Share

Chapter 2

Author: Yaree
last update Huling Na-update: 2021-09-12 16:00:45

Napabalikwas ako ng bangon.Masyado na palang tirik ang araw.Natitiyak kong late na ako sa trabaho.Dali dali akong bumaba ng kama at dumiretso ng banyo upang maligo.Siguro napuyat ako kagabi dahil sa pagtataboy ko kay Diego.Ayaw kasi nitong umalis.Masyado itong mapilit na patawarin ko.Hindi rin makapal ang mukha niya.Pagkatapos niya akong saktan? Kung ano man ang hirap na nararanasan niya sa ngayon, ay sa tingin ko deserve niya iyon.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako.Hindi na ako nag-almusal pa dahil tiyak kong lalo akong male-late sa trabaho.Subalit, pagbaba ko hindi ko nanaman inaasahan ang makikita ko.Dali-dali akong humakbang palapit kay diego upang kumprontahin ito.

"Sino ang may sabi na pakialaman mo ang kusina ko?" 

Kaagad naman itong lumingon subalit naroroon parin ang lungkot sa mga mata nito.

"Wala naman, naisip ko lang na lutuan ka ng paborito mong sinigang sa miso." Anito at alanganing ngumito.

Tumaas ang kilay ko.

"Talaga? Kailan mo pa ako ipinagluto?kahit kailan hindi ko naramdaman na minahal mo rin ako Diego," wika ko sa medyo may hinanakit na tono.

"Kaya nga ako bumabawi di'ba?bumalik ako para humingi ng tawad at pagsilbihan ka bilang asawa ko."

Parang umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa sinabi nito.

"Too, late." saad ko.

Yumuko ito.

"Kahit isang milyon ko pang sabihin ang salitang sorry, hindi ako mapapagod." malungkot nitong saad.

"Wala akong pakialam." mariin kong wika.

"Kumain ka na." Anito habang inilalapag ang mainit pang sinigang sa miso.

Napako ang paningin ko sa pagkaing nasa mesa.Ilang taon kong pinangarap ang ganun pero, bigo ako.Tapos ngayon niya gagawin ang bagay na iyon, kung kailan wala nang halaga saakin ang mga iyon.

"Kumain ka mag-isa mo." sabi ko at tinalikuran na nga ito.

"What? muling nagparamdam sa'yo si papa Diego? Hindi makapaniwalang tanong ni Joy.Naikuwento ko kasi ang muling pagpapakita saakin ni Diego.

"Oo." tipid kong sagot habang hawak hawak ang blueprint at ipinatong iyon sa table ko.

"O ano naman ang sinabi mo? Ano ba ang dahilan ng pagbabalik niya sa buhay mo?" Usisa ni Joy.

Bumuntong hininga ako at tumitig sa malayo.

"Humihingi siya ng tawad dahil saka pa niya na napagtantong mahalaga pa pala ako sa buhay niya." matabang kong wika.

Tila bigla namang naging interesado si Joy.Mas lumapit pa ito sa kinaroroonan ko.Wala talaga itong inuurungan basta tsismis ang pag-uusapan.

"Tapos ano, pinatawad mo ba?

Umiling ako.

"Akala ko ba hindi ka na galit sa kanya? o bakit hindi mo pa siya napatawad? 

Hindi ako sumagot.

"Alam mo, may galit ka parin na ikinikubli diyan sa puso mo." Seryoso nitong wika.

Napabaling naman ako dito.

"Paano mo nasabi?"

"Kasi, kung hindi ka na galit, ay handa mo nang patawarin siya.Kaso, kabaliktaran e hindi mo pa siya mapatawad kasi galit ka parin sa kanya kahit hindi mo sabihin." 

Sa totoo lang naguguluhan ako.Ilang beses kong kinapa ang dibdib ko kung may galit pa ba ako towards Diego pero wala akong nararamdaman.Subalit, sa tuwing nakikita ko ang mukha nito tila ibinabalik nito ang nakaraan.

Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay, nasa isipan ko parin ang mga sinabi saakin ni Joy kanina.

Umiling ako at ipinagpatuloy ang pagbubukas ng gate.

Ilang sandali lang ay, natigilan at napahinto ako sa paghakbang ng makitang kaydilim sa loob ng bahay.

"Ate soni," Tawag ko sa isa sa mga katulong.Pero walang sagot.Humakbang ako palapit sa pintuan at kinapa mula sa bag ko ang susi niyon.

Subalit biglang nahulog ang susi kaya nahirapan akong kapain iyon.

"Ay kabayong malandi!" bulalas ko ng makapa ang isang kamay.Kamay iyon ng isang lalaki natitiyak ko.

"Nagkaroon ng power interruption." Wika ng pamilyar na boses.

Tila biglang uminit ang ulo ko ng marinig ang pamilyar na boses ni Diego.Bakit nandito nanaman ito sa bahay ko? 

"What are you doing here?" iritado kong tanong habang pilit na kinakapa ang cellphone ko sa loob ng bag ko upang i-on ang flashlight.Subalit nauna na itong buksan ang sariling flashlight sa cellphone.

Lalo akong naalibadbaran ng makita ang napakaguwapo nitong mukha.

napakaguwapo? no way!"

"Naisip ko lang samahan ka lalo at madilim," seryoso nitong wika.

"Hoy! hindi na ako bata! hindi ko kailangan ng pangit na kasama!" asik ko.

Nakita kong napangiti ito kaya mas lalo akong nainis.

Nang sa wakas mahanap na nito ang susi, ito na mismo ang nagbukas ng pinto.Inalalayan ako nito na makapasok sa loob.

"Alis na!" pagtataboy ko ng mapansing pati sa loob ng kwarto ko ay nakasunod ito.

"Puwede bang makitulog dito?" nakangising tanong nito.

Halos lumuwa ang eyeballs ko dahil sa sobrang inis.

"Hindi tayo bati kaya huwag kang feeling close!" inis kong wika.

Mabuti nalang at madilim kaya hindi nito nakita kung gaano nasira ang mukha ko dahil sa mga sinabi nito.

"I was just joking." natatawang saad nito.

Naramdaman kong humakbang ito patungo sa pintuan.Mukhang lalabas na ito.

"I'm sorry, I Love you."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sandaling marinig ang iniwan nitong mga katagang iyon bago nito lisanin ang kwarto ko.

Maya-maya ay biglang bumalik ang power ng kuryente.

Nakahinga ako ng maluwag.Bumaba ako para maghanda ng hapunan.

"Let's eat."

"Ikaw nanaman? kailan mo ba ako tatantanan? inis kong tanong kay Diego at mukhang ito pa ang naghanda ng hapunan.

"Pinagday-off ko ang mga katulong natin." 

Ang kapal talaga nito para iparamdam saakin ang presensya ng isang asawa! Feeling niya nagsasama parin kami para pakialaman niya ang desisyon ko.

"Katulong natin?" sarkastiko kong tanong. "Hindi na tayo mag-asawa Diego kaya wala ka nang karapatan saakin at lalo sa pangingialam mo sa mga desisyon ko! hindi ko sinabing pag day-off-in mo ang mga katulong!" nanggagalaiti kong wika.

Bumuntong hininga lang ito.

"Naiintindihan ko kung bakit ganyan nalang ang galit mo saakin,"malungkot nitong wika.

"Let's eat." Kapagkuwan ay wika nito.

Sinulyapan ko ang pagkaing nakahain sa mesa.Parang biglang kumulo ang sikmura ko ng makita ang masasarap na putaheng nakahain.

"No ayaw kong kasabay ka! mariin kong wika.

"Okay." anito.

"O bakit hindi ka pa maglaho?" inis kong tanong ng mapansing hindi pa rin ito umaalis sa harapan ko.

"Babantayan kita,"

Naiinis kong sinulyapan ito.Hindi ko na pinansin pa ang sinabi nito.Kumain ako kahit nasa harapan ko ito at nakatanaw.Wala akong pakialam! maglaway siya sa gutom!

"Akala ko ba gusto mong mapatawad kita? tanong ko ng matapos kong kumain.

Tila naging interesado naman ito kaagad sa sinabi ko.

"Oo so please forgive me."

"Okay but layuan mo ako." pinal kong wika at tinalikuran ito.

Biglang napalis ang mga ngiti nito dahil sa mga sinabi ko.

"Hindi ko kaya, Venice."

"Huh? talaga?" sarkastiko kong saad.

"Nakaya mo akong iwan noon Diego kaya nasisiguro kong makakayanan mo parin ito ngayon." mariin kong saad.

"Psst..! ipanatatawag ka ni sir June sa office niya ani Joy habang papalapit sa working station ko.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam."

Tumayo ako kaagad at nagtungo sa office ni sir June.Binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng mamataan ko si Diego mula sa loob.

"Come, here." ani sir June kaya agad akong humakbang palapit at umupo sa bakanteng upuang kaharap kay diego.Naramdaman ko ang pagtitig saakin ni diego subalit, hindi ko na pinansin pa iyon.

"We have a big project from a famous businessman," umpisa ni sir June. Magpapatayo sila ng Hotel and I need you two," turo ni sir June kay Diego at saakin.

"An excellent engineer needs an execellent Archetict too.At kayo ang naisipan kong magsama para sa project na ito." seryosong saad ni sir June.

Sa totoo lang, hindi ko talaga inaasahan ito.Parang bigla akong nawalan ng gana.Ayaw kong makasama si Diego sa iisang project.

"Akala ko po ba, naka-asign si Diego sa makati branch? kunot-noo kong tanong.

"Noon iyon Venice.Since inilipat ko naman sa ibang branch ang isa sa magaling na engineer dito sa branch natin,Napagdesisyunan kong muling ilipat dito si Diego,"

Napaawang ang mga labi ko habang nakatitig sa mukha ni Diego.Bakas sa mukha nito ang labis na saya.

"I was glad for having my wife for this big project,"

Hindi ako makapaniwalang tumitig kay diego.Ang kapal talaga ng mukha nito.

"We're legally separated baka nakalimutan mo."

Pero hindi ako nito pinansin.

"Sir, baka puwedeng ibigay niyo nalang sa ibang archetict ang project na ito." baling ko kay sir June.

Kumunot ang noo nito.

"Alam kong may nakaraan kayo ni Diego, Venice.At gusto ko lang ipaalala sa'yo na, trabaho lang, walang personalan." mariing saad ni sir June..

"Don't bring up your past with your exhusband, while at work, it couldn't help."

Palihim kong sinulyapan si Diego.Nakangiti ito subalit nakayuko ang loko.Sarap hambalusin ng hayup na 'to.

"Huwag ka nang mamili Venice, let's be thankful dahil sa dinami-rami ng Engineer at Architect sa branch na ito, ay tayo ang napili ni sir." Kapagkuwan ay wika ni Diego.Inirapan ko lang ito at hindi na ako nagsalita pa.

"I think everything is clear, dismiss."

Halos magkapanabay pa kaming tumayo ni Diego.Saglit kaming nagkatitigan at ako na mismo ang unang nag-iwas ng tingin.

"Venice, let's talk." Ani Diego habang papasok ako sa isang elevator.Talagang hinabol talaga ako nito.

"Please patawarin mo na ako,"

Pero hindi ko ito pinansin.

"Please.."

"No." mariin kong tugon.

"Please hindi ako magsasawang magmakaawa para patawarin mo ako," nagsusumamong tumingin ito ng diretso saaking mga mata.

Nakita ko ang matinding lungkot at pangungulila mula sa magagandang mga mata nito.Pero hindi ko dapat pang pansinin iyon.

Nakita kong lumuhod ito sa harapan ko.Mabuti nalang at walang ibang tao sa loob ng elevator.

"Tumayo ka diyan diego! hindi bagay sa'yo ang lumuhod!! hindi ka kapani-paniwala!"

"Ano ba ang gusto mo para patawarin mo lang ako?" malungkot nitong wika habang nakaluhod parin.

"Lubayan mo'ko! iyon lang naman ang hinihingi ko! at kapag nagawa mo'yon ay mapapatawad na kita."

Labis na lungkot ang rumihistro sa mga mata nito.Hindi ko alam pero parang, unti-unting nahahabag ang puso ko.Pero hindi iyon maaari.

Wala siyang karapatang magtamasa ng awa mula saakin.Hindi siya naawa saakin noon kaya ipaparamdam ko rin sa kanya ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon.

Nakahinga ako ng maluwang ng biglang bumukas ang elevator.Patakbo akong lumabas at iniwanan si Diego.

Kinagabihan, umasa akong nandoon nanaman si Diego sa loob ng bahay ko katulad ng palagi nitong ginagawa lately.Subalit bigla akong nalungkot ng hindi ko ito makita doon.Dapat nga ay masaya ako.Siguro tinupad na nito anh hiling kong lubayan ako.

"Alam mo, kahit hindi mo sabihin, alam kong may nagkukubli paring sakit diyan sa puso mo."

"Nasasaktan ka parin, kaya hindi mo siya pinatawad.

Pabiling biling lang ako saaking higaan.Hindi ako makatulog kaya bumangon ako at nagtungo sa veranda.

Dumaan muna ako sa kitchen at uminom ng tubig.

"It's already eleven in the evening, ba't gising ka pa?"Halos mapatalon ako sa labis na gulat ng magsalita mula sa likuran ko si diego.Para talaga itong kabuti basta nalang sumusulpot.

"At saan ka naman dumaan at bakit nakapasok ka dito sa bahay ko?"Inis kong tanong at bahagyang lumayo.

"Bahay natin."

Natigilan ako.Oo nga pala tama ito.Kami kasing dalawa ang nag-plano sa bahay na ito noon.

"Okay, hayaan mo next month, aalis na ako dito para ikaw na ang tumira! maghahanap nalang ako ng matitirahan inis kong saad.

Napaatras ako ng makitang humakbang ito palapit sa kinatatayuan ko.

"You don't need to." anito habang nakatitig saaking mga mata.

Napalunok ako at hindi ko malaman ang sasabihin lalo na nung maramdaman kong malapit na pala ang mukha namin sa isa't-isa.

"What are you doing?" kinakabahan kong tanong ng makitang mas inilapit pa nito ang mukha sa mukha ko.

Tila natuod na ako doon sa kinatatayuan ko.

"I just wanna taste your sweet kiss." namumungay ang mga matang saad nito.

Awtomatiko akong napapikit.Tila may mahika ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi ko.Hindi ko maintindihan kung bakit tumugon ako sa mga halik nito.Ang alam ko, wala siyang karapatang gawin iyon.

"Hindi mo ako mauuto Diego!" wika ko at saka tinuhod ang p*********i nito dahilan upang mapaigik ito habang sapo ang bahaging tinamaan ng malalakas kong tuhod.

"Stop pretending Venice! I know you still love my kiss!"Anito habang nakangiwi.

"Eww!"

Kaugnay na kabanata

  • In The Name Of Love   Chapter3

    Dali dali akong bumaba ng building at tumungo sa garahe kung saan naroroon ang sasakyan ko.Katatapos lang namin ni Diego gawin ang project na ibinigay saamin ni sir June.Hindi maganda ang bungad ng araw na ito para saakin.Palagi kaming nagde-debate ni Diego maging sa oras ng trabaho. Nakakawalang gana ang araw na ito lalo at nakita ko nanaman ang gwapong mukha ng dati kong asawa. guwapo? saan galing iyon? Dali-dali akong pumasok sa loob ng sasakyan ko subalit, ganoon nalang ang labis kong pagkadismaya ng mapagtanto kong nasiraan ang sasakyan ko. "What happened? Maayos ka naman kanina." bulong ko bumaba ng sasakyan.Mas lalo akong nairita ng makitang flat ang gulong ng kotse ko. "Holy shit!! bakit flat? hindi naman ito flat kanina? ano ba ang gagawin ko? Medyo madilim na pauwe at wala akong masasakyan," "Need help?" Napabuga ako ng hangin ng marinig ang boses na iyon.Si Diego nanaman! basta nalang itong sumusulpot.Akala ko pa nam

    Huling Na-update : 2021-09-12
  • In The Name Of Love   Chapter4

    Naging abala ang araw ko ngayon dahil sa isang proyekto na gagawin ko sa Quezon City para sa renovation ng malaking eskwelahan.I am very thankful na hindi si Diego ang kasama ko sa proyektong ito.Natitiyak kong magbabangayan nanaman kami ng sungay kapag nangyari iyon. "Let's eat our lunch." narinig kong wika ni Engineer Leo, ang ka-partner ko sa proyektong katatapos lang namin gawin ngayon. Nakita ko kanina kung gaano nasira ang mukha ni Diego nung sabihin ni Sir June na si Engineer Leo ang kasama ko sa trabaho.Buti nga sa kanya.Alak kong nagseselos ito pero, wala akong pakialam. "Lunch na ba?" Natatawa kong saad. "Yes! Siguro, dahil sa kaiisip mo niyan sa Ex-husband mo kaya hindi mo namalayan ang oras." Natatawa nitong wika.Inirapan ko lang ito at saka humakbang patungo sa bakanteng mesa at kaagad na umurder ng pagkain.Naramdaman kong sumunod naman ito.Umupo ito sa bakanteng upuan paharap sa kinauupuan ko.

    Huling Na-update : 2021-10-15
  • In The Name Of Love   Chapter5

    Taas noo akong naglakad patungo sa working station ko.Ayaw kong tingnan ang bandang kinaroroonan ni Diego habang nasa working station nito ang binata at kausap si Sir June.Nilagpasan ko lang ang dalawa at binati ng goodmorning si Sir June habang pilit kong huwag dumako ang paningin ko sa guwapong mukha ng Ex-husband ko. subalit, sa gilid ng mga mata ko ay alam kong nakatitig saakin ang dati kong asawa.Wala akong pakialam sa kanya.Pagkatapos ng ginawa niyang paghalik saakin kahapon, hindi ko na siya kayang harapin pa dahil sa buweset kong sarili at nagawa akong ipagkanulo ng sarili kong damdamin kaya ako tumugon sa mga halik nito."Goodmorning girl!" si Joy na kararating lang din."Good morning too." sagot ko ng hindi nakatingin dito dahil sa inaayos ko pa ang mga kagamitan ko sa ibabaw ng mesa."Mukhang malakas yata ang tama ng isa doon." narinig kong wika ni Joy habang inginunguso ang kinaroroonan ni Diego.Napasulyap ako sa

    Huling Na-update : 2021-10-16
  • In The Name Of Love   Chapter6

    "This is too much, Diego!" galit kong wika sa kakambal kong si Diego.Ano ba ang kasalanan na nagawa ni Venice noon upang humantong sa ganoon ang pagsasama nila bilang mag-asawa.Sa nakikita ko kasi sa dating asawa nito, ay may malambot na puso para sa kanya at hindi niya deserve ang lokohin.Parang hindi ko na kayang ipagpatuloy ang gusto ng kakambal ko.Nakokonsensiya na talaga ako.Daig ko pa ang beteranong aktor kung umarte sa harap nito bilang katauhan ng kambal kong si Diego.Diego begged me to pretend as Venice's husband.I am Daniel, ang kakambal ni Diego na kailanman hindi gusto ng commitment in life pero, heto ako, trying to catch Venice bilang si Diego.Honestly, I really do not know why would I agreed my twin brother's wish."Please, I admit, pinagsisisihan ko na ang pang-iiwan ko kay Venice noon dahil mas pinili kong makasama si Anna, ang babaeng tunay kong mahal." ani Diego."Ano pa ba ang magagawa ng pagsisisi mo Diego?" t

    Huling Na-update : 2021-10-18
  • In The Name Of Love   Chapter 7

    "Sir Daniel, bakit niyo po kasama ang dating asawa ni Sir Diego?" Usisa ni Ruel isa sa mga pinakamagaling na chef sa pag-aari kong Restaurant. Katulad ng napag-usapan namin ni Venice kahapon, dinala ko ang dalaga dito para tikman ang mga putaheng masasarap subalit, hindi niya alam na na ako talaga ang nagmamay-ari ng Restaurant na iyon.Siyempre, ang buong akala niya ay Si Diego Baldecañas ang kasama niya araw-araw.Kawawang nilalang. "Just shut your mouth up, Okay?basta sabihin niyo lang na ako si Diego." wika ko at sinulyapan ang kinaroroonan ni Venice.Tahimik itong nakaupo sa isang bakanteng upuan habang naghihintay ng order naming dalawa. "Ano? Bakit naman po?" "Basta, it's a long story." Sagot ko atsaka nagpaalam upang balikan ang kinaroroonan ni Venice. "Hi, are you okay?" Kaagad naman itong nag-angat ng tingin. "Ofcourse!" maagap nitong sagot. Naghila ako ng upuan paharap dito. Napasinghap ako ng masi

    Huling Na-update : 2021-10-20
  • In The Name Of Love   Chapter 8

    "Hi goodmorning," bati ko sa babaeng nasa counter."Nandiyan ba ang may-ari ng restaurant na ito?" Naglaan talaga ako ng oras para makausap ang nagmamay-ari ng restaurant na iyon.Gusto kong pag-usapan kung ano ang problema at nagawa nitong siraan ang negosyo ko.I just want to clarify something at hindi rin ako galit kundi, gusto ko lang ng peace between us lalo at magkalapit lang pala ang parehong restaurant namin. For me, rivalry is common in bussiness pero, nasa desisyon ng mga costumer kung saan ang choice nilang puntahan o kainanan. "Yes sir." anito at may inutusan upang puntahan ang may ari ng restaurant na iyon.Ilang sandali lang ay bumalik na ito. "Sir, you can go to her office, this way sir." magalang na wika nito kaagad naman akong sumunod dito. "Nandiyan po si Ma'am sa loob hinihintay kayo."anito saka nagpaalam na at iniwan ako sa labas ng pinto ng opisina ng nag-mamay-ari ng restaurant na iyon. Kumatok ako ng tat

    Huling Na-update : 2021-10-22
  • In The Name Of Love   Chapter9

    "Guys, I have something important to tell." Ani Sir June.Nagtungo kasi ito sa Department namin dahil may iaanunsiyo daw ito. Natahimik naman skaming lahat para makinig. "Next week will be our 7th Anniversary and this will be held in Isla Paradiso." Ang islang iyon ay isa sa pag-aari ng mayamang pamilya ng Azarcon.. "Wow! Salamat naman at mabibigyan na kami ng pagkakataong makita ang kagandahan ng Islang iyon!" masayang saad ni Joy.Natuwa rin kaming lahat dahil sa totoo lang, pare-pareho naming gusto makapunta sa lugar na iyon.Balita ko, maganda raw doon at masasarap ang mga seafoods na inihahain." "Need ko na palang ihanda ang beach body ko ng bonggang-bongga!" si Joy. "Mapapa-swimming nanaman tayo nito!"Si Engineer Leo. "At asahan niyong naroroon ang iba pang empleyado ng branches ng Azarcon and Engineering Services." dagdag pa ni Sir June. Iyon lang inanunsiyo nito saka nagpaalam n

    Huling Na-update : 2021-10-25
  • In The Name Of Love   Chapter10

    "Kumusta?" Bigla akong napalingon ng marinig ang pamilyar na boses ni Diego. Pansamantala ko munang itinigil ang ginagawang pagpapalit ng gulong ng kotse ko. "Napadalaw ka?" Kuno't-noo kong tanong dito. "Masama bang dumalaw dito?" nakangiting wika nito. "Hindi naman." anito. "Nagpunta lang naman ako dito para sabihing, kararating lang nila Mommy galing states at hinahanap ka." Napangiti ako ng marinig iyon.Ilang taon ko na ring hindi nakikita sila dahil doon na ito nanirahan kasama ng pangalawang asawa na si Uncle Bernard.Simula ng mamatay si Daddy ay sa wakas ay nakakita na rin ito ng pangalawang pag-ibig.Dating may anak si uncle Bernard sa unang asawa at iyon ay si Sir June.Hindi kami gaanong kalapit sa isa't-isa unlike Diego.Nasanay kasi akong mag-isa.I learned myself from being independent hanggang sa mag-isa kong naitayo ang DB Filipino-food Restaurant ng walang hinihinging tulong mula sa pamilya ko. "Kumusta na nga pala k

    Huling Na-update : 2021-10-26

Pinakabagong kabanata

  • In The Name Of Love   Chapter 35 -Ending

    Chapter 35 Nagkapatawaran na kami ng Ina ni Daniel. I was suprise dahil sa biglang pagsulpot ng mga ito sa bahay. "Thank you for forgiving us, Venice." maluha-luhang wika nito sabay yakap sa akin. "Matagal na po iyon at wala na po iyon. Sa totoo lang, gusto ko po talagang magkaayos tayo noon pa man, per.. "Hindi kita binigyan ng pagkakataon," putol nito sa sasabihin ko. Tipid akong ngumiti at kumawala mula sa mga yakap nito. "Ang mahalaga, okay na po tayo ngayon," "Mom, babe, hinahanap na kayo ng birthday boy natin," Ang nakangiting si Daniel ay papalapit sa amin. Ito ang unang kaarawan ng anak namin ni Daniel. At ngayon ay magaganap ang simpleng handaan. Friends and neighbors ang imbitado sa kids party na magaganap sa tapat ng bahay kung saan, may mumunting Hardin na naroroon. "Masyadong excited talaga itong apo ko, masyado pang maaga para sa selebrasyon," naiiling na wika ng aking biyenan. Nagkatawanan lang kami ni Daniel. "Mag-usap na muna kayo diyan, ako na muna ang

  • In The Name Of Love   Chapter 34

    I could see the gleam in Daniel’s eyes as he watched my entirely naked body. He was at the top of the bed while watching me slowly stepped towards the bed. I heard his heavy sigh. I also couldn't help the strange heat I felt while staring at his naked body as well. My eyes landed on the object standing between his thighs. It was hard and long, the reason to further enslave me now the heat I feel. Hindi pa man ako nakakalapit sa kinaroroonan nito, nauna na itong bumangon at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Ramdam ko ang kahubaran ng aming mga katawan. Ramdam ko rin ang simpleng pagtudyo ng pagkalalaki nito sa hiyas ko. He gently kissed my lips, down to my neck. I groaned and moan as I encircled my arms to his neck. Pabalik-balik ang mga labi nito sa aking labi at leeg tila isa itong asong may gustong hanapin at amuyin. Bumaba ang mga labi nito sa mauumbok kong dibdib. Pinaglaruan ng dila nito ang mga u***g ko dahilan upang mas lalong lumakas ang aking pag-ungol. Maybe he co

  • In The Name Of Love   Chapter 33

    Chapter 33"Ano ba? Bakit ka ba pabalik-balik dito sa bahay?" inis kong tanong nang pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na sa pagmumukha ko ang mukha ng babae ni Daniel at hindi ko alam kung paano ito nakapasok. Hindi ko kasi narinig na tumunog ang doorbell sa labas."Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita si Daniel!" mariin nitong saad. "Alam kong itinatago mo siya sa akin!" "Hoy! huwag mo akong pagbebentangan dahil wala akong alam sa sinasabi mo," "Sinungaling! Hindi ka aamin ha?" nanggagalaiting singhal nito sabay sampal sa mukha ko. Pakiramdam ko nalaglag lahat ng mga ngipin ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito. Parang nagdilim ang paningin ko dito kaya, walang babalang sinugod ko ito at ubod lakas na hinila ang buhok. Nakapanggigigil isudsod ang pagmumukha nito sa sahig."Get off me!" sigaw nito habang pinipigilan nito ang mga kamay ko na isudsod ang pagmumukha nito sa semento."Hindi ako papayag na pinagbebentangan ng kung sino-sinong kabet lang. Ngayon, k

  • In The Name Of Love   Chapter 32

    VENICE Nakakunot ang noo ko habang pababa ng hagdanan. Kanina ko pa hinahanap si Daniel pero hindi ko makita. Sobrang tahimik ng bahay ni ang parents nito ay hindi ko rin nahagilap kagabi, hindi ko alam kung bakit. "Good morning," bati ko sa kusinerang abala ngayon sa pagluluto ng agahan. "Ay good morning, ma'am. Wait lang po ha, medyo maya-maya pa ito maluluto." anito. "Ay okay lang po, hindi pa naman ako nagugutom. Hinahanap ko lang si Daniel at ang mag-asawa kong biyenan?" Mabilis nitong hininaan ang laki ng apoy sa gas range. "Hindi po ba nagpaalam sa inyo kagabi, umalis po siya kagabi. Magpapalamig lang daw po siya," Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa mga sandaling iyon. Napaisip ako kung ano ang nagawa kong kasalanan at halos lumuwa ang mga mata ko ng maalala ang ginawa ko dito kagabi. "Kasalanan mo ito, Venice!" palihim kong sermon sa aking sarili. "S-saan po ba siya pupunta? Baka po nabanggit niya?" naiiyak kong tanong. Saglit itong nag-isip tila pinipilit hagi

  • In The Name Of Love   Chapter 31

    Chapter 31 "Are you done?" Daniel shouted outside my door. "Y-yeah!" taranta kong tugon habang pinagmamasdan ko ang aking kabuuan sa harap ng salamin. Ang ganda-ganda at talagang bumagay sa akin ang gown na napili ni Daniel. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at nailang ako dahil sa kakaibang mga titig ni Daniel sa sout kong gown. "You're beautiful!" pabulong lamang iyon pero hindi nakaligtas sa pandinig ko. I averted my gaze as I saw him slowly approach me. It was as if there's a tiny electric current touched every fiber of my vein as he took my hand and gently kissed them. Hindi ko alam pero ramdam ko ang kakaibang saya ngayon. Ano ba ang ibig-sabihin ng mga ipinapakita niya sa akin? "D-Daniel lumabas ka na! Susunod na ako. B-baka makita ka pa dito ng gi-girlfriend mo," "What if don't want?" namumungay ang mga matang tugon nito at muling h******n ang aking mga kamay. Napanganga ako dahil sa naging tugon nito. "I wanted to be with you, right here, right now." halos

  • In The Name Of Love   Chapter 30

    Chapter 30 Dumating ang tatlong araw biglang umuwi sa Pilipinas ang momy at Uncle Bernard ni Daniel. Tumulong ako sa paghahanda para sa welcome party na magaganap mamaya sa malaking bahay ni Daniel. Mula sa paglilinis hanggang sa pagba-bake ng cakes at cupcakes ay inilaan ko ang Oras ko para doon. Katulad ng inaasahan ko, hindi ako kinakausap ng mag-asawa at alam kong galit na galit pa rin ang mga ito sa akin. "I don't know kung anong pumasok sa kukute ng anak kong si Daniel kung bakit kinailangan pa niyang patirahin ka dito sa pamamahay niya," Napatigil ako sa ginagawa kong pag lalagay ng strawberry icing sa malaking cake, nang marinig ko mula sa aking likuran ang boses ng aking mother in law. Kinabahan ako ng marinig ang mga yabag nitong papalapit sa kinaroroonan ko. "Malandi at twin hunter!" Hindi ko ito pinansin. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko ang mga mata ko. "Pipi ka na ba ngayon pagkatapos mong magloko?" Sarkastiko nitong tanong. Tumikhim ako at dahan-dahang itong

  • In The Name Of Love   Chapter 29

    Chapter 29 Tahimik lang akong nagdidilig ng mga halaman dito sa labas ng bahay. Simula nang makatuntong ako dito sa poder ni Daniel, nakaugalian ko na rin ang gumawa ng mga gawaing bahay. Nakakahiya din naman kasi kapag wala akong gawin baka masumbatan pa ako. Masaya pa rin naman ako kahit papaano na napunta ako dito dahil sa wakas, malaya ko nang nalalapitan ang anak ko. Para sa anak ko, handa akong magtiis. Pakanta-kanta pa ako habang nagdidilig ng mga halaman ngunit, napahinto ako ng biglang may bumusina sa labas ng gate. Siguro si Daniel na iyon. May pinuntahan kasi ito sa kaniyang restaurant sa pagkadinig ko kanina, hindi ito magtatagal at tama nga ito dahil ngayon ay alam kong siya na ang bumubusina sa labas. Nagpatuloy pa rin ako sa pagdidilig dahil may guards naman na magbubukas doon. Nang makarinig ako ng mga yabag, dahan-dahan akong lumingon upang batiin ito ng good morning ngunit, para akong namagneto ng mapagtantong, may kasama pala ito. Isang babae. Maganda at matangk

  • In The Name Of Love   Chapter 28

    Chapter 28I woke up without Daniel by my side. Hindi ko maiwasang malungkot dahil, kahit inangkin niya ulit ang katawan ko, alam kong hindi nagbago ang damdamin niya sa akin. He still hate me.Dahan-dahan akong bumangon mula sa I ibabaw ng kama at mabilis na pinulot ang nagkalat kong damit sa sahig.Nagtungo agad ako sa banyo at naglinis ng katawan. Hindi ko malilimutan ang mga nangyari kagabi. Sa paraan ng pag-angkin niya sa katawan ko, ay alam kong wala na siyang natitirang na pagmamahal ni katiting.Pagkatapos kong maligo, kaagad din akong bumaba at nagtungo sa sala. Gusto kong kausapin si Daniel dahil hindi naman namin napag-usapan ang kasunduan naming dalawa dahil sa nangyari.

  • In The Name Of Love   Chapter 27

    Chapter 27Siguro mga ilang oras kong pinakatitigan ang calling card na ibinagay sa akin ni Daniel kagabi. I'm undecided if I will take his offer. Pero gusto kong makasama ang anak namin. And I'm still hoping na magkaayos kaming dalawa.Later on, I found my self dialing the number he has given me. Ilang sandali lang ay may sumagot sa kabilang linya."G-good morning," nag-aatubili kong bati. Pinakinggan kong mabuti kung anong sasabihin niya."Decided ka na ba?" diretsahang tanong nito na hindi pinansin ang pagbati ko.I bit my lower lips and tries to hold back my tears. Ang sakit na nagkakaganito na kami sa isang iglap.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status