Chapter 2
After 5 years... Sa loob ng limang taon ay mag-isang binuhay at itinaguyod ni Ainaliv ang kanyang mga anak. Yes it's a twin! Nakadalawang lahi talaga sa kanya ang baklang si Antonia na walang alam na nagkaanak pala sila! Kaya doble kayod siya at kung anu-anong mga trabaho ang pinasok niya upang mabuhay ang kanyang kambal at ang nanay niya. Sa pagdaan ng panahon ay binansagan na siyang gold digger single mom witch! Medyo mahaba pero imbes na magalit si Ainaliv ay nagustuhan pa niya ito. At ngayon nga na habang lumalaki ang kanyang kambal ay hindi na sapat ang kanilang pangangailangan dahil nag-aaral na ang mga ito. Kaya, nag-apply siya papuntang Paris as a fashion designer dahil yan naman talaga ang forte niya. Natanggap ang kanyang ginawa na mga designs at isa sa mga napili na magtrabaho sa Paris na isang Fashion and Jewelry Company. Ito ay bagong branch ng kompanya at kinakailangan nila ang maraming tao. Nalulungkot si Ainaliv dahil first time niyang iiwan at mapapalayo sa mga anak. Wala naman siyang magagawa dahil malaki ang sweldo sa Paris. Hindi siya nagpahatid sa airport dahil ayaw niya ng drama at iyakan. Baka, hindi siya tumuloy sa Paris kapag nakita niyang malungkot ang kanyang kambal na sina baby Lemuel at Xander. Her treasures and life. Dalawang taon siyang mawawala at ma mi-miss niya ng sobra ang mga ito. Welcome to Paris! Hiyaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. Ang panibagong adventure ng kanyang buhay. Syempre, mas pipiliin niya ang maging kontrabida kaysa apihin ng kung sinu-sino lang! Isang palaban na gold digger witch yata siya! Mayroong own service car ang kompanya kaya ito ang sumundo sa kanya from the airport. Pero bad trip ang witch Lola ninyo dahil siksikan sila sa loob ng car! Dahil hindi lang naman siya ang sinundo. Isang dosena sila! Buong akala niya talaga ay special treatment na. Yon pala ay bokya! Ang kanilang bahay na titirhan ay malapit lang sa kompanya. Sinadya daw na walking distance para hindi na sila gumastos pa ng pamasahe. Inilagay lang nila ang bagahe sa kanilang kwarto at deretso report na daw sila sa kompanya! Gustong magpahinga ni Ainaliv pero wala naman siyang magagawa. Isang dosena sila sa loob ng bahay na may isang dosenang kwarto na sakto lang ang isang tao. Pero share sila sa kusina at sala dahil iisa lang naman ang mga ito. Nahuli lang siya ng isang hakbang ay nasa pinakadulo na ang kanyang kwarto. Nakaunang makapili ng kanilang mga kwarto ang labing isang bruha! Bulong ni Ainaliv sa kanyang sarili. Aggressive and competitive ang kanyang mga kasama sa bahay. Kailangan niyang maging alerto. Lalo na't nakilala siya ng isa sa mga ito. Si Lorena. Ang number one marites na kanilang kapitbahay sa dati nilang tinitirhan noon. Alam niyang makati ang dila nito at hindi mapipigilan na huwag ibuka ang bibig para lang maki-chismis! Ngayon palang ay pinandilatan niya na ito ng kanyang mga mata ng mapatingin sa kanya. At hindi ito nagpatalo. Bumulong ito sa hangin ng "Gold digger!" Papatulan na sana ni Ainaliv pero naalala niya na bawal ang bayolenteng employee sa kompanya. Kailangan niya ang mahabang pasensiya sa mga magdaraan pang mga araw at mga taon! Kapag bad trip nga naman ay tuloy-tuloy na yan pagdating kay Ainaliv. Kanina pa siya naghihintay sa Manager na in-charge sa kanya. Ang kanyang mga kasamahan ay may kanya-kanya ng pwesto. Siya nalang ang nag-iisang naghihintay! "Ah, Miss. Is your Supervisor coming?" Tanong niya sa isang amerikanang nakaupo sa kanyang harapan. Napangiti ito ng hilaw at hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Nakangiti nga pero halata namang plastic! Bulong ni Ainaliv sa kanyang sarili. "Yes, Just wait for- A little longer." Nakangiti nitong sagot. Isang araw ba ang ibig mong sabihin na paghihintay? Hiyaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. Pero sa halip ay gumanti siya ng ngiti. "Okay, thank you." Pilit ang kanyang ngiti na sumagot. Kung hindi lang siya mukhang pera ay uuwi na kaagad siya ng Pilipinas! Pero iniisip niya ang kambal. At ito ang nagbibigay ng lakas sa kanya upang magsumikap. And after how many years of waiting... "Naririndi na ako sa boses ng baklang yan! Grrr." Sigaw ng Supervisor na ikinagulat ni Ainaliv. Umayos siya ng pagkakaupo dahil dumating na rin sa wakas ang kanyang hinihintay. Sumenyas ang amerikana at itinuro siya. Agad naman siyang tumayo at nagbigay galang. "Good morning, ma'am!" Nakangiti niyang pagbati. "Follow me!" Utos nito at mabilis na naglakad. Sumunod naman si Ainaliv na tila may hinahabol. At dinala siya nito sa pinakahuling floor. Nasa 24th floor sila! Hindi niya alam kung bakit pero ayaw din naman niyang magtanong dahil mukhang bad trip ang supervisor. Kumatok ang supervisor at may nagbukas ng pintuan. "Thanks God! Is she the one?" Tanong ng isang babae. "Yes," tipid na sagot ng supervisor at iniwan nalang siya ng ganun nalang. Ni walang briefing o orientation na nangyari! Nagtatakang sambit ni Ainaliv sa kanyang sarili. "Come here, Mabuti naman at Pinay ka. I'm sure na matatanggap ka." Sabi ng babae habang hinihila siya papasok. Pagbukas ng pintuan ay may isa pa palang kwarto. At ang nakalagay sa wall nito ay CEO! Bongga ata siya dahil ang CEO pa mismo ang mag e-interview sa kanya? Kakatok na sana ang babae pero napigilan ni Ainaliv. Gusto niyang magtanong dahil kanina pa siya napapaisip kung ano ang nangyayari. May kanya-kanya ng pwesto ang mga kasamahan niya. Siya nalang ang wala. At ngayon ay CEO pa ang mag-iinterview sa kanya. Napaka espesyal naman yata. Nagdududang sambit niya sa kanyang isipan. "Wait- Bakit CEO ang mag-iinterview sa akin?" Curious na tanong ni Ainaliv. Napakunot naman ng kanyang kilay ang babae ng mapatingin sa kanya. "Syempre, Secretary ang hinahanap niya. At sekretarya ng CEO. Kaya, siya talaga ang mag-iinterview. Good luck sayo girl. Napaka estrikta ng baklang yan!" Mahabang paliwanag ng babae. At tama nga ang hinala niya na may mali! "Excuse me, Miss. Fashion Designer ang inaplayan ko at hindi Secretary." Nakasimangot na sabi ni Ainaliv. Napangiti lang ang babae sa kanya at itinuloy ang pagkatok sa pintuan. "Well, You're here. Kaya, Secretary ka ng boss natin if ever na matatanggap ka." Nakangising paliwanag ng babae. "Pero-" Hindi naituloy ni Ainaliv ang sasabihin ng bumukas ang pintuan at bigla siyang itinulak ng babae papasok. At ng kanyang bubuksan para lumabas ay naka lock na ito! Napatingin siya sa kabuuan ng pintuan. Para itong automatic na nagsara at ayaw ng mabuksan. She's trapped! "And what are you doing? Kadarating mo lang ay lalabas kana agad?" Naiinis na tanong ng CEO. At pamilyar kay Ainaliv ang boses bakla na nasa kanyang likuran! Dahan-dahan siyang lumingon at sabay pa na nagtama ang kanilang mga mata ng CEO. "It's you!" Sabay pa talaga silang napasigaw. "Kumusta kana bakla?" Nakangiting tanong ni Ainaliv. "Bakla?" Naiinis na ganting tanong ni Antonia. Si Antonia ang baklang CEO ng kompanya! "Ah, Boss?" Alanganin na tanong ni Ainaliv. At mas lalong nagalit si Antonia! "Umayos ka Ainaliv. At ano ba ang ginagawa mo rito? Dito kapa talaga sa kompanya ko nagkalat ha!" Galit na sabi ni Antonia. At napatawa nalang ng malakas si Ainaliv. Mas okay ng hindi siya maging fashion designer. Malapit naman siya sa pera! Talagang kumibot hindi lang ang kanyang pagkababae pagkakita kay Antonia kundi pati narin ang kanyang mga kamay! Ang laki naman kasi ng k*****a ni bakla at hindi niya talaga ito nakalimutan. Wala siyang pakialam kung bakla ito dahil si Antonia naman ang ama ng kanyang mga anak. Salapi! Ang nakikita niya sa mga mahahabang pilik-mata ng baklang si Antonia. "Kung saan-saan kita hinanap bakla. Nandito ka lang pala!" Si Ainaliv. Totoo naman na hinanap niya ito pero wala sa Pilipinas. Nasa Paris pala! Iba na ang nagmamay-ari ng mansion nito ng kanyang puntahan. Gusto niya na makipag co-parenting sana silang dalawa sa kambal. Pero wala si Antonia noong kailangan niya ito. Buti nalang at napalaki niya ng maayos ang kambal. "Watch your mouth Ainaliv! Nasa kompanya tayo at wala sa palengke." Saway sa kanya ni Antonia. "Okay! Mabuti na nagkita tayong dalawa upang mapag-usapan natin ang future ng kambal." Panimula ni Ainaliv. Pero walang maintindihan si Antonia sa mga pinagsasabi niya. "Future? Kambal? What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Antonia. "Yes, future ng anak nating kambal. Tatay kana bakla. At kambal pa!" Nakangiting paliwanag ni Ainaliv. Kung minsan ay gustong-gusto ni Ainaliv na inisin si Antonia. Ewan kung bakit pero ang saya-saya niya kapag naiinis niya si Antonia. Pero syempre ngayon ay hindi siya nang-iinis. Gusto niyang makihati ang bakla sa pagpapalaki sa kambal. Para na rin sa future at ng mapabuti ang kinabukasan ng mga ito. "Kambal? You're crazy! Kailan pa-" natigilan si Antonia ng maalala ang mainit nilang gabi ni Ainaliv. "What?" Gulat na tanong ni Antonia na napahawak pa sa kanyang dibdib. Tumango naman si Ainaliv na nakangiti. Ito ay tanda na naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin nito. Ang sarap talaga asarin ng baklang si Antonia! Hiyaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. "You got it right!" Nakangiting sagot ni Ainaliv. "May anak tayo bakla. At kambal pa. Nakadalawa ka talaga sa akin Antonia." Paliwanag ni Ainaliv. "What? No!" Hindi makapaniwalang sagot na tanong ni Antonia. Magiging tatay na siya? Muling tanong niya sa kanyang isipan. "Yes! It's a Yes! Ang O.A mo naman." Nakatawang sabi ni Ainaliv. Tuwang-tuwa talaga siyang asarin si Antonia! "No!!!" Sigaw ni Antonia at bigla itong nahimatay. "Sh*t! Ang bigat mo bakla!" Naiinis na sigaw ni Ainaliv habang hawak si Antonia.Chapter 3 Ihiniga ni Ainaliv ang nahimatay na si Antonia sa malaking couch. Buti nalang at kasya si Antonia dahil malaking bulas na bakla ito. Ang O.A ng baklang ito! Naiinis na bulong ni Ainaliv. Nakatingin lang siya sa magandang mukha ni Antonia. Kung hindi lang ito naka make-up ay siguradong ang gwapo nito. Kausap ni Ainaliv sa kanyang sarili. Hinawakan niya ang mukha ni Antonia at ewan kung bakit biglang nag-init ang kanyang pakiramdam! Kusang lumapit ang kanyang mukha at tila ba gusto niyang halikan ang bakla! Nang biglang dumilat ang mga mata ni Antonia... "Ano ang gagawin mo?" Tanong nito. Natigilan naman si Ainaliv at nagbalik sa kanyang huwisyo. Muntik na siya! "Wala! Gigisingin kita. Tulad nito!" Sagot ni Ainaliv at piningot ang teynga ni Antonia. "Ouch! Walanghiya ka talagang babae ka! Ano ba ang ginagawa mo rito ha? Don't tell me ay dahil na naman sa mga anak mo?" Mahabang tanong ni Antonia. "Well at first ay hindi. Dahil hindi ko naman alam na ika
Chapter 4"I am Antonia's new Secretary." Pakilala ni Ainaliv. Napabuntunghininga naman ng malalim si Antonia dahil akala nito ay guguluhin ni Ainaliv ang kanyang boyfriend. "Oh! Pahapyaw na sagot ng lalaki." Halata na hindi niya gusto si Ainaliv.Nagkibit-balikat nalang siya. Wala rin naman siyang pakialam sa boyfriend ni Antonia. She's there to work!Kaya naupo nalang siya sa katabing lamesa ng CEO. Siguro ay doon ang pwesto ng Secretary ni Antonia.Ayaw niyang istorbohin ang mga ito. Binuksan niya ang computer at naglaro nalang. Wala pang utos si Antonia kaya bahala siya kung ano ang gusto niyang gawin. "I love my job!" Nakangising bulong ni Ainaliv."Flowers for you babe," nakangiting ibinigay ng boyfriend ni Antonia ang isang piraso ng rose na hawak niya.At si Bakla. Tuwang-tuwa! Naiiling na bulong ni Ainaliv. Kahit pa naglalaro siya ay hindi maiwasan na marinig niya ang usapan ng mga ito!"Oh, Kahit kailan ay napaka sweet mo talaga Babe Richard." Para namang nasa cloud 9
Chapter 5 Hindi na nangialam pa si Ainaliv sa love life ni Antonia. Nagtrabaho lang siya ng tahimik kahit wala naman talaga siyang ginagawa. Gusto niya ng magtrabaho ng totohanan!Nakaka miss din mag design ng mga damit... Bulong ni Ainaliv sa kanyang sarili habang nakatulala.Wala na siyang ginagawa dahil wala namang iba na ginagawa si Antonia kundi ang maglandi sa kanyang boyfriend na si Richard!Palagi nalang itong umuuwi ng maaga at siya ay naiiwan na nakatulala sa opisina.Ganyan ang mga Bilyonaryo. Walang pakialam! Inis na muling bulong ni Ainaliv sa sarili.Pwede naman kasi na hindi na pumunta si Antonia sa opisina dahil may mga tao na itong nag ma-manage talaga. Kahit wala siya ay hindi titigil ang kita ng kompanya.Yon nga lang ay gustong e monitor ni Antonia dahil bago pa ang kompanya. Hahayaan na muna niyang magsaya ang kanyang mga tauhan dahil palagi siyang wala.Peaceful ang kompanya kung wala si Antonia. Kapag narito ito ay ang ingay at palaging may napupunang mali s
Chapter 6Natulog si Ainaliv ng mahimbing hanggang mag alarm kinaumagahan ay nakahiga parin siya.Wala siyang ganang pumasok. Kahit sabihin niya kay Antonia na ang boyfriend nito ay nagtangka sa buhay niya kagabi.Ay waley parin ang kalalabasan. Mas paniniwalaan parin ni Antonia si Richard dahil matagal na silang mag jowa. Kumpara sa kanya na pang one night stand lang.Hindi niya alam kung saan nagpunta ang bakla kagabi at hinanap pa talaga ito ni Richard sa kanya.Richard... Bulong ni Ainaliv. I'll have my revenge soon... Seryosong sabi niya.Walang iba na may galit sa kanya kundi si Richard lang at capable itong ipapatay siya.Naiisip din niya ang marites na si Lorena. Pero pepper spray pa nga lang ay takot na ito. How much more kung seryosohan na. At hindi ito gagawa ng ikaka deport niya. May pamilyang binubuhay si Lorena.Talagang marites lang ito at pakialamera sa buhay niya. Maliban doon ay yon lang.Si Richard talaga ang salarin!Matutulog sana siyang muli ng biglang tumunog
Chapter 7Nagising si Ainaliv sa tunog ng mga manok. Pero inaantok pa siya at gusto pang matulog. Niyakap niya ang kanyang malambot na unan. Napadilat siya ng kanyang mga mata ng madama na naging bilog ito. Eh, square ang hugis ng unan niya!"Eww!" Sigaw ni Ainaliv at agad na binitiwan ang inaakalang unan. Pwet pala ni Antonia ang kayakap niya!Itinulak niya si Antonia pero hindi ito nagising.Naghihilik parin at feel na feel ang pagtulog.Napatingin siya sa paligid. Wala siya sa kanyang kwarto! Nasaan ako?! Nagtataka niyang tanong. Napahawak siya sa kanyang ulo at nag-isip. "Shit!" Sigaw ni Ainaliv ng maalala ang nangyari kahapon ng gabi."Antonia, gumising ka!" Muling sigaw ni Ainaliv.Pero ang bakla ay natutulog parin!"Gising!" Binigyan niya ng malakas na sampal ito.Nagising naman si Antonia na nagulat."Bakit mo ako sinampal?" Galit na tanong ni Antonia."To wake you up? Hehe," nakangising sagot ni Ainaliv."My face!" Reklamo ni Antonia."Hayaan mo muna yang mukha mo ba
Chapter 8"Kakaiba rin yong parents mo bakla!" Naiiling na sabi ni Ainaliv.Nakabalik na sila sa kanilang kwarto at plano ata mag monghe ni Antonia.Gusto ni Ainaliv na libutin ang buong farm ng mga De Vera pero bad trip si Antonia. Isang araw lang ang ibinigay na palugit ng mga magulang nito."Sobra pa sa kakaiba! Sumasakit na ang bangs ko kakaisip. Ayaw ko talagang magpakasal!" Nakasimangot na sagot ni Antonia."Okay lang naman ata bakla. Keep man mo si Richard. No problem naman sa akin na magkunwari parin na girlfriend mo kapag kasal kana kay Margarette. Pagkatapos ang hindi nila alam ay si Richard pala ang jowa mo. Bongga na yon!" Masayang sabi ni Ainaliv."Are you crazy? Hindi ko magagawa yon. Si Margarette pa nga lang ay ang hirap ng lusutan." Reklamo ni Antonia."So, It's a no? Kaya mo bang huwag lumabas ng bahay? Dahil I'm sure that they will lock you bakla habang hindi pa kayo ikinakasal ni Margarette. While kung sumang-ayon ka ay libre kana at may freedom ka pa hangga't hin
Chapter 9Samantalang sina Antonia at Margarette naman ay parang aso't pusa lang na naghahabulan.Ginawa na ni Margarette ang lahat ng pang-aakit pero wa epek parin kay Antonia.Ano'ng klase ba itong lalaki? Ayaw man lang matukso sa akin? Naiinis na tanong ni Margarette sa kanyang isipan. Ang hindi niya alam ay bakla si Antonia! At lalaki ang gusto nito na may abs at hindi sexy na babae!Kay Ainaliv lang talaga natukso si Antonia sa isang babae. Pwera sa kanya ay wala na.Gustong sabunutan ni Antonia si Margarette dahil sa walang tigil nitong kakadikit sa kanya. Buti nalang talaga at nakapagtimpi pa siya.Nasa pool na sila matapos ang mahabang habulan at pang-aakit na ginawa ni Margarette sa kanya.And he surpassed all of these with flying rainbow!"Antonio, let's swim!" Sigaw ni Margarette.Nasa kabilang parte ito ng pool. Talagang lumalayo si Antonia kapag lumalapit siya.Here comes the devil bitch again. Hindi napapagod ang bruha! Hiyaw ni Antonia sa kanyang isipan.Nasaan kana
Chapter 10Matapos ang bardagulan sa pool ay maagang natulog sina Antonia at Ainaliv.Napagod at na stress sila sa mga pinaggagawa nina Monica at Margarette.Bukas ang final battle! Kaya ayaw muna nilang ma stress at maagang nag beauty rest.Kinabukasan ay tinawagan ni Antonia ang kambal upang humingi ng tulong.Hindi rin alam ng kuya niya na siya ay bakla!Talagang itinago niya sa baul ang sekreto hanggang ngayon.But his brother is his last hope dahil buo na ang desisyon niya at tutol talaga siya sa arrange marriage na ito!His brother promised to come today and persuade their parents regarding this matter.His brother is coming. Or let's say...His twin brother!And the moment of Truth...Tahimik lang silang kumakain at nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Walang nais na magsalita at naghihintayan lang sila.Si Ripolito nalang ang bumasag sa katahimikan!"Antonio, What's your decision?" Seryosong tanong nito. "I will not accept a No," dagdag na sabi nito.Nagtatanong pa, eh ayaw naman
Chapter 32Hindi na pinatagal ni Ainaliv ang paglipat ng bahay. Ilang araw lang ay nakahanap kaagad siya ng fully furnished na bahay at katabi lang nito ay ang Plano niyang gawin na opisina. Mahal ang bahay at lupa. Kapag binili pa niya ang katabing opisina ay wala na siyang puhunan para sa online business niya. Nirentahan niya muna ito. Kapag lumago ang business ay plano niya rin bilhin o lilipat siya ng ibang opisina. But it's not decided yet, ayaw niyang mapalayo sa kambal. Buti na yong nasa malapit lang siya."Mommy! Let's swim!" Masayang sigaw ni Baby Xander.May swimming pool ang binili niyang bahay para mag enjoy ang kambal. Yong tubig ay hindi malalim at pambata lang. Para na rin sa safety ng mga anak niya."Go swim with your Yaya Melba," utos ni Ainaliv.Nakakuha na rin siya ng bagong Yaya ng kambal. Kamag-anak lang nila sa side ng kanyang Mommy. Mabait si Melba na tumandang dalaga dahil sa trabaho nito sa abroad.At ngayon ay nag retire na ito at umuwi ng Pilipinas. T
Chapter 31Mabilis na narating ni Ainaliv ang school ng kambal.Sakto at wala pang recess.Makakapasok naman ang parents and guardians ng mga bata tuwing snack time. Napalingon si Ainaliv ng makita niya ang kanyang Lamborghini!Hindi nga ako nagkamali, ginamit ng bruha! Bulong niya.Napagdesisyunan niyang huwag ng tumuloy sa loob ng paaralan at dito nalang sa parking lot maghintay. Dahil baka hindi siya makapagpigil at makalikha pa siya ng gulo.Good thing that she bring her spare key. Pumasok siya sa loob ng Lamborghini at doon hihintayin niya si Agnes.Napatakip siya ng kanyang ilong dahil ang baho sa loob ng kotse! Nagkalat ang mga basura na pinagkainan ng mga chitsirya at pagkain. May mga bote and can pa ng beer.Walanghiyang babae! Galit na sigaw ni Ainaliv.Binaboy nito ang mahal niyang kotse!Napabuntunghininga siya ng malalim. Gusto niyang kumalma para sa kambal. Baka kung ano pa ang magawa niya kay Agnes.Gusto niyang ipakulong ito at pagdusahan ang ginawa sa kambal at pa
Chapter 30Kinabukasan ay hinayaan muna ni Ainaliv na si Agnes ang maghatid sa mga bata sa school. Ang misyon niya ngayong umaga ay hanapin ang picture ni Antonia at halungkatin ang buong kwarto ni Agnes. She will follow kapag nahanap na niya ang picture. Tuwing recess daw kinukuha ni Agnes ang kanilang pera. Hindi nito magawa sa bahay at sa bus dahil maraming tao. Sa recess lang siya may pagkakataon na malapitan ang kambal at dalhin sa tahimik na lugar upang kunin ang kanilang pera. She wouldn't dare inside the house, may respeto pa siyang natira para sa Mommy ni Ainaliv.Kaya, may oras pa siya na guluhin ang kwarto ni Agnes. "Martilyo lang ang katapat mo!" Nakangising sabi ni Ainaliv.Pinukpok niya ng martilyo ang doorknob ng pintuan.Hindi ito nasira sa unang pagsubok.Pero itinodo ni Ainaliv ang pag pukpok ng walang humpay.At sira ang pintuan!"There you are," nakangiting bulong ni Ainaliv.Pero bago siya makapasok sa loob ng kwarto ni Agnes ay biglang dumating ang kanyang
Chapter 29Masayang-masaya ang kambal dahil nakapasyal na rin silang muli."I'm so happy Mommy!" Sigaw ni Baby Xander.Wala itong ginawa kundi ang tumakbo ng tumakbo."Baby Xander. Stop running! Nahihilo na ako sa katatakbo mo!" Sigaw ni Ainaliv.Kung si Baby Xander ay takbo ng takbo. Si Baby Liam naman ay tahimik lang sa tabi ni Ainaliv."He's happy. After two years ay ngayon lang ulit kami nakapag mall." Seryosong sabi ni Baby Liam.Labis naman na nagtaka si Ainaliv. Hindi siya makapaniwala! Dahil palagi siyang nagsasabi sa kanyang Mommy na ipasyal sa mall every once a week ang kambal para makapaglaro. "Ano? How come? Sabi ni Mommy ay kada linggo kayo nagpupunta ng mall?" Sunod-sunod na tanong ni Ainaliv.Napabuntunghininga ng malalim si Baby Liam.At hindi ito nagustuhan ni Ainaliv! Nakakaiyak tingnan ang pitong taong gulang mong anak na tila pasan-pasan nito ang buong mundo sa bigat ng kanyang dinadala!"Bakit baby Liam? Ano'ng nangyari sa inyo ng kapatid mo? Tell me the truth!"
Chapter 28Nakalapag na rin sa wakas ang eroplano ni Ainaliv. Excited na siyang makauwi at makita ang kambal.Welcome home! Sigaw ni Ainaliv habang naglalakad. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao. She's happy!Sumakay kaagad siya ng taxi pauwi sa kanilang bahay. Na mi-miss na rin niya ang kanyang kwarto at higaan.At hindi nga siya nagkakamali. Dahil sa mga oras na ito ay nagluluto ang kanyang Mommy na si Carmina. At ang paborito pa niyang sinigang na baboy ang niluluto nito.Na timing! Bulong ni Ainaliv habang papalapit sa ina.Busy ito sa pagluluto at hindi namalayan ang paglapit niya. Gusto sana niyang gulatin ang ina pero baka atakehin ito sa puso.Naupo nalang siya sa lamesa at pinagmasdan ang kanyang Mommy habang nagluluto.Malapit na ang tanghalian. Maya-maya ay darating na ang kambal at makikita niya na rin ang mga ito."Ainaliv?" Gulat na tanong ng kanyang Mommy ng paglingon nito ay makita siya."Mommy!" Masayang tumakbo si Ainaliv papunta sa ina.Niyakap
Chapter 27 Nag-impaki kaagad si Ainaliv at walang sinayang na sandali ng makabalik sa bahay ni Antonia. Kailangan hindi siya maabutan ni Antonia. Ayaw niya ng makausap pang muli si Antonia dahil baka magbago pa ang kanyang isipan. Kailangan ang kambal lang ang priority niya. Hindi pwedeng unahin niya ang kanyang nararamdaman! Nakapagsulat pa siya ng maikli bago tuluyang lisanin ang bahay ni Antonia. Para makatipid sa renta ay sa bahay na siya ni Antonia tumira. Ayaw niya sa boarding house dahil baka masakal niya ng tuluyan si Lorena na walang ibang ginawa kundi ang magpasaring sa kanya araw-araw. May taxi na naghihintay sa kanya dahil gusto niyang dumeretso kaagad sa airport at lumipad na pabalik ng Pilipinas. Meron namang flight papuntang Pilipinas pero kailangan maghintay muna siya ng two hours. Kinakabahan siya dahil baka sundan siya ni Antonia sa airport. Baka masyado ka lang feeling Ainaliv. Bulong niya sa kanyang sarili. Inamin na ni Antonia na diskarte at uta
Chapter 26Matapos ang pagwawala ni Antonia ay nalagpasan din niya ang break up mode. Naka move on na siya at focus sa pagpapatakbo ng kanyang kompanya. Ainaliv was there in every success and struggle of Antonia. Lihim siyang nagmamahal kay Antonia kahit bakla ito. Kaya, todo support siya sa mga ginagawa nito.Sumubok si Antonia ng panibagong pag-ibig pero bigo parin siya. Dahil ang bawat nakaka relasyon niya ay pera lang ang habol sa kanya.At tuwang-tuwa naman ang Lola ninyong si Ainaliv!And after 2 years... Ay tapos na ang kontrata ni Ainaliv. Parang kailan lang ay kadarating lang niya sa Paris. Lumipas ang mga araw ng hindi niya namamalayan dahil na busy siya sa pag assist kay Antonia. May pa thank you dinner sa kanya si Antonia sa isang mamahaling restaurant. And this is the moment of truth na makikiusap siya kay Antonia na magpakilala sa kambal. Kahit fake lang ay okay lang sa kanya. Basta maging masaya lang ang kambal. Miss na miss niya na ang mga anak. Parang kailan l
Chapter 25"Ano'ng nangyari sayo?" Muling tanong ni Ainaliv. Napatigil naman sa pag-iyak si Margarette at tila nahiya sa ginawa niyang pagwawala."Galit ako, Naguguluhan, natatakot, nalilito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!" Napasambunot nalang si Margarette sa kanyang buhok. "Nababaliw kana rin tulad ni Ainaliv!" Biglang sumulpot si Antonia na hawak ang kanyang suklay."Antonio?" Nagtaka naman si Margarette ng makita ang ayos ni Antonia.Naka make-up at naka mini skirt lang naman ito!"Oh my God!" Napasigaw pa si Antonia.Napatawa naman si Ainaliv. Kahit kailan ay panic attack kaagad si Antonia. Buti nalang at andiyan siya!"Hahaha! Katuwaan lang namin yan Margarette. Medyo nalasing na ako at nag dare itong si Antonio at yan na nga ang resulta. Bagay naman diba?" Nakangiting tanong ni Ainaliv.Napabuntunghininga naman si Antonia. Akala niya ay huli na siya! Bakit naman kasi lumapit pa siya kina Ainaliv. Eh, malay ba niya na si Margarette ang nasa kabilang table?"Ewan ko!
Chapter 24 Nakarating kaagad sila sa bar sa bilis ng pagpapatakbo ni Ainaliv. "Hindi ko sinabi na gusto ko ng mamatay. Baliw ka talaga Ainaliv. What happened to my hair?!" Napasigaw si Antonia ng makita ang buhok niyang nagkagulo-gulo. "Hay naku bakla. Magsuklay ka nalang diyan. Diba nakalimutan mo si Richard dahil sa ka sisigaw mo?" Nakatawang tanong ni Ainaliv. "Haha! At ngayon ay naalala ko na naman. Baliw ka talaga!" Tumawa nalang ng tumawa si Ainaliv. Ano'ng magagawa niya? Eh, masaya siya! "Let's go at mag inuman na tayo!" Sigaw ni Ainaliv at kinaladkad si Antonia papasok ng bar. "Ang buhok ko!" Sigaw ni Antonia. Nang makapasok na sila sa loob ay ingay ng musika ang sumalubong sa kanila. "Whoah! Let's party bakla!" Tumakbo kaagad si Ainaliv sa dance floor at doon ay walang pakialam na nagsayaw. "Baliw ka talaga! Aayusin ko muna ang buhok ko no!" Hinayaan siya ni Antonia na magwala kahit hindi pa nalalasing. Naghanap si Antonia ng table na malapit la