Share

CHAPTER 03

KISS...

KALI'S P.O.V

Prinoproseso pa ng utak ko ang nakikita ko ngayon hanggang sa masambit ko ang katagang, "mama."

Para namang may kung ano sa katawan ko at bigla itong gumalaw at tumabo papunta sa babaeng matagal ko ng hindi nakikita, nakaka-usap at nahahagkan. Hindi ako maaring magkamaling siya ang aking ina, si Yolanda Anastacio. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap at umiyak sa kanyang balikat. Naramdaman ko naman ang isang kamay na humaplos-haplos sa aking likod na nagpakalma sa akin, kaya naman humiwalay na ako sa pagkakayakap at doon ko na naman nakita ang mukha ng aking unang ina na nakangiti.

"T-Triste po, h-hindi ko po sadya." Paghingi ko ng tawad kay Mama Yoli, yan ang palayaw kase niya, kung siya nga ito. Pero sana siya nga. Ngumiti naman ito.

[Triste- Sorry]

"Ayos lang anak, marahil ay namimiss mo na ang iyong ina ano? Pero alam mo may pakiramdam ako na nagkita tayo noon, ano ang iyong ngalan iho?" Tanong nito kaya naman umayos ako ng tindig at ngumiti.

"Opo, mama, ay este Ms. Yolanda, namiss ko po bigla ni nanay at ang pangalan ko naman po ay Sephtis Kali Picosa, anak po ako ni Otima Mae Aurelia Picosa." Saad ko sabay nagpakilala, nakita ko namang nagulat ang mukha ni mama.

"Oh! May anak na pala si Aurelia? Noong umalis ako ay walang kapakya-pakyalam sa mundo iyon, di ko inaasayang may napakaganda siyang babaeng anak na ganito." Maligalig na saad ni mama. Kumpirmadong siya nga ang aking ina, dahil ganitong-ganito ang personality ni mama, walang duda. Ngunit nasamid naman ako sa sinabi niyang magandang babaeng anak daw ako haha.

"Hindi po ako babae at hindi rin po ako lalake. Ang totoo po niyan ay wala akong tiyak na kasarian." Saad ko naman kay mama. Yes mama na itatawag ko sa kanya tutal mama ko naman siya noon sa mundo ng mga tao.

"Ano? Genderless? Isa ka bang Dea?" Gulat na gulat na tanong sa akin ni mama. Ngumiti naman ako at sinabing, "hindi po." At saka namna siya tumnago-tango.

"By the way, pwede ba kitang tawaging Seph?" Nakangiting tanong sa akin ni mama. Napangiti naman ako at tumango.

"Yes naman po, pero pwede ko po ba kayong tawaging Mama Yoli?" Tanong ko dito kita ko namang nagluha ang mata nito at tumango.

"Lapit ka nga dito Seph nang mayakap kita." Utos ni Mama Yoli, kaya naman lumapit ako at niyak ko siya. Narmadaman ko namang nabasa ang aking balikat kaya humiwalay ako sa pagkakayakap at doon ko nakitang lumuluha na pala si Mama Yoli. Nginitian ko naman ito.

"Triste, naalala ko lang ang yumao kong anak, hays halos fourteen years na rin siyang patay ngayon." Saad ni Mama Yoli habang nagpupunas ng luha. Ngumiti lang ako, kung alam mo lang ma, buhay na buhay ako dito sa bagong katawan at bagong mundo.

"Siya nga pala Fuchsia, bakit kayo nandito sa Orion?" Tanong ni Mama Yoli kay Fuchsia.

"Ah, naghahanap kase ang aking Owner ng magandang lugar na pag-eensayuhan kaya dinala ko siya dito." Sagot naman ni Fuchsia. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Mama Yoli dahil doon.

"So ikaw pala ang napiling maging Owner ng isang Deus-like Fera na si Fuchsia na nangangahulugang isa kang napakalakas na Fantasian. Ano bang Hold mo Seph?" Saad ni Mama Yoli sa akin sabay bato ng tanong.

Sumagot naman ako, "uhm, ang Hold ko po ay ang Death Extinction Hold," kita ko naman napanganga si Mama Yoli, "ah?! So ikaw pala ang nakakuha ng Hold ng kapatid ko." Namamanghang saad nito kaya naman natatawang tumango ako dahil ganitong ganito ang ugali niya noong ako pa si Manuel Kagura Anastacio. I really miss her.

"Sige! Dahil diyan, napagdesisyunan kong ako ang magiging coach mo sa training mo!" Maligalig na sigaw ni Mama Yoli. Napatigil naman ako doon at di namalayang tumutulo na pala ang aking luha.

"Oh bakit ka umiiyak anak?" Tanong nito sa akin. Pinunasan ko naman ang luha ko at umiling, "wala po ito." Saad ko na lang, pero sa loob-loob ko ay napakasaya ko dahil nakikita, nahahawakan at kasama ko na ang pinaka-una kong ina.

"Tara simulan na natin kung gayon!" Sigaw ni Mama Yoli sabay sinapak ako sa mukha na ngapatilapon sa akin.

"A-Aray, ang sakit naman ma!" Sigaw ko naman habang hinahagod-hagod ang aking likod, kita ko namang seryoso ang mukha nito.

"Aba asahan mo na sa mga training gnaiyan kyaa bata laban!" Sigaw nito na nagpaseryoso rin sa akin.

"Opo!" Saad ko sabay sugod...

...

GUIA'S P.O.V

(BOGSH)

"A-Aray." Saad ko na lang habang pinipilit kong tumayo kahit sobrang sakit na ng likod ko. Nang makatayo na ako ay tinignan ko naman ang prinsepe, doon ko nakita na sobrang sama ng tingin na ipinupukol sa akin nito.

"Guia?!" Galit na sigaw ng prinsepe, kaya naman ngumiti ako sabay peace sign. Pero galit parin lumapit sa akin si Prince Dritan, tinaasan ko naman ito ng kilay at hinintay na makalapit sa akin, aba hindi ako binuhay muli para magpatalo ano!

"Hindi mo ba alam ang salitang privacy?!" Sigaw nito sa mukha ko. Huminga naman ako ng malalim sabay...

(PAK)

Sinampal ko siya ng sobrang lakas na nagpatumba sa kanya.

"Para yan sa ginawa mo kanina kay Princess Guen, oo alam ko ang salitang privacy, pero ikaw ang tatanungin ko, alam mo ba ang salitang "marurity?" Ah?" Malumanay na panenermon ko sa prinsepe na hanggang ngayon ay nakasampak sa lupa at hawak-hawak ang pisngi na nasampal ko.

"AHHH!" Sigaw naman nito habang umiiyak na para bang nasasaktan, "a-ano bang mali sa akin? Di ba nasa a-akin na ang lahat? Pero bakit h-ganggang ngayon ay iniiwan parin ako ng mga taong mahalaga sa akin?!" Na-uutal at humahagul-gol na sigaw nito.

"Alam mo, sa totoo lang, wala sa iyo ang lahat iyan ang tandaan mo, hindi porke gwapo, prinsepe, at matalino na ay nasa iyo na ang lahat, alam mo ba kung anong wala ka?" Tanong ko sa prinsepe, napa-iling naman ito na parang bata.

"Iyon ay ang salitang "emphaty," nababalitaan ko lahat ng mga kagaguhan at kasamaan na ginagawa mo mahal na prinsepe, lahat ng hindi Royalties ay itinuturing mong putik at iyon ang iyong pagkakamali." Makabuluhan at seryosong panenermon ko sa prinsepe na nakasalampak parin sa lupa at humahagul-gol.

"Isa lang talagang putik na dapat tapakan! Sila ang naging dahilan kung bakit namatay si ina! Ang mga mababang-uri!" Sigaw nito habang umiiyak, nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

"Ano bang nagawa ng mga simpleng Fantasian sa iyong ina?" Tanong ko out of curiosity. Bigla namang yumuko ito.

"Sa sobrang kabaitan ni ina ay mas pinili niya pang isakripisyo ang buhay niya para sa mga nasasakupan niya noong may isang mababang Fantasian ang humingi ng tulong ni ina dahil malapit na raw mamatay ang anak nito." Kwento nito, humagul-gol muna siya saglit at nagtuloy ulit sa pagkukwento.

"Pumayag naman si ina, agad siyang nagtungo sa bahay ng mababang Fantasian at doon niya nakitang parang unti-unting naagnas ang katawan ng bata kaya sa awa ni ina ay inilipat ni ina ang sakit ng bata sa kanya na naging sanhi ng pagkamatay niya. Katapos ay parang wala lang pakialam si ama at isang linggo lang ay nag-asawa na ito ng bago." Kwento nito habang umiiyak parin. Nagulat naman ako dahil doon kaya naman, larang may kung ano sa aking loob na nagsasabing yakapin ko ang prinsepe.

Kaya naman lumapit ako rito sabay luhod at niyakap ito, "shh, huwag ka ng umiyak, mahal na prinsepe, alam mo napakabuti ng iyong ina. Sa tingin mo ba masisiyahan siya sa mga ginagawa mo?" Saad ko sa prinsepe habang nakayakap parin.

"Alam mo Guia, sa totoo lang, hindi ko na kilala kung sino ako magmula ng mamatay si ina. Siguro kaya ko ginagawa ang mga masasamang gawain sa mga mababang Fantasian ay dahil may poot sa puso ko." Saad naman ng prinsepe sa akin kaya naman napangiti ako at hinarap ko siya.

"Hays, alam mo laging ang poot na nakulong sa loob talaga ang nagsasanhi para maging masama ang isang nilalang, pero hindi mo naman masisisi ang mga nagkaroon ng poot sa kanilang loon, alam mo ba kung bakit?" Tanong ko sa prinsepe at umiling naman ito na parang bata na kinatawa ko ng bahagya.

"Bakit?" Tanong ng prinsepe.

"Dahil, ang masasamang karanasan mismo ang nagiging punla para sa kasamaan at pagkasira ng isang tao." Malumanay na saad ko naman sa prinsepe na nagpangiti sa kanya.

"Salamat Guia, ang sarap pala sa pakiramdam kapag napakawalan mo na ang mga sama ng loob na matagal mo ng kinikim-kim." Nakangiting saad nito sabay pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa kanyang mata. Infairness, ang gwapo niya kahit nakasalampak siya sa lupa at umiiyak.

"Guia!" Maligalig na saad niya sabay biglang yakap sa akin. Agad naman itong humiwalay at tumingin sa mga mata ko ng daretsuhan, nilabanan ko naman ang mga titig niya, at ilang saglit pa ay bigla niya na lang akong hinalikan.

Pinipilit ko namang tanggalin ang paghalik niya sa akin, ngunit mas diniinan niya pa ito kaya naman parang may kung ano sa loob ko na nagsabing labanan ko rin ang halik ng prinsepe kaya naman naghalikan lang kami, ngunit bigla ko namang naisip na kaka-break lang nila ni Princess Guen at baka gawin lang akong rebound nito or worst, magalit ang lahat sa akin pati na rin ang pamilya ko kaya naman tinulak ko siya at madaliang tumayo.

"Mali ito mahal na prinsepe, sobrang mali nito." Malumanay na saad ko sabay pikit para nag-quick step.

"Guia sanda-" huling dinig ko bago ako tuliyang makapag-quick step....

...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status