"Trey, what brings you here this early? Himala yata at maaga ka ngayon dito." Gulat na gulat si Ivory nang dumating ang kapatid ng asawa niya sa bahay nila. It’s not because she is not expecting him at all, but because she is not expecting him to come this early."Where’s Tyrone?" Seryoso na tanong naman ni Trey pabalik sa kan’ya imbis na sagutin ang tanong niya. Sa totoo lamang ay halos wala talaga siyang tulog dahil sa mga nalaman niya buhat kay Ion kagabi. "Naliligo lang at maaga raw siya na papasok. May problema ba?" Hindi maiwasan ni Ivory na mag-alala na naman lalo na at mukhang magtatalo na naman ang magkapatid, lalo na sa itsura ni Trey ngayon na parang away ang hanap. Hindi na rin niya alam kung ano ba ang malimit na pinagtatalunan ng dalawa, but she is guessing that it is because of her husband’s constant nagging at Trey."I need to talk to him.” Naupo si Trey sa may sofa at hindi na muli na nagsalita pa kay Ivory. Patuloy lamang din naman na nakatanaw si Ivory sa kan'ya at
"What?!" Hindi makapaniwala na tanong ni Ivory kay Trey habang namimilog pa ang kan'yang mga mata. Gulat na gulat siya sa sinabi nito sa kanya. Tyrone can never do that to her, or can he? "M-may kabit si Tyrone?""What?! Kabit?" Umulit ang tanong, pero sa pagkakataon na iyon ay hindi na kay Ivory nanggaling kung hindi kay Tyrone na mismo. Kunot na kunot ang noo niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa pagitan ng kapatid niya at kay Ivory. How dare Trey tell Ivory about his affairs? Nais niya nang sapakin si Trey ngayon din pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil ayaw niya na lalo lamang na maghinala ang asawa niya sa kan'ya.Agad naman na napatingin din sa kan’ya sina Trey at Ivory. Ivory is reflecting a very hurt expression on her face, while Trey seems to be enjoying every minute of this. "Si Tyrone ay may kabit. Hindi ba, Ty, bakit hindi mo aminin sa asawa mo ngayon?" Pag-uulit pa ni Trey kay Tyrone."T-tyrone?" Bakas na bakas ang sakit sa boses ni Ivory nang tawagin nito an
"Honey!" Hindi ko maiwasan ang sobrang saya at galak na naramdaman ko sa muling pagkikita namin ni Tyrone. It had been days since we last saw each other, kaya naman sabik na sabik ko siya na sinalubong dahil sa wakas ay nagpunta na siya sa apartment ko. Agad ako na yumakap sa kan’ya at siniil ko siya ng halik. "Sabi ko na nga ba at miss na miss mo na ako." Pagbulong pa niya sa akin sa gitna ng aming paghahalikan. "Miss na miss din kita, hon." Agad ako na kumunyapit sa leeg niya upang mas lalo na diinan ang halik. I miss him so much, and after all the stress and problems that we have encountered the past few days, being in his arms again is what takes my blues away."Akala ko ay hindi mo na ako pupuntahan." May bahid pa ng pagtatampo sa boses ko nang sabihin ko iyon. "Akala ko ay nakalimutan mo na ako."At ang sinabi ko na iyon ay ang mga katotohanan na hindi ko rin kayang tanggapin kung sakali na mangyari. Alam ko rin naman na higit ang epekto sa kan’ya ng mga pinagdadaanan namin, lal
Royce and I have been trying to keep a safe distance from each other, especially when it comes to work. Ang pagbisita niya sa akin sa set ang naging mitsa kung bakit nagkaroon ng pagkakataon na maghinala at malaman ni Trey ang relasyon namin, kaya naman pilit na namin na iniiwasan na magtagpo pa ulit kami kapag nasa trabaho.And as the good actress that I am, I am also trying my best to project a happy disposition after everything that has happened. Kung tutuusin ay masaya na rin naman talaga ako sa nakalipas na mga araw dahil kahit paano ay nagkaroon ako ng katahimikan. Hindi ko man inaasahan ay mukhang nakuha ni Trey ang mensahe namin sa kan’ya ni Tyrone. It seems that he now understands that we can't be stopped.Aaminin ko na hindi ko nagustuhan ang mga sinabi ni Tyrone sa akin na pagbabanta na ginagawa ni Trey sa kan’ya, at mabuti na rin lang na tumigil na ang kapatid niya sa pangungulit sa akin sa nakalipas na mga araw dahil hindi ko rin alam kung ano pa ang masasabi ko kay Trey k
And once again, I am faced with the man I don’t want to see or talk to at this moment. Bakit ba kailangan na patuloy na manghimasok ni Ashley sa gulo ng buhay ko? Ayaw ko na mainis sa kan'ya, pero iyon ang nararamdaman ko ngayon dahil sa malimit na pangingialam niya sa akin. If Ashley feels that she is helping me get through the situation, she is clearly mistaken because she is doing the exact opposite. Mas lalo lamang niya na pinalalaki ang problema ko, hindi lamang kay Trey, kung hindi pati na rin kay Tyrone."Rave, let’s talk." Pag-uulit ni Trey ng mga salita na iyon habang titig na titig siya sa akin. And those stares coming from him are making me weak in the knees. Iyon pa lamang ang nasasabi niya pero milya-milya na ang mga tumatakbo sa isipan ko. What does he want to talk about? Hindi pa ba nagsasawa si Trey sa senaryo namin na ganito? Alam ko na magtatalo lamang kami, kaya ayaw ko na rin talaga na makipag-usap pa sa kan’ya. Isa pa ay naiinis pa rin ako sa kan’ya sa mga ginagaw
"Trey, what brings you here?" Gulat na gulat na naman si Ivory nang puntahan siya ng kapatid ng asawa niya sa bahay nila. "May kailangan ka ba? Wala pa si Tyrone rito at ang sabi niya ay baka medyo gabihin siya ng uwi ngayon.""I know." Tipid na sagot na lamang ni Trey. Alam niya dahil narinig niya ang kapatid niya kanina nang tawagan nito si Raven, kaya alam na alam niya na gagabihin ng uwi si Tyrone dahil sigurado siya na makikipagkita pa ang gago na kapatid niya sa kabit nito. "I am actually here for you and not for him.""Ako? Bakit? Ano ang mayroon?" tanong na lamang ulit ni Ivory. Nagugulat man siya sa mga inaasta ng kapatid ni Tyrone ay hindi naman niya iyon binibigyan ng iba pa na kahulugan. Alam din naman niya kasi na hindi maganda ang samahan ng magkapatid sa mga nakalipas na araw. "Bakit mukhang problemado ka ngayon? Lovelife na naman ba iyan?""Ako pa ba ang magkaka-problema sa lovelife? Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo, Ivory. Art Reyson Lorenzo, pinakaguwapo
"Si Raven.""Anong si Raven?" Kumakabog ang puso ni Trey nang muli niya na tanungin si Ivory. Kung pagbabasehan kasi ang mga salita nito, lalabas na totoo na noon pa man ay kasintahan na ni Raven ang kapatid niya, at maaari na iyon ang rason sa sinasabi ni Ion na madalas na pagkikita ng mga barkada niya sa dalawa. Nagsisimula na rin na maghimagsik ang kalooban niya, lalo at naiisip niya ang sinabi rin ni Raven sa kan’ya na nauna na maging sila ni Tyrone kaysa kay Ivory. And it just shows that Tyrone has really betrayed him ever since. "Ang ibig mo ba na sabihin ay girlfriend ni Tyrone si Raven bago pa kayo ipinagkasundo sa kasal?"Namilog ang mga mata ni Ivory sa mga sinabi ni Trey at panandalian pa na natahimik ang babae habang nag-iba-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Siya naman ay takang-taka na pinapanood lamang ang mga reaksyon ng asawa ng kapatid niya dahil siya man ay naguguluhan kung ano ba talaga ang mga nalalaman nito."What did you say, Trey?" Pilit pa na nagsalita si Ivory
Kadarating lamang niya ay nanggagalaiti na naman agad si Tyrone sa kapatid niya dahil sa tagpo na naabutan niya sa pagitan ng asawa niya at ni Trey. Alam niya na hindi niya na dapat na binibigyan ng masama na kahulugan ang tagpo na iyon dahil alam niya na hindi iyon magagawa ng kapatid niya sa kan’ya, pero hindi niya lubos na maiwasan na hindi mangamba sa mga malimit na sinasabi ni Trey kay Ivory at ang madalas na pagpunta-punta ng kapatid niya para bisitahin ang asawa niya.Trey might have the connotation of being a playboy and a womanizer, but his brother is the exact opposite of those. Siya lamang din naman talaga ang patuloy na nagsasabi ng bagay na iyon dahil gusto niya na masira si Trey sa paningin ni Raven noon. At hindi siya tumigil, hangga't maging kilala ang kapatid niya sa bansag na iyon. He doesn't have a reason to feel jealous about what he saw because, unlike him, Trey wouldn't take anything that belongs to his, and that is with the exception of Raven, pero nang maabutan
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an
"Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin
Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon
Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n