Share

IMD 02

Author: Franciz Xavier Zy
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Habang naghihintay sa dressing room si Jastine para sa next na performance niya, ang ikalawa sa tatlong performance niya sa gabing ito, hindi maiwasan ni Jastine na isipin ang lalaki. Sa lahat ng taong nakita niya sa audience, itong lalaki lamang ang naiiba sa lahat. Parang sinasadya nito na I-distract siya para magkamali sa kanyang performance. Halatang-halata naman siguro kung paano ito natuwa nang sandaling na-out of focus siya sa kanyang gagawin. Jastine forgot to make a turn like a supermodel at the end of the platform.

Nag-iinit na naman ang ulo ni Jastine habang bumabalik sa kanyang isipan ang nangyari sa opening front niya. Mabuti na lang talaga hindi masyadong nahalata ng mga manunuod ang saglit na paghinto at hindi niya paggalaw. At mabuti na lang talaga nagpatuloy pa rin ang bibig niya sa pagkanta ng lyrics. Dahil kung hindi, it would be a shame on her reputation if she was caught lying. Jastine is famously known for her high quality performances and fabulous dresses that match the costumes used by drag queens in a drag race contest.

Umupo si Jastine sa tapat ng electric fan kahit na may air conditioner sa loob ng dressing room. Masyado na siyang naiinitan sa suot niyang damit, lalo pa’t balot na balot siya sa suot niya ngayon kumpara sa unang damit niya na halos naka-two piece swimsuit na lamang siya. Idagdag pa na makapal ang tela na gamit sa paggawa ng costume na ito. Kung bakit ba naman kasi ito ang naisipan niyang gamitin na material. Pwede naman iyong mas manipis na tela.

Hindi pa nakuntento si Jastine sa lamig na binubuga ng air conditioner at level three na hangin na binubuga ng nakatapat na electric fan sa kanya. Kinuha pa ni Jastine pamaypay na nasa kanyang lamesa sa tapat ng salamin na napapalibutan ng maliliwanag na light bulbs. Sumasabay sa init ng ulo niya ang init na nararamdaman niya sa katawan.

Bumuga ng hininga si Jastine. Tumitig siya sa salamin kasabay ng pagpaypay niya sa bandang leeg at mukha niya.

“Jusko naman. . .” anas ni Jastine. “Hindi dapat ako nagpapaka-stress dahil sa lalaking iyon. Sayang ang ganda ko kapag maii-stress lang ako dahil sa kanya. Nag-iisa lamang siya. Pero wengya naman kasi. . . Bakit ko pa nakita ang lalaking iyon? Sa dinami-rami ng maaari mapansin ng mga mata kong ito, ang lalaki pa talaga na iyon? Halata naman na nananadya ang isang iyon para masira ang ganda ko,” daldal ni Jastine sa harap ng salamin, kinakausap ang sarili.

Tinignan niya nang mabuti ang sarili sa salamin. Inaanggulo pa niya ang kanyang mukha upang makita ang kabuuan ng kanyang mukha na punong-puno ng makapal kolorete. “Sa ganda kong ito? Maraming nagkakandarapa sa akin.” Hinawi ni Jastine ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mata. Sinabit niya ito pabalik sa kumpol ng buhok sa may noo niya.

“Subukan niya lang muli na titigan ako nang pagkalalim at ngumisi kapag nagkamali ako. . . Mababato ko talaga siya ng high heels. Wengya siya. Kahit gwapo pa siya, wala akong pakialam kung tumama ang takong ng heels ko. He’s not worth it,” nagpapalabas ng inis na bulalas pa ni Jastine.

Siya lang mag-isa ang kasalukuyan na nasa dressing room. Katatapos lamang niya magpalit ng damit. Ang iba ay nasa backstage na naghihintay sa kanilang turn na tumapak sa stage. Kakaalis lamang doon ni Jastine at nasa kalagitnaan pa ng show ang susunod na paglabas niya.

Huminga nang malalim si Jastine. Pinapakalma niya ang kanyang sarili. “Relax ka, self. Huwag mo na isipan ang gagong lalaki na iyon. Imaginin mo na lang ang mga fafable na nasa VIP lounge. Iyon. Mas mabuti nga ‘yon. Mas maayos pa ang mga lalaki sa VIP lounge. At higit sa lahat walang binatbat ang lalaking iyon sa mga nasa VIP lounge, mabait na, gwapo pa, at hindi mapagkakaila na maganda ang hubog ng katawan. Iyon ang worth it na pagtuunan ng pansin, Jastine,” kumbinsi ni Jastine sa sarili.

Tila effective naman ang pagkondisyon ni Jastine sa sarili. Nawala sa isipan niya ang mukha ng lalaki. Nawala rin ang inis niya at bahagyang lumamig na rin ang katawan niya. Nakapag-adjust na ang katawan niya sa suot na damit.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa high stool chair. Humarap ulit si Jastine sa salamin. Pinulot niya ang isang brush na nakalatag sa isang tabi ng lamesa. Panandalian siyang nag-retouch ng kanyang makeup sa bandang leeg na dinaanan ng pawis. Maging sa bandang noo niya at pisngi, tinapalan niya ito ng retouch. Mabuti na iyong nakakasigurado na hindi siya nagmumukhang katawa-tawa dahil sa natunaw na makeup dulot ng pamamawis niya.

Tinitigan ni Jastine ang sarili kasabay ng paglapag niya ng brush. Nag-lean pa siya palapit sa salamin at nag-pout. Tinitingnan kung maayos pa ang napakapulang lipstick sa kanyang mga labi. Nang mapansin ni Jastine na medyo manipis na lang ito, hindi siya nagdalawang isip na kunin ang ginamit niyang shade ng red lipstick na nasa lamesa lang din.

Pinahiran ng lipstick ni Jastine ang mga labi niya. Nilayo niya nang kaunti ang hawak na lipstick. Ginalaw-galaw ni Jastine ang mga labi niya upang maayos at maging pantay ang lipstick sa ibaba at itaas na labi. Pinatunog pa niya ang kanyang mga labi na tila nagbigay ng smack kiss sa harap ng salamin. At nag-smize look at inulit ang pag-akto na nagsa-smack kiss. Sinara ni Jastine ang hawak na lipstick at binalik sa lamesa nang hindi tumitingin. Nakatuon lamang ang tingin niya sa kanyang reflection sa salamin.

“Ayern! Maganda ka na ulit, gurl,” puri ni Jastine sa sarili. Tinuro pa niya ang sarili sa salamin.

Maganda na ulit ang mood ni Jastine nang matapos niyang ayusan ang sarili. Taas noo siyang lumabas ng dressing room at naglakad papunta ng backstage kung nasaan ang mga kasamahan niya. Ilang minuto na lang ay lalabas na ulit siya.

Hindi nga nagtagal ay patapos na ang susundan na act ni Jastine. Pumwesto na siya sa madilim na parte ng stage, sa kaliwang dulo. Ang mga ilaw at ang spotlight ay nakatuon pa sa kasulukuyang patapos na act. At nasa pahabang platform nagpi-perform ang mga ito.

Habang nakatago sa dilim, hinanda ni Jastine ang sarili. Inayos niya ang lapel microphone na nakasabit sa kanan niyang tenga. At saka siya nag-pose na parang isang candidate ng Miss Universe, iyong pose na pang-swimsuit. Nakaanggulo na naka-extend ang kanang binti sa gilid, pointed ang paa. Habang ang kaliwa niyang binti ay tuwid na sinusuportahan ang buong bigat niya. Nasa bewang nakahawak ang kaliwang kamay habang ang kabila ay baba lamang sa gilid. Fierce ang mga matang naka-smize ngunit may halong landi na sinabayan pa niya ng mapaglarong ngiti.

Eksakto sa pagtaas ni Jastine ng kanyang mukha ang pagtapat ng spotlight sa kanya. Mabilis na may hinanap ang kanyang mga mata habang hindi pa nagsisimula ang kanyang parte. May hinahanap ito sa audience. At sa hindi malama ni Jastine na kadahilanan, dumiretso sa bar counter ang tingin niya. Doon sa upuan na inuukupa kanina ng lalaki.

Lumaki ang ngiti ni Jastine nang hindi niya nakita roon ang lalaki.

Mabuti naman at umalis na ang gago, ang bulong ni Jastine loob ng kanyang isipan. Nakahinga siya nang maluwag.

Gaya ng nauna niyang performance, naging maayos ang daloy habang nasa malaking espasyo pa siya ng stage. Naputol lang din ulit ito sa may kalagitnaan ng kanyang performance nang pumunta na siya sa pahabang platform at naglakad na tila pinaghalong supermodel at beauty queen. May naamoy siyang usok ng sigarilyo sa paghinto niya sa may dulo ng platform.

Bahagyang sumama ang expression niya sa mukha ngunit hindi ito gaanong halata ng audience dahil pinigilan niya ang sarili na pumangit ang mukha. Ngunit dahil sa nasinghot na usok ng sigarilyo ay dahan-dahan na bumagal ang kanyang kilos. Ininda niya ang unti-unti na biglang pagsakit ng ulo at ang paghabol ng kanyang hininga.

Kumunot ang noo ni Jastine pero pinagpatuloy pa rin niya ang ginagawa. This time, hindi na ito kasing energetic gaya sa first half ng performance. Hinanap niya ang pinagmulan ng usok ng sigarilyo.

Alam ba naman kasi ang naninigarilyo malapit sa stage? Pinapaalala naman ng bar at ng host mismo na bawal ang manigarilyo malapit sa stage dahil maaari itong makaapekto sa performances ng performers na kagaya ni Jastine. Pwede naman manigarilyo sa loob ng bar as long as hindi malapit sa stage.

Nakita ni Jastine ang usok. Sinundan niya ito ng tingin pababa. At lalo lamang uminit ang ulo niya sa nahuli niyang naninigarilyo sa mismong front line ng stage. Nasa tapat niya mismo ang naninigarilyo. At wala itong iba kundi ang lalaki pa rin kanina na sumira sa performance niya kanina, ang nagdulot ng mishap sa kanya.

Wengya. Akala ko ba umalis na ang gagong ‘to?

Natutuwa ang lalaki na pinapanuod siyang nahihirapan sa stage, sa harap ng maraming manunuod. Pinausukan pa siya nito nang magtama ulit ang kanilang mga tingin.

Nahirapan si Jastine na huminga. Mabuti na lamang at eksakto sa pagtatapos ng background music at pagkawala ng spotlight sa kanya ang naging paghabol niya ng hininga. Nahihirapan siyang huminga dahil sa usok ng sigarilyo na direktang sumalubong sa mukha niya’t diretso ang pasok nito sa kanyang ilong kasabay ng paghinga niya.

Hindi makagalaw si Jastine sa kanyang kinatatayuan at pakiramdam niya’y nanghina ang kanyang katawan. Hanggang sa hindi na niya napansin ang pagbagsak niya mula sa stage.

Kapag namatay talaga ako dahil sa lalaki ‘yon, hindi ko siya titigilan. Mumultuhin ko siya hindi lang gabi-gabi, kundi kahit sumisikat pa ang araw. Aaraw-arawin ko talaga siya, ang tila sumpa pa na huling naisip ni Jastine bago siya tuluyan na nahulog mula sa stage. Naramdaman na lamang ni Jastine ang matikas na mga bisig na sumalo sa kanya. Naamoy pa niya ang natural na mabangong amoy ng taong sumalo sa kanya na ikinangiti niya bago tuluyan na naging madilim ang paningin niya. 

Kaugnay na kabanata

  • Inject Me, Doctor   IMD 03

    Nakapikit pa rin ang mga mata ni Jastine nang bumalik ang kanyang kamalayan. Naririnig na niya ang nag-uusap na mga boses sa paligid. Ang ilan sa mga boses na ito ay nakilala niya, maliban lamang sa isang boses ng lalaki na ngayon pa lamang niya narinig. Kahit pa hindi nakikita ni Jastine ang nagmamay-ari ng naturang boses ay tumatatak at rumerehistro na sa utak niya na isang napakagwapong nilalang ang nagmamay-ari ng boses.Bumalik sa kaisipan ni Jastine ang napakakisig na mga brasong sumalo sa kanya nang mawalan na siya ng kontrol sa kanyang sarili. Maging ang mabango nitong amoy, ang amoy ng pinaghalong natural na amoy ng taong sumagip sa kanya at ang perfume na gamit nito. Lalaking-lalaki at hindi maipagkakaila na malakas ang naging epekto nito sa kanya.Nanatili na nakapikit si Jastine. Pinapakinggan niya ang mga nag-uusap pa ring mga boses. Kung sa unang mga segundo at minuto na paggising ni Jastine ay hindi pa niya maayos na nauunawaan ang pinag-uusapan ng mga ito, sa oras na i

  • Inject Me, Doctor   IMD 04

    Kitang-kita ni Jastine ang pagngisi ng lalaki habang inilalayo nito ang sarili. “Ayan na naman ‘yang titig mo, miss or whatever,” pigil ang tawa na saad ng lalaki.Sumama agad ang pinupukol na tingin ni Jastine sa lalaki. “Napakayabang mo rin, ano? For your information, hindi kita tinititigan. Nagtataka lang ako bakit hindi ka pa umaalis. Kita mo naman na okay na ako. Kaya shoo ka na.” Ginalaw ni Jastine ang kanan niyang kamay, pinapaalis na ang lalaki. “Alis ka na. Baka kung ano pa isipin ng iba kapag nagtagal ka pa rito sa loob.”“At ano naman ang iisipin nila? We are doing nothing here.” The guy smirked. At hindi maipagkakaila sa mukha nito na natutuwa ito sa pinaggagawa ni Jastine. “Or is there something you want us to do, miss or whatever?”Inayos ng lalaki suot na eyeglasses. Pagkatapos ay tiningnan nito si Jastine nang bahagya na nakayuko ang ulo. Tila nagpapapogi at nagpapa-cute sa harapan ni Jastine.Lalong sumama at tumalim ang mga mata ni Jastine. Maging ang mukha ni Jastin

  • Inject Me, Doctor   IMD 05

    “Hello! Earth to Jastine!” sabi ng isang tinig sa harap ni Jastine.Wala pa ring kibo si Jastine kahit winagayway na ng tao na nakatayo sa harapan niya ang isang kamay. Nakabukas ang mga mata ni Jastine pero wala ang presensya niya sa kung nasaan siya. Blangko ang tingin ng mga mata ni Jastine na tila ba may malalim siyang iniisip at bumabagabag sa pag-iisip niya.“Hoy! Jastine! Anyare sa ‘yo, te? Kanina ka pa hindi kumikibo. Kahit kaunting galaw, waley,” tila nai-stress nang sambit nito. “Mukha ka talagang hindi okay kaya umuwi ka na lang, Jastine.”“Nako, te. Malamang sa malamang. . . Iniisip pa rin niya iyong poging fafa kanina. Hindi pa ata nakaka-recover si ackla sa ginawa nila,” komento naman ng isa pa.“Pinagsasabi mo, ackla?” tanong naman ng tao na nasa harapan ni Jastine. “At sinong poging fafa? Iyon bang nakasalo kay Jastine?”“Oo, te. Alam mo naman. Well. . . alam naman natin na ganoon ang tipo ng lalaki ang bet na bet ni acklang Jastine. At ito pa. . .” may pang-eengganyo

  • Inject Me, Doctor   IMD 06

    Ayaw na sana pa itong pansinin ni Jastine at ipagpatuloy ang paglalakad. Ngunit, hinawakan siya nito sa braso. Nagmatigas si Jastine. Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nakaharap lamang si Jastine sa kabilang direksyon kung saan hindi niya ito nakikita.Pabawi na hinatak ni Jastine ang braso niya. Hinigpitan naman nito ang pagkakawak kay Jastine, pinipigilan si Jastine na umiwas at lumayo.“Pwede ba, Jastine? Huwag ka na muna magmatigas ngayon. Pinapauwi ka nina mama at papa,” anas ng lalaki. “Gusto ka nilang makita. Hindi ka na kasi umuuwi ng bahay,” dagdag pa nito.Huminga nang malalim si Jastine. “Uuwi ako kung gusto ko, kuya. Pipilitin lang naman nila ako na magpa-checkup kapag nasa bahay ako,” tugon ni Jastine.Hinablot muli ni Jastine ang braso niya. Sa pagkakataon na ito ay nabawi niya nang tuluyan ang braso niya. Humarap si Jastine sa lalaki. “Kita mo naman na okay ang kalagayan ko ngayon, kuya. Sabihan mo na lang sina mama na maayos ang kalagayan ko. Wala sila dapat na ipag-

  • Inject Me, Doctor   IMD 07

    Walang tigil ang paghihimutok ni Jastine na bumaba ng sasakyan ng kanyang kapatid. Malakas at padabog pa niyang tinulak ang pinto nito nang hindi tumitingin. Nauna nang tinungo ni Jastine ang pinto ng kanilang bahay habang sunod-sunod pa rin ang pagsinghap niya sa inis na bumabalot sa kanya. Hindi talaga makakalimutan ni Jastine ang ginawa ng lalaki sa kanya. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang tulong nito ay hindi siya nito tinulungan.Akala ni Jastine ay tutulong ito sa mga nangangailangan ng tulong dahil ito ang tila ginawa nitong impression sa kanya. Nagmakaawa na nga siya sa lalaki at kulang na lang ay lumuhod siya sa harap nito. Nagtama pa ang kanilang mga mata. Ngunit, wala man lang itong ginawa. Tahimik lang ito na nakasandal sa tabi ng kotse nito at pinapanuod siya na buhat-buhat ng kanyang kapatid palayo. At mukhang natutuwa pa ito sa nakikitang nangyayari sa kanya.Kumulo ang ulo ni Jastine nang maalala ang mukha at paraan ng pagtingin nito sa kanya. Pigil at impit

  • Inject Me, Doctor   IMD 08

    “Jastine?” ang tawag ng mama nina Jastine. “Totoo ba ang sinasabi ng Kuya Jeremy mo?”Tila nanigas si Jastine sa kanyang kinatatayuan. Ngunit agaran rin na tinapunan ng masama at matalim na tingin ang napakagaling maghinala at gumawa ng kwento na kapatid niya.“Ma? Naniniwala ka talaga kay Jeremy? Jusko naman. . . Kung may kinikita talaga akong lalaki, edi sana pinakilala ko na sa inyo, hindi ba?” anas ni Jastine.Nagpalipat-lipat kay Jastine at Jeremy ang pansin ng mama nila. Habang ang papa naman nila ay tahimik lang na nakatayo sa likuran ng mama nila.Nagkibit ng balikat si Jeremy. “Oh? Bakit ganyan ka sumagot, Jastine? Napaka-defensive mo rin kaya hindi kapani-paniwala na walang namamagitan sa inyo ng lalaking ‘yon. Hinintay ka pa nga niya sa labas sa kotse niya, ‘di ba? Kung hindi ko siya naunahan, baka sumama ka na sa kanya at magkasama kayo ngayon.” Pagkatapos ay hinalukipkip nito ang mga braso. Mataas ang tiwala nito sa sarili na tinaasan ng mga kilay si Jastine.“Nakita mo b

  • Inject Me, Doctor   IMD 09

    Malakas na katok sa pinto ang humila ng diwa ni Jastine mula sa malalim na pagtulog. Dahan-dahan na nagmulat si Jastine kasabay nang napakahaba niyang paghukap at pag-iinat ng mga braso’t binti.“Jastine, gumising ka na diyan,” ani ng tao na nasa labas ng kwarto. Kumatok pa itong muli.Umupo si Jastine sa kama. “Ano ba ‘yan, Jeremy? Ang aga-aga. Nabubulabog ka ng tulog,” pasigaw na tugon ni Jastine. Hinanap niya ang cell phone sa tabi ng unan. Napapikit pa siya nang kaunti nang umilaw na ito.Narinig ulit ni Jastine ang pagkatok ni Jeremy sa pinto. Mas malakas ito kesa sa nauna nitong mga pagkatok. “Lalabas ka na ng kuwartoi mo o bubuhatin pa kita pababa?” tanong naman ni Jeremy.Unti-unting nakapag-adjust ang paningin ni Jastine sa ilaw ng cell phone. At hindi nga siya nagkamali, sobrang aga pa. Humikab ulit si Jastine.Ano na naman ang kailangan ng magaling na kapatid kong ‘to?Napalingon si jastine sa may bintana. Mahina pa lang ang sinag ng liwanag. Halos hindi pa nga ito nakakapa

  • Inject Me, Doctor   IMD 10

    Hindi maalis ang mapanuring pares na mga mata ni Jastine sa lalaki na tila tuwang-tuwa sa pakikipag-usap sa magulang nila ni Jeremy. Maraming mga tanong ang pumasok sa utak ni Jastine na ikinalipad ng pag-iisip niya. Nanliit ang mga mata ni Jastine na tinitigan ang lalaki. Halos magkasalubong at magdugtong pa ang kanyang mga kilay kasabay nang bahagya na pagkunot ng noo niya.Shutangina naman. . . Anong ginagawa ng mayabang na ‘to rito sa bahay namin? Paano niya nalaman kung saan ang bahay namin? At higit sa lahat. . . bakit nandito ito ngayon?Sinubukan ni Jastine na maghalungkat ng kasagutan sa kailaliman ng kanyang utak. Wala naman siyang ginawa sa lalaki para puntahan siya nito sa bahay nila. Hindi nga niya sinagot ang tawag nito kagabi. Pinatayan agad ito ni Jastine pagkatapos niyang marinig ang boses ng lalaki. Kahit maikli lang ang sinabi nito at isang tanong lang ay alam na alam na ni Jastine kung kaninong boses iyon. At sa una pa lang ay wala naman talaga siyang plano na sagu

Pinakabagong kabanata

  • Inject Me, Doctor   IMD 25

    Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Jastine. Hindi na niya napigilan pa ang pag-uunahan ng bwat patak nito na makatakas sa kanyang mga mata. “D-Drei. . . B-bakit. . . H-hindi mo a-agad sinabi?” mahinang sabi ni Jastine. Diretso ang titig niya sa mga mata ni Drei. Sa isang iglap, naramdaman ni Jastine ang init ng pagyakap ni Drei sa kanya. Inaalo pa siya nito upang tumahan. “Jastine, I know I should have told you immediately. But. . . gusto ko rin muna na maalala mo ako at kung ano ako sa ‘yo kaya hindi ko agad sinabi sa ‘yo. I’m so sorry for doing that.” Sinagot ni Jastine ang yakap ni Drei. “No. . . Ako dapat ang mag-sorry. Kinalimutan ko ang lahat ng tungkol sa ‘tin. At hindi ko agad naalala.” Nanatili silang dalawa na magkayakap. Bahagya nang nakaluhod si Drei sa kama habang si Jastine ay nakaupo pa rin. Marahan nitong hinahaplos ang likuran ni Jastine. “Shh. . . It’s not your fault, babe. I’m the at fault for leaving you behind given your situation. I shouldn’t have muste

  • Inject Me, Doctor   IMD 24

    Umabot ng mahigit isang oras ang paghihintay nina Jastine sa results ng mga medical at laboratory exam. At imbes na maburyo sa paghihintay nito lalo na nasa loob lamang siya ng office ng mama ni Drei, she felt more excited staying at the small lounge inside the office. Nanaig sa kanya ang isipin na masisilayan niyang muli ang nag-iisang lalake na umabot sa sa standards niya.After more or less an hour of waiting, bumalik na sa loob ang mama ni Drei na may dalang balita kay Jastine. Pero wala pa ring kahit na anino ni Drei ang nakita ni Jastine. She concluded that Drei must be off-duty at the moment kaya hindi niya ito nakita. Pinagpalagay na lamang niya ito na ganoon. At tinatak sa isipan niya na marami pa silang pagkakataon na magkitang muli lalo pa’t alam na niya kung saan ito nagtatrabaho.And Jastine did not expect that what she was thinking will immediately come true dahil sa balitang sinabi ng mama ni Drei sa kanya. In fact, mas natuwa pa nang marinig ito. Kabaliktaran sa inaasa

  • Inject Me, Doctor   IMD 23

    “Jastine!” pagtawga ulit ng mama ni Jastine sa kanya. At saka lang umaba ang tingin niya’t napatingin sa mama niya.Bahagya na nakakunot ang noo ni Jastine. Ngunit, hindi niya ito ipinahalata nang magkasalubong na ang tingin nila ng mama niya.“Yes, ma,” sagot ni Jastine. Ngumiti siya at saka sumunod na pumasok.Bago pa man tuluyan na makapasok si Jastine ay napatingin siya sa likuran niya. At gaya ng inaasahan niya ay makahulugan pa rin na nakatitig sa kanya ang si Jeremy. Mas lalo lang itong naging kakaiba na tila may napansin itong panibago.Pinanliitan ni Jastine ng mga mata si Jeremy. Mukhang napansin nito ang pagkabigla niya nang mabasa ang nakalagay na pangalan sa pinto.Wala namang sinabi si Jeremy sa kanya patungkol sa kung ano ang nasa utak nito gaya ng nakagawian, mapanuri lamang itong nakatingin sa kanya. Kaya ay tinalikuran na niya ito. Ngunit iniwanan niya ito ng isang may pagbabanta na tingin.Nakita pa ni Jastine ang marahan na pagngisi ni Jeremy sa dulo ng labi nito.

  • Inject Me, Doctor   IMD 22

    Malalim na humugot ng hininga si Jastine. At dahan-dahan niya itong ibinuga habang pinapakalma ang kanyang sarili. Hindi mawari ni Jastine kung ano ang eksakto na nararamdaman niya. Magkahalo ang excitement, kaba, at iba pang mga pakiramdam na nagpapalakas sa pagkabog ng kanyang dibdib.Inangat ni Jastine ang tingin niya at itinuon ang paningin sa malaking karatola ng entrance. Wala sa sarili na ngumiti siya kasabay nang pagsisimula ng kanyang utak na gumawa ng mga eksena sa loob ng imagination niya.Tahimik pa na tinanong niya ang kanyang sarili kung ano dapat ang gawin niya sa oras na magkita silang muli ni Drei. Kung susunggaban ba niya ito kaagad o magpapakipot pa na parang dalagang hindi makabasag ng pinggan, umakto na tila isang dalagang pilipina sa sinaunang panahon.Napailing si Jastine sa huli niyang naisip. Hindi niya ito maari na gawin. Lalo lang magtataka sa kanya ang magaling niyang kapatid, lalo pa’t kahapon pa niya nararamdaman ang kakaibang tingin na pinupukol nito sa

  • Inject Me, Doctor   Notice

    Hello, guys! Sana na enjoy n'yo ang story ni Drei at Jastine. Thank sa mga umabot sa Chapter 21 nitong story na to. Hihingi lang sana ang pasensya dahil hindi ko pa ito ma-update sa ngayon. Baka sa November ko pa ito ma-update at ma-Post ang Chapter 22. Masyado pang hectic ang schedule ko at occupied pa ang utak ko ng ibang bagay sa personal. Kaya humihingi ako ng kunting pag-unawa. Pero susubukan ko pa rin magsulat kapag nagkaroon ng oras. At sana susubaybayan pa rin ninyo itong story kahit hindi consistent ang pag-update. Super thank you sa mga nagbabasa, naghihintay ng update, at nag-aabang sa susunod na mangyayari sa story ni Jastine at Drei. ❤️❤️❤️

  • Inject Me, Doctor   IMD 21

    Hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa buong mukha ni Jastine kahit pa hindi siya ngumingiti. Excitement were written all over her. Maging ang vibes na lumalabas sa kanya ay nakapagtataka sa kanyang mga kasama lalo na kay Jeremy na kanina pa panay titig kay Jastine habang nakakunot ang noo.Simula pa lang ng madaling umaga nang magising si Jastine at bumaba papunta sa dining area upang kumain ng agahan ay kakaiba na ang kinikilos nito. Kahit ang paggising lang ni Jastine nang maaga ay isa nang misteryo. Alam na alam ng pamilya ni Jastine na alas diyes ng umaga na ang pinakamaaga niyang paggising. And since then, Jeremy kept his eyes on Jastine.“Excited ka ata na bumalik ng hospital, Jastine?” hindi na nakatiis na tanong ni Jeremy pagpasok ng sasakyan. Tiningnan pa nito si Jastine mula sa rear-view mirror.Tila wala naman na narinig si Jastine sa sinabi ni Jeremy. Komportable lang si Jastine na nakaupo sa isang side sa backseat. Nakasandal ang likod at ulo niya habang ngumingiti ang mga

  • Inject Me, Doctor   IMD 20

    “Jastine, sumunod ka nga sa ‘kin,” ang bungad agad ng mama nila pagpasok nina Jastine at Jeremy ng bahay. Inihilig pa nito ang ulo sa direksyon na pupuntahan nila.Napahinto si Jastine. Napakunot na tumingin si Jastine sa kanyang katabi. Iba pa naman ang tono ng pagkakatawag nito sa kanya.“Sumunod ka na lang. Basta wala akong sinabi sa kanila,” bulong ni Jeremy. Nauna na itong pumasok nang tuluyan.Naiwan si Jastine na nakatayo sa tapat ng pinto. Dahan-dahan na binalik ni Jastine ang pansin sa mama niya. Pilit siyang ngumiti na parang inosenteng bata na walang tinatago sa kanyang magulang. Wala na rin namang sinabi pa ang mama niya. Kaya sumunod na lamang siya hanggang sa umabot sila sa kusina.Humarap ang mama ni Jastine paghinto nito. Huminga ito nang malalim tila kumukuha ito ng tamang tempo upang magsalita.“Ma. . .” hindi sigurado na sabi ni Jastine. Nagsisimula na siyang kabahan sa kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Kakagaling pa lang ng ospital tapos a ng seryosong mood aga

  • Inject Me, Doctor   IMD 19

    Sa bilis ng pagbabago ng isip ni Jastine kay Drei, daig pa niya ang isang highschool student na dalaga na excited na makita ang kanyang crush. Malaki ang ngiti na nakaguhit sa mga labi ni Jastine habang hinihintay niya na buksan ni Jeremy ang pinto ng opisina ni Drei.Hindi mapalagay sa kanyang nararamdaman si Jastine. Ngunit, pilit niya rin itong ikinukubli sa sarili. Mahirap na kung mapansin ito ni Jeremy. Magtataka at magdududa ito sa inaakto niya lalo pa’t isa si Jeremy sa mga nakakaalam na ayaw na ayaw niya sa mga ospital. Sa katunayan pa nga ay isa si Jeremy sa mda dahilan kung bakit natatakot si Jastine. Si Jeremy ang pasimuno sa pagkukwento ng katatakutan na nangyayari sa loob ng ospital sa pagsapit ng gabi lalo na hatinggabi.Napahawak si Jastine sa kanyang dibdib. Palakas nang palakas ang pagkabog nito. Hindi na siya makapaghintay na makita ulit ang lalaki na prospect niya na mapasakanya. Kung maaari ay lulunukin ni Jastine ang mga nauna niyang sinabi kay Drei mapasakanya la

  • Inject Me, Doctor   IMD 18

    Sa isang iglap, nawala lahat ng kilig sa katawan ni Jastine. Panira talaga ng moment ang napakagaling niyang kapatid kahit kailan. Umikot ang mga mata ni Jastine at inirapan niya si Jeremy. Umusog na rin siya sa gilid ng kama. Ibinaba niya ang kanyang mga paa roon.Bumaba rin ang tingin ni Jastine. Nakita niya sa sahig ang flat doll shoes na suot niya. Mabuti na lang at naroon ito. Akala pa naman niya na nasa office rin ito ni Drei. Dahil sa kanyang naisip, naalala niya bigla na naroon nga pala ang iba pa niyang mga gamit. Ayaw pa sana niya ito paniwalaan pero hindi niya nakita sa loob ng kwarto na kinaroroonan ang kanyang favorite backpack.“Jastine,” tawag ni Jeremy nang huminto na naman si Jastine.“Heto na nga, Jeremy.” Bumaba na ng kama si Jastine. Hindi na niya binigyan pa ng pansin ang gusot-gusot na kumot. “Atat na ata? Maaga pa naman, Jeremy.”Kinuha ni Jastine ang cell phone niya na nakalatag sa lamesa na katabi lang ng kama. Mabuti na lang at hindi siya kinabitan ng dextros

DMCA.com Protection Status