Maraming nagbago kay Heart iyon ang napansin ko sa kanya, mas lalo siyang gumanda oo pero may nagbago sa ugali niya. She's dominant now and fierce, hindi niya gusto na pinapangunahan siya at mabilis siyang mairita. Tulad kanina may kausap siya at halos mamula siya sa inis habang may kausap, ibang lenggwahe rin ang gamit niya at sa pagkakaalam ko ay italian ang gamit niya na lenggwahe. “Ayos ka lang?“ Tanong ko nang lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay na nanginginig. “I'm okay Raphael problema lang sa trabaho.“ Sabi niya na pinipilit na kumalma. “Wag ka na munang mag-isip.“ Niyakap ko na siya kaya unti-unti siyang kumalma. “May problema ba si Nety kuya?“ Tanong ni Alyssa nang lumapit siya sa akin kaya napatitig ako sa kanya. “Oo sa trabaho raw nag-aalala nga ako madalas siyang may kausap sa telepono.“ Sagot ko sa kanya kaya napatango lang siya at tinanaw ang asawa ko na nasa garden at may kausap sa telepono. “Malake na ang pinagbago niya hindi na siya ang dating Serenety
Napangiti ako habang nakatingin sa mag-ama ko na masayang nagtatampisaw sa dagat.Kasama nila si Kuya Miko na binabantayan rin ang dalawang anak na masaya rin na nagtatampisaw.Kahapon ay napaka-emosyonal ng nangyaring tagpo sa pagitan ni Raphael at Riley, nakilala pa rin siya ni Riley dahil sa litrato na lagi nitong nakikita sa album na tinago pala ni mama noon.“Nakakatuwa silang pagmasdan diba?“ Turan ni Alyssa na tumabi ng upo sa akin kaya napangiti ako at tumango.“Oo hindi nga ako makapaniwala na darating kami sa ganitong sitwasyon.“ Tugon ko sa kanya kaya hinawakan niya lang ako ng mahigpit sa kamay at nakangiti na nakatitig sa akin.“Babe luto na ba yan?“ Napatingin kami kay Kuya Miko na papalapit na sa amin habang karga ang bunso nila ni Alyssa.“Opo malapit na po, ano pagod ka na?“ Natatawa na turan ni Alyssa saka kinuha rito ang anak.Masayang dumulog sa lamesa ang mag-ama ko maging si Kuya Miko at ang mga anak niya.Napangiti ako nang tinitignan lang ni Riley ang mga pagka
Hindi ako nagkamali makalipas ng ilang araw ay mga balita na lumabas sa iba't ibang pahayagan tungkol kay Raphael, sa pamilya niya at sa pamilya ko.Kahit burol ng lola ni Raphael ay hindi nakaligtas sa tsismis ang pamilya nila at lalo lang nilang sinira ang sitwasyon.Matapos lang at mailibing si lola ay ako mismo ang maglalagay sa kahihiyan sa babaeng iyon na walang delikadesa.At iisa lang ang gusto ng mga taong gustong sirain ang pamilya namin iyon ay ang kasal namin ni Raphael.My broken marriage with him that cause him to go to jail for two years, napatawa na lang ako sa mga hindi makatotohanan na balita.Lolo is furious about it even my father and brother, but i told them that i am not affected by it.Magkagulo sila hangga't gusto nila wala akong pakialam, maraming pahayagan ang nagbigay ng sintemyento at marami ang gusto na makuha ang side ko at side ni Raphael.Pero itong asawa ko ay tila walang pakialam dahil parang balewala lang dito ang balita.Mas nag-focus ito sa pagbibi
Nakabalik kami sa isla at enjoy na enjoy ang pamilya ko at masaya ako na makita silang masaya.Si lolo ay nakaupo lang na nakatanaw sa mga bata na nagtatampisaw sa dagat, habang sina Alyssa ay nag-iihaw ng mga isda at seafood.“Hindi ako makapaniwala na muli kaming makakabalik dito.“ Sabi ni mama na lumapit sa akin at inabot sa amin ang isang plato kaya napangiti ako.“Pwede kayonh manatili kahit kailan mama.“ Sabi ko sa kanya kaya napangiti rin siya at napatingin sa dagat at nakatanaw kay papa na kasama ang mga bata.“Tila bumalik sa pagkabata ang papa mo tignan.“ Sabi ni mama na tumawa nang madapa ito sa buhanginan pero rinig na rinig ko ang masaya nilang tawa, maging si lolo ay malutong ang tawa kaya napangiti na lang ako.“Napakasaya ko po ngayon dahil unti-unti nang nagiging maayos ang lahat.“ Sabi ko kay mama na nginitian lang ako ng malambing at hinawakan ako sa likod.“Deserve niyo maging masaya anak.“ Maikli lang na turan ni mama kaya napatitig ako sa kanya at tumango.Hindi
Sa nagdaan na araw ay naging tahimik ang mga buhay namin at ang routine namin ay ganun pa rin.Umuwi na muna sina papa sa Italy at kasama na nila si Daddy Enrique at ang asawa't anak nito, habang si Kuya Adrian naman at ang asawa niya ay bumalik rin sa Japan at sa pagbabalik ay kasama na nito ang anak nila.Lagi naman silang tumatawag kaya masaya si Riley na makilala ang mga pinsan niya.Si Raphael ay nagtatrabaho na sa kumpanya niya, may wellcome party siya sa linggo at pinaghahandaan ito ng mga empleyado niya at gaganapin ito sa isang hotel.Lahat ay imbitado, mula sa mga utility ng kumpanya, mga empleyado, hanggang sa mga executive at ang mga investor.Mga kaibigan nina Raphael ang karamihan sa kanila na lumago pa ang negosyo dahil sa tulong ng mga ito.Halos maiyak ang asawa ko dahil sa sobrang pasasalamat niya sa mga taong hindi pala siya iniwan, bagkus ay hinintay siya at isa iyon sa mga pinakamagandang bagay na nangyari sa asawa ko.Uuwi rin ang pamilya ko mula sa Italy at sina
Nagising ako na mag-isa na lang sa kama nakita ko na nakabukas na ang mga bintana ng kwarto namin ni Heart.Bumangon ako at tiningnan ko ang orasan seven-thirty pa lang ng umaga pero maagang gumising ang asawa ko.Linggo ngayon at naalala ko nga pala na nandito na ang mga anak namin kaya napangiti ako.Tatlong linggo rin silang magkakapatid na nasa Italy sa lolo at lola nila dahil bakasyon at para na rin magkaroon kami ng quality time ng asawa ko at wala kaming sinayang na sandali ng asawa ko.Napailing ako sa mga naiisip ko at napatawa kung makikita ako ni Heart ay tiyak na mamumula na naman ang mga pisngi niya.Naligo na ako at ng matapos ako ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina nasa bungad pa lang ako ay naririnig ko na ang maingay at nagtatawanan na mga bata kaya napangiti ako at sinilip sila.Ang panganay namin ay katulong ng kanyang ina sa paghahanda ng agahan, ang kambal at ang bunso naman namin ay nasa lamesa at nagtatawanan sa pinag-uusapan nila.Apat na pala ang anak namin
Isla Malinao, CatanduanesNaglalakad-lakad ako dito sa dalampasigan para manguha ng mga shell hindi kalayuan sa bahay namin ng may makita ako na parang may bagay na nasa aplaya kaya tinungo ko ito kaagad, nagulat ako ng makita ko na hindi bagay kundi tao na walang buhay ang nakita ko kaya nahintakutan ako na napaatras.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dahil ngayon lang ito nangyari, kusa kong inilibot ang paningin ko sa paligid baka may mga tao na nandito pero wala naman. Si nanay ay nasa bahay at nagluluto ng tanghalian gusto kong tumakbo palayo dahil natakot ako pero nanaig ang kuryosidad ko at lumapit sa taong nakadapa. Lumapit ako dito at napalunok ako ng makita ko na isang lalaki pala ito na wala ng buhay naalala ko ang tinuro sa akin ni nanay kung paano malalaman kung buhay ba ang isang tao o hindi na katulad ng ginawa niya kay lola ng makita na lang namin na wala na itong buhay. Inilapit ko ang kamay ko sa bandang leeg ng lalaki at kinapa ang pulso niya laking gulat ko ng
Nagising ako na parang pinupukpok ang ulo ko kaya napapikit ako ng mariin at muling dumilat para makita kung nasaan ako medyo masakit rin ang likod ko dahil sa papag na hinihigaan ko.Wala akong maalala kahit pinipilit ko pa pero nagbibigay lang ito ng sakit sa ulo ko. Bumangon ako ng dahan-dahan kaya lang ay parang may makirot sa akin kaya kinapa ko ang tagiliran ko nasalat ko na may benda ako dito at may sugat pala ako. Pati na rin ang ulo ko mayroon ring benda nakasuot ako ng puting t-shirt na bahagya lang lumuwag sa akin at isang maong na pantalon.Linibot ko ang paningin ko sa maliit na kwarto wala namang masyadong nakalagay maliban sa maliit na cabinet at sa tabi ng papag ay isang vanity table na may salamin at ilang pambabaeng kagamitan ibig sabihin kwarto ito ng isang babae.Ang pinto ng kwarto ay manipis lamang na kurtina tumayo ako at paika-ika pa akong humakbang papalabas nakita ko na mayroong tao na kapwa pa tulog sa maliit na sala, isang may katandaan na babae at isang