Napahinga ako ng maluwag at napapikit at napahiga dito sa kama ko, napatingin ako sa telepono na nandito sa kwarto ko kaya tumayo ako at sinagot ang tawag. Alas-syete na pala at hapunan na tumawag na si manang na nakahain na siya. Hindi ko namalayan na gabi na pala kaya wala sa loob na lumabas ako ng silid ko at bumaba na. Naabutan ko si manang na nagsasalin ng tubig sa baso at nang makita ako ay ngumiti siya. “Kain ka na hija nagluto ako ng sinigang na hipon at nagprito ako ng mayamaya.“ Sabi ni manang kaya napatango ako at ngumiti sa kanya. Umupo na ako at nagpaalam na muna si manang kaya tumango lang ako at magsimula na akong kumain. Bumalik si manang ng matapos ako kaya tumayo na ako habang kimakain ko ang natira ko na biyak ng guyabao kaninang tanghali. Nagtimpla ako ng tsaa habang kumakain ng guyabano, kinakamay ko ito at nagulat ako ng pumasok si Raphael. Napalunok ako at tumalikod binati siya ni manang at hindi ako nagsalita. “Magpapaalam pala ako Heart.“ Napatigil ako
Dahan-dahan akong naupo dito sa harap ng puntod ng anak ko at nilagay ang bulaklak na dala ko. Napatingin ako kay Raphael na umupo sa tabi ko at hinaplos niya ang pangalan sa lapida, ang pangalan ng panganay namin at ng bunso namin. "Matagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon na mabisita kayo mga anak." Bulong niya tumayo ako at hinayaan ko na lang siya naiiyak ako at huminga ng malalim. "Patawarin niyo si papa niyo ha ngayon lang ako nakabisita sa inyo." Narinig ko ang paghikbi niya kaya tuluyan nang nanubig ang mga mata ko kaya napatingala ako at huminga ng malalim. Nakita ko kung paano siya umiyak at paulit-ulit na humingi ng tawad sa anak namin kaya hindi ko na namalayan na umiiyak na rin pala ako. "Salamat Heart dahil hinayaan mo ako na dalawin ang mga anak natin." Sabi niya na paos ang boses kaya lumapit ako sa kanya at yumakap ng mahigpit sa kanya. “Kalimutan na natin iyon Raphael ang mahalaga nandito kana at binisita sila.“ Sabi ko sa kanya kaya napayakap siya ng mas
“Ikaw!?“ Gulat niya na turan kaya napahalukipkip ako at tumango. “Ako nga Heart Serenety Smith Leviste, oh Mrs. Leviste for short.“ Sabi ko sa kanya kaya sumama ang mukha niya at nakita ko kung paano ito manlisik. Kung noon ay nanginginig ako sa takot sa mga mata niya ngayon ay kaya ko nang tapatan ang mga mata niya. Ngumisi ako lalo at alam ko na lalo siyang nagalit. “Hindi ka ba masaya na makita ako mother in-law?“ Tanong ko sa kanya kaya napasingasing siya. “Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko! At ikaw ang dahilan para masira ang buhay ng anak ko!“ Sigaw niya na akma akong susugurin ay pinigilan siya ng pulis na nasa likod niya kaya galit niya itong inangilan. “Para ka pa rin tigre nakakatakot.“ Sabi ko sa kanya saka ako tumawa ng mahina. “Ang lakas ng loob mo na pumunta dito!“ Sigaw niya kaya napangiti ako ng matamis. “Alam mo ba kung bakit ako nandito? Nakalaya na si Raphael at alam mo ba na nagkabalikan na kami, at nagsisimula na kami ulit kasama ang anak na
Maraming nagbago kay Heart iyon ang napansin ko sa kanya, mas lalo siyang gumanda oo pero may nagbago sa ugali niya. She's dominant now and fierce, hindi niya gusto na pinapangunahan siya at mabilis siyang mairita. Tulad kanina may kausap siya at halos mamula siya sa inis habang may kausap, ibang lenggwahe rin ang gamit niya at sa pagkakaalam ko ay italian ang gamit niya na lenggwahe. “Ayos ka lang?“ Tanong ko nang lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay na nanginginig. “I'm okay Raphael problema lang sa trabaho.“ Sabi niya na pinipilit na kumalma. “Wag ka na munang mag-isip.“ Niyakap ko na siya kaya unti-unti siyang kumalma. “May problema ba si Nety kuya?“ Tanong ni Alyssa nang lumapit siya sa akin kaya napatitig ako sa kanya. “Oo sa trabaho raw nag-aalala nga ako madalas siyang may kausap sa telepono.“ Sagot ko sa kanya kaya napatango lang siya at tinanaw ang asawa ko na nasa garden at may kausap sa telepono. “Malake na ang pinagbago niya hindi na siya ang dating Serenety
Napangiti ako habang nakatingin sa mag-ama ko na masayang nagtatampisaw sa dagat.Kasama nila si Kuya Miko na binabantayan rin ang dalawang anak na masaya rin na nagtatampisaw.Kahapon ay napaka-emosyonal ng nangyaring tagpo sa pagitan ni Raphael at Riley, nakilala pa rin siya ni Riley dahil sa litrato na lagi nitong nakikita sa album na tinago pala ni mama noon.“Nakakatuwa silang pagmasdan diba?“ Turan ni Alyssa na tumabi ng upo sa akin kaya napangiti ako at tumango.“Oo hindi nga ako makapaniwala na darating kami sa ganitong sitwasyon.“ Tugon ko sa kanya kaya hinawakan niya lang ako ng mahigpit sa kamay at nakangiti na nakatitig sa akin.“Babe luto na ba yan?“ Napatingin kami kay Kuya Miko na papalapit na sa amin habang karga ang bunso nila ni Alyssa.“Opo malapit na po, ano pagod ka na?“ Natatawa na turan ni Alyssa saka kinuha rito ang anak.Masayang dumulog sa lamesa ang mag-ama ko maging si Kuya Miko at ang mga anak niya.Napangiti ako nang tinitignan lang ni Riley ang mga pagka
Hindi ako nagkamali makalipas ng ilang araw ay mga balita na lumabas sa iba't ibang pahayagan tungkol kay Raphael, sa pamilya niya at sa pamilya ko.Kahit burol ng lola ni Raphael ay hindi nakaligtas sa tsismis ang pamilya nila at lalo lang nilang sinira ang sitwasyon.Matapos lang at mailibing si lola ay ako mismo ang maglalagay sa kahihiyan sa babaeng iyon na walang delikadesa.At iisa lang ang gusto ng mga taong gustong sirain ang pamilya namin iyon ay ang kasal namin ni Raphael.My broken marriage with him that cause him to go to jail for two years, napatawa na lang ako sa mga hindi makatotohanan na balita.Lolo is furious about it even my father and brother, but i told them that i am not affected by it.Magkagulo sila hangga't gusto nila wala akong pakialam, maraming pahayagan ang nagbigay ng sintemyento at marami ang gusto na makuha ang side ko at side ni Raphael.Pero itong asawa ko ay tila walang pakialam dahil parang balewala lang dito ang balita.Mas nag-focus ito sa pagbibi
Nakabalik kami sa isla at enjoy na enjoy ang pamilya ko at masaya ako na makita silang masaya.Si lolo ay nakaupo lang na nakatanaw sa mga bata na nagtatampisaw sa dagat, habang sina Alyssa ay nag-iihaw ng mga isda at seafood.“Hindi ako makapaniwala na muli kaming makakabalik dito.“ Sabi ni mama na lumapit sa akin at inabot sa amin ang isang plato kaya napangiti ako.“Pwede kayonh manatili kahit kailan mama.“ Sabi ko sa kanya kaya napangiti rin siya at napatingin sa dagat at nakatanaw kay papa na kasama ang mga bata.“Tila bumalik sa pagkabata ang papa mo tignan.“ Sabi ni mama na tumawa nang madapa ito sa buhanginan pero rinig na rinig ko ang masaya nilang tawa, maging si lolo ay malutong ang tawa kaya napangiti na lang ako.“Napakasaya ko po ngayon dahil unti-unti nang nagiging maayos ang lahat.“ Sabi ko kay mama na nginitian lang ako ng malambing at hinawakan ako sa likod.“Deserve niyo maging masaya anak.“ Maikli lang na turan ni mama kaya napatitig ako sa kanya at tumango.Hindi
Sa nagdaan na araw ay naging tahimik ang mga buhay namin at ang routine namin ay ganun pa rin.Umuwi na muna sina papa sa Italy at kasama na nila si Daddy Enrique at ang asawa't anak nito, habang si Kuya Adrian naman at ang asawa niya ay bumalik rin sa Japan at sa pagbabalik ay kasama na nito ang anak nila.Lagi naman silang tumatawag kaya masaya si Riley na makilala ang mga pinsan niya.Si Raphael ay nagtatrabaho na sa kumpanya niya, may wellcome party siya sa linggo at pinaghahandaan ito ng mga empleyado niya at gaganapin ito sa isang hotel.Lahat ay imbitado, mula sa mga utility ng kumpanya, mga empleyado, hanggang sa mga executive at ang mga investor.Mga kaibigan nina Raphael ang karamihan sa kanila na lumago pa ang negosyo dahil sa tulong ng mga ito.Halos maiyak ang asawa ko dahil sa sobrang pasasalamat niya sa mga taong hindi pala siya iniwan, bagkus ay hinintay siya at isa iyon sa mga pinakamagandang bagay na nangyari sa asawa ko.Uuwi rin ang pamilya ko mula sa Italy at sina