Share

IMD 03

last update Huling Na-update: 2022-09-23 18:29:36

Nakapikit pa rin ang mga mata ni Jastine nang bumalik ang kanyang kamalayan. Naririnig na niya ang nag-uusap na mga boses sa paligid. Ang ilan sa mga boses na ito ay nakilala niya, maliban lamang sa isang boses ng lalaki na ngayon pa lamang niya narinig. Kahit pa hindi nakikita ni Jastine ang nagmamay-ari ng naturang boses ay tumatatak at rumerehistro na sa utak niya na isang napakagwapong nilalang ang nagmamay-ari ng boses.

Bumalik sa kaisipan ni Jastine ang napakakisig na mga brasong sumalo sa kanya nang mawalan na siya ng kontrol sa kanyang sarili. Maging ang mabango nitong amoy, ang amoy ng pinaghalong natural na amoy ng taong sumagip sa kanya at ang perfume na gamit nito. Lalaking-lalaki at hindi maipagkakaila na malakas ang naging epekto nito sa kanya.

Nanatili na nakapikit si Jastine. Pinapakinggan niya ang mga nag-uusap pa ring mga boses. Kung sa unang mga segundo at minuto na paggising ni Jastine ay hindi pa niya maayos na nauunawaan ang pinag-uusapan ng mga ito, sa oras na ito ay malinaw na malinaw na sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Lalo pa niyang malinaw at maayos na napapakinggan ang may kalaliman na boses. Kalmado ang tono nito at tila wala lang rito ang may landi na pakikipag-usap ng ibang boses na naririnig ni Jastine.

Bahagyang nainis si Jastine dahil rito. Mga bakla talagang ‘to. Aagawan pa ako ng fafa. May inis na sabi ni Jastine sa isipan niya. Hindi ito pwede.

Sigurado si Jastine na ang nagmamay-ari ng gwapong boses na ito at ang sumagip sa kanya ay iisa lang. Ang lalaking ito ang prince charming ng damsel in distress niyang sarili pagkatapos ng performance niya. Walang ibang tao na maisip si Jastine. Impossible naman na kasamahan niya sa performance at katrabaho niya ang sumalo sa kanya. Sigurado siya na hindi sa ibabaw ng stage ang babagsakan niya. Babagsak siya sa labas ng stage at may kalayuan ang mga katrabaho niya mula sa kanya. At isa pa, kung tama ang pagkakaalala ni Jastine ay wala siyang katrabaho sa naturang bar na may matikas na katawan lalo na mga braso. Nahawakan na niya ang bawat braso ng mga katrabaho niya at kakaiba ang braso na sumalo sa kanya. She felt safe from the moment she was in his arms.

Unti-unti at dahan-dahan na kumurba ang kanyang mga labi upang ngumiti. Ngunit natigilan siya, hindi natuloy ang maganda sana niyang ngiti nang bigla na lang nagpakita sa isipan niya ang mukha ng isang lalaki. Ang mukha ng lalaki na tila minamaliit siya habang nagpi-perform siya. Ang lalaki na akala mo kung sino kung umasta habang tinititigan siya mula sa kinauupuan nito. At may gana pa itong lumapit sa stage. Malapit na malapit sa kinaroroonan ni Jastine. At saka binugahan ng usok ng sigarilyong gamit nito.

Instead na mapangiti, kumunot ang noo ni Jastine. Nagsalubong din ang mga kilay niya. Masaya na ako na nakalimutan ko ang gago na ‘yon eh. Bakit bumalik pa ‘yang napakapanget mong mukha sa isipan ko. Alis!

Lalo lang sumama ang rehistro ng mukha ni Jastine. Kahit anong pilit niya na mawala sa isipan niya ang mukha ng lalaking kinaiinisan niya. Hindi naman niya talaga kilala ang lalaki na ito pero hindi niya maunawaan kung bakit ayaw siya nitong lubayan.

“You can open your eyes now. Umalis na ang mga kasama mo. I know you have been just pretending to be asleep for a while now,” sambit ng boses ng lalaki. Malapit na ang kinaroroonan nito.

Sa palagay ni Jastine ay nakaupo na ito sa may tabi niya dahil sa lapit ng distansya ng boses nang magsalita ito. Hindi pa rin minulat ni Jastine ang kanyang mga mata. Nanatili siyang nakapikit at pinakiramdaman ang paligid. Sinisigurado kung totoo ang sinabi ng lalaki.

Saka lang din niya napansin na tahimik na nga ang lugar kung nasaan sila sa ngayon. Hindi man alam ni Jastine kung nasaan sila sa kasalukuyan ay isa lang ang sigurado siya. Malamang nasa loob pa rin ito ng bar na pinatatrabahuan niya. Hindi niya lang matukoy sa kung saang room. Nagkalat sa iba’t ibang parte ng bar ang mga malambot na sofa na katulad ng kinahihigaan niya. There are also a lot of private rooms inside the bar for cases like this.

“Miss. . . or whatever. . . please stop pretending already. If you don’t open your eyes now, I will think that everything was all an act of yours. Mula sa pagkawala ng malay mo habang nasa stage matapos mo mag-perform.” May halo nang kakaibang emosyon ang boses ng lalaki.

Sa hindi malamang kadahilanan, may inis na nagsisimulang umusbong mula sa kailaliman ng damdamin ni Jastine. Pinakalma ni Jastine ang kanyang sarili. Kung hindi niya lang talaga ako sinagip, hindi ko palalagpasin itong pang-aakusa niya. At kung hindi lang talaga ako sigurado na isa itong gwapo at masherep na fafa kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, hindi ako magpipigil.

Huminga muna nang malalim si Jastine. She opened her eyes in a prolonged manner as if she was giving some excitement and thrill to herself before she could see the face of the guy who had just saved her, her savior.

Ang may kadiliman ng silid ang unang naging klaro sa paningin ni Jastine. Nakapatay ang karamihan sa ilaw ng naturang silid. At tanging lampshade sa may uluhan ni Jastine at ang mga ilaw na nakapalibot sa nag-iisang salamin na nasa silid ang nakabukas at nagbibigay ng liwanag sa may kalakihan na silid.

“Mabuti naman at naisipan mo na rin na buksan ang mga mata mo. . .” Buo ang may lalim ang boses na pagkakasabi ng lalaki. Kalmado pa rin naman ito pero hindi mapagkakaila na may halong pagkainis at pagkatuwa ang mahihimigan dito. “Ilang minuto ka na ring nagtulog-tulogan.”

Mabilis na napalingon si Jastine sa isang tabi. Kaagad na nakita ni Jastine ang pigura ng lalaki na nakaupo sa isang upuan malapit sa sofa na kinahihigaan niya. Agad na pinasadahan ni Jastine ang kabuuan ng lalaki. At hindi nga siya nagkamali sa kanyang iniisip kanina. Maganda ang hubog ng katawan ng lalaki. Halata sa katawan nito na inaalagaan nito ang pisikal na hulma. Maayos ang pagkakabatak ng mga braso nito. Maging ang balikat at dibdib nito ay maganda ring tingnan. May namumutok man itong muscles ay hindi naman ito sobrang laki kagaya ng mga bodybuilder at mga taong ginagawa nang bahay ang gym. Sakto lang ang laki ng mga muscle nito. Swak na swak sa tipo ideal body ng ideal boyfriend and husband niya.

Hinayaan muna ni Jastine saglit ang kanyang mga mata na makapag-adjust sa liwanag. At nang maayos na ang paningin niya ay masasabi niya na matigas na may kaunting softness ang muscles ng lalaki. Hindi magiging maganda ang pakiramdam niya habang nasa mga bisig nito kung hindi ito ganoon.

“Are you done checking my body?” nagpipigil ng tawa na tanong ng lalaki.

Napatigil si Jastine sa kanyang ginagawa. Napansin niya ang suot na damit ng lalaki. Kumunot muli ang mga kilay ni Jastine nang mapagtanto niya na pamilyar ang damit nito.

Wengya. . . Huwag mong sabihin na ito rin ang gagong lalaki na ‘yon? Humugot ng hininga si Jastine. Naglakas loob siyang iakyat ang paningin niya sa mukha ng lalaki. Hindi lang naman siguro ang gagong lalaki na ‘yon ang may ganitong damit. Oo, possible ‘yon. Ang aking prince charming at ang gagong lalaki na ‘yon ay magkaibang tao. Hindi sila iisa. Sa dami ba naman ng tao sa bar, impossible na wala siyang kapareho na damit pang-itaas. Pilit na kinukumbinse ni Jastine ang sarili.

Pigil ang hininga ni Jastine habang tinatahak ng mga mata niya ang bawat parte ng katawan ng lalaki papunta sa mukha nito. It will be her doom if ever na magkataon na ito nga ang gagong lalaki.

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Jastine at nawalan siya ng kakayahan na mag-isip sa oras na dumapo na ang paningin niya sa mukha ng lalaki. May suot itong eyeglasses kagaya ng gagong lalaki na nakita niya sa bar counter. Ang mas nagpatigil pa ng hininga niya ay ang malaki at malokong ngisi na pinapakita nito sa kanya habang ang pares na mga mata nito ay malalim na nakatitig sa kanya.

“Am I that handsome for you to handle to the point na hindi ka na makagalaw at makapagsalita, miss or whatever?”

Jastine’s jaw dropped, hanging open. Gustong magsalita ni Jastine upang ipagtanggol ang sarili niya. Pero walang lumalabas na boses sa bibig niya. Nalulunod siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig nito.

The guy leaned closer to Jastine. There was only an inch or two left in between their faces. “Kanina ko pa talaga ito iniisip. . . Nahulog ka na ba agad sa akin kanina sa unang beses na nagtama ang mga tingin natin?” Pinasadahan nito ng tingin si Jastine.

Titig na titig si Jastine sa napakalapit na labi ng lalaki. Napakalambot nitong tingnan at mamula-mula pa ito. Napakagat ng labi si Jastine. Pinipigilan niya ang sarili na sunggaban ng halik ang mga labi ng lalaki.

“A-Ano pa bang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka na rin umalis? Maayos naman na ako? A-At salamat sa pagligtas sa akin. . .” Tinulak ni Jastine ang lalaki. “Kahit kasalanan mo rin naman kung bakit nawalan ako ng malay dahil sa pagpapausok mo ng sigarilyo direkta sa ‘kin. . .” halos pabulong na dugtong ni Jastine na sa tingin niya ay hindi na maririnig ng lalaki pa.

“Yeah. . . That’s why I’m here. It was my fault. And I am a doctor myself, by the way. So I must take responsibility for you. And that’s another reason why I am still here.”

Kaugnay na kabanata

  • Inject Me, Doctor   IMD 04

    Kitang-kita ni Jastine ang pagngisi ng lalaki habang inilalayo nito ang sarili. “Ayan na naman ‘yang titig mo, miss or whatever,” pigil ang tawa na saad ng lalaki.Sumama agad ang pinupukol na tingin ni Jastine sa lalaki. “Napakayabang mo rin, ano? For your information, hindi kita tinititigan. Nagtataka lang ako bakit hindi ka pa umaalis. Kita mo naman na okay na ako. Kaya shoo ka na.” Ginalaw ni Jastine ang kanan niyang kamay, pinapaalis na ang lalaki. “Alis ka na. Baka kung ano pa isipin ng iba kapag nagtagal ka pa rito sa loob.”“At ano naman ang iisipin nila? We are doing nothing here.” The guy smirked. At hindi maipagkakaila sa mukha nito na natutuwa ito sa pinaggagawa ni Jastine. “Or is there something you want us to do, miss or whatever?”Inayos ng lalaki suot na eyeglasses. Pagkatapos ay tiningnan nito si Jastine nang bahagya na nakayuko ang ulo. Tila nagpapapogi at nagpapa-cute sa harapan ni Jastine.Lalong sumama at tumalim ang mga mata ni Jastine. Maging ang mukha ni Jastin

    Huling Na-update : 2022-09-29
  • Inject Me, Doctor   IMD 05

    “Hello! Earth to Jastine!” sabi ng isang tinig sa harap ni Jastine.Wala pa ring kibo si Jastine kahit winagayway na ng tao na nakatayo sa harapan niya ang isang kamay. Nakabukas ang mga mata ni Jastine pero wala ang presensya niya sa kung nasaan siya. Blangko ang tingin ng mga mata ni Jastine na tila ba may malalim siyang iniisip at bumabagabag sa pag-iisip niya.“Hoy! Jastine! Anyare sa ‘yo, te? Kanina ka pa hindi kumikibo. Kahit kaunting galaw, waley,” tila nai-stress nang sambit nito. “Mukha ka talagang hindi okay kaya umuwi ka na lang, Jastine.”“Nako, te. Malamang sa malamang. . . Iniisip pa rin niya iyong poging fafa kanina. Hindi pa ata nakaka-recover si ackla sa ginawa nila,” komento naman ng isa pa.“Pinagsasabi mo, ackla?” tanong naman ng tao na nasa harapan ni Jastine. “At sinong poging fafa? Iyon bang nakasalo kay Jastine?”“Oo, te. Alam mo naman. Well. . . alam naman natin na ganoon ang tipo ng lalaki ang bet na bet ni acklang Jastine. At ito pa. . .” may pang-eengganyo

    Huling Na-update : 2022-09-29
  • Inject Me, Doctor   IMD 06

    Ayaw na sana pa itong pansinin ni Jastine at ipagpatuloy ang paglalakad. Ngunit, hinawakan siya nito sa braso. Nagmatigas si Jastine. Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nakaharap lamang si Jastine sa kabilang direksyon kung saan hindi niya ito nakikita.Pabawi na hinatak ni Jastine ang braso niya. Hinigpitan naman nito ang pagkakawak kay Jastine, pinipigilan si Jastine na umiwas at lumayo.“Pwede ba, Jastine? Huwag ka na muna magmatigas ngayon. Pinapauwi ka nina mama at papa,” anas ng lalaki. “Gusto ka nilang makita. Hindi ka na kasi umuuwi ng bahay,” dagdag pa nito.Huminga nang malalim si Jastine. “Uuwi ako kung gusto ko, kuya. Pipilitin lang naman nila ako na magpa-checkup kapag nasa bahay ako,” tugon ni Jastine.Hinablot muli ni Jastine ang braso niya. Sa pagkakataon na ito ay nabawi niya nang tuluyan ang braso niya. Humarap si Jastine sa lalaki. “Kita mo naman na okay ang kalagayan ko ngayon, kuya. Sabihan mo na lang sina mama na maayos ang kalagayan ko. Wala sila dapat na ipag-

    Huling Na-update : 2022-09-29
  • Inject Me, Doctor   IMD 07

    Walang tigil ang paghihimutok ni Jastine na bumaba ng sasakyan ng kanyang kapatid. Malakas at padabog pa niyang tinulak ang pinto nito nang hindi tumitingin. Nauna nang tinungo ni Jastine ang pinto ng kanilang bahay habang sunod-sunod pa rin ang pagsinghap niya sa inis na bumabalot sa kanya. Hindi talaga makakalimutan ni Jastine ang ginawa ng lalaki sa kanya. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang tulong nito ay hindi siya nito tinulungan.Akala ni Jastine ay tutulong ito sa mga nangangailangan ng tulong dahil ito ang tila ginawa nitong impression sa kanya. Nagmakaawa na nga siya sa lalaki at kulang na lang ay lumuhod siya sa harap nito. Nagtama pa ang kanilang mga mata. Ngunit, wala man lang itong ginawa. Tahimik lang ito na nakasandal sa tabi ng kotse nito at pinapanuod siya na buhat-buhat ng kanyang kapatid palayo. At mukhang natutuwa pa ito sa nakikitang nangyayari sa kanya.Kumulo ang ulo ni Jastine nang maalala ang mukha at paraan ng pagtingin nito sa kanya. Pigil at impit

    Huling Na-update : 2022-10-06
  • Inject Me, Doctor   IMD 08

    “Jastine?” ang tawag ng mama nina Jastine. “Totoo ba ang sinasabi ng Kuya Jeremy mo?”Tila nanigas si Jastine sa kanyang kinatatayuan. Ngunit agaran rin na tinapunan ng masama at matalim na tingin ang napakagaling maghinala at gumawa ng kwento na kapatid niya.“Ma? Naniniwala ka talaga kay Jeremy? Jusko naman. . . Kung may kinikita talaga akong lalaki, edi sana pinakilala ko na sa inyo, hindi ba?” anas ni Jastine.Nagpalipat-lipat kay Jastine at Jeremy ang pansin ng mama nila. Habang ang papa naman nila ay tahimik lang na nakatayo sa likuran ng mama nila.Nagkibit ng balikat si Jeremy. “Oh? Bakit ganyan ka sumagot, Jastine? Napaka-defensive mo rin kaya hindi kapani-paniwala na walang namamagitan sa inyo ng lalaking ‘yon. Hinintay ka pa nga niya sa labas sa kotse niya, ‘di ba? Kung hindi ko siya naunahan, baka sumama ka na sa kanya at magkasama kayo ngayon.” Pagkatapos ay hinalukipkip nito ang mga braso. Mataas ang tiwala nito sa sarili na tinaasan ng mga kilay si Jastine.“Nakita mo b

    Huling Na-update : 2022-10-10
  • Inject Me, Doctor   IMD 09

    Malakas na katok sa pinto ang humila ng diwa ni Jastine mula sa malalim na pagtulog. Dahan-dahan na nagmulat si Jastine kasabay nang napakahaba niyang paghukap at pag-iinat ng mga braso’t binti.“Jastine, gumising ka na diyan,” ani ng tao na nasa labas ng kwarto. Kumatok pa itong muli.Umupo si Jastine sa kama. “Ano ba ‘yan, Jeremy? Ang aga-aga. Nabubulabog ka ng tulog,” pasigaw na tugon ni Jastine. Hinanap niya ang cell phone sa tabi ng unan. Napapikit pa siya nang kaunti nang umilaw na ito.Narinig ulit ni Jastine ang pagkatok ni Jeremy sa pinto. Mas malakas ito kesa sa nauna nitong mga pagkatok. “Lalabas ka na ng kuwartoi mo o bubuhatin pa kita pababa?” tanong naman ni Jeremy.Unti-unting nakapag-adjust ang paningin ni Jastine sa ilaw ng cell phone. At hindi nga siya nagkamali, sobrang aga pa. Humikab ulit si Jastine.Ano na naman ang kailangan ng magaling na kapatid kong ‘to?Napalingon si jastine sa may bintana. Mahina pa lang ang sinag ng liwanag. Halos hindi pa nga ito nakakapa

    Huling Na-update : 2022-10-10
  • Inject Me, Doctor   IMD 10

    Hindi maalis ang mapanuring pares na mga mata ni Jastine sa lalaki na tila tuwang-tuwa sa pakikipag-usap sa magulang nila ni Jeremy. Maraming mga tanong ang pumasok sa utak ni Jastine na ikinalipad ng pag-iisip niya. Nanliit ang mga mata ni Jastine na tinitigan ang lalaki. Halos magkasalubong at magdugtong pa ang kanyang mga kilay kasabay nang bahagya na pagkunot ng noo niya.Shutangina naman. . . Anong ginagawa ng mayabang na ‘to rito sa bahay namin? Paano niya nalaman kung saan ang bahay namin? At higit sa lahat. . . bakit nandito ito ngayon?Sinubukan ni Jastine na maghalungkat ng kasagutan sa kailaliman ng kanyang utak. Wala naman siyang ginawa sa lalaki para puntahan siya nito sa bahay nila. Hindi nga niya sinagot ang tawag nito kagabi. Pinatayan agad ito ni Jastine pagkatapos niyang marinig ang boses ng lalaki. Kahit maikli lang ang sinabi nito at isang tanong lang ay alam na alam na ni Jastine kung kaninong boses iyon. At sa una pa lang ay wala naman talaga siyang plano na sagu

    Huling Na-update : 2022-10-10
  • Inject Me, Doctor   IMD 11

    Napatitig si Jastine sa bilis ng pagkilos ni Drei. Napanganga pa siya nang bahagya. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong bulaklak na nakabalot pa sa dalawang maganda na wrapper. Faded vintage ang kulay ng nasa ilalim na wrapper habang kulay silver naman ang nakapatong rito. Huminto ang pagpasada ng tingin ni Jastine sa bulaklak. Maganda at maayos naman ang pagkaka-arrange ng mga ito. Maganda sa paningin lalo pa’t may iba pang klaw ng bulaklak ang kasama rito. Ngunit naka-highlight pa rin ang mga kulay puti na tulips.Unti-unti na sumimangot si Jastine. Sumama ang mukha ni Jastine na nagpalit-lipat ang tingin sa bulaklak at humahawak ng bulaklak sa kanyang harapan. Nanliit ang mga mata ni Jastine na sinipatan ang lalaki. Sinusubukan niya na unawaan ang sitwasyon at kung bakit ito ginagawa ni Drei. Pero wala talagang maisip na matinong dahilan si Jastine kung bakit bigla nagpakita ang lalaki sa bahay nila.Ngumiwi si Jastine nang napatitig siyang muli sa bouquet ng white tulips. “Whit

    Huling Na-update : 2022-10-10

Pinakabagong kabanata

  • Inject Me, Doctor   IMD 25

    Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Jastine. Hindi na niya napigilan pa ang pag-uunahan ng bwat patak nito na makatakas sa kanyang mga mata. “D-Drei. . . B-bakit. . . H-hindi mo a-agad sinabi?” mahinang sabi ni Jastine. Diretso ang titig niya sa mga mata ni Drei. Sa isang iglap, naramdaman ni Jastine ang init ng pagyakap ni Drei sa kanya. Inaalo pa siya nito upang tumahan. “Jastine, I know I should have told you immediately. But. . . gusto ko rin muna na maalala mo ako at kung ano ako sa ‘yo kaya hindi ko agad sinabi sa ‘yo. I’m so sorry for doing that.” Sinagot ni Jastine ang yakap ni Drei. “No. . . Ako dapat ang mag-sorry. Kinalimutan ko ang lahat ng tungkol sa ‘tin. At hindi ko agad naalala.” Nanatili silang dalawa na magkayakap. Bahagya nang nakaluhod si Drei sa kama habang si Jastine ay nakaupo pa rin. Marahan nitong hinahaplos ang likuran ni Jastine. “Shh. . . It’s not your fault, babe. I’m the at fault for leaving you behind given your situation. I shouldn’t have muste

  • Inject Me, Doctor   IMD 24

    Umabot ng mahigit isang oras ang paghihintay nina Jastine sa results ng mga medical at laboratory exam. At imbes na maburyo sa paghihintay nito lalo na nasa loob lamang siya ng office ng mama ni Drei, she felt more excited staying at the small lounge inside the office. Nanaig sa kanya ang isipin na masisilayan niyang muli ang nag-iisang lalake na umabot sa sa standards niya.After more or less an hour of waiting, bumalik na sa loob ang mama ni Drei na may dalang balita kay Jastine. Pero wala pa ring kahit na anino ni Drei ang nakita ni Jastine. She concluded that Drei must be off-duty at the moment kaya hindi niya ito nakita. Pinagpalagay na lamang niya ito na ganoon. At tinatak sa isipan niya na marami pa silang pagkakataon na magkitang muli lalo pa’t alam na niya kung saan ito nagtatrabaho.And Jastine did not expect that what she was thinking will immediately come true dahil sa balitang sinabi ng mama ni Drei sa kanya. In fact, mas natuwa pa nang marinig ito. Kabaliktaran sa inaasa

  • Inject Me, Doctor   IMD 23

    “Jastine!” pagtawga ulit ng mama ni Jastine sa kanya. At saka lang umaba ang tingin niya’t napatingin sa mama niya.Bahagya na nakakunot ang noo ni Jastine. Ngunit, hindi niya ito ipinahalata nang magkasalubong na ang tingin nila ng mama niya.“Yes, ma,” sagot ni Jastine. Ngumiti siya at saka sumunod na pumasok.Bago pa man tuluyan na makapasok si Jastine ay napatingin siya sa likuran niya. At gaya ng inaasahan niya ay makahulugan pa rin na nakatitig sa kanya ang si Jeremy. Mas lalo lang itong naging kakaiba na tila may napansin itong panibago.Pinanliitan ni Jastine ng mga mata si Jeremy. Mukhang napansin nito ang pagkabigla niya nang mabasa ang nakalagay na pangalan sa pinto.Wala namang sinabi si Jeremy sa kanya patungkol sa kung ano ang nasa utak nito gaya ng nakagawian, mapanuri lamang itong nakatingin sa kanya. Kaya ay tinalikuran na niya ito. Ngunit iniwanan niya ito ng isang may pagbabanta na tingin.Nakita pa ni Jastine ang marahan na pagngisi ni Jeremy sa dulo ng labi nito.

  • Inject Me, Doctor   IMD 22

    Malalim na humugot ng hininga si Jastine. At dahan-dahan niya itong ibinuga habang pinapakalma ang kanyang sarili. Hindi mawari ni Jastine kung ano ang eksakto na nararamdaman niya. Magkahalo ang excitement, kaba, at iba pang mga pakiramdam na nagpapalakas sa pagkabog ng kanyang dibdib.Inangat ni Jastine ang tingin niya at itinuon ang paningin sa malaking karatola ng entrance. Wala sa sarili na ngumiti siya kasabay nang pagsisimula ng kanyang utak na gumawa ng mga eksena sa loob ng imagination niya.Tahimik pa na tinanong niya ang kanyang sarili kung ano dapat ang gawin niya sa oras na magkita silang muli ni Drei. Kung susunggaban ba niya ito kaagad o magpapakipot pa na parang dalagang hindi makabasag ng pinggan, umakto na tila isang dalagang pilipina sa sinaunang panahon.Napailing si Jastine sa huli niyang naisip. Hindi niya ito maari na gawin. Lalo lang magtataka sa kanya ang magaling niyang kapatid, lalo pa’t kahapon pa niya nararamdaman ang kakaibang tingin na pinupukol nito sa

  • Inject Me, Doctor   Notice

    Hello, guys! Sana na enjoy n'yo ang story ni Drei at Jastine. Thank sa mga umabot sa Chapter 21 nitong story na to. Hihingi lang sana ang pasensya dahil hindi ko pa ito ma-update sa ngayon. Baka sa November ko pa ito ma-update at ma-Post ang Chapter 22. Masyado pang hectic ang schedule ko at occupied pa ang utak ko ng ibang bagay sa personal. Kaya humihingi ako ng kunting pag-unawa. Pero susubukan ko pa rin magsulat kapag nagkaroon ng oras. At sana susubaybayan pa rin ninyo itong story kahit hindi consistent ang pag-update. Super thank you sa mga nagbabasa, naghihintay ng update, at nag-aabang sa susunod na mangyayari sa story ni Jastine at Drei. ❤️❤️❤️

  • Inject Me, Doctor   IMD 21

    Hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa buong mukha ni Jastine kahit pa hindi siya ngumingiti. Excitement were written all over her. Maging ang vibes na lumalabas sa kanya ay nakapagtataka sa kanyang mga kasama lalo na kay Jeremy na kanina pa panay titig kay Jastine habang nakakunot ang noo.Simula pa lang ng madaling umaga nang magising si Jastine at bumaba papunta sa dining area upang kumain ng agahan ay kakaiba na ang kinikilos nito. Kahit ang paggising lang ni Jastine nang maaga ay isa nang misteryo. Alam na alam ng pamilya ni Jastine na alas diyes ng umaga na ang pinakamaaga niyang paggising. And since then, Jeremy kept his eyes on Jastine.“Excited ka ata na bumalik ng hospital, Jastine?” hindi na nakatiis na tanong ni Jeremy pagpasok ng sasakyan. Tiningnan pa nito si Jastine mula sa rear-view mirror.Tila wala naman na narinig si Jastine sa sinabi ni Jeremy. Komportable lang si Jastine na nakaupo sa isang side sa backseat. Nakasandal ang likod at ulo niya habang ngumingiti ang mga

  • Inject Me, Doctor   IMD 20

    “Jastine, sumunod ka nga sa ‘kin,” ang bungad agad ng mama nila pagpasok nina Jastine at Jeremy ng bahay. Inihilig pa nito ang ulo sa direksyon na pupuntahan nila.Napahinto si Jastine. Napakunot na tumingin si Jastine sa kanyang katabi. Iba pa naman ang tono ng pagkakatawag nito sa kanya.“Sumunod ka na lang. Basta wala akong sinabi sa kanila,” bulong ni Jeremy. Nauna na itong pumasok nang tuluyan.Naiwan si Jastine na nakatayo sa tapat ng pinto. Dahan-dahan na binalik ni Jastine ang pansin sa mama niya. Pilit siyang ngumiti na parang inosenteng bata na walang tinatago sa kanyang magulang. Wala na rin namang sinabi pa ang mama niya. Kaya sumunod na lamang siya hanggang sa umabot sila sa kusina.Humarap ang mama ni Jastine paghinto nito. Huminga ito nang malalim tila kumukuha ito ng tamang tempo upang magsalita.“Ma. . .” hindi sigurado na sabi ni Jastine. Nagsisimula na siyang kabahan sa kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Kakagaling pa lang ng ospital tapos a ng seryosong mood aga

  • Inject Me, Doctor   IMD 19

    Sa bilis ng pagbabago ng isip ni Jastine kay Drei, daig pa niya ang isang highschool student na dalaga na excited na makita ang kanyang crush. Malaki ang ngiti na nakaguhit sa mga labi ni Jastine habang hinihintay niya na buksan ni Jeremy ang pinto ng opisina ni Drei.Hindi mapalagay sa kanyang nararamdaman si Jastine. Ngunit, pilit niya rin itong ikinukubli sa sarili. Mahirap na kung mapansin ito ni Jeremy. Magtataka at magdududa ito sa inaakto niya lalo pa’t isa si Jeremy sa mga nakakaalam na ayaw na ayaw niya sa mga ospital. Sa katunayan pa nga ay isa si Jeremy sa mda dahilan kung bakit natatakot si Jastine. Si Jeremy ang pasimuno sa pagkukwento ng katatakutan na nangyayari sa loob ng ospital sa pagsapit ng gabi lalo na hatinggabi.Napahawak si Jastine sa kanyang dibdib. Palakas nang palakas ang pagkabog nito. Hindi na siya makapaghintay na makita ulit ang lalaki na prospect niya na mapasakanya. Kung maaari ay lulunukin ni Jastine ang mga nauna niyang sinabi kay Drei mapasakanya la

  • Inject Me, Doctor   IMD 18

    Sa isang iglap, nawala lahat ng kilig sa katawan ni Jastine. Panira talaga ng moment ang napakagaling niyang kapatid kahit kailan. Umikot ang mga mata ni Jastine at inirapan niya si Jeremy. Umusog na rin siya sa gilid ng kama. Ibinaba niya ang kanyang mga paa roon.Bumaba rin ang tingin ni Jastine. Nakita niya sa sahig ang flat doll shoes na suot niya. Mabuti na lang at naroon ito. Akala pa naman niya na nasa office rin ito ni Drei. Dahil sa kanyang naisip, naalala niya bigla na naroon nga pala ang iba pa niyang mga gamit. Ayaw pa sana niya ito paniwalaan pero hindi niya nakita sa loob ng kwarto na kinaroroonan ang kanyang favorite backpack.“Jastine,” tawag ni Jeremy nang huminto na naman si Jastine.“Heto na nga, Jeremy.” Bumaba na ng kama si Jastine. Hindi na niya binigyan pa ng pansin ang gusot-gusot na kumot. “Atat na ata? Maaga pa naman, Jeremy.”Kinuha ni Jastine ang cell phone niya na nakalatag sa lamesa na katabi lang ng kama. Mabuti na lang at hindi siya kinabitan ng dextros

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status