Share

35

Si Chad ang focal person sa opening ng hotel kaya natural na nagiging busy ito sa nalalabing araw bago ang grand opening ng hotel. Kabababa pa lang nila ng Bukidnon ay trabaho kaagad ang inatupag na may kinalaman sa opening ng hotel. Sinundot siya ng kunsensya dahil pakiramdam niya ay ninakawan niya ito ng mahahalagang oras. Hanggang kinabukasan ay hindi sila nagkikita. Sigurado siyang kabado ito subalit mas higit pa yata ang kaba niya.

“Miks, huwag na lang kaya akong tutuloy?” Nakumbinse niya si Chad na kay Mikaela na siya sasama at h'wag nang magpasundo.

Pinandilatan siya ng mga mata ni Mikaela. “Gaga! Sayang yang mamahaling damit at mga gamit na binili ni Chad para sa ‘yo, ‘no? At ang make up mo, pinaghirapan ko ‘yan kaya kailangan mong ibalandra.”

Sinipat niya ang kabuuan sa salamin sa dresser ni Mikaela sa silid nito. Ibang-ibang Nessa ang nakikita niya sa ngayon. Litaw ang makinis niyang balikat at bakat ang natural na hubog ng kanyang katawan na ang ku

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marilyn Nini
Amanda=makAMANDAg ......
goodnovel comment avatar
Evelyn Bernardo
ganda ng story...
goodnovel comment avatar
Abigail Punzalan
...️...️...️thank yoh miss.G...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status