Share

In the Arms of the Enigmatic Billionaire
In the Arms of the Enigmatic Billionaire
Author: mpresscat

Simula: Divorce

Chapter 1 Divorce

"Sign it now."

Ang mababa ngunit malamig na boses ang bumungad sa kaniya. Kapapasok lamang niya ng kwarto at naabutan niya ang asawa na walang emosyon ang mukha habang nakatayo sa tabi ng mesa. His finger was pointing to the paper on the table. Audrey felt a lump in her throat when she realized that it was a divorce agreement. Unti-unti siyang nag angat ng tingin sa asawa at mapait na napangiti.

So that's it. Ito na 'yon. Ang inaasahan niya sanang magandang balita ay kabaliktaran pala.

This was the reason why he called her first thing in the morning which he never did before. Maghapon siyang 'di mapakali at iniisip kung ano ang dahilan bakit siya gusto makausap ng lalake— may kaunting pag-asa na maganda ang sasabihin nito.

She was happy all day, anticipating a surprise or good news but it turned out that it was something that would break her.

Lawrence is asking for divorce. He's ending their three-year marriage.

Halos wala sa sarili na dinampot ni Audrey ang papel at pinasadahan ng tingin ang nilalaman no'n. Her hand was shaking but she tried to stop it. Mababaw ang paghinga niya.

"Gusto mo makipaghiwalay? You want a divorce?" namamaos ang boses na tanong niya, nanatili ang titig sa papel.

Nagsalubong ang kilay ni Lawrence nang tignan niya si Audrey, ang asawa niya sa loob ng tatlong taon.

Wala itong kaayos-ayos, mukhang pagod, at stress. Katatapos lang kasi nito maglinis sa maraming kwarto sa mansion na 'yon. Tumatagaktak ang pawis sa noo, may eyebags pa na kitang-kita pa rin sa suot nitong makapal na salamin sa mata, at idagdag pa ang lito nitong ekspresyon kaya hindi ito nagmukhang kaaya-aya sa paningin niya.

Marahan tignan ang mukha nito ngunit ayon lang. She looked plain and boring for him. She was such an ordinary-looking woman. Katulad ng palagi niyang naririnig sa mga tao sa paligid niya, hindi ito bagay maging Mrs. Villafuente.

Umiwas ng tingin si Lawrence kapagkuwan ay bumunot ng sigarilyo mula sa bulsa niya. He lit it with his lighter, not thinking about Audrey who's sensitive to cigarette's smoke.

Hindi nga talaga niya kilala ang asawa, o sadyang wala siyang pakialam sa babae.

Humithit muna siya sa sigarilyo at bumuga ng usok bago nagsalita. "I need you to sign it as soon as possible. She's back... at ayokong may kahit anong maging hadlang sa amin."

Doon napaangat ng tingin si Audrey. Her eyes widened a bit then she slowly realized who it was. Nalasahan niya ang pait sa dila at napakurap. She knew the 'she' that he's talking about.

Si Gayle, ang first love ni Lawrence. Wala na siyang ibang maisip kung hindi siya. Because from the beginning, he made it clear to her that the only woman who matters to him was Gayle.

Sa papel lang sila kasal para kay Lawrence at walang ibang ibig sabihin 'yon. Kahit kailan ay hindi siya nito tinignan bilang asawa dahil si Gayle lang ang nasa isip nito. Ni kahit isang beses ay walang nangyari sa kanilang dalawa. Halos hindi nga siya nito tignan at hawakan.

Napansin niya na tila nabahiran ng kaba ang mukha ni Lawrence nang makita ang ekspresyon niya kanina. Malamang ay kaba 'yon na baka hindi siya pumayag sa inaalok nitong divorce. Idiniin nito ang sigarilyo sa ashtray sa may mesa saka binitawan na 'yon at tumikhim habang nakatitig sa kaniya.

"Don't worry, you will not be left with nothing, Audrey. Alam kong hindi ka nakapagtapos at wala ka ring trabaho. After our divorce, I'll give you a house and car. In addition, I will also give you a huge amount of money as my compensation. Hindi ko hahayaan na maging kawawa ka, huwag ka mag-alala."

Ang kasal nila ay kasunduan lang, ginawa para lang sa hiling ng lolo ni Lawrence na nag-agaw buhay 3 years ago. Ngunit ngayon ay maayos na ito at malusog na muli, idagdag pa na bumalik na si Gayle kaya lumalakas na muli ang loob muli lalake.

She realized that he really never liked her, even a bit. Ganito kabilis ang naging desisyon nitong makipag-divorce nang malaman lang na bumalik na ang pinakamamahal nitong babae sa Pilipinas. Audrey tried her best for the past three years but it was all nothing for him. Lahat niya ginawa para dito, nagsayang lang siya ng panahon. Malaki ang nawala sa kaniya.

Mariin siyang lumunok at huminga nang malalim. Tinignan niya muli ang divorce papers saka dahan-dahan tumango. "Okay. I'll sign it."

Pinulot niya ang ballpen sa mesa saka nagsimulang pumirma. Her strokes were clean and smooth. Pinagmasdan siya ni Lawrence at hindi mawari ng lalake kung ano ang iniisip ni Audrey sa mga oras na 'yon. But he knew that she likes him a lot. Siguradong nasasaktan ito ngayon at napipilitan lang. Bahagya pa siyang nabigla nang nag-angat ng tingin ang babae sa kaniya.

"Aalis din agad ako, just give me one or two days. Hindi na kita guguluhin."

Lawrence nodded and put his hands in his pockets. "Take your time, you don't need to rush... you worked hard for the past three years, you deserve to take your time to move out slowly."

Even if he hates her because of unknown reasons— hindi niya maitatanggi na mabuting asawa si Audrey.

For the past three years, she has taken care of everyone in the Villafuente family. Si Lawrence na abala sa pagpapalago ng career niya, ay sobrang malaya at walang responsibilidad dahil kay Audrey napunta lahat ng 'yon. Wala na siyang ginagawa sa bawat pag-uwi dahil nakahanda na ang lahat para sa kaniya. Even for his family, Audrey was very useful. She exceeded the responsibilities of being a wife to him. He's aware to all of that but in the end, he can't force himself.

Halos matawa si Audrey sa sinabi ng asawa. Marami siyang ginawa para kay Lawrence, nasayang ang tatlong taon ng buhay niya pero hindi niya inasahan na ganito kadali matatapos ang lahat, at gano'n lang ang maririnig niya mula rito.

No 'thank you', just 'take your time'. Wow.

Hindi na napansin ni Lawrence ang sarkastikong ngiti ni Audrey. His eyes were fixated to the divorce paper that she just signed. Wala na siyang sinayang na oras at kinuha 'yon. When his phone rang, he saw his assistant calling him. Halos hindi niya na sinulyapan si Audrey na tila hindi ito karapat-dapat tignan pa kahit saglit at nilagpasan niya na ito.

"I have to go. May gagawin ako sa kompaniya. If you need anything, ask Manang Linda," kalmadong sinabi ni Lawrence habang palayo na.

Audrey nodded but she realized that it was not needed because he didn't even glance at her. Exactly how it was for the past three years. Pait ang naramdaman niya saka napailing sa sarili.

Paglabas ni Lawrence ay bumaba na siya sa sala. Nadaanan niya ang kaniyang ina na agad siyang binati at halata ang kaba sa mukha.

"Kumusta, hijo? Pumayag ba siya? Pumirma na ba siya sa divorce agreement?" sunod-sunod na tanong ni Thelma Villafuente.

Kumunot nang bahagya ang noo ni Lawrence bago tumango.

His mother sighed in relief dramatically then smiled, her eyes were almost sparkling. "Mabuti naman kung gano'n. I was so stressed for the past three years na kasal kayo. I hate that woman! Sa tatlong taon, hindi ka man lang binigyan ng anak, malamang ay baog. Hindi pa marunong makihalubilo sa amin, palaging nakayuko at halos hindi nagsasalita! She's probably hiding all her guilt for doing something behind our back. Siguradong may sekreto 'yan, may ginagawang kalokohan sa atin kaya gano'n siya."

Hindi kumibo si Lawrence, nakikinig lang sa sinasabi ng kaniyang ina.

Thelma massaged her temple then continued, "When your Grandpa was pushing you to marry that woman, hindi ako pumayag. Ano bang mapapala natin sa babaeng inampon ng mga Rodriguez dahil walang magulang? Kaya gano'n ang ugali dahil hindi napalaki nang maayos, hindi nabantayan. I am very happy now that we are going to cut ties with her. I-process mo agad ang divorce. Kapag kasal na kayo ni Gayle, do'n lang ako tuluyang matutuwa. Siya ang karapat-dapat ko maging daughter-in-law, na maging asawa mo. Not someone like Audrey who didn't even finish college!"

Ang kapatid ni Lawrence na si Leandra na halos kadarating lang ay agad din nakisali, narinig ang magandang balita. "I am happy for you, Kuya. Hiyang-hiya kaya ako na siya ang sister-in-law ko. Mabuti na lang nagkabalikan na kayo ni Ate Gayle. Excited na akong magpakasal kayo. Ayoko ng makita ang pagmumukha ni Audrey, sobrang nakakairita," singit nito saka napairap. "Walang kadating-dating, boring, at plain."

Audrey who was upstairs has been hiding and listening. She gritted her teeth, her fist clenched. Imbes lungkot, galit na ang namumuo sa dibdib niya. This family has been nothing but hell to her. At hindi niya alam ngunit may umuusbong na kung ano sa kalooban niya. It's definitely not something good.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status