Chapter 4
"I am Antonia's new Secretary." Pakilala ni Ainaliv. Napabuntunghininga naman ng malalim si Antonia dahil akala nito ay guguluhin ni Ainaliv ang kanyang boyfriend. "Oh! Pahapyaw na sagot ng lalaki." Halata na hindi niya gusto si Ainaliv. Nagkibit-balikat nalang siya. Wala rin naman siyang pakialam sa boyfriend ni Antonia. She's there to work! Kaya naupo nalang siya sa katabing lamesa ng CEO. Siguro ay doon ang pwesto ng Secretary ni Antonia. Ayaw niyang istorbohin ang mga ito. Binuksan niya ang computer at naglaro nalang. Wala pang utos si Antonia kaya bahala siya kung ano ang gusto niyang gawin. "I love my job!" Nakangising bulong ni Ainaliv. "Flowers for you babe," nakangiting ibinigay ng boyfriend ni Antonia ang isang piraso ng rose na hawak niya. At si Bakla. Tuwang-tuwa! Naiiling na bulong ni Ainaliv. Kahit pa naglalaro siya ay hindi maiwasan na marinig niya ang usapan ng mga ito! "Oh, Kahit kailan ay napaka sweet mo talaga Babe Richard." Para namang nasa cloud 9 si Antonia. In love siya to the highest level! "As always babe. Just for you," hirit ng lalaki na Richard ang pangalan. Eww! Bulong ni Ainaliv. Hindi bagay para sa kanya ang dalawa lalo na ng makita niya kung gaano kalaki ang kay Antonia! Ano ba ang pinag-iisip mo babae ka! Pinagalitan ni Ainaliv ang sarili. Kulang lang siguro siya ng konting kiliti. Matagal na rin kasi na hindi siya nakipagrelasyon. Nawalan na siya ng gana sa mga lalaki dahil naka focus lang siya sa mga anak niya. "Thank you Babe. I love you," malambing na sabi ni Antonia. "I love you too," sagot naman ni Richard. At yon na nga ang hudyat upang matulog si Ainaliv! Masyadong cringe pakinggan ang mga ito. Bahala kayo diyan! Bulong ni Ainaliv at natulog sa lamesa. "I'll be back babe. Mag work ka muna. I will pick you up at five." Sabi ni Richard pagkatapos nila pagsaluhan ang mainit na halikan. "Ingat Babe!" Pahabol na sabi ni Antonia. Tuwang-tuwa siya dahil sinorpresa siya ni Richard. Akala niya ay hindi ito dadalaw sa bago niyang branch dahil busy sa negosyo. And voila! Andito na ang babe niya. Nakangiti parin si Antonia habang pabalik sa kanyang lamesa. Ngunit laking gulat niya ng makita si Ainaliv na natutulog sa lamesa niya. At naglalaway pa! "Ay letse! Baklang palaka!" Gulat na sigaw ni Antonia. Pero si Ainaliv ay hindi man lang nagising sa kanyang sigaw. Kampante parin itong natutulog with matching teary laway pa! "Nandito pa pala ang babaeng ito! She will be the death of me!" Naiinis na muling sigaw ni Antonia. "Hoy gumising ka! Hindi ito kwarto. Nasa opisina ka." Sinampal ng mahina ni Antonia ang mukha ni Ainaliv. Nagising naman si Ainaliv ng maramdaman na may sumampal sa kanya. "Bakla ka talaga! Don't touch my face." Naiinis na umayos ng upo si Ainaliv. "Bakit nandito ka pa?" Galit na tanong ni Antonia. "May amnesia ka ba? Umayos ka Antonia. I need this job, And I have a two years contract. At kailangan kong buhayin si Mama at ang kambal." Seryosong sabi ni Ainaliv. "What-" hindi naituloy ni Antonia ang sasabihin dahil binara na siya kaagad ni Ainaliv. "Walang What, Where, When at How! I will work in here and you will pay me. That's simple. Or else ay guguluhin ko kayo ng babe Richard mo." Pagbabanta ni Ainaliv. Napairap nalang si Antonia. Wala na siyang magagawa kundi pagtiisan ang pagmumukha ni Ainaliv sa loob ng dalawang taon! "Fine! But that's not your table. Sa akin yan," nakangusong sabi ni Antonia. "What? Huwag mong sabihin na dalawa ang lamesa mo?" Nagulat na tanong ni Ainaliv. "Yes, Doon ang pwesto ng Secretary ko. Lumipat ka!" Pagtataboy ni Antonia. Tumayo naman si Ainaliv at nanggigil sa galit ng makita ang pwesto niya. "Are you kidding? Napakaliit ng lamesa. Nasa sulok pa! May computer nga pero wala namang espasyo. Are you trying to suffocate your Secretary?" Naiinis na tanong ni Ainaliv. "You wanted work. Ayan magtrabaho kana at huwag puro reklamo!" Sagot ni Antonia at naupo na ito sa lamesa niya. Pinagtiisan nalang ni Ainaliv ang maupo sa sulok. She needs to work at mabuti na ito kaysa umuwi siyang luhaan at walang pera sa Pilipinas. Kaya pala walang nagtatagal na Secretary si Antonia dahil sa ugali nito. Hindi ka uubra sa akin bakla, Matira ang matibay! bulong ni Ainaliv. Hindi naman mahirap ang trabaho niya. Si Antonia ay walang ginawa kundi ang magpaganda! Siya naman ay taga sagot ng tawag. Scheduling and Setting some appointments for the CEO. Mas gusto parin niyang gumuhit ng designs. Patience lang Ainaliv! Pa konsuelo niya sa kanyang sarili. And a few moments later... Uwian na! At naghanda na si Ainaliv para umuwi ng biglang... "Ainaliv you will come with me. Gustong mag shopping ni Babe." Tawag sa kanya ni Antonia. Napabuntunghininga naman si Ainaliv para kumalma. "At bakit? Magiging chaperon pa ako sa date ninyong dalawa. And the working hour is over. I need to go home dahil tapos na ang trabaho ko." Paliwanag niya. "Kahit kailan talaga ay gold digger ka. I will pay you extra. Satisfied?" Tanong ni Antonia. "Of course! I'm glad that you know the rule. Let's go shopping!" Masayang sigaw ni Ainaliv. Ang kaninang saya ni Ainaliv ay napalitan ng pagkabagot at inis! Hindi na niya makita ang daan dahil sa dami ng kanyang bitbit. Walang ginawa si Antonia kundi ang bumili ng bumili para sa lalaki niya. At siya lang naman ang taga bitbit ng mga ito. Walanghiyang bakla! Inis na sigaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. "Ainaliv, Where are you? Heto pa bitbitin mo!" Sigaw ni Antonia. "Letse! Ipabitbit mo yan sa lalaki mo!" Sigaw na sagot ni Ainaliv. Aaaminin niya na mabilis siyang mainis at magalit. Mas lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Kulang nalang ay ihagis niya ang lahat ng kanyang mga dala. Hindi naman nagustuhan ni Richard ang ginawang pagsigaw ni Ainaliv at galit na nilapitan siya. "You're here to work at binabayaran ka. Kaya huwag kang magreklamo. Para kang taga-gubat. Walang breeding!" Panlalait ni Richard sa kanya. At umuusok na ang ilong ni Ainaliv dahil sa galit. "Bakla rin ata ang lalaking ito ah! Parang binabae!" Inis na sagot ni Ainaliv. Siya pa? Kailan pa siya nagpatalo? Siya ata ang Queen of bitches! "What are you saying?" Galit na tanong ni Richard at akmang sasampalin si Ainaliv! "Babe! Calm down." Buti nalang at napigilan ni Antonia ito. Ngayon lang niya nakita na nagalit si Richard. Baka mainit lang ang ulo. Kausap ni Antonia sa kanyang sarili. Palaka kasi ang babaeng ito! "Alright, I'm sorry babe. Mainit lang ang ulo ko dahil sa nangyari kay Papa." Sagot naman ni Richard na kumalma na. "What happened?" Nag-aalalang tanong ni Antonia. "Nasagaan. And it's a hit and run. Ang walanghiyang driver ay iniwanan si Papa!" Galit na sagot ni Richard at parang maiiyak ito. "Hindi ko sinabi kaagad sayo baka ma stress ka babe, Nag-aagaw buhay ngayon si Papa. Hindi ko naman akalain na masasagasaan siya na andito na ako sa Paris." Hirit na drama ni Richard. "Don't worry, I'm here babe." Sabi naman ni Antonia na nag-aalala. "Tsk!" Napairap ng kanyang mga mata si Ainaliv. Ang akala niya ay wala ng makakatalo sa pagiging best actress niya. Yon pala ay may mas malala pa sa kanya. Gold digger din ang bruho! Inis na hiyaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. Pero mas malala si Richard sa kanya dahil napakasinungaling nito! Kawawang Antonia, napailing nalang si Ainaliv. "Miss, We have a cart. Why don't you put them all in here?" Offer ng saleslady. Ay tanga! Napasigaw nalang si Ainaliv. Bakit ba hindi niya naisip na may mga cart naman pala sa paligid at binitbit pa niya talaga ang lahat. Nang matapos mailagay ni Ainaliv ang mga pinamili ni Antonia ay biglang nawala ang mga ito! Sasabog na sana siya sa galit ng mag text si Antonia at pinapupunta siya kung saan sila na restaurant kakain. Nahanap naman niya ang restaurant pero hindi rin siya makakain dahil naiinis siya sa sobrang ka swetan ng dalawa! Nagsusubuan sa kanyang harapan with matching sweet words of I love you. Yuck! Naiinis na sigaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. Nagpunta siya ng comfort room at sinabing tapos na siyang kumain kahit hindi pa. Hindi niya masikmura ang paglalandian ng dalawa! At ng makalabas na siya ng comfort room ay narinig niya ang boses ni Richard. Magkalapit lang kasi ang cr ng babae at lalaki. Napahinto siya ng marinig ang pangalan ni Antonia. "Si Antonia mahal ay tanga yon. Don't worry, Mabilis yon maniwala at patay na patay sa akin kaya buhay Reyna ka mahal. I'll be waiting in here. I miss you mahal mwah!" Sabi ni Richard. Cheater! Galit na sigaw ni Ainaliv sa kanyang isipan. Mabilis niyang pinuntahan si Antonia upang sabihin ang kanyang mga narinig. Hindi lang best actor si Richard kundi cheater pa! "Antonia, cheater ang boyfriend mo. Hiwalayan mo na yan. Pera lang ang habol niya sayo!" Naiinis na sabi ni Ainaliv ng makaupo. Umiinom si Antonia ng kanyang juice at muntik na siyang mabilaukan ng marinig ang mga pinagsasabi ni Ainaliv. "What are you saying? Ilugar mo ang pagka atribida mo Ainaliv. Babe will never do that. He loves me so much." Ayaw maniwala ni Antonia. Narinig ko mismo. Ngayon lang sa comfort room. May babae siyang kausap Antonia!" Giit ni Ainaliv. "Stop it!" Galit na napasigaw si Antonia. Buti nalang at walang masyadong kumakain ng mga oras na ito. "Nagsasabi ako ng totoo Antonia. He is a cheater!" Ayaw magpatalo ni Ainaliv. "Na record mo ba ang convo nila?" Tanong ni Antonia. "Hindi, pero narinig ng dalawang teynga ko." Alanganin na sagot ni Ainaliv. Nakikita niya sa mga mata ni Antonia na hindi parin ito naniniwala sa kanya! "Tama na. You have no right to mingle with my private life. You're just my secretary and that's all. I didn't give you the right na pakialaman mo ang buhay ko. Don't do it again!" Seryosong sabi ni Antonia. Napabuntunghininga nalang si Ainaliv. Kung ayaw maniwala ni Antonia ay wala na siyang magagawa! "Okay, Enjoy your life. I'm going," suko na si Ainaliv at bahala na si Antonia sa buhay niya. Pera naman din ni Antonia ang lulustayin ng cheater na si Richard. Pero may mali! How about her twins? Anak din naman ito ni Antonia. Yon lang ay ayaw naman nitong maniwala at hindi siya namimilit ng taong ayaw. I'm sorry babies, Bubuhayin ko kayo sa paraan na alam ko. Huwag niyo na asahan ang tatay niyong bakla na nahumaling at nabulag sa pag-ibig. Mahabang litanya ni Ainaliv. Malungkot siya para sa kambal but she needs to be strong and survive. Siya lang ang inaasahan ng mga ito. "Sandali!" Tawag ni Antonia sa kanya. Huminto naman si Ainaliv at lumingon. "Bakit?" Nakasimangot niyang tanong. "Here's your payment." Sagot ni Antonia at inilabas ang mga dolyares. Hindi ito tumayo upang iabot kay Ainaliv. Inilagay lang niya sa lamesa. Syempre, pera na yan. Kaya tatakbuhin talaga ni Ainaliv yan. "Next time, huwag kang pakialamera. Magtrabaho ka kung gusto mo ng pera." Seryosong sabi ni Antonia ng damputin na ni Ainaliv ang pera. "Sure!" Masayang sagot ni Ainaliv. Bahala kang magdusa at masaktan in the end. Basta sa akin ang pera hehe. Pahabol na bulong ni Ainaliv. Nakasalubong niya si Richard at inirapan lang niya ito.Chapter 5 Hindi na nangialam pa si Ainaliv sa love life ni Antonia. Nagtrabaho lang siya ng tahimik kahit wala naman talaga siyang ginagawa. Gusto niya ng magtrabaho ng totohanan!Nakaka miss din mag design ng mga damit... Bulong ni Ainaliv sa kanyang sarili habang nakatulala.Wala na siyang ginagawa dahil wala namang iba na ginagawa si Antonia kundi ang maglandi sa kanyang boyfriend na si Richard!Palagi nalang itong umuuwi ng maaga at siya ay naiiwan na nakatulala sa opisina.Ganyan ang mga Bilyonaryo. Walang pakialam! Inis na muling bulong ni Ainaliv sa sarili.Pwede naman kasi na hindi na pumunta si Antonia sa opisina dahil may mga tao na itong nag ma-manage talaga. Kahit wala siya ay hindi titigil ang kita ng kompanya.Yon nga lang ay gustong e monitor ni Antonia dahil bago pa ang kompanya. Hahayaan na muna niyang magsaya ang kanyang mga tauhan dahil palagi siyang wala.Peaceful ang kompanya kung wala si Antonia. Kapag narito ito ay ang ingay at palaging may napupunang mali s
Chapter 6Natulog si Ainaliv ng mahimbing hanggang mag alarm kinaumagahan ay nakahiga parin siya.Wala siyang ganang pumasok. Kahit sabihin niya kay Antonia na ang boyfriend nito ay nagtangka sa buhay niya kagabi.Ay waley parin ang kalalabasan. Mas paniniwalaan parin ni Antonia si Richard dahil matagal na silang mag jowa. Kumpara sa kanya na pang one night stand lang.Hindi niya alam kung saan nagpunta ang bakla kagabi at hinanap pa talaga ito ni Richard sa kanya.Richard... Bulong ni Ainaliv. I'll have my revenge soon... Seryosong sabi niya.Walang iba na may galit sa kanya kundi si Richard lang at capable itong ipapatay siya.Naiisip din niya ang marites na si Lorena. Pero pepper spray pa nga lang ay takot na ito. How much more kung seryosohan na. At hindi ito gagawa ng ikaka deport niya. May pamilyang binubuhay si Lorena.Talagang marites lang ito at pakialamera sa buhay niya. Maliban doon ay yon lang.Si Richard talaga ang salarin!Matutulog sana siyang muli ng biglang tumunog
Chapter 7Nagising si Ainaliv sa tunog ng mga manok. Pero inaantok pa siya at gusto pang matulog. Niyakap niya ang kanyang malambot na unan. Napadilat siya ng kanyang mga mata ng madama na naging bilog ito. Eh, square ang hugis ng unan niya!"Eww!" Sigaw ni Ainaliv at agad na binitiwan ang inaakalang unan. Pwet pala ni Antonia ang kayakap niya!Itinulak niya si Antonia pero hindi ito nagising.Naghihilik parin at feel na feel ang pagtulog.Napatingin siya sa paligid. Wala siya sa kanyang kwarto! Nasaan ako?! Nagtataka niyang tanong. Napahawak siya sa kanyang ulo at nag-isip. "Shit!" Sigaw ni Ainaliv ng maalala ang nangyari kahapon ng gabi."Antonia, gumising ka!" Muling sigaw ni Ainaliv.Pero ang bakla ay natutulog parin!"Gising!" Binigyan niya ng malakas na sampal ito.Nagising naman si Antonia na nagulat."Bakit mo ako sinampal?" Galit na tanong ni Antonia."To wake you up? Hehe," nakangising sagot ni Ainaliv."My face!" Reklamo ni Antonia."Hayaan mo muna yang mukha mo ba
Chapter 8"Kakaiba rin yong parents mo bakla!" Naiiling na sabi ni Ainaliv.Nakabalik na sila sa kanilang kwarto at plano ata mag monghe ni Antonia.Gusto ni Ainaliv na libutin ang buong farm ng mga De Vera pero bad trip si Antonia. Isang araw lang ang ibinigay na palugit ng mga magulang nito."Sobra pa sa kakaiba! Sumasakit na ang bangs ko kakaisip. Ayaw ko talagang magpakasal!" Nakasimangot na sagot ni Antonia."Okay lang naman ata bakla. Keep man mo si Richard. No problem naman sa akin na magkunwari parin na girlfriend mo kapag kasal kana kay Margarette. Pagkatapos ang hindi nila alam ay si Richard pala ang jowa mo. Bongga na yon!" Masayang sabi ni Ainaliv."Are you crazy? Hindi ko magagawa yon. Si Margarette pa nga lang ay ang hirap ng lusutan." Reklamo ni Antonia."So, It's a no? Kaya mo bang huwag lumabas ng bahay? Dahil I'm sure that they will lock you bakla habang hindi pa kayo ikinakasal ni Margarette. While kung sumang-ayon ka ay libre kana at may freedom ka pa hangga't hin
Chapter 9Samantalang sina Antonia at Margarette naman ay parang aso't pusa lang na naghahabulan.Ginawa na ni Margarette ang lahat ng pang-aakit pero wa epek parin kay Antonia.Ano'ng klase ba itong lalaki? Ayaw man lang matukso sa akin? Naiinis na tanong ni Margarette sa kanyang isipan. Ang hindi niya alam ay bakla si Antonia! At lalaki ang gusto nito na may abs at hindi sexy na babae!Kay Ainaliv lang talaga natukso si Antonia sa isang babae. Pwera sa kanya ay wala na.Gustong sabunutan ni Antonia si Margarette dahil sa walang tigil nitong kakadikit sa kanya. Buti nalang talaga at nakapagtimpi pa siya.Nasa pool na sila matapos ang mahabang habulan at pang-aakit na ginawa ni Margarette sa kanya.And he surpassed all of these with flying rainbow!"Antonio, let's swim!" Sigaw ni Margarette.Nasa kabilang parte ito ng pool. Talagang lumalayo si Antonia kapag lumalapit siya.Here comes the devil bitch again. Hindi napapagod ang bruha! Hiyaw ni Antonia sa kanyang isipan.Nasaan kana
Chapter 10Matapos ang bardagulan sa pool ay maagang natulog sina Antonia at Ainaliv.Napagod at na stress sila sa mga pinaggagawa nina Monica at Margarette.Bukas ang final battle! Kaya ayaw muna nilang ma stress at maagang nag beauty rest.Kinabukasan ay tinawagan ni Antonia ang kambal upang humingi ng tulong.Hindi rin alam ng kuya niya na siya ay bakla!Talagang itinago niya sa baul ang sekreto hanggang ngayon.But his brother is his last hope dahil buo na ang desisyon niya at tutol talaga siya sa arrange marriage na ito!His brother promised to come today and persuade their parents regarding this matter.His brother is coming. Or let's say...His twin brother!And the moment of Truth...Tahimik lang silang kumakain at nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Walang nais na magsalita at naghihintayan lang sila.Si Ripolito nalang ang bumasag sa katahimikan!"Antonio, What's your decision?" Seryosong tanong nito. "I will not accept a No," dagdag na sabi nito.Nagtatanong pa, eh ayaw naman
Chapter 11 Samantalang si Antonia naman ay pilit na itinutulak si Margarette papalayo. Grabe ito kung makalingkis sa kanya dahil nagsisimula na rin mag-init ang pakiramdam nito. Silang tatlo lang ang uminom ng wine na may spike. Si Monica lang ang pure wine na walang halong hokus pokus. Masaya si Monica habang pinagmamasdan na nagtagumpay din sila sa wakas ni Margarette! Of course, she needs to get out quickly para magkaroon ng privacy ang dalawa. Pinag day off niya ang lahat ng mga tauhan upang walang makaistorbo kina Antonia at Margarette. At susundan niya ang asawa baka bumalik pa ito sa farm. "Enjoy!" She mouthed ng mapatingin si Margarette sa kanya. Ngiti lang ang naisagot ni Margarette dahil ayaw niyang ma distract at baka makawala pa si Antonia sa pagkakahawak niya. "Antonio, Love. Let's go to my room." Malanding bulong ni Margarette. Pagkakataon niya na ito. Hinding-hindi niya na pakakawalan si Antonia! "Go away! Don't touch me!" Pagtataboy naman ni Antonia s
Chapter 12Nagising sina Ainaliv at Antonia na magkayakap. Sabay silang nagdilat ng mga mata at... "Ahhhhhhh!" Sabay din silang napasigaw! "What happened?" Natatarantang tanong ni Antonia.Napatawa nalang si Ainaliv. Yong ngiting nadiligan yan!"May amnesia lang? You know-" pa suspense na sagot ni Ainaliv habang nakangiti ng kay tamis."Napatingin si Antonia sa ilalim ng kumot.And they are both naked!Hindi naman talaga niya nakalimutan. Ayaw lang niyang aminin sa sarili niya na natukso na naman siya kay Ainaliv.No, It's the spike wine! Kahit sa kanyang sarili ay todo tanggi parin siya."Don't take it seriously Ainaliv. Nang dahil ito sa kagagawan nina Mommy." Seryosong sabi ni Antonia.Napawi naman ang ngiti ni Ainaliv.Nakalimutan niyang bakla pala si Antonia! Ito lang ang bakla na napakagaling sa kama...Forget it girl! Hiyaw ni Ainaliv sa kanyang isipan."Oo naman, Buti nga at nailigtas kita from Margarette. Talagang nahihilo na ako kahapon but I tried to survive para lang m
Chapter 47Samantalang sakto naman na lumabas ng sasakyan si Antonio at nakabangga niya si Monica."Sorry," paumanhin niya.Hindi siya pinansin nito at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo. Hindi naman nakilala ni Antonio na si Monica ito dahil ibinalik nito ang kanyang bandana."Antonio! Nakita mo ba ang Mommy mo?" Humihingal na tanong ni Ainaliv.Hindi niya alam kung bakit tumakbo siya at hinabol si Monica."Mommy? Hindi ata magpupunta rito si Mommy Ainaliv." Nakakunot noong sagot ni Antonio."Nakita ko ang Mommy mo pero hindi raw Monica ang pangalan niya." Dinama naman ni Antonio ang noo ni Ainaliv kung may sinat ba ito dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito."Totoo nga, ang linaw ng mga mata ko!" Iwinaksi ni Ainaliv ang kamay ni Antonio."Seryoso ka talaga?" Naguguluhan na tanong ni Antonio."Oo, Hindi mo ba nakasalubong yong babaeng naka bandana?" Tanong ni Ainaliv.Nag-isip saglit si Antonio at naalala niya na!"Nakabangga ko nga. Pero hindi naman si Mommy yon." Sagot ni A
Chapter 46 Laking tuwa talaga ni Ainaliv ng hindi na muling bumalik si Monica! May inner peace na rin siya. Si Ripolito nalang ang laging pumupunta sa bahay nila at ipinapasyal ang mga apo. Kahit kailan talaga ay hindi maintindihan ni Ainaliv kung bakit ayaw parin tanggapin ni Monica ang mga apo niya! Wala naman siyang pakialam kung ayaw nito, hindi siya namimilit. Pero misteryo parin sa kanya kung bakit hindi madama ni Monica ang lukso ng dugo sa kambal. O sadyang masama lang talaga ang budhi niya. Ewan! Kausap ni Ainaliv sa kanyang sarili. Maaga siyang nagising at naghanda na sila para sa pagpunta sa puntod ng kanyang yumaong ama. Ngayon lang din nalaman ni Antonio ang nangyari sa Daddy ni Ainaliv. Namatay ito sa isang trahedya kung saan ay nabangga ang sinasakyan nitong kotse. Pero palaisipan parin kay Ainaliv hanggang ngayon ang pagkamatay ng Daddy niya. Ang report ay nabangga daw ang kotse nito pero andun siya ng e rescue ang Daddy niya dahil sumama siya sa kanyang Mom
Chapter 45Kinabukasan din ay nagpa paternity test si Antonio at ang kambal kasama sina Ripolito at Monica. Syempre, sumama rin si Ainaliv. Kakatawag niya lang sa kanyang Mommy Carmina. Sinabihan niya na hindi pa pwede umuwi ang mga ito. Dahil andiyan parin ang witch mother ni Antonio! "Makikita na rin natin sa wakas ang katotohanan." Tila nangungutyang parinig ni Monica kay Ainaliv. Palabas na sila ng ospital at tapos na ang paternity test ng kambal at ni Antonio. Napairap nalang ng kanyang mga mata si Ainaliv. Kever! Hiyaw niya sa kanyang isipan. Alam niya na ang ginawa ni Monica. Talagang napakasama nito! Nagpaiwan si Antonio kasama ang kambal dahil gusto niyang malaman kung may gagawin nga bang milagro ang kanyang Mommy.At meron nga!Binayaran ng kanyang Mommy ang doktor ng limang milyon. Kaka-text lang ni Antonio at dismayadong-dismayado ito sa ginawa ng kanyang Mommy. Hindi niya alam kung bakit ganito ang pinaggagawa nito. Para lang magpakasal siya sa mayamang angkan
Chapter 44Kinabukasan ay maagang nagising sina Antonio at Ainaliv. Hinatid muna nila sina Carmina at Yaya Melba. Pagkatapos ay dumeretso na sila sa ospital para sa paternity test. Ang naiwan sa bahay ay sina Monica at Viola lamang!"Antonio! Gutom na kami!" sigaw ni Monica. Pero walang sumagot sa kanya. "Antonio!" muling sigaw niya."Sa tingin ko, wala nang ibang nandito. Tayong dalawa lang ata, Tita," sabi ni Viola."Sumusobra na yang gold digger na yan! Mula Paris hanggang Pilipinas ay nakadikit pa rin siya kay Antonio," naiinis na sabi ni Monica."Calm down, Tita," sabi ni Viola. "Do you know how to cook?" Tanong ni Monica. Kanina pa siya nagugutom. Ang buong akala niya ay may maid sa bahay ni Antonio. Pero nagkamali siya! Pati ang Mommy ni Ainaliv ay wala rin na dapat siya sana ang tatanggap at e welcome ang mga bisita.Well, sino naman ang may gusto na e welcome siya?At wala siyang pakialam. Hindi siya uuwi ng hindi pumapayag si Antonio na makasal kay Viola!"I'm sorry,
Chapter 43"Mommy is not a gold digger!" Naiinis na sigaw ni Baby Liam."Ow, the bastard son of the gold digger?" Nakangising tanong ni Monica.At hindi ito nagustuhan ni Ainaliv. Pagdating sa kanyang kambal ay hindi niya kayang magpatalo! Ayaw niyang apihin ang kambal dahil mahal na mahal niya ang mga ito.At sariling Lola pa talaga ang humamak sa mga anak niya!"You're a bad Grandma!" Galit na sigaw ni Baby Xander.Naunahan pa si Ainaliv ng mga anak.Good job boys! Sigaw ni Ainaliv sa kanyang isipan.Magsasalita na sana siya pero naunahan din siya ni Antonio. She's proud and feel loved that her three boys loves her so much."Theya are not bastards. They are my kids!" Galit na sigaw ni Antonio."Ha! Talagang inangkin mo na mga anak itong mga bastardong bata?" Matalim ang dila ni Monica at hindi na ito nagustuhan ni Carmina. Ayaw niyang tumayo lang at pagmasdan na apihin ang kanyang anak at mga apo."Mawalang galang na Madam. Pero anak sila ni Antonio. At apo mo rin sila. Hinay-hin
Chapter 42Masayang nanood sina Ainaliv ng movie at ang kambal.Nang matapos na ang movie ay gusto pa manood ulit ng mga ito!"What? Tapos na ang movie kids. Umuwi na tayo." Naguguluhang sabi ni Ainaliv."I want to watch again!" Sigaw ni Baby Xander."Yes Mommy, me too. Let's watch it again." Sang-ayon ni Baby Liam."I want to eat fries and popcorn!" Masayang sigaw ni Baby Xander."Again? No!" Tanggi ni Ainaliv."I will watch the movie again Mommy." Malungkot na sabi ni Baby Xander."Grant his wish Mommy, ngayon lang naman ito." Si Baby Liam na walang ibang ginawa kundi tingin ng tingin sa kanyang cellphone.Kailan pa nahumaling si Baby Liam sa cellphone? Nagtatakang tanong ni Ainaliv.Binigyan nila ng cellphone si Baby Liam for emergency purposes at siya rin ang kuya sa kanilang dalawa ni Baby Xander. Mature na rin mag-isip ito. Noong dumating si Ainaliv galing Paris ay hindi naman niya nakikita si Baby Liam na laging gamit ang cellphone.Pero ngayon ay nagtataka siya dahil walang
Chapter 41Nakulong si Larry at tinupad naman ni Antonia ang pangako na magdurusa si Larry sa kulungan ng dahil sa ginawa niya kay Ainaliv. Nang araw na yon ay gutom na gutom si Ainaliv ng magising siya. Talagang inuhaw at ginutom siya ni Larry. Kaya, dapat lang itong magdusa. Masakit man sa kalooban ay lumipat na naman ng bagong bahay sina Ainaliv. But this time ay si Antonia ang gumastos. No choice naman siya kung hindi tanggapin ang offer ni Antonia to start a new life at iwanan ang bagong bili na bahay at ni rentahan na opisina. Dahil pag-aari ni Larry ang mga ito! Masakit lang sa kanyang kalooban dahil hindi rin biro ang perang ginamit niya para makabili sila ng bagong bahay. Pinaghirapan niya yon.Hindi niya nalang dinibdib ng todo dahil baka ikasama pa ng kalusugan niya. Sana lang ay hindi magsawa si Antonia. Bulong ni Ainaliv."Hoy baliw! Ano ang iniisip mo diyan?" Biglang sumulpot si Antonia sa kanyang likuran at muntik niya na itong masipa dahil nagulat siya! "Kainis
Chapter 40Sasabog na sa sobrang galit si Antonia habang hinihintay ang mga police at ang General na kilala niya. Pero wala pang dumating ni isa sa mga ito."You should calm down, Daddy." Sabi ni Baby Liam."I know baby, Don't worry I'm still okay." Sagot ni Antonia.Hindi na siya mapakali ng marinig ang sinabi ni Larry na I'm coming. Baka kung ano ang gawin nito kay Ainaliv. Hang in there Ainaliv. Bulong ni Antonia.Habang si Ainaliv ay nakahanap na ng pagtataguan pero natunton parin siya ni Larry!"My Lady? Come with me. You should eat and drink. Alam kong pagod kana." Sigaw ni Larry."Kahit mamatay pa ako Larry. Never akong lalapit sayo!" Bulong ni Ainaliv.Hindi siya gumagalaw at kahit paghinga niya ay pinigilan niya upang huwag lang mahuli ni Larry."Yohoo! My Lady! Come with me!" Masayang sigaw ni Larry.Tahimik parin si Ainaliv at ayaw magpahuli. Yon nga lang ay mapagbiro ang tadhana at may mga daga na papalapit sa kanya!"Bwesit na mga daga!" Sigaw ni Ainaliv.At nanlaki an
Chapter 39Takbo lang ng takbo si Ainaliv na tila sumali lang siya sa marathon. Napapagod at humihingal na siya kakatakbo pero hindi parin niya makita ang daan palabas!"Bullshit! Bakit walang daan palabas?" Tanong ni Ainaliv sa kanyang sarili.Nagpasya siyang magpahinga muna dahil nauuhaw na rin siya at nakadarama na rin ng gutom.Nang biglang mag echo ang boses ni Larry sa buong paligid!"Mic test! Mic test!" Boses ni Larry na nasa speaker."My Lady, Can you hear me? Please, come back and let's eat. There's no exit, mapapagod ka lang. I prepared delicious food and fresh juice for you." Sabi ni Larry.Napalunok nalang ng kanyang laway si Ainaliv. Hinding-hindi siya babalik sa baliw na si Larry!"Imposibleng walang daan!" Galit na sigaw ni Ainaliv."Walang daan my Lady, I already told you. You will come back to me, hehe." Nakangising sagot ni Larry.Napatingin si Ainaliv sa paligid pati sa itaas. Hinahanap niya kung may CCTV camera ba. "Walanghiya ka! Kung alam ko na baliw ka ay hi