Share

Chapter 1: Villafuente

Audrey composed herself and walked back to her room after she listened to their conversation. Siguro nga ay tama na ganito na rin talaga ang mangyayari.

Sa loob ng panahon na kasal sila ni Lawrence, ginawa rin niya ang best niya para ipakita sa mother-in-law niyang si Thelma na karapat-dapat siya rito. Kahit ang kapatid ni Lawrence na si Leandra ay halos pagsilbihan niya sa desperasyon na matanggap ng mga ito.

When Leandra was confined in the hospital because of a car accident, Audrey stayed there with her. Siya ang nag-alaga rito sa loob ng ilang buwan hanggang sa gumaling ito. Kay Thelma naman ay pinagsisilbihan niya ito, sinusunod ang lahat ng utos nito kaya nagmukha na siyang katulong sa mansion ng mga Villafuente.

Halos ubusin niya ang sarili para sa pamilyang ito pero sa huli, ito ang maririnig niya. They are all eager to throw her out of their house. Minasama pa ang lahat ng pakikisama niya. This family is something else and maybe, this divorce will be a blessing.

Napabalik siya sa reyalidad nang nag-ring ang cellphone niya. She saw on the screen that her bestfriend Lucy was calling her. Sinagot niya 'yon at agad bumungad ang nagtatampo na boses nito.

"Yanna, hindi ka ba talaga pupunta? Girl naman, I know how much you liked car racing. This is your opportunity to go back. It's been three long years, the arena is waiting for you!"

Natigilan si Audrey sa narinig. Her best friend's words brought back a lot of memories.

Before she married Lawrence, she had a lot of hobbies. She loved car racing, shooting, and trying different kinds of wine. Then she met Lawrence at pinagkasundo silang magpakasal ng lolo nito na matalik na kaibigan ng namayapa niyang ama.

It was not hard to like Lawrence especially because he was really nice and sweet to her the first time they met. Gentle and demure woman was his type and since she's gonna marry him, pinilit niya ang sarili na mag-fit sa type nito. Idagdag pa ang ina nito na talagang pinuna ang personality niya.

So she gave up her hobbies. Audrey changed herself to fit in their family. Sinunod niya ang gusto ng mga ito.

Three years have passed at halos makalimutan na niya kung sino nga ba talaga siya.

Muli ay nagsalita si Lucy. "Sige na kasi, Yanna. Kung ayaw mong malaman ni Lawrence, itago natin. Magagawan natin ng paraan 'yan. Hindi pwedeng tuluyan mo na lang talagang kakalimutan ang car racing dahil lang sa lalakeng 'yon na wala namang kwent—"

"We are getting divorce," Audrey interrupted her gently.

Natahimik si Lucy dahil sa pagkabigla kapagkuwan ay halos pasigaw na nagsalita. "Natauhan ka na ba o tuluyan ng nabaliw si Lawrence para pakawalan ka niya?"

Napangiti si Audrey sa sinabi ng matalik na kaibigan. "Siya ang nag-alok... pumayag ako."

Sa kabilang banda ay hindi makapaniwala si Lucy. Hindi niya alam kung sadyang bulag ba si Lawrence o wala sa katinuan. Pinakawalan pa nito si Audrey, sa lagay niyang 'yon na kung tutuusin ay kakailanganin pa sana magpadasal ng mga Villafuente para lang pumatol do'n si Audrey. Naiisip nga niya ay baka ginayuma lang ang bestfriend niya. Tapos ngayon ay magdi-divorce ang dalawa at si Lawrence pa talaga ang nag-alok?

Napailing siya ngunit napangisi. "Congratulations, girl!" Lucy squealed. She was so happy and excited. "Pupunta ako diyan at susunduin kita. Mag-celebrate tayo para sa kalayaan mo mula sa h*******k na 'yon!"

Natawa si Audrey at pumayag sa sinabi ni Lucy. Nang natapos ang tawag ay pinagmasdan niya ang master's bedroom kung saan siya nag-stay for three years.

Master's bedroom na dapat ay sa mag-asawa pero mag-isa lang siya rito sa buong panahon na kasal sila dahil si Lawrence ay hindi ro'n natulog kailanman. And now, it came to its end. Dahil aalis na siya rito.

She said that she was going to leave within two days but she realized there was no reason for staying any longer. Kahit isang oras lang ay ayaw na niyang tumagal pa ro'n.

Nagsimula siyang mag-impake ng gamit niya. Kaunti lang naman ang mga damit niya. Nang ikasal kasi siya ay kailangan niyang iwan ang mga damit niya dati at magbago ng mga outfit dahil hindi pasado ang mga 'yon sa Villafuente. Kaya ngayon ay iilan lang ang dinala niya sa mga damit niya at hindi na siya natagalan mag-impake.

She then looked at her hand, sunod ay tinanggal niya ang wedding ring niya at inilapag 'yon sa ibabaw ng bedside cabinet. It was hard to tell whether it was regret or relief in her eyes but one thing is for sure, she's glad that she's leaving that house.

Lumabas siya ng kwarto dala ang maleta niya na halos walang laman. Pagbaba niya sa sala ay naisipan niyang magpaalam pa rin sa ina ni Lawrence ngunit ang naabutan niya ay ang kapatid nito na si Leandra.

Napatayo ito mula sa pagkakaupo saka siya tinignan mula paa pataas sa ulo kapagkuwan ay tinaasan siya ng kilay. "Akala mo kung sinong mataas, aalis agad dahil sa divorce pero 'yung ugali naman, basura? Audrey, you've been pestering our home for the past three years surely because of our money tapos ngayon aalis ka nang walang paalam? Sadyang makapal talaga ang mukha mo, ano?"

Napahinto si Audrey sa paglalakad. She picked up the glass of water on the center table. Nang harapin niya si Leandra ay walang pagdadalawang isip na sinabuyan niya ito ng tubig sa mukha.

Leandra's eyes widened in shock while the cold water soaked her face. "D-did you really just..." Napuno ng galit ang mukha niya. "How dare you to do that, Audrey!?" pasigaw niyang sinabi.

Kalmadong inilapag ni Audrey ang walang laman na baso sa center table saka tinuyo ang mga daliring nabasa ng tubig. Tinignan niya ang babae.

"Calm down, Leandra. This is nothing compare to what you did. At huwag kang pakampante, hindi natin alam... baka gumanti pa ako."

Umawang ang labi ni Leandra, hindi makapaniwala sa narinig. She really had to blink twice to make herself realize that this was all true. Talagang si Audrey ang nasa harap niya, na nagsaboy ng tubig sa kaniya, at sinagot pa siya. Si Audrey na halos inapi nila sa loob ng tatlong taon.

For all those times that they hurt her, no matter how harsh their words and actions were, Audrey remained silent, gentle, and submissive. It satisfied them to know that they could just stomp on her without any complaints.

But that ended now.

Audrey remembered who she was. She was a really strong-willed and brave woman who will fight back and defend herself if needed.

Matagal siyang nagtiis sa pamilyang Villafuente at ngayon na 'yon magtatapos. She won't tolerate it anymore.

Tinignan niya rin mula ulo hanggang paa si Leandra bago ngumisi at tinalikuran ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status