Share

Chapter forty-three

Napahawak ako sa braso ni Raphael ng alalayan niya ako na makaupo dito sa sofa wala na akong nagawa ng tulungan niya ako dahil nahihilo talaga ako.

"Ito ang tubig inumin mo na yan na gamot na hawak mo." Sabi niya na kinuha ang kamay ko at pinahawak sa baso kaya napatingin ako sa kanya.

Ininom ko na ito at naubos ko ang isang baso ng tubig na binigay niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya imbes na magpasalamat kaya napatitig siya sa akin.

"Hindi ko alam na nandito ka pala pinapunta ako dito ni Miko dahil nakiusap siya na dumito na muna ako wala naman na kase akong ibang matutuluyan mula ng makalabas ako." Sagot niya kaya tumingin ako sa kanya at tumayo na.

"Basta hindi tayo magkikita mula ngayon." Sabi ko sa kanya at lumakad na paakyat mamaya na ako kakain kapag umalis na siya.

Parang ako mismo ang nasasaktan sa inaasta ko sa harap ni Raphael kaya napahawak na lang ako sa dibdib ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang sketchpad ko
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status