maligayang pagdating sa aming tahanan, kambal ng purgatoryo."...
"BRING BACK THE FALLEN AND ALL WILL BE UNCLEAVE..."
"Ito na ba ang Paradiso?" Tanong ni Kali...
...
ORION...
KALI'S P.O.V
Hays kaybilis ng panahon, tatlong buwan na nga ang nakakalipas mula noong nangyari ang mga pangyayaring gumimbal sa aking buhay.
"Kuya! Ang bagal mong maglakad! Dyusme nandoon na kami sa pinto ng Diretora! Ikaw nandito ka parin, nakatulala sa hallway!" Inis na sigaw sa akin ni Guia, tinaasan ko naman ito ng kilay sabay sabing, "edi sana nauna na kayo di ba? Kakahiya naman kase baka feel niyo pa-importante pa ako, sige una na kayo!" Sigaw ko na kinabigla naman ni Guia.
"Kuya, laki na ng pinagbago mo simula ng araw na iyon." Seryosong saad ni Guia sabay lakad paalis. Hays di ko nga din alam ang nangyayari sa sarili ko, simula ng mag-training kami ni Death na umabot ng dalawang buwan ay naging ma-initin, bugnutin at nahirapan na akong tumawa at hindi ko alam kung bakit, di ko naman tinatanong si Death.
Nakita ko namang kina-usap ni Guia ang grupo, katapos ay tumingin silang lahat sa akin ng masama sabay pasok sa Diretora's Office, hays wala akong paki-alam kung anong tingin nila sa akin. Para bang may kung ano sa loob ko na nagsasabing lumayo sa mga taong mahal ko para di ko sila masaktan.
Naglakad narin ako papunta sa Diretora's Office at nang nasa harap na ako ng Diretora's Office, agad akong kumatok at kusa namang bumukas ang pinto. Doon ko nakita ang mga Royalties at aking pamilya na nagtatawanan at nagbibiruan, napatigil naman sila ng mapansin nila ang prisensya ko.
"Oh, Mahal, nandiyan ka na pala!" Maligalig na pagpansin sa akin ni Rhys, inirapan ko naman siya sabay sabing, "wala pa ako Rhys, anino ko lang to." Sarkastikong saad ko, bigla namang napayuko at napakamot sa batok si Rhys dahil siguro sa hiya.
"Napakasarkastiko mo ata? Lumitaw na ang kademonyohan mo ano, Kali?" Diretsuhang saad sa akin ni Nirvana, nginisian ko naman ito na nagpagalit sa kanya, "walang hiya ka!" Sigaw niya sabay lapit sa akim, nakita ko naman sa Short Vision ko na masasampal niya ako kaya naman inunahan ko na at siya na ang sinampal ko ng malutong.
"KALI!" Sigaw naman ng lahat sa akin nakita ko ding napatayo ang Diretora, tinaasan ko lang naman sila ng kilay, at humarap muli kay Nirvana, kita ko namang umiiyak ito habang hawak-hawak ang pisngi.
"Don't me bitch, I never respect the person who never respect me!" Malamig na sigaw ko sa kanya.
"Kali, tigilan niyo na iyan. Ipinatawag ko kayong lahat dito ngayon para sa inyong pagsasanay hindi para magbug-bugan sa harapan ko!" Galit na sigaw ng Diretora kaya napatahimik kaming lahat.
"Patawad po." Walang emosyong paghingi ko ng tawad, umupo naman ulit ang Diretora, inalalayan naman ni Prince Glenn na tinignan din anman ako ng masama, nginisian ko naman siya.
"Sige, magsi-ayos na kayo at uumpisahan ko na ang discussion about sa project na binuo namin ni Señor Alto, at ang pangalan nito ay "Project: Mission Training" na naglalayong hubugin pa inyong mga Hold Power gamit ang mga pinakamahihirap na misyon sa iba't ibang guild ng Mundo da Fantasia, ilan pa sa mga misyon ay galing pa sa mga malalakas na Guilds sa Dark Continent." Paliwanag ng Diretora na kinabigla naming lahat, nag-umpisa naman silang magbulong-bulungan pwera siyempre kay Kuya Lucian at dumagdag na ako.
Gumihit naman ang isang ngisi sa aking labi dahil doon at tinawagan ko si Death gamit ang TeleCom, " Death, mukhang mapapasabak na naman tayo," saad ko kay Death, " Maganda iyan Kali, basta nandito lang ako at umaantabay." Seryosong saad ni Death.
"Napakagandang plano po ang naisip niyo Diretora, panigurado ngang matutulungan kami sa pagpapalaks ng Hold namin!" Maligalig na saad ni Guia sa Diretora, tsk, tsk, tsk, pabebe talaga ang kapatid ko.
"Meron pa bang tanong?" Tanong ng Diretora, "wala na po," sagot naman namin.
"Meron pa akong sasabihin," saad naman ng Diretora, "ano po iyon?" Tanong naman namin sa Diretora.
"Kapalit ng Project: Mission Training ang inyong bakasyon, bale mananatili kayo dito sa Academy." Saad ng Diretora, pinilit ko namang hindi matawa sa mga reaksyon ng mga Royalties at ang mga kapatid ko.
"What?! Really? Hinihintay kami ng mga magulang namin!" Sigaw naman ni Prince Breeze.
"Well, napagpaalam ko na kayo sa mga magulang niyo kaya okay na ang lahat." Paliwanag naman ng Diretora kaya humupa ang init ng ulo ni Prince Breeze.
"Edi kung ganon, payag na ako," walang ganang sagot ni Breeze, bigla namang nagsalita ang Diretora, "sige, kung meron pang sumasang-ayon, magtaas ng kamay." Saad ng Diretora, nagsitaasan naman ang mga kamay namin.
"Kung wala ng tumututol maari na kayong magsibalik sa inyong kanya-kanyang Dorm Room at magpahinga na at maaga pa kayong pupunta dito sa aking office para masimulan na ang inyong Project: Mission Training." Utos naman ng Diretora sa amin, bigla naman akong nagtaas ng kamay dahil may katanungang namuo sa aking isipan.
"Yes Kali? Is there any problem?" Tanong sa akin ng Diretora, huminga naman ako ng malalim.
"Itatanong ko lang po, para bang class subject lang ang Project: Mission Training?" Tanong ko naman sa Diretora.
"Yes, kayo ang magiging special class student sa special subject na ito, kayo ang mga piling mag-aaral na huhubugin namin," sagot naman ng Diretora, "so it means may mga adviser kami?" Tanong ko naman sa Diretora, "yes, at kaming dalawa ni Señor Alto iyon." Sagot niya naman kaya tumango-tango naman ako.
"Maraming salamat po sa pagsagot." Walang emosyong pagpapasalamat ko, tumango at ngumiti naman ang Diretora sa akin.
"Sige, kung wala ng ibang katanungan ay maari na kayong umuwe at magpahinga." Saad ng Diretora sa amin, kaya naman na-una na akong lumabas dahil ayaw kong makasabay ang kahit sino ngayon.
Nang tuluyan na akong nakalabas ay tumakbo ako papuntang banyo at nanag nasa banyo na ako ay binuksan ko naman agad ang isa sa mga cubicles at umupo dito. Agad namang tumulo ang pinipigilan kong luha, tumulo lang ito ng tumulo...
"Kali, anong problema?" Tanong naman bigla ni Death gamit ang TeleCom na kinagulat ko.
"Wala ito Death, nasasaktan lang ako sa mga pinangagawa ko, alam mo naman na gusto ko ng lumayo sa mga taong malapit at mahal ko, gusto kong kamuihan nila ako para di na sila madamay sa mga darating kong problema." Umiiyak na kwento ko kay Death, narinig ko naman ang paghinga nito ng malalim.
"Kali, kung hindi mo na kayang panindigan ang mga ginagawa mo, pwede ka namang bumitaw na, pero nasa iyo oatin ang desisyon, nandito lang ako na Hold Being mo para gumabay sa iyo." Payo naman ni Death, para anmang nakita kong ngumiti ito kaya naman napangiti ako at pinunasan ang aking mga luha.
"No, kailangan kong panindigan ito, gusto ko kung may mangyari man sa akin sa future ay wala akong masasaktan sa kanila, ayaw kong may umiiyak kung mawala man ako." Nakangiting pagka-usap ko kay Death gamit ang TeleCom, pinunasan ko naman maigi ang pisngi ko at binuksan na ang cubicle.
Lalabas na sana ako ng pinto ng makasalubong ko si Prince Breeze kaya naman tinaasan ko siya ng noo at daretsong naglakad ngunit bigla naman niya namang hinila ang braso ko sabay niya akong hinampas sa pader at ikinulong gamit ang kanyang dalawang kamay. Nasaktan naman akong ka-unti doon sa ginawa niyang paghampas sa pader.
"Buti naman at ipinakita mo na ang kademonyohan mo? Siguro pinagtatawanan mo na ngayon ang ginawa ni Soliel para sa iyo? Isipin mo nga naman, kung hindi bobo si Soliel ay nagbuwis siya ng buhay sa isang walang kwentang Fantasian na tulad mo!" Galit na sigaw sa akin ni Prince Breeze, pinigilan ko naman ang luha ko at sa halip ay tinaasan ko siya ng kilay.
"Yun na yon?" Tanong ko kay Prince Breeze, sabay tulak sa kanya.
"Ah, tignan mo nga naman ang Demonyong dinaig pa ang mga Dark Continent hahaha masaya ka bang may "mga" taong nagbuwis ng buhay para sa iyo?" Sarkastikong tanong nito sa akin, kaya naman napaharap ako sakanya at nginisian siya.
"Yes, salamat na lang sa kanila, ngayon kung wala ka ng ibang sasabihin ay aalis na ako, may pupuntahan pa ako eh." Sarkastikong saad ko dito, kita ko namang nagdikit ang kilay nito senyales na nagagalit na ito ng sobra kaya naman nag-quick step ako sa may harap ng Igreja dos Deuses, kita ko namang nakabukas ang pinto kaya naman punasok na ako para manalangin sana ng may makita akong isang imahe ng isang lalaki na nakaluhod sa harap ng rebulto ni Supreme Dea Justo, kaya naman lumakad ako papunta doon para lapitan ito...
...
Nang pagkalapit ko ay doon ko ito na kilala, nagulat naman ako ng biglang magsalita ito, "Kali, kanina pa kita hinhintay anak," saad ng Head Priest sa akin na kinagulat ko kaya napatanong ako, "bakit po Head Priest?" Tanong ko naman sa Head Priest.
"Kali, kailangan niyo ng madaliin ang pagpapalakas at pag-abot sa inyong pinakasukdulan lakas ng inyong Hold Power, dahil nalalapit na ang Propesiyang muling sisira ng kapayapaan sa Mundo da Fantasia." Babala sa akin ng Head Priest habang nakaluhod parin ito at nakapikit.
"Iyan nga po ang gagawin namin Head Priest, nais ko po sanang hingin ang inyong basbas para mapagtagumpayan ito." Paki-usap ko naman sa Head Priest, lumuhod na rin ako sa harapan niya, bigla namang tumayo ito at humarap sa akin, "iyan ang hinding-hindi ko tatanggihan, ngayon pumikit kana at sabayan mo rin ng panalangin para sa mga Deus, Dea at Supreme Beings ng Mundo da Fantasia." Malumanay at nakangiting saad nito sa akin na agad ko namang sinunod.
"Com o privilégio que me foi concedido pelos Seres Deus, Dea e Supremos do Mundo da Fantasia, tu, Sephtis Kali Picosa, abençôo todo o teu ser pelas provações que virão sobre ti." Pagbanggit naman ng Head Priest sa isang Enchanment na pangbasbas, naramdaman ko namang parang gumaan ang katawan ko ng ilang minuto.
[Translation: Sa pribileheyong ibinigay sa akin ng mga Deus, Dea, at Supreme Beings ng Mundo da Fantasia, ikaw, Sephtis Kali Picosa ay binabasbasan ko ang iyong buong katauhan para sa mga darating na pagsubok sa iyo.]
"Maari ka nang dumilat ngayon, Kali." Utos naman ng Head Priest na agad ko namang sinunod. Pagdilat ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ng Head Priest na nagpangiti din sa akin.
"Maraming salamat po talaga at maraming salamat din po sa mga Deus, Dea, at mga Supreme Beings dahil pinahintulutan nila abg pagbibigay ng basbas sa akin." Nakangiting pagpapasalamat ko naman sa Head Priest.
"Walang ano man Kali, basta tatandaan mo, "hindi matatama ng isang pagkakamali, ang isa pang pagkakamali," iyan ang tandaan mo." Malumanay at makabuluhang saad ng Head Priest, ngumiti naman ako dahil doon.
"Maraming salamat po, mauna na po ako." Paalam ko naman, ngumiti at tumango naman ang Head Priest bilang sagot kaya anman naglakad na ako palabas ng Igreja dos Deuses.
Nanag makalabas na ako ay nag-quick step naman ako sa Garden of Lepidoptera, at umupo sa upuan na nasa ilalim ng Diamond Tree. Naisipan ko namang ilavas ang aking Held at palabasin din si Fuchsia, tagal ko na din kasing hindi siya nakikita, halos tree months na rin, masyado kase siyang na-damage sa laban namin ni Lilith last time.
"APPEAR!" Sigaw ko anman ng mailabas ko na ang held ko, bigla namang parang may isang portal ang nabuo at lumabas mula doon ang isang babaeng may bilugang mukha at mata, matangos ang ilota, may tmatutulis na tenga at may maputing balat, nakasuot naman ito ng kulay pink at nag-aalab na damit, at panghuli ang apat na gawa sa apoy na kulay pink na pak-pak niya sa likuran kaya anman napanga-nga ako dahil dito.
"S-Sino ka?" Na-itanong ko na lang.
"Ako ito Owner, si Fuchsia! Hahaha ito ang anyo ko kapag ginamit ko ang Special Energia ko na kung tawagin ay Humanism, kaya nagmumukha akong mortal na tao, di ko pa keri sa ngayon na maging isang Fantasian ih, kailangan ng maraming Energia ang gagamitin." Paliwanag naman sa akin nito na kinanga-nga ko, kase what the heck! Di man lang akong na-inform na pwede palang maging gnito ang itsura ng mga Bosom Fera.
[Special Energia- isang abilidad na hindi sakop ng ng kahit na anong Hold Power, tanging ang nakakagawa lang nito ay ang mga Fera na nasa Deus-like stage na.]
"A-Ang ganda mo! Na-miss kita Fuchsia." Masayang saad ko kay Fuchsia sabay yakap kanya.
"Salamat, ganun din ako Owner na-miss din kita." Saad nan nito sabay ganti ng yakap.
"Siya nga pala Owner, bakit niyo ako tinawag?" Tanong naman ni Fuchsia sa akin.
"Ah wala na-miss na kasi kita, pero isa pa, hahanap sana ako ng lugar kung saan pwede tayong mag-sparing tayong dalawa, may alam ka bang lugar?" Tanong naman kay Fuchsia, tumango-tango naman ito.
"Siyempre may alam ako, pwede tayo doon sa tirahan ko noong wala pang nagmamay-ari sa akin, sa Orion!" Masayang sagit naman ni Fuchsia sa akin kaya anman napangiti ako.
"So, tara na?" Tanong ko naman kay Fuchsia.
"Oo tara na Owner, wait lang ah." Saad naman ni Fuchsia sabay lumayo ng ka-unti, nanag makalayo na ito ay bigla naman siyang binalot ng kulay pink na apoy at ilang saglit pa ay bigla na lang siyang naging isang ibon na gawa sa kulay pino na apoy.
"Sakay na!" Maligalig na yaya naman ni Fuchsia sa akin kaya naman tumakbo ako sa gawi niya at walang ano-ano ay sumakay.
"Kumapit kang mabuti Owner dahil pupunta na tayo sa Orion!" Sigaw niya sabay lumipad ng mabilis.
"Ahhh!" Napasigaw naman ako dahil sa pagkabigla...
...
BREAK UP...GUIA'S P.O.VNaglalakad kami ngayon pa-uwi ng Dorm Room namin. Napagdesisiyunan naming maglakad na lang kesa gamitin ang quick step, dahil gusto naming magmuni-muni at makapagrelax sa pagtingin sa magandang kapaligiran."Ate Adhira, bakit naging ganon bigla si Kuya? Parang naawahan ata siya ng ugali ni Kuya Lucian." Tanong ko kay Ate Adhira. Napatingin naman sa akin ng masama si Kuya Lucian kaya napa-peace sign na lang ako."Di ko rin alam Gi. I never thought na magkakaganyan si Kali." Seryosong sagot ni Ate Adhira sa akin. Huminga lang naman ako ng malalim, ano kayang problema ni Kuya Kali? Sana okay lang siya."Ano kayang problema ni Kali ano? Nag-aalala narin ako para sa kanya." Saad naman bigla ni Xavier kaya napatingin ako sa kanya sabay buntong-hininga at kibit-balikat.
KISS...KALI'S P.O.VPrinoproseso pa ng utak ko ang nakikita ko ngayon hanggang sa masambit ko ang katagang, "mama."Para namang may kung ano sa katawan ko at bigla itong gumalaw at tumabo papunta sa babaeng matagal ko ng hindi nakikita, nakaka-usap at nahahagkan. Hindi ako maaring magkamaling siya ang aking ina, si Yolanda Anastacio. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap at umiyak sa kanyang balikat. Naramdaman ko naman ang isang kamay na humaplos-haplos sa aking likod na nagpakalma sa akin, kaya naman humiwalay na ako sa pagkakayakap at doon ko na naman nakita ang mukha ng aking unang ina na nakangiti."T-Triste po, h-hindi ko po sadya." Paghingi ko ng tawad kay Mama Yoli, yan ang palayaw kase niya, kung siya nga ito. Pero sana siya nga. Ngumiti naman ito.[Triste- Sorry]
MASK...LILITH'S P.O.V"Ama, ano na ang mga susunod na ting hakbang? Halos taylong buwan narin noong nagparamdam tayo. Nais ko nang gumanti kay Kali at sa pamilya niya." Saad ko sa aking Amang Hari."Huwag mo akong pinapangunahan Akuji! Isa kang malaking kabiguan sa akin! Simpleng bagay di mo nagawa!" Galit na sigaw naman ni Ama na nahpaluha sa akin."Patawad ama." Nakayukong paghingi ng tawad ni Lilith sa ama."Walang magagawa iyang paghingi mo ng tawad lalo pa at nagbunga pa ang dapat ay pagpapanggap lang!" Galit na sigaw ulit ni Ama na nagpatulo na ng tuluyan sa aking luha."G-Gusto niyo po bang patayin ko na ang bata sa aking sinapupunan para mapatunayan na deserving ako sa kapatawaran mo, ama?" Alok ko sa aking ama habang umiiyak parin. Wala akong pak
FLAME...KALI'S P.O.VNarito kami ng grupo ko ngayon sa Diretora's Office kasama ang mga Royalties para una naming misyon."So, ano po ang una naming misyon, Diretora?" Tanong ko sa Diretora, ngumisi naman ito na nagpalunok sa akin. Bigla naman itong itong naglapag ng isang papel na may nakalagay na..."Kunin ang"The Feather of Chimera." — Reward: 5,000 000."Yan ang nakalagay sa papel at naka-ukit doon ang imahe ng isang isang nilalang na may katawan at ulo ng leon, may ikalawang ulo rin naman ito na may itsura ng kambing, may buntot din ito ng ahas at isang pares ng pak-pak ng ibon. Creepy!"Ah! Gusto niyo po ba kaming patayin, Diretora?!" Galit na sigaw ni Rhys na pinagtaka ko. Aba ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Rhys ah."Uminahon ka mahal na prinsepe, meron namang sasama sa inyo na may expirience na sa pagkalaban sa C
FEAR...KALI'S P.O.VNang nandito na ako sa loob ng Igreja dos Deuses ay may na-aninag akong isang pigura ng isang Fantasian na nakasuot din ng black cloak na katulad ng sa akin kaya sa sobrang kuryosidad na namamayani sa katawan ko ay dahan-dahan ko itong linapitan. Naglakad ako ng tahimik at sinubukang hindi gumawa ng ingay.Nang tuluywn na akong makalapit sa kanya ay unti-unti kong nilapit ang kamay ko para kalabitin siya, ngunit hindi pa man dumadapo ang kamay ko ay nawala ito sa harapan ko."Kay tagal na panahon kitang inihintay, Kali." Nakakakilabot na saad naman ng isang boses sa likod ko. Kaya naman napaharap ako rito - ngunit wala na naman akong nakita na nagpa-inis na sa akin."Magpakita ka! Kung gusto mo ng laban. Lalabanan kita! Magpakita ka!" Sunod-sunod na sigaw ko, pero wala paring nagpapakita. "Shhh. Huwag kang maingay, Kali." Bulong nito. Kaya umarap ako sa gilid
FREED...ARIOCH'S P.O.V"Ipatawag ang aking ministro, mga maharlika at ang aking mga anak!" Utos ko sa isa sa aking kawal. Yumuko naman ito ata saka dagliang umalis."Mahal, ano bang nais mong pag-usapan natin?" Tanong naman ng aking asawa."Maghintay ka Olivia. Mamayang kumpleto na ang mga maharlika at may matataas na katungkulan sa Dark Continent." Sagot ko naman. Hahaha, sa wakas. Nagtagumpay din ang Deus Lucifero sa kanyang plano HAHAHA.Ilang minuto pa ang lumupas at narito na sa aking harapan ang lahat ng may natataas na katungkulan sa Dark Continent. Tulad ng aking kanan kamay na si Akuji Berno Aluv, ang aking ministro na si Akuji Albeo Nanika, ang aking anak na lalaki na si Prinsepe Akuji Phobes Equinox, Prinsesa Akuji Allure Equinox, at ang aking bastardang si Akuji Lilith Equinox."Ano pong nais ng aking mahal na ama at ipinatawag niya kami?"
REINO DO FOGO...PRINCE RHYS' P.O.V"I-Ikaw ang nagmamay-ari niyan?!" Nabibiglang tanong ni Sephtis nang ipakita ni Flame ang kanyang Fera. Nagulat din naman kami dahil sa nakikita namin ngayon na isang Chimera ang Fera ni kuya."P-Paanong napunta sa iyo ang Chimera Flame? Ang pagkaka-alam ko ay isang Flaming Titanoboa ang Fera mo." Tanong ko maman sa kanya. Binigyan lang naman niya ako ng isang pilyong ngiti. "Gusto mo bang malaman?" Tanong nito sa akin na may pilyong ngiti."Gusto namin." Sabat naman ni Sephtis. Shet, naiilang kong tumingin sa kanya. "Ganun ba, Li?" Tanong naman ni Flame. "Oo, bilisan mo." Walang emosyon na saad ni Sephtis. Ang laki na ng pinagbago ng aking pinakamamahal. Oo alam kong sinabihan niya na akong lumayo – ngunit kahit nasa malayo ako ay hindi naman lalayo ang pag-ibig ko sa kanya. Siya lang ang mamahalin ko habang buhay at walang papalit sa kanya rito sa puso ko.
CONSEQUENCE...KALI'S P.O.V"DAPA!" Sigaw ni Prince Flame. Napadapa naman kami agad dahil sa sigaw na iyo at sunod nun ay ang bumubulusok na bola ng puting apoy ay bumulusok sa amin. "TALON!" Sigaw naman ulit ni Prince Flame, kaya mula sa pagkadadapa ay agaran akming tunalon at sumunod naman doon ang kaninang puting apoy natumama sa lupa na kung saan kami nakadapa kanina. Shit bakit ganito ang pagsalubong sa amin."Hahaha, maligayang pagdating sa Reino do Fogo." Dinig naming may tumawa sa harap ng tarankahan kaya napatingin kami sa harap at doon namin nakita ang isang mga nasa mid-fifty na lalake at may suot itong kurona, nakasout din ito ng royal mantle na nangangahulugang siya ang Hari ng Reino do Fogo. "Ama!" Sigaw naman ni Prince Flame at Rhys at saka ito tumakbong lumapit sa kanilang ama at niyakap ito. "Namiss po namin kayo ama." Saad ni Rhys na may matamis na ngiti sa labi. "Ganon din po ako ama." Saad din naman n
FIRST TIME...PRINCE ELIOR'S P.O.V"Guys tumawag kayo ng healer! Ipaalam niyong gising na si Tan-tan." Rinig na saad ng isang babaeng pamilyar ang boses, bago ko ibukas ang aking mga mata."Guen, 'di muna kami makababalik agad ah. Pagkatapos naming tumawag ng healer kase ay daretso na kaming canteen para bumili ng food, baka kase nagugutom narin yung mokong na 'yan." Dinig ko namang paalam ni Breeze, kapatid ng babaeng kaharap ko ngayon."Tan, ayos kana ba?" Nag-aalalang tanong ni Guenevere nang mapatingin ito ulit sa akin. Si Guenevere Reynn Summer ay ang prinsesa ng Republica de Agua at siya rin ang pinaka-unang babaeng minahal ko, yes, kami ni Guen ay magkasintahan for three years na."Shit! Ang cute mag-alala ng Guen ko. Pero sa totoo lang ayus lang talaga ako Guen, makita lang kita umaaliwalas na ang pakiramdam ko." Saad ko sa kanya na ikinapula naman niya."Grabe ka naman mang bola Tan-tan." Saad nito habang namumula ang mga pisngi na indikasyon ng pagkakilig nito."Guen, namiss
THE PURE LIGHT...GUIA'S P.O.VIsang araw na kaming nagbabantay ngayon sa hospital kasama sila Lilith, Ate Adhira, at Soliel. Binabantayan namin ngayon ang natutulog na katawan nila Xavier, Kuya Lucian, at Kuya Kali na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang tulog. Langyang lalaking tuko 'yon, ginamitan ba naman ng Hold Power si Kuya Kali. 'Di niya ata alam ang patakaran sa Akademyan ito, kakainis. Nandon siya ngayon sa ibang floor ng hospital na ito, inihiwalay siya ni Diretora Anisha, dahil baka kapag nagising daw siya o si Kuya Lucian ay baka magsimula na naman daw sila ng gulo."Guia, bili lang kami ng makakain sa Canteen. Baka gutom kana kase, isang buong araw ka ng 'di kumakain, nag-aalala na kami sa iyo." Nag-aalalang turan sa akin ni Lilith. Kaya naman tumango na lang ako bilang sagot, hays 'di talaga ako makakain ng maige kung alam kong 'di pa nagigising ang mga kuya ko."Guia sabay narin ako kay Lilith para may katulong siyang magbuhat ng mga kakainin natin." Paalam din ni So
OTHER SIDE...KALI'S P.O.VUmaga na ngayon at makikita sa relo na nasa taas ng Solis na 7:00 na ng umaga pero ako palang ang gising, dahil sa malamang sa malamang ay tulog parin ang mga iyon. Pagod kase eh. Kaya naman napagdesisyunan kong ako na lang ulit ang magluluto ng aming almusal.Ang napagdesisyunan kong lutuin ngayon ay Mushrooms Butter Friedrice! Na pinartneran ng Panfry Spicy Mushroom at Mushroom Soup haha nag-try na anman ako ng imbentong luto, pero sakto lang naman mga linuto ko, dahil alam ko kaseng pagod 'tong mga kaibigan ko kahapon kaya nais kong pakainin sila ng maraming Carbohydrates para madalian silang makabawi ng lakas.Habang ginisgisa ko ang bawang at sibuyas ay naisip kong i-try ulit ang pagkanta, biniyayaan kaya ang katawan na ito ng kagandahan ng boses? Masubukan nga...ma-try nga ang It will rain ni Bruno Mars, haha Idol ko 'yan noong nabubuhay pa ako sa mortal world kaya 'wag kayo."Siyet! ang ganda parin ng boses ko hahaha thank you po Mahal ma Dea Justo a
SEVENTH...XAVIER'S P.O.VNaglalakad na kami ngayon dito sa koridor at nakatingin sa Ring Map upang mahanap ang aming bagong Dorm Room, yes po, tama ang narinig niyo "AMIN" nakalagay kase sa golden card na tag-pipito ang mga Irisian na magsasama-sama sa isang Dorm Room. Hindi rin hinihiwalay ang bababe sa lalake, pero atleast magkakasama kame ng mga kaibigan ko.Lumakad at pumanhik sa mga hagdanan, hanggang sa makapanhik kami sa Ika-apat na palapag kung saan tinuturo ng Ring Map ang Dorm Room namin."Dito na ang ating destinasyon guys." Saad sa amin ni Kali. Tumigil naman kami sa pintong may nakalagay na ROOM 333 sa may plaketa nito."Sigurado ka ba?" Tanong ko kaya kali. "Oo nga. Tignan mo anong number 'yan? Hindi ba Room 333 ang nakalagay?" Nakukulitan sagot niya sa akin."Ayy sorry naman po ano, kung sanang sinabi mo sa amin ang room number kanina 'di sana ako nag tanong ano?" Mataray na saad ko kay Kali. Aba noong makuha niya ang card para sa room namin ay sinabihan lang niya kami
IRISIANS...GUIA'S P.O.V"LIFE OR POWER!" Sigaw ni Kkuya kali na lalong nagpanginig kay Dolores, gosh! ngayon ko lang makitang magalit ng ganito si Kuya Kali, grabe...Kung titignan mo ang paligid ngayon ay marami ng nahimatay na mga sub-fera isama pa sa mga nahimatay ang mga alipores no Dolores, at mga malalapit na lumilipad Cyclopes ay bumagsak din sa lupa, marami din ang nanginginig at nanonood na kalahok ngayon kay Kuya kali, sa katunayan nga napansin ko din ang panginginig ni Kuya Lucian, kaya naman nabilib ako kay Kuya kali, pero pansin din naman ang jatawan ko at katawan ni Xavier na talaga namang nanginginig at nakatayo ang mga balahibong nanonood sa mga susunod na gagawin ni kuya Kali.Nagulat anman kami nang nahimatay si Dolores. Ganito ba talaga kalakas si kuya?"Kukunin ko na lang ang iyong Hold Power." Rinig naming saad ni Kuya Kali sabay may kung anong kulay puting liwanag ang lumabas sa katawan ni Dolores at lumipad ito. Ilang sandali pa ay makikitang pababa na ito. Kay
WRATH... KALI'S P.O. "Welcome sa Floreste Albenio, mga Future Irisian." Saad ni Señor Migs. Tatalikod na sana kami ng magsalita ito ulit. "Siya nga pala, hindi kayo share ng point ng mga kagrupo niuo. Bale magsasama lang kayong magkakagrupo para magtulungan sa pagpapatumba ng isang Sub Fera, ngunit kailangan gumalaw parin kayong lahat, dahil individual parin ang mga points. Example, nakapagpabagsak kayo ng isang Golem na may 1,000 points. Kailangan niyong paghatihin ang points na iyon. 'yon lang sige bibigyan ko pa kayo ng another two minutes para makahanap pa ng mga kagrupo." Paalala ni Señor Migs. Kaya naman angsimula na kaming bumuo muna ng grupo. "So, I guess dahil apat lang tayo ay kailangan pa nating maghi-" "Uhmmm, kuya pwede po bang sumali sa grupo niyo?" Tanong ng isang babaeng may sungay at buntot na kulay black na pumutol sa aking pagsalita. Hala wait kung may sungay at buntot sya, gosh! It means demonyo siya?! "Kuya L-lucian isa ba ito sa mga Sinful Soul mo?" Nag-qaal
BEING EXAMINEE...KALI'S P.O.VKababangon ko lang ngayon at nang tignan ko ang Relógio de todos ay 5:00 AM pa lang na saktong sakto para maipaghanda ko ng almusal ang mga kasamahan ko. Gusto ko kaseng ipagluto ng almusal ang mga kasama ko sa bahay, gusto ko namang ipagmalaki ang cooking skill ko. Wag kayong ano diyan ah, dahil hidden talent ko kaya ang pag luluto noong nabubuhay pa ako bilang isang mortal na tao ay ako ang nag luluto ng sarili kong pagkain kapag nag-oovertime noon si mamaDahil bawal kumain ng kahit anong karne ng Fera o hayop sa mundong ito ay gulay at prutas lang ang pwede. May kanin naman pero mas gusto ng mga nilalang sa mundong ito ang tinalay, kaya naman napagdesisyunan kong iluto ang specialty kong Sandiwch slash Salad – ang fried spinache with cheese salad bread.Kapareha lang ang mga gulay at prutas ng mundong ito sa mundo ng mga tao, kaya huwag kayong magtaka kung merong spenach at ibang klase pa ng gulay o prutas dito. Sadyang may ilang puno at halaman lang
MOVE ON...KALI'S P.O.V"ANAK!" Sigaw nito sabay sukob sa patay ng katawan ni Soliel na ikinagulat ko. Lumapit naman ako agad sa Diretora at hinawakan ang balikat niya. Tumingin sa akin ang Diretora at kita ko sa mga mata niya ang sakit. Ilang saglit pa ay biglang tumayo si Breeze, tumingin naman siya sa akin ng masama at nag-ejection na lang ito bigla. Mukhang alam ko na ang namamagitan sa kanila ni Soliel, humarap naman ako ulit sa Diretora."S-So kayo po pala ang ina ni Soliel?" Na-uutal na tanong ko dito. "O-Oo ako nga." Nauutal at lumuluhang saad naman ng Diretora sa akin. Agad naman akong lumuhod sa harap niya, nakisabay naman ang pagtulo ng luha ko."P-Patawarin niyo po ako. A-Ako po ang may sala kung bakit namatay s-si Soliel, k-kung s-sanang hindi niya ako pinrotektahan ay kasama niyo pa sana siya." Nakaluhod at umiiyak na saad ko, naramdaman ko namang tumayo ang Diretora, sunod naman non ay may tumapik sa balikat ko, kaya naman tumayo."Kali, wala kang kasalanan doon, ginawa
MEET THE CRUEL KING...KALI'S P.O.V"B-Bakit?" Nanghihinang tanong ko kay Soliel, nginitian lang naman ako ni Soliel."P-Patawad, s-sabihin mo na lang kay ina ay tapos na ang aming misyon, sabihin mo din kay Breeze na mahal ko pa din siya, salamat" Habilin ni Soliel na nagpa-gulo sa isipan ko, bumagsak naman sa akin si Soliel ng sak-sakin ito ng paulit-ulit ni Lilith."AHHH! Punyeta ka, punyeta ka, punyeta ka!" Galit na galit na sigaw ni Lilith habang tinatad-tad ng sak-sak si Soliel, naawa naman ako sa wala ng buhay na kataaan ni Soliel."TUMIGIL KA NA!" Galit na sigaw ko dahil hindi ko na kaya pang makita ang nangyayari kay Soliel, nagulat namana ko ng gumalaw ang braso ni Soliel, bigla itong humarap kay Lilith at isinaksak ni Soliel sa kanyang sariling katawan ang kutsilyo na hawak ni Lilith, bigla namang hinablot ni Soliel ang kwintas ni Lilith at ibinato ito saakin, naramdaman ko namang bumalik ang koneksyon ko kay Death."It's payback time!" Sigaw ko, nakita ko namanang bumagsak