Nakasuot ako ng puting gown at may hawak na bulaklak habang nasa tabi ko si Kuya Matheo na siyang maghahatid sa akin sa altar.Gusto kong maiyak sa mga sandaling ito pero nandito pa rin ang saya sa dibdib ko.Ikakasal ako kay Raphael at nandoon siya sa harap at naghihintay sa akin.Si Alyssa ay napakaganda sa suot niyang puti rin na gown at katabi niya si Kuya Miko na nakangiti.Si Kuya Adrian naman ay katabi si Raphael na parehong mga gwapo sa suot nila.Halos iilan lang kami na nandito at kabilang na dito ang pari at kasama niya at ang tatlong tauhan ni kuya na mga butler pala niya.Nandito kami sa gilid ng talon dito sa gitna ng kagubatan ang lugar kung saan binigay ko kay Raphael ang sarili ko.Ang saksi ng pagmamahalan naming dalawa."Don't cry my princess." Bulong ni kuya kaya napahigpit ang kapit ko sa kanya, kahapon ay siya na mismo ang nagsabi kay Raphael na magpakasal kami dahil hindi niya nasisiguro ang kaligtasan ko at si Raphael lang ang alam niya na tao na mapagkakatiwal
Nagwawalis ako sa sala ng umupo si Alyssa sa sofa at may dalang bowl ng binalatan ko na mansanas.Nakasimangot siya at parang umiyak dahil namumula ang mukha niya.Napatingin siya sa akin at inalok ako pero umiling lang ako."Nety mataba na ba ako?" Tanong niya kaya iniwan ko saglit ang ginagawa ko at lumapit sa kanya saka umupo sa tabi niya."Tumaba ka po kasi lumalaki na ang tiyan mo." Sabi ko sa kanya sabay haplos sa tiyan niya na nakikita na ang umbok pero napasimangot siya."Totoo nga ang sabi ni Miko mataba na ako." Bigla siyang umiyak kaya nataranta ako at pinatahan siya."Alyssa tumaba ka kasi nga may baby ka na at saka gusto mo ba na hindi baka mapaano si baby kung kulang ka sa sustasya." Sabi ko sa kanya kaya napatigil siya at hinaplos ang tiyan at paulit-ulit na nag-sorry kaya napailing na lang ako.Dahil buntis si Alyssa ay masyado siyang iyakin at kaunting kibot lang ay umiiyak kaya nahihirapan si Kuya Miko sa kanya.Naawa tuloy ako sa kanya dahil madalas siyang awayin ni
Napatingin ako sa biglang pumasok sa opisina ko at nakita ko si mama na halatang galit."Ano ito na narinig ko na kasal ka na?" Bigla niyang tanong at galit pa."Nakasagap na pala kayo ng balita." Wala sa loob ko na turan sa kanya saka tinanggal ang salamin ko sa mata."Raphael mga magulang mo hindi inimbita sa kasal mo?" Hindi makapaniwala niya na turan."Bakit mama nakakasigurado ba ako na hindi mo sisirain ang kasal ko?" Balik tanong ko sa kanya kaya naramdaman ko na lang na sinampal na niya ako."Hindi ako makapaniwala masasabi mo yan sa akin ako na ina mo? hindi mo na ako rinespeto!" Galit niya na turan kaya napahinga ako ng malalim at tinitigan siya."I held my wedding into private just like dad said because he wants me to build my own family." Sabi ko sa kanya kaya nanlaki ang mata niya."Tell me mom why are you so angry? dahil noon pa lang ay alam mo na kung sino at ano ang totoong pagkatao ni Serenety?" Seryoso ko na turan sa kanya lalo kong nakita ang pagkabigla niya.Kahapo
Ngayong araw ay simula na ng klase ko at excited ako dahil sa isang pribadong universidad ako papasok."Mahal nakahanda na ba ang gamit mo?" Napatingin ako kay Raphael ng lumabas siya mula sa banyo at bagong ligo kaya napangiti ako at tumango.Kinuha ko ang isa pa na tuwalya at pinunasan ang basa niya na buhok habang nakaupo na siya.Napangiti ako ng tumingala siya sa akin kaya kinintalan ko siya ng halik sa ilong."Basta nandoon si Adrian at ang isa sa mga kaibigan ko na nagtuturo rin doon kapag may concern ka ay magsabi ka lang." Sabi niya tumango ako at ngumiti."Susunduin mo ba ako mamaya?" Tanong ko kaya tumango siya at ngumiti."Syempre naman maaga akong uuwi para masundo kita." Malambing niya na turan kaya napangiti ako.Walang uniform sa koliheyo kaya simple na jeans at blouse lang ang suot ko at pinaresan ko ito ng puting sapatos.Napangiti ako habang nakatingin sa salamin ang buhok ko na mahaba ay nakatirintas ng maayos, may hikaw ako na maliit, regalo sa akin ito ni Raphael
Ang isang linggo na hindi ko pagkausap kay Raphael ay naging tatlong linggo at mabigat ito para sa akin dahil nasasaktan pa rin ako ng paulit-ulit.Kahit nandito siya sa isla at dito pa rin siya umuuwi at paulit-ulit pa rin niya akong sinusuyo at humihingi siya ng tawad, pero matigas ang puso ko at galit pa rin sa kanya.Hindi ko pa siya kayang kausapin dahil nasasaktan pa rin ako kaya kahit nandyan siya ay pinipilit ko na hindi siya pansinin.Napupuno na ng mga bulaklak ang kwarto ko at iniiyakan ko ito gabi-gabi dahil mahina pa rin ako parang gusto ko pa rin na magpakulong sa mga bisig niya.Kaya hirap na hirap ako ngayon at hindi ko alam kung kailangan ko pa ba na manatili rito.Gusto kong tawagan si Kuya Matheo pero hindi namin siya ma kontak kaya kinakabahan ako at nag-aalala dito."Nety halika ka na kain na tayo." Bungad ni Alyssa sa akin kaya napatingin ako sa kanya."Inayos ko muna itong mga gamit ko." Sabi ko sa kanya kaya nakita ko na natigilan siya."Nety hindi mo naman kai
Tinanong ko agad si Ryke kung kumusta ang kuya ko pero napailing lang siya kaya kinabahan ako."Isang buwan na kaming walang balita sa kanya kaya hindi kami makakilos ng wala siya." Sagot niya kaya napayuko ako at gusto kong maiyak."Pero nasa Italy siya diba?" Tanong ko sa kanya."Oo kasama niya ako pero may nagtangka na pasabugin ang kotse na sinasakyan namin kaya dito kami nagkahiwalay dahil magkaibang hospital ang pinagdalhan sa amin." Kwento niya kaya napatingin ako sa kanya. Pinakita niya sa akin ang nakabenda pa niya na braso."Kumusta si kuya buhay siya diba?" Medyo nanginginig ko na tanong sa kanya."Buhay siya at alam ko na gumagawa siya ng paraan para makakuha ng contact sa amin." Sabi niya na pinakalma ako."Dala ko na ang ticket mo, ito lang ang magagawa ko sa ngayon dahil limitado lang ang mga kilos namin." Sabi niya saka binigay sa akin ang puting sobre na may kakapalan."Pera yan kakailanganin mo at may address diyan pagdating mo sa Paris, hanapin mo siya malaking baha
Iginala ko ang paningin ko sa napakalaking mansyon o mas tamang sabihin na palasyo kanina sa labas ay napakalawak ng hardin at mayroong iba't ibang sasakyan ang nakita ko.Napakayaman talaga siguro ng lolo namin tulad ng sabi ni Alora."Nakakalula diba?" Napatingin ako sa kanya na nakangiti kaya napatango ako."Dito ako lumaki pero mula ng mag-aral ako sa Paris ay dalawang beses na lang ako nakakauwi rito." Sabi niya ulit kaya tumango ulit ako."Ilan ang nakatira dito?" Tanong ko kaya napatawa siya kahit wala naman nakakatawa sa sinabi ko."Si lolo lang at ang mga tauhan niya." Simple niya lang na sagot.Napatingin kami sa isang lalake na bigla na lang sumulpot at napayuko bilang paggalang."Where's our abuelo?" Tanong ni Alora dito kaya napatayo ito ng tuwid at may gulat sa mukha ng matitigan ako."I know Mr. Geron that your shock too." Natatawa na turan ni Alora at hinawakan ako sa braso."Where's our lolo again?" Muling tanong ni Alora kaya napatingin ulit siya sa amin."In the bac
Napahawak na lang ako sa damit ni Raphael na tila sabik na sabik sa paghalik sa akin.At hindi alintana ang mga tao sa paligid napayakap na lang ako dito dahil natugunan ko na ang uhaw na uhaw niyang mga labi."Who are you to kiss my granddaughter young man?" Nagulat ako ng marinig ko si lolo at nakatutok na kay Raphael ang mga baril ng tauhan ni lolo."I am the husband of your granddaughter sir, i just miss her so much." Wala sa loob na turan ni Raphael na parang walang ginawa."Are you Raphael Leviste?" Tanong ni lolo at tumingin sa akin napayuko ako at tumango bilang kompirmasyon.Tumango si Raphael at magalang na yumukod kay lolo, dito na binaba ng mga tauhan ni lolo ang baril."Come on young man we will talk while eating." Pagyaya rito ni lolo. Napatingin ako kay Alora na nakatingin rin pala kay Raphael at Adrian."Hindi mo sinabi na sobrang gwapo pala ng asawa mo." Bulong sa akin ni Alora kaya napangiti lang ako.Bigla akong inakbayan ng asawa ko kaya wala na akong nagawa kundi s