34
She woke up with the most beautiful morning ever, with Chad preparing breakfast in her little kitchen. Nakasuot ito ng apron at nagluluto ng bacon. Natawa siya at mukhang maliit na sando ang apron sa katawan nito.
“Morning.” Sinenyasan siya nitong lumapit. Bago tumalima ay nagmumog muna siya. “Don’t worry. Kahit ikaw pa ang may pinakamabahong bibig, hahalikan pa rin kita.” Gamit ang kaliwang braso ay hinapit siya nito sa baywang. Napadikit siya sa tagiliran nito at tama nga siya, ang bibig niya kaagad ang hinanap nito. It was a light morning kiss.
“Saan ka naligo?”
“Sa labas.”
“Kinatok mo na lang sana ako.”
Ngumisi ito. “Nagpapagapang ka talaga sa akin, ‘no?”
Pinanliitan niya ito ng mga mata. Mahinang tawa lang ang naging tugon nito. Pinatay nito ang kalan at inilagak sa sink ang sandok na ginamit.
“Chad!”
Napatili siya nang parang bulak na buhatin Ni Chad at pinaupo sa edge ng mesa. Pumosisyon ito sa gitna n
Kilig for now Tears later PEACE.........
Si Chad ang focal person sa opening ng hotel kaya natural na nagiging busy ito sa nalalabing araw bago ang grand opening ng hotel. Kabababa pa lang nila ng Bukidnon ay trabaho kaagad ang inatupag na may kinalaman sa opening ng hotel. Sinundot siya ng kunsensya dahil pakiramdam niya ay ninakawan niya ito ng mahahalagang oras. Hanggang kinabukasan ay hindi sila nagkikita. Sigurado siyang kabado ito subalit mas higit pa yata ang kaba niya. “Miks, huwag na lang kaya akong tutuloy?” Nakumbinse niya si Chad na kay Mikaela na siya sasama at h'wag nang magpasundo. Pinandilatan siya ng mga mata ni Mikaela. “Gaga! Sayang yang mamahaling damit at mga gamit na binili ni Chad para sa ‘yo, ‘no? At ang make up mo, pinaghirapan ko ‘yan kaya kailangan mong ibalandra.” Sinipat niya ang kabuuan sa salamin sa dresser ni Mikaela sa silid nito. Ibang-ibang Nessa ang nakikita niya sa ngayon. Litaw ang makinis niyang balikat at bakat ang natural na hubog ng kanyang katawan na ang ku
“So, how did you end up being friends with my son, again?” Nagsisimula na si Amanda. Later on ay bobombahin siya nito ng mga katanungan at mauuwi iyon sa hindi magandang mga salita. This is Amanda. She looked down on her, ever since. Ang liit ng tingin ng ginang sa kanya. She was never worth a penny in her eyes. “Sa…sa trabaho po. Landscaper na po ako at ako ho ang gumawa ng exterior façade ng resort.” At least, may maipagmamalaki man lang siya sa babaeng maliit ang tingin sa kanya. Alam niyang may advance info na ito pero sinabi niya pa rin. Yes, desperada siyang tapunan man lang nito kahit na katiting na respeto. Napatangu-tango ito. “From being a tattoo artist to a landscaper,” she said while sipping her champagne, “pagbubungkal ng lupa naman ngayon ang pinagkakaabalahan mo.” However, respect was something she couldn’t freely get from the likes of Tita Amanda. Inaaba ba nito ang trabaho niya. “You and my son, is there something goin
Katok sa pinto ang nagpamulat sa mga mata ni Van. Hindi na niya namalayan na nakatulugan na pala niya ang pag-iyak. Nakadapa siya sa kama na suot pa rin ang party dress niya. Inot-inot siyang bumangon. ‘Di niya pinagkaabalahang ayusin ang magulo niyang buhok. Alam niyang si Chad ito. Kanina pa ito tumatawag ngunit himdi niya sinasagot hanggang sa pinatay niya ang cellphone. “Van!” Nagiging malakas na ang pagbayo nito sa pintuan. Binilisan niya ang paghakbang sa takot na makabulahaw ito ng mga kapitbahay. Kakatok na sana itong muli nang siyang pagbukas niya. Nabitin sa ere ang nakakuyom nitong kamao. He looked so serious, and concerned, as well. “I was worried about you.” Kaagad itong pumasok at sinalat ang noo niya. May pag-aalala sa mukha nito at boses nito. “Are you okay?” Pinilit niyang pintahan ng ngiti ang mukha. Kahit gustung-gusto na niyang magsumbong kay Chad ayaw niyang gawin. Ayaw niyang pumagitan sa mag-ina. She had brought enough trouble a
“Ano ba tayo?” Van was almost begging. Paulit-ulit na naaalala ni Chad ang tanong nito. Pati na ang luhaan nitong mukha. It pained him seeing her hurt that much. Lagi na lang itong nasasaktan nang dahil sa kanya. "Saka mo na lang ako balikan kapag alam mo na ang sagot sa tanong ko.” Pwede niyang i-insist na mag-usap sila ng gabing iyon. Pero sa malas ay kinailangan pa niyang bumalik kaagad ng Manila para sa isa pang proyekto na nangangailangan ng atensyon. Gumuho ang building na kakatayo pa lamang sa Pasig. Bilang chief architect, dapat ay naroroon siya, personal na inaasikaso ang problema. Natuklasan nila, mali ang pamamaraang sinusunod ng engineer na na-assign sa proyekto. Mabuti na lang at palagi silang advance sa lahat ng schedule ng construction project. Kapag may ganitong mga problema, may sapat na panahon pa para agapan. Sa lahat ng ginagawa niya ay buhos ang atensyon niya. Ngunit hindi maiiwasang lumilitaw na lang bigla ang m
“You were putting me into an ambush, Mom.” Literal na nagngingitngit ang kalooban niya. Naghihimutok siya sa ginawa ng ina. Ang mga kamay niyang kumukumpas sa ere ay pinanlilitiran ng ugat. He hated how his mother put him into such a compromising situation. “I am doing what is best for everyone.” Mataas na rin ang tono ng nanay niya. Nawala ang sa tuwina ay composed demeanor nito. “Alin, ‘yong pangunahan ang mga desisyon ko? Ang manipulahin ang buhay ko, ha, Mom?” Ang init sa ulo ay sumabog sa lahat ng parte ng katawan niya. naikuyom niya ang kamao. “You are so unfair, Mom.” Tumaas na ang boses niya. 'Di niya maiwasan. For the sake of the business ay umakto siyang okay kanina habang magkatabi sila ni Natasha. “Alam ko ang ginagawa ninyo. Pinipilit ninyong ipaglapit kami ni Natasha dahil akala ninyo magbabalik pa sa dati ang lahat. Well, I am so sorry to disappoint you, Mother, Natasha and I are way over. Hindi ko na siya mahal. Si Van na ang mahal ko ngayon.”
Van was nowhere to be found. Kung kailan sigurado na siya, saka naman mawawala ang mahal niya. Anim na buwan na rin ang nakararaan nang maglaho na lang ng basta si Vanessa. And there is no one he could blame than himself. Sina Mikaela ay walang masabi sa kanya. Sina Tatay Fernan at Nanay Vicky ay blangko sa mga nangyayari. Napagsalitaan pa siya ng mag-asawa nang tunguhin niya ang mga ito. “Ikaw pala ang dahilan kung bakit ang lungkot ni Nessa noong unang dumating sa amin. Kung hindi namin siya kinupkop ay baka kung saan na napunta ang batang iyon noong mga panahong iyon.” Halos duruin siya ni Tatay Fernan. Hindi siya umilag. Buong pagpapakumbaba niyang tinanggap ang lahat ng parunggit ng pamilya. "Sa pangalawang pagkakataon ay sinasaktan mo na naman siya. Wala ka na bang ibang alam gawin kundi maghasik ng lagim sa buhay ng Nessa namin?" Mahal na mahal si Van ng mga taong nakapaligid rito. Siya na lang naman itong nalalabing gago at b
41 “Tama na kaya ang mga ito, Erika?” Mula sa pagdidilig ng mga nakalinyang pananim sa malawak na bakuran ay napalingon siya sa mestisahing edad singkwenta y nueve’ng babae. Si Mrs. Cruz na hawak sa kamay ang nakaplorerang ornamental plant na kasalukuyan nitong nilalagyan ng pataba. Napangiti siya habang tinititigan ang engrossed na nakatatandang babae na para bang batang ngayon lang natutuhan ang panananim gayong gaya niya ay magaling sa paghahalaman. Parang bata kung umasta si Mrs. Cruz, kumbaga, young at heart. “Opo, Mrs. Cruz.” “Basta sabi mo okay na, Erika, go na ako.” Ang pangalawang pangalan niya ang mas pinili niyang gamitin ngayon. Parte ng pagbabagong buhay niya. It's been six months when she came to Iligan City. Dito, bagong adjustment na naman ang ginagawa niya, bagong pakikisalamuha at kahit papaano ay nalilinya sa landscaping ang bago niyang trabaho.Twice a week kung magpalit sila ng mga pananim kaya
42 ‘Di matantiya ni Vanessa kung gaano siya katagal nakatulog. Nagisnan na lang niya ang isang hindi pamilyar na silid. Bigla niyang natsek ang sarili. Ganoon pa rin ang damit na suot niya at wala siyang makapang kirot sa sarili. Katunayan ay maingat siyang nakukumutan habang nakahiga sa malambot na kama. Sino ba kasi ang kumidnap sa kanila? Wala pa naman siyang pang-ransom. Si Edward pa siguro, meron. Kung may savings man siya, magkano lang baa ng aabutin niyon? At kung ipatutubos man sa mga kamag-anak, siguradong walang pakialam ang mga iyon sa kanya. Napasabunutan niya ang kanyang buhok. Ano ba kasing kamalasang nangyayari sa kanya? Simpleng dinner lang naman sana ang pupuntahan nila ni Edward. “Edward?” Bigla siyang nag-aalala sa lalaki. Ano na kaya ang nangyari rito? Baka sinaktan ito ng mga barumbadong dumukot sa kanila. Dios ko. Lumabas siya ng silid at inilinga ang paningin sa paligid. Sa kabila ng kinasadlakang sitwasyon ay na
“Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa
Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo
Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s
Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi
47 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.
Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a
Mahigpit ang hawak ni Chad sa palad niya habang naglalakad papasok sa bakuran ng mansion ng mga Gregorio. Abot langit ang kaba ni Van. Ito ang pinakaunang beses na tumapak siyang muli sa pamamahay na ito. Everything seemed both familiar and unfamiliar. Habang nililibot ng tingin ang buong bakuran ay tila nanunumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga alaalang mayroon siya sa pamamahay na ito. Partikular na napatitig siya sa garden, doon sila madalas tumambay at walang habas na magkikuwentuhan ng kanyang lolo noon. Noong nagkasakit ito, madalas niya itong ipasyal sa garden at babasahan ng paborito nitong poetry. “Hey, everything’s gonna be fine, Love.” Assurance ang hatid ng init ng palad ni Chad na mahigpit na pinagsalikop ang mga daliri nila. "Do I look okay?" Inipit ni Chad ang takas na buhok sa gilid ng tenga niya at ikinulong ang mukha ng dalawa nitong palad. He lightly kissed her on her lips. “Hindi lang okay. You look pretty. The
44 Napakislot si Van nang maramdaman ang kirot sa gitna ng kanyang mga hita nang magising siya. Parang umiikot ang kanyang isipan nang magmulat ng mga mata. May pagbabago sa katawan niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mahinuhang h***d siya at nanakit ang kaselanan. Napangiwi siya nang tumindi ang kirot. Paano ba naman, niragasa siya ng hiya nang bumalik sa kanya ang lahat ng naganap kagabi lang. Kusa niyang ibinigay kay Chad ang lahat–lahat sa kanya, patunay ang pulang mantsa sa bedsheet, at hindi lang iyon iisang beses. Naulit iyon nang naulit. Iba-ibang posisyon. She cringed at the thought. Nakakahiya. Kailangan niyang makaalis dito kaagad habang nasa loob ng banyo ang sigurado niya ay si Chad. Sa kabila ng sakit ay mabilis ang mga kilos na nagbihis siya. Wala na siyang panahon para ayusin ang gusot na buhok. Ngunit akmang hahakbang na siya nang siyang pagbukas ng pintuan ng banyo. Ikinahon si Chad ng pintuan. Almost naked. Chad is still d
43 “Van.” She froze in time. Kilala niya ang tila nahihirapang boses na iyon. Mas lalong kilala niya ang pagyabong kaagad ng kakaibang pintig ng kanyang puso. No! It couldn’t be. Pero maaari ba niyang itatwa ang pamilyar na paninindig ng kanyang mga balahibo sa bawat beses na nasa malapit ang taong iyon? Kinurot niya ang sarili. Sinisigiradong gising at hindi siya nananaginip. Saka niya ipinikit ang mga mata pero nang dumilat siyang muli ay ganoong senaryo pa rin ang nakikita. “Van.” Masyado naman yatang mapagbiro ang tadhana. Mariin siyang pumikit ulit. Sa pagmulat niya ay sumambulat ang katotohanan. Her eyes welcomed that set of deep dark eyes painted with so much longing. Ang balbas sa mukha ay nagiging mas prominente pero hindi sa puntong nagmumukhang barumbado o kidnapper. Ang buhok ay medyo humaba rin. Si Chad nga ang ngayo’y nakatayo na sa kanyang harapan. May paghihirap na nakapinta sa mga mata nito. “Ikaw ang kumidnap sa