“Jastine?” ang tawag ng mama nina Jastine. “Totoo ba ang sinasabi ng Kuya Jeremy mo?”Tila nanigas si Jastine sa kanyang kinatatayuan. Ngunit agaran rin na tinapunan ng masama at matalim na tingin ang napakagaling maghinala at gumawa ng kwento na kapatid niya.“Ma? Naniniwala ka talaga kay Jeremy? Jusko naman. . . Kung may kinikita talaga akong lalaki, edi sana pinakilala ko na sa inyo, hindi ba?” anas ni Jastine.Nagpalipat-lipat kay Jastine at Jeremy ang pansin ng mama nila. Habang ang papa naman nila ay tahimik lang na nakatayo sa likuran ng mama nila.Nagkibit ng balikat si Jeremy. “Oh? Bakit ganyan ka sumagot, Jastine? Napaka-defensive mo rin kaya hindi kapani-paniwala na walang namamagitan sa inyo ng lalaking ‘yon. Hinintay ka pa nga niya sa labas sa kotse niya, ‘di ba? Kung hindi ko siya naunahan, baka sumama ka na sa kanya at magkasama kayo ngayon.” Pagkatapos ay hinalukipkip nito ang mga braso. Mataas ang tiwala nito sa sarili na tinaasan ng mga kilay si Jastine.“Nakita mo b
Malakas na katok sa pinto ang humila ng diwa ni Jastine mula sa malalim na pagtulog. Dahan-dahan na nagmulat si Jastine kasabay nang napakahaba niyang paghukap at pag-iinat ng mga braso’t binti.“Jastine, gumising ka na diyan,” ani ng tao na nasa labas ng kwarto. Kumatok pa itong muli.Umupo si Jastine sa kama. “Ano ba ‘yan, Jeremy? Ang aga-aga. Nabubulabog ka ng tulog,” pasigaw na tugon ni Jastine. Hinanap niya ang cell phone sa tabi ng unan. Napapikit pa siya nang kaunti nang umilaw na ito.Narinig ulit ni Jastine ang pagkatok ni Jeremy sa pinto. Mas malakas ito kesa sa nauna nitong mga pagkatok. “Lalabas ka na ng kuwartoi mo o bubuhatin pa kita pababa?” tanong naman ni Jeremy.Unti-unting nakapag-adjust ang paningin ni Jastine sa ilaw ng cell phone. At hindi nga siya nagkamali, sobrang aga pa. Humikab ulit si Jastine.Ano na naman ang kailangan ng magaling na kapatid kong ‘to?Napalingon si jastine sa may bintana. Mahina pa lang ang sinag ng liwanag. Halos hindi pa nga ito nakakapa
Hindi maalis ang mapanuring pares na mga mata ni Jastine sa lalaki na tila tuwang-tuwa sa pakikipag-usap sa magulang nila ni Jeremy. Maraming mga tanong ang pumasok sa utak ni Jastine na ikinalipad ng pag-iisip niya. Nanliit ang mga mata ni Jastine na tinitigan ang lalaki. Halos magkasalubong at magdugtong pa ang kanyang mga kilay kasabay nang bahagya na pagkunot ng noo niya.Shutangina naman. . . Anong ginagawa ng mayabang na ‘to rito sa bahay namin? Paano niya nalaman kung saan ang bahay namin? At higit sa lahat. . . bakit nandito ito ngayon?Sinubukan ni Jastine na maghalungkat ng kasagutan sa kailaliman ng kanyang utak. Wala naman siyang ginawa sa lalaki para puntahan siya nito sa bahay nila. Hindi nga niya sinagot ang tawag nito kagabi. Pinatayan agad ito ni Jastine pagkatapos niyang marinig ang boses ng lalaki. Kahit maikli lang ang sinabi nito at isang tanong lang ay alam na alam na ni Jastine kung kaninong boses iyon. At sa una pa lang ay wala naman talaga siyang plano na sagu
Napatitig si Jastine sa bilis ng pagkilos ni Drei. Napanganga pa siya nang bahagya. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong bulaklak na nakabalot pa sa dalawang maganda na wrapper. Faded vintage ang kulay ng nasa ilalim na wrapper habang kulay silver naman ang nakapatong rito. Huminto ang pagpasada ng tingin ni Jastine sa bulaklak. Maganda at maayos naman ang pagkaka-arrange ng mga ito. Maganda sa paningin lalo pa’t may iba pang klaw ng bulaklak ang kasama rito. Ngunit naka-highlight pa rin ang mga kulay puti na tulips.Unti-unti na sumimangot si Jastine. Sumama ang mukha ni Jastine na nagpalit-lipat ang tingin sa bulaklak at humahawak ng bulaklak sa kanyang harapan. Nanliit ang mga mata ni Jastine na sinipatan ang lalaki. Sinusubukan niya na unawaan ang sitwasyon at kung bakit ito ginagawa ni Drei. Pero wala talagang maisip na matinong dahilan si Jastine kung bakit bigla nagpakita ang lalaki sa bahay nila.Ngumiwi si Jastine nang napatitig siyang muli sa bouquet ng white tulips. “Whit
Nagtagal ang pagkakatitig ni Jastine sa bouquet. Hindi niya malaman kung bakit may iba siyang nararamdaman habang tumatagal ang pagkakatingin niya rito. Tila may kakaiba rito na hindi niya kaya ipaliwanag.Saglit na napapikit si Jastine nang biglang sumakit ang kanyang ulo. Hinilot niya ang kanyang noo kasabay nang paghugot ng hininga. Sa hindi malaman na dahilan, may mga imahe ang pumasok sa isipan ni Jastine. Hindi malinaw ang mga mukha ng mga tao. Ngunit tila naririnig niya ang mga boses nito. At isang salita lang ang masasabi niya, pamilyar. Pamilyar ang tunog ng boses ng mga tao na nasa kanyang isipan.“Jastine. . .” rinig ni Jastine na pagtawag sa kanya.Tinuon ni Jastine ang buong pansin sa naturang boses. Alam ni Jastine na kilala niya ang naturang boses at hindi siya nagkakamali na isipin na narinig na niya ito nang ilang beses.“Justine. . .” pagtawag ulit ng boses.Nanatiling nakapikit si Jastine. Sinubukan niyang hukayin ang pangalan ng nagmamay-ari ng boses sa kailaliman
“Hoy, ackla! May naghahanap sa ‘yo,” malakas at eksaherada na sabi ni Regine pagpasok ng dressing room.Napahinto si Jastine sa ng kanyang false eyelashes. Tiningnan niya ang kaibigan mula sa kaharap na salamin. Kitang-kita ni Jastine ang reflection nito na nakatayo pa sa bungad ng pintuan. Ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa mga pulang kurtina na hinahawi nito.“Don’t tell me nandito na naman ang magaling kong kapatid?” Iniisip pa lang ni Jastine na pumunta na naman si Jeremy sa pinagtatrabahuhan niya, napapaikot na siya ng mga mata at napapairap. Ilang beses na itong ginagawa ng magaling niyang kapatid para sunduin siya kuno dahil pinapauwi siya ng mga magulang nila.Binawi ni Jastine ang kanyang tingin. Pinagpatuloy niya ang pag-aayos ng false eyelashes para hindi ito halata.“Sabihin mo na lang kay Jeremy na hindi ako uuwi. . .” saad pa ni Jastine. Tiningnan niya ang kanyang sarili. At nang makuntento na siya, binaba niya ang liquid eyeliner. Sunod niyang inayos ang makapal na
Naging alerto si Jastine sa paggalaw ng lalaki. Kumunot ang noo niya nang mapansin na parang wala itong plano na huminto. Patuloy lang ito sa paglakad palapit sa kanya nang dahan-dahan.“Anong ginagawa mo?” Umatras si Jastine kasabay nang pag-abante ng lalaki. “Huwag kang lalapit. Diyan ka lang.” Tinuro niya ang lalaki. Pero tila wala itong narinig nagpatuloy pa rin ito.Tinitigan ni Jastine nang masama. Matalim na ang tingin ng mga mata niya at nawala na sa mood na makipagbiruan. Wala naman talaga sa isip ni Jastine ang makipagbiruan sa lalaki sa simula’t simula pa lang. Alam ni Jastine na puro hindi magaganda lang ang idudulot ng lalaki sa kanya sa unang pagtatagpo pa lang ng mga tingin nila nitong nakaraan na linggo. Hindi na agad nagustuhan ni Jastine ang paraan kung paano siya nito tingnan. Lalo pa’t nararamdaman ni Jastine na tila ba sinusubok talaga nito ang pasensya niya kahit tanging pagsunod ng tingin lang ang ginagawa nito sa kanya nitong nakaraan na mga araw na nasa bar an
“Hoy! Anong nangyari sa ‘yo, ackla?” Pumalakpak nang isang beses si Regine sa tapat ng mukha ni Jastine. Kinaway pa nito ang isang kamay na sobrang lapit na sa mukha ni Jastine. Pero wala pa ring reaksyon si Jastine.Malayo ang tingin ni Jastine at tila malalim din ang takbo ng isipan niya. Tulala si Jastine na nakabaling sa dako ng bar counter. Sa isang upuan mismo sa may dulo ng counter.“Nako. . . Ikaw, ackla, ah. . . Iniwanan ko lang kayo ni poging fafa noong isang araw naging ganyan ka na araw-araw,” may pagdududa na sambit ni Regine. Lumapit pa ito kay Jastine nang may malaman na ngiti. “May dapat ba akong malaman na hindi mo pa chinichika sa ‘kin.” Sinundot ni Regine si Jastine sa tagiliran. Doon pa lang natauhan si Jastine.Napatingin si Jastine kay Regine nang may pagtataka. “Ha? May sinasabi ka ba, ackla?”“Sabi na nga ba. Wala ka na naman sa sarili, ackla.” Pinagkrus ni Regine ang mga braso sa may dibdib. “Umamin ka nga sa ‘kin, ackla. Anong ginawa ng poging fafa sa ‘yo nak
Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Jastine. Hindi na niya napigilan pa ang pag-uunahan ng bwat patak nito na makatakas sa kanyang mga mata. “D-Drei. . . B-bakit. . . H-hindi mo a-agad sinabi?” mahinang sabi ni Jastine. Diretso ang titig niya sa mga mata ni Drei. Sa isang iglap, naramdaman ni Jastine ang init ng pagyakap ni Drei sa kanya. Inaalo pa siya nito upang tumahan. “Jastine, I know I should have told you immediately. But. . . gusto ko rin muna na maalala mo ako at kung ano ako sa ‘yo kaya hindi ko agad sinabi sa ‘yo. I’m so sorry for doing that.” Sinagot ni Jastine ang yakap ni Drei. “No. . . Ako dapat ang mag-sorry. Kinalimutan ko ang lahat ng tungkol sa ‘tin. At hindi ko agad naalala.” Nanatili silang dalawa na magkayakap. Bahagya nang nakaluhod si Drei sa kama habang si Jastine ay nakaupo pa rin. Marahan nitong hinahaplos ang likuran ni Jastine. “Shh. . . It’s not your fault, babe. I’m the at fault for leaving you behind given your situation. I shouldn’t have muste
Umabot ng mahigit isang oras ang paghihintay nina Jastine sa results ng mga medical at laboratory exam. At imbes na maburyo sa paghihintay nito lalo na nasa loob lamang siya ng office ng mama ni Drei, she felt more excited staying at the small lounge inside the office. Nanaig sa kanya ang isipin na masisilayan niyang muli ang nag-iisang lalake na umabot sa sa standards niya.After more or less an hour of waiting, bumalik na sa loob ang mama ni Drei na may dalang balita kay Jastine. Pero wala pa ring kahit na anino ni Drei ang nakita ni Jastine. She concluded that Drei must be off-duty at the moment kaya hindi niya ito nakita. Pinagpalagay na lamang niya ito na ganoon. At tinatak sa isipan niya na marami pa silang pagkakataon na magkitang muli lalo pa’t alam na niya kung saan ito nagtatrabaho.And Jastine did not expect that what she was thinking will immediately come true dahil sa balitang sinabi ng mama ni Drei sa kanya. In fact, mas natuwa pa nang marinig ito. Kabaliktaran sa inaasa
“Jastine!” pagtawga ulit ng mama ni Jastine sa kanya. At saka lang umaba ang tingin niya’t napatingin sa mama niya.Bahagya na nakakunot ang noo ni Jastine. Ngunit, hindi niya ito ipinahalata nang magkasalubong na ang tingin nila ng mama niya.“Yes, ma,” sagot ni Jastine. Ngumiti siya at saka sumunod na pumasok.Bago pa man tuluyan na makapasok si Jastine ay napatingin siya sa likuran niya. At gaya ng inaasahan niya ay makahulugan pa rin na nakatitig sa kanya ang si Jeremy. Mas lalo lang itong naging kakaiba na tila may napansin itong panibago.Pinanliitan ni Jastine ng mga mata si Jeremy. Mukhang napansin nito ang pagkabigla niya nang mabasa ang nakalagay na pangalan sa pinto.Wala namang sinabi si Jeremy sa kanya patungkol sa kung ano ang nasa utak nito gaya ng nakagawian, mapanuri lamang itong nakatingin sa kanya. Kaya ay tinalikuran na niya ito. Ngunit iniwanan niya ito ng isang may pagbabanta na tingin.Nakita pa ni Jastine ang marahan na pagngisi ni Jeremy sa dulo ng labi nito.
Malalim na humugot ng hininga si Jastine. At dahan-dahan niya itong ibinuga habang pinapakalma ang kanyang sarili. Hindi mawari ni Jastine kung ano ang eksakto na nararamdaman niya. Magkahalo ang excitement, kaba, at iba pang mga pakiramdam na nagpapalakas sa pagkabog ng kanyang dibdib.Inangat ni Jastine ang tingin niya at itinuon ang paningin sa malaking karatola ng entrance. Wala sa sarili na ngumiti siya kasabay nang pagsisimula ng kanyang utak na gumawa ng mga eksena sa loob ng imagination niya.Tahimik pa na tinanong niya ang kanyang sarili kung ano dapat ang gawin niya sa oras na magkita silang muli ni Drei. Kung susunggaban ba niya ito kaagad o magpapakipot pa na parang dalagang hindi makabasag ng pinggan, umakto na tila isang dalagang pilipina sa sinaunang panahon.Napailing si Jastine sa huli niyang naisip. Hindi niya ito maari na gawin. Lalo lang magtataka sa kanya ang magaling niyang kapatid, lalo pa’t kahapon pa niya nararamdaman ang kakaibang tingin na pinupukol nito sa
Hello, guys! Sana na enjoy n'yo ang story ni Drei at Jastine. Thank sa mga umabot sa Chapter 21 nitong story na to. Hihingi lang sana ang pasensya dahil hindi ko pa ito ma-update sa ngayon. Baka sa November ko pa ito ma-update at ma-Post ang Chapter 22. Masyado pang hectic ang schedule ko at occupied pa ang utak ko ng ibang bagay sa personal. Kaya humihingi ako ng kunting pag-unawa. Pero susubukan ko pa rin magsulat kapag nagkaroon ng oras. At sana susubaybayan pa rin ninyo itong story kahit hindi consistent ang pag-update. Super thank you sa mga nagbabasa, naghihintay ng update, at nag-aabang sa susunod na mangyayari sa story ni Jastine at Drei. ❤️❤️❤️
Hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa buong mukha ni Jastine kahit pa hindi siya ngumingiti. Excitement were written all over her. Maging ang vibes na lumalabas sa kanya ay nakapagtataka sa kanyang mga kasama lalo na kay Jeremy na kanina pa panay titig kay Jastine habang nakakunot ang noo.Simula pa lang ng madaling umaga nang magising si Jastine at bumaba papunta sa dining area upang kumain ng agahan ay kakaiba na ang kinikilos nito. Kahit ang paggising lang ni Jastine nang maaga ay isa nang misteryo. Alam na alam ng pamilya ni Jastine na alas diyes ng umaga na ang pinakamaaga niyang paggising. And since then, Jeremy kept his eyes on Jastine.“Excited ka ata na bumalik ng hospital, Jastine?” hindi na nakatiis na tanong ni Jeremy pagpasok ng sasakyan. Tiningnan pa nito si Jastine mula sa rear-view mirror.Tila wala naman na narinig si Jastine sa sinabi ni Jeremy. Komportable lang si Jastine na nakaupo sa isang side sa backseat. Nakasandal ang likod at ulo niya habang ngumingiti ang mga
“Jastine, sumunod ka nga sa ‘kin,” ang bungad agad ng mama nila pagpasok nina Jastine at Jeremy ng bahay. Inihilig pa nito ang ulo sa direksyon na pupuntahan nila.Napahinto si Jastine. Napakunot na tumingin si Jastine sa kanyang katabi. Iba pa naman ang tono ng pagkakatawag nito sa kanya.“Sumunod ka na lang. Basta wala akong sinabi sa kanila,” bulong ni Jeremy. Nauna na itong pumasok nang tuluyan.Naiwan si Jastine na nakatayo sa tapat ng pinto. Dahan-dahan na binalik ni Jastine ang pansin sa mama niya. Pilit siyang ngumiti na parang inosenteng bata na walang tinatago sa kanyang magulang. Wala na rin namang sinabi pa ang mama niya. Kaya sumunod na lamang siya hanggang sa umabot sila sa kusina.Humarap ang mama ni Jastine paghinto nito. Huminga ito nang malalim tila kumukuha ito ng tamang tempo upang magsalita.“Ma. . .” hindi sigurado na sabi ni Jastine. Nagsisimula na siyang kabahan sa kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Kakagaling pa lang ng ospital tapos a ng seryosong mood aga
Sa bilis ng pagbabago ng isip ni Jastine kay Drei, daig pa niya ang isang highschool student na dalaga na excited na makita ang kanyang crush. Malaki ang ngiti na nakaguhit sa mga labi ni Jastine habang hinihintay niya na buksan ni Jeremy ang pinto ng opisina ni Drei.Hindi mapalagay sa kanyang nararamdaman si Jastine. Ngunit, pilit niya rin itong ikinukubli sa sarili. Mahirap na kung mapansin ito ni Jeremy. Magtataka at magdududa ito sa inaakto niya lalo pa’t isa si Jeremy sa mga nakakaalam na ayaw na ayaw niya sa mga ospital. Sa katunayan pa nga ay isa si Jeremy sa mda dahilan kung bakit natatakot si Jastine. Si Jeremy ang pasimuno sa pagkukwento ng katatakutan na nangyayari sa loob ng ospital sa pagsapit ng gabi lalo na hatinggabi.Napahawak si Jastine sa kanyang dibdib. Palakas nang palakas ang pagkabog nito. Hindi na siya makapaghintay na makita ulit ang lalaki na prospect niya na mapasakanya. Kung maaari ay lulunukin ni Jastine ang mga nauna niyang sinabi kay Drei mapasakanya la
Sa isang iglap, nawala lahat ng kilig sa katawan ni Jastine. Panira talaga ng moment ang napakagaling niyang kapatid kahit kailan. Umikot ang mga mata ni Jastine at inirapan niya si Jeremy. Umusog na rin siya sa gilid ng kama. Ibinaba niya ang kanyang mga paa roon.Bumaba rin ang tingin ni Jastine. Nakita niya sa sahig ang flat doll shoes na suot niya. Mabuti na lang at naroon ito. Akala pa naman niya na nasa office rin ito ni Drei. Dahil sa kanyang naisip, naalala niya bigla na naroon nga pala ang iba pa niyang mga gamit. Ayaw pa sana niya ito paniwalaan pero hindi niya nakita sa loob ng kwarto na kinaroroonan ang kanyang favorite backpack.“Jastine,” tawag ni Jeremy nang huminto na naman si Jastine.“Heto na nga, Jeremy.” Bumaba na ng kama si Jastine. Hindi na niya binigyan pa ng pansin ang gusot-gusot na kumot. “Atat na ata? Maaga pa naman, Jeremy.”Kinuha ni Jastine ang cell phone niya na nakalatag sa lamesa na katabi lang ng kama. Mabuti na lang at hindi siya kinabitan ng dextros